Kabanata f(x - 29)

[Kabanata 29]

"Cause when your hands are in mine
You set a fire that everyone can see
And it's burning away
Every bad memory"

-Westlife (It's You)




"Esmeralda!"




Parang mas lalong bjglang bumigat ang ulo ko dahilan para mapahawak ako sa noo ko at mapakabig sa bintana. "Aleeza! Hija..." narinig kong tawag ni Mrs. Lea at naramdaman ko na lang na nasa tabi ko na pala siya, agad niyang hinawakan ang braso at balikat ko para alalayan akong hindi matumba.

"LEA! LEA! NANDITO NA SI NEYTAN!" sigaw pa nung ale sa baba.

Muli kong minulat ang mga mata ko, bumungad sakin ang mukha ni Lea na sobrang nag-aalala habang titig na titig sa mukha ko. "Ayos ka lang ba Hija? Nahihilo ka ba?" tanong niya pa sabay hawak sa leeg at noo ko.

Agad akong dumungaw ulit sa bintana... Bumalik na sa normal ang lahat. Wala na ang kalesa, ang mga kababaihan at kalalakihan na naglalakad sa kalsada habang naka-baro't-saya at barong tagalog... At Wala na rin si Sir Nathan.

Hala! Nasaan na siya?

Dumungaw pa ako lalo sa bintana, natanaw ko muli ang koste niya. At nandoon pa rin ang ilang bisita sa labas. "Anong hinahanap mo Hija?" tanong pa ulit ni Mrs. Lea sabay hawak ng mahigpit sa braso ko. Magsasalita na sana ako kaso biglang bumukas ang pinto at tumambad sa harapan namin ang isang matabang ale na naka-daster pa.

"Jusmiyo Lea, kanina pa kita tinatawag, Nandito na ang pamangkin mo" tugon nung ale habang umiiling-iling pa ito. "Ah! Sige po Nay Susan bababa na po kami, pakiasikaso muna si Nathan" sagot ni Mrs. Lea sabay tingin ulit sa'kin.

Ibig sabihin... Ang pamangkin na tinutukoy niyang may-ari na ngayon ng ancestral house na ito ay si... Sir Nathan Abrantes pala!

"Halika na Hija, baka hinahanap ka na rin ng tita Meg mo" tugon pa ni Mrs. Lea sabay ngiti at kapit sa braso ko at sabay kaming naglakad papalabas sa silid na iyon. Pero bago niya isara yung pinto, muli akong lumingon sa loob, hindi ko maintindihan kung bakit kakaiba rin ang pakiramdam ko habang tintitigan ang silid na iyon, lalong-lalo na ang lumang piano na kulay itim na halos 100 years na rin daw ang tanda.

Bago kami makababa ng hagdan rinig na rinig ko na agad ang ingay mula sa salas at kusina ng bahay. "Nakakatuwa naman hindi namin inaasahan na makikita ka namin dito Hijo!" tuwang-tuwang tugon ni mama habang tinatapik-tapik ang balikat ni Sir Nathan.

Pinalibutan na siya ngayon nila mama, Tita Meg, Tita Rita at Tita Aireen habang si Alex naman ay nasa likod nila. Maging ang ibang bisita ay napapalingon na rin ngayon kay Sir Nathan. "Hindi ko rin po akalain na makikita ko kayo dito tita... Tamang-tama pala ang pagpunta ko dito" ngiti pa ni Sir Nathan. Grabe! Ang aliwalas niya tingnan ngayon, bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang blue polo shirt at black jeans.

"Nate! Hijo" tawag ni Mrs. Lea na nakakapit pa rin sa braso ko. Sabay-sabay naman silang napalingon sa amin ni Mrs. Lea, pababa na kami ngayon sa hagdan. Halaaa! Hindi pa ko ready na makita si Sir Nathan ngayon! Naalala kong hindi ko pala siya kinausap nung Friday sa klase at tinaguan ko rin siya para hindi ko siya makasalubong sa kahit saang lupalop ng school.

Bigla namang napangiti si Sir Nathan at parang may kuryenteng dumaloy mula sa likuran ko nang magtama ang mga mata namin. "I thought you're going back to Spain this week... Hindi mo na ba tinuloy ang resignation mo?" tanong ni Mrs. Lea sabay yakap kay Sir Nathan. Napaiwas naman ako ng tingin kay Sir at tumabi na lang kay Alex na nasa likuran nila.

"I'll stay, tita" sagot ni Sir Nathan, bigla namang napangiti si Mrs. Lea sabay tapik sa balikat ng pamangkin niya. "So you choose to... Stay" tugon pa bi Mrs. Lea at nagulat ako nung bigla siyang tumingin sa'kin.

"Anyway, kilala mo pala sila" habol pa ni Mrs. Lea at ibinaling na niya ang tingin niya kina mama at sa mga tita ko. "Oo Lea! Teacher ni Aleeza at Alex yan si Sir Nathan" sabat ni Tita Meg sabay abot ng plato kay Sir Nathan.

"Kain na Hijo, mukhang malayo ang binyahe mo" patuloy pa ni Tita Meg, ngumiti naman si Sir Nathan sabay kuha nung platong inabot sa kaniya ni Tita Meg. "Hindi naman po, taga-dito lang din ako sa Quezon City" sagot ni Sir sabay tingin sa'kin. Shocks! Oo nga pala sa isang Condo dito sa Quezon City nakatira si Sir!

