Kabanata f(x - 32)
[Kabanata 32]
~I'm lookin' back on things I've done
I never wanna play the same old part
I'll keep you in the dark
Now let me show you the shape of my heart~
-Backstreet boys (Shape of my heart)
"Maraming Salamat Senor Fidel! Hanggang sa muli..." wika ng babaeng nasa tabi ko, napalingon ako sa kaniya pero malabo ang kaniyang mukha. "Tayo'y magdasal para sa paglalakbay na ito" patuloy pa ng babaeng iyon sabay hawak sa kamay ko. Nagulat ako nang biglang hawakan ang kabilang kamay ko ng isa pang babae na nasa kaliwa ko naman. "Ano ito?" tugon niya sabay kuha ng isang bagay na nasa palad ko.
"Isang purselas na rosaryo? Sinong nagbigay sa iyo nito?" usisa niya pa pero hindi ko alam kung bakit bigla kong kinuha sa kaniya ang purselas at muling ikinubli iyon sa aking kamay. Tiningnan ko muli siya ng mabuti pero hindi ko maaninag ang mga mukha nila dahil sobrang dilim ng paligid. Madilim ang gabi at natatakpan ng makapal na ulap ang kabilugan ng buwan.
Kasabay niyon ang patuloy na pagpatak ng ulan mula sa kalangitan. Napalingon ako sa likod at nakita ko ang isang lalaki na naka-suot ng purong itim at itim na sumbrero. Nakatayo siya sa ilalim ng malaking puno habang nakatingin sa amin. Unti-unting kaming lumalayo sa kaniya, hindi ko rin masyadong maaninag ang mukha niya dahil nababalot ng makapal na hamog ang paligid...
"Saan mo nakuha ang purselas na rosaryong iyan?" narinig kong tanong ng babaeng katabi ko sabay hawak muli sa kamay ko para kunin ang purselas na iyon. "Bakit mo tinanggap?!" seryoso niyang tugon sabay hawak sa magkabilang balikat ko. hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng takot, parang pamilyar ang boses niya.
Napalingon ulit ako sa direksyon ng lalaking nakatayo sa ilalim ng puno, Unti-unting naglaho ang makapal na hamog sa paligid hanggang sa makita ko ang mukha ng lalaking iyon...
Sir Nathan?!
"ATE! ATE! GISING!"
Nagising ako nang maramdaman ko parang umaalog ang paligid. Nang imulat ko ang mga mata ko agad tumambad sa harapan ko si Alex. Ngayon ko lang nakitang nag-aalala ang itsura niya. "Binabangungot ka" patuloy niya pa sabay baba na sa double deck namin.
Parang ang bigat ng pakiramdam ko at ang sakit ng ulo ko, nagulat ako kasi may luhang dumadaloy sa psingi ko. Bakit ako umiiyak?
Napatingin naman ako kay Alex at mukhang hindi naman niya napansin ang mga luha sa pisngi ko na hindi ko maintindihan kung saan nanggaling iyon, pinunasan ko na agad ang luha ko gamit ang kumot ko. Dahan-dahan akong napaupo sa kama at napatingin sa orasan. 12 midnight na, dalawang oras pa lang pala ako nakakatulog.
Napatingin din ako sa rosary bracelet na gawa sa kahoy na suot ko ngayon, ganitong-ganito yung nasa panaginip ko. binigay to sa'kin ni Sir Nathan kanina bago kami umalis sa Quezon City at sumakay sa van pauwi dito sa bahay.
"Buti na lang di pa ko natutulog" sabi pa ni Alex sabay higa ulit sa kama niya at nagbasa ng mga science fiction novels. Kaya pala ang sama ng pakiramdam ko, binangungot pala ako.
Napahawak na lang ako sa ulo ko, para kasing pumipintig ito. Maging ang puso ko parang biglang sumikip na hindi ko maintindihan. Ang aga ko kasi natulog kanina sobrang napagod ako sa pagpunta namin sa fiesta ng Birheng Maria ng La Naval sa Quezon City kanina.
Napahiga na lang ulit ako sa kama at napatitig sa kisame. Habang tinitinigan ko ang kisame madaming bagay ang naglalaro sa aking isipan. Bakit napanaginipan ko si Sir Nathan?
Bakit naging bangungot ang panaginip kong iyon?
Bigla kong naalala yung hapon na nastranded kami ni Sir Nathan sa waiting shed sa labas ng school. Sumakay ako sa bus at naiwan siya doon sa waiting shed, at noong nasa loob na ako ng bus nagtataka ako kasi nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko kahit pa tinted ang salamin ng bus.
Sa mga oras na iyon, Nakatitig lang si Sir Nathan ng diretso sa mga mata ko habang ang mga kamay niya ay nakasuksok pa rin sa kaniyang bulsa, hindi ko naman alam kung bakit hindi ko maalis ang mga mata ko sa kaniya, nagsimula nang bumuhos muli ang ulan at sunod-sunod na pumatak ang mga butil ng ulan sa bintana ng bus.
Hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya, pero parang pamilyar sa'kin ang pangyayaring iyon. nagsimula ng umandar ang bus papalayo at kasabay niyon ang biglaang pagsikip ng puso ko nagsisimula na namang umatake ang kakaibang kirot sa puso ko na hindi ko maintindihan.
Bakit napanaginipan ko ang pangyayaring iyon? month of June pa ata kami nastranded ni Sir Nathan sa waiting shed.
Ilang sandali pa, nagulat ako nang marinig ko ang pasigaw na boses ni mama sa labas ng kwarto. "Ano? Hindi na ba tayo gagawa ng paraan? Hahayaan na lang ba natin na malubog tayo sa utang?"
"Masyado nang malaki ang naitulong sa'tin ni Ace, Nakakahiya na umutang ulit sa kaniya!" pasigaw na sagot naman ni papa at dahil dun napabangon agad ako sa kama. Nag-aaway sila.
"Kapatid mo naman siya, walang masama humingi ng tulong! Lunukin mo muna 'yang pride mo" buwelta naman ni mama. Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko, hindi naman sila nag-aaway ng ganito katindi, yung tipong nagsisigawan na.
Napalingon ako sa pinto ng kwarto namin na nakasara ngayon. gusto ko sanang sumilip sa salas kung saan nag-aaway na sila.
Bababa na sana ako sa kama nang biglang mapatigil ako kasi biglang nagsalita si Alex.
"Ate sa tingin mo kung nasa ibang sitwasyon tayo, malulubog pa rin kayo tayo sa utang?" nagtataka naman akong napadungaw sa kaniya sa ilalim ng kama ko.
"Anong ibang sitwasyong sinasabi mo diyan?" tanong ko pero nakaharang pa din yung librong binabasa niya sa mukha niya.
"Ang ibig kong sabihin... sa buhay natin sa nakaraan... past life ba kamo" sagot niya, Seryoso ba siya? Past life? Totoo ba yun?
"Hoy alex nag-aadik ka ba? Kelan pa naniwala ang science nerd sa paranormal?" banat ko at akmang aagawin na yung librong hawak niya na humaharang sa mukha niya pero agad na niya itong isinara sabay tingin sa'kin.
"Hindi ako naniniwala... pero hindi ko rin naman sinasabing imposible iyon" tugon niya sabay taklob na ng kumot. Sandali naman akong natigilan, Ano bang pinagsasabi nitong kapatid ko?
Bumaba na ako sa kama at balak ko ng lumabas doon sa kwarto para tumigil na sila mama at papa sa pag-aaway pero natigilan ako nang marinig kong nagsalita ulit si Alex. "Hayaan mo na lang sila Ate... wala na rin namang magbabago" sabi niya habang nakatakalob pa rin yung kumot sa mukha niya.
Napahinga na lang ako ng malalim saka naupo na lang sa study table namin. Napatingin ako sa bintana, umuulan pala ngayon. Palagi na lang umuulan, ano bang nangyayare?
Napatingin ako sa gilid kung saan nakalagay ang bookshelf namin, napansin kong wala doon yung---
"Alex, nasaan yung historical novel na binigay sa'yo ni Lily?" tanong ko at inisa-isa ko yung libro doon sa bookshelf pero hindi ko iyon makita yung 'Our Asymptotically Love Story'
"Alex?" tawag ko pa sa kaniya, agad naman niyang inalis yung kumot na nakataklob sa mukha niya at naiiritang tumingin sa'kin.
"Tinapon ko na" pagsusungit niya sabay taklob ulit ng kumot. ANOO?
"BAKIT MO TINAPON?" gulat kong tanong at naglakad papunta sa kaniya sabay hila ng kumot niya. "Hindi ko pa tapos basahin 'yon!" reklamo ko pa, napakamot naman siya sa inis.
"Akin naman yun kaya ako bahala kung anong gusto kong gawin sa librong 'yon" sagot niya sabay taklob naman ng unan sa mukha. Ughh! kahit kelan talaga tong kapatid kong 'to ang sarap tirisin!
Napapadyak na lang ako sa inis at padabog na umakyat sa kama ko. ayoko pa kasi sana matulog dahil baka mabungungot na naman ako. sabi nila kapag nanaginip ka daw ng masama wag ka daw muna matutulog agad para hindi matuloy ang masamang panaginip na iyon.
Ilang sandali pa, dahil hindi na ako makatulog. Kinuha ko na lang yung phone ko at nag-online sa fb. Naisipan kong i-stalk ang fb ni Sir Nathan. Sabi nila, kaya daw napapanaginipan natin ang isang tao kasi ang taong iyon ang huling inisip natin bago tayo matulog.
