Kabanata f(x - 40)

[Kabanata 40]

"So as long as I live I'll love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white"

-Westlife (Beautiful in White)



"Hindi mo ba talaga ako nakikilala?" ulit niya pa sabay hakbdang papalit sa akin dahan-dahan niyang inilapit ang bibig niya sa tenga ko. "Ako ito... Olivia" tugon niya. sinubukan ko pang kumawala sa pagkakahwak niya pero nagulat ako nang bigla niyang hawakan yung kabilang braso ko dahilan para makaramdam ako ng kakaibang lamig at takot na hindi ko pa nararanasan sa buong buhay ko.

"Bhava Tanha"



Hindi!

Naalimpungatan ako nang biglang may humawak sa balikat ko. "Anong nangyari? Hijo" narinig ko ang boses ni mama at nang imulat ko ang mga mata ko naramdaman ko na lang na nagmamadaling tinatanggal ni Sir Nathan ang seatbelt ko, lumabas siya ng kotse saka binuksan ang pinto sa gilid ko kung saan nakadungaw si mama at Alex.

"Na-stranded po kami sa Casaysay church, sandali ko lang siya iniwan doon para maghanap ng tao sa paligid pero pagbalik ko wala na siyang malay sa labas ng simbahan" sagot ni Sir Nathan at naramdaman ko na lang na binuhat na niya ako papalabas ng kotse papasok ng bahay.

Parang tumitibok ang ulo ko at sa tuwing sinusubukan kong imulat ang mga mata ko nanlalabo ito. Sinubukan ko ring magsalita pero walang boses na lumalabas sa lalamunan ko, parang nananuyot ito. Sa huling pagkakataon, bago ko ipikit ang mga mata ko narinig kong nagsalita si Alex.

"Sir, I have something to tell you" tugon ni Alex habang seryosong nakatingin ng diretso sa mga mata ni Sir Nathan.





Kinabukasan, tanghali na nang magising ako sa mga boses ng taong nag-uusap sa labas ng kwarto. Dahan-dahan akong bumangon at naabutan ko sila Jen at Leana na malungkot na nakaupo sa salas habang hinihimas ang likod ni mama.

"Saang hospital siya dinala? Nakatawag na ba si Iryn ng taxi sa labas?" nagpapanic na tanong ni Jen. Hindi ko alam pero parang bigla akong kinabahan nang marinig ko ang pag-uusap nila.

"A-anong nangyayari dito?" tanong ko. Gulat naman silang napalingon sa'kin, agad akong lumapit kay mama na ngayon ay umiiyak at parang mahihimatay. "Ma, ano bang nangayayari? Bakit----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil biglang hinawakan ni Jen ang kamay ko dahilan para mapalingon ako sa kaniya.

"M-may nangyaring masama kay Alex, nasa hospital siya ngayon" diretsong sagot ni Jen, parang biglang nanigas ang buong katawan ko at napabagsak sa sahig. Hindi pwede! Bakit nangyayari 'to?!





Mag-iisang linggo nang comatose si Alex dito sa hospital kung saan siya dinala. Ayon kay Lily na siyang kasama niya kaninang umaga. Ihahatid lang daw siya ni Alex pauwi sa bahay nila dahil kakatapos lang ng practice nila sa theater play na nag-umpisa ng 6 am hanggang 10 am. Habang naglalakad daw sila sa kahabaan ng kalsada papunta sa bahay nila bigla na lang daw sumulpot ang isang kumakaripas na motorsiklo at pinagbabaril sila, bigla daw siyang niyakap ni Alex dahilan upang tamaan ito ng bala sa ulo, tiyan at binti.

Napatitig na lang ako kay Alex na mahimbing pa ring natutulog ngayon dito sa hospital. Ako muna ang magbabantay sa kaniya ngayon dahil umuwi muna si mama para kumuha ng mga panibagong gamit at damit. Sabi ng doctor, nasa critical pa ang kalagayan ni Alex kaya mukhang matatagalan pa bago siya magkaroon ng malay.

Tatlong katok mula sa pinto ang dahilan para matauhan ako. Kasunod niyon ay bumukas na ang pinto, napatayo ako nang makitang si Sir Nathan pala iyon. Tumango siya sa'kin habang hawak-hawak ang isang basket ng mga prutas.

"Kamusta na siya?" tanong niya saka dire-diretsong pumasok at isinara ang pinto. Inilapag na rin niya ang dala niyang prutas sa isang mesa sa gilid ng kwarto ni Alex dito sa hospital.

Hindi naman ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Alam kong hindi pa maayos ang kalagayan ni Alex at sa tuwing sumasagi iyon sa isipan ko mas lalong nadudurog ang puso ko.

Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko at ilang saglit pa naramdaman ko na lang ang pagyakap ni Sir Nathan habang hinihimas-himas ang likod ko. "Magiging maayos din ang lahat, Aleng. Matatapos din ang lahat ng pagsubok na ito" narinig kong tugon ni Sir Nathan. Dahan-dahan naman akong napaatras at kumawala sa pagkakayakap niya saka pinunasan ko na ang luha ko at binaling ko na lang ang atensyon ko kay Alex.

"Hindi ako naniniwalang si Lily ang target ng mga mamamatay tao na iyon" seryoso kong tugon at inayos ko ang kumot na nakabalot sa kapatid ko. Nagsimula namang humakbang si Sir Nathan papalapit sa higaan ni Alex

"Kasama niya si Lily noong araw na 'yon. Bakit naman may magpaplano ng masama kay Lily? Sigurado akong si Alex talaga ang gusto nilang saktan" patuloy ko pa. Magsasalita pa sana ako kaso biglang nagsalita si Sir Nathan.

"Hindi mo ba naitanong kay Alex, kung bakit naiinis siya noon kay Lily?" tanong ni Sir, napailing naman ako. Halos lahat naman sinusungitan ni Alex, at sa tingin ko dahil palagi siya noon kinukulit ni Lily kaya siya naiinis dito.

Napayuko na lang ako at napatingin ulit sa kapatid ko "Sir, narinig kong may sinabi sa inyo sa Alex noong isang gabi" panimula ko habang nakatitig kay Alex na mahimbing na natutulog habang ang daming mga apparatus ang nakakabit sa katawan niya. Sandali namang hindi nakapagsalita si Sir habang nakatingin rin kay Alex.

"Sir, I have something to tell you" - Alex

Nakabibinging katahimikan ang naghari sa buong kwarto. Tanging tunog lang mula sa Vital signs monitor ang naririnig namin.

"Alam na niya" diretsong sagot ni Sir Nathan dahilan para gulat akong mapalingon sa kaniya. Nanatili lang siyang nakatingin kay Alex habang nakasuksok ang dalawang kamay niya sa kaniyang bulsa.

"A-anong alam na niya?" nagtataka kong tanong. Napapikit naman si Sir sandali, halos walang kurap akong nakatitig sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Parang nilalamon ng matinding kaba ang buong katawan ko.

Ilang sandali pa, nagulat ako nang biglang imulat ni Sir ang mga mata niya at diretso siyang tumingin sa mga mata ko. "Ang lahat ng alaala ng nakaraan na pilit binabaon ng tadhana sa kailaliman" sagot ni Sir. Hindi naman ako nakapagsalita, sa mga titig pa lang niya. Nararamdaman kong matagal na siyang may nalalaman.

"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko pa pero hindi niya ako inimik at umiwas siya ng tingin. "Anong alaala ng nakaraan na binaon ng tadhana?!" habol ko pa pero hindi pa rin nagsalita si Sir Nathan. May kinalaman ba 'to sa pag-iimbestiga ni Alex sa pagkamatay ni papa?

"May nasabi ba si Alex tungkol sa may kagagawan nito kay papa?" tanong ko, hindi ko na nagawang makontrol ang boses ko. Napayuko lang si sir at hindi na naman siya nagsalita.

Napapikit na lang ako sa inis. Palagi na lang ganito, sa tuwing may itatanong ako sa kaniya palagi niyang sinasagot sa ibang paraan at kung minsan hindi siya nagsasalita.

At dahil sa inis naglakad ako papalapit sa kaniya at hindi ko na napigilan pang hampasin ang dibdib niya. "Ano bang nangyayari? Bakit ganito? Bakit nililito mo ako?! Bakit bigla kang sumulpot sa buhay ko tapos nagkagulo na ang lahat?! Bakit di mo sabihin?!" inis kong tugon at pinaghahampas ko na siya pero nanatili pa rin siyang nakatayo doon at hindi gumagalaw habang nakayuko.

"Pakiramdam ko parang may mali! Parang hindi tama ang mga nangyayari... parang... parang nakita ko na to dati na hindi ko maintindihan at hindi ko malamaan kung saan at kung kailan?!" sigaw ko pa, nagulat ako nang biglang hawakan ni Sir Nathan ang kamay ko dahilan upang mapatigil ako sa paghampas sa kaniya.

"Aleeza..." mahinahong tugon ni Sir, at sa isang salitang iyon parang biglang humupa lahat ng gumugulo sa isipan ko. Dahan-dahan akong napatingin sa mga mata niya at nababasa ko na may gusto siyang sabihin pero may kung anong bagay na pumipigil sa kaniya.

Ilang sandali pa, dahan-dahan niyang inangat ang kamay niya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Ikaw si Aleeza. Wala nang iba. Siguro nga mas makabubuti kung mabaon na lang sa limot ang lahat nang wala nang masaktan at madamay pa. K-kasalanan ko ang lahat ng ito, tama ka hindi na ako dapat nagpakita pa sayo" patuloy niya, parang unti-unting dinudurog ang puso ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya na ngayon ay may mga luha nang namumuo.

Bigla siyang humakbang paatras. Hindi ko alam kung bakit parang biglang nanghina ang buong katawan ko nang bitawan niya ako. "Aalis na ako" tugon niya pa at bigla siyang tumalikod sa'kin saka dire-diretsong lumabas ng pinto. Hindi ko alam pero sa pagkakataong iyon parang pamilyar sa'kin ang mga huling ikinilos niya.

Napapikit na lang ako at napasabunot sa sarili ko dahil sa inis. Dali-dali akong naglakad papunta sa bintana at binuksan iyon para makalanghap ng sariwang hangin. Agad sumalubong sa'kin ang lakas ng ulan mula sa labas at ang hampas ng hangin. Napadungaw ako sa ibaba, madilim sa labas, maghahatinggabi na pero halos puno ang mga kotse sa parking lot ng hospital na'to.

Napatitig lang ako sa ulan habang kasabay nito ang pagbagsak ng mga luha sa mga mata ko na kanina ko pa pilit na pinipigilan. Ang kirot-kirot ng puso ko at parang hindi ako makahinga. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nilulubayan ng kakaibang pakiramdam na ito.

Napahawak na lang ako sa puso ko at pinikit ko ang mga mata ko habang iniinda ang pagkirot nito. At sa hindi inaasahang pagkakataon kasunod nito ay ang sunod-sunod na pagpasok ng mga pamilyar na alaala at boses na minsan nang gumugulo sa isipan ko...



"Marahil ay may importante kang patutunguhan upang magpabasa ka sa ulan ng ganiyan"

"Oro para que nos encontremos en situaciones diferentes, donde no haya nadie que pueda evitar que nos enamoremos" (I pray that we find ourselves in different situation, Where there is no one who could stop us from falling in love)

"Te esperaré por siglos ... Lumeng" (I will wait for you for centuries... Lumeng)

"Te amo, Salomé, y aún así lo diré hasta que nos volvamos a encontrar" (I love you Salome, and I will still say that until we meet again)

"Te amo, Esmeralda, y aún así lo diré hasta que nos volvamos a encontrar" (I love you Esmeralda, and I will still say that until we meet again)

"Saksi ang bawat patak ng ulan sa ating pagmamahalan,

Ang ihip ng hangin ay naghahatid ng magkahalong pait at tamis na ating naranasan,

Asahan mong ang pag-sinta ko sa iyo'y di mapaparam,

Tanging ang pag-ibig mo lamang ang aking inaasam"



"Kung ang kapalaran natin ay tulad ng numero na paulit-ulit,

Maging ang buhos ng ulan na lamig at lungkot sa atin ay hatid,

Kahit pa maraming bagay at pangyayari na maging balakid,

Sa susunod na buhay, ikaw ay hahanapin ko at ang pag-ibig ko sa iyo'y ipababatid"



"Kung patuloy pa ring manaig ang asimptota sa ating kapalaran... asahan mo na kung hindi man ngayong panahon magdugtong ang ating linya, kung hindi man ngayong panahon magwakas ng masaya ang kwento nating dalawa... ipinapangako ko sa iyo na patuloy kung nanaisin na mabuhay ng paulit-ulit upang muling makita at makapiling ka"



Napagbagsak ako sa sahig at tila tumigil ang takbo ng oras at ang pag-ikot ng mundo. Ang lahat ng mga kakaibang alaalang iyon na inakala kong panaginip lang. Ang lahat ng mga pangyayari at mga taong pamilyar sa'kin ay hindi pala nagkataon lang.

Nanginginig akong napatayo at napadungaw ulit sa bintana. Sobrang lakas ng buhos ng ulan sa labas. kailangan kong maabutan si Sir Nathan. Hindi pa naman siguro siya nakakalayo. Agad akong napatayo at tumakbo papaunta sa pinto pero napatigil ako sandali at napalingon kay Alex.

"Katulad mo, hindi rin nagtagumpay ang tadhana na itago sa akin ang katotohanan... Danilo... Bartolome... kapatid ko" bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kapatid kong wala pa ring malay hanggang ngayon.

Pagkasara ko ng pinto, tumakbo ako papunta sa elevator pero ang daming tao na naghihintay sa pintuan nito at mukhang matatagalan pa ako makasakay kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa fire exit at bumaba sa hagdan. Nasa 7th floor lang naman ako at wala na akong pakialam kahit ilang baitang pa ang tahakin ko basta maabutan ko lang si Sir Nathan.

"Salome"

Sinubukan ko siyang tawagan habang tumatakbo ako pababa ng hagdan pero naka-off ang phone niya. Pagdating ko sa lobby ng hospital napahawak ako saglit sa gilid ng sofa at pilit kong hinabol ang hininga ko dahil hingal na hingal na ako ngayon. Nagpalingon-lingon ako sa paligid, umaasa akong makikita ko si Sir Nathan. Ang daming mga tao ang naglalakad sa iba't-ibang direksyon. Ang ilang mga nurse ay kinakausap ang mga pasyente at ang ilan naman ay tulak-tulak ang mga pasyenteng nakasakay sa wheelchair.

"Esmeralda"

Ilang sandali pa, napatingin ako sa main door ng hospital na gawa sa salamin. May iilang mga kotse ang nakapark sa labas at hindi pa rin tumitila ang malakas na buhos ng ulan. Hindi ko alam pero parang may nag-uudyok sa'kin na lumabas sa hospital na iyon.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at dire-diretso akong lumabas. Narinig kong sinabihan pa ako ng guard na delikado dahil malakas ang ulan at wala akong payong pero hindi ko na siya pinansin. Wala na rin akong pakialam kahit basang-basa na ako ngayon habang tumatakbo sa gitna ng parking lot ng hospital na ito.

"Aleeza"

Hindi ko na rin pinapansin ang napakalamig na hampas ng hangin at ang malakas na hampas ng ulan sa balat at mga mata ko dahilan upang hindi ako makakita ng maayos. Nagpaikot-ikot ako doon at pilit na umaasa na makikita ko ang kotse ni Sir Nathan hanggang sa isang pamilyar na pagpintig ng puso ko ang biglang naramdaman ko nang mapalingon ako sa likod at natanaw ko ang isang matangkad na lalaki na naglalakad papunta sa kotse nito habang nakatalikod sa'kin at may hawak itong itim na payong.

