CHAPTER 5:5
A/n: You're in the end part of the story.
CHAROT!
______________________________________________
So iyon ang hindi niya nalaman ng mas maaga at dahilan kung bakit siya umasa sa wala.
She has a boyfriend already. And it was the great Luke.
Surely, kahit papaano ay medyo natuwa naman siya ng malamang iba ang kurso nito sa kanilang dalawa.
Simula noon, nakuntento na lamang siya sa palihim na pagsinta rito. Dahil ni hindi niya nga ito makausap dahil sa kasungitan nito.
Isang araw naging magkagrupo silang dalawa.
Nagulat siya ng kausapin siya nito at banggitin nito ang pangalan niya. Chain knew him. Akala niya hindi siya nag-eexist sa mundo nito yet at least she knew his name.
Simula noon, natuto na lamang siyang asarin ito para kampante siyang makausap ito. Isa pa, nakakatuwa kasi talaga itong maasar e.
At ngayon? Sino ba namang mag-aakala na sa kanya na ang babaeng ito. Kaya naman dobleng pag-iingat ang kanyang gagawin para rito.
Pangako niya iyan.
Nagising siya sa mainit na sinag ng araw. Nagulat siya ng makita itong nakaupo sa harapan niya at nakatitig lamang sa kanya habang nakangiti.
Hindi niya mapigilang mapangiti sa nahuli.
Pulang pula naman ito ngayon bago umiwas ng tingin.
"Magtotooth brush pa pala ako nuh." Pagpapalusot nito bago tumayo at nag-inat.
Kaagad niyang inabot ang kamay nito at pinigilan ito. Iniupo niya ito sa tabi niya at hinalikan sa labi nito.
"Bakit mo ako hinalikan babe? Bad breath pa ako." Hiyang hiya na sambit nito.
Hindi niya ito pinansin.
Napasimangot naman ito kaya naman hinalikan niya ulit ito.
Malalim.
Mapusok.
Hinihingal na hininto niyaa ang halik. Hanggang doon lang iyon sa ngayon.
"Puwede ka ng magtoothbrush." Pang-aasar niya rito.
Ipinakita naman nito sa kanya ang singsong habang nakangiti. Masaya siyang makita itong natutuwa sa proposal niya.
Inabot niya ang kamay nito at hinalikan ang daliri nitong may singsing.
"Thank you babe for loving me." Sambit nito sa mahinang tono.
"Don't take me. It's my heart's will." Nakangiting sambit ko.
"Basta thank you." Sambit nito habang mangiyak ngiyak.
Dinala niya ito sa dibdib niya at kinulong. Hinayaan niya ang kanilang sarili sa ganoong posisyon.
Pabalik na sila sa hospital ngayon. Tahimik lamang itong nakatingin sa labas ng sasakyan at pinagmamasdan ang mga tanawin sa daraanan.
Minsan, ginusto niya na ring pumasok sa isipan nito at malaman ang gumugulo sa isipan nito.
Inabot niya ang kamay nito at hinawakan.
"Babe..." Agaw niya sa atensyon nito.
"O babe.." Lumingon naman ito sa kanya.
"Next month, isasama kita sa probinsiya namin." Nakangiting sabi niya rito na ikinalaki ng mga mata nito.
"N-next month na?" Nauutal na tanong nito na ikinatawa niya.
"Bakit sasabihin mo na namang hindi ka pa rin ready?" Pang-aasar ko.
"Eheem. H-hindi a. S-sige ba." Nauutal na sambit nito kaya naman mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay nito.
"Its okay babe. Mabait ang pamilya ko. Welcome na welcome ka sa amin. Excited na nga silang makita ka e." Sambit niya na ikinamula nito.
"Okay babe. Sinabi mo e." Pagsang-ayon nito na ikinangiti niya.
Tuwang tuwa siya. Everything is going according to the plan.
Well, more likely God's plan for us.
Balang araw magkakaroon na rin siya ng pamilya kasama ito.
Hinalikan niya muli ang kamay nito sa tuwa.
"I love you babe!" Sambit niya habang nakatingin sa kalsada at palingon lingon rito.
"I love you more babe." Sagot nito na ikinalaki ng ngiti niya.
Sinong makakapagsabing hahantong sila sa ganitong sitwasyon?
