Kabanata f(x - 37)

[Kabanata 37]

~Desperado, oh, you ain't gettin' no younger
Your pain and your hunger, its drivin' you home
Oooh freedom, oh freedom, that's just some people talkin'
Your prison is walking through this world all alone~

-Jil Johnson (Desperado)




"Death is not the end... perhaps, it is the beginning of a new journey waiting ahead"

Hindi na matigil si mama sa pag-iyak habang yakap-yakap ni Tita Meg. Nasa likod naman niya sina Tita Aireen at Tita Rita. Mahihinang paghikbi ang naumumukod tangi sa buong kapiligiran at tanging ang boses lamang ng pari ang nangingibabaw habang dahan-dahang ibinababa sa malalim na hukay ang kabaong ni papa.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko habang pinagmamasdan sa huling sandali ang katawan ni papa. Hindi ko matanggap na sa isang iglap biglang naging ganito ang inakala kong normal na buhay na meron kami. Manhid na manhid na ang buong katawan ko at hindi na rin maawat ang pagbagsak ng mga luha ko.

Napatingala ako sa itaas, makulimlim ang kalangitan habang patuloy na bumabagsak ng dahan-dahan ang tubig ulan. Mas lalo akong nasasaktan sa katotohanang...

Wala na si papa.

Wala na talaga siya.

"His loving memory will forever be cherished" patuloy pa ng pari at isinara na niya ang bibliya na hawak niya.

Madami rin ang nakiramay at sumama sa huling hantungan ni papa dito sa sementeryo. Karamihan sa mga nakiramay ay ang mga matagal na niyang kaibigan at kasama sa pagpapasada ng jeep. Naalala ko bigla noong huli ko silang nakita, birthday ni Alex at naghanda kami sa bahay masayang-masaya silang lahat habang nagbibiruan at nag-aagawan ng microphone ng videoke. Pero ngayon ang lahat ng saya at tawanan noong gabing iyon ay napalitan na ng lungkot at pagdadalamhati.

Ilang sandali pa, naramdaman kong biglang may humawak sa kamay ko. Napalingon ako sa tabi ko at nakita ko si Sir Nathan, "Lo siento" (I'm sorry) tugon niya habang nakatingin ng diretso sa kabaong ni papa na nasa ilalim na ng hukay. Sa pagkakataong iyon, hindi ko alam kung bakit mas lalong bumigat ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Nababasa ko rin sa mga mata niya ang labis na kalungkutan.

Naka-puting polo siya ngayon kapareho ng suot ni Alex. Tinapik-tapik naman niya sa balikat si Alex na hindi na rin maawat sa pag-iyak. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang nakitang umiyak ng ganito si Alex at mas lalo akong nasasaktan na makita siyang ganoon.

Napatingin ako sa kamay ko na hawak pa rin ni Sir Nathan, bakit parang pamilyar ang hawak niya? pamilyar ang lambot at init ng kamay niya. ilang sandali pa, napatigil ako nang bigla niyang itinapat sa akin ang isang puting panyo na hawak niya. "Katulad ng pagtigil ng buhos ng ulan... matatapos din ang paghihirap at kalungkutan na iyong nararamdaman... magwawakas din ang lahat, Aleng" patuloy niya pa, napatitig na lang ako sa panyo na hawak niya. At kasabay ng pagbitiw niya sa mga huling salitang iyon ay siyang pagtigil ng buhos ng ulan.






Halos dalawang linggo na ang lumipas mula nang mailibing si papa, tuluyan nang napabayaan ni mama ang tindahan sa palengke kaya pinaalis na kami doon at iba na ang umupa. Tumawag naman si Tito Ace at nagpadala ng pera para makatulong sa mga gastusin sa bahay dahil wala na si papa, at wala ring trabaho si mama.

Si tita Aireen muna ang nagbibigay ng baon sa amin ni Alex, halos isang linggo rin akong hindi nakakapasok sa OJT kaya ngayon naghahabol na ako. Mabuti na lang dahil binigyan din ako ng mga special quizzes at seatworks ng mga professor ko.

"Ngets, eto oh egg sandwich kain ka muna" narinig kong tugon ni Jen sabay abot sa'kin ng isang sanwhich na dala niya at isang juice. "Hindi ka pa kumakain ng dinner, hanggang 10 pm pa man din tayo dito" patuloy niya pa. Nakaupo kami ngayon sa reception area dito sa hospital kung saan kami nag-duduty.

"Okay lang ako" sagot ko na lang at napasandal sa upuan. Tiningan ko rin ang phone ko, at tinext si Alex kung kumain na ba si mama. "Nagpaalam na rin ako sa masungit nating supervisor, pumayag naman siya na hindi tayo mag-duty sa New Year" tugon pa ni Jen sabay upo sa tabi ko. Hindi pa masyado busy ngayon dito sa hospital, sa Wednesday New year na kaya siguradong magiging abala dito.

"Oo nga pala, sabi ni Lily pwede naman daw magpahinga muna si Alex sa theater, mas mabuti kung wag na muna siya sumali dahil sa nangyari sa pamilya niyo, hindi raw kasi nakakafocus ng maayos si Alex sa mga practice nila, siya pa man din ang bida sa Our Asymptotically Love Story" patuloy pa ni Jen, bigla akong napatigil at napalingon sa kaniya nang marinig ko ang librong iyon na sobrang nagdadala ng kakaibang pakiramdam sa akin.

"Jen... Ano bang nangyari sa kwento ni Fidel at Salome? Bakit hindi sila nagkatuluyan?" tanong ko, hindi ko alam kung bakit biglang nagdulot ng matinding kaba ang puso ko nang banggitin ko lang ang pangalan ni Fidel at Salome.

Napaisip naman ng malalim si Jen "Hindi ko alam... hindi ko naman natapos basahin iyon kasi nagdadamot si Lily, ayaw niya ipahiram yung libro" sagot ni Jen habang abala sa pag-scroll ng newsfeed sa fb niya. "Look! Aly, tingnan mo ang ganda ng Christmas light show sa Ayala Triangle! Punta tayo" aya ni Jen sabay pakita sa'kin ng mga picture ng kaibigan niya na nasa Ayala Triangle.

Hindi agad ako nakapagsalita, naalala ko bigla yung gabing dinala ako ni Sir Nathan sa Ayala Triangle kung saan nasaksihan ko ang libo-libong nagkikislapang mga liwanag ng Christmas Lights...


"Ang sabi nila, kapag malungkot ka sa darating na pasko pumunta ka lang sa lugar na ito at pagmasdan ang palabas na ito para kahit papaano ay makalimutan mo ang lungkot na nararamdaman mo" narinig kong tugon ni Sir, ilang sandali pa nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Naalala mo ba ang sinabi ko sayo noon kung ano ang ibig sabihin ng pangalan mo?" tugon niya, sabay lingon sa akin. hindi naman ako makagalaw at parang umaabot na yung tibok ng puso ko sa lalamunan ko dahil hawak-hawak niya ngayon ang kamay ko.

"Ang ibig sabigin ng 'Aleeza' ay Kasiyahan... at sa buhay na ito hinihiling ko na matagpuan mo ang Kasiyahan sa puso mo" patuloy niya pa. Bigla siyang humakbang papalapit sa'kin dahilan para gulat akong mapatingin sa kaniya.

Gusto ko sanang alisin ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero hindi ko maintindihan kung bakit ayaw sumunod ng katawan ko sa sinasabi ng utak ko. "Sa isang mathematical graph, hindi maaaring magdugtong ang linya ng Asymptote... pero sa pagkakataong ito, sa buhay na ito naniniwala akong magtatagpo na ang dalawang linya na pilit pinaglalayo ng tadhana" tugon niya pa, habang dahan-dahang humahakbang papalapit sa akin. Gustuhin ko mang humakbang paatras pero hindi ko magawa.

"At kung itatanong mo kung bakit ko sinasabi ang mga salitang ito... gusto kong malaman mo na..." habol pa ni Sir sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko. dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha dahilan para manigas na ako sa kaba. Naramdaman kong pumulupot yung isa niyang kamay sa likod ko at nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.

"

Incluso en esta vida mi corazón te elige ... te amo Aleeza, y me temo que este será el último capítulo de Nuestra historia de amor asintóticamente"

(Even in this life my heart chooses you... I love you Aleeza, and I'm afraid that this will be the last chapter of Our Asymptotically Love Story)

Sa pagkakataong iyon, hindi ko alam kung bakit parang pamilyar ang yakap niya, maging ang boses, hininga, init at tibok ng puso niya ay parang naramdaman ko na dati pa.

"S-sir?" tugon ko, pero hindi pa rin siya kumawala sa pagkakayakap sa'kin. Sa gitna ng nagtataasang mga puno kung saan nakasabit ang mga nagliliwanag at nagkikislapang mga ilaw, kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin, habang yakap-yakap niya ako ng mahigpit, masasabi kong natagpuan ko na ang kapayapaan sa puso ko.




"Aly, balita ko nagpunta kayo ni Sir Nathan dito sa Ayala Triangle nung birthday mo" narinig kong tugon ni Jen sabay sagi sa'kin dahilan para bigla akong matauhan at mapalingon sa kaniya. "P-paano mo nalaman?" gulat kong tanong pero nginitian lang ako ni Jen.

