Kabanata f(x - 4)


[Kabanata 4]

"Just a smile and the rain is gone
Can hardly believe it (yeah)
There's an angel standing next to me
Reaching for my heart"

-Westlife (I Lay my Love on you)



"Seriously? Ngets! Okay ka lang ba? Bakit nag-aadik ka sa History?" narinig kong reklamo ni Jen na halos magkadugtong na ang kilay niya ngayon. Hindi ko na lang siya pinansin dahil nakatutok talaga ako sa mga history books na binabasa ko ngayon dito sa library sa University namin. Kahit bakasyon ngayon pwede pa rin makapasok dito basta related lang sa pagreresearch at pagkuha ng mga references ang gagawin sa library.

White blouse and blue maong pants lang ang porma ko ngayon samantalang si Jen naman ay naka-off shoulder with matching high waist pants. May date pa daw kasi sila ni Arthur mamayang hapon. 1 pm pa lang naman ngayon at kanina pang 10 am ako nandito sa library samantalang kakarating lang ni Jen kani-kanina lang.

Kakaunti lang ang tao ngayon dito sa library dahil wala namang pasok pero may iilang mga nag-susummer class. Akmang magrereklamo pa sana si Jen kaya lang biglang tumawag sa kaniya si Arthur kaya ayun sinapian na naman siya ng kalandian at kinikilig na lumabas muna sa library para sagutin yung call ni Arthur.

Napailing na lang ako, Haays pag ako na-inlove sisiguraduhin kong hindi ako magiging ganyan kabaliw tulad ni Jen tss...

Ibinalik ko na lang yung tingin ko sa mga history textbooks na nakakalat ngayon sa harapan ko. Nagdala rin ako ng maliit na notebook kung saan ilalagay ko ang mga importanteng information and details sa ginagawa ko ngayon.

Nag-reresearch ako ngayon tungkol sa Kingdom of Tondo. Sa totoo lang narinig ko na ito dati nung High school pa ko pero hindi ko na matandaan kasi hindi naman ako interesado talaga noon sa Kasaysayan ng Pilipinas.

Pero ngayon hindi ko alam kung bakit interesadong-interesado ako sa Kingdom of Tondo. Siguro dahil sa nabasa kong historical novel kagabi na kung saan isang descendants ng royal blood family ng Kaharian ng Tondo ang pamilya ni Salome kaya lang nang dumating ang mga Kastila at nasakop na nila ang Kingdom of Manila at Kingdom of Tondo naglaho na ang kaharian ng ating mga ninuno...



Ang Tondo o mas kilala noon bilang Tundo, Tundun o Tundok ay isang kaharian na matatagpuan sa hilagang bahagi ng Pasig river na tumutuloy hanggang sa Manila Bay na bahagi ng Luzon. Ang Tondo ay isa sa pinaka-sinaunang nayon na nabanggit sa Laguna Copperplate Inscription na naitala noon pang 900 AD.

Ang Kaharian ng Tondo ay kilala na noon pa man bilang isang diplomatikong ugnayan sa bansang Tsina sa kasagsagan ng Ming Dynasty (year 1368 - 1644). Noong taong 1373, nagpadala ng mga sugo/kinatawan ang Ming dynasty sa Luzon bilang bahagi ng kanilang malayang pakikipagkalakaran sa isa't-isa at pagiging magkaibigan ng bawat kaharian. Kinikilala rin ng Ming Dynasty ang Tondo bilang isang Kaharian na pinamumunuan ng Hari.

Kasabay nito ay ang pagdating ng mga unang intsik na nanirahan sa Pilipinas at nagkaroon sila ng magandang samahan.

Bukod dito ay ang Kaharian ng Tondo at kaharian ng Maynila ay may malalim rin na koneksyon at pakikipag-kaibigan sa bansang Brunei. Noong taong 1500 AD, si Sultan Bol-kiah, hari ng Brunei ay nag-proklama ng kasal sa pagitan ni Gat Lontok (who later became Rajah Namayan) at Dayang Kay-langitan, isang dalagang nabibilang sa dugong bughaw sa Kaharian ng Maynila.

Ang namumuno sa Kaharian ng Tondo na si Lakandula ay napanatili ang kaniyang posisyon ngunit ang kapangyarihang pang-politikal ay napunta na sa kaharian ng Maynila na pinamumunuan ni Rajah Sulayman.


Ang Pilipinas ay hindi pa iisang bansa noon, hati-hati ang mga kaharian nito tulad ng:


States in Luzon

Kingdom of Maynila

Kingdom of Tondo

Caboloan (Pangasinan)


States in Visayas

Kedatuan of Madja-as

Kedatuan of Dapitan

Rajahnate of Cebu


States in Mindanao

Rajahnate of Butuan

Sultanate of Sulu

Sultanate of Maguindanao

Sultanate of Lanao



Nang makarating si Ferdinand Magellan sa Homnhon island noong March 16, 1521. Pinangalanan niya ang Pilipinas na Isla De San Lazaro, at naging kaibigan niya si Rajah Humabon, ang rajah ng Cebu at nahikayat nya itong magpabinyag bilang Katoliko kasama ang asawa nito at halos 800 na Cebuanos. Samantala si Datu Zula naman ay nais ring magpailalim sa kaharian ng Espanya ngunit matindi itong tinutulan ni Datu Lapu-Lapu na datu ng Mactan.