"Ahh ganun ba, Osige na kain na, ang sasarap ng luto ng tita Lea mo" puri pa ni Tita Meg at halos isang barangay silang sumama kay Sir Nathan papunta doon sa mesa kung saan nakahain ang lahat ng pagkain.

Naiwan naman kami ni Alex sa salas kasama yung mga bata naming pamangkin. Habang ang ibang bisita naman nila Mrs. Lea ay nakiki-usyoso na rin kay Sir Nathan Ugh.

"Ang lakas talaga ng Charisma ni Sir oh" narinig kong tawa pa ni Alex. Aba! Tumatawa din pala ang totoy na'to. "Inggit ka naman? Mukha ka na kasing ermitanyo sa sobrang kaseryosohan mo sa buhay" pang-asar ko sa kaniya pero nagulat ako kasi tinawanan lang ako ni Alex. Whoa? May sakit ba siya ngayon? Bakit hindi niya ako sinungitan?

"Ang sabihin mo ate panget kinikilig ka lang ngayon kasi nandito si Sir" banat niya pa, sabay ilag kasi hahampasin ko dapat siya. Kaazar! "Hoy! Wala akong gusto----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang nakatayo na pala si Sir sa gilid namin. Hala! Ang bilis naman niya!

"Sinong kinikilig?" biglang tanong ni Sir sa'min dahilan para maistatwa ako habang pangisi-ngisi naman si Alex. Shemay!

"Si at---" hindi na natuloy ni Alex ang sasabihin niya kasi agad kong tinakpan ang bibig niya. "Ah-ehh ang ibig po naming sabihin... n-nakakakilig yung asim ng sinigang na niluto ng tita niyo hehe" palusot ko na lang habang pilit na pumapalag si Alex. Shems! Ibubuking pa'ko ng kapatid kong to ah!

Agad kong pinandilatan ng mata si Alex, na-gets naman niya na kailangan niyang itikom ang bibig niya kung gusto niya pang mabuhay. "Tama! Yun nga sir" sabat ni Alex sabay kumaripas ng takbo papunta kina mama. Ugh! Tumakas ang loko!

"Nakakatuwa kayong magkapatid" biglang tugon ni Sir at naupo na siya sa sofa dito sa salas na gawa sa kahoy. Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko, pupunta na lang din ba ako kina mama at tita sa hapag-kainan? Lalabas na lang ba ako ng bahay? o uupo sa tabi ni Sir? Emeged!

Napalingon ako kina mama at sa mga tita ko na nasa hapag-kainan, nandoon na rin si Alex kasama ang iba pang mga bisita. Mukhang mas okay kung doon na lang ako tatambay kaysa dito sa salas kasama si Sir Nathan. Aalis na lang sana ako kaso biglang nagsalita si Sir. "Hindi mo ba ako sasamahan kumain dito?" tanong niya habang hawak yung plato niya na puno ng pagkain.

"Ah-eh kumain na po kami kanina Sir" sagot ko na lang in normal tone at akmang aalis ulit kaso nagsalita na naman siya. "Sayo na lang 'to, paborito mo naman ang pinya diba" habol pa niya dahilan para nagtatakang mapalingon ako sa kaniya. Ano daw? Paano niya nalaman?

"Paano niyo nalaman na paborito ko po ang pinya... Sir?" nagtataka kong tanong. Wala naman akong maalala na sinabi ko sa kaniya na paborito ko ang pinya. Ngumiti lang si Sir at inalapag na niya sa gilid ng maliit na mesa dito sa salas yung platito na puno ng pineapple chunks.

"Hula ko lang... Tama pala ako" ngiti niya sabay patuloy pa ring kumakain. Napatitig naman ako ng ilang segundo sa kaniya. Ang weird, hindi mo naman basta-bastang mahuhulaan na paborito ng isang tao ang isang bagay. "Oh? Kain na, masamang pinaghihintay ang pagkain" dagdag pa niya sabay ngiti ulit. Bakit ang saya-saya niya ngayon?

Humakbang na ako papalapit sa sofa at naupo sa tabi niya, medyo umusog pa ako ng konti papalayo kasi baka mapagkamalan kaming mag-jowa. Kinuha ko na rin yung platito na puno ng pineapple chunks at kinain iyon. Napasulyap pa ako kay Sir tapos ngumiti siya ulit sa'kin habang punong-puno ng pagkain yung bibig niya.

May maganda sigurong nangyari sa kanila ni Cassandra kaya ganyan siya kasaya. Tss.

"Bakit hindi mo ako tinext na pupunta pala kayo dito sa fiesta ng La Naval?" biglang tanong ni Sir, at inilapag na niya sa mesa yung plato niya sabay inom ng iced tea. Mukhang tapos na siya kumain.

"Ahh... biglaan po kasi Sir" sagot ko sabay lapag na rin nung platito na hawak ko. Grabe! Ang sarap ng pineapple! Gusto ko pa!

"Gusto mo pa ng pineapple?" tanong niya sabay tingin doon sa platito na sobrang linis na ngayon dahil sinimot ko talaga. Napa-iling naman ako "Ayoko na po, busog na ko" sagot ko na lang in neutral way. Shems! Naglalaway yung dila ko sa pineapple Ughh.