"Nagpasama kasi sa'kin si Bryan, di niya alam kung saang hospital dinala ang papa mo kaya ayun sinamahan ko siya, then pagdating namin sa hospital wala ka doon, si Alex lang ang nandoon habang kausap ng mga pulis ang mama mo, Sakto namang pauwi na rin sila Alex at ang mama mo kaya sinabay na rin sila ni Bryan pauwi, pagdating namin sa bahay niyo hinatid na muna ni Bryan si Alex at ang mama mo, nagreklamo pa nga ako kasi hindi pa kami umaalis doon sa tapat ng street niyo, sabi niya hihintayin ka raw niya makauwi kaya diba tinext kita kung nasaan ka na tapos nagreply ka sabi mo pauwi ka na" panimula ni Jen, nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa mga sinasabi niya. Paano nalaman ni Bryan ang tungkol kay papa? At bakit naman niya ako hihintayin? Hindi naman kami close ah.

"Isang oras ka rin namin hinintay doon sa loob ng kotse niya, ang boring nga eh kasi kinakausap ko si Bryan pero hindi niya ako pinapansin, akala ko ba chickboy 'yon? Feel ko tuloy hindi niya ako type kaya dineadma niya lang ako kainis talaga!" patuloy pa ni Jen, napaisip naman ako ng malalim. Halos ilang linggo ko na rin hindi nakikita si Bryan at ngayong second sem lumipat na raw siya ng ibang school sabi ni Iryn.

"Then ayun, may puting kotse na tumigil sa tapat ng bahay niyo, familiar nga sa'kin yung car na 'yon at tama nga ako kasi kay Sir Nathan nga 'yon! Huli kayo! Bakit kayong dalawa lang ang magkasama? Saan kayo pumunta?" pang-asar pa ni Jen, bigla tuloy nag-init ang mukha ko.

"Tapos naalala ko sinabi ni Alex noong naabutan namin sila ng mama mo sa Hospital na nasa Ayala Triangle ka raw, pero hindi namin alam na may kasama ka pala at si Sir Nathan pa ah! Nako siguradong magwawala at makakalbo ka ng mga member ng fans club ni Sir Nathan sa school pag nalaman nila na nag-dadate kayo!" tawa pa ni Jen dahilan para mapakunot ang noo ko at mangamba ng konti sa buhay ko. Nakalimutan kong sikat nga pala si Sir Nathan sa school.

"At syempre hindi lang 'yon, baka mawalan din si Sir Nathan ng trabaho kapag nalaman ng school admins na may ka-date siyang estudyante niya" habol pa ni Jen at biglang napawi ang ngiti ko at napatingin sa kaniya. Bigla tuloy akong napaisip ng malalim, wala naman kaming relasyon ni Sir Nathan, niyakap niya lang ako at may sinabi siya sa'kin pero hindi ko masyado narinig kasi ang lakas ng tugtog noong gabing iyon at ang iingay ng mga tao sa paligid, bukod doon hindi ko rin masyado naintindihan kasi sa wikang Espanyol niya sinabi.

Gabi-gabi rin pumupunta si Sir Nathan sa burol ni papa, tumutulong din siya sa pag-aasikaso sa mga nakikiramay at nakikipagwkentuhan sa kanila. Tinanong din ako ni mama isang beses kung bakit laging nasa bahay si Sir Nathan, buti na lang si Alex ang sumagot at sinabi niyang wala kasing kamag-anak si Sir Nathan dito sa Pilipinas bukod sa pinsan niyang si Bryan na hindi naman niya ka-close at ang tita nila na si Ms.Lea na taga-Quezon City na na-meet namin noong Fiesta ng Birheng Maria ng La Naval.

At noong ililibing na si papa nandoon din si Sir Nathan, hindi ko rin maintindihan kung bakit hinawakan niya ang kamay ko at kung bakit siya nag-sorry.




"Ngets? okay ka lang? kanina pa kita kinakausap" natauhan ako dahil naramdaman kong sinagi ulit ako ni Jen. Nawala na naman ako sa sarili dahil sa pag-iisip ng kung ano -ano ang bagay. "Yung totoo, may relasyon ba kayo ni Sir Nathan ha? Aleeza Mae Agcaoili" bwelta pa ni Jen, at binuo niya pa ang pangalan ko kaya alam kong seryoso na siya.

Hindi naman ako nakapagsalita agad, hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko at mas lalong hindi ko maintihan kung anong mayroon sa amin ni Sir Nathan, palagi siyang nassa bahay lalo na noong burol ni papa, kaya nga hindi ko masyado naramdaman ang lungkot dahil nandoon si Sir Nathan, alam ko rin na maging si mama at Alex ay hindi masyado nakaramdamng lungkot at pangungulila dahil palagi kaming kinakausap ni Sir at parang nagkaroon din ng reunion sa mga side ng kamag-anak ni papa at ni mama dahil halos lahat ay nakiramay.

At noong last Wednesday, Christmas eve kasama rin namin si Sir Nathan. Nagdala siya ng mga pagkain at sama-sama kaming nag-Noche Buena. Natawa nga kami ni mama kasi parang may fiesta sa bahay sa dami ng pagkain na dala niya, at may maliit na litsong baboy pa, eh aapat lang naman kaming magsasalo-salo kaya ayun pinamigay din namin sa kapit-bahay yung ibang natirang pagkain.

Naalala ko bigla ang gabing iyon kung saan inabot ni Sir Nathan ang mga regalo niya sa'amin. Isang shoulder bag ang regalo niya kay mama, Hoodie naman ang regalo niya kay Alex at noong hinatid ko na siya sa labas ng bahay, bago siya sumakay sa kotse niya inabot niya sa akin ang regalo niya...

"Sige na buksan mo na" tugon ni Sir sabay ngiti, wala naman akong nagawa kundi buksan ang regalo niya sa harap niya. Napatulala na lang ako sa laman ng paper bag na iyon, isang lumang notebook. May nakasulat sa harapan nito pero hindi ko mabasa bukod sa apat na numbers na nakasulat sa harapan...

1688

Binuklat ko pa ang lumang notebook na iyon pero punong-puno na ito ng sulat na hindi ko rin maintindihan kasi nakasulat ito sa letrang... Baybayin na minsan ko na ring sinubukang pag-aralan sa tulong ni Sir Albert pero hindi ko natapos kasi naging abala ako sa mga subjects ko.

"Balang-araw mababasa mo rin ang mga nakasulat sa notebook na iyan" tugon ni Sir at unti-unting napawi ang ngiti niya habang nakatingin sa lumang notebook na regalo niya sa'kin. hindi ko alam kung bakit sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at sumisikip na naman ang puso ko.

Pinagmasdan kong mabuti ang bawat letra ng Baybayin na nakasulat sa lumang notebook na iyon, ang ganda ng pagkakasulat pantay na pantay ang bawat hugis. Napatingin ako kay Sir at nahuli kong nakatitig siya sa akin. "S-sir, tungkol saan po ba ang nakasulat dito?" nagtataka kong tanong sa kaniya, gusto ko rin itanong kung bakit iyon ang regalo niya pero nahihiya ako na baka ma-offend siya.

Napabuntong-hininga naman si Sir Nathan sabay tingin ng diretso sa mga mata ko "Nakasulat sa notebook na iyan ang sagot kung paano matatapos ang solution ng Asymptote" sagot niya, hindi ko namalayan na napatulala na lang din ako sa mga mata niya, nababasa ko sa mga mata niya na gusto niyang mahanap ko ang tamang solution sa isang mahirap na math equation tulad ng Algebraic Expression and Function kung saan hindi maaaring magdugtong ang dalawang linya ng... Asymptota.






Kinabukasan, maaga akong pumasok ng school para puntahan si Sir Albert, makikiusap ako na itranslate niya para sa'kin ang nakasulat doon sa lumang diary na binigay sa'kin ni Sir Nathan, nakasulat kasi ito sa letrang Baybayin kaya hindi ko mabasa. Balak ko na rin magpaturo ulit sa kaniya para ako na lang din ang magbabasa kapag natuto na ako.

Naupo muna ako sa bench sa tapat ng faculty habang hinihinatay si Sir Albert. Ilang sandali pa, bumukas na ang elevator na nasa gilid at lumabas mula doon si Sir Albert, napatayo naman ako at lalapitan ko sana siya kaya lang may kausap siyang isang lalaki na matangkad at medyo may edad na rin, sa tingin ko nasa edad 40 na yung lalaking kasama ni Sir Albert.

Matalim ang mga mata nito at seryosong-seryoso ang dating habang nakikinig sa mga sinasabi ni Sir Albert, ilang sandali pa biglang napatigil si Sir Albert sa paglalakad at pagsasalita nang makita niya ako. "Oh! Anak, halika may ipapakilala ako sa iyo" tawag sa'kin ni Sir Albert, nabalitaan din niya ang nangyari kay papa at isa siya sa mga dumadalaw ng madalas noon sa bahay noong burol ni papa.