Tiningnan ko ang recent posts niya, at bigla akong naaptigil nang makita ang isang post niya 2 hours ago. Whoah? So ibig sabihin kaka-post lang nito ni Sir bago kami umalis sa Quezon City kanina.
Las pesadillas son secretos enterrados en una vida que una vez tuviste.
Agad kong pinindot yung 'See Translation' sa ibaba. Nightmares are secrets buried in a life you once have.
Parang biglang sandaling tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang mabasa ko ang post na iyon. Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa mga salitang iyon. napatingin ulit ako sa labas ng bintana, mas lalong lumakas ang buhos ng ulan kumpara kanina.
Bigla kong naalala kanina habang nag-aagaw dilim na ang kalangitan at kasama kami sa pursisyon ng Birheng Maria ng La Naval de Manila...
"Dahil ang ibig sabihin ng pangalan mo ay... Kasiyahan" tugon ni Sir Nathan, napatingin naman ako sa haring araw nan aka-smiley face na drinawing niya sa lupa. Umambon kanina pero hindi natuloy ang ulan kaya nagpatuloy na muli sa paglalakad ang mga taong kasama sa purisisyon.
"Aleeza... Kasiyahan na kabaliktaran ng Kalungkutan..." patuloy pa ni Sir Nathan habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Paano niya nalaman na ang pangalan ko ay salitang Hindu na ang ibig sabihin ay Happiness.
Ibang klase rin talaga ang talino nito ni Sir Nathan.
Magsasalita pa sana ako kaso biglang narinig namin ang boses ni tita Meg "Aleeza! Sir Nathan! Akala namin nawala na kayo" tawag ni tita habang kinakaway-kaway ang kamay niya. Medyo malayo na sila sa amin pero natatanaw pa rin namin sila.
"Come on" tugon ni Sir habang nakangiti at nagpatuloy na siya sa paglalakad. kahit ang ngiti niya ang hiwaga ng dating sa akin pero hindi ko mapigilang mapangiti rin kasi nakakahawa talaga yung ngiti niya.
According to 1 Corinthians 4: 7 -13 Love is Patient. Love is Kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes and always perseveres.
"And that's what Love means..." bulong sa'kin ni Sir Nathan, nandito kami ngayon sa loob ng Santo Domingo Cathedral habang nakikinig ng Homily. Kasalukuyang nagsasalita ngayon ang pari sa harapan, nasa bandang gitna kami nakaupo. Katabi ko si Alex sa kanan at nasa kaliwa ko naman si Sir Nathan.
Medyo madami ang dumalo sa misa huling misa ngayon para sa fiesta kaya sobrang sikip sa loob. at kanina pa ako hindi gumagalaw sa pagkakaupo ko, paano ba naman kasi magkadikit na magkadikit talaga kami ni Sir Nathan. Baka marinig niya yung tibok ng puso ko!
Tatabi dapat ako kina Mama kanina pagpasok namin dito sa simbahan kaso gusto nila tabi-tabi silang mga mothers. Kaya kaming tatlo nila Alex, ako at Sir Nathan ang napunta sa dulo ng upuan. At eto namang si Alex eh inunahan ako sa tabi ni Tita Meg kaya ayan si Sir Nathan tuloy ang katabi ko huhu, pero okay lang medyo... (medyo lang ha!) gusto ko rin naman katabi si Sir Eeek!
"A-ahh... yun pala yun" iyon na lang din ang nasabi ko sa kaniya, Shems! Para na akong tuod na di makagalaw. Pinagpapawisan na rin ako dahil sa kaba. Ilang sandali pa biglang tumugtog ang orchestra at kumanta na ang choir. Nagsitayuan naman na ang mga tao. Gosh! tapos na pala yung homily ni father.
Nauna nang tumayo si Sir Nathan, samantalang para naman akong manikin na dahan-dahang tumayo. Shems! Ang bango niya talaga!
Nagulat naman ako nang mahuli kong nakatingin ng masama sa'kin si Alex. Hala! nahuli niya akong pasimpleng inaamoy si Sir!
"Ano?" pagtataray ko sa kaniya yung tipong nanghahamok ng away. Napailing-iling naman si Alex "Baka maubos si Sir kakasinghot mo diyan" buwelta niya dahilan para mapalingon sa'min si Sir Nathan at sila tita Meg, Tita Aireen, Tita Rita, Mama, at Mrs.Lea. pati yung mga taong nasa harapan namin ay napalingon din. Shemay! Ang ingay talaga nito ni Alex! ang sarap plantsahin ng bibig eh!
"Ahh--- nagugutom lang daw si Alex... mauubos daw po niya mamaya lahat ng handa sa bahay nila Sir Nathan hehe" palusot ko na lang, aangal pa sana si Alex kaya agad ko siyang kinurot sa tagiliran. "Diba.. Diba Alex ang totoy namin" paglambing ko pa sa kaniya.