"SEÑOR FIDEL!" tawag ko sa kaniya at sa pagkakataong iyon bigla siyang napatigil sa paglalakad. Hindi na maawat ang mga luha sa pagbagsak sa mga mata ko na humahalo na ngayon sa ulan na malakas na bumabagsak sa buong paligid namin.

"Señor Rolando" tawag ko pa, animo'y parang sumasabog na ang puso ko sa lakas ng kabog nito. Ilang sandali pa, dahan-dahang napalingon sa akin si Sir Nathan at sa pagkakataong iyon nakita ko ang pagdaloy ng mga luha sa kaniyang mga mata habang nakatingin ng diretso sa'kin.

Ilang segundo kaming nanatili roon habang nakatitig sa isa't-isa. Ang makita kong umiiyak siya ng ganiyan ang mas lalong nagpapadurog sa puso ko. Sa huling pagkakataon, hindi ko na napigilan pa tumakbo ako papalapit sa kaniya at niyakap ko siya ng mahigpit.

Nabitiwan niya ang payong na hawak niya at niyakap din ako ng mahigpit pabalik. At kahit napakalakas ng ulan rinig na rinig ko pa rin ang paghikbi niya habang basang-basa kaming dalawa.

"N-naaalala ko na ang lahat... ang sagot sa tanong na matagal ko nang hinahanap" bulong ko sa kaniya, kasabay niyon ang muling pagpasok ng mga alaala sa isipan ko...

**********************

Filipinas 1689

"Ngayon na" bulong ni Patricio kay Fidel na ngayon ay nanlaki ang mga mata at gulat na napatingin sa tagapayo ng gobernador-heneral.

"Fidel!" tawag pa ni Geronimo ngunit nanatiling tulala si Fidel. Animo'y nanigas na siya sa kaniyang kinatatayuan at halos walang kurap na nakatingin sa tagapayo.

Sumenyas ang tagapayo sa mga gaurdia civil na itutok ang mga baril nito kay Salome. Humakbang naman papalapit ang mga guardia at pinalibutan si Salome habang nakatutok ang mahahabang baril sa dalaga.

"Fidel! Ano pang hinihintay mo!" sigaw ni Geronimo dahilan upang matauhan si Fidel. Binitawan na nito ang matalim na palaso na diretsong dumaplis sa damit ng tagapayo sa bandang balikat nito dahilan upang mapunit ang mangas nito.

Gulat na napalingon si Salome kay Fidel dahil hindi nito nagawang tamaan ang tagapayo. Naalala niya ang kakayahan ni Fidel sa pagpana. Asintadong-asintado ito kung pumana ngunit ngayon ay hindi niya nagawang tamaan ang kalaban.

Nagkagulo ang paligid dahil sa nangyari. Agad prinotektahan ng mga guardia civil ang tagapayo. Bigla namang nanghina ang tuhod ni Salome at napabagsak siya sa lupa dahil sa takot na nabigo sila. dali-dali rin siyang hinila ng mga guardia at iginapos saka sapilitang hinila papasakay sa kalesa.

Sa huling pagkakataon ay napatingala si Salome sa likod ng bubungan kung saan nagtatago si Fidel. Tulala ito at ilang sandali pa, nabitawan na nito ang hawak na pana at palaso na diretsong nahulog at nasira sa lupa.

Kasabay nang pagkabihag sa kaniya ng mga kalaban ang unti-unting pagdaloy ng mga luha sa kaniyang mga mata. Sa katotohanang tumalikod na si Fidel at iniwan siya.

Iniwan siya ng lalaking binigay niya ang lahat ng tiwala at pagmamahal niya dahil ang tagapayo na nais pumatay sa buong pamilya nila ay siyang ama ni Fidel na matagal na nitong hinahanap.

Huli na rin ang lahat dahil nabihag at nagapos na si Salome, sinubukan niyang lumaban at magpumiglas ngunit pinagtulungan siyang hawakan ng mga guardia. Isang guardia ang humila sa kaniya dahilan upang aksidente nitong mahila ang purselas na rosaryo na suot ni Salome. Napigtal ang purselas na rosaryo na regalo noon ni Fidel sa kaniya, kumalat ang mga 'beads' nito sa lupa, animo'y isang pangarap at pangako na tuluyan nang nasira.

Napatulala si Salome sa kaniyang purselas na nagkalat na sa lupa. Akmang pupulutin niya ito ngunit dali-daling sinipa iyon ng mga guardia papalayo. Tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Salome habang nakatitig sa nasirang purselas. Tulad ng pagkawasak nito ay ang pagkasira ng tiwala niya sa lalaking nagbigay niyon sa kaniya.

Tila namanhid ang kaniyang buong katawan. Hindi na siya lumaban pa nang bigla siyang kaladkarin ng mga guardia pasakay sa kalesa ng hukbo. Nagkalat na rin ang mga guardia civil sa buong plaza upang hanapin ang mga salarin na siyang pumana at muntikan nang pumatay sa tagapayo (advisor) ng gobernador-heneral.

Nagpalingon-lingon sa paligid si Geronimo at Patricio ngunit hindi na rin nila masumpungan kung nasaan si Fidel. Animo'y naglaho na ito na parang bula.





Lumipas ang halos tatlong araw na nakakulong si Salome sa himpilan ng mga guardia civil habang hinihintay ang hatol ng hukuman. Naroon din nakakulong ang kaniyang inay at dalawang kapatid ngunit hindi niya alam kung saan banda ang selda nila dahil sa lawak ng himpilan.

Ilang beses siyang inabutan ng makakain ngunit hindi niya ito ginalaw. Tanging tubig lang ang nagawa niyang galawin. Bantay sarado ang buong himpilan lalong-lalo na ang selda kung nasaan si Salome. Ilang beses din siyang sinubukang kausapin ng mga malolokong guardia ngunit hindi niya ito kinibo.

Ni isang salita ay wala siyang binitiwan sa loob ng tatlong araw. Nanatili lang siyang nakaupo sa isang sulok habang tulala sa sahig. Hindi na rin niya alintana ang dumi at ang mabahong amoy sa paligid. Maging ang mga luha niya ay hindi na rin niya mapigilan pa sa walang humpay nitong pagbagsak.

Walang segundo na lumipas na hindi sumasagi sa kaniyang isipan ang ginawa ni Fidel. Sa tuwing naaalala niya ang ginawa nito mas lalong sumisikip ang dibdib niya. Gusto niyang magwala, manakit, sumigaw at pumatay ngunit tila nababalot ng lamig at panghihina ang buong katawan niya dahilan upang naisin niyang mamatay na lang.

Ilang sandali pa, ingay mula sa labas ang kaniyang narinig. Kasunod nito ay ang yapak ng mga paa na tila papalapit na sa kaniya ngayon. Napapikit na lang si Salome, hinang-hina na siya at wala na siyang pakialam kung ito na ang huling mga oras niya.

Naramdaman niya ang pagdating ng mga guardia civil habang bitbit nito ang mga nagliliyab na apoy sa sulo upang magbigay liwanag sa buong selda. " (Please, leave us) utos ng tagapayo sa mga guardia civil. Napatango naman ang mga ito saka umalis na.

Nanatili pa ring nakapikit si Salome. Animo'y hinihintay na lang niya ang pagtama ng matalim na espada sa kaniyang leeg dahil nais na niyang mamatay. Ngunit nang magsalita ang tagapayo hindi niya napigilang tingnan ito ng diretso sa mata.

"Fue un tiro muy cerca ..." (It was a very close shot...) panimula ng tagapayo na pustorang-pustora ang bihis habang kalmadong humihithit sa kaniyang tabako. Napansin ni Salome ang kanang kamay nito na putol na.

"Oo nga pala, marahil ay hindi ka nakakaintindi ng wikang Kastila. Nakapanghihinayang naman kung hindi man lang ikaw naturuan ng aking anak. Kung sabagay, kaunting panahon lang naman ang palugit na binigay ko sa kaniya at napagtagumpayan naman niya ang kaniyang misyon kung kaya't wala na akong problema doon" patuloy pa nito habang tumatawa-tawa pa. Ang nakakasuklam na tawa nito ang patuloy na umaalingangaw sa buong selda.

Halos walang kurap na nakatitig sa kaniya si Salome. Sa mga tingin pa lang ng dalaga ay kitang-kita na gustong-gusto na siya patayin nito. "Mag-iingat sa pamatay na tingin na iyong pinapakawalan. Baka nakakalimutan mo ako ang tagapayo ng gobernador-heneral. Anumang salitang ilabas ko sa aking bibig ay maaaring makaimpluwensiya sa desisyon ng ating minamahal na pinuno" tugon pa ng tagapayo saka sumandal sa dingding at nagsindi ng tobako. Bagama't putol na ang isang kamay nito kayang-kaya niya pa rin sindihan ang kaniyang tabako.

"Ano bang kasalanan ng pamilya ko sayo? bakit ganito na lang ang galit mo sa amin?!" sigaw ni Salome na agad umalingangaw sa buong kulungan. Tila nasindak naman ang tagapayo sa tapang na ipinamalas ng dalaga ngunit di kalaunan ay bigla na lang siyang napahalakhak ulit.

"Matapang ka, kitang-kita sa dugong bughaw na namumutawi sa iyong dugo. Tulad ng iyong mga ninuno na matapang na nakipaglaban sa aming lahi ngunit hindi naman sila nagtagumpay" saad pa nito, napapikit na lang sa inis si Salome.

"Isa ba kaming banta sa inyo? Ni hindi na nga namin inaasam na maibalik muli ang kaharian na naitatag ng aming mga ninuno. Bakit ginugulo niyo pa ang buhay namin?!" muling sigaw ni Salome, ngunit isang nakaka-insultong tawa na naman ang pinakawalan ng tagapayo.

Nang matapos tumawa ang tagapayo naglakad siya papalapit sa rehas ni Salome saka ibinuga ang usok ng tabako na hinihithit niya. "Nakikita mo ba ito?" panimula ng tagapayo saka pinakita kay Salome ang kanang kamay niya na putol na ngayon.

"Labing apat na taon na ang nakaraan ngunit sariwa pa rin sa aking alaala ang mapait na sinapit ko sa inyong lahi" tugon ng tagapayo. Ang tinutukoy nito ay ang pag-aaklas ng mga intsik na nangyari noong 1675. Ang pag-aaklas na iyon ay sinalihan din ng mga magulang at kamag-anakan ni Nay Delia.

"Kilala mo kung sino ang nakaputol ng aking kamay?" wika pa ng tagapayo. Sabay pakita muli ng kaniyang putol na kamay kay Salome.

"Si Francisco Aguantar" sagot nito sabay tingin ng matalim kay Salome. Unti-unting naging malinaw kay Salome anng lahat. Naalala nga niya na minsang sumali ang kaniyang itay sa pag-aaklas noon ng mga intsik upang ipagtanggol din ang ibang mga kamag-anak ni Nay Delia.

Anim na taong gulang pa lang noon si Salome, wala pa siyang muwang sa mundo at sa labanang nangyayari. Naalala lang niya na lumikas sila noon papunta sa ibang lugar at matapos lang ang ilang linggo muli nilang nakapiling ang kaniyang itay dala ang balitang hindi nakaligtas ang ilan sa mga kamag-anakan ng kaniyang asawang intsik na si Delia.

"Hindi pa pala ako nagpapakilala sa iyo, ako nga pala si Don Mauricio Montecarlos, ang ama ng iyong sinisinta" ngisi pa nito. At sa pagkakataong iyon, malinaw na rin kay Salome na matagal nang alam ng tagapayo ang relasyon nila ng anak nito.





Nang gabi ring iyon. Tulala lang si Salome sa dilim habang nakahiga sa maduming sahig ng selda. Nararamdaman niya ang paggalaw ng ilang insekto ngunit hindi na niya iyon alintana pa. Napayakap na lang siya sa sarili niya habang patuloy na pumapasok ang hamog mula sa maliit na bintana sa itaas ng kaniyang selda.

Ilang sandali pa, naaninag niya ang paparating na liwanag. Agad siyang napabangon at napasandal sa pader. Sunod-sunod na yapak ang narinig niya hanggang sa isang nakasisilaw na liwanag ang tumapat sa rehas niya.

"Por favor déjanos por un momento" (Please leave us for a moment) tugon ni Patricio sa mga kasamang guardia civil. Agad naman itong sumaludo at sumunod sa kaniya. Nang makaalis na ang mga guardia, naglakad si Patricio papunta sa lagayan ng sulo saka isinabit ito doon.

Magsasalita na sana si Salome ngunit agad sumenyas si Patricio na huwag itong maingay. "Makinig ka Lumeng, bantay sarado ang paligid at mahihirapan kami ni Geronimo na mailabas ka rito. At kung ilalabas ka namin sa ganoong paraan siguradong mahihirapan din tayo magtago kung saan hindi tayo mahahanap ng mga guardia" panimula ni Patricio habang nakahawak ng mahigpit sa rehas.

Agad namang naglakad si Salome papalapit sa rehas at napatitig sa mga mata ng binata. "Nasaan si inay, ate Fe at Julio? Anong nangyari sa kanila?" nag-aalalang tanong ni Salome kay Patricio. Napangiti naman ng marahan ang binata.

"Narito rin sila sa himpilan ng mga guardia, ngunit huwag kang mag-alala nasa maayos silang kalagayan. Bukas na bukas ay papakiusapan ko na makausap mo sila" tugon ni Patricio, maluha-luhang nagpasalamat si Salome kay Patricio. Ilang sandali pa, nagitla si Salome nang biglang hawakan ni Patricio ang kamay niya na nakahawak sa pagitan ng mga rehas.

"Gagawin ko ang lahat upang makalabas ka rito Lumeng, hindi kita iiwan" seryosong tugon ni Patricio habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Salome. Sa pagkakataong iyon, naramdaman ni Salome ang sineseridad sa puso ng binata.





Kinabukasan, maagang dumating ang mga guardia at ginising si Salome. "Bangon!" sigaw nito, habang binubuksan ang selda. Hindi pa man nakakabangon si Salome ay agad na siyang hinila ng mga guardia patayo at palabas sa kulungan.

Nagpupumiglas naman si Salome ngunit malakas ang dalawang guardia habang hila-hila siya. Dumaan sila sa isang makipot na daanan hanggang sa marating nila ang isa pang helera ng mga selda. Napatigil si Salome nang makita sa pinakadulong selda ang kaniyang inay habang nakapatong sa hita nito ang ulo ng kaniyang ate Fe na ngayon ay maputla na at hinang-hina na.

Agad sinenyasan ng pinunong guardia ang isa na buksan ang seldang kinaroroonan ng pamilya ni Salome. Nang mabuksan ito dali-daling tumakbo si Salome papasok doon at mahigpit na niyakap ang kaniyang inay at dalawang kapatid.

"A-ano pong----" hindi na natapos ni Salome ang sasabihin niya dahil napailing-iling lang ang kaniyang inay. Kasunod nito ay ang pagdaloy ng mga luha sa mga mata nito. Dahan-dahang napatingin si Salome sa kaniyang ate Felicidad na ngayon ay parang lantang gulay na nakapikit ang mga mata.

Nanginginig man ang kamay ni Salome ay hinawakan pa rin niya ang kamay ng kaniyang ate. Dahan-dahang iminulat ni Felicidad ang kaniyang mga mata saka tumingin kay Salome. Unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang labi nang makita ang kapatid.

"D-dumating ka rin, L-lumeng" wika ni Felicidad at napaubo pa ito. Agad namang hinimas-himas ni Nay Delia ang lalamunan ng anak upang mahimasmasan ito.