Napasandal naman si Sir sa sofa at ipinatong niya yung kamay niya sa sandalan ng upuan dahilan para umabot hanggang sa balikat ko yung kamay niya. Shemay!

Parang biglang nakaramdamn ako ng pagdaloy ng kuryente sa buong katawan ko. Pasimple akong umusog papalayo sa kaniya. Shems! Baka may makakita sa amin at akalain na naglalandian kami!

Ano bang ginagawa niya? Gusto kong itulak yung kamay niya papalayo sa sandalan ng sofa pero baka naman nag-uunat lang talaga siya at ako lang itong madumi ang isip My Goodness!

"Maganda ba ang bahay na'to?" narinig kong tanong niya. Bakit ang daldal niya? Shemay naman oh! Gusto ko ng umalis dito! Paano pa ako makaka-move on niyan kung hanggang dito ba naman sa pamamasyal namin makikita ko pa rin siya Ughh!

Tumango na lang ako bilang sagot sa tanong niya. Tama yan Aleeza! Don't talk to him para naman maubusan na siya ng itatanong at mapagod na sa kakasalita. Alright!

"Galit ka ba sa'kin?" bigla niyang tanong dahilan para biglang sumabog yung puso ko ng todo. Napalunok na lang ako sa kaba at hindi ko na magawang makatingin ngayon sa kaniya. Shems! Anong sasabihin ko? Waahh!

"B-bakit niyo naman naisip yan Sir?" tanong ko sa kaniya sabay tawa yung tawang sarcastic. Kainis! Ibinaba naman na niya yung kamay niya kaya medyo pumanatag na rin ang puso ko, para kasi siyang nakaakbay sa'kin kanina habang nakapatong yung kamay niya sa sandalan ng sofa.

"Ang tahimik mo kasi ngayon... ah! Hindi lang pala ngayon, ang tahimik mo rin at hindi mo ako kinikibo since last Friday, last last week, last month, last last month after the Math Competition" tugon niya habang nakatulala doon sa mga mamahaling vases at rebulto na nasa harapan ng salas.

Gosh! Ganun ba ko ka-obvious? Hindi ko naman pwedeng sabihin na... eh kasi Sir nag-momove on na ko sayo kaya wag kang ano diyan...

"Bakit? May problema ba... Aleng?" habol pa niya dahilan para mas lalong kumabog ng malakas ang puso ko. Ano ba 'to? Ano bang nangyayare? Bakit niya ba ko tinatanong? Hindi ko alam ang isasagot ko!

Kailangan kong ibahin ang usapan! Tama! Tama!

Napahinga muna ako ng malalim saka lumingon sa kaniya na may ngiti sa labi. Shems! Mag-focus ka Aleeza! Ngiti lang para hindi niya mahalata!

"Ayy Oo nga pala Sir, bakit hindi ka na lang dito tumira sa bahay na'to? Sabi ni Mrs.Lea wala raw nakatira dito tsaka ikaw pala Sir may-ari nito... bakit kailangan sa Condo pa kayo nakatira" pang-eecheos ko sa kaniya. Kailangan kong ngumiti at ibahin ang usapan para hindi na niya ako tanungin pa ng kung ano-ano diyan.

Nilibot naman ni Sir ang mata niya sa buong bahay. "Paano mo nasabi na ako ang may-ari ng bahay na'to?" nagtataka na medyo natatawang tanong ni Sir Nathan. Whew! At least kahit papano medyo nabawasan na ang awkwardness sa pagitan namin kanina.

"Sabi po ng tita niyo, ni Mrs.Lea na pamangkin daw po niya ang may-ari nito" sagot ko sabay tingin kay Mrs.Lea na abala sa pakikipagkwentuhan at pakikipagtawanan sa mga bisita. Napangiti naman at napailing si Sir Nathan. "Si Bryan ang pamangkin na tinutukoy ni Tita Lea" sagot ni Sir Nathan. Whoa!

So ang hambog na kumag na Bryan na yon ang may-ari ng ancestral house na ito?!

"Besides, I don't want to live here... This house was full of catastrophic memories..." tugon niya, at bigla siyang napatingala doon sa second floor ng bahay. "Oo nga po eh, nakwento sa'kin ni Mrs.Lea kanina ang tragic history ng bahay na'to" tugon ko, napatingala na rin ako sa second floor ng bahay. para kasing may malungkot na aura ang dala ng bahay na'to lalong-lalo na ang second floor.

"Ang it's all because of a young lady... that girl stole the heart of the two young gentlemen of this noble house" biglang sambit ni Sir dahilan para mapalingon ako sa kaniya, hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng lungkot dahil sa sinabi niya, maging ang itsura niya ngayon ay nababakas na rin ang kalungkutan.

Bigla kong naalala yung kwento ni Mrs. Lea sa'kin kanina, nasira raw ang pamilya Valenciano dahil nabulag sa kayaman at kapangyarihan ang naging hukom sa bayan ng San Alfonso noong 1892. "Pero ang sabi po ni Mrs. Lea nang dahil sa sobrang paghahangad ng pera at posisyon kaya nasira ang pamilya Valenciano?" tanong ko, hindi naman agad nakapagsalita si Sir, nakatitig pa rin siya sa mga vases at mga lumang kagamitan dito sa loob ng bahay nila.