Milaiit ni Ferdinand Magellan ang kakayahan at hukbo na pinapangunahan ni Lapu-lapu dahilan para matalo sila sa labanan at namatay si Magellan. Ang battle of Mactan ay nadulot ng pinsala sa panig nila Magellan na kung saan ang tatlong barko ay hindi na kaya pang pamunuan ng nalalabing mga tauhan kung kaya't iniwan na nila ang barkong 'Concepcion'. Tanging ang barkong 'Trinidad' at 'Victoria' na lamang ang pinamahalaan nila pabalik sa Espanya. Ngunit sa kasamaang palad ang barkong 'Trinidad' na pinamumunuan ni Gomez de Espinoza na naglakbay sa dagat pasipiko ay hindi nakaligtas dahil sa mga sakit at bagyo. Samantala, ang barkong 'Victoria' naman na pinamumunuan ni Juan Sebastian Elcano na naglakbay pa-kanluran ay nakabalik sa Espanya noong 1522.


Nang dahil sa pagkatuklas sa Pilipinas, si Haring Charles I ng Espanya ay naglabas ng utos upang maglakbay at tuklasin muli ang spice island (Pilipinas). Nagpadala ito ng limang barko sa pamumuno ni:

Loaisa (1525)

Cabot (1526)

Saavedra (1527)

Villalobos (1542)

Legazpi (1564)


Noong 1543, pinangalanan ni Ruy López de Villalobos ang Leyte at Samar na Las Islas Filipinas after Philip II of Spain. At noong 1564, dumating na si Miguel Lopez de Legazpi sa Pilipinas kasama ang 500 tauhan upang sakupin ang Cebu. Hindi naman siya nabigo dahil nasakop niya ito at naipatayo niya ang Fort San Pedro sa Cebu. Si Miguel Lopez de Legazpi rin ang kauna-unahang naging gobernador-heneral ng Pilipinas.

Sa tulong ni Juan de Salcedo (Apo ni Miguel Lopez de Legazpi) at ni Martin de Goiti ay nasakop na rin nila ang kaharian ng Maynila at kaharian ng Tondo. Sa panahong iyon ang namumuno sa kaharian ng Maynila ay si Rajah Matanda at Rajah Sulayman, Samantala sa kaharian naman ng Tondo ay si Lakandula ang namumuno. Ang digmaan sa pagitan ng mga Kastila at mga Pilipino sa bahagi ng hilaga ng Pilipinas sa Luzon ay tinawag na Battle of Bankusay nong 1571.

Ngunit sa kasamaang palad natalo ng mga Kastila ang mga Pilipino at nagsimula na ang pananakop nito sa Maynila at Tondo. Ang kaharian ng Maynila at Tondo ay tuluyan nang naglaho at itinalaga ni Miguel Lopez de Legazpi na kabisera ng Pilipinas ang Intramuros, Manila. Samantala, ang Tondo naman ay naging isang siyudad na lamang na bahagi ng Maynila.



Napatulala lang ako nang mabasa ko ang lahat ng iyon. Parang ang sikip sa dibdib, sobrang nalulungkot ako malaman na tuluyan nang naglaho ang kaharian ng Maynila at kaharian ng Tondo. Teka! Anong nangyari sa iba pang miyembro ng mga royal blood sa kaharian ng Maynila at Tondo?

Magbabasa pa sana ako kaso biglang dumating na si Jen at nakasimangot na siya. Tsk nangangamoy LQ with her mr-perfect-hottie-boyfie-Arthur na palagi niyang binibida tss.

"Kainis! Pinaasa niya lang ako! hindi raw matutuloy ang date namin ngayon!" reklamo ni Jen at napadabog pa siya sa pag-upo dahilan para umalingangaw sa buong library yung ingay nung upuan at mapatingin sa amin si Ma'm Diane. Agad namang nag-sorry si Jen at dinahilan niya na masakit lang paa niya.

"Ganyan kasi talaga kapag masyadong pinaghahandaan ang isang bagay... Hindi iyon natutuloy" pang-asar ko pa sa kaniya habang abala pa rin sa pagsusulat ng mahahalagang impormasyon na nababasa ko ngayon sa history book na hawak ko.

"Bwiset talaga siya! mamatay na lahat ng lalaking paasa!" reklamo niya pa at umalingangaw na naman sa buong paligid yung sigaw niya. Buti na lang hindi iyon napansin ni Ma'm Diane kasi may kausap itong estudyante.

