Kabanata f(x - 26)

[Kabanata 26]

"And, when I hold you in my arms I promise you
You're gonna feel a love that's beautiful and new
This time I'll love you even better
Than I ever did before
And you'll be in my heart forever more"


- Natalie Cole (Starting Over Again)




"Aleeza..."




Naalimpungatan ako nang biglang may mag-flash na liwanag sa mata ko. Sandali kong naimulat ang mga mata ko pero hindi ko kinaya ang nakasisilaw na liwanag. "Patayin mo nga ang ilaw totoy! Natutulog ang ate mo"


"Sorry ma, may hinahanap lang kasi ako, di ko makita"


"Bukas ng umaga mo na lang hanapin yan, pagpahingahin mo muna ang ate mo"


Napahawak na lang ako sa noo ko, sobrang bigat ng ulo ko at parang tumitibok pa ito. Ang bigat-bigat din ng pakiramdam ko magkaka-trangkaso ata ako. Iminulat ko na ulit ang mga mata ko at tumambad sa harapan ko ang mga glow in the darks na star na nakadikit sa kisame. Nasa bahay na pala ako.


Teka!


Nasa bahay na ako?


Napalingon ako sa gilid at nakita kong hinahalughog ni Alex yung bookshelves namin, ang dami ng kalat sa buong kwarto at yung mga libro ay nakasalampang na rin sa sahig. "Toy! Hindi ka ba makikinig sa'kin?" reklamo ni mama dahilan para mapa-kamot na lang sa ulo si Alex. "Ano bang hinahanap mo? hindi ba pwedeng ipagpabukas yan?" sermon pa ni mama. Wala namang nagawa si Alex kundi sumunod na lang kay mama, binalik na niya sa shelves lahat ng librong kinalat niya, pinatay na niya ang ilaw at lumabas na sa kwarto.

Napatingin ako sa wall clock namin, 10 pm na ng gabi. Anong nangyari? Bakit parang lalagnatin ako? at bakit nandito na ko sa bahay? ang huli kong natatandaan hinihintay ko si Alex sa labas ng room nila pagkatapos...


May narinig akong tunog mula sa piano at sinundan ko iyon hanggang sa makarating ako sa theater hall, at doon nakita ko si Sir Nathan na mag-isang tumutugtog sa piano sa gitna ng entablado. Pagkatapos... Anong nangyare? Bakit nandito na ko sa bahay?


Halos kalahating oras din akong nakatulala doon at pilit na inaalala ang nangyari pero di ko talaga maalala kaya bumangon na ako kahit pa ang sakit-sakit ng likod ko, bumaba na ako sa double deck at dahan-dahang naglakad papalabas sa kwarto. kahit pa parang nalulula ang pakiramdam ko pinilit ko pa rin makalabas doon.


Pagbukas ko ng pinto, napapikit ulit ako dahil sa nakasisilaw na liwanag ng ilaw mula sa salas. Naabutan kong nanood ng TV si mama habang si Alex naman ay nagbabasa ng libro sa tabi niya. "Oh? Aleng! gising ka na pala, halika mag-hapunan ka na" tawag ni mama nang mapalingon siya sa'kin. Agad siyang tumayo at nagtungo sa kusina para sandukan ako ng kanin at ulam.


"Sandali lang, iinitin ko lang ang sinigang na bangus" sabi pa ni mama sabay bukas ng kalan. Naupo na ako sa hapag at pinagmamasdan ko siya. kanina medyo Malabo ang paningin ko pero unti-unti ng lumilinaw ngayon. "Maayos na ba ang pakiramdam mo anak? Ito na yung gamot na hiningi mo sa akin kanina pagdating niyo" patuloy pa ni mama sabay abot sa'kin ng gamot. Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya.

"Po? Humingi ako ng gamot?" Teka! Wala akong maalala na humingi ako ng gamot kay mama! Ni hindi ko nga rin maalala kung paano ako nakauwi ng bahay?

"Lumabas pa ang kapatid mo para bilhan ka ng gamot kanina bago ka matulog, may sinat ka pa rin ba?" sabi pa ni mama sabay hipo sa noo ko. Agad akong napalingon kay Alex na seryosong nagbabasa pa rin ngayon ng sicence fiction na libro.


Pumasok ulit si mama sa kusina para magsandok ng kanin, agad naman akong tumayo at naglakad papunta kay Alex na abala pa rin ngayon sa pagbabasa. Umupo na ako sa tabi niya, "Hoy totoy, anong sinasabi ni mama na nagpabili raw ako ng gamot?" tanong ko sa kaniya pero di niya ako inimik, at dahil sa inis kinuha ko yung librong binabasa niya.


"Ate!"