Naglakad na ako papalapit sa kanila at binati ko yung kasama niyang lalaki. "Siya nga pala si Aleeza ang paborito kong estudyante na mahilig sa Kasaysayan" pakilala sa'kin ni Sir, napatango naman yung lalaking kasama niya. Napansin ko agad ang hawak nitong makapal na aklat na tungkol sa Kasaysayan ng Pilipinas. Mayroon din siyang hawak sa kabilang kamay na isang libro na tungkol naman sa Sinaunang paraan ng pagsusulat at pagbabasa ng mga katutubong Pilipino... ang Baybayin.

"Aleeza, siya naman si Professor Christoper Hermios, professor siya sa UST at may seminar siya ngayon dito sa school natin mamayang hapon tungkol sa Baybayin" tugon ni Sir Albert, magsasalita pa sana ako kaso biglang may dumating na iba pang mga professor at winelcome nila si Prof.Hermios.

Habang nagkakamayan sila doon, napatitig na lang ako sa lumang notebook na hawak ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng magkakahalong kaba, takot, pangamba at saya dahil mababasa ko na ang nakasulat sa lumang notebook na ito.






"Tunay ngang napakakulay at makasaysayan ang ating kultura at tradisyon bago pa man dumating ang mga mananakop na Kastila, Amerikano, Hapon at iba pa. Isang patunay rito ay ang 'Baybayin' na siyang sinaunang paraan ng pagsulat at pagbasa ng mga katutubong Pilipino" panimula ni Prof.Hermios habang naglalakad siya sa gitna ng platform. Nandito kami ngayon sa isang lecture hall kung saan ginaganap ang seminar na pinangunahan ni Prof. Hermios.

Para sa mga History at Social Studies major lang dapat ang seminar na ito, pinakiusap lang ako ni Sir Albert kanina dahil interesadong-interesado talaga ako matuto mag-Baybay.

"Ang pinaka-unang dapat niyong malaman ay kung paano mag-Pantig. Halimbawa, ang pangalan ko ay Christoper Hermios, ang magiging pantig nito ay..." tugon ni Prof.Hermios sabay sulat sa board.

K-Ri-S-To-Pe-R He-R-M-Yo-S

"Kapag ang pantig ng salitang isusulat mo ay Ba, Ka, Da, Ga, Ha, La, Ma, Na, Nga, Pa, Ra, Sa, Ta, Wa at Ya... wala kang ilalagay na tuldok sa itaas o tuldok sa ibaba. Hindi mo rin lalagyan ng ekis/krus sa ibaba"

"Kapag ang letra naman ng pantig na isusulat mo ay nagtatapos sa I/E ay lalagyan mo ng tuldok sa itaas"

"Halimbawa... Bi/Be, Ki/Ke, Di/De, Gi/Ge, Hi/He, Li/Le, Mi/Me at iba pa, lalagyan niyo ng tuldok sa itaas katulad nito.

"Kapag ang letra naman ng pantig na isusulat mo ay nagtatapos sa U/O ay lalagyan mo naman ng tuldok sa ibaba"

"Halimbawa... Bu/Bo, Ku/Ko, Du/Do, Gu/Go, Hu/Ho, Lu/Lo, Mu/Mo at marami pang iba katulad nito"

"Kapag ang letra naman na gagamitin niyo ay single lang tulad ng B, K, D, G, H, L, M, N, NG, P, R, S, T, W at Y... lalagyan niyo ng ekis/krus sa ibaba tulad nito"

"Ngayon... Paano niyo ipapantig ang 'Mahal Kita'?" tanong ni Prof. Hermios, pero wala nag-volunteer kaya siya na ang nagsulat sa whiteboard.

Ma-Ha-L Ki-Ta

Napatitig lang ako doon sa powerpoint na nasa harapan, parang nakita ko na ang pattern ng Baybayin na iyon. napatingin ako sa lumang notebook na hawak ko at binuklat koi yon hanggang sa pinakadulong pahina.

Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko na tama nga ako!

Ang pinaka-huling salitang nakasulat sa lumang notebook na ito ay... Mahal Kita.






Nang imulat ko ang mga mata ko, hindi ko alam kung nasaan na ako, nasa loob ako ng isang lumang bahay na punong-puno ng ilaw. Nakatayo ako sa gitna ng napakaraming tao na abala sa pakikipagkwentuhan. Halos lahat ng kababaihan ay nakasuot ng mga makukulay na baro't-saya. Ang ilan naman ay tinangkilik na ang mga magagarbong kasuotan na tulad ng mga babae sa Europa. Samantalang ang mga kalalakihan naman ay nakasuot ng mga pormal na kasuotan at itim na sumbrero.

Sa gitna ng napakaraming tao ay umaalingangaw ang nakakaindak na tugtug mula sa isang orchestra na nasa gilid ng salas. Nagagandahang mga chandelier at mamahaling mga kagamitan ang nakapalibot sa buong paligid. Patuloy naman ang paglilibot-libot ng mga lalaking naka-barong habang dala-dala ang mga mamahaling alak at inaalok sa mga bisita.

Napakakintab ng sahig na gawa sa muebles at ang bawat dingding ng bahay ay kumikinang dahil sa kulay ginto at mga nagniningingang mga porselana. Napatingin ako sa sarili ko at napagtanto ko na katulad nila ay nakasuot din ako ng baro't-saya na kulay berde at siyang pinakasimple sa lahat ng kasuotan ng mga kababaihang narito.

Ilang sandali pa, may isang lalaking bumaba sa napakalaking hagdan suot ang mamahaling kasuotan at sumbrero, naglakad papalapit sa akin. Ang kaniyang mukha ay maamo, mapapansin agad ang bigote na maayos na nasuklay sa kaniyang nguso, nasa edad tatlumpu na siya. "Nasaan na sila? Hindi ba't kasama mo ang Don at Donya?" diretso niyang tanong sa'kin sabay hithit ng tabako. Napatakip naman ako sa ilong ko dahil sa usok mula sa kaniyang tabako.

Magsasalita pa sana siya kaya lang biglang may naghiyawan sa tapat ng pintuan. Agad siyang napalingon sa pintuan at napangiti saka dire-diretsong sinalubong ang isang lalaki na katulad niya ay sadyang napakayaman din tingnan. May kasama itong napakagandang babae na nakahawak sa bisig ng lalaking bagong dating.

"

Feliz Navidad Don Alejandro Montecarlos y Donya Soledad Montecarlos"

(Merry Christmas Don Alejandro Montecarlos and Donya Soledad Montecarlos) bati ng lalaking may bigote na kumausap sa akin kanina doon sa dalawang mag-asawa na bagong dating. Agad naman silang nag-beso at nagkamustahan. Sa tingin ko ay nasa edad dalawampu pataas lang ang mag-asawang iyon na bagong dating lang.

"

Estoy muy honrado de tenerte aquí como mi invitado"

(I am really honored to have you here as my guest) patuloy pa ng lalaking may bigote agad namang napangiti si Don Alejandro at Donya Soledad Montecarlos na kausap niya.

"

Estamos muy contentos de estar aquí en su ciudad natal, Gracias por invitarnos a Don Eulalio Villavicencio"

(We're really pleased to be here in yourhometown, Thanks for inviting us Don Eulalio Villavicencio) sagot ni Donya Soledad sabay hawak sa tiyan nito na nakaumbok na.

"

Oh, Felicidades, usted tendrá una nueva adición a su familia"

(Oh, Congratulations, you will have a new addition to your family) nakangiting bati ng lalaking may bigote na si Don Eulalio Villavicencio.

"

Esperamos que sea un chico esta vez, estoy realmente rezando por un chico, María y Josefina fueron suficientes, es muy difícil tener dos hijas traviesas"

(We hope it's a boy this time, I am really praying for a boy, Maria and Josefina were enough, it is really hard to have two naughty daughters) tugon ni Don Alejandro sabay tawa ng malakas. Kasabay niyon ang biglang yakap ng dalawang batang babae kay Donya Soledad. Nagtatakbuhan sila kaya agad silang sinuway ni Don Alejandro.

Nagpalinga-linga and Don sa paligid at bigla siyang napatigil nang mapatingin sa akin "Esmeralda, iyong bantayan si Maria at Josefina" tugon niya kasabay niyon ang biglang pagtakbo ng dalawang batang babae papunta sa'kin at nag-unahan pa silang yumakap sa'kin.

"Ako ang nauna!" wika ng batang babae na mestisang-mestisa at mukhang mas panganay kaysa sa isa. "Ako kaya ang nauna!" reklamo naman ng pangalawang batang babae na mestiza rin at mas maliit kaysa sa isa.

"Hindi ba ako po ang nauna... Esmeralda?" biglang tugon ng panganay na batang babae habang nakayakap pa rin sa'kin. hindi ko alam pero sa pagkakataong iyon hindi ko maialis ang tingin ko sa kaniya.

Tinawag niya akong...

Esmeralda.






"Ate, nananaginip ka na naman ng masama" narinig kong tawag ni Alex dahilan para maalimpungatan ako. "Hindi pa kumakain si mama mula tanghalian at hindi pa siya nalabas hanggang ngayon sa kwarto" patuloy pa ni Alex, dahan-dahan akong napabangon. Ang sakit ng ulo ko at sobrang bigat ng pakiramadam ko.

