CHAPTER 1:2
A/n: Continuation
_____________________________________________
KINABUKASAN
Chain's POV
"Ate, may bulaklak ka ulit. Padala ni kuya!" Sigaw ng kanyang kapatid mula sa pintuan.
Umaga palang ay sira na kaagad ang umaga niya.
"Sayo na lang ulit." I told her ng iabot nito sa kanya iyon.
"Ano bang nangyayari sayo ate? Hindi ka naman ganyan dati a." Angal nito. Kung magsalita ito parang mas matanda ito sa kanya.
"Sinabi ko naman sayo hindi ba Vivian? Break na kami ni Luke. Kaya tigilan mo na kakausisa tungkol sa kanya." Nanginginig sa inis na sambit niya sa kapatid.
"Ano ba kasing nangyari?" Inis na ring tanong nito.
"Ikaw Vivian ha! Ayos ayusin mo iyang tono ng pananalita mo. Mas matanda pa rin ako sayo at puwede ba, huwag kang sabat ng sabat dahil wala kang alam. Buhay namin ito." Inis na sambit pangangaral niya rito.
"Idi huwag, sino ba naman kasi nagsabing concern ako sayo? Concern ako sa kanya, hindi sayo. Duh, mahal na mahal ka ng tao pero ginagawa mo lang tanga ate. Ate mas tanga ka." Sabi nito na naging dahilan ng paglapat ng kanyang kanang kamay sa pisngi nito.
"Chain!" Dumagundong ang isang tinig sa loob ng kanilang salas. Nahuli siya ng kanyang ama.
"D-dad." Nanginginig na sambit ko.
"You're not doing that again to your sister." Banta nito sa kanya. Napalunok siya ng sunod-sunod. Natatakot talaga siya sa kanyang ama. Pero mas natatakot siya rito sa ngayon.
"I'm sorry dad." Paghingi niya ng tawad sa kanyang ama bago yumuko.
"Vivian, come here." Anya sa bunso nila sa napakababang tono.
"D-dad, its not what you think." Paliwanag nito na umaastang nag-aalala sa kanya.
"I don't care what happened. She don't have the right to slapped you right in front of my two eyes." Dumagundong ang boses nito sa loob ng sala.
No. Don't cry Chain. Don't cry, its your fault.
"I'm sorry dad." Paghingi ko ng tawad. Ngunit iniwanan lang nila ako ng walang pasabi sa mismong sala.
Damn you Chain.
Tumunog ang kanyang cellphone, hudyat na kailangan niya ng sumakay sa kanyang sasakyan patungong hospital. Paniguradong napakarami niya na namang pasyente. Nagmamadaling nilisan niya ang kanilang mansyon.
Pagbaba niya sa kanyang sasakyan isa na siyang Doctor.
"Goodmorning Doc." Bati sa kanya ng guard.
Tinanguan niya lamang ito.
Nagtaka marahil ito sapagkat lagi-lagiy nginingitian niya ito. Hinayaan na lamang nito sapagkat inisip nitong masama lang ang araw niya.
Sakay ng escalator inapuhap niya ang kanyang cellphone ng may magtext doon.
"B-bes." Bungad ko kay Diana. Ang best friend ko for life. Nanginginig ang mga daliri kong sambit iyon.
"Chain, you should tell him the truth for him to stop." Bungad nito sa kanya na ikinalunok niya sa sariling laway.
Naglakad siya matapos makaahon sa escalator.
"I can't. I tried but it's too hard." Madiin na sambit niya rito.
"Bes, hindi ka ba naaawa sa kanya?" Tanong nito sa madiin din na boses.
"Bes, intindihin mo naman. Mahirap din sa akin ito. Sobrang hirap." Pagmamakaawa niya rito.
"This won't work. Kapag hindi mo ipinagtapat, ako na mismoang magsasabi sa kanya." Finaleng sambit nito na ikinailing niya.
This is so her, Diana. Her best friend.
"Yes, you will." Sang-ayon ko.
Wala na akong pake basta hindi ko kakayanin kung ako pa mismo ang magtatapat. Hindi ko na kayang harapin pa si Luke gamit ang kahiya-hiya kong pagmumuka.
Dumiretso siya sa kanyang opisina at doon niya ibinuhos ang ang kanyang masakit na damdamin. Paulit-ulit niyang inuntog ang kanyang ulo sa pintuan ng drawer.
Stupid Chain.
"Urgh!" Bulyaw niya sa sarili.
"Fake." Automatikong napairap siya ng marinig ang boses na iyon.
"Leave me alone." Umayos siya ng pagkakatayo at tinungo ang kanyang upuan.
"Badtrip ka ba fake? Haha." Pang-aasar pa nito.
"Satisfied?" Inis na tanong niya rito ng pumapalakpak pa ito.
Whatever! This guy is getting into her nerves.
"Wala akong sinasabi." Pagmamaang-maangan pa nito.
Nilapitan siya nito at nakipagtitigan sa kanya. Sinilip nito kung gaano kabadtrip ang kanyang pagmumukha.
Napangisi siya ng mas lumaki ang ngiti nito. Ibinunggo niya ang noo sa noo nito mismo.