"Look at me, No love life... No worries! At peaceful pa ang mind and heart ko" pagmamalaki ko pa sa kaniya, in-erapan niya lang ako. Gusto kong matawa sa itsura niya ngayon kasi naka-porma talaga siya ng bonggang-bongga pero hindi naman pala siya sisiputin ng boyfriend niya.

"Kapag ikaw na-inlove humanda ka ngets! Ikaw naman ang pagtatawanan ko diyan" banat niya pa at dahil dun binigyan ko siya ng isang mahabang sarcastic na tawa. Ha Ha Ha

"Never mangyayari yun noh! I'll make sure na sa right guy ako ma-fafall" buwelta ko pa pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"You'll never know, ang pag-ibig parang magnanakaw yan, hindi mo alam kung kelan aatake, at kapag napasok na nito ang puso mo magugulat ka na lang dahil wala itong tinira para sayo" hugot niya pa. Nako! Masyado kasi nag-aadik sa mga hugot lines ang babaeng to eh.

Napa-crossed arms naman ako at proud akong tumingin sa kaniya "I'll guard my heart then, para walang makapasok na magnanakaw"

"Kahit anong harang mo diyan, matitibag din yan pag nakilala mo na ang lalaking magpapatibok ng puso mo tss"

"If that happens I'll make sure na sa right guy pa rin ako ma-fafall" depensa ko pa. napa-tsk tsk naman si Jen, sesermonan pa niya dapat ako kaso biglang tumunog ulit yung phone niya, akala namin si Arthur pero si Lily pala yung kapatid niya ang nag-text.


Ate! Help me, I need to move on, gusto ko ng kalimutan si Alex :( -Lily


Napasandal naman si Jen sa upuan at mukhang nakaka-relate rin siya ngayon sa kapatid niya, pareho kasi silang broken hearted. Napa-iling-iling na lang ako.


"And that's the reason why I keep on avoiding... Love" banat ko pa, kaya ayoko ma-engage sa relationships dahil kakambal ng saya at kilig ang luha at lungkot. Hindi naman na nagsalita si Jen, napatulala na lang din siya sa phone niya kaya nagsulat na lang ulit ako sa mini notebook ko, pero napatigil ako nang mabasa ko yung nakasulat na quote sa front cover nito na dati ay hindi ko naman pinapansin...


Love will find you



What-the-heck!




Month of June na ngayon, First day of class. At sobrang saya ko dahil 4th year college na ko! isang kembot na lang Graduate na! Maaga akong nagising dahil sobrang excited akong pumasok, syempre first day na first day ayokong ma-late. Kasabay ko rin ngayon si Alexander dahil pareho na kami ng University na papasukan. First year college na siya, BS Biology ang kursong kinuha niya.

Nasa bus kami ngayon at pansin ko na makulimlim ang kalangitan, pero hindi koi yon masyadong napansin dahil mas nangingibabaw ang saya na nararamdaman ko ngayon at hindi ko mapaliwanag kung bakit.

"Ate, mukha kang sira kakangiti diyan" narinig kong reklamo ni Alex, katabi ko siya ngayon dito sa bus, nasa bintana ako. at dahil sa sinabi niya napawi tuloy yung ngiti ko at sinamaan ko siya ng tingin.

"Ikaw naman mukha kang serial killer na hindi marunong ngumiti!" banat ko naman sa kaniya, in-erapan niya lang ako at nagsalpak na lang siya ng earphones sa tenga niya. Asar talo haha!

Pero dahil trip ko siyang asarin ngayon hinigit ko yung earphones niya dahilan para mapakunot yung kilay niya. "Hoy! Totoy di mo pa sinasabi samin kung bakit galit na galit sayo si Lily" reklamo ko pa sa kaniya, napa-erap naman siya nung marinig niya yung pangalan ni Lily.

"I just tell her the truth... na ayoko sa mga babaeng katulad niya" diretso niyang sagot. Whuut?

"Ano ka ba! Bakit mo sinabi yun? siguradong na-hurt siya! kaya naman pala galit na galit siya sayo eh" pangaral ko pa sa kaniya. At napatingin sa'min yung mga nakatayong pasahero sa bus. Mas mukha kasing matanda tingnan sa'kin si Alex pero binubungangaan ko siya ngayon.

"I just don't get it, bakit kayong mga girls ayaw niyo ng paligoy-ligoy pa pero kapag ni-real talk kayo magwawala naman kayo" naiinis na tugon ni Alex at napailing-iling pa siya. napa-crossed arms naman ako, kung pwede ko lang sabunutan tong kapatid ko dito sa bus kanina ko pa nagawa kaso nakakahiya naman sa ibang pasahero.

"We prefer real talk naman pero as much as possible wag naman yung nakaka-degrade ng pagkatao... duhh? We're humans too" banat ko pa. napakunot lang lalo yung noo ni Alex at sinalpak na niya ulit yung earphones niya sa tenga niya.

