CHAPTER 5:1
A/n: Here comes another update...
______________________________________________
Chain's POV
"What happened?!" I asked my sister when I saw her outside of dad's room while crying.
Seeing her at that rate broke her heart. Alam niyang ng mawala siya ay ito na ang mag-isang naiipit sa kanilang tahanan.
Mag-isang lumalaban sa depression na ito lang ang nakakaranas.
Sana mas pinili niyang manatili that time.
Pero noon, hindi niya pa kayang makita si Luke na walang kaalam alam sa kanyang nagawang kasalanan.
Bakit ba kasi sa dinami rami ng tanga ng mga oras na iyon, siya ang napuruhan?
Inalis niya na lamang sa isipan ang pangyayaring iyon.
What she hates about her dad was he being perfectionist.
Ni minsan, hindi nito kinonsidera ang opinyon ng ibang tao hanggat hindi pa nasusunod ang utos nito.
At iyon ang mas nakakainis.
Ilang araw na rin ang nakakaraan simula ng magising ang kanilang ama.
Ang masakit lang ay ng hindi siya nito ginustong makausap at makita.
"A-ate!" Humahagulhol ito ng iyak na tila may nangyari.
Hindi niya maiwasang kabahan.
"Si dad. He's working on with the business again. I don't know what to do anymore." Sagot nito na alalang-alala.
Ano ba naman kasing klaseng tao ang ama nila na lagi'y hindi maiwasang ibaba ang pride.
Maging siya ay biglaang namroblema sa inis. Makakasama iyon sa kalusugan ng kanyang ama. Panigurado...
Kaagad siyang pumasok sa kuwarto nito sa hospital. Naabutan niya itong kausap ang secretary nito habang nakatingin sa mga dokumento.
"A-ate!" Hinabol siya ng kapatid pero hindi siya nagpapigil. Tunay na nauubos na ang pasensya niya sa kanyang ama.
Napalingon naman ang kanyang ama at secretary nito sa kanya. Nanlaki pa ang mga mata nito. Marahil ay hindi nito inaasahan ang nagmamagaling nitong anak na masilayan sa hospital na iyon.
"Kagagaling niyo lang po sa operasyon." She started.
Kaagad naman nitong ipinagpatuloy ang pagbabasa at inisnab siya.
Aray naman dad.
"You need to rest at least one month for you need to gain your strength again before thinking about business." Paliwanag niya rito.
Napapikit siya ng hindi man lang siya nito magawang lingunin.
Dad, do you hate me that much?
Are you even happy that I didn't able to see you for a long time? And now you're snubbing your daughter?
Napasapo siya sa kanyang ulo.
Maging ang kanilang mayordoma ay walang magawa para awatin ang kanyang ama.
"I don't need you here lady. Go out of this room." Utos nito sa kanya.
Nanginig siya sa sinabi nito sa galit.
He didn't need me? He didn't need his daughter? Fine! But I'm his doctor and I'm supposed it makes difference.
"But I am your doctor." I defended myself.
Napatahimik naman ito kapagdako.
"Fine. I'm going home." Sambit nito sabay tango sa kausap nito.
Napakuyom siya sa kanyang kamao.
Fuck this life!
"You need to stay here for a while s-sir." I said. I'm still trying to make him stay.
"I don't want to spend my time in this useless place." Sambit nito.
Fine! That's final. Ubos na rin ang bala niya sa masyadong matigas na kalooban ng kanyang ama.
Pakiramdam niya, mas pinalala niya pa ang sitwasyon.
Napalingon siya sa kanilang mayordoma na sinenyasan siyang hayaan na ang kanyang ama.
Hinila niya naman ang kanyang kapatid palabas doon.
"Ate, I'm sorry." Hinging patawad ng kanyang kapatid na ikinailing niya lang.
"Why are you sorry? Wala kang dapat ikahingi ng tawad ha." Sambit niya rito kahit na nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata.
"A-ate!" Naiiyak ding sambit nito.
"Don't worry too much sis. Lilipas din ito. If dad don't really want me back? It would be totally fine as long as bumalik na si mama." Sabi niya rito.
She said that because it were all true.
Marahil nasanay na rin siya.
All her life, her dad always had something to hate her.
Hindi siya kaproud proud.
Inilista niya ang dapat inumin ng kanyang ama.
"Bilhin mo 'to. Make sure na makakainom si daddy on time ha." Pagpapaliwanag niya rito na tinanguan lamang nito.
"Halika nga rito." Niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi nito.
"Huwag kang magpapakunsimisyon kay daddy. Tama na ako bilang kunsimisyon niya okay? Ikaw nalang inaasahan nun." Sambit niya rito na ikinaiyak lalo nito.
"Huhu ate, ang tigas kasi ng ulo ng tatay natin e. Ang sarap ibalik sa sinapupunan ni Lola." Nagawa pa nitong magbiro.
Pinalo niya ito sa braso habang natawa na rin.
"Huwag kang ganyan, baka bumangon bigla si Lola at ikaw ang ibalik niya sa sinapupunan ni mama." Natatawang sambit niya rin.
Hayss.
Namiss niya 'yong ganito lang sila ng kapatid niya. Casual magsalita at mag-asaran.
Kahit na minsan, puno pa iyan ng iyakan.
"Saglit lang ate, tawagan ko lang si manong Kanor." Paalam nito habang idinial ang numero ng driver nila.
Magpapasundo yata ito kaya naman pinanuod niya lamang ito kausap ang matanda.
Habang pinagmamasdan niya ito, may napansin siyang pagbabago rito.
Blooming yata ito ngayon.
And her sister looks more matured now. Na ikinatuwa niya.
"Ate, I'm going back. Baka mas uminit pa ang ulo ni daddy kapag nagtagal ako." Paalam nito.
"Okay sis, ingat ka. Mag-iingat kayo. Si daddy, huwag mong pababayaan." Bilin niya rito na ikinatango lamang nito.
Nakahinga naman siya ng maluwag kahit papaano dahil alam niyang hindi pababayaan ng kanyang kapatid ang kanyang ama.
"Problem?" Nahinto ang kanyang pagmumuni-muni ng biglaang sumulpot ang kanyang nobyo.
"Wala naman." Pagsisinungaling niya rito. Ayaw niya na itong damayin pa sa problema niya. Sasarilihin niya muna sa ngayon.
"Wala na ba sila Vivian?" Tanong nito. Napatango siya.
______________________________________________END PART
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top