Napatagilid naman si Alex, at tumango-tango na lang sa kanila "Oo n-nga... nagugutom na ko" sagot niya, binitiwan ko naman na siya. napangiti naman sila Tita, Mama at Mrs.Lea.
"Don't worry madami pang handa sa bahay, wag muna kayong aalis hangga't di pa kayo nag-hahapunan ah" bilin pa ni Mrs.Lea. napatango naman kaming lahat, tuwang-tuwa naman si Tita Meg na bff niya.
Ilang sandali pa, biglang 'Ama-Namin' na. inilahad na ni Sir Nathan yung palad niya sa tapat ko, Dugdugdugdugdug. Ano ba'to? natural lang naman na mag-hawak-hawak ng kamay pag 'Ama-Namin' na! bakit ba binibigyan ko ng malisya? My Gosh! Aleeza umayos ka!
"Huy ate" bulong ni Alex sabay hawak sa kamay ko, napalingon ulit ako sa kaliwa ko kung nasaan si Sir Nathan, naka-abang pa rin yung kamay niya. My Goodness!
Lumingon na lang ako sa harapan sa altar ng Simbahan saka humawak sa kamay ni Sir Nathan. Gosh! sobrang lakas na ng kabog ng puso ko, at pinagapapawisan na ako sa kaba. Parang lumulukso na ang puso ko at konti na lang sasabog na. shems! Ang lambot ng kamay ni Sir, medyo malaki yung kamay niya kumpara sa kamay ko pero parang protektadong-protektado ako sa hawak niya.
Nagkakasala ata ako, Nako! Sorry po Lord. Sadyang di ko talaga mapigilan ang puso ko, pero thank you po kasi ka-holding hands ko ngayon si Sir Nathan! Kyaahh!
"Ate tapos na... bitaw na" natauhan ako nang marinig ko ulit ang reklamo ni Alex, My Gosh! hindi ko namalayan na tapos na pala ang 'Ama-Namin' at kaming tatlo na lang ang magkakahawak-kamay kasi hindi ko pa binibitawan ang kamay nilang dalawa. Waaahh!
Agad ko ng binitiwan ang kamay nila at nagpanggap na normal lang naman ang mga pangyayari habang nakatutok pa rin ang mata ko sa altar ng Simbahan. Focus Aleeza! Focus!
"Peace be with you..."
My Gosh! Peace be with you na!
Agad akong lumingon kay Alex at kina Tita, Mama at Mrs. Lea para mag-beso sa kanila kaso busy sila mag-beso-beso sa isa't-isa. Naramdaman ko namang nasa likuran ko lang si Sir Nathan. Act normal lang Aleeza! Mahahalata ka niyan eh!
"La paz sea con vosotros... Aleng" narining kong tugon ni Sir, sandali akong di nakaimik, nakatalikod ako sa kaniya ngayon pero parang natutunaw na agad ako sa tingin niya. dahan-dahan naman akong napalingon sa kaniya, "I said, Peace be with you... Aleng" ngiti pa ni Sir sabay abot ng kamay niya. Dugdugdugdugdug.
Baka pwedeng lamunin na lang ako ng lupa ngayon kasi natutunaw na ko sa ngiti ni Sir!
Pagkatapos ng misa, naglakad na lang kami pabalik sa ancestral house nila Mrs.Lea. hinubad ko na yung puting belo na suot ko kasi mukha akong di-makabasag pinggan ngayon.
Punong-puno pa rin ng tao ang labas ng Simbahan ng Santo Domingo, maging ang bawat kalye ay punong-puno pa rin ng tao at mga sasakyan na hindi na makausad pa. sa bawat gilid may mga tindahan ng kakanin, souvenirs, imahe ng Santo at mga kandila.
Sandali muna kaming tumingin-tingin sa mga tinda. Bumili pa sila Tita Meg ng mga prutas at iba't-ibang hugis ng kandila na sobrang ganda. Na-enjoy ko rin amoy-amuyin yung mababangong kandila na naka-display sa isang stall.
Nanlaki yung mga mata ko nang maamoy ko ang isang kandila na pamilyar ang amoy. Kulay pula, medyo malaki at ang kinis ng kandilang hawak ko. "Ang kandilang iyan ay bihira lamang..." narinig kong tugon ng isang matandang babae na payat, maliit at puting-puti na ang buhok.
Bigla siyang sumulpot sa likod ng mga kandila na paninda niya, medyo nakayukod na siya habang nakatayo dahil na rin sa katandaan. "Mahirap gawin ang kandilang iyan sapagkat kailangang pinong-pino ang pagkakadurog ng pampabango na hinahalo riyan" patuloy niya pa, napatitig naman ako sa kandilang hawak ko. Sabagay mukha ngang mamahalin to' gusto ko sana bilhin kaso wala akong pera.
Nginitian ko na lang yung matandang babae saka inilapag ko na yung kandila sa kinalalagyan nito kanina, napalingon ako sa likod ko, at nakita kong nasa kabilang tindahan na tumitingin-tingin sila Tita.