Pareho kaming magkapatid na hindi pa tinatamaan ng pana ni kupido, pero parang mas hopeless case siya kasi ang bitter niya sa pag-ibig. Samantalang ako, I believe in Love naman yun nga lang I do my best to avoid it.

Napatingin ako sa makulimlim na kalangitan sa labas ng bintana ng bus, kaya lang hindi ko pa rin alam kung anong nararamdaman ko ngayon, parang naranasan ko ng umibig at masaktan at hindi ko iyon matandaan.





Pagdating sa school, ihahatid ko pa sana si Alex sa classroom nila kaya lang nagrereklamo siya hindi na raw siya bata at tinakbuhan niya ako. Kaya dumiretso na lang ako sa first class ko kung saan magiging alien kami ni Jen kasi mga freshmen nursing students ang magiging classmates namin. Pareho kasi kami ni Jen nag-first year college noon sa isang kolehiyo sa Cavite pero hindi namin nagustuhan doon kaya nag-tansfer kami ngayon dito sa University na pinapasukan namin sa Manila, kaya lang three years din namin hindi nakuha ang subject na Algebra na pang-first year kasi palaging napupuno ang slots at hindi kami nakakaabot ni Jen sa enrollment. Kaya eto talagang nag-enroll na kami ng maaga para makuha ang subject na Algebra.

Pagdating ko sa classroom sa third floor, tahimik lang ang lahat ng freshmen nursing student at napalingon silang lahat sa akin. Nag-hi naman ako sa kanila pero konti lang yung ngumiti halos nahihiya pa nga eh at yung iba naman ay busy sa mga cellphone nila.

Natanaw ko naman si Jen na nakaupo sa pinakasulok sa likuran at agad siyang kumaway at napangiti sa akin nang makita niya ako. dali-dali naman akong tumakbo papalapit sa kaniya at niyakap siya kahit pa magkasama lang kami last week kasi namili kami ng mga bagong notebooks at ballpen.

"Ngets! Buti dumating ka! at least dalawa na tayong gurang dito" tugon pa ni Jen dahilan para matawa ako at mahampas ko siya sa braso. napatingin naman ako sa mga freshmen na ka-blockmate namin, Oo nga mukha pa silang mga inosenteng estudyante... nako! Ganyan din naman ang itsura namin noon eh pero paglipas ng apat na taon sa college magiging ermitanyo rin ang itsura nila haha!

Halos kalahating minuto pa kami nagkwentuhan ni Jen, at kaming dalawa lang ang nagsasalita sa loob ng classroom, kinuwento niya sa akin na dito rind aw mag-aaral si Lily at BS Biology din ang kinuha nitong kurso.

"What? Akala ko ba gusto na niya mag-move on sa pabebe kong kapatid?"

"Nasasabi mo lang naman na gusto mo ng mag-move on kapag galit ka pero kapag nginitian ka na ulit ni crush na ko babalik ang diwa at kaharutan mo" natatawang tugon ni Jen, sinasabi ko na nga ba eh may pinagmanahan talaga si Lily tsk tsk. Nalaman ko rin na nagkabalikan na si Jen at Arthur at pupusta ako ng 100 php na mag-break break din sila after a week haha.


Ilang saglit pa, napatigil kami sa pagdadaldalan ng biglang bumukas ang pinto at umupo ng maayos ang mga ka-blockmates namin. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize kung sino yung pumasok sa pintuan at naglakad sa gitna ng platform.


"Goodmorning Class... I am Professor Nathan Abrantes and I will be your Algebra teacher in this semester" panimula niya at inilapag na niya yung dala niyang laptop sa mesa sa gilid.



WHUUUUT?



BAKIT SIYAAAA?!



Nagulat ako nang biglang hawakan ni Jen ang braso ko at bumulong siya sa'kin "Ngeets! For sure maiinggit si Iryn at Leana pag nalaman nilang prof natin ang crush nila Hahaha" tuwang-tuwa na tugon ni Jen, at agad siyang nag-text kay Iryn at Leana para inggitin ito.

Kasabay nito ay natanaw ko ang unti-unting pagpatak ng ulan sa bintana ng classroom na nasa tabi ko, hindi nagtagal ay tuluyan nang bumuhos ang ulan, napahawak naman ako sa puso ko, Nararamdaman kong hindi magiging madali ang mga mangyayari sa susunod na araw at hindi pa ako handa sa mga posibleng mangyari.

"Huy! Ayan ka na naman tulala ka na naman" suway sa'kin ni Jen dahilan para mapatingin ako sa kaniya, naaninag ko namang lumabas saglit si Sir Nathan dahil nakalimutan daw nitong kunin yung book na gagamitin niyang reference.


"Ngets! Hindi pwede to! magpalipat tayo ng class"


"Ha? Bakit naman? Mas enjoy nga dito eh ang gwapo ng prof natin!"