"Ate Fe, magpagaling ka. Makakalabas tayo dito" bulong ni Salome sa kaniyang ate, ngumiti lang ito kahit hinang-hina. Tuyot na ang labi nito at nagdurugo rin ang ilong kaya makailang beses na pinu-punasan ni Nay Delia ang ilong ng anak.

Dahan-dahang iniangat ni Felicidad ang kaniyang kamay at hinawakan ang mukha ni Salome "L-lumeng, malayo pa ang mararating mo. A-alagaan mo ang sarili mo, si inay at si Julio. M-mahal na mahal ko kayo" patuloy pa nito, hindi na napigilan pa ni Salome ang mg luha sa kaniyang mga mata at napayakap siya ng mahigpit sa kaniyang ate Fe habang humahagulgol.

"Ate Fe! Huwag mong sabihin iyan" pagsusumamo pa ni Salome, dahan-dahan namang tinapik ni Felicidad ang likod ng kapatid at pilit na hinahabol ang kaniyang paghinga.

"Alam mo ba, p-pangarap ko noon na mapangasawa si señor Patricio ngunit batid ko na hindi naman ako ang babaeng napupusuan niya" tugon pa ni Felicidad sabay tingin ng diretso sa mga mata ni Salome at pinunasan niya ang mga luha ng kapatid.

"I-ikaw ang nilalaman ng puso niya Lumeng. N-nawa'y bigyan mo ng pansin ang pag-ibig niya sa iyo. P-pahalagahan mo ang mga taong nagmamahal sayo Lumeng" wika pa nito, magsasalita pa sana si Felicidad ngunit napaupo na ito ng malakas habang hinahabol nito ang kaniyang paghinga.

"Ate Fe!" tawag pa ni Salome ngunit bigla na siyang hinila ng mga guardia papalabas. Pilit siyang nagpupumiglas ngunit mabilis siyang hinila ng mga ito papalayo sa selda ng kaniyang pamilya.





Nang gabi ring iyon, taimtim lang na nagdadasal si Salome sa madilim na selda na kinaroroonan niya. ilang sandali pa, bigla siyang naalarma nang maramdaman ang ilang paggalaw at yapak papalapit sa kaniya ngunit wala siyang naaaninag na liwanag.

Agad napatayo si Salome at pinuwesto niya ang kaniyang sarili "S-sino iyan?" panimula niya. Dalawang paggalaw mula sa labas ng kaniyang rehas na naman ang naramdaman niya. Magsasalita sana ulit siya kaya lang narinig niya ang isang pamilyar na boses.

"Lumeng" halos pabulong na tugon nito. Dali-daling nagtungo si Salome papalapit sa rehas habang kinakapa-kapa ang sahig papunta roon.

"F-felipe?" gulat na tanong ni Salome. Kasunod nito ay narinig na naman niya ang isa pang pamilyar na tinig.

"Lumeng, ayos ka lang ba?" tanong nito, parang nabunutan naman ng tinik si Salome sa puso dahil muli niyang nakausap ang mga taong malapit sa puso niya.

"M-mang Berto?" tugon ni Salome. Agad naman siyang sinuway nito na hinaan lang ang boses upang hindi marinig ng mga guardia na nagbabantay sa labas.

Hindi niya masyado maaninag ng mabuti ang itsura ni Felipe at Mang Berto dahil napakadilim ng buong paligid. "Lumeng, itatakas ka namin dito---" hindi na natapos pa ni Felipe ang kaniyang sasabihin dahil biglang nagsalita si Salome.

"Huwag na, ayokong madamay pa kayo. Makakalabas ako rito at sisiguraduhin kong sa legal na paraan upang wala nang ibang tao ang madamay pa" sagot ni Salome habang nakatulala sa kawalan. Pinaghahawakan niya ngayon ang sinabi ni Patricio na tutulungan siya nitong makalabas sa kulungan.

"Lumeng, wala na si Ising. Natagpuang patay ang buong pamilya nila. Hindi nahuli ng mga guardia kung sino ang may kagagawan niyon at mukhang ibabato nila ang sisi sa iyo" tugon naman ni Mang Berto. Napahawak naman si Salome sa bakal na rehas dahil sa gulat.

"N-ngunit paano nangyari iyon? nakakulong ako rito----"

"Magagawa ni Don Mauricio ang lahat upang idiin ang pangalan niyo at para makapaghiganti sa inyong pamilya" patuloy ni Mang Berto. Hindi naman nakapagsaluta si Salome at napasandal na lang sa dingding. Hindi na niya ngayon alam ang kaniyang gagawin.

"Bukas na bukas ay hihintayin namin ang iyong pasya, isabit mo ang bulaklak na sampaguita na ito sa labas ng iyong bintana upang malaman namin kung handa ka na makaalis dito. Gagawin din namin ang lahat upang maitakas ang iyong ina at mga kapatid" saad ni Felipe, sabay abot ng sampaguita kay Salome.

"Hihintayin namin ang iyong pasya Lumeng" habol pa nito, magsasalita pa sana si Felipe ngunit isang malakas na kalampag ang narinig nila mula sa labas. Kung kaya't mabilis na tumakas sina Mang Berto at Felipe upang hindi sila maabutan ng mga guardia.





Kinabukasan, ilang oras nang napatitig si Salome sa sampaguitang iniwan sa kaniya ni Felipe. Nagdadalawang-isip siyang humingi ng tulong mula sa kanila dahil batid niyang delikado ang gagawin ng mga ito at ayaw na niyang may buhay pang mawala nang dahil sa kaniya.

"Tabi!"

Nagulat si Salome nang marinig ang sigaw ng isang lalaki. Dali-dali siyang tumakbo papalapit sa bakal na rehas ng kaniyang selda upang tingnan kung anong mayroon sa daanan. Ilang sandali pa, nanlaki ang mga mata niya nang makita kung anong nasa likod ng apat na guardia civil na iyon.

"ATE FE!" sigaw ni Salome nang makitang ang walang malay niyang ate na nakahiga sa mahabang banig habang bitbit ng apat na guardia. Agad kinuha ng isa pang guardia ang puting kumot saka itinakip iyon sa mukha ng kaniyang ate Fe.

Tila tumigil ang takbo ng oras nang mapagtanto niyang... patay na ang kaniyang ate Fe. Wala na si Felicidad.

"HINDI! HUWAG! ATE FE!" sigaw pa ni Salome ngunit nagpatuloy lang sa paglalakad ang apat na guardia. Nanlaki ang mga mata ni Salome nang makita na nakasunod sa kanila si Nay Delia at si Julio habang nakagapos ang mga kamay nito at hila-hila nila.

"NAY! JULIO!" tawag pa ni Salome. Akmang lalapit si Nay Delia kay Salome ngunit mabilis na hinila ng guardia ang buhok ni Nay Delia dahilan upang mawalan ito ng balanse at matumba. Dali-dali namang yumakap sa kaniya si Julio at hindi na maawat ang pag-iyak nito.

"¡CÁLLATE!" (SHUT UP!) sigaw ng guardia kay Julio sabay sampal sa mukha nito dahilan upang mapabitaw si Julio sa pagkakayakap sa kaniyang ina.

Abot kamay naman na ni Salome si Julio at pilit niyang inalalayan ito patayo habang nakalusot ang dalawang kamay niya sa pagitan ng mga rehas. Parang ilog na umaagos ang luha ni Julio at agad itong yumakap sa kaniyang ate Salome.

"Julio, huwag ka nang umiyak. Magagalit lalo ang----" hindi na natapos ni Salome ang kaniyang sasabihin dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, nagsalita si Julio sa kauna-unahang beses.

"N-nais ko pa pong mabuhay ate" wika nito, gulat na napatingin sa kaniya si Salome. Maging si Nay Delia ay napatigil din sa pag-iyak nang marinig ang boses ni Julio. "I-iligtas niyo po kami ni ina. L-lumayo na tayo sa gulo at mabuhay ng tahimik" pakiusap pa ni Julio, sa murang edad nito ay puro pasa at sugat na rin ang kaniyang mukha.

Animo'y parang biglang lumambot ang puso ni Salome. Niyakap na lang niya muli ng mahigpit ang kapatid. Ang mga salitang binitiwan nito ay diretsong tumagos sa kaniyang puso. "H-huwag kang mag-alala, m-mamakaalis tayo rito at m-mabubuhay ng payapa" tugon ni Salome sa kapatid, maging siya ay hindi na rin maawat ngayon sa pag-iyak.

"Basta!" (Enough!) awat sa kanila ng guardia sabay hila kay Julio papalayo kay Salome. Napasigaw ang bata ngunit isang malakas na sampal na naman ang inabot nito sa mga guardia. Nang buksan ang pinto papalabas ng selda. Nagulat si Salome nang makitang nakatayo mula roon sa labas si Patricio. Bihis na bihis ito, ngayon niya lang napagtanto na si Patricio ang magiging abogado na magtatanggol sa kaniyang ina at kapatid na lilitisin na ngayon sa hukuman.



Matapos ang halos dalawang oras hindi mapakali sa selda si Salome. Batid niyang isang abogado so Patricio at magagawa nitong maipagtanggol ng maayos si inay delia at julio. Kanina pa siya naglalakad pabalik-balik sa loob ng selda.

Gumugulo rin sa kaniyang isipan ang alok na tulong ni Felipe at Mang Berto ngunit batid niyang napaka-delikado ng paraang iyon. Bukod doon imposibleng maligtas din nila ang kaniyang inay at kapatid.

Ilang sandali pa, hindi nga siya nagkamali. Dumating si inay Delia at Julio at umiiyak sa tuwa na yumakap sa kaniya dahil tagumpay ang pagtatanggol na ginawa ni Patricio sa hukuman. "M-maraming Salamat señor Patricio" tugon ni Salome at akmang luluhod sa harapan ni Patricio ngunit pinigilan siya nito.

"Sinabi ko naman sa iyo na gagawin ko ang lahat para tulungan ka at ang iyong pamilya" wika ng binata sabay ngiti ng marahan kay Salome.

"Naipaglaban ko sa hukuman na walang kasalanan ang iyong ina, si Felicidad at Julio. Bagama't sila ay Aguantar, wala na rin naman na ang iyong ama na si Francisco Aguantar na siyang tagapagmana talaga ng trono ng dugong maharlika at siyang kinagagalitan ni Don Mauricio . Wala na rin ang inyong kuya Ernesto na siyang magmamana nito. At bukod doon walang ebidensiya na nagpapatunay na nakapatay ng tao si Inay Delia, Felicidad at lalong-lalo na ang batang si Julio" panimula ni Patricio, napatahimik silang lahat. Maging si Nay Delia at Julio ay napayuko na lang.

"Ngunit ikaw Salome... matibay ang ebidensiya laban sa iyo. Ang ginawa mong pagpatay kay Mang Pablo, sa mga guardia civil na tauhan ni Heneral Ramon at ang ginawa mong pagsunog sa kabuhayan at tahanan ng pamilya nila Ising ay sapat nang mga ebidensiya upang hatulan ka ng kamatayan" wika ni Patricio. Gulat namang napatingin sa kaniya si Salome. Animo'y tinamaan siya ng kidlat dahil sa sobrang takot. Ngayong ligtas na ang kaniyang ina at kapatid, natatakot naman siya sa kahihinatnan ng kaniyang buhay.

"Hindi ko na magagawa pang iligtas ang iyong buhay sa kamay ng batas... Lumeng" patuloy pa ni Patricio dahilan upang biglang siklaban ng takot si Salome, halos walang kurap siyang nakatingin sa binata dahil sa gulat.

"Ngunit may isang paraan upang ikaw ay mabuhay Lumeng..." saad pa ng binata. Agad namang napahawak si Salome sa kamay ni Patricio. Nagsusumamo na iligtas siya nito.

"Ikaw ay mabubuhay bilang si Felicidad Aguantar" tugon nito. Nanlaki naman ang mga mata ni Salome, parang isang nakabibinging dagundong ang narinig niya. Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan at pandinig niya ang huling sinabi ni Patricio. 'Ikaw ay mabubuhay bilang si Felicidad Aguantar'

Kailangan niyang itago ang pagkakakilanlan niya bilang si Felicidad na kaniyang ate. At sa ganoong paraan magagawa niyang makaligtas sa hatol ng kamatayan.

Napalingon si Salome sa kaniyang ina. Nakayuko lang ito at humihikbi, animo'y nasabi na sa kaniya ni Patricio ang paraang iyon upang maligtas si Salome. "Nabanggit ko na rin ito sa iyong ina. Ito lang ang tanging paraan Lumeng upang mabuhay ka. Malinis ang pangalan ni Felicidad kung kaya't tulad ng iyong ina at kapatid na si Julio ay hindi sila nahatulan ng kamatayan ng hukuman" saad ni Patricio at naglakad siya papalapit kay Salome sabay hawak sa balikat ng dalaga.

"Ako, si Geronimo, ang iyong pamilya, at ang apat na guardia civil na tagapagbantay sa inyong selda lang ang nakakaalam na patay na si Felicidad. Babayaran ko ang apat na guardiang iyon upang manahimik sila. Papalabasin natin sa lahat na wala na si Salome. Kailangang malaman ng lahat na patay ka na" patuloy pa ni Patricio habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Salome.

Dahan-dahan namang napatingin si Salome sa mga mata ng binata. "Magpapakasal tayo. Gagamitin mo ang aking apelyido. At sa ganoong paraan walang sinuman ang makakapanakit sa iyo at sa iyong pamilya. Sisiguraduhin kong hindi na nila kayo magagalaw pa" tugon pa ni Patricio, ang bawat salitang binibitawan nito ay tumatagos sa puso ni Salome. Isang tango na lang ang naisagot niya sa binata at sa pagkakataong iyon, kaniya nang tinanggap ang bagong kapalaran na naghihintay sa kaniya.







Makalipas ang halos tatlong linggo. Mabilis na pinaghanda ni Patricio ang lahat para sa nalalapit nilang kasal ni Salome na ngayon ay kilala ng lahat bilang si Felicidad. Hindi naman sila nahirapang paniwalain na siya si Felicidad dahil magkamukha na magkamuha sila ng kaniyang ate. Mas maputi nga lang ito sa kaniya ngunit dahil sa dami ng mga pampagandang mga kolerete at mga pabangong lana mula sa Europa at Roma na binili ni Patricio para sa kaniya ay naging makinis ang balat ni Salome. Animo'y kabilang na siya sa mga anak ng mayayamang principales.

Sa isang mansyon ni Patricio sa Intramuros sila ngayon naninirahan. Madalas lang nasa bahay si Salome, bukod sa wala siyang ganang lumabas ng bahay ay mas mabuti na ring magtago na lang siya dahil baka makita siya nina Felipe at ang pamilya nila Mang Berto na siyang nakakakilala sa pagkakaiba ni Salome at Felicidad.

Sa tuwing lumalabas sila ni Patricio ng bahay ay nagtataklob siya ng balabal dahil hindi na rin siya ganoon ka-komportable sa labas. Lumipas ang halos tatlong linggo na naging abala sila sa paghahanda sa kanilang nalalapit na kasal. Si Nay Delia ay naging abala sa pag-aasikaso ng traje de boda na isusuot ni Salome. Siya rin ang nakatalaga sa mga pagkaing ihahanda sa kasal at sa mga imbitasyon. Habang si Julio naman ay pinag-aral ni Patricio sa San Juan de Letran.



Enero 31, 1689

Halos abala ang lahat at nasasabik sa kasalanang gaganapin sa simbahan ng San Agustin. Nagkalat ang mga bulaklak sa labas ng simbahan. Ganoon rin ang sunod-sunod na pagdating ng mga mayayamang panauhin na karamihan ay mga kaibigan at kasosyo ni Patricio sa negosyo.

