CHAPTER 2:5

A/n: It hurts but that's the reality.

______________________________________________




Naglakad siya papuntang condo niya.




Pero sa inis niya ay hinabol muli siya ng babae.



"What?!" I shouted at her.





"B-babantayan kita baka anong gawin mo sa sarili mo." Sambit nito na hindi makatingin.




What?!




"Go!" I shouted. Naiirita akong makita ang pagmumukha niya.




"May nakalimutan pa akong ikuwento." Sambit nito.



What are you trying to do?




Sumama ito hanggang sa condo niya.




Kumuha siya ng alak sa kanyang Fridge at binuksan iyon bago tinungga.





"Sabihin mo na. Para makalayas kana." Seryosong sambit ko bago nilagok ang bote ng alak.




Simula ng magbreak sila ng babae, hindi na nawalan ng stock ang fridge niya ng alak para pampatulog.




"Kilala mo si Cedrick?" Naagaw ang atensyon niya sa pangalan ng lalaki. Hindi siya nagsalita nakinig lamang siya.





"Ipinagpalit ka na siya sa lalaking iyon. And its true the she fell out of love on you." Sambit nito.





Matalim na napatingin siya rito.





"How could you tell that in the back of your bestfriend?!" Galit na sigaw ko.





"Dahil mahal kita Luke! Noon pa man mahal na kita. Inagaw ka lang niya sa akin. Alam mo 'yan Luke. Nagparaya ako but never this time. She didn't deserve you because I am the one who deserve you Luke." Lumapit ito sa kanya at sinubukan siyang halikan. Iniwas niya ang mukha.





The truth is Diana was her ex.







Alam iyon ni Chain.





"Stop Diana." I told her.





"I love you Luke. Always and forever. I had never stop from loving you Luke." Sambit nito.






She's being hysterical.






This time hinawakan nito ang kanyang pisngi kaya naman nahalikan siya nito. Mapusok, malalim at nanabik.






He never expected na hanggang ngayon ay may pagtingin parin ito sa kanya. Hinawakan niya ito sa dalawang kamay nito.






"Stop it Diana!" Sambit niya rito.






Tumayo naman ito. Akala niya aalis na ito ngunit nagulat siya ng pumunta ito sa kanyang harapan na hubot-hubad. Nanlaki ang kanyang mga mata.



She's obsessed.





"What are you doing Diana? Are you crazy?!" Bulyaw niya rito.






Lumapit ito sa kanya at niyakap siya bago nagpupumilit na halikan siya.







Hinawakan niya ang dalawang kamay nito bago pinulot ang mga nagkalat na damit nito sa sahig.





Hinila niya ito papasok ng banyo.






"Luke please..." Umiiyak na ito ngayon pero wala siyang pakialam.




"Isuot mo 'yang mga damit mo at umalis ka na pagkatapos o ipapatapon kita sa guwardiya." Banta niya rito bago padabog na isinarado ito sa banyo niya.





Galit na umalis siya sa kanyang condo. Pumunta siya sa bar at doon nagpakalasing.





May nangyari sa kanila Luke!





May nangyari sa kanila Luke!





Damn it!






Ilang bote na nga ba ng alak ang naiinom niya ngunit hindi niya parin makalimutan ang nalaman?





Is that even true? Sa hitsura ni Diana kanina mukhang nilalason lang nito ang utak niya.






He remembered that day. Dapat pala hindi nalang sumipot sa meeting na iyon at sinamahan nalang ito sa Boracay.







Sounds gay pero sobrang sakit dahil nirespeto niya ang babae ng buong-buo pero nawala lamang nito iyon sa isang gabi na kalasingan.







Nasasaktan siya hindi dahil sa ego niya kundi dahil sobrang mahal niya ito.







Maya maya ay dumating na rin si Edward. Isa sa mga kaibigan niya.







"You're late." Salubong niya rito.






"I'm sorry, but is anything wrong?" Tanong nito sa kanya habang tinungga na rin ang alak na inialok niya rito.





"Let's just drink first bro." Umpisa niya rito.







"Okay." Nakikisama lang ito sa kanya. Gusto niyang makipag-usap rito tungkol sa dinaramdam niyang bato na nakadagan sa puso niya ngunit napakahirap umpisahan.




Hindi niya alam kung nararapat lamang ba ibahagi iyon.






"Bro, balita ko may bago na raw si Chain?" Ito na mismo ang nag-umpisa.




Napailing siya.





Tinapik nito ang kanyang braso.





"Bro, lalaki tayo. Kung kaya nila, mas kaya natin. Guwapo ka, matalino. Move on bro." Sambit nito na ikinasapo niya lamang sa kanyang noo.





"I love her man. You won't believe me but she's the only woman I wanted for the rest of my life." Sambit niya.






"Nah. Forget her, just this day bro. I have someone for you." Kindat nito. Alam niya ang galawan nito. Matindi siyang umiling.





May binabalak ito.





He knew it.





"Huwag bro. Loyal lang ako kay Chain!" Lasing na sigaw niya.




"You need to forget even just this night bro. You're a man, right?" Hamon nito sa kanya.



"I'm the only man for her bro." Sagot niya rito.





Even if I'm not the only one for her anymore.





"I have a deal for you bro. Gaya ng dati. Just for fun." Umpisa nito.





"Bro." Seryosong sambit niya rito.






"Hahaha. Naku Luke. You're too serious. Tutulungan kitang makalimot pare. Halika." Inakbayan siya nito at itinayo.





"Saan tayo pare?" Bigla siyang nahilo doon.





"Easy ka lang pare. Malalaman mo din." Sagot nito bago muling tinapik ang likuran niya.



Ipinagdrive siya nito at hindi niya alam kung saan sila huminto. Basta hinatid lang siya nito sa isang silid at sinabihang maligo muna bago matulog. Aangal sana siya kaso nakalock na iyon.





What the!





Nilingon niya ang loob. Tama nga ang hinala niya. May tao sa loob ng banyo.





Gago talaga mga kaibigan niya.





One message received.




From Diana:




Laking gulat niya ng makitang larawan iyon ni Chain habang nakahiga katabi ang isang lalaki habang nakatapis ang mga ito ng kumot.




Damn it!





Naihagis niya ang cellphone sa inis.





Hindi niya maialis sa isipan ang larawan nito na tila anghel na natutulog na walang malay sa nangyari na rito.





Bumukas ang banyo.





Napaiwas siya ng tingin mula doon.




"Ikaw ba si Luke?" Tanong ng boses babae.




"Umalis ka na rito." Utos niya rito sa seryosong boses.





"Hindi puwede. Kailangan ko ang pera mula sa rocket na ito." Sagot nito.


______________________________________________
END PART

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top