"Nooo! Parang may darating na panganib"


Tinawanan naman ako ni Jen ng todo dahil sa sinabi ko "Hoy Aly! Panganib talaga? hindi naman mukhang mapanganib si sir eh" echoes niya pa, Paano ba to? kailangan kong makumbinse si Jen na lumipat kami ng klase kasi hindi talaga maganda ang kutob ko.

"I mean... feel ko ibabagsak niya tayo! Baka di pa tayo maka-graduate kaya magpalipat na tayo ng class now na!" pagsusumamo ko pa sa kaniya pero puro tawa lang ang tugon niya sa'kin. mukha na kasi akong desperadang palaka ngayon.

"Mukha namang mabait si sir at hindi ka naman babagsak... Calculator ka kaya!" pang-asar niya pa, magsasalita pa sana ako kaso biglang bumukas ulit yung pinto, nakabalik na si Sir Nathan. Hindi ko namalayan na napatulala pala ako sa kaniya hanggang sa makaupo siya sa table sa harapan, naka-button down light green polo shirt siya, at naka-black pants. Messy hair din ang peg ng buhok niya pero ang hot lang tingnan, mas nakadagdag pa sa kagwapuhan niya ang suot niyang silver wristwatch.


"Ganyan ba ang itsura ng mapanganib sayo Aleeza?... pang-model ang tindig ni sir oh" echoes pa ni Jen dahilan para matauhan ako at mapatingin sa kaniya. Haays na-iistress na ko!



"Agcaoili, Aleeza Mae" napatigil ako nang bigla kong narinig na tinawag ni Sir Nathan yung pangalan ko. may hawak siya ngayong isang listahan ng mga enrolles, at nakatingin na siya ngayon sa'kin. natulala ako sa mala-hazelnut colored eyes niya, nakakatunaw----


"Ngets! Kinakausap ka ni sir!" sagi pa sa'kin ni Jen dahilan para bigla akong mapatayo dahil sa gulat. Nakalingon din sa akin ngayon lahat ng blockmates namin.


"Y-yes sir" tugon ko at napahawak ako sa gilid ko dahil pinagpapawisan na talaga ng malamig ang mga kamay ko dahil sa kaba. Napatingin naman si Sir Nathan sa listahan na hawak niya saka napatingin ulit sa akin.


"You may seat here" sabi niya sabay turo doon sa arm chair na nasa harapan na malapit sa pintuan, sa tapat ng teacher's table. WHAAAAT?


Nanlaki yung mga mata ko dahil balak niyang mag-set ng seating arrangement ngayon alphabetically at sa sobrang malas ko, ako pa ang pinaka-una at nasa tapat ng teacher's desk Gosh!


"Ms. Agcaoili? Ayaw mo?" tanong niya at hindi ko naman mabasa sa expression ng mukha niya kung natatawa ba siya o naiinis kasi nakatunganga pa din ako sa kinatatayuan ko.


"Ha? Ah-ehh Gusto ko po sir" sagot ko at bigla akong napahawak sa bibig ko dahil narealize ko na parang may double meaning yung sinabi ko. nakita ko namang natawa si Jen at yung iba naming mga ka-blockmates kasi ang landi pakinggan ng sinabi kong 'Gusto ko po sir'



My Goodness!



Nakita ko namang medyo umaliwalas ang itsura ni Sir Nathan at pinigilan niya ang tawa niya dahil sa sinabi ko. Haaays! Nakakahiya ka Aleeza!


Napahinga na lang ako ng malalim at napayuko saka ko kinuha yung mga gamit ko, binitbit ko na rin yung libro na Our Asymptotically Love Story na dinala ko ngayon para sana Ipadala ko kay Jen at ibalik niya kay Lily kaso ayaw ni Jen dalhin kasi maliit lang daw ang bag niya, hindi daw kasya yung libro kaya kinuha ko na lang ulit at nilagay iyon sa bag ko. binigyan ko naman si Jen ng lagot-ka-sakin-mamaya-look kasi tinatawanan pa rin niya ako sa na sinabi ko kanina kay Sir Nathan bago ako naglakad papunta sa harapan, sa bagong upuan ko.


"Armando, Bryan F." anunsyo naman ni Sir Nathan, tumayo naman yung isang lalaki na mukhang gangster at ngumunguya pa ng bubble gum, Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko na ang lalaking yun ang bestfriend ni Iryn na si Bryan na mahilig sa mga sexy chicks. Omg!


Sa picture ko pa lang nakikita si Bryan dahil kinukwento siya sa amin noon ni Iryn, at hindi ko akalaing magiging ka-blockmate rin namin siyani Jen. Tinuro ni Sir Nathan yung upuan na katabi ko at doon umupo si Bryan. Whuut-the---


Gusto kong kalbuhin at balatan ng buhay ngayon si Bryan dahil sa ginagawa niyang pang-frifriendzone sa tropa naming si Iryn. Kaya lang ayoko gumawa ng gulo ngayong first day of class. Tinitigan ko siya hanggang sa makaupo siya sa tabi ko, hindi naman niya ako pinansin at patuloy pa rin siya sa pagnguya ng bubble gum. Hindi naman siya naka-nursing uniform ngayon kaya feel ko iba ang kurso niya at alien din siya dito sa klase na to.



