CHAPTER 1:4

A/n: Hello readers!

______________________________________________



Maganda naman ang restaurant na ito.





Bakit nga pala hindi nila naisipang puntahan din ang restaurant na ito ni Luke?





Then she remembered that they are already broke up.






Bago pa mahulog sa malalim na pag-iisip kaagad niya ng binalingan ang kadate.






Hah, date ba talaga ito?





She can't imagine na mangyayari itong set up na ito. She and her enemy? Nah. May gusto ba ito sa kanya?





Napataas ang kilay nito habang nakatingin sa kanya.  Naglalaro ang ngiti sa labi nito. Mukhang nay naiisip itong kalokohan.





Ugali na talaga nitong asarin siya. Na ikinaismid niya na lamang.





"You're asking earlier why I don't have a girlfriend?" Ungkat nito sa tanong niya kanina na ikinaagaw ng interes niya sa sasabihin nito.





Tumango lang siya bilang sagot.





"Masyaso kasi akong guwapo." Pabibong sambit nito na ikinanganga niya.




Ano daw?



"You're definitely a liar." Naiiling na puna niya rito na ikinatawa lamang nito ng bonggang bongga.






Aaminin niya mas lalo itong gumagwapo kapag nakatawa o nakangiti.





Pero dahil magkaaway sila hindi niya aaminin iyon.





"You can't deny na sang-ayon ka sa sinabi ko." Tumatawa paring sambit nito.





"In your dreams Cedrick." Matigas na sabi ko.




"Is that your final answer Fake?" Tanong nito sa kanya.





"Stop calling me, Fake. You bastard." Iritang sambit niya rito sa mahinang boses.





"I won't Fake, you also called me bastard." Malungkot kunwaring sambit nito.





"Fine, fine, Cedrick. Are we cool now?" I asked again. Pagpipigil kong magsungit ulit.




"Okay Fake. Oh, I'm sorry." Playful ang ngiti na sambit nito. Kunwaring kinurot pa nito ang mapulang mga labi.




"Urgh! Youre really something." Badtrip na sambit ko.





Mukhang maaga siyang tatanda kung ito palagi ang makikita.





Sabagay, paano niya ito maiiwasan kung iisang hospital lamang ang kanilang tinatrabahuan at palagi pa naman siyang inaasae nito.





Naku po!






"I knew right." Sabay kindat muli nito.




"Para kang baliw. Isang kindat pa, tutusukin ko na 'yang mga mata mo ng lumuwa." Nanggingigil na sambit niya rito habang itinaas ang tinudor ang itinutok rito na animuy siguradong magagawa niya iyon oras na magkamali muli ito.



"Babe, ang cute nila o. Halatang mahal na mahal nila ang isat-isa. Mas cute pala kapag nag-aaway ang magsyota. He he." Naagaw ang kanyang pansin ng marinig ang sinabing iyon ng babaeng nasa kabilang table. Napalingon siya rito para nalaman kung sino ang tinutukoy nito kahit na may kutob na siya.





Nakatingin ang mag-asawa sa kanya.






Buntis ang babae habang nakangiting nakatingin sa kanila. Nginitian siya nito. Muntik na siyang mabulunan sa sariling laway ng marealize ang sinabi nito.





Nang-init ang kanyang magkabilaang pisngi.






Tawa naman ng tawa si Cedrick. Mukhang narinig din nito ang sinabi ng babae.






"See? Ang cute at sweet daw natin." Nagpuppy eyes pa ito sa kanya.






Buwiset ka Cedrick. Papatayin mo ako sa tawa.





"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Tawang tawa siya.





"Pffttttt, HAHAHAHAHA." Namumula siya sa kakatawa. Naiiyak na rin siya.








Napaismid naman ang lalaki.







"Over ka na, hindi na nakakatuwa. Nakakainsulto na." Nakasimangot na sambit nito habang nag-umpisa na lamang kumain.






"Hay naku! Hahahaha." Naiiling na tawa niya.







Duh? Hahaha. Hindi nila alam, unting unti na lamang ay masasakal niya na ang lalaki.






Napainom na lamang siya ng tubig.







Hindi niya pinansin ang mga tingin na nakatuon sa kanya ngayon.








Hayss. Ang sarap sa piling ng makatawa ulit.






Woah!






Nag-umpisa na siyang kumain. Nam, nam, nam, nam...








Ang sarap ng steak nila rito.







"Fake, hinay hinay sa pagkain. Naiimagine ka na kapag tumaba ka. Mas lalong wala ng magkakagusto sayo." Pang-aasar nito sa kanya.







Hayss. Panira talaga itong lalaki na 'to. Sinamaan niya lamang ito ng tingin.








"Problemahin mo muna ang lablyf mo bago ang buhay ng ibang tao." Nang-aasar din na inilabas niya ang dila.






"Speaking of that, I need your help." Nakangiting sambit nito.






"Busy ako." Bawi niya rito.






"Remember may utang ka din sa akin." Pagpapaala nito sa tulong nito sa kanya kanina.






Sinamaan niya ito ng tingin. "Hayss, panira ka talaga. Ano ba 'yon?" Inis na tanong niya rito.





"Ops! Easy lang Fake, para ka namang mangangain na ng tao." Natatawang sambit nito.






"Hindi ako nangangain ng tao, pero handa kitang ipakain ng buo sa buwaya namin." Pambabanta niya rito.






Napapailing naman ito.






"So ano na nga?" I asked again.






Huminto ito mula sa pagkain at inilapag ang kutsara at tinidor nito. Hindi niya ito ininda, ipinagpatuloy niya ang pagkain.






Inilapit nito ang kamay nito sa labi niya na ikinataka niya. May tinanggal ito sa gilid ng labi niya.






"Para kang bata." Pang-aasar nito.






Napapunas naman siya ulit sa pinunasan nito.






"Ano na nga? Bago pa magbago ang isip ko." Hindi pinansin ang pang-aasar niya. Gusto niya ng matulungan ito para matapos na ang pakikisama rito.




Baka magkasakit siya ng high-blood rito.






"My ex wanted a come back." Ipinagsiklop nito ang dalawang kamay nito.




Ikinalaki ng dalawang mata niya ang sinabi nito.





"Ha? As in? May ex ka na pala. Hahaha, akala ko talaga wala. HAHAHAHAHA. Seryoso?" Hindi niya alam kung bakit pero tawang tawa siya.






Akala niya talaga bakla ito e.





Baklang inggit sa kanya kaya naman palaging pinapainit ang noo niya.





Kaya gulat na gulat siya ngayon.






"You're being over acting." Tila nawalan ito ng ganang magkuwento.






"Hindi, hindi ituloy mo. Pasensya na. Hahaha. Ops! Pfft." Pagpipigil niya sa kanyang tawa.






"Isang tawa pa." Pambabanta nito.




"Oo na. Naikinig na po Doc." Sagot niya na sumeryoso na nga talaga.





"She want a comeback but I don't want it." Ayon! Pero bakit?





"Why? Pangit ba siya?" Napainom siya sa kanyang tanong. Baka magalit ito.







Tumango ito bilang sagot.







Napaailing na tinap niya ang braso nito.





"Mahirap nga iyan pre. So anong maitutulong ko?" I asked him habang nagsasalin ng tubig sa baso ko.






Painom na ako ng sumagot siya.






"Kailangan mong magpanggap na girlfriend ko sa harapan niya. I need your help." Seryosong sambit nito.





"Puwerk!" Lumabas ang mga tubig sa kanyang bunganga. Mabuti na lamang at hindi ito natalsikan.



______________________________________________

END PART

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top