CHAPTER 11:1
A/n: Hello there! Maraming salamat sa nagbabasa nito. Nakakataba ng puso na inaabangan niyo ang mga updates ko. Kung sino man kayo, nagpapasalamat ako ng lubusan. Lab yah guys! Focus muna kay Jack ang updates hehe. Huwag kayong atat sa POV ni Luke at Chain. Hehe. X-D Suspense muna tayo, tignan ko kung mahulaan niyo kung ano nga ba talaga ang nangyari.
***
JACK
The music was loud, I had to admit that I was not use to be in this kind of place but I need to meet someone.
Beep!
Binuksan niya ang mensahe na isinent ng kanyang kikitain.
"I am already here. *Saw you." Basa niya sa mensahe nito that's why nagpalingun-lingon siya sa paligid. Wala naman siyang nakitang pamilyar sa palibot. Should he kill her? Kilala siya nito samantalang hindi niya naman ito kilala, that was too bad to process.
Nagpalingun-lingon muli siya sa palibot. Still, walang kakilala sa mga iyon.
Ibabalik niya na sana ang paningin sa kanyang cellphone ng isang babae ang nakangisi na nakatuon banda sa kanya ang paningin. He don't know her yet there's something with the stare coming from the woman.
He tried to call the number of that someone from his phone and not to the extent of his expectation, the woman picked up her phone and answer a call.
"H-hello." Hindi niya alam kung bakit siya nautal pero sa kadahilanan na rin sigurong malakas ang kutob niyang ang babae iyon.
"Oh, hi!" Nakangiti siyang kinawayan nito.
Kung hindi lang dahil sa bestfriend niyang si Steve ay hindi niya sisiputin ang kung sinuman. Naglakad ito papalapit sa kanya.
Papalapit na ito sa kanya, now someone can enlighten on how should a single man react every time a sexy girl is walking towards you? Magiging hipokrito siya kung itatanggi niyang pinag-aralan niya ang buong ganda ng babae habang papalapit sa kanya.
"Yowh! You are Jack, I am Pearl Jane Falcon." Pakilala nito sa kanya na ikinataka niya.
Falcon?!
Anong koneksyon nito sa best friend niyang si Steve at amo niyang si Luke?
"Hahaha, so I really lose." Napakamot ito ng ulo sa sinabi.
Ano daw? Purol na ba ang utak mo Jack? Bakit kapag babae na ang kaharap mo, humihina ang gana ng utak natin?
"Kuya ko si Steve dahil ako ang nakababatang kapatid niya habang pinsan ko naman si Luke Falcon." Pagpapakilala nito pagkatapos ay naglahad ito ng kamay nito.
"Pasensya na, hindi kita nakilala." Nahihiyang paumanhin niya rito. Napakalaki ng respeto niya sa kuya at pinsan nito kaya naman nahiya siya sa mga naisip niya kanina.
Tumango lamang ito bago nanghingi sa waiter ng alak at lumagok ng sakto lamang.
"Alam kong alam mo ang nangyari kay kuya Luke, at alam ko din kung gaano ka ka-loyal sa kanya that's why andito ako. I want you to investigate about their child, Yohann." Pagbibigay alam niya rito na ikinalaki ng kanyang mga mata.
Hindi siya nito utusan. At mas lalong wala siyang balak makipagtulungan kanino man tungkol sa pagtuklas niya sa nakaraan ng kanyang amo. Alam niya ang gagawin.
"I am not your slave Miss." Diretsang sabi niya rito. This woman is just wasting her time.
"Ano ba naman 'yan? Inireto ka pa naman ni kuya sa akin tapos wala ka din naman palang magiging silbi." Inis na sambit nito. Napatiim-bagang tinignan niya ito. Halatang spoiled na spoiled ito. Mukhang mas malala pa yata ang tama nito kaysa sa asawa ng amo niyang si Selina.
"I am sorry to disappoint you Miss." Maingat na sambit niya rito.