Ano bang nangyayari?



Kailangan ko na bang magpatawas para lubayan na ako ng mga malign at kamalasan ngayon? Nararamdaman kong hindi ako makakapag-focus ng maayos sa klaseng ito, dahil kay Sir Nathan at sa katabi kong asungot ngayon. Ughh!


"Alverado, Mary ann" patuloy pa ni Sir Nathan habang abala na ngayon ang lahat sa paglipat sa mga upuan. Kainis! Bakit ba kasi pauso to si sir ng sitting arrangement. High school lang ang peg? Haays!


Napatingin naman ako sa labas ng bintana na nasa kabilang dulo na dahil nasa gilid ako ng pintuan. Umuulan na ng malakas ngayon, kung pwede lang tamaan ng kidlat ang classroom na to para hindi na matuloy ang klase Ughh!





"Ngets! Una na ko babawi daw si Arthur ngayon! may date kami... bye!" dire-diretsong tugon ni Jen, bago pa ko maka-react at makapagsalita ay nakatakbo na siya papasakay sa elevator. Alas-kwatro na ng hapon ngayon at kakatapos lang ng last subject namin na research. Hindi naman pumasok si Iryn at Leana dahil wala naman daw gagawin sa first day of class kaya bukas na lang sila papasok.

Itetext ko na sana si Alex para sabihing sabay na kami umuwi kasi wala akong dalang payong kaso nakita kong bigla siyang nagtext.


Ate nandito na ko sa bahay, sorry di kita natext kanina lowbatt na kasi ako - Alex


Whuuut? Bwiset naman oh! Matapos ko siyang i-tour at samahan mag-enroll dito last last week, iiwan niya lang ako ngayon! Ughh!



Napatingin na lang ako sa hallway, halos hindi naman nagmamadali ang mga estudyante ngayon umuwi dahil sobrang lakas ng ulan sa labas. wala rin akong maupuan na bench sa gilid kasi halos puno ito. Ang dami ring nagaabang sa elevator kaya mas pinili ko na lang na mag-hagdan. Napaupo ako sa pinakababang baiting ng hagdan at napatulala na lang ako sa mga estudyanteng nakatayo sa lobby at nagpapatila ng ulan.


Ilang saglit pa biglang tumunog ang phone ko, nag-text ulit si Alex.


Ate, kanina pa pala masakit ang ulo ni mama, wala ng gamot dito sa bahay, ayaw naman na niya ako palabasin kasi ang lakas ng ulan sa labas, natumba rin yung poste ng kuryente sa kanto kaya wala tayong kuryente ngayon dito, bumili ka ng gamot para kay mama pag-uwi mo ah -Alex


Bigla akong napatayo nang mabasa ko yung text ni Alex. Alam kong seryoso siya kapag mahaba ang text message niya. Agad akong pumunta sa clinic namin at nagpanggap na masakit ang ulo para makahingi ng gamot, humirit pa ako ng dalawang extra na gamot kasi sinabi kong wala kaming kuryente sa bahay. buti na lang mabait si ate nurse na in-charge sa clinic.

Tinali ko na ang buhok ko pa-bun at hinubad ko rin ang foot socks ko kasi lulusob ako ngayon sa ulan. Sinecure ko na rin lahat ng mga notebook ko at cellphone ko sa back-pack ko bago lumabas sa main door ng nursing building namin at lumusong sa ulan.


Wala na akong pakialam kahit mabasa ako ng ulan, kailangan makauwi na ko para mainom na ni mama ang gamot na dala ko. pagdating sa gate three ng University namin nagpahinga muna ako doon sa silong nito saglit kasi hiningal ako sa pagtakbo.




"Oh? Hija? Hintayin mo na tumila ang ulan" narinig kong tugon ni kuya guard, at napailing siya nang makita ang kalagayan ko na mukhang basing sisiw, nginitian ko na lang siya. "Okay lang po ako kuya, hindi naman ako mamatay sa ulan" biro ko pa pero tinawanan niya lang ako. tinap ko na yung id ko at lumabas na, pero bago ako makalabas narinig kong nagsalita pa ulit si kuya Guard.

"Hindi ka nga mamamtay sa ulan pero maaari naman itong magpabago sa buhay mo" tugon niya, nginitian ko na lang siya ulit kahit pa na-weirduhan ako sa sinabi niya. nagpaalam na ako sa kaniya at huminga ng malalim saka tumakbo papunta sa waiting shed na natatanaw ko na sa di-kalayuan.