"Just to be exact, kaya nasira at bumagsak ang reputasyon ng pamilya Valenciano ay dahil sa labis na paghahangad ng Kayamanan, Kapangyarihan at Pag-ibig... pag-ibig sa isang babaeng kailanman ay hindi siya kayang suklian" tugon ni Sir sabay tingin ng diretso sa mga mata ko, hindi ko maintindihan kung bakit sa mga oras na iyon parang kabahagi ako ng trahedyang nangyari sa bahay na ito noong sinaunang panahon.






4 pm na. nandito na kaming lahat ngayon sa labas ng Santo Domingo church upang abangan ang prusisyon ng 'Nuestra Señora del Santísimo Rosario de La Naval de Manila'

Napakaraming tao at deboto ang nakaabang na ngayon sa labas ng simbahan. Katabi ko si mama habang nasa kabilang gilid naman niya sina Tita Meg, Tita Rita, Tita Aireen at Mrs. Lea na magkakahawak kamay pa. Nasa kabilang gild ko naman si Alex habang nasa tabi naman ni Alex si Sir Nathan. Napasulyap ako kay Sir Nathan saglit ang tangkad niya kasi at agaw pansin talaga siya sa lahat lalo na sa mga malalanding babae na nagbubulungan na ngayon sa likuran namin. At dahil sa inis nilingon ko sila at sinamaan ng tingin para tigilan na nila ang mga kalandian nila.

Napatingin naman sila sa'kin at biglang nagbulungan pa "Sshh... ayan! Nahuli na tayo ng kapatid niyang babae, baka isumbong tayo sa mama nila" narinig kong bulong nung isang bruha doon sa kachismisan niyang bruhilda.

ANOOO?

KAPATID DAW AKO NI SIR? SHEMAY!

Susugurin ko na sana sila kaso biglang hinawakan ni Alex ang braso ko at tumatawa-tawa na siya. Tsk, narinig siguro niya yung sinabi ng tatlong bruha na yon. "Chill" pang-asar pa ni Alex, sakto namang napalingon sa'min si Sir Nathan kaya agad akong napaiwas ng tingin. Kainis talaga tong kapatid ko!

Umusog na lang ako sa kabilang side nila mama, sa tabi ni tita Meg. Pinagtatawanan pa kasi ako ni Alex at ayaw niya akong tantanan. Binaling ko na lang ang atensyon ko sa ganda ng paligid. Sobrang nakakagaan sa pakiramdam ang mga makukulay na banderitas na nakasabit sa tuktok ng simbahan at sa bawat kalye at poste.

Patuloy rin ang pagtunog ng masiglang kampana ng simbahan habang ang bawat tao ay buong galak na nag-aabang sa paglabas ng imahen ng Birheng Maria ng La Naval. Maaliwalas ang langit ngayon, kulay asul ang kalangitan at ang dami ring mga puting kalapati ang nagsisiliparan.

Inilibot ko naman ang paningin ko sa buong paligid, kitang-kita ko ang sigla ng bawat tao lalong-lalo na ang mga bata na nabibilhan ng bagong laruan. At ang mga tindero at tindera ng mga laruan, taho, kakanin, at mga kandila na sobrang saya ngayon dahil sa lakas ng benta.

"Aleng! Halika! Isuot mo ito! Babagay to sa damit mo" excited na tawag sa'kin ni Tita Aireen na nakatayo sa isang tindahan ng mga belo at balabal. Agad naman akong hinila nila Tita Meg papunta doon.

"Heto! Isuot mo dali!" pilit pa ni Tita Aireen na sobrang lawak na ng ngiti ngayon sabay abot sa'kin ng isang puting belo. "Heto naman sayo Meg, Lea, Rita at Cath" sabi ni Tita Aireen sabay abot ng tig-iisang belo kina mama at sa mga tita ko.

Napatitig naman ako doon sa puting belo, Seryoso? First time ko magsusuot ng ganito. Pasimple ko na lang sana ilalapag doon sa lagayan ng tindahan kaso biglang sumulpot si Sir Nathan at Alex sa tabi ko. Halaaaa!

"Hep hep! Isuot mo raw yan sabi ni Tita Aireen" sabat ni Alex sabay kuha nung belo at brutal niyang ipinatong iyon sa ulo ko. Ouch!

Tatanggalin ko na sana iyon sa ulo ko at ihahampas sa mukha ni Alex kaso nagulat ako nang biglang lumapit sa'kin si Sir Nathan at inayos niya yung pagkakalagay ng belo sa ulo ko. Dugdugdugdug!

Para akong tuod na hindi makagalaw dahil sa ginagawa niya. Nakita ko namang ngingiti-ngiti si Alex sa gilid namin. Shems! Baka Makita siya ni Sir!

"Ahh-Ako na Sir hehe" sabi ko na lang sabay atras at dali-dali kong inayos ang belo sa ulo ko. Gosh!

Agad naman akong napalingon kina mama at sa mga tita ko, mukhang abala sila sa pagpili pa ng ibang design ng mga belo kaya hindi nila napansin yung ginawa ni Sir Nathan. Gosh! Buti naman.

"Ayaaan! Ang ganda-ganda talaga ng pamangkin ko! Bagay na bagay sayo Aleng!" tuwang-tuwang tugon ni Tita Aireen sabay harap sa'kin sa salamin na nasa gilid ng tindahan na iyon. "Bagay na bagay sa puting bestida mo" patuloy niya pa, tiningnan ko naman ang sarili ko mula ulo hanggang paa. Sabagay, tama naman si Tita Aireen bagay nga sa damit ko yung puting belo na binili niya para sa'kin pero... para kasing nagmukha akong babae sa sinaunang panahon.