Ang mga kababaihan at kalalakihang mga panauhin ay nagtitingkaran sa magagarbong mga puting barong at baro't-saya na kanilang mga suot. Napupuno rin ng mga magagandang bulaklak at makukulay na kandila ang loob ng simbahan.

Alas-dos na ng hapon nang makompleto na ang mga panauhin at mapuno na ang loob ng simbahan. Ilang sandali pa, dumating na ang pari at nagsimula na ang kasal. Nakakapanindig balahibo ang musika mula sa mga biyolin na sabay-sabay tumugtog sa loob ng simbahan.

Canon in D, ang napiling musika ni Salome habang naglalakad siya sa gitna ng altar. Ipinikit na lang niya ang kaniyang mga mata habang dinadama ang bawat nota ng musikang iyon na siyang nagpapaalala sa kaniya ng lahat ng masasayang sandali nila noon ng lalaking totoong nilalaman ng puso niya.

Halos mapunit naman ang ngiti ng ilang mga doña habang pinagmamasdan ang babaeng ikakasal na naglalakad sa altar. Hindi nila maitatanggi na napaka-swerte ni Patricio dahil napakaganda ng mapapangasawa nito. Habang ang ilan namang mga binibini ay napapataas na lang ang kilay dahil sa inggit.

Nang muling imulat ni Salome ang kaniyang mga mata natanaw niya sa Patricio sa dulo ng altar. Nasa tabi nito si Geronimo at ang batang si Julio.

~ikaw, ikaw ang hanap hanap ko
ikaw pa rin ang laging naiisip ko
bakit mahal pa rin kita
kahit ika'y lumimot na
bakit ikaw pa rin~

~Ngayon, ngayon akoy nag-iisa
ang tanging nais ko ay makapiling ka
di ba't nagako ka minsan pag-ibig na walang hanggan
sa isang saglit naglaho ng ikaw ay umalis~

~Pinilit kong limutin ka
ba't di ko magawang umibig sa iba
ba't laging ikaw at ako
sigaw ng puso ko
sayo'y umaasa pa
pinilit kong limutan ka~

Sa bawat pagkahabang niya papalapit sa altar ay parang unti-unting winawasak nito ang kaniyang puso. Dito mismo sa loob ng simbahan ng San Agustin kung saan mula pagkabata ay pinangarap niya na maikasal, ngayon ay naisakatuparan ngunit hindi sa lalaking totoong tinitibok ng puso niya.

Kahit anong pagpigil ay hindi magawang pigilan ni Salome ang pagpatak ng mga luha niya sa kaniyang mga mata habang inaalala ang mga salita at pangakong binitiwan nila ni Fidel dito mismo sa loob ng simabahang ito.

"M-magpapakasal lamang ako kung dito mismo sa simbahang ito ako ikakasal"

"Dito sa simbahang ito?"

"Masyado mang mataas ang ambisyon kong maikasal sa simbahang ito ngunit mula pagkabata talaga ay pangarap ko nang maikasal dito. Minsan lang ikasal ang isang binibini na tulad ko kung kaya't dapat ay pinaghahandaan talaga iyon ng ginoo... na tulad mo"

"Kung gayon... nawa'y paghandaan na sana ng binibining katulad mo na maikasal sa lalong madaling panahon sa simbahang ito sa lalaking... katulad ko"



Ang mga salitang iyon. Ang mga alaalang iyon ang patuloy na gumugulo sa isipan ni Salome habang naglalakad siya sa gitna ng altar. Hindi ito ang pangarap niya. Hindi sa lalaking tulad ni Patricio nais niyang tuparin ang lahat ng pangarap niya. Hindi niya inakala na magbabago ang tadhana at magiging ganito ka-komplikado ang lahat.

Biglang napatigil si Salome sa paglalakad habang nakatulala sa sahig. Nagsimulang magtaka at magbulung-bulungan ang mga tao sapagkat tumigil sa paglalakad ang babaeng ikakasal. Gulat namang napatingin sa kaniya si Patricio. Natatakot siya na anumang oras ay baka biglang tumalikod si Salome at tumakbo papalabas ng simbahan.

Napatingin si Salome sa kaniyang kamay na nanginginig na ngayon habang hawak-hawak ang kumpol ng mga bulaklak. Nais na niyang tumakas. Ngunit sa huling pagkakataon ay napatingin siya sa kaniyang inay at kay Julio na ngayon ay malungkot na nakatingin sa kaniya.

Maayos at malinis na ang pananamit ni Nay Delia at Julio. Animo'y kabilang sila sa mga mayayamang pamilya. Sa halos tatlong linggong pananatili nila sa tahanan ni Patricio sa loob ng Intramuros ay hindi sila nakaramdam ng takot o pangamba laban sa mga kalaban.

Malakas ang impluwensiya ni Patricio at hindi maikakaila na siya ay isa sa mga makapangyarihang principales na nagpaunlad ng kabuhayan sa San Alfonso. Marami rn itong kilalang makakapangyarihang tao sa Maynila kung kaya't ang maging asawa niya ay magbibigay ng pribilehiyo sa pamilya ni Salome.

Muling bumalik sa alaala ni Salome ang lahat ng pasakit at paghihinagpis na naranasan nila noong ordinaryong mamamayan pa lang sila. Ang pang-aapi at walang awang pagpatay sa kaniiyang ama at kuya. Ang pagpatay sa kaniyang kapatid na si Danilo at ang paghihirap ng loob ng kaniyang ate Felicidad ay hindi dapat mauwi ang lahat ng iyon sa wala.

At ngayon tanging si Nay Delia at si Julio na lang ang kaniyang natitirang pamilya at kailangan niyang gawin ang lahat upang maprotektahan sila. Para sa kanila ang magandang buhay na gusto niyang ialay ngunit ang kapalit niyon ay ang pagpapakasal niya sa lalaking hindi naman niya gusto.

Mabigat man sa kaniyang loob ay buong tapang na lang niyang haharapin ang kaniyang kapalaran. Muli na niyang inihakbang ang kaniyang paa at pinagpatuloy muli ang paglalakad sa altar. Ilang hakbang patungo sa bagong buhay na naghihintay sa kaniya at sa kaniyang pamilya.







"Inihahatid ko ang aking pagbati sa matagumpay niyong kasal" tugon ng isang pamilyar na boses ng isang babae. Napatingala naman si Salome at gulat siyang napatingin kay Señorita Florencia na nakatayo ngayon sa tapat niya.

Ang mga handa at pagdiriwang ng kasal nila ni Patricio ay pinagpatuloy sa mansyon nito sa Intramuros. Alas-siyete na ng gabi at tuloy pa rin ang kasiyahan. Pagkatapos ng kanilang kasal sa simbahan ng San Agustin ay dumiretso na sila sa tahanan na ito upang idaos ang kainan at kasiyahan.

Magmula ng dumating sila ay hindi umalis si Salome sa kinauupuan nito sa gitna habang patuloy na dumadating ang mga bisita upang ipaabot ang kanilang pagbati at ibigay ang kanilang mga regalo sa bagong kasal.

Tanging tango at pilit na ngiti lang ang isinasagot ni Salome. Wala siya sa ulirat at parang ayaw makiaayon ng kaniyang buong katawan sa kasiyahan na nagaganap ngayon sa kanilang mansyon.

"Huwag ka mag-alala, hindi ako naparito upang manggulo. At huwag ka rin mangamba sapagkat wala akong balak na ipagkalat na hindi ikaw si Felicidad" patuloy pa ni señorita Florencia habang pinapaypayan niya ang kaniyang sarili gamit ang napakagandang abaniko na mula pa sa Europa.

Hindi na lang siya inimik ni Salome pero hindi pa rin natinag si Florencia at umupo pa sa tabi niya. Malakas ang loob nitong asarin si Salome dahil wala si Patricio, kasalukuyan itong nakikipag-inuman sa labas ng kanilang mansyon kasama ang mga kaibigan nito.

"Iniisip mo siguro na gagambalain ko ang buhay niyong mag-asawa? Huwag ka mag-alala Salome, wala akong balak gawin iyon" tugon pa ni Florencia habang ngumingisi-ngisi pa ito. Inis naman siyang tiningan ni Salome.

"Ano bang pakay mo rito?" diretsong tanong niya. Napahalakhak naman saglit si Florencia dahilan upang mas lalong mainis si Salome.

"Naparito nga ako upang batiin kayo at bukod doon nais ko ring magpasalamat sayo" saad pa ni Florencia. Napakunot naman ang noo ni Salome. Nauubos na ang pasensiya niya sa babaeng katabi niya at kung hindi siya makapagpigil babalian na niya ito ng buto.

"At bakit ka naman magpapasalamat?" mataray na tanong ni Salome. Nagitla naman si Florencia sapagkat napagtanto niya na isa na palang Montecarlos ngayon si Salome na dating tagapagsilbi lamang at kabilang sa mababang uri. Ngunit ngayon ay asawa na ito ni Patricio Montecarlos kung kaya't kabilang na rin siya sa mayayamang indibidwal.

Napatikhim na lang si Florencia at inis na napatayo "Pagsisisihan mo rin ito Salome. Nagpapasalamat na lang ako dahil mas nauna kong nakilala ang tunay na Patricio. Mabuti na lang dahil hindi ako ang naipakasal sa kaniya" nang-iinis na tugon ni Florencia habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Salome. Ikinumpas pa nito ang abaniko na hawak saka inilapit niya ang bibig niya sa tenga ni Salome at bumulong dito.

"Buena suerte Lumeng. No hay manera de salir. Te caíste en su trampa" (Goodluck Lumeng. There's no way out. You fell on his trap) ngisi pa ni Florencia sabay talikod kay Salome at tuluyan na itong umalis. Napatayo si Salome at akmang hahabulin pa sana niya si Florencia ngunit bigla may humarang sa kaniyang dadaanan.

Napatigil si Salome at gulat na napatingin sa lalaking nakatayo ngayon sa harapan niya, si Padre Bernardo. "Supongo que así es como nos separamos. No te preocupes, no me importará si pretendes ser tu hermana. No cambia el hecho de que todavía eres un Aguantar. Eres un Indio tan inteligente, pero no tan inteligente como crees. Somos más inteligentes que tú Patricio es más inteligente que tú" (I guess, this is how we part ways. Don't worry I won't mind if you pretend to be your sister. It doesn't change the fact that you're still an Aguantar. You're such a clever Indio, but not as smart as you think. We are smarter than you. Patricio is smarter than you) tugon ni Padre Bernardo sabay ngisi. Magsasalita pa sana si Salome ngunit tumalikod na ito at sumunod sa pamangking si Florencia na ngayon ay nakasakay na sa kanilang kalesa at tuluyan na silang umalis.

Naiwan lang doon si Salome sa tapat ng pintuan ng kanilang mansyon habang tinatanaw ang kalesang sinasakyan nina Florencia at Padre Bernardo na tuluyang naglalaho na sa dilim. Hindi man naintindihan ni Salome ang mga sinabi nila sa wikang Espanyol ngunit bigla siyang nakaramdam ng kaba sa mga sinabi nila.

Dahan-dahang napatingin si Salome sa buong paligid. Patuloy ang pagtunog ng nakakaindak na musika na nagbibigay ng kasiyahan sa buong bahay. Masayang nagkwekwentuhan at nagtatawanan ang mga panauhin habang sarap na sarap sa mga pagkaing inihanda nila.

Natanaw niya si Julio na masayang nakikipaglaro sa mga kapwa bata nito at naghahabulan sila sa loob ng bahay. Napatingin din siya sa kaniyang inay na abala sa pakikipagkwentuhan sa mga bago nitong kaibigan. At sa huli, napatingin siya kay Patricio na ngayon ay nakikipagtawanan sa mga kaibigan nitong negosyante habang patuloy ang kanilang pag-iinuman.

"Felicidad!"

"Fe!"

"Felicidad, Kanina ka pa namin tinatawag" nagulat si Salome nang biglang may humawak sa balikat niya dahilan upang bigla siyang mapalingon sa likod. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Roselia habang nakakapit sa bisig ng isang matandang lalaki na medyo may katabaan, si Don Epifanio.

"Magandang gabi, ipinaabot ko ang pagbati sa inyong kasal" ngiti ni Don Epifanio saka kinuha ang kamay ni Salome at hinalikan ito. Hindi naman nakapagsalita si Salome at napatingin na lang siya kay Roselia na ngayon ay sinenyasan siya na huwag mag-alala.

"Ikaw pala si Felicidad, naikwento sa akin ni Roselia na ikaw ang sumunod sa inyong kuya Ernesto na dati niyang asawa" patuloy pa nito sabay hithit ng tabako. Napatakip naman ng ilong si Roselia lalo na't nakasasamang malanghap niya ito dahil buntis siya.

"Ipinaabot ko rin ang pakikiramay sa pagkamatay ng iyong kapatid kamakailan lang. Nais ko nga pa lang malaman kung anong sakit ang ikinamatay ng iyong kapatid na si Salome?" tanong pa ni Don Epifanio, napatingin naman si Salome kay Roselia na ngayon ay nabigla rin sa pagtatanong ng kaniyang bagong asawa.

"Ah, naikwento sa akin ni Nay Delia na namatay raw sa sakit sa puso si Salome. Ang mabuti pa mahal, huwag na muna nating pag-usapan ang bagay na iyon sapagkat sariwa pa ito sa alaala ni Fe" pakiusap ni Roselia, napatango-tango naman si Don Epifanio sabay hithit ulit ng tabako.

"Bueno, kung nalaman ko lang agad ay sana nakatulong ako upang magamot ang iyong kapatid na si Salome. Nakapanghihinayang nga lang sapagkat noong gabing dinala siya nina señor Fidel, Patricio at Geronimo sa aking tahanan ay hindi ko siya nagawang gamutin. Mabuti na lang dahil naroon si Inay Laya upang asikasuhin siya. Magmula ngayon pamilya na rin tayo kung kaya't huwag kayong mahiyang humingi ng tulong sa akin lalo na pagdating sa usaping pangkalusugan" saad ni Don Epifanio sabay tapik sa balikat ni Salome. Napatango naman si Salome at nagpasalamat sa kanila, nakahinga rin siya ng maluwag dahil mukhang hindi naman nakilala ni Don Epifanio ang mukha noon ni Salome dahil nababalot ito ng dugo noong dinala siya sa tahanan nito.





Alas-diyes na ng gabi nang matapos ang kasiyahan. Nagsimula nang magligpit ang mga tagapagsilbi habang hinatid naman ni Salome at Patricio ang mga bisita sa labas ng kanilang bahay pasakay sa mga kalesa nito.

"¡Adiós! ¡Muchas gracias!" (Goodbye! Thank you very much!) paalam ni Patricio sa kaniyang mga kaibigan habang pagewang-gewang itong kumakaway sa kanila. Agad namang inalalayan ni Salome ang asawa na ngayon ay lasing na lasing na.

"Pumasok na tayo sa loob----" hindi na natapos ni Salome ang sasabihin niya dahil bigla siyang hinawakan ni Patricio sa baywang at hinila papalapit sa kaniya. "Hindi ko akalaing mangyayari ang araw na ito" ngisi pa ni Patricio saka hinimas ang pisngi ni Salome at akmang hahalikan siya. Hindi naman nagustuhan ni Salome ang inasal nito kung kaya't naitulak niya ito papalayo.

Agad naman napaatras si Patricio at napakabig sa pintuan. Muntikan pa itong matumba mabuti na lang dahil nasalo ito ng ilang tagapagsilbi na naglilinis malapit sa pinto. "Dalhin niyo na siya sa kaniyang silid" utos ni Salome sa mga tagapagsilbi at pilit niyang pinakalma ang sarili.

"Hindi po ba señora, ngayong gabi ay sa iisang silid kayo matutu----" hindi na natapos ng tagapagsilbi ang kaniyang sasabihin dahil biglang nagsalita si Salome.

