Kabanata f(x - 20)
[Kabanata 20]
"And when she knows what
She wants from her time
And when she wakes up
And makes up her mind"
-Westlife (Uptown Girl)
"Kalahating kilo nga ng bangus 'Mare, pakihiwa na rin"
"Gawin mo ng isang kilo 'Mare"
"Ito talaga sige na nga isang kilo na" tawa pa ng matandang babaeng suki ni mama, nagulat naman ako nang biglang tapikin ni mama ang braso ko. "Aleng, Ano bang ginagawa mo? ayusin mo ang paghiwa" sita sa'kin ni mama at maging ako ay nagulat din kasi natadtad ko masyado ang bangus na inabot niya sa'kin kanina para hiwain. Nandito kami ngayon sa tindahan namin sa palengke, ako ang tagahiwa at tagakaliskis ng mga isda habang si mama naman ang nagtatawag ng mga mamimili.
"Anak mo 'Mare?" tanong pa nung matandang babae kay mama, napangiti naman si mama. "Oo 'Mare panganay ko, kolehiyo na yan, graduating na sa Marso" pagmamalaki pa ni mama, napangiti naman sa akin yung matandang babae na suki niya. mukhang may kaya yung matandang babae kasi ang sosyal pa ng damit habang namamalengke. Hindi pa puti ang buhok niya pero kulubot na ang balat niya pero hindi naman masyado halata kasi sobrang puti niya.
"Kay gandang dalaga" sabi pa nung matandang babae habang nakatitig sa'kin. ngumiti na lang ako at tumango sa kaniya. Ito yung mga sitwasyong awkward talaga. nagkwentuhan pa saglit si mama at yung matandang babae na suki niya tungkol sa kamahalan ng pwesto dito sa palengke at ilang saglit pa nagpaalam na rin ito.
"Pag naka-graduate ka na anak, bibili tayo ng mas malaking pwesto dito sa palengke" ngiti pa sa'kin ni mama at inemphasize niya pa yung laki ng palengke na tinutukoy niya, natawa na lang tuloy ako. Minsan lang maging ganito ka-hyper si mama kaya masaya akong makita iyon.
Ilang sandali pa dumating na si Alex habang buhat-buhat ang isang banyera pa ng isda. Inilapag na niya iyon sa ilalim ng mesa at isa-isang nilagay ang isda doon. Nagtaka naman kami ni mama kasi may kasama siyang isa pang binata na halos kasing edad ko lang, may inilapag din itong banyera ng isda sa tapat namin. "Salamat Bro" tugon ni Alex doon sa binatang kasama niya. "Ma, si Oscar nga pala bagong katiwala ni Aling Cynthia" pakilala ni Alex sa amin dun sa lalaking kasama niya.
Inabot naman ni Oscar ang kamay niya kay mama para mag-mano "Magandang umaga ho" at sunod naman siyang napatingin sa akin nagulat ako kasi sandali siyang napatigil. Uhm... Okay... so... ano na?
Kaya ako na lang ang nag-abot ng kamay ko para makipag-shakehands sa kaniya "Hi Oscar" bati ko, sinagi naman siya ni Alex kasi nangangalay na yung kamay ko. "Ate Aleeza ko nga pala" tugon pa ni Alex sabay sagi ulit kay Oscar dahilan para matauhan na ito at makipag-shake hands na sa'kin.
Ngumiti lang si Oscar pero agad din itong umiwas ng tingin. "Buti naman may kaibigan ka na Totoy" pang-asar ko pa kay Alex at tinawanan namin siya ni mama. "Wag mo nga akong tawaging totoy" reklamo pa ni Alex at hinubad niya ang tshirt niya na basa na sa pawis dahilan para kiligin yung ibang inday na nandito sa palengke.
"Totoy magdamit ka nga, hindi na makapag-focus yung mga tao dito oh" pang-asar ko pa, napalingon naman si Alex sa paligid at mukhang nagets niya na pinagnanasaan na siya ngayon kaya agad niyang sinuot ulit yung damit niya. "Uuwi na nga ko" inis na tugon ni Alex at nagmano siya kay mama at inerapan naman niya ako saka sila nagpaalam nung lalaking kasama niya na si Oscar.
Ang sungit talaga ng kapatid kong to' Ugh.
Tanghaling tapat na hindi pa rin nauubos ang paninda naming isda. Nakaupo na ako ngayon sa gilid at nagreview na lang ng mga notes ko kasi prelim exams na namin next week. Ilang saglit pa may isang boses ng babae na naririnig naming nagtatatalak mula sa di-kalayuan.
"Magsi-bayad nga kayo, ilang buwan na yang pakiusap niyo na may sakit ang anak niyo, di pa ba yan namamatay" sigaw ni Aling Cynthia doon sa katapat naming mag-asawa na nagtitinda din ng isda. Si Aling Cynthia ng masungit na ale na may ari ng malaking sari-sari store malapit sa bahay namin at siyang kilalang nagpapautang ng 5'6.
