CHAPTER 3:2

A/n: As promised... Kinikilig ako kay Paulo. Wahahaha

______________________________________________





AFTER TWO YEARS





Chain's POV




"Woah! Omo! Look at those abs." Halos maglaway ang kapwa niyang doctor habang nagbabasa ng magazine.





Napailing na lamang siya at saka nagconcentrate sa pinag-aaralang larawan ng puso ng kanyang pasyente.





"Pahiram!" Inagaw ni Mikaela ang magazine dito kaya mas lalong umingay.







"Ano ba naman kayong dalawa. 'Yan na naman ang pinag-aawayan niyo." Puna ni Erick sa mga ito.








Ngunit hindi ito pinansin ng dalawang babae.








"What? Ikakasal na siya?!" Hindi makapaniwalang sigaw nito ikinalaki din ng kanyang mata.






"Woah! Kailan pa nagkaroon ng fiancee si Luke?" Naiiling na sambit ni Rhea









Nabitawan niya ang larawang hawak.








What? Ikakasal na ang ex niya?






Napalunok siya.












No.






Bakit masakit pa rin?





After two years... ngayon na lamang ulit siya nagkaroon ng balita tungkol rito at ngayon ikakasal na ito?








"She's so pretty, bagay na bagay naman sila o." Sambit ni Rhea.






"Kaya nga. Anlaki ng dibdib ni ate girl." Namamanghang sambit naman ni Patricia.








Kaagad siyang napatayo at nilisan iyon. Dumiretso siya sa banyo ngunit isang kamay ang humarang sa kanya.





Automatikong napangiti siya ng makita ang kanyang nobyo. Mas lalo yata itong guwapo sa ibang bansa.







"Iniiwasan mo ako?" Tanong nito sa kanya na naging sanhi ng pamumula nila.






"H-hindi a-a!" She defended herself.







"You're lying." Yumuko ito sa kanya at hinalikan siya sa kanyang noo. Napapikit siya.







Alam niyang nag-init ang kanyang dalawang pisngi dahil sa ginawa nito.








"Huy! Get a room dude." Parinig ng kanilang mga katrabaho sa hospital.







Hindi nila ininda ang mga ito. Niyakap siya nito ng mahigpit.








"N-nakatingin sila Ced." Nahihiyang sabi niya rito.






"I don't care. I miss you so much babe." Sambit nito. Napapikit siya ng tumagal ang yakap nito.





"Huh, magyayakapan nalang ba kayo Jan?" Pagpaparinig ni Rhea. Bitter, palibhasa walang syota.






Inakbayan siya nito pagkatapos at inakay palabas ng kuwartong iyon.







"How's your trip abroad?" Tanong ko sa kanya habang nakamasid mismo sa kanya.






Kinurot nito ang kanyang ilong bago siya sinagot. Hubby talaga nitong pakialaman ang mukha niya. Lalo tuloy siyang pumapangit.






"Okay naman. My parents were okay, they wanted to meet you." Huminto ito habang tinitigan siya.






"I'm sorry babe. Next time, isama mo na talaga ako so that I could meet them." Paghingi niya ng paumanhin dahil hindi siya nakasama sa pagpunta nito sa ibang states. Isang linggo lang naman ito nawala pero totoong namiss niya ito.






Nakalimutan niyang ngayon nga pala ang balik nito.





"Syempre naman dahil sa susunod, sisiguraduhin kong wala ka ng kawala sa akin." Pagbibiro nito.






"As if naman, may bago na ako sa oras na iyon." Pang-aasar ko sa kanya. Nahinuha niyang sumeryoso itong bigla. Muntik niya ng mabatukan ang sarili. Kung anu-ano ba naman kasi ang pinagsasabi niya rito.





"Huwag kang magbiro ng ganyan babe. Kahit na biro lang, ang sakit pakinggan." Sambit nito habang nakahawak pa sa bandang puso nito.






"Biro lang babe." Paghingi niya ng tawad.






Pero ramdam niyang nabawasan ang sigla nito kaya naman hinila niya ito at hinalikan sa labi.







Kaagad siyang naunang maglakad pagkatapos.






Nahihiya pa rin siya sa tuwing ginagawa niya iyon kapag magtatampo ito kahit na mag-lilimang buwan na sila ng lalaki.






"Saan tayo pupunta?" She asked ng makalagpas na sila sa main door ng hospital.






"Let's eat, isang linggo lang akong nawala nangangayayat ka na naman babe." Puna nito na aakalain mong alam na alam na nito ang sukat ng kanyang katawan.







"Mas lumalaki ang tenga ko kapag naririnig kong namayat ako." Nakangiting sambit niya rito.






Huminto ito at ginulo ang buhok niya. "Hindi mo na kailangang pumayat pa dahil kontento na ako sa kahit anong maging kurba ng katawan mo." Kinindatan pa siya ng loko.





"Talaga lang ha." Pinulupot niya ang braso kaliwang braso niya sa kanang braso nito.






Aaminin niya hindi ito mahirap mahalin kaya naman ipinangako niya sa sariling kakalimutan na ang nakaraan at mamahalin ito.







Hindi man ngayon...







pagdating ng tamang panahon.






Hinihintay niya sa lobby ang lalaki. Hindi naman sa pinaghihintay siya nito ngunit nasanay na talaga siyang hinihintay ito palagi at magpapahatid dito. Minsan naman, dumadaan muna sa isang restaurant para sabay magdinner.





Nakita niya itong pababa na sa escalator kaya naman automatikong lumarawan ang ngiti niya sa kanyang labi.






Sinong mag-aakala na ang lalaking ito na mahigpit niyang katunggali ay matagal nang pala siyang mahal.




Pagkatapos ng isang taong pagdamdam sa nabigong pag-ibig niya, matiyaga itong nanligaw sa kanya.





Kaya naman sinagot niya na rin ito.




Napakathoughtful nito at palagi siya nitong nirerespeto.





"Saan tayo?" Tanong niya rito.





"Let's eat dinner first. Gutom na ako." Angal nito habang kaagad siyang inalalayan sa paglakad.





"Inaantok na ako." Sagot ko naman.






"I'm sorry babe, pinaghintay ba kita ng matagal?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya ngayon.




Umiling siya. "Nope, babawi ka sa akin. Ilibre mo ako sa bagong bukas na restaurant. May unlimeat sila doon. He he." Yaya niya rito.




______________________________________________
END PART

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top