"Sagutin mo muna yung tanong ko, Humingi daw ako ng gamot kay mama kanina? At paano ako nakauwi dito sa bahay? di ko maalala" ulit ka pa, inirapan naman ako ni Alex. "Ayos ka lang ba ate? Syempre nag-commute tayo kaya nakarating tayo dito sa bahay, pagdating pa nga natin dito di mo pa nga nalalapag yung gamit mo kanina humingi ka na ng gamot kay mama" sagot ni Alex sabay agaw sakin nung librong binabasa niya. Napatulala naman ako ng ilang segundo sa sinabi niya at kasabay niyon biglang naalala ko na ang nangyari...



Naglalaro ako ng flappy bird habang hinihintay matapos ang klase nila Alex, nakaupo ako sa isang mahabang bench na nasa tapat ng room nila. Wala ng katao-tao sa hallway at ako lang mag-isa doon. ilang saglit pa nalowbat na ang phone ko kaya tinago ko na iyon sa bag, tiningnan ko ang relos ko, isang oras pa ang hihintayin ko bago matapos ang klase nila Alex.

Sumandal na lang ako sa bench at pinikit ko ang mga mata ko hanggang sa makatulog ako... at nagising na lang ako nang tapikin ni Alex ang balikat ko tapos na ang klase nila at naglalabasan na rin ang ilang mga kaklase niya.

Tumayo na ako at naglakad na kami ni Alex papalabas sa building nila, sumakay kami ng bus pauwi at sa buong byahe natulog lang din ako. Pagbaba namin sa bus nakasalubong pa namin si Aling Cynthia at pinaalala na naman niya ang mga utang namin sa kaniya. Hindi na lang namin siya pinansin ni Alex, hindi naman pumapatol si Alex sa mga ganoong tao at wala rin ako sa mood kasi ang sama ng pakiramdam ko.

Pagdating sa bahay pinagbuksan kami ni mama ng pinto "Ma, may gamot ba diyan? Lalagnatin ata ako" tugon ko, hinipo naman ni mama ang noo ko "Mukhang may sinat ka anak, sige na magpahinga ka muna hahatid ko ang gamot mamaya" sabi ni mama sabay kuha ng mga gamit ko.

Dumiretso na ako sa kwarto at nagpalit ng pambahay saka natulog.



Teka! Natulog ako? Hindi ako natulog!


"Toy! Hindi ako natulog!" tugon ko pa, hindi naman ako inimik ni Alex. Aagawin ko sana ulit sa kaniya yung libro niya pero iniwas na niya agad sabay lingon sa'kin "Anong hindi natulog?" nagtataka niyang tanong. Napapikit naman ako sa inis.

"Kanina habang hinihintay kita hindi ako natulog, naglakad-lakad lang ako sa hallway tapos may narinig akong tumutugtog ng piano sa theater hall kaya bumaba ako doon pagkatapos nakita ko si Sir Nathan doon... tapos... tapos... hindi ko na maalala" tugon ko pa, nakatitig lang si Alex sa'kin sabay balik ulit ng tingin niya sa libro pagkatapos ko magsalita.

"Toy! Makinig ka" ulit ko pa, pero hindi ulit ako inimik ni Alex, nakakainis talaga. "Wala si Sir Nathan kanina, hindi siya pumasok kaya yung substitute prof ang pumasok kanina sa'min sa physics" tugon ni Alex na dahilan para mapatulala ako. Oo nga pala, si Sir Nathan ang last subject nila Alex.


Pero paano nangyari yun? Sigurado akong nakita ko siya sa theater hall!


"Nababaliw ka na" tugon pa ni Alex, inirapan ko naman siya at napasandal na lang sa sofa. Teka! Nanaginip lang ba ako? Panaginip lang ba iyon? Pero bakit parang malinaw naman lahat? sigurado akong totoong nakita ko si Sir Nathan sa theater room...


Pero bakit hindi ko na maalala yung mga sumunod na nangyare?


Ang sakit sa ulo!





Kinabukasan, maaga akong bumangon dahil hindi naman ako nakatulog ng maayos. Naabutan kong nagwawalis sa labas ng bahay si mama. Alas-singko pa lang ng umaga. "Aleng, naghain na ko ng almusal nandoon sa mesa, maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni mama nang makita niya akong lumabas ng bahay, tumango naman ako. Kahit papaano mas maginhawa naman na ang pakiramdam ko kumpara kagabi.

Nakatayo lang ako ngayon sa tapat ng maliit na gate namin. "Ma, asan si papa?" nilingon ko ang buong kahabaan ng kalye namin pero wala doon ang jeep na pinapasada niya. "Hindi umuwi ang papa mo kagabi, magdamag siyang nagpasada, baka mamayang tanghali uuwi na iyon" sagot ni mama habang patuloy pa rin siya sa pagwawalis ng mga tuyong dahon, alikabok at mga supot ng chichirya na nagkalat sa kalsada.