"Baka gabihin na ako wag niyo na ako hintayin mamayang gabi" seryosong tugon ni Alex sabay dampot sa backpack niya. Nagtataka akong napatingin sa kaniya, naka-black t-shirt, black pants siya at suot din niya ang black cap na paborito ni papa.

"S-saan ka pupunta?" diretso kong tanong saka bumaba na sa kama. Napatigil naman siya sabay lingon sa'kin. "May aalamin lang ako..." sagot niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Hindi ko alam pero sa pagkakataong iyon parang bigla akong nakaramdam ng kaba, takot at pangamba.

"A-anong aalamin mo? anong oras na? saan ka pupunta? Imposible namang may practice kayo ngayon nila Sir Albert kasi sabado naman ngayon" usisa ko sa kaniya. Sandali naman siyang hindi nagsalita sabay ayos sa black cap ni papa na suot na niya ngayon.

"Kailangan kong malaman ang mga sagot sa tanong na matagal nang gumugulo sa'kin" seryoso niyang sagot. Magsasalita pa sana ako kaso dire-diretso na siyang lumabas ng kwarto. "Sandali! Totoy!" tawag ko pa sa kaniya at hinabol siya hanggang labas ng bahay pero parang wala siyang naririnig dire-diretso siyang sumakay sa bisikleta niya at umalis.

Naiwan naman akong mag-isang nakatayo sa labas ng bahay namin habang tinatanaw siyang naglalaho sa madilim na gabi sakay ng kaniyang bisikleta.

Bakit parang may mali sa mga nangyayari?




Kinabukasan, Linggo na. Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa bintana namin. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa sofa habang hinihintay si Alex na makauwi kagabi. May unan at kumot nang nakapatong sa akin. Sinong naglagay nito? Agad akong napabangon at dire-dretsong nagtungo sa kwarto namin para tingnan kung nandoon na si Alex.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong natutulog pa si Alex ng mahimbing, hindi siya nagpalit ng damit, suot niya pa rin ang itim na sumrero ni papa. Ilang sandali pa bigla akong nakarinig ng pagbagsak ng kaldero sa kusina kaya dali-dali akong nagtungo doon.

"Pasensiya na, ngayon ko na lang ulit ito gagamitin Hijo" tawa ni mama habang nagdidikdik ng bawang. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko kung sino yung kausap niya...


Si Sir Nathan!


Shems! Anong ginagawa niya dito?


"Tutulungan ko po kayo Tita magluto ng Caldereta, mas masarap po kung lalagyan niyo ng keso" sagot ni Sir Nathan sabay ngiti, tumango-tango naman si mama at tumawa. "Mama na lang din ang itawag mo sa akin, Hijo" tawa pa ni mama dahilan para bigla kong makitang mamula sa hiya si Sir Nathan.

Humakbang na ako paatras ng dahan-dahan habang nakatalikod pa sila at hindi pa nila ako nakikita kaso huli na ang lahat dahil biglang napalingon si mama sa likod at nakita niya ako. "Oh, Gising na pala ang hinihintay mo Hijo" tugon ni mama dahilan para mapalingon din sa'kin si Sir Nathan. Waaaahh!

"Hindi ka pa ata nagmumumog o naghihilamos anak, nakakahiya sa nobyo mo" pang-asar pa ni mama dahilan para gustuhin ko nang lamunin na lang ako ng lupa dahil sa kahihiyan. Parang biglang tumigil ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata namin ni Sir Nathan at bigla siyang ngumiti sa'kin.

Waaaahh!

Naka-black polo siya kaya nangingibabaw talaga ang puti niya at ang kagwapuhan niya. "Goodmorning, Aleng" bati pa ni Sir Nathan dahilan para makaramdam ako ng biglaang pag-init ng pisngi ko at dali-dali akong napatakbo papunta sa banyo.

Agad akong sinara ang banyo at napaupo sa inidoro. Sana ma-flash na lang ako dito sa inidoro para hindi ko na kailangan pang harapin si Sir Nathan sa labas. Nakakahiya talaga, may muta at panis na laway pa ko sa bibig. Tapos sabog-sabog pa ang buhok ko.

Nagulat ako nang biglang may kumatok sa pinto ng banyo. "Lumabas ka na diyan Aleng, wag ka na mahiya kay Ser Neytan, nakita ka naman na niyang tumutulo yung laway mo habang natutulog ka sa salas kanina" tawag pa ni mama at narinig kong humagikhik siya. Sa totoo lang bigla akong napangiti dahil kahit papaano ngumingiti at tumatawa na ulit si mama ngayon, at sa tingin ko dahil iyon sa matiyagang pagbisita at pangungumusta ni Sir Nathan dito sa amin araw-araw.

Teka nga!

Ibig sabihin nakita nga niya akong natutulog kanina sa sofa! Nakakainis! Hindi man lang nila ako ginising. Nakakahiya talaga huhu.

Agad akong naghilamos ng mukha at nag-toothbrush. Natataranta na ako kasi katok ng katok si mama sa pinto kaya wala na akong nagawa kundi ang lumabas na doon sa banyo. Napahinga na lang ako ng malalim saka binuksan ang pinto. Nginitian ko na lang si mama na parang walang nangyare.

"Ma'handanabaangalmusal?" mabilis kong tanong sa kaniya at dali-dali akong kumaripas ng takbo papunta sa kwarto namin ni Alex at ni-lock ko agad yung pinto. Napansandal na lang ako sa likod ng pinto at napahawak sa puso ko dahil sobrang hiningal ako sa pagtakbo ng mabilis.

"Pasensiya na Sir, si ate talaga ang makalat dito sa kwarto" naringi kong tugon ni Alex dahilan para bigla akong mapalingon sa likod at laking gulat ko nang maabutan doon si Sir Nathan habang nakasandal sa cabinet namin at kausap si Alex na nakaupo naman sa kama niya.

"Tingnan niyo mga damit at bra niya kung saan-saan nakakalat" patuloy pa ni Alex sabay sipa sa mga damit at bra ko na nakalagay sa study table namin kasi tutupiin ko dapat iyon ng maayos kagabi kaso nakatulog na ako kakahintay sa bwiset kong kapatid na'to na pinapahiya na ako ngayon sa harapan ni Sir Nathan!

Waaaaaaahhh! BAKET NANDITO SA LOOB NG KWARTO NAMIN SI SIR NATHAN?

"Oh? Ate, bakit parang may tinataguan ka?" nagtatakang tanong ni Alex, para naman akong tuod doon na hindi na makagalaw sa tapat ng pinto habang hawak-hawak ko pa rin yung door knob. "Ahh alam ko na kung sino..." biglang ngiti ni Alex sabay tingin sa'kin at tingin kay Sir Nathan.

Hindi naman nag-react si Sir Nathan at bigla rin siyang napaiwas ng tingin, pero nahuli kong pinipigilan niya ang tawa niya kasi mukha akong shunga na tago ng tago pero nahuli rin naman sa akto. "Ahh tulungan ko muna si mama sa kusina" biglang tugon ni Alex at dali-dali niya akong sinagi para buksan yung pinto, "Babalik ako mamaya" habol pa niya bago niya isara yung pinto.

"TOTOY! HUMANDA KA TALAGA SA'KIN KUTO KA!" sigaw ko habang pilit na pinipihit hilahin pabukas yung pinto kaso hinihila pabalik ni Alex sa kabila, naririnig ko pa ang tawa niya dahilan para mas lalo akong maasar. pero kahit ganoon parang unti-unti ring nawawala yung inis ko kasi kahit papaano naririnig ko na ulit na tumawa si Alex.

Ilang minuto rin kami naghihilahan ng pinto doon hanggang sa mapagod na ako at marealize ko na wala na akong laban kay Alex kasi mas malakas siya. Napaupo na lang ako sabay sandal sa pintuan, nakakapagod pala makipag-hilahan ng pinto.

"So, you like stars?" narinig kong tugon ni Sir at nagsimula siyang maglibot sa loob ng kwarto namin sabay turo sa mga glow in the dark stars na nakadikit sa kisame. "Stars are always there, rain or shine, day and night, for centuries they stay and yet some people fail to see their presence" patuloy pa na Sir habang nakatingala doon sa mga glow in the dark stars. Napatayo na ako at napahinga ng malalim, kaming dalawa lang ni Sir Nathan dito sa loob ng kwarto, kagagawan 'to ng kutong-lupa kong kapatid. Kainis!

Ilang saglit pa, humakbang si Sir papalapit sa bookshelves namin at laking gulat ko dahil nasa tabi niya lang yung mga damit at bra ko na nakapatong sa study table kaya dali-dali kong inunahan si Sir sabay sunggab sa mga bra ko at ibinato iyon sa loob ng cabinet namin, nilock ko na rin para safe. Whew!

Tiningan ko ng mabuti si Sir, at mukhang patay malisya lang siya, siguro naaawkwardan din siya kaya kunwari hindi niya nakita yung mga undies ko doon sa study table. Nakakahiya talaga huhu.

Biglang napatigil si Sir sabay habang nakatingin doon sa bookshelves namin, inabot niya yung lumang notebook na regalo niya sa'kin. "Nabasa mo na?" tanong niya sabay lingon sa'kin, napailing naman ako.

Bigla niyang tinuro yung nakasulat sa harapan ng page nito na hindi ko mabasa kasi nakasulat sa letrang Baybayin.