Bawat hampas ng patak ng ulan ay nagdudulot ng hapdi sa balat ko, hindi ko rin maimulat ng maayos ang mga mata ko kasi papasalubong ako sa hangin at humahampas ang tubig ulan sa mukha ko. Buti na lang wala akong kasalubong at ako lang ang tumatakbo ngayon sa daan kaya hindi ako nangangamba nab aka may mabunggo ako.


Pagdating ko sa waiting shed, agad akong napasandal sa bakal sa gilid nito, at kinuha ko ang bimpo ko na nasa loob ng bag para punasan ko ang mukha ko, ang braso ko at ang ulo ko. Hinihingal ko rin ako at nanginginig na rin ako dahil basang-basa na ngayon ang uniform ko. Pero inilagay ko naman yung backpack ko sa harapan ko para hindi bumakat ang bra ko.

Napaatras ako nang biglang tumalsik ang maduming tubig mula sa itaas ng LRT nang mapadaan ang tren sa taas at dahil dun dumulas ang isang laylayan ng bag ko, nahulog sa sahig ang bag ko na hindi ko pa pala nasasara kasi abala ako sa pagpunas sa sarili dahilan para matapon yung mga gamit ko sa lapag.


"Bad trip!" naiinis kong tugon at napayuko na ko para damputin ang mga gamit ko pero napatigil ako nang biglang may sapatos na tumapat sa gamit ko at may kamay na tumulong sa akin para damputin ang mga notebook at ballpen ko na nagkalat na sa lapag.


Napatingala ako at parang naistatwa ako sa kinatatayuan ko nang tumambad sa harapan ko si...



Sir Nathan!



What the heck!



Bakit nandito siyaaa?!



"You're in a hurry, I think may importante kang pupuntahan para magpabasa ka sa ulan" tugon niya, at tiningnan niya ako ng diretso sa mata, hindi naman siya nakangiti at hindi rin siya nakasimangot. Parang normal lang.

Napalunok na lang ako dahil hindi ko na maalis ang mga tingin ko sa kaniya, lalo na sa mga mata niya. Sabi nga nila, ang pagkakakilanlan ng tao ay nakasalalay sa mga mata nito. At ngayon hindi ko alam kung bakit parang pamilyar sa akin ang mga matang iyon.

"Ms. Agcaoili?" tugon pa ulit ni Sir Nathan dahilan para matauhan na ako, agad ko namang kinuha sa kaniya yung mga notebook at ballpen ko na nadampot na pala niya nang hindi ko namamalayan. Dali-dali kong inilagay ang mga iyon sa bag ko at zinipper ko na ito agad. Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang mga kamay ko ngayon, siguro dahil nilalamig lang ako... pero bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko?


Teka! Binanggit niya ang pangalan ko? Natatandaan niya ako?


At dahil dun bigla akong napatingala sa kaniya, nasa tapat ko pa rin siya ngayon at nakatingin pa rin siya sa'kin ng may pagtataka. Iniisip niya siguro kung bakit sumugod ako sa ulan kung pwede naman akong maghintay sa school at hinatayin na tumila ang ulan.


"S-sir... kilala niyo ko?" tanong ko sa kaniya, napangiti naman siya ng bahagya at tinuro niya ang nakaburdang pangalan ko sa uniform ko na nakapwesto sa tapat ng puso ko. Natawa na lang ako kasi nakalimutan kong required talaga sa amin na nakaburda ang last name namin sa uniform namin.


"Anyway... you can have this" narinig kong sabi pa ni Sir Nathan sabay abot sa akin ng itim na payong niya na de-folding.


"Ah-W-wag na po sir, okay lang po ako... may dadaan na bus na rin maya-maya, hindi ko na po kailangan ng payong" pagtanggi ko pa, at sinubukan kong ngumiti kahit parang sasabog na ang puso ko ngayon sa kaba dahil narealize ko na kaming dalaw lang pala ni Sir Nathan ang nandito sa waiting shed.


Sa waiting shed na kung saan malaya kang maghintay at umasa na may darating na sasakyan upang sunduin ka, sa waiting shed na kung saan maaari kang mag-abang at maghintay ng kahit gaano katagal, sa waiting shed na kung saan nagsisimula at nagtatapos ang byahe ng bawat pasahero.


At ngayon nandito ako ngayon sa waiting shed kung saan hindi ko inaasahang makakasama ko si Sir Nathan na hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kaba at pangamba nang una ko pa lamang siyang makita.


"Sige na, take this" sabi pa ni Sir Nathan at wala na akong nagawa kundi kunin na sa kamay niya ang payong niya na inaalok niya sa akin.


"T-thank you po sir"


Ngumiti naman ng bahagya si Sir Nathan at tumango, humarap na siya sa kalsada at napatingala sa kalangitan. Makulimlim ang langit, malakas ang ihip ng hangin na nagdadala ng kakaibang lamig, malaki rin ang bawat patak ng ulan at animo'y tumatalon-talon ito pabalik sa tuwing tumatama sa kalupaan.