"Sa silid ni inay ako matutulog" diretsong sagot ni Salome sabay talikod at iniwan doon si Patricio na mukhang nakatulog na sa sahig dahil sa matinding kalasingan.





Lumipas ang halos dalawang linggo. Palaging iniiwasan ni Salome si Patricio, noong umpisa ay hindi pa ito napapansin ni Patricio dahil naging abala ito sa pag-aasikaso ng kanilang negosyo lalo na't sa Maynila na sila maninirahan.

Madalas ding balisa at wala sa ulirat si Salome habang nakatanaw sa bintana ng kanilang mansyon. Mula sa bintana ay pinagmamasdan niya ang malalaking pader ng Intramuros na nakapalibot sa kanila. Makulilim ang kalangitan ngunit patuloy pa rin ang mga tao sa paglalakad sa mga calle.

Ilang sandali pa, natauhan si Salome nang biglang may magsalita sa kaniyang likuran "Tila malalim ang iyong iniisip anak" wika ni Nay Delia at naupo ito sa tabi ni Salome sa tapat ng bintana. Sabay ni nila ngayong pinagmamasdan ang malalaking pader ng Intramuros.

"Batid kong hanggang ngayon ay marami pa rin ang gumugulo sa iyong isipan. At unang-una roon ay kung nasaan na si señor Fidel ngayon" patuloy pa ni Nay Delia. Hindi naman nakapagsalita si Salome at napayuko na lang. Hindi naman niya iyon maitatanggi dahil totoo naman.

"Sa simula pa lang ay batid ko na ang pagtingin sa iyo ng binatang kastilang iyon. Ngunit anak, hindi ka ba nagtaka kung bakit hindi ko naman tinutulan ang inyong pag-iibigan?" tugon ni Nay Delia dahilan upang mapatingin si Salome sa kaniya.

Ngumiti ng marahan si Nay Delia saka hinawakan ang kamay ng anak "Batid kong alam mo na noon pa man na ang iyong ate Fe ang pinaka-inaalagaan ko sa lahat. Sapagkat nakikita ko sa kaniya ang pag-asa na siyang mag-aahon sa atin sa kahirapan. Inaamin ko na mataas din ang aking ambisyon at pangarap. At patawarin mo ako anak kung palaging pinapaboran ko si Felicidad" patuloy pa ni Nay Delia, agad pinunasan ni Salome ang luhang namumuo sa mga mata ng kaniyang ina.

"Huwag po kayong mag-aalala inay, totoo pong nararamdaman ko na mas pinapaboran niyo po si ate Fe ngunit batid kong masaya na siya ngayon kapiling sila itay, kuya Ernesto, Ingkong at Danilo. Tayong tatlo na lang po ni Julio ang natitira ngayon kung kaya't dapat po nating ipakita sa kanila na buo pa rin ang ating pamilya" wika ni Salome sabay hawak ng mahigpit sa kamay ng kaniyang inay.

"Tayong tatlo na nga lang ang magkakasama ngayon at mas nasasaktan ako sa tuwing nakikita kitang nalulungkot anak. Batid kong napilitan ka lang magpakasal kay señor Patricio para sa kapakanan namin ni Julio" saad ni Nay Delia, tuluyan nang bumuhos ang kaniyang mga luha.

Hindi naman na napigilan pa ni Salome ang pagbagsak din ng kaniyang mga luha kung kaya't niyakap na lang niya ng mahigpit ang kaniyang inay.

"Inay, huwag niyo pong sisihin ang sarili niyo. Ako po ang nag-desisyon nito. Ito po ang paraan upang maging mapayapa na ang buhay natin lalong-lalo na para kay Julio na nagsisimula pa lang kilalanin ang mundo" tugon ni Salome habang nakayakap ng mahigpit sa kaniyang inay. Sandali naman silang natahimik at matapos ang ilang minuto ay nahimasmasan na silang dalawa.

Bumitiw na si Salome sa pagkakayap nila at muling napatingin sa malalaking pader ng Intramuros. "Alam niyo po ba inay, noong bata po ako sinabi ni itay na ang lugar na ito ay isang palasyo. Pinangarap ko po noon na tumira sa loob ng palasyong ito at makatagpo ng prinsipe na naninirahan dito. Hindi ko po akalain na matutupad nga ang pangarap kong iyon... ngayon ay nakatira na rin po ako dito sa loob ng Intramuros ngunit hindi sa prinsipeng pinapangarap ko" wika ni Salome habang nakatulala sa makulimlim na kalangitan. Ilang saglit pa, naramdaman niyang hinawakan muli ni Nay Delia ang kaniyang kamay at napatingala rin ito sa kalangitan.

"Ang dahilan kung bakit hindi ako tumutol noon sa pag-iibigan niyo ni señor Fidel ay dahil nararamdaman ko na totoo ang pagmamahal niya sayo. Naniniwala ako na may sapat siyang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpaparamdam. Kung minsan, ang taong totoong nagmamahal ay pinipiling lumayo upang hindi na masaktan pa ang kaniyang sinisinta. Bakit hindi mo inalam ang lahat Lumeng? Bakit hindi mo hinahanap ang sagot sa tanong kung bakit ka niya iniwan ng ganoon?" patuloy pa ni Nay Delia sabay tingin ng diretso sa mga mata ng anak. Ang mga salitang binitiwan nito ay parang palasong asintadong tumama sa puso ni Salome na kahit anong gawin niya, ay hindi na mababawi pa ang sugat na sumira sa kaniyang puso.





Kinagabihan, nahiga na si Salome sa kaniyang higaan. Hindi makakauwi ngayong gabi si Nay Delia sapagkat sumama sa mga bagong kaibigan nito sa simbahan na mag-alay ng dasal sa isang namayapa. Isinama rin nito si Julio at doon na sila magpapalipas ng gabi.

Sinubukan niyang ipikit ang kaniyang mga mata ngunit hindi siya makatulog lalo na dahil rinig na rinig niya ang lakas ng buhos ng ulan mula sa labas kung kaya't naupo na lang siya at sinindihan niya muli ang pulang kandila na nasa tabi niya. Sa loob ng dalawang linggo, naging abala rin siya sa paggawa ng mga kandila sa tulong ni Inay Laya na naninirahan na rin ngayon sa Maynila kasama sina Don Epifanio at Roselia. Halos lahat ng kandila ngayon sa kanilang tahanan ay gawa ni Salome. Napili rin niya ang kulay pula sapagkat sa kanilang kultura ay maswerteng kulay ito.

Nang masindihan na niya ang kandila, kinuha na niya ang talaarawan niya na bigay ni Danilo sa kaniya. Mabuti na lang dahil hindi ito nasunog sapagkat nakuha ito ni Felicidad at ang ilan pa nilang gamit bago sila tumakas noon sa mga guardia civil.

Kinuha na rin niya ang kaniyang pluma at isinawsaw ito sa itim na tinta. Lahat ng nararamdaman niya at napagdaanan niya sa buhay ay sinulat niya sa talaarawang iyon ngunit ang pagsulat na kaniyang ginamit ay sa paraaang Baybayin sapagkat hindi pa siya masyado marunong magsulat sa letrang alpabeto.

Ilang sandali pa, bigla siyang napatigil sa pagsusulat nang biglang may kumalabog sa pinto niya. Dali-dali siyang tumayo saka kinuha ang dragon na patalim na nakapatong sa gilid ng kandila. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa pinto at bago niya buksan iyon ay itinaas na niya sa ere ang patalim.

Pagkabukas niya ng pinto, nakahinga siya ng maluwag nang makita na si Patricio lang pala iyon. "Ikaw lang pala" tugon niya, saka ibinaba ang patalim. Tiningan niya si Patricio mula ulo hanggang paa at laking gulat niya dahil basang-basa ito sa ulan.

"Saan ka nanggaling? Bakit-----" hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya dahil mabilis na hinawakan ni Patricio ang kamay niya saka inagaw ang dragon na pang-ipit. "Akin yan!" sigaw ni Salome ngunit hindi natinag si Patricio saka inihagis papalabas ang pang-ipit na patalim na iyon.

"Ano bang ginagawa mo?!" reklamo pa ni Salome at nagulat siya nang bigla siyang hilahin ni Patricio papalapit sa kaniya. "Anong ginagawa ko? ilang linggo na kitang pinagbigyan Lumeng, batid kong iniiwasan mo rin ako. Ngunit hindi habambuhay ay iiwasan mo ako ng ganito, baka nakakalimutan mo mag-asawa na tayo" seryosong tugon ni Patricio at mahigpit na hinawakan si Salome at akmang hahalikan ito ngunit nagpupumiglas siya at pilit niyang tinutulak si Patricio papalayo.

"Bitawan mo 'ko! Lumayo ka!" sigaw ni Salome ngunit sadyang mas malakas sa kaniya si Patricio na ngayon ay lulong din sa alak. Sa tuwing pumipiglas si Salome ay mas lalong hinihigpitan ni Patricio ang yakap sa kaniya at hinahalikan siya nito sa leeg.

"Tulong! Ano ba! Bastos ka!" sigaw pa ni Salome dahilan upang magising ang ilan sa kanilang mga tagapagsilbi. Nagulat sila nang makita ang pang-haharas na ginagawa ni Patricio sa asawa nito.

"MAGSIBALIK KAYO SA INYONG MGA SILID KUNG AYAW NIYONG IPAPATAY KO KAYO!" sigaw ni Patricio sa mga tagapagsilbi na agad nagsitakbuhan pababa dahil sa takot.

"Huwaaag niyo akong iwan! Tulong!" sigaw pa ni Salome ngunit agad sinara ni Patricio ang pinto saka sinuntok sa mukha si Salome dahilan upang mapasubsob ito sa sahig.

"Akala mo makakatakas ka sa'kin? Asawa na kita Lumeng! Kalimutan mo na 'yang kahibangan mo kay Fidel! Wala na siya! Iniwan ka na niya! Nasaan siya ngayon? Ha! Nandoon kasama ang tatay niya na mas pinili niya kaysa sayo!" galit na sigaw ni Patricio habang dahan-dahang naglalakad papalapit kay Salome, unti-unti na rin niyang tinatanggal ang mga butones sa kaniyang damit.

Napahawak na lang si Salome sa kaniyang pisngi na ngayon ay namamaga na dahil sa malakas na suntok sa kaniya ni Patricio. Agad siyang napatayo at akmang sisipain ng malakas si Patricio ngunit nahawakan nito ang paa niya saka inikot dahilan upang mabali ang kaniyang buto sa talampakan.

Napabagsak na lang si Salome sa sahig at akmang susuntukin ang tuhod ni Patricio ngunit naunahan siya nito, isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Patricio diretso sa sikmura ni Salome dahilan upang mapasigaw siya sa sakit, mapasuka ng dugo at hindi na makagalaw pa.

Animo'y naparalisa siya sa natamo niyang suntok sa kaniyang sikmura. "Magagawa ko ang lahat ng ibig kong gawin sa iyo Lumeng. Mahal kita ngunit kung patuloy mo akong kakalabanin, hindi ako magdadalawang isip na patayin ka" seryosong bulong ni Patricio sa tenga ng asawa saka hinila niya ang buhok nito papunta sa kama at itinulak doon.

"H-huwag! Pakiusap! H-huwag mong gawin ito!" pagsusumamo ni Salome. Hindi na siya makagalaw pa, hindi na siya makalaban ba dahil sa dami ng sugat at pasa na natamo niya sa asawa. Sapilitang hinila ni Patricio ang damit ng asawa at sa tuwing lumalaban ito ay sinasampal niya ito ng malakas sa mukha.

"Hayop ka! Lumayo ka sa'kin! Demonyo ka!" sigaw ni Salome at pilit na nagpupumiglas pa rin ngunit nanghihina na siya at kumpara kay Patricio ay sadyang mas malakas ito sa kaniya kung kaya't kahit anong sigaw, pagsumamo, pag-iyak na ginagawa niya ay wala itong nagawa.

Sa kalagitnaan ng gabi, habang bumubuhos ang napakalakas na ulan. Nagsusumamo si Salome na marinig ng kalangitan ang hinagpis niya dahil sa ginawang paglapastangan ni Patricio sa pagkababae niya.





Kinabukasan, ingay mula sa labas ng kaniyang silid ang umalingawngaw sa buong bahay. Sumisigaw si Patricio, minumura at pinapalayas niya ang mga tagapagsilbi. Hindi naman makagalaw si Salome habang walang saplot na nakahiga sa kama. Sinusubukan niyang bumangon ngunit napapapikit na lang siya sa kirot at hapdi ng buong katawan niya.

Hindi na rin maawat ang pagbagsak ng mga luha niya. Naliligo na siya sa dugo, pawis at mga luhang pilit na kumakawala sa kaniyang mga mata. Animo'y nabagsakan siya ng langit at lupa nang makita ang mantsa ng napakaraming dugo sa kamang hinihigaan niya. Ang mga dugong iyon ay mula sa kaniyang sarili na kung saan senyales na nakuha na ni Patricio ang pagka-birhen niya.

Wala nang nagawa si Salome kundi ang umiyak na lang ng umiyak habang pilit na sinasabunutan ang sarili. Bukod sa nabalot siya ng matinding paghihinagpis ay sumisiklab na rin ngayon sa kaniyang puso ang matinding galit sa lalaking lumapastangan sa kaniya.

Kahit mahirap ay pilit siyang gumapang sa kama upang puntahan sa labas si Patricio. Buo na ang desisyon niya. Papatayin niya ito.

Maka-ilang beses siyang natumba sa sahig ngunit pinilit niya pa ring bumangon makarating lang sa pintuan. Kinuha niya ang talukbong na itim na nakasabit sa gilid ng pinto at ibinalot niya iyon sa hubo't hubad niyang katawan.

Pagbukas niya ng pinto nakita niyang wala ng tao doon kung kaya't naglakad siya pababa ng hagdan. At kahit paika-ika siya ay tiniis niya pa rin ang lahat ng sakit na nararamdaman. Agad siyang nagtago sa gilid ng isang aparador sa salas nang makita niyang mapadaan sa kusina si Patricio. May hawak itong matalim na espada saka dire-diretsong nagtungo sa likod ng kusina.

Hindi mawari ni Salome kung bakit bigla siyang kinilabutan. Sobrang lakas na ng kabog ng kaniyang dibdib at animo'y naglalakbay ito papunta sa kaniyang lalamunan. Dali-dali siyang sumunod sa kusina at kumuha ng kutsilyo doon, napapakabig pa siya sa mesa at upuan habang tinatahak ang daan papunta sa likod ng kusina.

"Ilibing niyo sila malayo dito sa Maynila. Wala na akong pakialam kung saan niyo dalhin ang bangkay nila" matapang na utos ni Patricio sa sampung kalalakihan na nakasuot ng itim at salakot. Inabot na rin niya sa mga ito ang sampung dosenang ginto bilang kabayaran sa kanila.

"Maraming Salamat po señor" sabay-sabay na tugon ng mga ito, binuhat na nila ang dalawang bangkay na nakabalot sa puting kumot na punong-puno na ngayon ng dugo ngunit bago nila ito ibalot sa banig ay aksidenteng nahila ng isa ang kumot kung kaya't natanggal ito sa pagkakabalot.

Laking gulat ni Salome nang makitang duguan at wala ng buhay ang kaniyang ina na siyang nakabalot sa puting kumot na iyon. "Hindi!" sigaw niya at dali-daling tumakbo papunta sa kaniyang ina kahit pa paika-ika na siya ay parang biglang namanhid ang buong katawan niya nang makita ang sinapit ng kaniyang ina.