"Sige po Salamat" paalam ko sa kaniya pero nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko dahilan para mapalingon ako sa kaniya. "Mula sa matinik na bulaklak ng rosas ang sangkap na ginamit sa kandilang iyan" tugon niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Parang may kakaibang aura siyang dala na naghahatid ng kilabot sa'kin.
"Alam mo ba Hija, kung paano ginagawa ang kandila?" saad niya pa, sinubukan ko namang alisin yung kamay ko sa pagkakahawak niya at nginitian siya. sa totoo lang ang creepy ni Lola. "Ah-eh aalis na po ak----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla niyang hinawakan ng mas mahigpit ang kamay ko.
"Kapag natunaw ang kandila... ang bahagi nito ay tinutunaw lamang at muling mabubuo bilang panibagong kandila" tugon niya, Alam ko naman iyon, yung wax ng kandila ay tinutunaw lang ulit, huhubugin at magiging kandila ito muli.
"B-baka hinahanap na po ako nil---"
"Sa madaling salita, ang kapalaran niyo ay tulad ng Kandila... paulit-ulit lamang at walang katapusan! " seryoso niyang tugon dahilan para pumiglas na talaga ako sa pagkakahawak niya. nakakatakot ang titig niya, parang may kung anong madilim na pwersa mula sa kaniyang mga mata.
Napatingin naman ako ngayon sa kamay ko na namumula na dahil sa higpit ng hawak niya. Grabe! Ang lakas naman niya. hindi na ako nagpaalam pa, tumalikod na ako agad at umalis doon sa tindahan niya. sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naglalakad ng mabilis papalayo sa tindahan ng matandang iyon.
Bakit pakiramdam ko... kailangan kong layuan ang matandang babaeng iyon?
"Estás bien?" (Are you alright?) natauhan ako nang narinig kong nagsalita si Sir Nathan. Nagtataka naman akong napalingon sa kaniya, Anong sinasabi niya?
Nagalalakad na kami ngayon sa isang kalye papunta sa ancestral house nila. "I said, Ayos ka lang ba?" ngiti pa niya. hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako kanina pa, mula kasi nung nakausap ko yung matandang babae kanina sa labas ng simbahan eh hindi na siya mawala sa isipan ko, lalong-lalo na yung mga sinabi niya.
Ang kapalaran niyo ay tulad ng Kandila... paulit-ulit lamang at walang katapusan!
"Aleng? estás pensando en mí?" (Are you thinking of me?) ngiti pa ni Sir Nathan. Mukhang kaninang umaga pa talaga good vibes ito si Sir ah. "Don't Spanish me sir, I'm panic" sagot ko pero kahit ako natawa dahil sa sinabi ko, mukha akong trying hard na palaka na nag-eenglish.
Bigla namang lumaki yung ngiti ni Sir. "Me gusta cuando sonries" (I like it when you smile) ngiti pa niya, binigyan ko naman siya ng yung-totoo-anong-sinasabi-mo-sir-look. pero tinawanan niya lang ako.
"Olvídalo, será difícil si entiendes lo que estoy diciendo" (Forget it, It'll be awkward if you understand what I'm saying) tawa pa niya. gusto ko sanang mainis kaso narinig ko na naman yung tawa niya at naaninag ko rin yung ngipin niya kaya awtomatikong napangiti na lang din ako.
Magsasalita pa sana ako kaso biglang sumigaw si Mrs.Lea "BRYAN!" excited niyang sigaw dahilan para mapatingin kaming lahat sa kaniya. Dali-daling tumakbo si Mrs.Lea papunta kay.... Bryan!
What-the-heck!
"Long time no see... Tita!" pa-cool at swabeng-swabeng tugon ni Bryan sabay yakap sa tita niya. naka-black leather jacket with matching orange shirt sa loob na may slogan ng 'Brotherhood'. Nakapang-f*ck boy haircut din siya with matching black sunglass.
Teka nga, bakit naka-sunglass siya eh gabi na? kairita.
Nasa tapat na kami ngayon ng ancestral house nila... na pag-mamayari pala ng mokong na VIP na'to. May tatlong girls na naka-maikling shorts ang nasa likod niya habang nakasandal sa sports car niyang bulok. Mukhang kalandian niya ang mga iyon kanina. Tss
Isa-isang pinakilala ni Mrs.Lea kay Bryan sina Tita Meg, Tita Rita, Tita Aireen, Mama at Alex. gusto ko na sanang tumakbo papalayo bago pa ako makita ng Bryan na'to kaso mukhang huli na ang lahat kasi bigla siyang napangisi nang magtama ang mga mata namin.
"Hey... it's nice to see you here... Ms.Agcaoili" ngisi niya sabay kindat pa. My gaaawd! Di na siya nahiya kina Mama at sa mga tita ko. napalingon naman silang lahat sa'min. Shemay! Baka isipin nilang pumapatol ako sa unggoy na'to!