Naka-braid din ang buhok ko sa likod at may iilang hibla lang ng buhok na humaharang sa mata ko. "Anong masasabi niyo? Alex? Nathan?" biglang sabat ni Mrs. Lea sabay hawak sa balikat ko at iniharap ako kay Alex at Sir Nathan. Halaaa!

Napa-thumbs naman si Alex na mukhang napilitan lang kasi sinagi siya ni mama. Samantalang si Sir Nathan naman ay biglang napangiti. Shems!

Ramdam na ramdam ko ngayon ang sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. "Maganda" sagot ni Sir Nathan sabay ngiti ng kaunti, yung ngiting parang nahihiya. Gosh! Bakit ba kailangan pang itanong sa kanila. Waaah!

"Nasaan na ba yung isa mong pamangkin na lalaki? Kaya ko nga sinama dito si Aleeza para magkakilala sila" tanong ni Tita Meg kay Mrs. Lea. "Hay nako Megan, wag mong idamay ang anak ko diyan ah" tawa naman ni mama. Ano ba yan! Bakit parang binebenta nila ako?!

"Ahh... Si Bryan ba tinutukoy mo? Hay nako, tinawagan ko kanina kaso may pupuntahan daw siyang party mamayang gabi" sagot ni Mrs. Lea, napakunot naman yung noo ko. Bakit ba hindi ko naamoy na balak akong ibenta ng mga tita kong 'to.

"Pero ang sabi niya baka raw makasunod siya mamaya----" hindi na natapos ni Mrs. Lea ang sasabihin niya kasi nagsimulang nang tumugtog ang mga marching band ng UST o mas kilala bilang UST band. Sobrang nakakalukso ng puso at nakakabuhay ng dugo ang pinagsama-samang tunog mula sa marching percussion, trombone, clarinet, trumpet at xylophone.

Nagsimula namang maghiyawan ang mga tao nang bumungad na sa pintuan ng simbahan ang imahen ng Birheng Maria ng La Naval de Manila na nakalagay sa isang Malaking lagayan na may gulong at puno ng bulaklak na dekorasyon. May mahabang lubid na nakadugtong sa pinaglalagyan ng imahen na hila-hila ng mga Lead-car marshalls.

"Simula na!" biglang sigaw ni Tita Meg sabay hila sa'min. para sundan na ang imahen. Patuloy pa rin ang hiyawan ng mga tao at mas lalng nakadagdag sa saya ang pagsaboy ng dilaw na confetti mula sa tuktok na bahagi ng simabahan. "Viva! La Naval!" hiyaw ng ibang deboto na nagsisiksikan na makalapit lang sa imahen.

Agad namang nanguna sa harapan ang mga Flag bearers, mga military at ang mga Lead car-mashalls na siyang humihila sa sasakyang pinapatungan ng Imahen. Nakapalibot naman sa unahan, sa gilid at sa likuran ang mga paring Dominican suot ang kanilang puting-putting mga kasuotan at hawak ang kanilang mga rosaryo.

Kasunod naman nila ang mga madre na umaawit at may hawak ring mga rosaryo.

Sa pinaka-unahang bahagi nakapwesto na rin ang ilang mga imahen ng Santo na kasama sa prusiyon at sa bawat imahen ng Santo ay nakasunod din ang mga grupo ng organisasyon ng Simbahang Katoliko. Nasa unahan ang imahen ni...

1. San Lorenzo Ruiz De Manila

2. Beata Juana de Aza

3. Beata Margarita de Castello

4. Santo Tomas Khuong

5. San Francisco de Capillas

6. San Vicente Liem de la Paz

7. Santa Magdalena de Nagazaki

8. San Juan Macias

9. San Martin de Porres

10. Santa Rosa de Lima

11. Santa Catalina de Ricci

12. San Juan de Coloma

13. San Luis Beltran

14. San Pio V

15. San Vicente Ferrer

16. San Antonio de Florencia

17. Santa Catalina de Siena

18. Santa Ines de Montepulciano

19. San Alberto Magno

20. San Raymundo de Penafort

21. Santo Tomas Aquino

22. Santa Margarita de Hungria

23. San Jacinto Ordhowatz

24. San Pedro Martir de Veronna

25. Santo Domingo de Guzman

26. Mahal na Senor San Jose

-Mga Estandarte ng 20 Misteryo ng Santo Rosaryo

At ang pinakahuli at ang pinakapangunahing imahen na ipinagdiriwang sa gabing ito ay ang imahen ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo- La Naval de Manila.

Kasunod ng imahen ng Birhen Maria ng La Naval ay ang ilan pang mga pari at mga deboto ng La Naval.

Sa pagkakataong iyon, nang mapadaan sa harapan namin ang Birheng Maria ng La Naval, bigla akong nakaramdam ng kakaibang lamig sa buong katawan. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko na rin maialis ngayon ang aking mga mata sa imaheng iyon. Nasa 4"8 ang taas ng imahen na kumikinang dahil kasuotan nitong punog-puno ng mga brillante na kulay ginto. Maging ang korona nito ay kulay ginto rin, hawak ng Birheng Maria sa kaniyang kaliwang kamay ang batang si Hesus.