"INAY!" sigaw niya pa ngunit bigla siyang hinila ng mga tauhan ni Patricio papalayo sa mga bangkay. Tila nanghina ang buong katawan ni Salome nang makita ang ikalawang bangkay na nasa tabi ng kaniyang inay, si Julio.

"Hindi! Hindi! Hindi!" sigaw ni Salome na animo'y nasisiraan na ng ulo habang nagsisisgaw at nagpupumiglas doon. Dali-daling binuhat ng mga tauhan ang bangkay ni Nay Delia at Julio saka isinakay sa kabayo sa likod ng bahay.

Habang ang iba naman ay pilit na hinahawakan at pinipigilan si Salome na nagwawala na ngayon. Galit na galit na napalingon si Salome kay Patricio na seryosong nakatingin lang sa kaniya ngayon. "ANO BANG GINAWA KO SAYO?! BAKIT DINAMAY MO PA ANG INAY AT KAPATID KO?!" sigaw ni Salome at akmang susugudin na si Patricio ngunit mahigpit siyang hinawakan ng mga tauhan nito.

"Sa oras na malaman ng iyong inay at kapatid ang nangyari sa atin kagabi siguradong papatayin nila ako kung kaya't inunahan ko na sila" ngisi pa ni Patricio saka naglakad papasok sa loob ng mansyon. Sunod namang dumating ang ilan sa mga tauhan niya bitbit ang apat pang bangkay ng mga tagapagsilbi na nakasaksi sa panggagahasa na ginawa ni Patricio sa asawa nito kagabi kung kaya't pinapatay niya rin ang mga ito.







Marso 26, 1689

"Señora Fe, kumain na po kayo, makakasama po sa batang dinadala niyo kung magpapalipas po kayo ng pagkain" tugon ng isang tagapagsilbi at akmang susubuan si Salome ngunit hindi ito kumibo. Tulala lang ito sa labas ng bintana habang tinatanaw ang pagdaan ng mga nagagandahang kalesa sa calle ng Intramuros.

"Sige na ho señora kaila----" hindi na nito natapos pa ang sasabihin niya dahil biglang bumukas ang pinto at dire-diretsong pumasok si Roselia na ngayon ay tatlong buwan nang buntis. Sinenyasan niya ang tagapagsilbi na lumabas na muna at siya na lang ang magpapakain kay Salome.

Hindi naman umimik si Salome, ni hindi rin niya nilingon o tiningnan kung sino ang dumating. Naupo na si Roselia sa tabi ni Salome at hinawakan niya ang kamay nito. "Lumeng, magpakatatag ka. Kumain ka na upang-----" hindi na natapos ni Roselia ang sasabihin niya dahil biglang nagsalita si Salome sa unang pagkakataon matapos ang halos isang buwan nitong pananahimik at ni isang tao ay wala itong kinausap.

"Nais ko nang mamatay" diretsong tugon nito dahilan upang mapatulala si Roselia sa kaniya dahil sa pagkabigla.

"Ngunit paano ang bata sa iyong sinapupunan? Lumeng----"

"Kung gayon, dapat na ring mamatay ang batang ito" giit muli ni Salome. Sandali namang napatahimik si Roselia at tinitigan ng mabuti si Salome. Hindi niya akalain na ang dating palabiro, makatwiran at pilyang dalaga na si Salome ay ngayon ay magiging matigas, matapang at palaban na.

Napahinga na lang ng malalim si Roselia saka sumandal sa balikat ni Salome. Dahan-dahan din niyang hinawakan ang tiyan nito na ngayon ay medyo maumbok na dahil mag-iisang buwan na itong buntis. "Naririnig ko mula rito ang tibok ng puso ng iyong anak. Naririnig ko mula rito na nais niyang masilayan ang ganda ng mundong ito. Naririnig ko mula rito na nagsusumamo siyang mabuhay... Lumeng, batid ko ang lahat ng hinanakit at hinagpis na nararanasan mo ngayon ngunit walang kasalanan ang bata, nawa'y bigyan mo siya ng pagkakataong mabuhay" panimula ni Roselia, nagulat naman siya nang biglang bumitiw si Salome sa kamay niya at tumayo ito saka naglakad papalapit sa tapat ng bintana.

Payat, maputla at kakikitaan pa rin ng ilang pasa at peklat ang katawan ni Salome dahil sa natamo niyang pambubugbog at panghahalay ng sarili niyang asawa. "Hindi dapat mabuhay ang batang ito dala ang pangalan ng kaniyang ama" giit ni Salome. Napabuntong-hininga na lang muli si Roselia saka tumayo at naglakad na rin papunta sa tapat ng bintana.

"Kung gayon, bakit ka pumayag na magpakasal kay Patricio kung ayaw mo rin namang magkaanak sa kaniya?" diretsong tanong ni Roselia dahilan upang mapatingin sa kaniya si Salome.

"Pumayag lang akong magpakasal sa kaniya upang maligtas ang aking inay, kapatid at maging ang sarili kong buhay. Hindi ko akalaing sa kamay niya mismo mamatay si inay at Julio!" matapang na sagot ni Salome. Napatingin naman si Roselia sa labas ng bintana kung saan maraming tao ang abala sa iba't-ibang gawain habang naglalakad sa mga calle.

"Pagmasdan mo ang mga taong iyon. May kani-kaniya silang mga pinagkakaabalahan. Ang gawain ng isa ay konektado sa isa. Tingnan mo ang matandang lalaking nagtitinda ng tela, ang mga paninda niya ay ginawa niya mismo, pinaghirapan at pinagpuyatan niya ngunit kailangan niyang ibenta sa mas mababang halaga upang mabili ng mga taong iyon na ang kabuhayan ay pananahi naman" tugon ni Roselia, napatingin naman si Salome sa mga taong abala sa labas.

"Hindi mo ba nauunawaan ang takbo ng buhay Lumeng? Kung minsan, ang mga bagay na pinaghirapan at pinagpuyatan mo ay iba ang makikinabang nito at kadalasan ay nauuwi pa sa wala. Ang lahat ng pinaghirapan mo at sinakripisyo mo maprotektahan lang ang iyong pamilya ay nauwi na ngayon sa wala. Ngunit nangyari na iyon, wala na tayong magagawa pa. Batid kong ilang beses mon ang sinubukang pagtangkaan ang buhay ni Patricio ngunit hindi ka pa rin nagtatagumpay" wika ni Roselia, nagitla naman si Salome sa sinabi nito. Totoong ilang beses na niyang plinano na patayin si Patricio ngunit sa oras na gawin niya iyon ay wala rin naman siyang mapupuntahan at uusugin siya ng batas.

Madalas na ring sumasagi sa kaniyang isip na patayin si Patricio ngunit mas malaki ang magiging kapalit nito. Mahahatulan siya sa hukuman at papatayin sa gitna ng maraming tao kung saan mayuyukaran ang kaniyang pagkatao at ang pangalan ng kaniyang ate Fe.

Kung tatakas naman siya ay wala rin siyang mapupuntahan. Sa oras na may tumulong sa kaniya na patirahin at itago siya ay siguradong mapapahamak ang pamilya ng taong tutulong sa kaniya lalo na't isang makapangyarihan at kilalang tao si Patricio Montecarlos.

At bukod doon, wala rin siyang laban sa hukuman kung sasampahan niya ng kaso si Patricio sapagkat legal na asawa niya ito kung kaya't posibleng nga na may mangyari sa kanila. Wala rin naman siyang ebidensiya na magpapatunay na sapilitan siyang hinalay nito. At wala rin siyang ebidensiya na maipapakita na ito rin mismo ang pumatay sa kaniyang nanay at kapatid dahil naglaho na parang bula ang mga tauhan ni Patricio na sangkot sa krimeng iyon.

"Ngayon, kung nais mo na talagang mamatay bakit hindi mo gilitan ang sarili mong leeg? Bakit hanggang ngayon narito ka pa rin humihinga at tulala sa bintanang ito na parang may hinihintay" patuloy pa ni Roselia. Bigla namang napaiwas ng tingin si Salome sapagkat mukhang naiintindihan ni Roselia ang takbo ng isip niya.

"Kahit hindi mo sabihin Lumeng, batid kong hinihintay mo pa rin ang pagdating ni señor Fidel. Umaasa ka na muli siyang makikita at maririnig mo mula sa kaniyang labi ang dahilan kung bakit ilang buwan na itong nawawala" dagdag pa ni Roselia. Napapikit na lang si Salome at pilit na dinama ang marahan na hangin na tumatama ngayon sa mukha nila.

"At alam mo ba kung bakit ako naparito? Bukod sa nais kong ikaw ay kamustahin, ipinaabot din ni Felipe ang liham na ito" wika pa ni Roselia sabay abot ng isang puting sobre kay Salome. Nagtataka namang napatingin si Salome sa liham na iyon.

"Ayon kay Felipe, ang liham na ito ay pinadala ni Ising kay Piyang bago pinapatay ni Patricio ang buong pamilya nila" saad ni Roselia, gulat namang napatingin doon si Salome. Nanginginig man ang kamay niya ay nagawa niya pa ring buksan ang liham na iyon at binasa ito...



Mahal kong Lumeng,

Ako'y humihingi ng tawad sapagkat nagawa kong pagtaksilan ang pamilya niyo lalong-lalo na si Danilo. Patawarin mo ako Lumeng, noong nagpakita ka sa aming tindahan kitang-kita ko ang galit sa iyong mga mata at nais mong patayin ako ngunit hindi mo pa rin ginawa. Sa totoo lang, ginusto kong patayin mo na lang ako noong araw na iyon bilang kabayaran sa lahat kataksilang nagawa ko sa iyo.

Nais kong makausap ka upang magpaliwanag sa iyo ngunit batid kong hindi na magtatagal pa ang buhay ko at ng aking pamilya. Gusto kong malaman mo Lumeng na si señor Patricio ang may pakana ng lahat ng ito. Tinakot niya ako at ang pamilya ko, pinangakuan niya ako ng salapi upang kumbinsihin si Danilo na magtanan kami at kapag hindi ako pumayag papatayin niya ang buong pamilya ko kung kaya't wala na akong nagawa pa.

Nang gabing iyon, pinuntahan ko si Danilo sa inyong tahanan at pinaniwala ko siya na ako'y ginahasa at hinahabol na ngayon ng mga guardia kung kaya't sumulat siya sa inyo bago siya sumama sa akin. Si Señor Patricio rin ang nagsabi kay Heneral Ramon na nasa Pampanga ang pamilya Aguantar na pinapahanap ng tagapayo ng gobernador-heneral. Malaki kasing pabuya ang matatanggap ng hukbo na makakahuli sa inyong pamiya kung kaya't ganoon na lang ang determinasyon noon ni Heneral Martino Alfonso na mahuli kayo ngunit nabigo siya kung kaya't si Heneral Ramon naman ang nagkaroon ng interes sa inyong pamilya.

At para maging kapani-paniwala ang plano ni señor Patricio binayaran niya rin ng maraming pilak si Mang Pablo na siyang nagturo sa amin ni Danilo sa ilog. Narinig kong tinawag mo kami ni Danilo noong gabing iyon ngunit nagkunwari akong hindi ka narinig upang maisakatuparan ko ang plano. Lumeng, sa maniwala ka man o sa hindi, hindi ko akalain na papatayin nila ng ganoon si Danilo. Ang sabi sa akin ni señor Patricio ay huhulihin lang daw si Danilo ngunit hindi ko inaasahan na papatayin nila siya.

Naniniwala rin ako na walang kinalaman si señor Fidel. Nang gabing iyon, nang tumalon si Danilo sa bintana ng inyong tahanan upang itakas ako ay naabutan kami ni señor Fidel. May dala siyang bulaklak at isang bayong na puno ng pagkain. Ang sabi niya sa amin ay susurpresahin ka raw niya at papanoorin niyo raw ang mga bituin sa dalampasigan. Humihingi rin ako ng tawad kay señor Fidel sapagkat nagsinunggaling din ako sa kaniya, pinaniwala ko siya na hinahabol na ako ng mga guardia. Nagulat ako nang pasakayin kami ni señor Fidel sa kaniyang kabayo upang tulungan kaming tumakas.

Tinanong niya sa akin kung saan kami pupunta ni Danilo at sinabi ko sa kaniya na sasakay kami ng bangka sa ilog papunta sa kabilang isla. Iyon ang planong sinabi sa akin ni señor Patricio, sa ilog ko dadalhin si Danilo at doon mo makikita na mahuhuli kami ng mga guardia. Ngunit hindi ko akalain na papatayin mismo si Danilo noong gabing iyon at naniniwala akong walang kinalaman si señor Fidel dahil tinulungan niya lang kami makarating sa ilog kung kaya't nandoon siya noong gabing iyon.

Matapos ang trahedyang iyon agad kami nilikas ni señor Patricio papunta sa Maynila at doon binigyan niya kami ng tahanan at tindahan sa loob ng Intramuros. Hindi ko akalain na ang sinasabi niyang kabayaran na iyon ay parte pala ng plano niya upang palabasin na pinagkanulo ko kayo dahil lang sa salapi. Kilala ni señor Patricio ang kakayahan mo at ang takbo ng isipan mo Lumeng. Kung kaya't inaasahan na niya na gagantihan mo ang lahat ng taong sangkot sa pagkamatay ni Danilo at ang pagkabihag ng iyong pamilya. Batid ni señor Patricio na papatayin mo si Mang Pablo, Heneral Ramon at maging ako. Hindi nga siya nagkamali dahil napatay mo sila ngunit hindi niya rin inaasahan na hindi mo ako nagawang patayin at sa halip ay sinunog mo lang ang lahat ng ari-arian namin.

Si Mang Pablo, Heneral Ramon, ako at ang pamilya ko ang siyang nakakaalam na si señor Patricio ang may kagagawan ng lahat ng ito. Kung kaya't ang paghihiganti mo na patayin kami ay paraan din ni señor Patricio upang mamatay ang mga magtetestigo laban sa kaniya. Ngunit hindi mo ako napatay at ang pamilya ko kung kaya't ngayon ay hinahanap na niya kami.

Wala na rin akong lakas ng loob na magpakita pa sa iyo Lumeng dahil wala na akong mukhang ihaharap sa iyo kung kaya't sa pamamagitan na lang ng liham na ito ko ipapaabot ang lahat ng nalalaman ko at ang paghingi ko ng tawad sa iyo. Ang tahanan na lang nila Piyang sa San Alfonso ang natatandaan ko kung kaya't sa kaniya ko pinadala ang liham na ito.


Sa tingin ko ay planong sirain ni señor Patricio ang tiwala mo kay señor Fidel. Hindi ko alam kung paano niya gagawin ngunit malakas ang kutob ko na gusto niyang kamuhian mo si señor Fidel dahil napag-alaman ko na sinasabi ni señor Geronimo na nakita niyang magkausap kami ni señor Fidel at nagsasagawa ng plano, ngunit ang totoo walang nangyaring ganoon. Huling nagkausap kami ni señor Fidel ay noong nasa San Alfonso pa kami at nakatanggap kaming dalawa ng liham mula kay Danilo na nasa Pampanga kayo. At naniniwala ako na ang liham na iyon ang nagpasimula ng lahat ng masamang plano ni señor Patricio, nang malaman niya na nagkaroon na kayo ng relasyon ni señor Fidel.

Lumeng, marahil ay sa mga oras na ito habang binabasa mo ang liham kong ito sa iyo ay wala na ako sa mundong ito. Maraming Salamat sa lahat Lumeng, isa kang tunay na kaibigan. Bagama't nagawa kong talikuran ka, hindi mo naman ako nagawang saktan. Habambuhay kong pagsisisihan ang lahat ng kasalanan ko sa iyo at kung sakaling mabuhay ako sa panibagong henerasyon. Asahan mong hindi na kita guguluhin pa. Ang tulad ko na isang taksil ay hindi nararapat na maging kaibigan mo. Hanggang sa muli, paalam Lumeng, kaibigan ko.