"Ouch!" Angal nito.
Aray! Ang sakit nga. Sapul-sapol niya rin ngayon ang kanyang noo.
Huwag kang umangal, kasalanan mo Cedrick.
"Ang laki pala talaga ng kukute mo." Pang-aasar ko naman habang hinihinilot ang parte ng aking noo na tumama.
"Huy! Fake, napakarami ng nailigtas ng kukuteng tinutukoy mo." Mayabang na sambit nito habang nakangisi.
"Whatever Cedrick." Napapairap na sambit niya.
Cedrick? Gaya niya doctor din ito ng hospital na kanyang pinagtatrabahuan. Kaklase niya rin ito noon at mahigpit na kakompetensya.
Ewan nga ba pero palagi siyang naiinis kapag nakikita kahit ang pagmumukha palang nito. Siguro pikunin lang talaga siya. Asar talo kumbaga.
Pinagmasdan niya ang larawan ng puso na kanyang ooperahan mamaya.
"Ha? Mahihirapan ka yata ngayon sa operasyon mo fake, naku. Look at that part, patuloy na dinudugo kaya naman sobrang delikadong galawin. You will still do it?" Tanong nito sa kanya na ikinataas ng kilay niya.
Sinapak niya ito sa balikat.
"Cedrick can't you be formal? This is my patient, so if you won't say anything helpful you can go out of this room now. I don't want your jokes right now." Seryosong sambit ko.
"Hahaha. Ikaw naman fake, hindi na mabiro. God bless, makaalis na nga." Paalam nito.
Pakanta kanta pa itong umalis.
"Spaghetting pababa, pababa ng pababa."
"Spaghetiing pataas, pataas ng pataas."
Palihim siyang napalingon dito ng umalis na ito.
That's Cedrick, ang dahilan kung bakit hindi tahimik ang mundo niya rito sa hospital. That guy always have something to say that will make her angry in a funny way.
Just like her, he's cardiologist. Well, to be honest, he's one of the great that she knew.
Tama ito, mahihirapan talaga siya. Pero sa tuwing naaalala niya ang pakiusap ng isang batang babae sa kanya ay mas nagkakaroon siya ng lakas para gawin ang operasyon.
Ililigtas niya ang ina anumang mangyari.
Kalmadong pinagpraktisan niya gamit ang kanyang imahinasyon kung paano gagawin iyon.
The operation will about to start when her neurologist is nowhere to be found.
This is some kind of stupid fate.
"Call her right now!" Dumagundong ang kanyang boses sa mismong pasilyo. Kanina pa sana nila ginawa ang dapat gawin bago ang operasyon.
Stupid and they call their selves doctors? Woah!
Pinagmasdan niya ang batang nakatitig sa kanya ngayon na walang kamalay malay.
Gusto niyang maiyak para rito.
Kapag hindi inoperahan ang ina nito ngayon, maaaring tumigil na sa pagtibok ang puso nito dahil mas dadami ang pagdugo.
Nanginig ang kanyang tuhod ng maglakad ang bata papalapit sa kanyang kinaroroonan.
Hinawakan nito ang kanyang kanang kamay.
"Doc." Umpisa nito.
"Doc, gusto ko pong maging katulad niyo. Iligtas niyo ang aking ina sa kapahamakan. Ako na pong bahalang magligtas sa kanya kapag nakaagtapos na ako. Magdodoktor hi ako kagaya mo dok." Tumulo ang inosenteng luha mula sa mga mata nito.
Umupo siya upang magkapantay sila ng bata.
Ginulo niya ang buhok nito.
"Huwag ng iiyak, okay? Magiging okay rin si mama mamaya." Pinunasan niya ang mga luha nito.
"Salamat dok." Nakangiting sambit nito habang umiiyak pa rin.
Parang gusto na ring tumulo ng kanyang luha pero pinigilan niya.
Buo na ang kanyang isipan.
Alam niya na ang gagawin.
Naglakad siya patungo sa iisang kuwarto. Hindi na siya kumatok, sila lang nakakaalam niyon.
Napalingon naman ito.
"O, fake. May kailangan ka?" Nang-aasar na naman ang mga tingin nito.
Naglakad siya palapit dito at napasandal sa pader para hanapin ang mga salitang dapat sabihin.
"Wala ang anesthesiologist ko." Napakagat labing umpisa niya.
"So?" Tanong nito kahit na alam niyang may ideya na ito.
"I want you to help me in this operation of mine Cedrick. I beg you." Seryosong sambit ko.
"Hmmn. Interesting... May makukuha ba ako?" Tanong nito habang pinagmamasdan ang mga kuko nito.
Ha. Nilapitan niya nga ito at binatukan ng malakas.
"Ouch fake." Angal nito.
"Minsan napapaisip ako kung doktor ka nga ba talaga. Ano?" Sarkastikong tanong niya rito.
Napatayo naman ito habang nakangisi.
"Doktor ako fake, you knew that. Ang sa akin lang baka mas ganahan ako kung may makukuha ako sa request mo na kapalit. So ano?" Hamon nito sa kanya.
_____________________________________________
END PART
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top