"Ah... schoolmates po kami" paliwanag ko sa kanila kahit wala namang nagtatanong, mas mabuti ng maagap kaysa kung ano-ano pa isipin nila diba.
Magsasalita pa sana si Bryan kaso biglang sumingit si Sir Nathan sa usapan. "Sayang hindi mo naabutan ang prusisyon kanina" sabat ni Sir Nathan, bigla namang nawala yung ngisi ni Bryan kanina at napatingin kay Sir Nathan sabay tingin sa'kin. hindi niya ata napansin si Sir kanina kasi ang dilim dito sa labas.
"Better late than never" sagot ni Bryan kay Sir Nathan, hindi na siya nakangiti ngayon. Shems! Anong meron? Bakit parang hindi sila natutuwa makita ang isa't-isa?
"Anyway, pasok na tayo! Nakahanda na ang mesa" pagbasag ni Mrs.Lea sa katahimikan. Dali-dali akong humawak sa braso ni mama baka kasi mahuli na naman ako sa paglalakad at makatabi ko na naman si Sir Nathan o kung mamalasin naman itong Bryan na'to pa ang makatabi ko.
Pagpasok sa loob mas humanga ako sa ganda ng bahay. may lumang chandelier pala ang nakasabit sa kisame ng bahay at ramdam na ramdam talaga ang mala-19th century feels. Ang pagkakaalala ko sabi ni Mrs.Lea kanina nang magkausap kami sa second floor ng bahay na'to, 1800s pa raw ng ginawa ang ancestral house na ito ng pamilya Valenciano.
Kami na lang ang bisita nila kaya hindi na katulad kanina na sobrang daming tao sa salas at kusina. Pero kahit kami na lang ang bisita sobrang dami pa rin ng pagkain na nakahain sa mesa. Whoah!
Isa-isa nang naupo sila tita at agad akong sumingit sa gitna ni Mama at Tita Aireen, syempre naninigurado na ko baka mamaya niyan makatabi ko na naman si Sir Nathan tapos kapag nagdasal kami bago kumain baka kailangan maghawak-hawak ng kamay edi nagkasala na naman ako kasi imbes na mag-focus ako sa prayer eh ang presence ni Sir ang inaatupag ko haays.
Naupo naman si Sir Nathan sa tapat ko, Gosh! habang nasa tabi naman niya si Mrs.Lea at nasa tabi kabila niya si Alex. nasa tabi naman ni Mrs.Lea si Bryan na kanina pa dinadaldal si Tita Meg.
Pagkatapos namin magdasal nagsimula na kaming kumain. may letson manok, adobo, afritada, pancit bihon, palabok, chapsuey, inihaw na isda, ginataang alimango at hipon, leche flan, ube halaya, saba con yelo at... Kaldereta na kakaiba.
Napatitig ako doon sa Kaldereta na may kakaibang sangkap. "Tikman mo 'yan Hija, masarap 'yan" ngiti ni Mrs.Lea sabay sandok ng Kaldereta at inilagay sa plato ko. "Paborito 'yan ni Nathan at Bryan" patuloy pa ni Mrs.Lea habang nakangiti ng todo.
tinikman ko na yung Kaldereta at napatigil ako nang marealize na may halong cheese iyon. Magsasalita na sana ako kaso biglang nagsalita si Mrs.Lea habang nakangiti pa rin ng todo "Masarap diba? specialty iyan ng isang pamilya"
Napatango naman ako, sa totoo lang masarap talaga, Kaldereta na may cheese. naalala ko bigla na favorite nga pala ni Sir Nathan ang cheese... Teka! Nasabi niya rin sa'kin noon kung ano yung paborito niyang ulam eh, Ano nga ulit iyon?
"Bakit naman gabi ka na dumating Bryan? Sana inagahan mo para naabutan mo ang prusisyon" panimula ni Mrs.Lea. napatingin naman kaming lahat kay Bryan na abala sa pagkain niya.
"May lakad pa ko kaninang umaga tita eh, pero syempre pupunta pa rin ako ngayon dito" ngiti niya sabay subo ng tinapay. "Ang besides, I didn't expect na makikita ko dito si Aleeza" ngiti pa ulit ni bryan sabay tingin sa'kin. Hala!
"At masaya rin po akong makilala kayo Tita Meg, Tita Rita, Tita Aireen, Bro Alex and Mama" ngisi pa niya at nagmano pa kay Mama. Whaaaat?
Napangiti naman ang mga tita ko at pinilit niya pang mag-fist bump sila ni Alex kahit pa mukhang irritable din si Alex sa kaniya. Teka nga! bakit niya tinawag na Mama ang mama ko!
