CHAPTER 6:3

A/n: Please be better with the updates.

Reminder: Napakadaming typos.
______________________________________________





Is this for real? Naluluha ang kanyang mga mata.






Why does it feel so weird when in fact her feelings feel so right?







Kay tagal niyang hinintay ang mga oras na ito.






Gusto niyang aminin nitong nagkamali ito. Na ito ang dahilan kung bakit nasira ang kanilang pamilya.






Ang kanyang ina.






Si Vivian.






Pero wala. Tatlo sila, pero mas pinili nito ang negosyo. Puro na lamang negosyo.






And now?






Alam niyang may binabalak ito.






"Anak, I have a favor to you." Sinasabi niya na nga ba e.






"Pakasalan ko si Luke daddy? Dahil iyon ang mas ikabubuti ng kompanya?" Nakatayong tanong ko sa kanya. Medyo napataas na yata ang boses ko na nakaagaw sa ibang kumakain doon. Pinanlakihan siya ng mata ng kanyang ama.






"Chain! Its not for me. Para 'yon sa kompanya." Sambit nito na ikinasapo niya sa ulo.





"Jusko dad! Puro ka nalang kompanya, ang kompanya. What about my feelings dad?" Inis na tanong niya rito.







Sumabog na ang matagal niyang iniinda na sakit.







"Hija, didn't you love him before?" Tanong nito sa mas mababang tono.







"Dad, I love him before. That makes a difference dahil iba na ang mahal ko ngayon. Pakinggan niyo naman ako." Umiiyak na sambit ko sa kanya.






Tatangu-tango naman ito ngayon.






"One last question. Wala na ba talaga siyang puwang sa puso mo?" He asked na nagpahinto sa kanya.







Matapang siya umiling. "Wala na dad. Natakpan na ng pagmamahal ni Cedrick." I answered na ikinatango lamang nito.







Tila natalo naman ang kanyang ama pero walang ibang nagawa kundi tanggapin ang kanyang desisyon.







"Fine, bumalik ka na sa mansyon at para bumalik na ang iyong ina. I miss your mother and also you." Sambit nito bago tumalikod kaagad.







Naiiyak na nilingon niya ito ng paalis na ito mula sa restaurant.







Akala niya, hindi nito matatanggap.






Pero ama niya parin ito.







Hindi niya mapigilang mapaluha.







Her dad.







Para siyang nabunutan ng tinik kahit papaano.






Tinext niya si Cedrick para sunduin siya sa mismong lugar na iyon. Kaagad naman itong dumating at dinaluhan siya habang umiiyak parin.








"B-babe. Tahan na o." Sambit nito habang hinihimas ang kanyang likuran pero wala siyang magawa.






"B-babe." Sambit niya ng makapasok sila sa loob ng sasakyan bago ito hinalikan. Malalim ang kanyang ginawang halik. Punong puno ng pagmamahal at matagal. Gusto niyang makalimot.







Inumpisahan niyang tanggalin ang kurbata nito pero pinigilan siya nito.







"Babe."  Sambit nito habang dinala siya sa dibdib nito.








Doon niya iniiyak ang lahat.







Naiiyak siya. Nalilito na siya. Sobrang nilito na siya talaga. Napakawalang kuwenta niyang anak.







Bakit kailangan niyang masaktan ng ganito?








Dinala siya nito sa isang lugar na tahimik. Nahiga sila sa ibabaw ng kotse nito.






Nakaunan siya sa braso nito habang pinagmamasdan nila ang kalangitan.






"Anong klaseng ama meron ka?" I asked him.






"Mabait ang tatay ko, mapagmahal at gagawin ang lahat para sa kanyang pamilya." Kuwento nito na ikinangiti niya. Wala siyang karapatan na mainggit rito.








"Ang suwerte mo naman pala babe." Sagot niya rito. Hinalikan siya nito sa gilid ng kanyang labi na ikinakiliti niya.








"Alam mo babe. Gusto ko ring maging ama gaya niya. Gaya ng aking ama. Promise! Magiging mabuting asawa ako sayo at magiging mapagmahal na ama sa ating anak." Natawa naman siya sa sinabi nito.







"Talaga ba babe? Pangako mo 'yan ha." Sambit niya bago ito hinalikan sa pisngi nito.






"Bakit sa pisngi lang?" Tanong nito na ikinapula ng pisngi niya.






"Nakakadami ka na e." Sagot niya rito.






"Ganito na lang. Tanungin mo ako kung ilang anak ang gusto ko." Pilosopong suhestiyon nito na ikinalaki ng kanyang mata.






"Manyak! Ayaw ko nga baka mamaya manyakin mo pa ako e." Pang-aasar niya rito.






"Dali na babe. Huwag kj." Pakikiusap nito.





Sumeryoso naman siya bago muling tumingin dito.





"So ilan nga?" Napapikit siya pagkatapos sambitin ang tanong na iyon. Hindi niya alam pero bigla siyang nahiya.






"Huy babe. Tingin ka sa akin bilis." Utos nito.





"Ano?" I asked. Bago nga nakipagtitigan sa kanya.





Ang guwapo guwapo talaga nito. Napakasuwerte niya dahil naging boyfriend niya ito.





"Isang dosena." Sagot nito sabay hagikhik. Halos lumuwa ang mga mata niya sa narinig. Kinurot niya ito sa tagiliran nito.






"Sigurado ka ba jan? Balak mo talaga akong maging yaya ng mga anak mo. Ikaw pa nga lang ang kulit kulit na e." Sambit niya rito na ikinataas lamang nito.






"Oo naman." Sagot nito sabay kindat sa kanya.






"Aysus." Angal niya bago itinuon muli ang pansin sa langit.






Parang familiar ang ganitong scene a. Napalingon muli siya sa gilid niya kung nasaaan si Cedrick. Then she realized, hindi nga lang si Cedrick ang kasama niya noon.






It was Luke.





______________________________________________
END PART

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top