"Ang basa rito ay... Filipinas 1688"






"Hindi mo ba itatanong kung saan tayo pupunta?" biglang tugon ni Sir sabay ngiti, nandito kami ngayon sa kotse niya habang swabe na swabe siyang nagdidrive. Pinaalam niya ako kanina kay mama, December 31 na ngayon at mamayang gabi sa bahay kami mag-cecelebrate ng New year, hindi ko rin alam kung bakit kaming dalawa lang nahihiya naman ako magtanong kasi baka kung anong isipin niya. siguro educational trip or mag-aaral lang kami. Tama! Tama!

Magsasalita na sana ako kaso inunahan niya ako. "I remember, noong na-stranded tayo sa waiting shed, nagsinunggaling ka sa'kin, you told me that you're living in Makati pero sa bus pa-Cavite ka sumakay" tawa pa ni Sir, naaninag ko na naman yung ngiti niya na labas ngipin, ang cute talaga----Stop!

"K-kasi----"

"I got a feeling that you think that I'm a kidnapper or what" tawa pa ni Sir at medyo sumingkit yung mata niya, mag-viviolent reaction sana ako kaso naunahan ako ng liwanag ng itsura niya kaya natameme na lang ako. Shems! Idagdag pa yung bango niya na nakakabighani talaga.

Hindi ko alam pero natawa na lang din ako, ang shunga ko talaga totoo naman pinagbintangan ko siyang sindikato kasi out of nowhere kinausap niya ako tapos pinahiram niya pa yung payong na dala niya at gusto niya pa akong isabay sa taxi eh hindi naman kami magkakilala tsk tsk.

"Sa tingin mo uulan mamaya?" pagbabago ni Sir Nathan ng topic, napalingon naman ako sa labas ng bintana, medyo makulimlim nga ang langit pero hindi naman makapal ang ulap at may sinag din ng araw.

"New year ngayon wag naman sana, baka malusaw yung mga fireworks" sagot ko bigla namang napatango-tango si Sir habang nakangiti pa rin. Teka nga! kanina pa siya ngiti ng ngiti diyan ah.

Ilang saglit lang bigla niyang binuksan yung radio, saktong tumunog ang isang makalumang kanta na parang naririnig ko na tuwing Sunday dahil puro makaluma ang pinapatugtog sa fm radio.

"Do you know the title of that song?" tanong ni Sir sabay tingin sa'kin, napalingon naman ako sa kaniya kitang-kita ko ang tangos ng ilong niya at ang pag-reflect ng sinag ng araw sa kulay brown niyang buhok at mga mata.

"Desperado" saad niya, napakunot naman yung noo ko sabay tingin doon sa stereo ng kotse niya at pinakinggang mabuti ang lyrics ng kanta.

~And it seems to me some fine things
Have been laid upon your table
But you only want the ones that you can't get~

~Desperado, oh, you ain't gettin' no younger
Your pain and your hunger, its drivin' you home
Oooh freedom, oh freedom, that's just some people talkin'
Your prison is walking through this world all alone~


"Sa tingin mo? bakit kahit hindi pwede pinipilit pa rin?" tanong sa'kin ni Sir dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Hindi na siya nakangiti ngayon habang diretsong nakatingin sa daanan. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba dahil sa tanong niya.

"Bakit kahit anong mangyari? bakit sa kahit anong pagkakataon at sa ilang ulit na sitwasyon, bakit hindi pa rin pwede?" patuloy niya pa, sat ono ng pananalita niya parang may panghihinayang at lungkot akong nararamdaman.

Magsasalita na sana ako kaso bigla na niyang iniliko yung kotse at itinabi ito sa isang gilid. nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang malaking lumang welcome sign na gawa sa bato na nasa itaas.

Welcome to Taal City

"Isa sa mga kauna-unahang lumang bayan na naitatag noong panahon ng Kastila, Matapos ang pagsabog ng bulkang Taal noong 1749 na naging dahilan ng pagkasira ng buong bayan, muling itinayo ang bayan ng Taal na naging maksaysayan at parte ng rebolusyon ng mga Pilipino noong panahon ng mga Espanyol" panimula ni Sir at bumaba na siya sa kotse. Agad naman akong sumunod sa kaniya, napanganga na lang ako sa ganda ng Taal City, natanaw ko agad sa di-kalayuan ang mga lumang bahay-na-bato na ang disenyo ay panahon pa ng mga Kastila.

Sa totoo lang ngayon ko lang narinig ang tungkol dito sa Taal City, hindi ko akalain na may natatagong yaman sa kultura at tradisyon ang bayan na ito. Halos lahat ng tao ay abala sa paghahanda sa pagsalubong ng 2015 mamayang gabi. ang linis din ng kalsada kitang-kita ang disiplina ng mga tao.

Habang naglalakad kami ni Sir Nathan hindi ko maiwasang mapakunot ang noo sa tuwing may mga babaeng mapapatigil at magsisimulang magbulungan habang tinititigan at tinuturo si Sir. "Nakikita mo ba ang bahay na iyon?" tugon ni Sir sabay turo sa isang malaking lumang bahay na kulay puti at may bandila ng Pilipinas na nakatayo sa harapan.

Casa Agoncillo

"Iyan ang bahay ni Marcela Agoncillo, ang nagtahi ng watawat ng Pilipinas" patuloy ni Sir, biglang nanlaki ang mga mata ko at napanganga na lang ako dahil sa ganda ng mansyon ng Casa Agoncillo. At hindi rin ako makapaniwala na narito lang sa harapan ko ang pinangyarihan ng makasaysayang paggawa ng watawat ng Pilipinas.

Casa Apacible

Hindi pa ako nakaka-get-over sa bahay ni Marcela Agoncillo nang madaanan naman namin ang isang lumang bahay na kulay pula. "Iyan naman ang bahay ni Don Leon Apacible na naging Finance officer at delegate ni Heneral Emilio Aguinaldo noong Malolos Congress of 1898" tugon naman ni Sir sabay turo sa napakalaking-lumang bahay na kulay pula. Napatulala na lang ako sa ganda ng disenyo nito. Lalong-lalo na ang dating ng mga bintana.

Hindi pa kami nakakalayo sa Casa Apacible nang madaanan namin ang isang tindahan ng mga balisong. "Goodmorning! Welcome to Philippines" magiliw na bati sa'min ng isang matandang lalaki sabay abot ng isang balisong at winawagway niya sa ere. Natawa na lang kami ni Sir Nathan dahil sa galing niya sa paggamit ng balisong, lalo na kakaiba pa ang ang balisong nila dito dahil mahahaba, matatalim at malalaki.

"Nagtatagalog po kami" tugon ko, natawa na lang yung matandang lalaki na medyo panot pero sobrang galing sa paggamit ng balisong. "Akala ko foreigner pasensiya na mga hijo at hija" tawa niya pa sabay turo kay Sir Nathan. Napangiti na lang din si Sir, sabagay mapagkakamalan talaga siya sa unang tingin na isang dayuhan.

"Pwede po bang mahawakan?" tanong ni Sir Nathan sabay turo doon sa balisong, napangiti naman yung matandang lalaki sabay abot kay Sir Nathan ng balisong na iyon. "Ang tawag diyan ay Balisong fan knife" tugon nung matandang lalaki. Nanlaki naman ang mga mata ko nang malapitan kong natitigan ang balisong na iyon, gawa sa kahoy ang hawakan nito, pero yung iba gawa naman sa buto o sa mga sungay ng hayop.

Hindi ko alam pero sa pagkakataong iyon parang biglang sumikip ang dibdib ko habang tinititigan ang balisong na iyon, parang nakita ko na at nahawakan ko na ito dati pa, pamilyar na pamilyar ang bawat dulo at hugis nito lalong-lalo na ang matalim na dulo ng kutsilyo.

Napatigil lang ako sa pagtitig nang biglang binalik ni Sir Nathan yung balisong doon sa matandang lalaki. "Bili na kayo, pang-souvenir at remembrance rin" ngiti pa nung matanda, pero napailing lang si Sir Nathan sabay ngiti at nagpaalam siya bigla sabay hawak sa wrist ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad.


Mga ilang minuto rin ako nawala sa sarili habang hawak-hawak ni Sir ang wrist ko at siyang nauuna sa paglalakad. hindi ko maintindihan kung bakit may kakaiba akong naramdaman sa balisong na iyon.

"Aleng" narinig kong tawag ni Sir dahilan para matauhan ako at mapatingala sa kaniya. "Iyon ang tinatawag na Escuela Pia, ang nagsilbing paaralan ng mga kabataan na nasa mataas na estado noong panahon ng mga Kastila" tugon ni Sir sabay turo doon sa lumang bahay na isa lang ang palapag at may malaking bubuong na kulay pula.

Escuela Pia

Napatulala na lang ako sa ganda ng harapan nito kung saan may maliit na baitang ng hagdan papunta sa pintuan.

Ilang sandali pa, natanaw na namin ang isang napakalaking simbahan. "Ang simbahan na iyan ay ang Basilica of St.Martin, ang pinaka-malaking Simbahan sa buong Asia" tugon ni Sir, bigla akong napatigil at napatulala habang nakatingala at pinagmamsdan ang laki ng simbahan. Sobrang taas at sobrang laki nito, halos malula rin ako laki at ganda ng loob ng simbahan. Pakiramdam ko para akong nasa Roma.