Napansin kong tuyong-tuyo ang kalsada... Teka! imposibleng matuyo ng ganoon ang kalsada eh kakaulan lang kahapon. "Ma, umulan kahapon diba?"

Nagtataka namang napatingin sa'kin si mama at napatigil pa siya sa pagwawalis. "Hindi, Bakit? Aleng"

Ano? Naalala kong umulan kahapon nakita ko pa nga yung pagpatak ng ulan sa bintana sa school bago ako bumaba sa theater room.

"Pero----"

"Aleng, pumasok ka na sa loob baka mahamugan ka pa, mabinat ka pa niyan" utos ni mama. Wala naman na akong nagawa kundi pumasok na sa loob ng bahay. Ano bang nangyayare?




Nauna na akong pumasok kay Alex sa school, tulog mantika kasi at ayaw pang bumangon. Pagdating ko sa classroom, nandoon na ang iilang mga classmates ko. Nandoon na rin si Jen habang tutok na tutok sa phone niya, at nasa tabi niya sila Iryn at Leana na todo rin makatutok sa mga phone nila. Nilapag ko na ang bag ko sa unahan at nagtungo sa kanila.


"Mga ngets! teka! Iryn, Leana wala naman kayong Algebra class ah" tanong ko, napalingon naman silang tatlo ng sabay-sabay sa'kin. kami lang ni Jen ang may Algebra class.


"Dito muna kami, mamaya na kami babalik sa classroom namin" sagot ni Iryn habang busy pa din sa pagkalikot sa phone niya. Naupo naman na ako sa tabi nila at tiningnan ko kung anong pinagkakaabalahan nila.


Tinitingnan nila ngayon ang fb page na ginawa nila para kay Sir Nathan. "Ngets Aly, narinig mo na ba ang chismis?" panimula ni Leana at bakas sa mukha niya na para siyang binagsakan ng langit at lupa. Maging sila Jen at Iryn ay ganoon din.


"Ang alin?"


"Nag-resign na raw si Sir Nathan" tugon ni Leana na dahilan ng biglaang pagtigil ng pagikot ng mundo ko dahil sa gulat. Ha?


"ANO? BAKET? SERYOSO BA YAN?" gulat kong tanong, hindi ako makapaniwala. Bakit mag-reresign si Sir? Bakit aalis siya? Bakit di man lang siya nagpaalam?!


"Chill lang ngets! chismis pa lang naman, ilang araw na kasing hindi napasok si Sir then may nakarinig na isang estudyante na nagpasa ng resignation form si Sir kay Dean" sagot ni Iryn. Hindi naman ako nakaimik ng ilang segundo, kahit pa sabihing chismis lang yun posibleng totoo rin.


Magsasalita na sana ako kaso biglang bumukas ang pinto at may pumasok na isang babae na naka-dress, nasa 40s na rin ang edad niya, medyo may katabaan siya at nakasuot din siya ng malaking salamin sa mata. "Okay class, please be seated..." panimula niya, agad namang lumabas si Iryn at Leana sa classroom namin. Bumalik naman na ako sa upuan ko sa harapan. "I am Professor Maricar Belmonte, and I will be your professor in Algebra from now on"


ANO?!


Napatulala lang ako kay Ma'am Maricar dahil sa gulat, Ibig sabihin nag-resign na nga ng tuluyan si Sir Nathan!


Pero bakit? Hindi pwede!


"Ma'am nasaan na po si Sir Nathan Abrantes?" tanong nung isa kong classmate, inayos naman ni Ma'am Maricar ang salamin niya, mukhang hindi niya gaanong makita ang itsura ng kaklase ko. "I have no idea, pero nasa faculty room pa ang mga gamit niya" sagot ni Ma'am Maricar sabay kuha ng whiteboard marker. "Okay so open your book on page 121"


Anong nangyare kay Sir? Bakit nag-resign siya?





"Seryoso? Wala na dito si Sir Nathan?"

"Oo, nag-resign na raw"

"Haays, wala na tayong poging prof! ayoko na pumasok"

"Sira! Mag-drop ka na lang, inuuna kasi landi oh"


Napalingon ako sa dalawang estudyante na nag-chichismisan dito sa tabi ko, nakatayo ako ngayon sa tapat ng locker ko at nasa kaliwa ko naman sila. Sinara na nila yung locker nila at umalis na. Bigla namang tumunog ng malakas ang bell at nagsimulang umingay ang hallway at maglabasan ang mga estudyante sa kani-kanilang klase.

Samantalang ako ay nakatayo lang doon sa tapat ng locker at umaasang mapapadaan si Sir Nathan sa hallway katulad ng dati. Ganitong oras, ganitong oras dadaan na siya dapat dito... pero wala na.


Isasara ko na dapat yung locker ko pero may napansin akong kahon na nakasuksok doon sa gilid. kinuha koi yon at naalala kong iyon ang ballpen na pinalagyan ko ng pangalan ni Sir Nathan sa letrang Baybayin. Hindi ko ng apala naibigay ito noon sa kaniya, at mukhang hindi ko na maibibigay pa ngayon.