Nagsimula na ang prusisyon na halos dalawang oras daw ang itatagal. Ang sabi ni Tita Meg ang ruta daw na dadaanan ngayon ng purisyon ay magsisimula sa lahat ng kalye ng Santo Domingo Avenue, kasunod ang kalye ng Dapitan Avenue, Kalye D. Tuazon Avenue, Kalye ng Quezon Avenue at pabalik sa simbahan ng Santo Domingo.

Sumabay na rin kami sa agos ng mga tao. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang buong paligid. Sa tuwing dadaan kami sa mga kalye ay nagsisimulang maghiyawan ang mga tao na nakadungaw sa mga bintana ng mga second floor sa mga bahay nila. Ang ilan namay ay kumukha ng mga litrato.

Kulay asul at orange na ngayon ang kalangitan dahil magtatakipsilim na. hindi naman magkamayaw si Tita Meg at Mrs.Lea sa pag-seselfie. Ilang sandali pa, nagulat ako nang biglang may nagsalita mula sa tabi ko. "Aleng..." shems!

"Paumanhin... nagulat ba kita?" tugon ni Sir Nathan sabay ngiti. Napahawak naman ako sa puso ko. Grabe! Nagulat talaga ako dahil sa ginawa niya. Akala ko holdaper. Pano ba naman kasi ang lalim ng boses niya na mukhang sinadya niya talaga para pagtripan ako.

"Narinig mo na ba ang history ng Birheng Maria ng La Naval?" tugon pa ni Sir, kasabay ko na siya ngayon sa paglalakad. Napailing naman ako, hindi ko alam ang history ng La Naval, napangiti naman si Sir.

"Noong 1593, ipinagutos ni Gobernador Heneral Luis Perez Dasmarinas ang paggawa ng Imahen ng Birhen ng Sto. Rosario na ngayon ay kilala bilang La Naval para sa mga paring Dominikano sa Maynila. Ang imahen ng Birheng Maria ng La Naval ay itinuturing na pinakamatandang imahen na gawa sa Pilipinas. Gawa ito ng isang iskultor na Tsino na kalaunan ay nagpabinyag din sa Katoliko, sa ilalim ng pagtuturo ni Kapitan Hernando de los Rios Coronel. Gawa ang imaheng ito sa mula sa sungay ng elepante" paliwanag ni Sir habang tinatanaw namin ang imahen. Whoa. Alam niya ang lahat ng yun?

"Alam mo ba kung bakit La Naval ang itinawag sa imaheng ito?" tanong pa ni Sir, napailing naman ulit ako. Mukhang nag-eenjoy din naman siya magkwento habang naglalakad kami.

"Noong 1646, pinagtangkaang sakupin ng mga Olandes (Dutch) ang Pilipinas, pinaniniwalaang tinulungan at ginabayan ng imahen upang manalo ang mga Español laban sa pagtatangka. Ang laban ay naganap sa karagatan, bagama't kakaunti lang ang barkong pandigma noon ng mga Espanyol natalo pa rin nila ang mga Olandes. Labing anim na taon makalipas ang pagtatanggol sa bansa, inihayag na milagroso ng Cathedral Chapter ng Arsidyosesis ng Maynila ang nasabing pagtulong ng imahen... ang La Naval ay hango sa salitang Navy na ang ibig sabihin ay hukbong-dagat... Ang Birheng Maria ng La Naval ay kinikilala ngayong patron ng karagatan at hukbong-dagat" patuloy pa ni Sir. Whoa! Napatango-tango naman ako habang nagkwekwento siya. Grabe! Hindi ko akalaing napaka-makasaysayan din pala ang istorya sa likod ng imahen ng Birheng Maria ng La Naval de Manila.

Magsasalita pa sana ako kaso biglang narinig naming tinawag kami ni Tita Meg na medyo nasa unahan namin kasama si Mrs.Lea. "Aleeza! Nathan! Picture kayo dali!" nakangiting tawag ni Tita Meg sabay kuha ng picture sa'min gamit ang DSLR niya. Halaaa!

Dali-dali naman nilang pinagkaguluhan nila Alex at mama yung picture namin "Ampanget mo talaga ate!" tawa pa ni Alex sabay pakita sa'kin nung picture na nakunan ni Tita Meg. Napapikit na lang ako sa inis at akmang aagawin sa kanila yung camera kaso naitakbo na ni Alex at pincturan pa ko dahilan para nakanganga na naman ako sa picture.

"It's okay... ipapabura ko na lang kay Tita Meg mamaya" tawa ni Sir Nathan, maswerte siya ang pogi niya doon sa picture kasi saktong nakangiti siya. Eh ako? Nakanganga at mukhang nawindang haaays.

Baka kumalat sa mga memes ang picture kong yon Ugh.

"Huwag mo ng isipin iyon" narinig kong tugon pa ni Sir Nathan habang patuloy kaming naglalakad. Magkasabay na kami ngayon habang sila mama at ang mga tita ko kasama si Alex ay nauuna na sa paglalakad ngayon dito sa purisiyon.

Napakunot naman yung noo ko sabay lingon kay Sir Nathan. Ang weird at ang saya-saya niya talaga ngayon ah. "Bakit ang lalim niyo na magtagalog Sit?" pang-eecheos ko sa kaniya, tinawanan niya muna ako bago siya sumagot.