Napalingon ako kay mama na mukhang balisa na ngayon, alam niyang kami na ang sunod na puputakan ni Aling Cynthia pagkatapos niya pahiyain yung mag-asawang tindero at tindera. "Ang sakit niyo naman magsalita! Wala kayong karapatan na sabihang mamamatay ang anak namin" galit na sagot nung lalaki na si Mang Ping at akmang susugudin si Aling Cynthia kaso pinigilan siya ng kaniyang asawa.
"Eh sa ang tagal tagal niyo magbayad ng utang niyo, mamamatay na lang ang anak inyo lubog pa rin kayo sa utang" buwelta pa ni Aling Cynthia at mukhang naghahamok din ng suntukan kay Mang Ping, kung kaya't nagkagulo sa palengke, maraming umawat sa kanila para hindi matuloy ang suntukan. Dumating din ang dalawang barangay tanod at inawat silang dalawa.
Bigla namang lumapit si Oscar at hinila na papalayo doon ang amo niyang si Aling Cynthia na beastmode na beastmode na ngayon habang dinuduro-duro si Mang Ping at ang asawa nito. "Kakasuhan ko kayo! Mga walang utang na loob! kayo na nga pinautang may gana pa kayong sagutin ako!" galit nag alit na sigaw ni Aling Cynthia at bigla kaming nagulat ni mama nang mapatingin siya sa amin.
"Isa pa kayo! Hoy Catherine ang laki-laki na rin ng utang niyo sa'kin! tapos may pa-bertday bertday partey pa kayong nalalaman kamakailan! Ang lakas din ng loob niyo! Sana binayaran niyo muna utang niyo!" sigaw pa ni Aling Cynthia hanggang sa maisakay na ito nila Oscar at ng asawa ni Aling Cynthia sa kotse nito. Napahawak na lang ako sa braso ni mama kasi halos lahat ng tao ay sa amin naman nakaatingin ngayon.
Napatingin ako kay mama na ngayon ay nagkaliskis na lang isda at hindi na lang pinansin pa ang mga talak ni Aling Cynthia. "Magsibalik na kayo sa gawain niyo! Tama na ang away" anunsyo nung isang barangay tanod at pinahayo-hayo niya ang mga taong nakiusyoso sa eksenang ginawa ni Aling Cynthia.
Napahinga na lang ako ng malalim. Sinabi ko na rin kasi noon kina mama at papa na hindi na kailangan pang maghanda sa birthday ni Alex at bayaran na lang ang utang namin kay Aling Cynthia kaso nangibabaw pa din ang ugaling pinoy na kahit makapangutang basta may maihanda sa mga bisita.
Kinagabihan, mag-hahatinggabi na habang nagrereview ako sa kwarto saka pa lang dumating si papa galing sa pagpapasada ng jeep. Sasalubungin ko sana si papa kaso mukhang matamlay siya habang tinatapik ni mama ang balikat niya. napasilip na lang ako sa pinto ng kwarto, tulog naman na si Alex. "Mahal bakit? May problema ba?" tanong ni mama habang inaasikaso si papa kumain ng hapunan.
Sandali namang hindi nakaimik si papa, uminom muna siya ng isang basong tubig bago nagsalita "Naalala mong isinangla natin ang prangkisa ng jeep noong isang taon, ang laki na ng interes mukhang hindi na natin matutubos pa ang jeep" panimula ni papa, nagulat si mama sa narinig niya, maging ako ay nagulat din at napahawak sa bibig ko dahil sa sinabi ni papa.
Hindi na namin matutubos ang jeep na tanging hanapbuhay ni papa? Siguradong magagalit si tito Ace!
Naalala kong isinangla ang prangkisa ng jeep noong nakaraang taon para sa pagpapagamot ng nabaling binti noon ni Alex, mahilig kasi maglaro ng basketball si Alex at kasama siya sa varsity ng school nila noong high school pa siya kaso naaksidente siya sa isang game nila, na-dislocate ang joints niya at nasira may nasirang tissue at muscles sa tuhod niya kaya kailangang operahan. Kaya siguro mas lalong lumala ang pagsusungit ni Alex dahil hindi na siya pwedeng maglaro ng basketball kahit kailan.
Kalahating milyon din ang kinailangan para sa pagpapa-opera, hindi naman kayang magpahiram ni tito Ace ng ganoong kalaking pera nang biglaan kaya sila mama at papa na ang gumawa ng paraan. Sinangla nila ang prangkisa ng jeep.
Kailan ko na talaga maka-graduate at makahanap ng trabaho para matapos na ang lahat ng problema namin.
Kinabukasan, alas-otso pa lang ng umaga nagsimba kami ni mama at Alex sa simbahan ng Cathedral of Our Lady of the Pillar o mas kilala bilang Imus Cathedral. Naabutan namin ang simula ng misa pero dahil puno na ang simbahan sa loob nakatayo na lang kami sa gilid habang nakikinig ng misa.