Napasulyap ako kay Sir Nathan na ngayon ay nakapikit at ang dalawa niyang kamay ay nakasuksok sa bulsa niya. Parang taimtim niyang dinadama ang bawat patak ng ulan, maaliwalas rin ang kaniyang mukha na parang ang ulan ay nagdudulot ng ginhawa at saya sa kaniya.


Napatingin naman ako sa kalsada na ngayon ay puro kotse lamang ang dumadaan, kanina pa kami dito at wala pa ring dumadaan na bus o kahit jeep man lang. napatingala na lang din ako sa kalangitan, at sa pagkakataong ito hindi ko alam kung bakit parang hindi mabigat ang pakiramdam ko, hindi ko nararamdaman ang bigat sa puso ko at hindi rin ako nababalisa.


Sa kauna-unahang pagkakataon, nagawa kong ngumiti habang umuulan na dati ay hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit at paano ko nagawa iyon pero masaya akong maginhawa at masaya ko ring sinasalubong ang ulan ngayon.


Kaya lang bigla kaming napaatras ni Sir Nathan nang biglang may humaharurot na motorsiklo ang napadaan sa kalsada sa tapat namin at tumalsik ang maduming tubig ulan na dinaanan nito. Nagkatinginan kami ni Sir Nathan at hindi ko alam kung bakit sabay kaming natawa dahil natalsikan kami ngayong ng baha.


Nagulat naman ako nang biglang mapayuko si Sir Nathan dahil may natapakan siya sa likod niya, agad niya iyong dinampot at nanlaki ang mga mata ko kasi iyon ang historical novel na ibabalik ko dapat kay Jen kanina.


Gosh! hindi ko napansin na nahulog din pala yun kanina dahil sa katangahan ko. kukunin ko na sana sa kamay ni Sir Nathan yung libro kaso pinagmasdan niya ito at may bahid ng pagtataka sa itsura niya.


"Our Asymptotically Love Story" sambit niya, hindi naman iyon patanong dahil mukhang binasa niya lang ang title. Napatingin siya sa akin at nagsalita siya "Sayo ba to?"


Napatango naman ako, napatitig pa siya doon saglit bago niya iniabot iyon sa akin. Dahan-dahan ko namang kinuha iyon sa kaniya, at parang may kakaiba akong naramdaman nang muling magtama ang mga paningin namin...



~Tayo lang ang may alamNando'n sa pagitan ng paalam at pahiramTayo lang ang may alamTayo lang~


~Sige lang, sumayaw sa hinihingi ng pagkakataonUmindak sa kumpas ng kabog ng dibdib na hindi mahinahon'Di niya mapapansin'Di ka man tuminginDinig ko ang bawat patak ng luha mo~


~Pero tayo lang ang nakakaalamNando'n sa pagitan ng paalam at pahiramTayo lang ang may alamTayo lang~




Sa mga oras na iyon, parang biglang bumagal ang paligid habang dahan-dahan ang pagbagsak ng ulan, animo'y mabibilang moa ng bawat patak nito, marahan din ang pag-ihip ng hangin dahilan para mahawi ang buhok ni Sir Nathan na tumatama sa kilay niya...


Kasabay nito ay ang unti-unting pagtila ng ulan...


At ang dahan-dahang pag-usbong ng liwanag, nanatili lang kaming nakatayo doon habang nakatitig sa isa't-isa. Alam kong nararamdaman niya rin ang kakaibang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Ilang saglit pa ay naaninag ko na nagsilabasan na ang mga tao at nagpaatuloy na sa paglalakad dahil... Tumila na ang ulan.


Napatigil naman ako nang marealize ko na hawak pa rin namin ni Sir Nathan pareho ang librong iyon, nagitla naman siya at napaiwas ng tingin at lumingon sa paligid na parang walang nangyari.


"Sa wakas tumila na ang ulan" tugon niya at napangiti siya ng kaunti, napatango naman ako at sinubukan kong ngumiti sa kaniya pabalik bilang pagsang-ayon. Agad na akong napaiwas ng tingin sa kaniya at binuksan ko na yung zipper ng bag ko para ilagay doon yung libro kaso hindi koi yon nalagay ng maayos sa loob dahil sumabit ito sa notebook ko dahilan para mabuklat ito...


Napatulala na lang ako nang mabasa ko ang pahina na nakatapat sa akin ngayon...


Our Asymptotically Love Story...



Ikalawang Kabanata...



**************

Featured Song:

'Tayo lang ang may Alam' by Peryodiko


Source of Kindom of Tondo: https://thebulwaganfoundation.wordpress.com/2010/09/01/the-kingdom-of-tondo

Sources: http://www.ancient-origins.net/history-famous-people/chief-lapu-lapu-warrior-and-hero-philippines-002800

History of the Philippines Slide Share [doc]


https://youtu.be/o3BDrt6-B9c

"Tayo lang ay may Alam" by Peryodiko

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top