"Well, you disappoint me already Mister. Something you can't get back and erase anymore." Huling bilin nito bago siya iniwan doon.
Napailing siya. May balak naman siya kahit papaano na tulungan ito ngunit hindi niya kayang ipagsamantala sa iba ang kalagayan ng master niya sa ngayon.
Iniwan siya nito doon ng hindi man lang nagpapaalam. Sobrang disappointed siguro nito sa kanya kaya naman ganun na lamang ang reaksyon nito ng sabihin niyang hindi niya ito matutulungan.
It is better in this way. Ayaw niya din naman ipagsamantala ang kalagayan ng kanyang amo kahit na ang kaliit-liitang detalye sapagkat hindi niya pa alam ang tunay na nangyari sa nakaraan.
Alam niyang mali ang pagkakataong ibinigay ng kanyang amo noon na umalis na ulit siya sa Pilipinas since aalis na din ito ngunit hindi niya akalain na saka pa ito hahantong sa ganitong kalagayan.
"Hi." Napaismid siya ng palihim ng may babaeng lumapit sa kanya ng biglaan.
Ayaw niyang magmukhang ungentlemen kaya naman sinagot niya din ito ng ngiti. "Hello."
"Waiter, ang bayad." Inilapag niya na ang bayad niya sa lamesa. Aalis na siya mula doon.
"Aalis ka na agad?" Tanong ng babae sa kanya. Kaagad siyang tumango rito.
"Okay." Nahalata niyang badtrip ito bigla.
"See you next time, babe." Pambobola niya rito since wala namang mawawala kung tatanggalin niya ang rason para mabadtrip ito ngayon.
"Awts, aabangan ko 'yan." Napakahinhin na pagsabi nito.
Naalala niyang bigla si Pearl kanina, kakaiba din ang babaeng iyon. Kaso ang pagkakaalam niya, may kapatid si Steve na kapatid at kasal na iyon. It means, kasal na si Pearl. Napakamot siya sa kanyang ulo habang papalabas ng bar na iyon ng mapagtanto ang kabulgaran sa kanyang pinag-iisip. Muntikan niya ng makalimutan na kapatid ito ng best friend niya at pinsan ng amo niya.
Pabalik na siya sa kanyang quarter ng may marinig siyang mahinang bulong malapit sa hardin. Hindi niya naman ginustong makiusyuso ngunit may sarili siyang rason kung bakit siya naninilbihan sa mansion na ito. May iba kasi siyang pakiramdam sa boses na iyon. Mukhang boses iyon ng among babae at halatang may kausap ito sa phone nito.
Sinulyapan niya ang loob ng mansion at napagtantong patay na ang mga ilaw doon.
Alas dose na ng gabi, sino naman kaya ang kausap ng kanyang amo?
Nagtago siya sa halamanan at naghintay doon.
"I told you, stop pestering me Stephen!" May diin na sambit nito.
"Bakit ba napakakitid ng utak mo? I never love you, masaya na kami ng anak ko okay Luke. So back off!" Halos lahat ng iyon ay may diin sa kabila ng katotohan na halos pabulong na lamang iyon.
Sino ba si Stephen?
Anong kinalaman nito sa kanyang amo?
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi mo siya anak Stephen. Anak naman siya ni Luke!" Umiiyak na ito sa galit. Naestatwa siya mula sa kanyang kinatatayuan, mukhang may mas malalim na relasyon ang kanyang amo sa kung sinumang Stephen na kausap nito ngayon.
Bakit ito kinukulit ng Stephen na iyon?
Bakit ba andami kong hindi nalalaman ngayon?
Ano ba talaga ang nangayri three years ago?
Kailangan niyang humanap ng pagkakataon para makausap ang kanyang tunay na amo.
Kumusta naman kaya si Ma'am Chain?
-END PART-
A/n: I am obsessed again with another story inside my head. Gusto ko sana isulat iyon but since nangako ako na ito muna ang target kong tapusin, so be it. Enjoy reading!
V O T E
C O M M E N T
S H A R E
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top