CHAPTER 11

A/n: Hey! I will be in an outing tomorrow, so I guess it would be a cease for a while. Enjoy reading! Don't forget to vote and comment. Huwag na kayong epal please. HAHAHA. charot!


SOMEONE'S POV


Palihim niyang pinagmasdan ang lalaki mula sa malayuan. Naalala niya pa na sa huling pag-uusap nila ng lalaki ay hindi niya ito naprotektahan. Wala siyang kuwenta, mabubuhay siyang tinatanaw ang napakalaking responsibilidad ngayon sa lalaki. Mukhang hindi niya na talaga pa mababayaran ang utang na loob dito.


Nakilala niya ang lalaki noong mga panahong malapit na niyang sukuan ang buhay. Then he was there, he accompanied him and ibinigay lahat nito ang pangangailangan niya upang siya ay makapag-aral. At first, he really thought na kinakaawaan lamang siya nito ngunit ng lumaon ay napagtanto niyang itinuri na pala siya nitong tunay na kapatid. Kaya naman heto siya ngayon at hanggang ngayon ay naghihintay ng pagkakataon na pansinin muli siya nito.


"Daddy! Daddy!" Walang hinto sa pag-iyak ang batang lalaki habang yakap ng ina nito. Mula sa bahay ay sinundan niya ang ito patungo sa lahat ng pinuntahan ng pamilya.


Palihim na hinabol niya ang mga ito ng nagmamadaling lumiko ang mga ito papuntang WOF.


Sumakay ang mga ito sa mga rides na naroroon. Manhid siya kung hindi niya aaminin na sobrang saya ng mag-asawa habang kasama ang kanilang anak na lalaki. Hindi niya maiwasang mapakuyom sa kanyang palad. Hindi niya lubos mapagtanto kung ano ba talaga ang nangyari.


Ito ba talaga ang kagustuhan mo Master?


Bumalik sa kanyang ala-ala lahat ng sakripisyong ginawa nito para sa babaeng pinakamamahal nito. Lahat ng mga maiingat na planong palagi nitong isinasa-puso maligtas lang ang babaeng pinakamamahal nito. At alam na alam niya rin na hindi iyon ang babaeng kasama nito ngayon kundi si Chain. Parang isang sirang lamesa na bumaliktad ang lahat ng mga bagay at nagising na lamang siya na wala na silang kontrol sa mga iyon.


Imbestiga? He's been doing that for almost five years and still he has no lead about it. Kung sino man ang pakana sa lahat ng ito, napakagaling nito.


But there's one thing he was definitely sure about...


Napabalik siya sa realidad ng tumunog ang kanyang cellphone. Isang mensahe mula kay Peter. Isa iyong litrato at sa litratong iyon ay ang mag-fiancee na hanggang ngayon ay hindi pa din ikinakasal. Magkasama ang dalawa papasok sa isang hospital.


As usual ay tungkol na naman sa pagpapacheck-up ang ini-rereport nito.


Inis na nagtipa siya ng mensahe pabalik dito.


"Get something interesting!" Sent.


Hindi niya alam kung tinatamad na ito sa trabaho nito at handa na siyang kumuha ng panibagong makakatulong sa kanya. Nakakaasar na ito. Hindi niya alam kung totoo bang agent ito o ano.


Nasa restaurant ng mga ito, mula sa malayo ay nakita niya si Carson. Kilala niya ito, kapatid ito ni Cedrick. Minsan na rin itong naging sangkot ng kanyang imbestigasyon tungkol sa isang bagay na napakalapit sa kanyang amo.


Napansin niyang wala itong pakialam sa presensya ni Luke dito. Mukhang hindi niya kilala masyado ang lalaki.


KINABUKASAN


Palihim ulit siyang nagmamasid sa hindi kalayuan ng bahay ng mga ito at laking gulat niya ng biglaang may ipinaskil ang isang katulong sa labas ng gate. Pasimple siyang bumaba sa sasakyan at binasa iyon. Napangiti siya sapagkat ito na ang pinakahihintay niyang pagkakataon.