Na magiging masaya siya kasama nito.
Hindi lamang magkaklase noon, magkakilala o magkatrabaho ngayon. Kundi nagmamahalan at magfiancee na.
Magkahawak kamay silang pumasok sa hospital ngayon.
"Good morning ma'am, Sir." Bati sa kanila ng gwardiya.
"Good morning din." Sagot nilang dalawa rito.
"Hey! Hey, hey!" Bigla na lamang sumulpot si Cassandra. Nurse nila sa hospital. Himala, maaga din itong pumasok ngayon kahit na mas gabi na ang mga itong natapos kagabi.
"Good morning be." Bati ng kanyang fiancee rito.
"Walang maganda sa good morning, makakita ako ng couple. Naiinggit ako. Omo!" Nakakatawa talaga ito.
"Makakahanap ka din ng Mr. Right mo." Nakangiting sambit ng nobya niya.
"Mr. Right is nowhere to be found. Siguro tama ka, hahayaan ko na lang siyang ako ang hanapin." Tawa sila ng tawa sa sinabi nito.
The hospital won't be too energetic without this woman.
"Paano kung natraffic siya?" Panggagatong niya rin.
"Oh well, I'm willing to wait. Basta ba darating siya on time. Hahahaks" Tawa na naman nito.
"Ewan. Una na ako babe." Paalam ni Chain sa kanya na tinanguan niya lang. Hinalikan niya ito sa noo bago pinakawalan.
Kalahating araw lang naman silang magkakahiwalay. Okay na 'yon. Makakapagtiis naman ulit siya bago makasama ito.
Naiintindihan niyang masyado silang busy bilang mga doctors. Araw araw madaming nangyayari at maraming pasyente ang mas higit nangangailanan ng kanilang atensyon.
"Chain's POV"
Masaya siyang nag-alaga ng kanyang mga pasyente. Wala e, inspired na inspired.
"Doc, kakaiba ang ngiti mo ngayon ha." Pang-aasar ng kanyang intern na tinawanan lamang niya.
No comment.
Kakatapos lamang nila umattend sa unang pasyente niya ngayong araw.
Aatend na sana siya sa pangalawa niyang pasyente ng madaanan niya ang nobyo sa kabilang silid. Inaasikaso ang pasyente nito.
Bakit ba ang macho tignan ang mga doctor na nanggagamot?
"Ehem! Doc, tara na bago pa matunaw si Doc Cedrick. Pfft." Pang-aasar sa kanya ng intern niya.
Medyo napahiya naman siya doon.
"Hindi siya ang tinititigan ko." Pagsisinungaling niya bago nagpatuloy sa paglalakad.
Last week lamang ito nagstart mag-intern ngunit close na close niya na ito.
Napakadaldal, minsan nga ginusto niya ng pasakan ng scotch tape ang bibig nito.
Kasing edad siguro ito ng kanyang kapatid.
Pagkatapos ng kanilang mga sessions sa umaga ay dumiretso siya saglit sa kanilang opisina.
Nadatnan niya ang kanyang nobyo doon kaya naman napangiti siya.
May pinag-aaralan ito. Marahil may operasyon ito ngayon.
"Babe.." Tawag niya sa pansin nito.
Napangiti naman ito ng makita siya bago siya nilapitan. Niyakap siya nito bago hinalikan sa noo at humirit pa sa labi.
"How's your day?" Tanong nito.
Napangiti siya. Sobrang ganda ng araw ko.
"Okay lang." I answered. Maya maya ay hinila siya nito papalapit sa table nito.
Nagulat siya ng makita ang pagkain sa gilid ng lamesa nito.
Aba! Nag-order na pala ito.
Napangiti siya dahil gutom na rin siya.
Pinagsaluhan nilang dalawa iyon.
"Masarap ba?" Tanong nito. Tumango lamang siya sapagkat puno na rin ang bibig niya. Ikaw ba naman subuan nito ng sunod-sunod.
"Kapag ako tumaba." Nakasimangot na sambit niya.
"Edi, ano naman? Mamahalin pa din kita. Handa pa din akong buhatin ka ng paulit-ulit." Sambit nito sa kanya sabay kindat kaya naman napahampas siya sa braso nito.
"As if!" Natatawang sabi niya.
______________________________________________
END PART
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top