"Hey!"

Nagulat ako nang biglang may humampas sa locker sabay hawi ng buhok. "Goodmoring Babe" ngisi ni Bryan sabay kindat pa sa'kin. nasa likod naman niya ang dalawang chicks na super model ang dating. "Bry, come on let's eat na" aya nung isang chicks na ang ganda ng pagkakakulot ng buhok, parang aattend ng prom.

Lumingon naman si Bryan sa kanila sabay kindat din. "Just wait babes" ngiti niya sa kanila sabay tingin naman ng masama sa'kin nung dalawang babae. "Have you heard? Wala na si Nathan" tugon pa ni Bryan, di ko na lang siya pinansin, kinuha ko na yung ballpen at sinara ko na yung locker.

Aalis na lang sana ako kaso biglang lumapit pa lalo si Bryan sabay bulong sa tenga ko "Mas mabuti ng ganito, Itapon mo na lang iyan at kalimutan mo na" tugon niya sabay tingin sa ballpen na hawak ko. "Masasaktan ka lang kung ipagpapatuloy mo iyan" patuloy niya pa. hindi naman ako nakapagsalita agad, Anong sinasabi niya?

"Understood?" biglang ngisi ulit ni Bryan sabay akbay doon sa dalawang chicks niya at umalis na sila. Naiwan naman ako doon sa gitna ng hallway habang nakatingin sa kanila.

Anong dapat kalimutan at hindi ipagpatuloy para hindi ako masaktan?




Bago mag-lunch dumaan muna ako sa Faculty room at pinaabot ko sa staff doon sa front desk yung ballpen para kay Sir Nathan, naroon pa naman daw yung mga gamit niya kaya pinasuyo ko na lang na isama rin yung regalo kong ballpen sa kaniya.

Kahit papaano nabigay ko pa rin yung regalo ko sa kaniya kahit aalis na siya.


Dumiretso na ako sa canteen, nakita ko agad sila Jen, Iryn at Leana na nagkukumpulan doon sa pinakadulong table. Tanaw na tanaw din sa bintana sa likuran nila ang makulimlim na langit na nagbabadya na uulan na naman maya-maya. "Nood tayo ng sine later" aya ni Leana, pagkaupo ko sa table nila.

"Dali na para naman maka-move on na tayo kay Sir Nathan" tugon naman ni Iryn na lugmok na lugmok habang tinitingnan ang facebook page ni Sir na ginawa nila na puro broken hearts ang stickers ngayon.




"Ano bang papanoorin natin?" tanong ni Jen habang nakatingin sa listahan ng mga movies dito sa sinehan. Nakabili naman na ng popcorn at drinks sila Iryn at Leana na kinakain na nila ngayon. "Ito na lang! Maganda to!" wika ni Iryn sabay turo doon sa isang movie poster na ang title ay 'Starting Over Again' Starring Toni Gonzaga and Piolo Pascual.


"Napanood ko na yan! Diba pinalabas na yan sa sine last February?" tugon ni Leana, napatingin naman kaming lahat sa kaniya "Ipapalabas nga ulit kasi madaming nag-request oh" sagot naman ni Jen sabay turo doon sa movie poster.


"Ano bang kwento niyan?" tanong ko naman sa kanila, hindi ko pa napapanood ang movie na'to. bigla namang napa-pamewang si Leana "I DESERVE AN EXPLANATION! I DESERVE AN ACCEPTABLE REASON!" sumbat ni Leana habang feel na feel niya ang pag-dadrama. "Charr pwede na ba pamalit kay Papa P?" tawa niya pa tapos si Iryn naman ang biglang umeksena. "Do we still have a second chance? Naniniwala ka rin ba na our love story deserves a better ending?" pag-drama naman ni Iryn na sinabayan pa ng pagkanta ni Jen ng Starting over again.


~And now we're starting over again
It's not the easiest thing to do
I'm feeling inside again
Cause everytime I look at you
I know we're starting over again
This time we'll love all the pain away
Welcome home my lover and friend
We are starting over, over again~


"Teka! Teka nga! napanood niyo na pala, Bakit papanoorin pa ulit natin?" reklamo ko naman kasi hindi ako maka-relate sa pinaggagawa nila kasi hindi ko pa napapanood ang movie.

"Ang ganda kasi, kapag maganda ang movie at kwento kahit ulit-ulitin mo hindi ka magsasawa" sagot ni Leana at nagpasaboy pa siya ng popcorn pero agad naman nilang pinulot kasi napatingin sa amin yug guard.

Dali-dali na kaming pumila sa counter at bumili ng ticket saka dumiretso na sa loob ng sinehan. Hindi pa rin matigil ang pagkanta nila ng Staring over again. Madami na ring tao sa loob ng sinehan at puro lovers pa na naglalandian.