Wanted: Family Driver


Sinusuwerte yata siya ngayong araw. Kaagad siyang umalis doon sapagkat kailangan niya pang ihanda muna lahat ng needed requirements at hindi siya dapat maunahan ng kung sino man.


Master! Malapit na tayong magsama ulit. Mas mababantayan na kita. Sa wakas!


Bitbit ang lahat ng kailangan ay maingat siyang nagdoorbell sa labas ng gate. Pinalipas niya muna ang isang araw para hindi masyadong halata na excited siya na makuha ang trabaho.


"You're hired!" Anya ng among babae sa kanya kaya naman hilaw siyang napangiti. Heto na 'yun.


Pagkatapos niyang mananghalian, sinabihan siya ni Aling Teres na kailangan niya daw ihatid ang kanilang amo sa pupuntahan nito mamayang mga 2 ng hapon. Napag-alaman niyang may importante daw itong lakad at pinayuhan siya nitong mag-iingat sa pagmamaneho dahil hindi niya pa daw kilala ang amo nila.


Gusto niyang matawa doon. Maaaring hindi pa siya nakikita sa personal ni Selina ngunit kilalang-kilala niya na ang ugali nito. Siya yata ang inuutusan ng kanyang master sa tuwing may tatagpuin ito. Noong mga panahong naghahanap ito ng paraan para mahiwalayan ang babae.


Selina Ramirez.


Asawa ni Luke Falcon, ang kanyang Master.


Sila ay may dalawang taong gulang na anak na lalaki, Yohann Falcon.


Tahimik na ipinagmaneho niya ang among babae. Napakalaki ng ipinagbago nito, mukhang napabayaan na nito ang sarili. Sa pagkakaaalam niya, kung hindi siya nagkakamali ay dating kaibigan na ito ng amo niya. Hanggang sa muling nagkita ang mga ito sa States, at doon nagkasundo silang pumasok sa isang relasyon.


Lihim na pinakinggan niya ang pakikipag-usap nito sa loob ng sasakyan.


"Ano na naman?! I told yah, stop pestering me." Mukhang galit na galit ito sa kausap nito kaya naman hindi siya nagtangkang lingunin pa ito sa likuran.


"HA! Are you kidding me? May anak kana Stephen, damn it!" Pagmumura pa nito. Hindi man lang ba ito kinakabahan nab aka nakikinig siya.


"You can't fool me, I saw Pearl with your own child. You go to hell!" Bulyaw muli nito. Lihim siyang napangisi. Kung alam niya lamang na ganito niya kadaling mapapakanta ang isang Ramirez, noon niya pa sana binalak na maging katulong nito.


Sino si Pearl?


Anong relasyon nito sa Stephen na iyon?


Hinatid niya ang kanyang amo sa isang restaurant, sinabihan siya nitong maghintay muna sa parking lot na pinakamalapit para matextsan siya kaagad nito kapag kailangan na nitong umalis. Napakabilis niyang ginawa ang ipinag-utos nito. Ngunit hindi nito alam na ganun din niya kabilis na sinundan ito ng palihim sa loob ng restaurant.


Nagtago siya sa isang banda at hinintay kung sino ang kakatagpuin ng kanyang amo. Wala namang kahina-hinala dahil babae naman ang kinatagpo nito at mukhang isa lamag itong kaibigan.


Lumipas ang mga araw at napansin niyang halos ito na ang tumatayong padre de pamilya sapagkat ito lang ang palagi niyang hinahatid upang magtrabaho sa kompanya ng mga Gallardo. Inaalala niya ang kanyang amo sapagkat mahal na mahal talaga nito ang pamamahala ng negosyo ngunit ngayon ay mukhang Malabo na nitong magagawa iyon.


-END PART-

A/n: IF ever na hindi magbrown-out, expect that I'll be updating it again mamaya. I hope you enjoy it so vote, vote din po. Labyah!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top