Nagmamahal,

Ising



Gulat na nabitawan ni Salome ang liham at napabagsak siya sa sahig matapos niyang mabasa ang nilalaman nito. Tila tumigil ang takbo ng kaniyang mund habang pilit siyang tinatawag ni Roselia at inaalalayan patayo.

Hinawakan ni Roselia ang mukha ni Salome at iniharap ito sa kaniya upang makinig ito ng mabuti sa sasabihin niya. "Lumeng, makinig ka. Naikwento sa akin ni Epifanio na pinagdududahan na niya noon pa ang kilos ni Patricio lalo na noong nakiusap ito na itago ka sa tahanan namin sa Pampanga. Ipinagtataka rin niya noon kung bakit naglabas ng anunsyo ang mga opisyal na lilitisin sa plaza ang iyong inay, si Fe at Julio gayong maaari naman itong gawin sa loob ng himpilan ng mga opisyal. At ang isa pa naming pinagtataka ay kung bakit kailangan ang iyong presensiya sa paglilitis na iyon, kung saan hindi inaasahan ng lahat na darating ang tagapayo ng gobernador-heneral. Nasabi rin sa akin ni Epifanio na naalala niyang naroon sa isang pagdiriwang noon si Patricio at mukhang kakilala nito si Don Mauricio Montecarlos na tagapayo ng gobernador-heneral na siyang ama pala ni señor Fidel. Ibig sabihin, bago pa man sumiklab ang gulo, matagal nang alam ni señor Patricio na ang nawawalang ama ni señor Fidel ay ang tagapayo ng gobernador-heneral na siyang nagpapahanap sa pamilya niyo ngunit hindi niya ito sinabi sa kaniyang pinsan na si señor Fidel. Ngayon, ang tanong bakit hindi niya sinabi kay señor Fidel na nakita na pala niya ang ama nito?" saad ni Roselia. Halos walang kurap namang nakatingin sa kaniya si Salome na animo'y nababalot ng matinding takot ang buong mukha.

"Hindi niya sinabi kay señor Fidel na nakita na niya ang ama nito dahil balak niyang pag-awayin kayong dalawa. Naniniwala akong walang kamalay-malay si señor Fidel na ang tagapayo pala ng gobernador-heneral na papanain niya noong umagang iyon ay ang kaniyang ama na matagal na niyang hinahanap. Ang pangyayaring iyon sa plaza ay pakana rin lahat ni Patricio. Hindi nga siya nabigo, alam niyang hindi mapapatay ni señor Fidel ang ama nito at siyang magiging dahilan upang masira ang tiwala mo sa kaniya" patuloy pa ni Roselia, kasabay niyon ay ang pagpatak ng mga luha ni Salome. Muling bumalik sa kaniyang alaala ang pangyayaring iyon kung saan hindi nagawang panain ni Fidel ang tagapayo habang kinakaladkalad na siya ng mga guardia pasakay sa kalesa.

Ang inakala niyang pagtataksil na ginawa ni Fidel ay isang napakalaking kamalian pala. Maging si Fidel ay biktima rin noong araw na iyon, at ang lahat ng may kagagawan niyon ay si Patricio.

Biglang naalala ni Salome ang sinabi sa kaniya noon ni Fidel noong nag-uusap sila sa tapat ng bintana sa hacienda Montecarlos...

"Kailan po ba ang huling punta niyo sa Espanya?"

Napaisip naman si Fidel "Matagal na rin, labing tatlong taong gulang lamang ako nang magtungo ako dito sa Pilipinas, nais kong sundan ang ama ko at hanapin siya" wika ni Fidel dahilan para mapatingin sa kaniya si Salome. Hindi akalain ng dalaga na may ganoong kwento pala ang binata.

"H-hindi po ba may dugong Pilipino ang inyong ama?" tanong pa muli ni Salome, naalala niya na nabanggit ito ni Fidel sa kaniya noong umiinom sila ng kapeng bigas sa panciteria ni Aling Teodora.

"Oo, ang aking ama ay kalahating Pilipino at kalahating Kastila, sa Espanya na siya lumaki dahil dinala siya roon ng kaniyang ama na aking lolo, ang kaniyang ina ay isang Pilipina na namatay sa panganganak sa kaniya, sa Espanya rin nakilala ni ama ang aking ina na isang anak ng mayamang pamilyang Kastila, nakapagtapos naman ng abogasya ang aking ama kung kaya't hindi tumutol ang pamilya ni ina, nang ikasal sila sa Madrid na sila nanirahan at doon kami ipinanganak ng tatlo ko pang kapatid, ngunit hindi naglaon ay napapadalas ang pagtatalo ni ama at ina hanggang sa isang araw bigla na lang kaming nilayasan ni ama, nag-iwan lang siya ng sulat na babalik siya sa Pilipinas at magsisimula ng panibagong buhay" tugon ni Fidel at bakas sa mukha nito ang kalungkutan habang inaalala ang masaklap na paghihiwalay ng kaniyang mga magulang.

"Nahanap niyo na po ba ang inyong ama dito... Senor?" tanong pa muli ni Salome, maging siya ay nakaramdam din ng matinding kalungkutan dahil sa kwento ni Fidel.

"Hindi pa, halos labing apat na taon na akong namamalagi rito sa Pilipinas ngunit ni isang balita ay wala akong nahahagip tungkol sa kaniya, may nagsabi sa akin na sa Intramuros daw namalagi noon si ama ngunit nalibot ko na ang buong Maynila pero hindi ko pa rin siya natunton" sagot ni Fidel at napayuko ito. Parang nakaramdam naman ng konsyensiya si Salome dahil mukhang mas napasama ang pag-iiba niya ng usapan kanina. Hindi niya nais na malungkot ang binata.

Napatulala na lang si Salome sa kawalan habang patuloy na pumapatak ang mga luha sa kaniyang mga mata. Kasabay niyon ay ang pagbuhos ng ulan mula sa labas dahilan upang magsitakbuhan ang mga tao at maghanap ng masisilungan.

Nasasaktan siya. Nagdurugo na ngayon ang kaniyang puso. Ngayon ay nagsisisi siya kung bakit sariling damdamin lamang ang pinairal niya. Hindi niya inisip ang nararamdaman ni Fidel noong araw na iyon kung saan muntikan na nitong patayin ang sariling ama na ilang taon na nitong hinahanap.





Makalipas ang dalawang araw, malalim na ang gabi habang patuloy pa rin ang pagbuhos ng napakalakas na ulan sa labas. Halos mabalot naman ng kaba si Salome habang sinisilid sa kaniyang tampipi ang ilan sa mga damit at gamit na kaniyang dadalhin.

Napag-desisyunan na niyang tumakas. Napag-alaman niya mula kay Felipe na nagpadala ng liham sa kaniya kahapon na halos dalawang buwan daw na nakaratay sa higaan si Fidel matapos ipabugbog ito ni Patricio na muntikan na nitong kinamatay.

Ayon kay Felipe, nakasalubong daw niya si señor Fidel sa palacio del gobernador-heneral nang minsan itong maghatid ng mga malalaking paso sa loob ng Intramuros. Naging kabuhayan na ni Felipe at nina Mang Berto ang paghahatid ng kalakal sa loob ng Intramuros kung kaya't laking gulat niya nang makita si señor Fidel na paika-ika habang may hawak na tungkod na naglalakad papalabas sa palacio del gobernador-heneral.

Hindi na ito nag-aksaya pa ng oras at nilapitan ang binata. Nakilala naman ni señor Fidel si Felipe nang minsan silang nagbatian noong kaarawan ni Danilo sa San Alfonso. Nang dahil sa hindi inaasahang pagkikitang iyon, napag-alaman ni Felipe na halos dalawang buwan ngang nakaratay sa kama si Fidel. Magtutungo dapat ito sa himpilan ng mga guardia civil sa Pampanga kung saan nakakulong noon si Salome para makausap at itakas ito ngunit may dalawampung kalalakihan na nakasuot ng itim at salakot na humarang sa kaniya. Pinagbubugbog siya ng mga iyon na muntikan na niyang ikamatay. Mabuti na lamang dahil may rumurondang mga guardia civil ang napadaan dahilan upang magsitakbuhan ang mga salarin.

Napahawak na lang si Salome sa tapat ng kaniyang puso, parang sumisikip ang kaniyang dibdib sa tuwing naiisip niya ang mga malalakas na suntok, sipa, saksak at tadyak na natamo ni Fidel dahilan upang halos dalawang buwan itong nakaratay sa kama.

Sa loob ng dalawang buwan na iyon, pinaniwala siya ni Patricio na tuluyan na ngang nagtaksil si Fidel. Sa loob ng dalawang buwang iyon, kinasal siya kay Patricio na hindi naman niya mahal para lang maligtas ang kaniyang pamilya dahil iyon na lamang ang natatanging paraan. Sa loob ng dalawang buwang iyon, hindi niya akalain na yuyurakan ni Patricio ang pagkababae niya at papatayin rin niyo ang kaniyang ina at kapatid. At sa loob ng dalawang buwang iyon, pinagbubuntis na niya ang bunga ng panggagahasa sa kaniya ni Patricio.

"Lumeng? Handa ka na ba?" natauhan lang siya nang marinig niyang kumatok si Roselia sa pinto at dumungaw ito. Agad pinunasan ni Salome ang mga luha sa kaniyang mata at dali-daling nag-alsabalutan. Alas-dose na nang hatinggabi. Tahimik ang buong paligid, dali-daling inalalayan ni Roselia si Salome papalabas sa silid nito.

Agad silang nagtungo pababa at dumiretso sa likod ng bahay kung saan may maliit na butas doon sa dingding ng kusina. Sarado ang buong bahay sapagkat sinisigurado palagi ni Patricio na hindi makakatakas sa kaniya si Salome. Dahan-dahang tinibag ni Roselia ang maliit na lagusan at nang mabuksan iyon, agad niyang inalalayan si Salome na makalabas doon.

Bawat segundong lumilipas ay nagdudulot sa kanila ng matinding kaba. Idagdag pa ang napakalas na ulan sa labas habang sumasabay ang pagkulog at pagkidlat. Nakakasiguro sila na walang mga bantay ngayon sa labas dahil sa lakas ng ulan. Sigruadong naghanap ang mga iyon ng kanilang masisilungan.

Ilang saglit pa, nakalabas na si Salome sa maliit na lagusan. Inabot naman ni Roselia ang tampipi nito saka tumango kay Salome. "Naghihintay sa likod si Felipe, dala niya ang kalesa na maghahatid sa inyo sa daungan" wika nito, napatango naman si Salome at nagsimula nang tumakbo papalayo sa bahay na iyon.

Malakas na ulan ang sumalubong kay Salome nang siya ay makalabas. Bitbit ang isang maliit na tampipi ay payuko siyang gumapang sa likod ng bahay hanggang sa makarating siya sa harapan ng mismong mansyon.

Malalim na ang gabi kung kaya't tahimik na ang palagid, tanging buhos ng ulan lamang ang maririnig sa buong kahabaan ng kalye.

Napapapikit na lamang si Salome dahil sa lakas ng hampas ng ulan na tumatama sa kaniyang mukha habang yakap-yakap ang kaniyang tampipi. Mabuti na lamang dahil nakasuot din siya ng malaking talukbong na nakabalot sa kaniyang buong katawan kung kaya't hindi siya gaano nababasa ng ulan.

Animo'y bigla siyang nabuhayan ng pag-asa nang makita ang isang luma at sira-sirang kalesa na nakaabang sa tapat ng mansyon ni Patricio "Felipe! Maraming Salamat" tugon ni Salome nang makalapit siya sa kalesa, agad niyang inihagis sa loob ang tampipi na kaniyang dala-dala. Napalingon naman sa kaniya si Felipe.

"Bilisan mo Lumeng itinakas ko lamang itong kalesang ito sa aking amo" wika ni Felipe sabay suot ng malaking salakot sa kaniyang ulo upang hindi siya makilala nang sinuman. Inilahad na ni Felipe ang kaniyang palad upang tulungan si Salome makaakyat sa kalesa ngunit napatigil sila nang marinig nila ang boses ni Roselia mula sa likuran.

"Salome!" tawag muli ni Roselia habang kumakaripas ng takbo papalapit sa kaniya, hindi nito alintana ang malakas na buhos na ulan. "Ate Roselia----" hindi na natapos pa ni Salome ang kaniyang sasabihin dahil agad kinuha ni Roselia ang kaniyang kamay at inilagay ang isang liham sa kaniyang palad.

"Nagdadalawang isip akong iabot sa iyo ito kanina. Nais kong tumakas ka na at lumayo sa lugar na ito ngunit sa tingin ko ay karapatan mo ring malaman ito. Nakasaad sa imbitasyon na iyan kung anong magaganap bukas sa Simbahan ng San Agustin" wika ni Roselia, gulat namang napatingin si Salome sa sulat na iyon.

"Isang liham mula kay Fidel na pinadala niya kay Don Epifanio. Ang buong akala ni Fidel ay patay ka na Lumeng. Hindi naman alam ng aking asawa na tinago mo lang ang iyong katauhan bilang Felicidad. Ang akala ni Fidel ay si Felicidad ang napangasawa ni Patricio. Kung nais mo pang maabutan si señor Fidel ...puntahan mo na siya bago mahuli ang lahat!" seryosong tugon ni Roselia at inalalayang makaakyat si Salome sa kalesa ngunit napatigil ito at napalingon sa kaniya.

"Nagawa mo nang tumakas kay señor Patricio! Bakit nag-aalinlangan ka pa ring umalis?!" buwelta pa ni Roselia. Hindi naman agad nakapagsalita si Salome, sandali siyang napatitig sa mga mata ni Roselia.

"M-maraming Salamat ate Roselia" iyon na lamang ang mga salitang pinakawalan ni Salome at hinawakan niya ang kamay nito. Ang pagtakas na ginawa niya ngayon ay maaaring magdulot ng kapahamakan kay Felipe at Roselia.

"Wala iyon... basta para sa iyo Lumeng..." tugon ni Roselia, at kahit pa basang-basa na ito sa ulan nakita pa rin ni Salome ang namuuong luha sa mga mata nito. Magsasalita pa sana si Salome ngunit bigla silang nakarinig ng kalabog mula sa loob ng mansyon.

"Puntahan mo siya Lumeng! Huwag mo nang intindihin si señor Patricio... ako na ang bahala!" nagmamadaling tugon ni Roselia saka lumapit kay Felipe, "Dalhin mo siya sa simbahan ng San Agustin" tugon ni Roselia, agad namang napatango ng ulo si Felipe at pinatakbo na niya ang kabayo.

"Paalam! Mag-iingat kayo... at ipagdarasal ko na maabutan mo si señor Fidel!" wika ni Roselia habang kumakaway kina Salome at Felipe na unti-unting lumalayo. Ngunit nagulat si Roselia nang makita si señor Patricio na nakadungaw sa bintana.

Animo'y biglang nanghina ang kaniyang tuhod at napabagsak na lamang siya sa lupa. "S-señor Patricio" gulat na wika ni Roselia at agad siyang napalauhod sa lupa "P-patawarin niyo po ako señor Patricio" pagsusumamo niya, kasabay ng pagpatak ng ulan ang patuloy ring pagdaloy ng kaniyang mga luha dahil sa takot.

Gulat namang napatingin si Salome sa ikalawang-palapag ng kanilang tahanan. Animo'y binagsakan siya ng langit at lupa nang malaman na nahuli siya ni Patricio na tumatakas.

Namumula ang mga mata nito at kitang-kita ang labis na galit habang tinatanaw si Salome papalayo, may hawak itong pulang kandila sa kaliwang kamay.