"Tita Catherine ang pangalan ni Tita" pag-correct ni Sir Nathan kay Bryan na nakangisi pa rin. "I know, diba Mama Cath" sagot ni Bryan, ngumiti lang naman si mama.
Shems! What's happening?
"Tigilan mo na nga 'yang kalokohan mo Bry, mukhang wala ka namang planong magpakasal" tawa pa ni Mrs.Lea, Tama! Tama! Siguradong kawawa lang ang mapapangasawa nitong lalaking to dahil napaka-babaero talaga.
"I will get married" ngiti ni Bryan, siya na ngayon ang naging tampulan ng kantyaw nila Mrs.Lea at ng mga tita ko.
"At sino naman ang mamalasin na babaeng iyon?" tawa pa ni Mrs.Lea habang tatawa-tawa lang din si Bryan.
"She's just right here... " sagot niya sabay tingin sa'kin dahilan para bigla akong mabilaukan. Papatayin ata ako ng mokong na'to dahil sa pinagsasabi niya!
Agad akong inabutan ni mama ng tubig. mukhang hindi naman na-gets nila Mrs.Lea at ng mga tita ko yung sinabi ni Bryan kasi tumawa-tawa pa sila. "How's your studies anyway?" biglang sabay ni Sir Nathan sabay tingin ng diretso kay Bryan. Hala!
Ngayon ko na lang ulit siyang nakitang mag-seryoso ng ganiyan. Napatahimik naman sila Mrs.Lea at ang mga tita ko. "Better than before" sagot ni Bryan, maging siya ay hindi na nakangiti ngayon.
"How about in my class? you---" hindi na natapos ni Sir Nathan yung sasabihin niya kasi biglang binitiwan ni Bryan yung kutsara at tinidor na hawak niya na lumikha ng tunog ng kalansing nang tumama ito sa plato na mababasagin.
"What's the point? You always----" hindi na rin natapos ni Bryan yung sasabihin niya kasi bigla silang sinuway ng tita nila.
"Nathan... Bryan" suway ni Mrs.Lea dahilan para mapatahimik na lang silang dalawa. Nagkatinginan naman kami nila Tita, uhm awkward.
Ilang sandali pa, tumayo na si Bryan "Please excuse me" paalam niya sa'min at naglakad na siya paakyat sa second floor ng bahay nila. "I'm sorry" biglang saad din ni Sir Nathan at tumayo na rin siya, nagpaalam din siya sa'min at nagtungo sa labas ng bahay.
"Pasensiya na, may konting tampuhan lang talaga ang dalawang pamangkin ko" paghingi ng paumanhin ni Mrs.Lea, sumigla naman ulit ang usapan kasi nagkwento na si Tita Meg ng karanasan niya noong bago pa sila ikasal ng Amerikano niyang boyfriend.
Napuno ulit ng ingay ang hapag dahil sa tawanan nila. kaming dalawa lang ni Alex ang medyo OP sa kanila.
"Mag-iingat kayo sa byahe pauwi ah, kaya mo pa ba Aireen mag-drive? Mukhang pagod ka na" tugon ni Mrs.Lea naglalakad na kami ngayon papalabas sa bahay nila. 9 pm na ng gabi at kailangan na naming umuwi kasi may pasok pa bukas.
"Oo naman, sana lang hindi traffic kasi aantukin ako" biro pa ni Tita Aireen, nauna naman ng sumakay sa van yung mga bata kong pamangkin na inaantok na rin. "Bye tita Lea, Thank you po sa masarap na handa" paalam ko kay Mrs.Lea, ngumiti naman siya sa'kin at niyakap ako.
"You're welcome Hija, welcome na welcome ka rin anytime pag gusto mong dumalaw dito sa'min, basta katok ka lang doon sa bahay namin ah" sabi pa niya sabya turo doon sa katabing bahay na modern na modern na. Oo nga pala, walang nakatira dito sa ancestral house nila. ginagamit lang nila ito pag may okasyon at madaming bisita.
Sasakay n asana ako sa van nang biglang may magsalita mula sa likuran ko, "Mag-iingat kayo sa byahe..." narinig kong tugon ni Sir Nathan, akala ko umalis na siya kanina?
Napalingon ako sa kaniya. "A-andito pa pala kayo sir"
Ngumiti lang si Sir, at nagulat ako nang bigla siyang humakbang papalapit sa'kin. Halaa! Wait! Teka! Teka!
Napahakbang naman ako paatras hanggang sa napatigil na lang ako kasi tumama na yung likod ko sa gilid ng van ni Tita Aireen. Dugdugdugdugdug.
"May ibibigay pala ako sayo... Aleng" sabi niya sabay dukot sa bulsa. Nanlaki naman yung mga mata ko nang bigla niyang kunin ang kamay ko at inilagay doon yung bagay na hawak niya. "Nabili ko 'yan kanina sa labas ng simabahan, wala pa pala akong regalo sayo nang manalo ka sa math contest" tugon niya at binitawan na niya yung kamay ko.