Naupo na kami sa pinakadulong seat, nag-agawan pa si Leana at Jen sa tabi nung isang poging guy na may kasamang girlfriend, agad namang nakipag-palit ng seat yung girl at binakuran na niya ang boyfriend niya. "Mag-brebreak din naman sila tss" bulong ni Jen dahilan para matawa kami, ang bitter pa rin talaga niya kay Arthur.


"Oo nga akala mo naman may poreber sila, Nako parang si Ginny at Marco lang yan, sa huli, hindi pa rin magkakatuluyan tss" pag-sangayon naman ni Leana.


"Whuut? Hindi sila magkakatuluyan? Ang spoiler niyo talaga" reklamo ko, Grabe! Hindi pa nga nag-uumpisa yung movie alam ko na agad yung ending haays.


"Oo ngets! hindi sila magkakatuluyan..." paliwanag ni Iryn. Na ikinasimangot ko lalo, bakit hindi sila pwedeng magkatuluyan?


"Bakit hindi?"


"Kasi teacher si Sir Marco tapos student niya si Ginny" sagot ni Leana, bigla namang napatingin sa'kin ng seryoso si Jen. Hala!


"Kasi malayo ang age gap nila"


"Kasi may iba na si Sir Marco"


"Kasi hindi talaga sila ang nakatadhana para sa isa't-isa, na kahit anong pilit nila hindi pa rin pwede talaga"


Magsasalita pa sana ako kaso nagsimula na ang palabas...


Nagsimula ang kwento sa isang unibersidad kung saan nagtuturo ang propesor na si Marco (Piolo Pascual). Naging girlfriend niya ang kanyang estudyanteng si Ginny (Tony Gonzaga). Noong una masaya pa ang kanilang relasyon hanggang sa iwanan ni Ginny si Marco para mag-aral sa ibang bansa. Hindi nagpaalam o nagpaliwanag man lang si Ginny kay Marco kung bakit siya umalis.

Apat na taon makalipas ang kanilang hiwalayan, bumalik si Ginny sa Pilipinas para gawin ang isang proyekto: ang gumawa ng disenyo para sa restaurant ng ngayo'y chef na si Marco. Habang ginagawa ni Ginny ang trabaho nya, unti-unti niyang napapagtanto na gusto niyang balikan si Marco. Pero ang malaki niyang problema, may girlfriend na itong bago, si Patty (Iza Calzado).

Ginawa ni Ginny ang lahat ng paraang maisip nya para mapasakanya ulit ang pagtingin ni Marco. Pero sa huli, hindi pa rin sila nagkabalikan. Nagpakasal si Marco at Patty habang si Ginny naman ay nakahanap ng panibagong mamahalin.


Hindi man sila nagkabalikan muli ni Marco pero nagkaroon naman sila ng Closure, Isang Closure kung saan pareho na nilang mapapalaya ang isa't-isa sa sakit ng nakaraan. They both Started over again with their new separate lives.


"Oh? Aly uunahan ka na ng langaw diyan sa pagkain mo oh" tugon ni Jen dahilan para matauhan ako, hindi ko namalayan na nakatulala lang pala ako sa pagkain ako. nandito kami ngayon sa food court dahil nagutom na naman si Iryn kaya nilibre niya kami ng pizza.

"Mukhang affected siya sa Staring Over Again oh" pang-asar pa nila Leana at Iryn sakin. Naalala ko na naman bigla yung eksena kung saan sinisigaw ni Ginny sa buong campus yung 'I LOVE YOU SIR MARCO'


Bakit ba kase teacher-student relationship ang pinanood namin? Haays!


Magsasalita na sana ako kaso biglang may sumingit na tatlong babae na naka-suot ng blue dress at magkakaterno pa sila. "Aleeza Mae Agcaoili right?" panimula ni Stacy habang naka-pamewang na nakatayo sa harapan namin. Ganoon rin ang mga alagad niya na nasa likuran niya.

Nagkatinginan naman sila Jen, Iryn at Leana. "I saw you with my boyfriend last week sa Football field, would you please stop flirting with him" reklamo ni Stacy, napakunot naman yung kilay ko. Yung boyfriend niya kaya yung malandi diyan.

"Sino sa mga boyfriend mo?" singit ni Jen dahilan para biglang umusok yung ilong ni Stacy. "Bryan, Bryan Armando" sabat naman nung isang alagad niya na wala ng kilay.

"I am warning you Agcaoili! You'll be in trouble" hirit pa ni Stacy sabay flipped ng hair at nilayasan na kami, sumunod naman sa kaniya ang mga alagad niya at naupo na sila sa isang table malayo sa amin.

