CHAPTER 2:2

A/n: Fall in love with these great doctors!

______________________________________________


Napasapo siya sa kanyang ulo.





Hindi siya sanay sa ganito. Ni minsan hindi niya pa naranasang umalis sa poder ng kanyang pamilya ng tuluyan kaya sobrang sakit lang.





Hindi lang siya nawalan ng kasintahan, maging pamilya kaya naman tila siya tinanggalan na ng karapatan na mabuhay ng payapa.





May isa pa palang mensahe.




From Destiny: I miss you.





One message but it definitely broke her heart.





Bakit ba kasi ang gaga gaga niya?





Sinambunutan niya ang sarili sa inis.




Pinatay niya ang ilaw sa kanyang silid bago umiyak muli ng umiyak.




Hanggang sa nakatulugan niya na lamang muli ang pag-iyak.





Luke's POV




"Pare tagay!" Inabutan siya ni Seth ng alak. Inisang tungga niya iyon.




"Tama nga pare, iinom mo lang 'yan." Sambit nito bago siya marahang sinuntok sa balikat.




"Cr lang ako pare." Paalam niya sa mga ito na tinanguan lang ng mga ito.




Malakas na rin ang tama niya pero nakakapag-isip parin siya ng tama.




Pumasok siya sa cr ng mga lalaki. Laking gulat niya ng may biglaang humila sa kanya sa cr na may mismong pintuan.




Babae iyon na may makapal na make up.





Nilakihan niya ang mata para mas makita ang hitsura ng babae.




Inilock nito ang banyo bago isinabit ang dalawang kamay nito sa kanyang leeg.





Inabot nito ang kanyang labi.




"Who are you?" Nanlalabo ang tingin na tanong ko rito.





Pero patuloy siya nitong hinalikan.





Malalim, mapusok habang heto siya tulala rito iniisip kung saan niya na nakita ang pamilyar na babae ma ito.





Isang babae lang naman ang hindi niya maiaalis sa kanyang isipan e.





Pero wait, inaakit ba siya ng babae na ito?





Next thing he know, nakahubad na ang babae na nasa kanyang harapan. Napasapol siya sa kanyang noo ng kumirot iyon.





"L-luke." Sambit nito. Kilala siya nito.




"Who are you bitch?!" I asked.




Pinilit muli siya nitong halikan ngunit umiwas na siya.





"Stop it, before I can hurt your face."





Binuksan niya ang pintuan ng banyo na kanilang kinalalagyan. Wala siyang pakialam kung may makakita man sa kalagayan nito. Ang mahalaga sa kanya ay makaiwas sa babaeng iyon.




Nandidiri siya ngayon sa sarili sapagkat hinayaan niyang mahalikan siya ng babaeng iyon.




Kaagad na naghilamos siya at madiing hinugasan ang kanyang bibig.




Kaagad niyang nilisan ang banyo.





"What happened?" Tanong ng barkada niya ng kunin niya ang kanyang jacket at iwan ang bayad sa kanilang ininom.





"I go first." Paalam niya sa mga ito.






He hate his self.




Damn that bitch.




She's not even pretty.




Ayaw niyang saktan si Chain. Alam niyang madali lang itong magselos kahit pa hindi nito iyon inamin ni isang beses dahil mahal na mahal nila ang isat-isa.





Naalala niya ang pangyayari noong nakaraan.





Nalaman niya kung paano kasakit makitang may kasamang ibang lalaki ang taong mahal mo at mas pinili pa nitong sumama doon.





Nanliligaw ba iyon sa kanya?





Sinundan niya ang mga ito maging sa restaurant.




Nainis siya sa sarili sapagkat hindi niya pa ito nadadala sa restaurant na iyon.




Pinagmasdan niya ang mga ito at kitang kita niya kung paano ito tumawa at maasar habang kausap ang lalaki.





May gusto ba ang lalaki rito?






Mga tanong na gusto niyang itanong rito ngunit mas mainam ng kalimutan muna dahil may mga tanong na mas nangangailangan ngayon ng kasagutan.




Nagdrive siya patungo sa bahay ng mga ito.





Pagkarating doon, pinagmasdan niya ang kuwarto nito. Bukas ang ilaw nito pero maya-maya ay pinatay na nito.





Kahit na nahihirapan. Nagtipa siya sa kanya cellphone.





From My Destiny: Lets talk. I want to see you.




Hindi naman ito nagreply.





Maya maya lumapit siya sa gate at nagsisigaw. Inawat siya ng guard pero wala siyang pakialam. Pinagbantaan pa siya nitong ipapapulis but he doesn't give a damn care.




"Hon! Buksan mo ang pinto. Mag-usap tayo!" Sigaw niya ng paulit ulit.




"Hon!" Umiiyak na siya.




Hindi niya alam kung dala lang iyon ng kalasingan pero hindi niya makontrol ang sariling emosyon ngayon.




Maya maya lumabas ang kapatid nitong si Vivian.





"K-kuya..." Sambit nito.





"V-vivian, I want to talk to her. Please I beg you. I miss her. I want to talk to her." Hindi niya alam kung bakit pero umiiyak na siya ngayon ng tuluyan.





"I will try kuya." Sambit nito.





"Tell her, I won't stop until I could talk to her." I beg her. Tumango naman ito bago nagmamadaling pumasok muli sa loob.





Maya maya nagring ang cellphone niya.






She's calling. Nagkaroon siya ng pag-asa kahit papaano.





"O hon!" Tuwang sambit niya.





Hindi ito sumagot.





Nakiramdam naman siya. Napasabunot siya sa kanyang ulo.





"Hon, talk to me. I beg you." Umiiyak na ulit siya.





"Leave now or you won't be able to see me anymore." Pagbabanta nito sa kanya.




Damn it! Damn!



"Damn it! What have I done? Tell me hon. Masakit na e. Hindi ko na kaya hon. You broke up with without giving me the reason why. Tell me para mahanapan ko ng paraan." Umiiyak na talaga siya this time na parang bading.




Pinatay nito ang tawag kaya naman mas natakot siya.





Paulit-ulit na pinindot niya ang doorbell. Wala siyang pakialam kung masira man iyon. At nagpasigaw sigaw doon.





Nairita siguro ang guard kaya naman lumabas na.





Pero dahil desidido siya nakipagsuntukan siya dito hanggang sa makapasok mismo.





Pero ng makapasok ay pinagtulungan siya ng mga ito. Hinawakan ang magkabilaang kamay niya.



"Hon!" Sigaw niya ng makita ang babaeng pinakamamahal na lumabas na rin sa wakas.







Nagpumiglas muli siya.






"What are you doing?!" Dumagundong ang boses ng ama nito.







Uncle...





"Sir." Sambit ng gwardiya ng mga ito.





"Bitawan niyo siya!" Kaagad naman siyang binitawan ng mga guwardiya.





"What's happening here?" Galit na tanong ng ama nito.





"H-hon." Pakikiusap niya sa rito.





"Don't call me that way." Matapang na sambit nito sa kanyang harapan.



______________________________________________
END PART

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top