"¿Cómo pudiste hacerme esto ... Salomé?" (How could you do this to me... Salome?!) sigaw ni señor Patricio at malakas na inihagis ang pulang kandilang iyon sa labas ng bintana dahil sa galit. Nagkalat ang pira-piraso ng kandila sa lupa habang patuloy na nilalamon ng buhos ng ulan.

Ang malakas na sigaw ni Patricio ay nagdulot ng labis na takot kay Felipe at Salome kung kaya't agad pinatakbo ng mabilis ni Felipe ang kabayo. Napakapit na lamang si Salome sa gilid ng kalesa habang tinatanaw ang galit na galit na mukha ni Patricio.

Dali-daling bumaba si Patricio at agad hinila ang buhok ni Roselia na nakaluhod sa gitna ng kalsada. May hawak itong mahabang baril na ipuputok sana sa ulo ni Roselia ngunit napatigil siya nang maglabasan ang kaniyang mga guardia personal. "¡SIGUELOS!" (FOLLOW THEM!) utos ni Patricio sa kaniyang mga guardia personal na nasa dalwampu rin ang bilang.

Agad nilang kinuha ang kanilang mga kabayo, maging si Patricio ay sumakay na rin sa kabayo bitbit ang kani-kanilang mga baril ay agad nilang hinabol ang kalesang sinasakyan ni Salome.

"FUEGO!" (FIRE!) sigaw ni Patricio, hindi naman nag-atubili na magpaputok ng baril ang mga guardia personal upang pigilan ang kumakaripas na kalesa papalayo. "Yumuko ka!" sigaw ni Felipe kay Salome sabay hawak sa ulo nito at sabay silang yumuko upang hindi sila tamaan ng bala na sunod-sunod na pinapakawalan ng mga kalaban.

"P*nyeta! Hindi ka ba titigilan ng kastilang iyan!" reklamo ni Felipe kay Salome, napalingon naman si Salome sa likuran at unti-unti na ngang nakakalapit sa kanila ang mga kalaban.

Agad iniliko ni Felipe ang kalesa papunta sa isang lagusan kung saan nakaharang ang ilang mga guardia civil na nagbabantay doon. Sinesenyasan sila nito na tumigil ngunit hindi nagpadaig si Felipe at dire-dreitso niyang pinatakbo ang kabayo kung kaya't nagsitabihan na lang ang mga guardia civil at pinaulanan sila ng bala.

Inakala niyang hindi na sila susundan doon ng mga kalaban ngunit nagkamali siya dahil hindi titigil si Patricio hangga't hindi sila naabutan. Mabilis na pinatakbo ni Felipe ang kabayo patungo sa kakahuyan at napadaan sila sa gilid ng isang ilog.

"FUEGO!" (FIRE!) muling utos ni Patricio sa mga alagad niya, sabay-sabay naman itong nagpaputok ng baril hanggang sa tamaan ang kaliwang paa ng kabayo sa kalesang sinasakyan nina Felipe at Salome.

"HINDI!" napasigaw na lamang silang dalawa nang biglang matumba ang kabayo at tumagilid ang kalesang sinasakyan nila. nagkapira-piraso ang kalesa habang patuloy na humihiyaw ang kabayo dahil sa sakit.

Nahulog si Salome at Felipe sa ilog. "¡ENCUÉNTRALOS!" (FIND THEM!) muling utos ni Patricio sa mga tauhan, agad namang bumaba sa kani-kanilang mga kabayo ang mga guardia personal at maingat na naglibot sa paligid. Napakadilim ng paligid, tanging mga apoy sa sulo na kanilang bitbit ang nagbibigay liwanag sa buong kagubatan.

Sa kabilang dako ng ilog ay agad nakaahon si Felipe, mabilis siyang nagkubli sa kumpol ng mga Liryo (Water Lily) na nagkalat sa gilid ng ilog. nagpalinga-linga si Felipe sa buong paligid, bigla siyang nakaramdam ng takot nang hindi makita si Salome.

Muli niyang tinanaw ang mga guardia personal na nasa gilid ng ilog, patuloy pa rin ito sa paghahanap sa kanila. Dali-dali siyang lumangoy sa ilalim ng ilog, halos kalahating segundo rin siya naghanap sa ilalim, mabuti na lamang dahil may napadaan na isang guardia personal na may dalang sulo kung kaya't nakita niya mula sa di-kalayuan si Salome habang pilit na kumakawala sa mga Liryong (Water Lily) na pumulupot sa kaniya.

Agad siyang lumangoy papunta sa kinaroroonan ni Salome at tinulungan itong tanggaling ang pagkakabuhol-buhol ng halaman sa katawan ng kaibigan. Ilang sandali pa ay nakawala na rin si Salome at agad siyang hinila ni Felipe upang makaahon na sila.

"Señor Patricio ... se han ido" (Señor Patricio... they're gone) wika ng isang guardia personal, halos ilang minuto na rin kasi silang nagpalibot-libot sa ilog ngunit hindi nila mamataan ang dalawang indio.

"¡APÁRTATE DE MI VISTA! ¡BASTARDO!" (GET OUT OF MY SIGHT! BASTARD!) sigaw ni Patricio sabay hampas ng kaniyang mahabang baril sa mukha ng guardia personal na iyon dahilan para mapatumba ito sa lupa at dumugo ang ilong.

"¡LOS MATARÉ A TODOS SI USTED NO PUEDE ENCONTRARLOS!" (I WILL KILL YOU ALL IF YOU'RE NOT ABLE TO FIND THEM!) sigaw ni Patricio na umalingangaw sa buong kagubatan, nagpaputok pa siya ng baril sa ere dahilan para mabulabog ang mga hayop sa buong kagubatan.

Nang makaahon na si Salome at Felipe ay agad silang gumapang sa gilid ng matatas na punong-kahoy sa buong paligid. Nang makalayo na sila ay dali-dali silang tumakbo papalayo. Mabuti na lamang dahil kabisado ni Felipe ang lahat ng pasikot-sikot sa kagubatan kung kaya't madali silang nakapagtago at nagpahinga saglit sa isang puno.

Madaling araw na, nakapikit lang ang mga mata ni Salome habang nakasandal siya doon sa puno. Tatlong beses din siyang napabahing dahil basang-basa pa rin sila sa ulan at nang mahulog sila sa ilog kanina.

"Hindi alam ni señor Fidel na buhay ka pa, Lumeng" panimula ni Felipe dahilan upang dahan-dahang iminulat ni Salome ang kaniyang mga mata at napatingin siya sa binata. "Mula noong makita ko siya, kitang-kita ko ang pagdadalamhati at pangungula niya sa pag-aakalang wala ka na" patuloy pa ng binata at napasandal na rin ito sa puno.

"Alam mo ba, hindi rin ako naniwala noon na patay ka na. Ilanga raw din akong naghintay sa labas ng himpilan ng mga iyong selda upang tingnan kung iiwan mon a doon sa bintana ang bulaklak ng sampaguita, senyales na pumapayag ka na itakas ka na namin. Ngunit noong araw ding iyon, nagulat ako nang mabalitaan ko mula mismo sa mga guardia na patay ka na. Hindi mo raw nakayanan ang lahat kung kaya't bumigay ang iyong puso. Halos dalawang buwan din akong nagdalamhati sapagkat akala ko'y wala ka na. Hindi rin ako nakadalo noon sa inaakala kong kasal ng iyong ate Fe at Patricio dahil hindi kami pinapasok ng mga bantay. Maging sa inyong tahanan ay hindi kami makapasok dahil palaging bantay sarado ang palibot ng mansyon ni señor Patricio, matagal ko nang gustong makausap si Nay Delia at si Felicidad ngunit hindi ako nagkaroon ngpagkakataon hanggang sa isang araw hindi ko inaasahang makikita ko si Roselia sa pamilihan kasama ang kaniyang bagong asawa. Humingi ako ng tulong sa kaniya na makausap man lang si Nay Delia o si Felicidad upang malaman ko kung ka inilibing Lumeng. Laking gulat ko nang ipagtapat sa'kin ni Roselia na buhay ka pa. At ang Aguantar na namatay sa himpilan ng mga guardia civil sa Pampanga ay si Felicidad pala" wika ni Felipe. Napatulala lang sa kaniya si Salome. Hindi niya akalain na ang pagsisinunggaling na iyon ay magdudulot pala ng paghihinagpis sa mga taong malalapit sa kaniya.

"Batid kong walang dapat na makaalam na si Salome Aguantar na kinatatakutan ng mga opisyal ay buhay pa ngayon dahil siguradong malalagay na naman sa panganib ang buhay mo. Asahan mong wala akong pagsasabihan na iba, kahit pa kay nais kong sabihin iyon kay señor Fidel ay inalala ko pa rin ang iyong kaligtasan" tugon pa ni Felipe sabay tingin ng diretso sa mga mata ni Salome.

Napangiti naman ng marahan si Salome habang nakatitig kay Felipe "Maraming Salamat sa lahat, Felipe" ang tanging naisagot ni Salome. Isang ngiti naman ang pinakawalan ng binata bilang sagot sa pagpapasalamat niya. Sa pagkakataong iyon, malinaw na kay Felipe na hanggang magkaibigan lang talaga sila ni Salome at hindi na iyon hihigit pa roon.





Magbubukang liwayway na nang mapagdesisyunan nilang magpatuloy sa paglalakbay. Nang makarating sila sa isang pintuan ng Intramuros ay nakihalo lang sila sa mga mangangalakal na papasok mula doon. Hindi naman na sila napansin pa ng mga bantay. Dire-diretso silang naglakad sa mga tagong calle papunta sa simbahan ng San Agustin.

Ilang sandali pa ay narating na nila iyon. Nakabalot pa rin ng itim na talukbong si Salome habang nakasuot naman ng salakot si Felipe. Naabutan nila ang maraming tao sa labas ng simbahan at halos ang lahat ng ito ay nakasuot ng puti.

Nababalot din ng bulaklak ang buong paligid ng labas ng simabahan at sunod-sunod ang pagdating ng mga magagarbong kalesa sakay ang mga mayayamang panauhin na nakasuot din ng puti. "May kasal ba na magaganap ngayon?" tanong ni Felipe, hindi naman nakapagsalita si Salome. Bigla niyang naalala ang liham na binigay sa kaniya ni Roselia kanina noong tumakas sila...

"Nagdadalawang isip akong iabot sa iyo ito kanina. Nais kong tumakas ka na at lumayo sa lugar na ito ngunit sa tingin ko ay karapatan mo ring malaman ito. Nakasaad sa imbitasyon na iyan kung anong magaganap bukas sa Simbahan ng San Agustin" - Roselia.

Tila tumigil ang mundo ni Salome nang mapagtanto niya baka si Fidel ang ikakasal ngayong araw. Dali-dali siyang tumakbo papalapit sa pintuan ng simbahan at humalo sa napakaraming tao na nasal abas ngayong ng simabahan. Naiinis ang ilan sa mga taong nababangga niya makalapit lang siya sa pintuan ng simbahan.

"Sandali! Lumeng!" tawag ni Felipe kay Salome habang sumalubong na rin ito sa napakaraming tao. Hindi naman na siya napansin ni Salome dahil nakatuon ang buong pansin nito sa pintuan ng simbahan para pigilan ang nagaganap na kasal.

Ilang sandali pa, biglang tumunog ng malakas ang kampana ng simbahan dahilan upang mapatigil si Salome at mapatingala sa kampana sa itaas. Ang pamilyar na tunog na iyon na matagal nang naghahatid ng pakiramdam sa kaniya ay muli na naman niyang narinig.

Kasunod nito ay nakarinig siya ng masigabong palakpakan mula sa loob ng simbahan. Sakto namang tumigil ang isang kalesa sa tapat ng simbahan at bumaba mula doon ang isang pamilyar na babae na hindi inaasahan ni Salome na muli niyang makikita, si señorita Eleanor.

Nakasuot ito ng magarbong puting baro't-saya habang inaalalayan ng mga guardia personal pababa sa kalesa. Napatigil si Eleanor nang makita si Salome na gulat ding nakatingin sa kaniya. ilang segundo silang nagkatitigan ngunit si Eleanor na rin ang unang bumasag sa tininginan nila. Naglakad na ito papasok ng simbahan. Akmang hahabulin siya ni Salome ngunit isinara na ang pinto ng simbahan at humarang ang ilang mga guardia.

Magpupumilit pa sana si Salome na makapasok sa loob ngunit bigla siyang hinawakan ni Felipe sa balikat at bumulong ito. "May alam akong daan sa itaas ng simbahang ito" bulong ni Felipe, dahilan upang muling mabuhayan ng pag-asa si Salome at sumunod sa kaniya.

Pasimple nilang tinahak ang gilid ng simbahan at nang mamataan na walang bantay sa gilid nito ay dire-diretso silang pumasok sa isang pinto sa gilid papunta sa loob ng simbahan. Nang makarating sila sa loob ay agad sumalubong ang mahabang pagkalansing ng kampanilya (bell) kasabay niyon ay sabay-sabay na napaluhod ang mga tao sa loob ng simbahan.

Maging ang loob ng simbahan ay napapalibutan ng napakaraming palamuti ang mga bulaklak na puti. Ang lahat ng tao na nasa loob ay nakasuot ng puti habang kumikinang ang liwanag ng mga kandila sa palibot ng simbahan.

Ilang sandali pa, nang makaluhod na ang lahat ng tao, gulat na napatulala si Salome sa tapat ng altar kung saan nakita niya doon si Fidel habang nakaluhod sa tapat ng isang pari. Nakasuot ng kulay brown na damit si Fidel tulad ng isang prayle.

Matapos ang pagluhod nito ay dumapa si Fidel sa sahig ng altar kasama ang apat pang mga kalalakihan na nakasuot din ng damit na pang-pari.

Sa pagkakataong iyon biglang nanghina ang tuhod ni Salome. Nagkamali siya ng akala, hindi isang kasal ang magaganap ngayon sa simbahang ito kundi pagbibinyag sa mga bagong pari ng simbahan.

Napaatras na lang sa gulat si Salome habang pinagmamasdan si Fidel na binibinyagan na ngayon. Ngunit bigla siyang napatigil nang may mabangga siya sa likuran at bago pa man siya makalingon ay nagsalita na ito sa tapat ng kaniyang tenga.

"Naaalala mo ba Lumeng noong sinabi ko sa iyo na hindi ka dapat mahulog kay Fidel? Ngunit hindi ka nakinig sa kabila nang pagbibigay ko sa iyo ng babala. Ngayon sabihin mo, sino sa aming dalawa ang matagal na naglihim ng mahalagang bagay sa iyo?" bulong ni Patricio, at bigla niyang hinawakan ang magkabilang braso ni Salome dahilan upang hindi na ito makaalis pa.

"Bitiwan---" hindi na natapos niya natapos ang sasabihin niya dahil bumulong ulit si Patricio sa kaniya.

"Kailanman ay hindi ba sumagi sa iyong isipan kung anong natapos ni Fidel? Malamang nakatapos siya ng kolehiyo ngunit hindi mo pala alam kung anong natapos niya..." saad pa ni Patricio sabay hawak ng mas mahigpit kay Salome at bumulong muli ito sa huling pagkakataon.

"Licenciatura en teologia Sagrada" (Bachelor of Sacred theology) tugon ni Patricio, kasabay niyon ay parang hinigop ang buong enerhiya ni Salome habang nakatingin kay Fidel na ngayon ay isa nang ganap na pari.



************************

Featured Song:

'Pinilit kong Limutin ka' by Nina. Ito yung background music noong kinakasal si Salome :'(

https://youtu.be/dty3wPk1meQ

'Pinilit kong Limutin ka' by Nina.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top