"Anong pinagsasabi ng bruhang babaeng yun?" tanong ni Jen sa'kin. napakibit balikat naman ako, "Ewan ko sa kaniya, feeling niya inaagaw ko sa kaniya ang boyfriend niyang ipis" sagot ko pero biglang napatingin si Jen at Leana kay Iryn na biglang nanahimik ngayon.


Hala! Oo nga pala! May gusto si Iryn sa ex-bestfriend niyang si Bryan!


"Magkakilala pala kayo ni Bryan, Aleeza" tugon ni Iryn sabay tingin ng diretso sa'kin, ngumiti siya ng kaunti pero may bakas ng lungkot ang mga mata niya.

"Ahh! Kase ikwekwento ko sa inyo dapat kaso nakakalimutan ko" sagot ko, nagkatinginan naman si Jen at Leana sabay tingin ulit sa'kin at kay Iryn.

"Ah! kailangan ko na palang umuwi ng bahay, sige una na ko" biglang sabi ni Iryn at tumayo na siya. "Wait, sama ako" tugon ni Leana at agad niyang sinundan si Iryn na mabilis na naglakad papalayo. Napatulala naman ako at hindi nakapagsalita agad.


Ilang saglit pa biglang hinawakan ni Jen ang braso ko, "Ngets, alam mo namang hindi pa rin nakaka-move on si Iryn kay Bryan hanggang ngayon" wika ni Jen, napapikit na lang ako sa inis. Nang dahil sa mokong na yun, mukhang nagtatampo sa'kin si Iryn, idagdag mo pa ang praning niyang girlfriend na si Stacy Ughh!





Kinabukasan, maaga akong pumasok. Maaga rin kasi pumapasok si Iryn at tinext ko siya kanina na mag-hihintay ako sa labas ng classroom nila para makausap siya. sumilip ako sa classroom nila at kaunti pa lang ang estudyante doon.

Nakita kong paparating na si Bryan habang may kausap na dalawang chicks na mukhang mga amerikana. Nakakainis talaga siya, mukhang hindi na ako papansinin ni Iryn tapos makakalbo pa ko ni Stacy nang dahil sa kaniya Ugh!

Napadaan naman sila sa'kin nang hindi ako napapansin, lalong-lalo na si Bryan na busy sa pakikipag-landian doon sa mga kasama niyang chicks. Napaupo na lang ako doon sa bench, kailangan ko ng makausap si Iryn, kailangan ma-explain ko sa kaniya na wala akong gusto sa tsonggo niyang bestfriend.

Sakto namang napadaan si Sir Albert, agad akong tumayo at binati siya "Oh, Aleeza ikaw pala, kanina ko pa hinahanap ang kapatid mo" wika ni Sir Albert sabay punas sa salamin niya.

"Bakit po Sir?"

"Ahh, ibibigay ko na ang script sa susunod na play na gagawin namin" tugon ni Sir Albert, at sinuot na niya muli yung salamin niya sa mata. "Sa February pa naman ito pero mas mabuting masimulan na namin ang practice ng maaga... Oo nga pala, pakibigay na lang nito kay Alex, hindi na kaya ng tuhod ko maglakad pa papunta sa building nila" tawa pa ni Sir Albert sabay abot sa'kin nung makapal na folder.

Kinuha ko naman iyon at binasa ang title ng gagawin nilang play 'Our Asymptotically Love Story'


Gulat akong napatingin kay Sir Albert "S-sir, ito po ba yung..."


"Oo, iyan nga ang nobelang binabasa mo" ngiti ni Sir Albert. "Ang kwento ng pag-iibigan ng dalawang taong hindi maaaring magkatuluyan" patuloy pa ni Sir Albert habang nakatingin ng diretso sa akin.


Ang kwento ni Fidel at Salome...


Nakatitig lang ako doon sa script habang naglalakad papunta sa building nila Alex para iabot sa kaniya yung folder na iyon. nagsimula na ring pumatak ang ulan habang naglalakad ako ngayon dito sa hallway sa labas.

Napatingin rin ako sa ibang mga estudyanteng nakakasalubong ko, nagtatawanan sila, nagkwekwentuhan, nagkakasiyahan, animo'y walang mga problemang iniinda. Masaya naman ako, lalo na dahil sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko. Pero bakit may mga bagay na hindi ko maipaliwanag? Mga panaginip, alaala, at pangyayari na hindi ko maintindihan.


Pagdating ko sa classroom nila Alex, napatingin muli ako sa script na hawak ko, 'Our Asymptotically Love Story'. katulad na lang ng istoryang ito na hindi ko rin maipalawanag kung bakit apektadong-apektado ako.


Sumilip na ako sa pa-rectangle na salamin sa classroom nila, at natanaw ko agad si Alex na nagbabasa ng libro sa pinakadulong upuan sa likod. Kakatok na sana ako kaso biglang napatigil ako nang marinig ko muli ang tunog ng piano na umaalingangaw mula sa di-kalayuan.