"May nakapagsabi kasi sa'kin na nakakadagdag pogi points daw sa lalaki kapag malalim magtagalog" tawa pa ni Sir, Teka! Parang ako ata ang nagsabi sa kaniya niyon ah!

"Tama yan Sir... para mas lalong ma-inlove sa inyo ang girlfriend niyo" banat ko na lang at nagapatuloy pa rin sa paglalakad, mas binilisan ko na ang lakad ko para makahabol ako kina mama. Medyo siksikan at marami din kasi kaming kasabay ngayon na maglakad na mga deboto at kasali sa prusisyon.

"Girlfriend? Sinong girlfriend?" nagtatakang tanong ni Sir at parang napaisip pa siya. Wow ah! Sinasabi ko na nga ba, katulad din siya ng pinsan niyang babaero, dumadaloy talaga sa dugo nila ang pagiging playboy. Mukhang iniisip pa ngayon ni Sir kung sino sa mga babae niya ang tinutukoy kong girlfriend niya.

"Tss... Malala na talaga kayong mag-pinsan" sabi ko na lang at hindi ko mapigilang mapailing-iling habang pinagmamasdan si Sir. Haay nako!

Nagulat naman ako nang biglang mapa-AH! At matawa si Sir Nathan. Anong nakakatawa? Nasobrahan na talaga siya sa saya.

"Si Cass ba ang tinutukoy mo?" tawa niya pa. napatango naman ako sabay iwas ng tingin habang siya eh humahagikhik pa rin. Bakit ba siya natatawa?

"She's not my girlfriend..." sagot niya habang nakangiti. Gulat naman akong napalingon sa kaniya. WHUUUT?

"Eh diba po... college sweethearts kayo? Tapos nagkabalikan kayo, Nakita ko pa nga kayong magkayakap sa hagda----" Ooops!

Halaaa!

Agad kong tinakpan ang madaldal kong bibig at agad umiwas ng tingin kay Sir Nathan na ngayon ay mukhang nagulat din sa sinabi ko pero tumawa siya ulit. Shemay ka talaga Aleeza! Bakit mo nilaglag ang sarili mo? Waaahh!

"Saan mo naman narinig yan?" usisa pa ni Sir, napalunok naman ako sa kaba. Gosh! Bakit ang init? Ramdam na ramdan ko rin ang pagtagaktak ng pawis ko dahil mukhang nabubuko na ako. "Ah-eh narinig ko lang po sa mga kwento ng mga kaklase ko" palusot ko na lang. hindi ko naman pwedeng sabihin na nagresearch pa sila Iryn at Leana sa talambuhay niya.

Shocks!

Teka nga!

Naalala ko na kinuwento rin sa'kin noon ni Cassandra ang love story nila ni Sir Nathan ah!

Sasabihin ko na sana sa kaniya na si Cassandra mismo anng nagkwento sa'kin kaso biglang may lalaking nag-aanounce sa harapan gamit ang megaphone na maaari na raw sindihan ang mga kandila. "Aleng! Yung kandila" tawag ni mama sa'kin. Hawak ko kasi ngayon yung isang plastic ng mga kandila na binili namin kanina sa labas ng simabahan.

Inabot ko na sa kanila isa-isa yung mga kandila. At nung iaabot ko na kay Sir Nathan yung kandila niya nagulat ako kasi nakatingin siya sa'kin, yung tingin na parang nakatitig na. Halaa! baka nainip siya kasi ang bagal ko iabot yung mga kandila sa kanila.

Pasimple akong naglakad ng mabilis at tumabi kay mama. Whew! Kailangan kong iwasan si Sir para hindi na niya ako ma-echeos pa. kaso naiwan din nila ako sa paglalakad kasi abala sila sa pagkwekwentuhan.

"Here" biglang sulpot ni Sir sabay dikit nung kandila niya na may sindi na sa kandilang hawak ko na wala pang sindi. Napatulala na ako doon sa kandila na hawak ko habang sinisindihan iyon ni Sir. "Here comes the light" dagdag pa niya sabay ngiti.

Sa pagkakataong iyon, napatulala na lang ako sa mukha niya na maliwanag ngayon dahil sa ilaw na nagmumula sa kandila. Parang biglang bumagal at tumahimik ang paligid, tanging ang tuloy-tuloy at walang humpay na pagtibok ng puso ko ang tanging naririnig ko.

Kitang-kita ko ngayon ang reflection ng ilaw ng kandila mula sa mga mata ni Sir Nathan. Kasunod niyon ang sunod-sunod na pagsindi rin ng mga kandila mula sa paligid namin. Animo'y mga malilit na liwanag na kumikislap mula sa madilim na kapaligiran.

Dahan-dahan akong napatingala sa kalangitan na ngayon ay nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Habang biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin. "It's true... Cassandra and I were lovers before, I met her during my brother's Wedding preparation when I was in college, we once shared beautiful memories together but it ended soon..." tugon ni Sir, patuloy pa rin sa paglalakad ang mga tao at nilalagpasan kami habang naiwan naman kaming nakatigil at nakatayo lang ni Sir sa gitna, hawak-hawak ang mga kandila naming nakasindi na rin ngayon.