St.Martin Basilica

4 pm na ng hapon at patuloy ang pagtunog ng kampana ng simbahan. Sa bawat humpay ng kampana nito ay nagdudulot ng matinding kaba sa puso ko. naupo kami sandali sa loob ng simbahan. Maya-maya lang biglang lumuhod si Sir Nathan at nagdasal.

Napatulala na lang ako sa kaniya, nakaka-inlove talaga ang mga lalaking may takot sa Diyos. Matapos ang ang ilang minuto, naupo na siya ulit at lumabas na kami. Habang naglalakad kami sa kalsada madaming mga tricycle at mga tao ang nagkalat. Ang iba ay may dala-dala ng mga pinamiling pagkain para mamayang gabi sa media noche.

Medyo masakit na rin ang paa ko kasi kanina pa kami lakad ng lakad, pakiramdam ko may paltos na ang talampakan ko pero ayokong ipahalata kay Sir Nathan kasi baka buhatin niya ako #Assuming haha!

Casa Villavicencio

Ilang saglit pa, napatigil kami tapat ng isang napakalaking mansyon na ang disenyo ay detalyadong-detalyado. Isa itong lumang bahay-na-bato na sa tingin ko ay naitayo noong panahon pa ng mga Kastila. Kulay indigo at dilaw ang kulay ng buong bahay at napapalibutan din ito ng mga bulaklak sa gilid. "Gusto mo pumasok sa loob?" biglang tanong sa'kin ni Sir Nathan dahilan para matauhan ako, hindi ko namalayan na tulo laway na akong nakatunganga sa napakagandang bahay na iyon.

Agad kong hinigop pabalik yung laway ko kaysa naman tumulo pa yun sa kalsada at madumihan ang sahig. Eww!

Buti na lang hindi napansin ni Sir kasi sumusilip siya sa bintana bago kumatok sa pintuan nito. "T-teka! Sir pwede bang pumasok diya---" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang bumukas yung pintuan ng bahay at kasabay niyon ay tumambad sa harapan namin ang isang matandang babae na naka-suot ng itim. Medyo may katabaan siya, maliit ang kaniyang mga mata at matalim ito kung tumingin, kulay gray na rin ang kaniyang buhok.

"Maligayang pagbabalik" tugon nito sabay ngiti habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko, biglang lumalakas ang kabog ng dibdib ko at bigla akong nakaramdam ng hilo, animo'y biglang bumagal ang takbo ng paligid at kasabay niyon ay biglang may pumasok na alaala sa isipan ko...


"Hindi ba ako po ang nauna... Esmeralda?" biglang tugon ng panganay na batang babae habang nakayakap pa rin sa'kin. hindi ko alam pero sa pagkakataong iyon hindi ko maialis ang tingin ko sa kaniya. "Ika'y aking isusumbong kay ina mamaya Josefina" banta pa ng panganay na batang babae sa kaniyang kapatid.

Napakunot naman ang noo nito at hindi na niya pinansin ang ate niya "Nagugutom na po ako" tugon ng mas maliit na batang babae sabay hawak sa kamay ko. "Nais ko pong tikman iyon" sambit niya sabay turo sa litson baboy na pinaka-sentro ng handa sa hapag kainan. Tiningnan ko pa ng mabuti ang mga mukha nila pero unti-unti itong lumabo.

Sinubukan ko pa silang titigan ng mabuti pero unti-unting lumalabo ang kanilang mga mukha, Nagpalingon-lingon ako sa paligid at tiningnan ang itsura ng lahat ng taong nasa loob ng tahanan kung nasaan ako ngayon.

Nagkwekwentuhan at nagtatawanan sila pero malabo na ang mukha nilang lahat. "Esmeralda..." tawag muli sa akin ng dalawang bata sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko at hinila ako papunta sa mesa kung saan naroon nakalagay ang napakaraming masasarap na pagkain. "Nais kong makakain ng leche flan" tugon ng panganay na babae sabay ngiti sa'kin. Batid kong nakangiti siya pero malabo ang kaniyang mukha.

"Masisira muli ang iyong ngipin ate Maria dahil sa hilig mo sa matatamis" sumbat ng mas nakababatang babae dahilan para kumunot ang noo ni Maria. "Josefina, Minsan lang naman---" hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil biglang inunahan siyang magsalita ng mas nakababata niyang kapatid, si Josefina.

"Ikaw ay aking isusumbong kay ama at ina!" panakot nito sabay kumaripas ng takbo papunta sa kanilang mga magulang. Sinubukan kong humakbang para sundan sila ngunit hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Napahawak na lang ako sa dulo ng mesa at sinubukan ko ulit igalaw ang paa ko pero hindi ko magawa.

"

Oí que Don Rolando Valenciano estará aquí esta noche"

(I heard that Don Rolando Valenciano will be here tonight) narinig kong tugon ng isang babae na nakasuot ng magarang kasuotang pang-Europa, kausap niya ang isa pang babae na maganda rin ang kasuotan.

"

No lo llames así ... Escuché que ya cambió su nombre"

(Don't call him that... I heard that he already changed his name) sagot ng isang babae habang kumukuha sila ng pagkain sa mesa. Nanatili lang ako doon sa gilid habang pinagmamasdan silang mabuti, kahit anong gawin ko hindi ko talaga maaninag ng malinaw ang kanilang mga mukha.

"

Oh enserio? entonces ¿por qué cambiaría su nombre?

(Oh, really? then why would he change his name?)

"

No tengo ni idea, pero creo que fue por la doncella que tuvieron hace mucho tiempo"

(I don't have an idea, but I think it was because of the maid they had a long time ago)

"

Quieres decir? ¿La pobre muchacha que capturó el corazón de Don Hilario Valenciano?"

(Do you mean? The poor girl who captured Don Hilario Valenciano's heart?)

"creo que si" (I think so)

Napalingon sa akin ang isang babae sabay talikod ulit at nagpatuloy na sila sa pagkuha ng pagkain. Hindi ko alam pero kahit hindi ko naiintindihan ang pinag-uusapan nila parang may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko nang marinig ko ang pangalang... Rolando at Hilario Valenciano.

Ilang sandali pa, nagulat ako nang biglang lumapit sa akin ang isang lalaki na naalala kong tinawag nila kaninang Don Alejandro Montecarlos. "Manang Esmeralda, ayos lang po ba ang inyong pakiramdam? Mas makabubuti kung makapagpahinga na po kayo, hihilingin ko kay Don Eulalio na pahiramin muna kayo ng silid dito dahil hihintayin pa namin ang pag-sapit ng alas-dose ng gabi oras ng noche Buena" tugon ni Don Alejandro, tinitigan ko siya ng mabuti pero malabo pa rin ang kaniyang mukha, pero sa tingin ko ay nasa edad dalawampu pataas lang siya. Pilit kong inaalala ang itsura niya kanina na malinaw kong nakita nang pumasok sila ng kaniyang asawa sa pintuan.

ilang sandali pa biglang may babaeng humawak sa balikat ko dahilan para mapalingon ako sa likod "Sige na po Manang, magpahinga na muna kayo ako na po muna ang bahala kina Maria at Josefina" tugon ng babaeng iyon na maumbok ang tiyan, naalala kong tinawag siyang Donya Soledad kanina.

Bakit nila ako tinatawag na Manang? Hindi naman ako nakapagsalita agad, dahan-dahan akong napatingin sa kamay ko at nakita ko ang kaunting kulubot sa aking kamay. Nang tumingala ako napagtanto ko na may isang malaking salamin sa gilid ng mesa.

Napatigil ako nang makita ko ang sarili kong repleksyon sa salamin na iyon...

Hindi ako makapaniwalang...

Matanda na ako.




Naalimpungatan ako nang maamoy ko ang matapang na halamang gamot sa tabi ko. "Gising ka na pala Hija" narinig kong tugon ng isang matandang babae. Teka! Siya yung matanda kanina na nagbukas ng pintuan sa isang lumang bahay---Wait.

Agad akong napabangon nang marealize ko na nasa loob kami ng isang lumang bahay. nakahiga ako ngayon sa isang lumang kama. "N-nasaan ako?" tanong ko sa kaniya pero abala siya sa pagsasalin ng tsaa sa baso.

"Nasa salas ang iyong nobyo... Bakit kayo magkasama?" sagot niya sabay abot sa akin ng isang tasa ng tsaa na dala-dala niya. napatitig naman ako doon sa tsaa na hawak niya. "Huwag kang mag-alala wala itong lason" patuloy niya sabay inom sa tsaa na iyon para patunayan na wala nga itong lason.

Bumangon na ako at tumayo pero napahawak ako sa gilid ng kama dahil nakaramdam na naman ako ng hilo "Hindi matatapos ang nararamdaman mong iyan hangga't hindi mo nalalaman ang mga kasagutan" tugon niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Sa totoo lang may kakaiba talaga sa aura niya, parang may dilim at liwanag, may saya at lungkot. Dalawang magkasalungat na bagay na hindi ko maipaliwanag.