Napalingon ako sa mahabang hallway, walang katao-tao ngayon at ako lang ang nandoon. Sa pinakadulo naman ay may malaking bintana na kung saan tanaw na tanaw ko ngayon ang malakas na pagbuhos ng ulan.

Parang isang gayuma ang hatid sa akin ng musikang iyon, nagsimula na akong humakbang papunta sa dulo ng hallway at pababa ng hagdan papunta sa theater hall sa ibaba. Habang papalit ako, mas lalong nagiging malinaw sa akin ang musika ng Canon in D.


Naabutan kong naka-uwang ang isang pinto ng theater hall. Teka! Parang ito ang nangyari sa panaginip ko ah?


Nang makarating ako sa malaking two-way door ng theater hall, biglang tumigil ang musika. At dahil dun, agad kong binuksan ang pinto at pumasok doon, parang isang nakabibinging katahimikan ang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa theater hall.

Malamig din ang buong paligid, at tanging ang ilaw lang sa stage ang bukas, natanaw ko ang isang malaki at lumang grand piano na nakapwesto doon sa pinakagitna ng entablado.


Pero walang tao roon.


Napalingon ako sa paligid, walang katao-tao doon. Parang biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko, Sino ang tumutugtog sa piano kanina?

Hindi kaya isa na namang panaginip ito? Nag-iilusyon na naman ba ako?

Pero bakit ganoon? Ganitong-ganito ang nangyari sa panaginip ko kung saan nakita ko si Sir Nathan na tumutugtog ng piano mag-isa dito sa theater hall.

Aalis na lang sana ako kaso nang mabaling ang mata ko doon sa itim na piano sa gitna ng entablado parang may kung anong nag-uudyok sa akin na lumapit doon.


Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagsimula na akong humakbang papunta sa entablado. Sa bawat hakbang na tinatahak ko ay parang may kung anong lamig na bumabalot sa akin na hindi ko maintindihan. Hindi ko rin maialis ang mga mata ko doon sa piano.


Pagtapak ko sa hagdan paakyat sa entablado, mas naging malinaw sa akin ang kalumaan ng piano na iyon. Pero kahit luma na, makintab pa rin ang tipahan nito. Napansin ko rin ang isang manipis na piano notes na nakalagay doon sa taas ng tipahan 'Kanon Und Gigue In D-Dur' ang title ng piano note piece na iyon. Naupo na ako sa tapat ng piano na iyon at pinagmasdan ito ng mabuti.


Bakit parang may kakaibang pakiramdam na hatid din sa akin ang bagay na ito?


Itinaas ko na ang daliri ko upang pumindot sana doon sa piano pero napatigil ako nang biglang may pamilyar na boses na nagsalita mula sa likuran ko.



"Aleeza..."



Agad akong napalingon sa likod at hindi nga ako nagkamali, nakatayo si Sir Nathan sa dulo ng entablado. Naka-white polo shirt siya at itim na pants. Nakatayo siya doon habang nakasuksok ang kamay niya sa kaniyang bulsa at nakatingin ng diretso sa'kin.


Bigla akong napatayo dahil sa gulat, "S-sir! nandito pa po pala kayo"


"Alam mo na pala" tugon niya at nagsimula siyang humakbang papalapit sa piano. "A-ang alin po Sir? Na nag-resign na po kayo?"


Ngumiti lang si Sir ng kaunti at hinipo niya ang piano habang naglalakad pa-ikot doon. "Iyon ba? matagal ko na dapat ginawa iyon---Ah! hindi, sa umpisa pa lang hindi na dapat ako pumunta dito" sagot ni Sir at bigla siyang naupo sa pa-rectangle na upuan sa tapat ng piano. Habang nakatayo naman ako doon sa gilid ng piano.


Medyo magulo ang buhok niya, pero bagay na bagay naman sa kaniya lalo na ang kaunting hibla na tumatama sa mata niya. "Pero mukhang hindi na ako matutuloy" patuloy niya pa, sabay tingin ulit sa'kin.


"B-bakit hindi na kayo matutuloy Sir?" tanong ko pero, bigla namang ngumiti si Sir at may dinukot siya sa bulsa niya. "Dahil hindi ko pa napapasalamatan ang nagbigay nito" sagot niya sabay wagayway nung ballpen na regalo ko sa kaniya. Waahh! Nakita na niya!


Aagawin ko sana kaso bigla niyang iniwas sa'kin yung ballpen, "Oh? Bakit babawiin mo? ang ganda pa naman ng pangalan ko dito" tawa pa ni Sir sabay tingin doon sa nakaukit na pangalan niya in Baybayin.


"Nakakabasa kayo ng baybayin Sir?" gulat kong tanong, bigla namang napangiti ulit si Sir yung labas ngipin. Tumango naman si Sir bilang sagot sa tanong ko.