Napatulala naman ako doon sa rosary bracelet na binigay niya na nasa kamay ko na ngayon. "Ang sampung beads sa bracelet na 'yan ay katumbas ng sampung dasal" panimula niya, napatingin naman ako doon sa sampung beads na gawa sa kahoy at may maliit na crucifix sa gitna na gawa rin sa kahoy.
"Bawat beads sa bracelet na 'yan ay nangangahulugan sa 'Isang Dekada'... ang bilang ng beads sa bracelet na 'yan ay 'Sampu'... kung kaya't sa kabuuan ang bracelet na 'yan ay nangangahulugan ng 'Isang Siglo'" paliwanag niya. hindi ko naman mapigilang mamangha sa bagay na iyon, Wow! bawat beads pala ay may katumbas na bilang ng panahon.
"M-maraming Salamat po Sir sa regalo niyo" tugon ko saka tumingin ulit sa kaniya, natigilan naman ako sandali kasi nakatitig na siya ngayon ng diretso sa mga mata ko. hindi ko alam kung bakit parang pamilyar ang mga tingin niyang iyon. Maging ang pagtibok ng puso ko ay pamilyar din.
Ilang saglit pa, napatigil lang kami nang biglang pumatak ang ulan. "Ayayay! uulan na! text text na lang Lea!" paalam ni Tita Meg at dali-dali na silang tumakbo papasok sa van.
Napatingala naman ako sa kalangitan, bakit parang pamilyar ang pangyayaring ito?
"Sige na... sumakay ka na" tugon pa ni Sir saka humakbang na siya paatras. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang isampa yung paa ko papasok sa van, "Aleng! mababasa ka ng ulan!" tawag ni mama sabay hila sa'kin papasok pero napatigil ako nang mapalingon ako sa bintana ng second floor ng ancestral house nila.
Bigla akong nakaramdam ng hilo, tila bumagal ang takbo ng paligid. Napatingin ulit ako sa second floor ng bahay nila. Nagulat ako nang biglang nagbago muli ang paligid...
Patuloy na bumubuhos ang ulan, tumatalamsik ang putik sa lupa sa tuwing tumama ang tubig ulan sa kalupaan. Wala na ang mga taong naglalakad sa kalsada, wala na rin ang ilang mga sasakyan na nasa tabi ng bawat bahay.
Wala na rin ang van ni tita Aireen sa tabi ko, kundi isa na itong kalesa. "Esmeralda!" narinig kong tawag ng isang dalagita na malabo ang mukha at dali-dali siyang tumakb papalapit sa akin, hindi niya alintana ang lakas ng buhos ng ulan.
"Baka sakaling makarating ang pamilya niyo sa Maynila... ito ang tirahan ni Senor Rolando" hinihingal na tugon ng dalagitang iyon na hindi ko maaninag ang mukha, bigla niyang kinuha ang kamay ko at inilagay ang isang liham sa palad ko.
"Isang liham mula kay Senor Rolando, nakasaad diyan kung saan siya nakatira ngayon, kung nais mo pa siyang maabutan...puntahan mo na siya bago mahuli ang lahat!" wika pa niya at sapilitan akong pinasakay sa kalesa.
"Puntahan mo siya Esmeng! Huwag mo ng intindihin si Senor Hilario... ako na ang bahala" sambit niya pa at narinig kong sinabi niya sa kutsero na dalhin ako sa daungan. agad na pinatakbo ng kutsero ang kabayo, napalingon ako muli sa babaeng nag-abot sa akin ng sulat at nagpasakay sa akin sa kalesa.
Nakatayo lang siya doon sa gitna ng ulanan at tulalang napatingala sa ikalawang-palapag ng isang tahanan. "S-senor Hilario..." gulat na wika ng babaeng iyon at bigla siyang napaluhod sa lupa. "P-patawarin niyo po ako Senor Hilario" pagmamakaawa ng babae habang nakatapat doon sa bintana basang-basa na siya sa ulan.
Agad naman akong napatingin sa ikalawang-palapag ng bahay at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang lalaking nakadungaw sa tapat ng bintana, may hawak siyang isang pulang kandila sa kaniyang kaliwang kamay.
Nakatingin siya sa akin ngayon... hindi ko maintindihan kung bakit biglang nakaramdam ako ng magkahalong takot, awa, at lungkot habang nakatingin din sa kaniya.
"¿Cómo pudiste hacerme esto ... Esmeralda ?!" (How could you do this to me... Esmeralda?!) sigaw ng lalaking nakatayo sa tapat ng bintana. Parang biglang tumigil ang mundo ko nang biglang naging malinaw sa akin ang mukha ng lalaking iyon...
Si Bryan
********************
A/N: Maraming Salamat marikitdreams sa panibagong obra <3 Grabe! Saktong-sakto sa kwento ni Esmeralda at Senor Rolando ngayon <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top