"O-okay lang po ako" sagot ko na lang kasi bigla niya akong hinawakan. Nakaramdam ako ng kilabot dahil ang lamig ng mga kamay niya. Napalingon ako sa bintana at laking gulat ko nang marealize kong gabi na.

Pero bago pa man ako magsalita, inunahan na akong magsalita nung matandang babae sabay hawak ulit sa braso ko "Ang bahay na ito ay pagmamay-ari ni Don Eulalio Villavicencio..." panimula niya sabay turo sa isang lumang painting na nakasabit sa dingding ng kwartong ito. Isang lalaki at isang babae ang nasa larawan, kitang-kita ang kanilang karangyaan.

Don Eulalio Villavicencio

"Si Don Eulalio Villavicencio ay isang kapitan ng barko, ang kanilang pamilya ay mayaman at nagmamayari ng napakaraming negosyo tulad ng mga sakahan, taniman ng asukal at tobacco dito sa Batangas. Sila rin ang nag-mamayari ng barkong 'Bulusan' nasiyang ginamit ng Katipunan noong rebolusyon ng taong 1896" patuloy pa nung matandang babae, hindi ko maintindihan kung bakit biglang pamilyar na pamilyar sa akin ang lugar na ito at ang mga pangalan na binabanggit niya.

Donya Gliceria Villavicencio

"Sinuportahan ni Don Eulalio Villavicencio ang Katipunan maging ang kaniyang asawa na si Donya Gliceria ay suportado rin ang mga Katipunero" dagdag pa niya at dahan-dahan niyang binitiwan ang braso ko. agad ko namang iniwas ang tingin ko sa lumang painting ng mag-asawang iyon, dinampot ko na ang bag ko saka dahan-dahang naglakad papalabas ng pinto.

"M-maraming Salamat po... uuwi na ako" paalam ko sa kaniya, ayoko ng manatili doon dahil parang hindi na ako makahinga, parang nilalamon ako ng mga kakaibang alaala at bagay na hindi ko maunawaan.

Hindi pa man ako nakakalabas ng pinto, narinig kong nagsalita ulit yung matandang babae "Sa dulo ng bahay na ito may isang tulay na nagdudugtong patungo sa ikalawang-bahay na tinatawag na 'Casa regalo de boda' (The Wedding gift house) ang bahay na iyon ay regalo ni Don Eulalio sa kaniyang asawa na si Donya Gliceria sa kanilang kasal" tugon niya, nagtataka naman akong napalingon sa kaniya, hindi ko siya maintindihan, hindi naman kami magkakilala pero bakit kung ano-anong impormasyon tungkol sa bahay na ito ang sinasabi niya sa akin.

"May kasabihan na ang tulay na nagdudugtong sa bahay na ito na tinatawag na 'Casa de Villavicencio' papunta sa kabilang bahay na tinatawag na 'Casa regalo de boda' ay nangangahulugan na muling pagtatagpuin ng tadhana ang dalawang taong nagkahiwalay" tugon niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Sobrang kakaiba sa pakiramdam ang hatid ng mga titig niya.

Tumango na lang ako saka dire-direstong lumabas sa kwartong iyon, baba na sana ako ng hagdan ngunit napatigil ako nang makita ko ang tulay na tinutukoy ng matandang babae na nagdudugtong papunta sa kabilang bahay.

Parang biglang bumagal ang takbo ng mundo nang makita ko sa kabilang dulo ng tulay si...

Sir Nathan.


"Sige na po Manang, magpahinga na muna kayo ako na po muna ang bahala kina Maria at Josefina" tugon ng babaeng iyon na maumbok ang tiyan, si Donya Soledad.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang sarili kong repleksyon sa salamin na nasa gilid ng mesa. Anong nangyayari? Bakit medyo kulubot na ang balat ko? bakit matanda na ako? sa tingin ko 40 years old na ako.

"Manang Esmeral----" hindi na natapos ni Donya Soledad ang sasabihin niya dahil biglang may isang malakas na boses ng lalaki ang umalingangaw sa paligid.

"

¡Por fin estás aquí! Don Rolando Valenciano"

(At last you're here! Don Rolando Valenciano) wika ni Don Eulalio sabay salubong sa isang lalaki na nasa edad apatnapu na rin. Matangkad, mestizo, kulay brown ang buhok at mata, matangos na ilong at makisig na pangangatawan. Sa pagkakataong iyon parang biglang huminto ang paligid lalo na nang magtama ang mga mata naming dalawa.

Sa lahat ng taong naririto... tanging siya lang ang may malinaw na mukha sa aking paningin.

At hindi ako makapaniwala na...

Siya si Sir Nathan.




"Aleng... are you alright?" narinig kong tugon ni Sir Nathan dahilan para matauhan ako, naramdaman ko rin ang mga kamay niya na nakahawak sa likod ko para alalayan akong hindi matumba. Napahawak na lang ako bisig niya at halos walang kurap akong nakatitig sa mukha niya na sobrang lapit ngayon sa akin.

Ang pamilyar na mata.

Ang pamilyar na ilong.

Ang pamilyar na labi.

Ang pamilyar na pakiramdam.

Hindi ba ito nagkataon lang?

"Aleng?" ulit niya pa at agad niya akong inalalayan mapupo sa isang lumang upuan na gawa sa kahoy na nasa gilid namin. Ang kirot-kirot ng puso ko habang pinagmamasdan ang buong paligid, ganitong-ganito ang itsura ng lugar sa paligid ng kakaibang panaginip na nakikita ko.

"Gusto mo na bang umuwi? halika na----" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil inunahan ko na siyang magsalita.

"W-wag muna... ayos lang ako, masama lang siguro talaga ang pakiramdam ko, madalas na rin mangyari sa'kin to kaya sanay naman na ako" paliwanag ko sa kaniya. Alam kong alam naman niya na madalas akong mahilo at kung minsan ay nawawalan pa ng malay dahil minsan na niya akong dinala noon sa clinic nang mahimatay ako sa backastage ng theater hall sa school noong kakatapos lang ng play nila Alex noon.

"Uuwi na tayo" tugon niya pa sabay akbay sa'kin para tulungan akong hindi mawalan ng balanse. Papalag pa sana ako kaso parang nanghihina na ang buong katawan ko. ilang sandali pa, bago kami makababa ng hagdan nakita ko yung matandang babae na nakasilip sa likod ng pintuan.

"Kung hindi ka nawalan ng malay kanina, may gusto sana akong ipakita sayo dito" tugon ni Sir, habang inaayos ang seatbelt ko, kakasakay pa lang namin ngayon sa kotse niya. "Ang alin?" tanong ko, bigla naman siyang ngumiti sabay turo doon sa di-kalayuan kung saan natanaw ko agad ang isang hagdan pataas, gawa ito sa bato at mukhang lumang-luma na rin.

San Lorenzo steps

"Ang hagdan na iyan ay ang 'San Lorenzo steps' papunta ang hagdan na iyan sa Casaysay Church kung saan matatanaw natin ang Balayan bay mula sa itaas" tugon ni Sir, ngayon ko lang namalayan na hawak pala niya ang kamay ko.

"G-gusto ko makita ang dulo ng hagdan" tugon ko, bigla namang ngumiti si Sir Nathan dahilan para mapaiwas ako ng tingin.

"Kaya mo bang umakyat? O gusto mo buhatin na lang kita" ngiti niya, yung ngiting mapang-asar dahilan para lumakas lalo yung tibok ng puso ko.

"K-kaya ko naman! Nakapaghinga na ako, napagod lang siguro ako kanina kasi di pa tayo kumakain" reklamo ko sa kaniya, napakamot naman ng ulo si Sir Nathan sabay tawa. "Sige kain na muna tayo" sabi niya at akmang papaandarin na niya yung kotse pero pinigilan ko siya. pakiramdam ko kasi hindi na namin mababalikan pa yung San Lorenzo steps kapag kumain muna kami kasi gabi na.

"Mamaya na lang, akyatin muna natin yung tuktok" pagpupumilit ko, tinitigan naman ako ni Sir Nathan ng matagal parang tinitingnan niya kung kaya ko ba umakyat. "Oo nga, malakas to oh" dagdag ko sabay pakita ng muscles ko.

"Kapag dating natin sa tuktok may hihilingin ako sayo..." saad niya dahilan para matigilan ako at gulat na mapalingon sa kaniya. itatanong ko sana kung ano iyon kaso bumaba na siya agad sa kotse sabay bukas ng pintuan ko. "Wait...Sir!" nagulat ako kasi bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako papalabas ng kotse, at sabay kaming tumakbo papaakyat ng hagdan.

"Alam mo ba kung ilan ang bilang ng hagdan na 'to?" tanong ni Sir habang nakangiti at sabay kaming tumatakbo papaakyat ng hagdan habang maghawak ang aming mga kamay.

"Hala! hindi ko nabilang----"

"125 steps" sagot niya pero wala pa kami sa kalahati ay bigla na siyang tumigil. "Sir... bakit----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi ngumiti lang siya sabay hila sa akin papunta sa isang gilid kung saan walang katao-tao at puro puno lang.

Medyo creepy yung itsura ng lugar at halos wala akong makita kasi madilim na. napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Sir Nathan, hindi naman sa lumalandi ako pero kasi nakakatakot, kaming dalawa lang ata dito tapos puro ruins pa ang itsura ng paligid.