"Wow, hindi ko po akalain na nakakabasa kayo ng Baybayin... Paano kayo natuto Sir?" tanong ko pa, sa totoo lang parang biglang gumaan ang pakiramdam ko lalo na ngayong ngumingiti ulit si Sir.


"Someone taught me" sagot niya at napatingin siya doon sa hawak kong script na ibibigay ko dapat kay Alex kanina.


"Wow Sir, bihira lang ang mga taong marunong magbasa at magsulat ng Baybayin sa panahon ngayon" tugon ko pa, pero napatigil ako at napatingin din sa hawak kong script na tinititigan ngayon ni Sir Nathan.


"Ahh, Script po ito sa susunod na play na gagawin nila Alex, directed by Sir Albert" paliwanag ko, sabay pakita sa kaniya ng folder na hawak ko kung saan nakalagay sa front page ang title.


"Our Asymptotically Love Story" tugon niya sabay tingin ng diretso sa'kin. "Gagawin nilang play ang kwentong iyan?" tanong niya, biglang nawala ang ngiti sa mukha niya.


"Opo Sir, gagawin nilang play ang kwento ni Fidel at Salome" sagot ko, maging ako ay napatitig na rin doon sa script na iyon. Parang may kung anong kalungkutan na bumabalot sa paligid namin na hindi ko maipaliwanag.


Napatingin naman ako kay Sir na nakatingin din sa akin ngayon, bigla siyang sumenyas na maupo ako sa tabi niya doon sa tapat ng piano. Dugdugdugdug


Parang biglang pumintig ang puso ko, pero pilit ko na lang na pinakalma ang sarili ko at naupo na doon sa tabi niya sa tapat ng piano habang yakap-yakap ko yung script ng 'Our Asymptotically Love Story'


"Sa tingin ko may isang musikang babagay sa kwentong iyan" panimula ni Sir Nathan, at nagsimula siyang tumugtog doon sa piano. Hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil ang paborito kong Canon in D ang tinutugtog niya ngayon.


Nakatingin siya sa tipahan ng piano at kung minsan ay titingin siya sa akin at ngingiti habang tinutugtog niya ang musikang iyon. hindi ko rin maitindihan kung bakit ayaw mawala ng ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ko siya, parang may kuryenteng dumadaloy ngayon sa likod ko na parang kinikiliti ako.


Ang gaan ng buong paligid, ang gaan sa pakiramdam. Animo'y isang masayang alaala na paulit-ulit mong hihilingin na mangyari. Pero napatigil ako nang maalala kong si Sir Nathan ang binatilyong nakita ko noon na tumutugtog ng piano sa mall.


Nang pindutin ni Sir Nathan ang huling nota sa tipahan ng piano, sandali siyang natahimik habang nakatitig lang doon sa tipahan ng piano. "Sir, pwede po bang magtanong?"


Lumingon naman si Sir sa akin, napansin kong nawala na rin yung ngiti niya. "Tumugtog po ba kayo noon sa isang mall sa Alabang... 11 years ago?" tanong ko, bigla namang napaiwas ng tingin si Sir at kinuha niya yung piano notes na nakalagay doon sa itaas ng tipahan ng piano. "Medyo weird nga Sir eh, para po kasing nakita ko kayo sa----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang iniangat ni Sir ang ulo niya at lumingon ulit siya sa'kin.


"Alam mo ba ang ibig sabihin ng Canon in D na nilikha ni Johann Pachelbel?" tanong niya, napatingin naman ako doon sa piano notes ng Canon in D na hawak na niya. 'Kanon Und Gigue In D-Dur' iyon pala ang German title ng Canon in D.


Napailing naman ako bilang sagot sa tanong ni Sir, paborito ko ang musikang iyon pero hindi ko alam ang ibig sabihin. "Ang Kanon in D ay isang musika na ang ibig sabihin ay paulit-ulit" tugon ni Sir Nathan sabay tingin ng diretso sa mga mata ko. "Paulit-ulit at Walang Katapusan" patuloy pa ni Sir at muli niyang sinimulan pindutin sa tipahan ng piano ang unang nota, kasabay niyon ay may narinig akong pamilyar na boses mula sa aking isipan...



"Lumeng... Ano ang iyong ginagawa rito?"



******************

Featured Song:

'Di ko kayang Limutin' by Liezel Garcia


A/N: Canon in D is a piece of music that means Imitation and Repetition. The song begins with an 8-note bass line, with more instruments joining in every four bars as the bass repeats.


Nais ko rin pasalamatan si Binibining ShimmeringShimmer sa kaniyang cute na cute na fan art ng 'Our Asymptotically Love Story' Thank youuu so much! Sobrang napasaya mo ko <3


https://youtu.be/tn04gmijicI

"Di ko kayang Limutin" by Liezel Garcia


Source of Staring Over Again Summary: http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Starting_Over_Again


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top