"She's back and we're friends again... that was it" patuloy niya pa habang nakatinging ng diretso sa mga mata ko. Ibig sabihin, hindi na niya girlfriend ngayon si Cassandra? Teka nga, bakit kailangan niya pang iexplain sa'kin?

"Sir... pwede po bang malaman kung bakit naghiwalay kayo noon ni Cassandra?" tanong ko, kinapalan ko na ang mukha ko, matagal ko na rin kasi gusting itanong iyon kay Cassandra kung bakit siya bumalik? Kung bakit nag-sorry siya kay Sir Nathan nung nakita ko sila sa hagdan.

Sandali namang hindi umimik si Sir Nathan, napayuko muna siya at napalingon sa paligid namin na puno ng mga naggagandahan at nagkikislapang mga liwanag mula sa libo-libong mga kandila. Napalingon na rin ako sa paligid at napansin kong hindi ko na matanaw sila mama. Hala!

Maglalakad na sana ako ulit kaso nagulat ako nang biglang hawakan ni Sir Nathan ang wrist ko para pigilan ako "Because of a promise..." tugon niya dahilan para mapalingon ako at mapatingin sa kamay niyang nakahawak malapit sa palad ko.

Naalala ko bigla yung tinanong ko siya noon kung bakit siya nandito sa Pilipinas at ang isinagot din niya sa'kin ay 'Because of a Promise'

"A-anong pangako?" hindi ko alam kung saan ko hinugot ang mga salitang iyon, namalayan ko na lang na nasabi ko na pala at huli na para bawiin pa.

Kitang-kita ko ngayon ang lungkot sa mga mata ni Sir Nathan, alam kong may gusto siyang sabihin pero parang may pumipigil sa kaniya na sabihin iyon. "That promise was----" hindi na natapos ni Sir ang sasabihin niya kasi biglang pumatak ang ulan.

Agad naglabasan ng payong ang mga tao, at ang iba naman ay sumilong muna sa mga gilid. Pero kahit umaambon na patuloy pa rin ang usad ng prusisyon. Patuloy pa rin ang tugtog ng martsa, patuloy pa rin ang pag-awit ng dasal ng mga deboto, patuloy pa rin ang hiyawan ng mga tao... at patuloy pa rin kaming nakatayo roon sa gitna ng daaanan ng lalaking nasa harap ko ngayon na tanging nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa akin. Pakiramdam na kung saan magkakahalong emosyon ng kasiyahan at kalungkutan na hindi ko maintindihan.

Ilang sandali pa, nagulat ako nang biglang umupo si Sir sa lupa at gumuhit siya ng larawan ng haring araw na nakangiti gamit ang daliri niya. "Sir" tawag ko sa kaniya sabay hawak sa braso niya para patayuin siya kaso patuloy pa ri siya sa pagguhit doon sa lupa. Anong nangyayare?

"Sir umaambon na, tara na po" tawag ko pa ulit sa kaniya kaso hindi niya ako pinansin, nakayuko pa rin siya doon at gumuguhit sa lupa. Pinagmasdan ko naman ang ginagawa niya. Bakit siya dadrawing sa lupa ng haring araw na naka-smiley face?

"May nakapagsabi sa'akin noon na kapag ayaw ko raw umulan, gumuhit lang ako ng larawan ng haring araw sa lupa para hindi na matuloy ang ulan..." narinig kong tugon niya. Wala naman na akong nagawa kundi umupo na lang din sa tabi niya. Medyo lumalakas na ang ambon at nababasa na rin ang drawing niya sa lupa.

"Ngunit ang sabi ko... mas maganda kung lalagyan ng nakangiting labi ang haring araw..." patuloy pa ni Sir sabay guhit ng nakangiting labi sa larawan ng araw na iyon. Kasabay niyon, unti-unting tumigil ang pagpatak ng ulan dahilan para maghiyawan lalo ang mga tao sa saya. Isinara na nila ang mga payong nila at ang ilan ay umalis na sa mga sinisilungan nila.

Gulat naman akong napatingin kay Sir Nathan "Whoa! Ang galing tumigil ang ulan!" tugon ko at ngayon hindi ko na mapigilan ang ngiti sa labi ko. Kahit pa sabihing nagkataon lang iyon parang ang sarap pa rin sa pakiramdam na tumigil ang ulan.

"Katulad ng larawan ng Haring araw na nakangiti... Gusto kong makitang lagi kang nakangiti... Aleeza" biglang tugon ni Sir dahilan para biglang tumigil ang pagtibok ng puso ko dahil sa gulat. "Dahil ang ibig sabihin ng pangalan mo ay... Kasiyahan (Happiness)" patuloy pa ni Sir habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Aleeza... Kasiyahan na kabaliktaran ng Kalungkutan..."


*****************

Featured Song:

'Sandali na lang' by Eurika

A/N: Maraming Salamat din kay marikitdreams sa calligraphy fan art na ito <3 Ang gandaaa <3


https://youtu.be/CNtd8ZPMWoc

"Sandali na lang" by Eurika

Sources of La Naval de Manila: http://mariansolidarity.com/la-naval-our-lady-of-the-rosary-of-the-philippines/

http://fil.wikipilipinas.org/index.php/La_Naval_Festival

http://lanavaldemanila.blogspot.com/2007/02/story-of-la-naval.html

https://xiaochua.net/2012/10/16/xiaotime-16-october-2012-pinagmulan-ng-la-naval/

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top