"Nakikita mo ba ang balon na iyon?" narinig kong bulong niya pero parang nakuryente ang buong katawan ko kasi naramdaman ko yung hininga niya sa tenga ko na umabot sa leeg ko.

Sta. Lucia arch and miracle well

"Iyon ang balon ng Sta Lucia..." tugon niya at dahan-dahan kaming lumapit doon. May dalawang post light sa gilid kaya naaninag ko na yung balon.

"Mapaghimala raw ang balon na ito, ang sinumang nadadampian ng tubig mula sa balon na ito ay gumagaling ang sakit sa ulo at katawan" patuloy niya, nagulat ako nang bigla niyang hinila yung timba pataas, isinawsaw niya yung kamay niya doon sa tubig at inilagay iyon sa nooat buhok ko.

"Sir!" reklamo ko pero bigla siyang ngumiti habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko at ang kaniyang magkabilang kamay ay nasa ulo ko. "Hinihiling ko na hindi ka na sana guluhin pa ng mga panaginip at alaalang matagal nang nabaon sa nakaraan" tugon niya, sandali akong napatigil habang nakatitig sa mga mata niya.

Panaginip at alalaala?

Panaginip na ang kadalasang laman ay siya.

Alaalala na sa huli ay magtatapos sa kaniya.

"Ipikit mo ang mga mata mo... at gusto kong kalimutan mo ang lahat ng panaginip na pilit na gumugulo sayo" tugon niya pa at dahan-dahan niyang pinikit ang kaniyang mga mata pero biglang pumatak ang ulan dahilan para matauhan ako mula sa pagkakatitig sa kaniya.

"Walang silungan dito, doon tayo sa simbahan sa taas" tugon ni Sir sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko at dali-dali kaming tumakbo pabalik sa hagdan at umakyat pataas. Natatawa na lang din ako kasi game na game si Sir sa pagtakbo dinaig niya pa ang gold medalist runner ng marathon habang ako naman ay parang penguin na ang iiski ng paa.

Caysasay Church

Pagdating namin sa taas, natanaw na namin agad ang Caysasay Church, kulay dilaw ang Simbahan at napakaganda rin nito. Agad kaming tumakbo papunta sa harapan nito para sumilong. Nakasara na ang simbahan dahil gabi na kaya dito lang muna kami sa labas.

Nang mapatingin ako kay Sir Nathan bigla rin siyang napatingin sa'kin at sabay kaming natawa. Mukha na kasi kaming mga basang sisiw. Ginugulo-gulo niya pa yung buhok niya para tumalsik ang basa nito dahilan para mapatulala na lang ako kasi ang hot lang tingnan.

Nang mapatingin siya sa'kin bigla akong umiwas ng tingin baka isipin niyang tinititigan ko siya diyan. "11:30 pm na pala, aabot pa kaya tayo sa bahay niyo" tugon ni Sir Nathan habang nakatingin sa wristwatch niya. Oo nga pala! hinihintay kami ni mama at Alex sa bahay dahil media noche na mamaya.

"Hindi ko dala phone ko" tugon niya habang kinakapa ang sarili niyang bulsa, napatingin naman siya sa'kin at napailing na lang ako kasi naiwan ko sa bag yung phone ko. "Mukhang tama ka nga, malulusaw mamaya ang fireworks dahil umuulan" patuloy pa ni Sir sabay turo sa mga kuwitis na sparks lang ang nangyayari pagdating sa taas kasi umuulan.

"Sandali lang, pupunta lang ako sa likod baka may tao doon manghihiram makikitawag lang ako" sabi niya, napatango naman ako. Ngumiti muna siya bago nagtungo sa likod ng simbahan.

Napaupo na lang ako sa tapat ng pinto ng simbahan, ang lakas ng buhos ng ulan ngayon at natatalsikan pa ko kaya umusog pa ako ng konti papalayo. May bagyo ba? bakit biglaan naman?

Napatingin ako sa kalangitan, halos malabo na ang paligid dahil sa lakas ng buhos ng ulan. Hindi ko alam kung bakit parang pamilyar sa akin ang pakiramdam na iyon, ang pakiramdam na ito, ang sitwasyong ito kung saan naghihintay ako dito sa labas ng isang simbahan habang bumubuhos ng malakas ang ulan.

Ilang saglit pa, nagulat ako nang biglang may itim na sapatos ang tumapat sa akin, gulat akong napatingala at napatigil nang marealize ko kung sino ang taong iyon na nasa harapan ko...

Yung matandang babaeng naka-itim.

May suot siyang balabal na kulay itim at basang-basa na rin siya sa ulan. Dahan-dahan akong napatayo habang nakasandal ng todo sa pintuan ng simbahan. "L-lola, a-ano pong ginagawa niyo dito? Ang lakas ng ulan-----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla siyang nagsalita habang matalim na nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Kayong dalawa! Hindi ba kayo titigil?" seryoso niyang tugon sabay turo sa mukha ko dahilan para bigla akong siklaban ng kaba at takot.

"A-ano pong ibig niyong sabihi-----"

"Hanggang kailan kayo mananatiling ganiyan?! Hanggang ilang siglo pa ang dapat dumaan para matauhan kayong dalawa?! Hanggang ilang buhay pa dapat ang mawala para masunod lang ang sarili niyong kagustuhan?!" bwelta niya, dahan-dahan akong napahakbang papunta sa gilid. sa bawat titig niya, sa bawat salitang binibitawan niya parang isang sandata na gustong pumatay sa'kin.

"Kayong dalawa ay puno ng kasalanan! mga Makasarili! Ganid! Gahaman!... Hanggang kailan kayo magiging uhaw na magkita muli?! HANGGANG KAILAN?!" sigaw niya, kasabay niyon ay biglang kumulog ng napakalakas na halos ikabingi ko na.

"S-sino ka ba? A-anong pinagsasabi mo----" hindi ko na kaya, pabigat ng pabigat ang dibdib ko, pa-kirot ng pa-kirot ang puso ko.

"Hindi mo ba ako nakikilala? Nagkita na tayo noon pa man..." tugon niya, at bigla niyang hinawakan ang braso ko. sinubukan kong pumiglas pero hindi ako makawala. "SIR!" sigaw ko pero mas lalong lumakas ang buhos ng ulan, panaka-naka rin ang pagkulog at pagkidlat.

Pahigpit ng pahigpit ang hawak niya sa braso ko. "Hindi mo ba talaga ako nakikilala?" ulit niya pa sabay hakbdang papalit sa akin dahan-dahan niyang inilapit ang bibig niya sa tenga ko. "Ako ito... si Olivia" tugon niya. sinubukan ko pang kumawala sa pagkakahwak niya pero nagulat ako nang bigla niyang hawakan yung kabilang braso ko dahilan para makaramdam ako ng kakaibang lamig at takot na hindi ko pa nararanasan sa buong buhay ko.

kasabay niyon ay natanaw ko mula sa di-kalayuan si Sir Nathan, tumatakbo siya sa gitna ng ulan papalapit sa akin. Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata na nararamdaman din niya ngayon ang narararamdamn kong sakit, lungkot, takot at pangamba na humahalo sa malakas na hampas ng tubig ulan mula sa kalangitan.

Kasabay ng tubig ulan na tumama sa aking buong katawan, namumukod tangi ang luhang pumapatak mula sa aking mata na tanging siya at siya lamang ang nakikita.

"Bhava Tanha"

Iyon ang huling dalawang salitang ibinulong sa akin ng matandang babae. Paulit-ulit na sumisigaw ang mga salitang iyon sa utak ko. Naalala ko bigla ang ang ibig sabihin ng dalawang salitang iyon na minsan ko nang narinig sa aking panaginip at minsan ring naikwento sa akin ni mama...

Ang Bhava Tanha ay nangangahulugang pag-kauhaw sa muling pagkabuhay ng paulit-ulit sa magkakaibang panahon.

*****************

Featrured Song:

'Ulan' by Cueshe

Trivia:

Lahat po ng lugar sa Taal City at larawan na nabanggit sa kabanatang ito ay TOTOO kaya kung nais niyong bumisita sa mga Historical Sites na iyon isama niyo ko! Hahaha! Dejoke. (Credits: I do not own those photos included in this chapter, credits to the owner).

And yes tama kayo! Si Professor Christopher Hermios ay ang history prof na kinaiinisan noon ni Carmela sa "I Love you since 1892". And Also ang creepy na matandang babaeng naka-itim ay si... Madam Olivia ng "I Love you since 1892". At dahil prequel ito ng ILYS1892 mas naunang na-meet ni Aleeza si Madam Olvia dahil year 2014 ang setting ng story na ito, at sa 2016 pa ma-meet ni Carmela si Madam Olivia.

Oo nga pala, kung nais niyo pang matuto ng Baybayin download niyo lang yung app sa Google Playstore na 'Baybayin sms' Promise! Madali lang gamitin at matututo kayo agad.

Source of Taal City Batangas: http://www.thepinaysolobackpacker.com/taal-batangas-tourist-spots-travel-guide/

https://youtu.be/Xc8QVCLuLjI

"Ulan by Cueshe"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top