Pagkatapos ng misa nagpaalam muna ako kay mama na magsisindi ako ng kandila sa bahagi ng sindihan ng kandila sa gilid ng simbahan. Marami ring tao doon, bumili ako ng isang kandila at nagtungo na doon. naalala ko tuwing birthday, mahal na araw, pasko at bagong taon lang ako nagsisindi ng kandila dito para magdasal at humingi ng gabay mula sa Panginoon.
Nang matapos ko ng sindihan ang kandila at manalangin, nagulat ako nang biglang may nagsalita mula sa tabi ko "So Aleeza, what are you praying for?" nakangiting tanong sa'kin ni... Cassandra. Sandali naman akong napatulala sa kaniya, ang ganda niya naka-white dress siya at sobrang blooming pa. agad naman akong napalingon-lingon sa paligid, Shems! Baka nandito rin si Sir Nathan kasama niya! Waaahh!
"Why?" nagtataka niyang tanong sa'kin at napalingon-lingon din siya sa paligid. "Sinong hinahanap mo?" tanong niya pa. Agad ko namang inayos ang sarili ko at hinarap siya "Ah---H-hinahanap ko lang sila mama, nasaan na kaya sila?" palusot ko pa at nagkuwnaring lumingon-lingon ulit sa paligid. Napangiti naman si Cassandra habang at sinindihan na niya ang kandilang hawak niya mula sa apoy ng kandila ko.
"Sabi nila, kung kanino mo raw kinuha ang apoy mula sa kandilang hawak mo then your lives will be connected" panimula pa ni Cassandra, napatingin naman ako sa kandila niya na may apoy na ngayon at kinuha niya yung apoy mula sa kandila ko.
"In simple words, every people in this world are connected to each other, kaya totoo ang phrase na 'It's a small world', kahit gaano pa kalaki at kalawak ang mundo may mga tao talagang kahit anong gawin mo, kahit saan ka magpunta ay magiging konektado pa rin sa buhay mo" patuloy pa ni Cassandra, nagtataka naman akong napatingin sa kaniya. Bagay na bagay nga talaga sila ni Sir Nathan ang dami nilang nalalaman at hugot sa buhay, habang ako eh puro kalokohan laman ng utak ko.
"Have you ever met or found your special someone Aleeza?" tanong pa sa'kin ni Cassandra sabay ngiti. Napaisip naman ako sandali dahil sa tanong niya, si Sir Nathan na ba ang special someone ko?
"You think for a couple of second, it means you have" dagdag pa ni Cassandra sabay ngiti na naman ng matamis. Gusto ko man mainis sa kaniya pero parang hindi ko naman magawa, mabait at totoong busilak talaga ang kalooban ni Cassandra.
"I hope that guy deserves your love, because every woman deserves a happy ending" ngiti pa ni Cassandra at bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "A broken heart, a tragic fate, those tears and pain... are the consequences of a forbidden love" patuloy niya pa at sa pagkakataong iyon hindi ko maunawaan kung bakit parang may kalungkutan akong naramdaman sa puso ko. hindi ko na rin maintindihan kung bakit niya sinasabi sa akin ito, itatanong ko na sana sa kaniya kaya lang bigla siyang tumawa ng mahina, "I'm sorry, masyado lang ako nadala sa mga ttragic novels na binabasa ko lately" tawa pa ni Cassandra at binitawan na niya ang kamay ko
"Anyway, I know that you're taking good care with your heart naman, No lovelife no worries" biro pa ni Cassandra at bigla niyang hinawakan ang braso ko "Nagsisimba ka rin pala dito" tugon niya pa at naglakad na kami papalabas doon sa sindihan ng mga kandila.
Maaliwalas ang kalangitan ngayon, at napakarami ring tao ang nagpapasukan na sa simbahan para sa susunod na misa. "Oo... dito kami palagi nagsisimba nila mama" sagot ko, ngayon ko lang narealize na siya lang pala ang nagdadaldal kanina.
"Me too, kahit taga-Bacoor pa ako, pumupunta pa ako dito sa Imus para magsimba" nakangiti niyang sagot, ang tangkad niya at naka-high heels pa siya. nagmukha tuloy akong nakababatang kapatid niya. "Ikaw lang? si Sir---Nathan?" tanong ko sabay lunok ng laway ko na namumuo na sa lalamunan ko. para kasing sasabog yung puso ko banggitin ko lang yung pangalan ni Sir. Haays.
Napangiti naman si Cassandra at napatigil sa tapat ng isang matandang babae na nanlilimos sa gilid ng simbahan, inabutan niya ito ng pera. Bukod sa ang ganda-ganda na niya, ang bait-bait pa, matulungin pa siya. "Nasa Quezon City si Nate, busy daw siya ngayon kaya di niya ako masasamahan dito" sagot ni Cassandra at nagpaalam na siya doon sa matandang babae.
"P-palagi ngang busy yun si sir" sabi ko na lang at nagpatuloy na rin sa paglalakad habang nakakapit pa din si Cassandra sa braso ko. nasaan na ba sila mama?
"Yeah you're right, when we first met nga eh sobrang busy din niya" tawa pa ni Cassandra at namumula na ngayon yung pisngi niya habang inaalala ang unang pagkikita nila ni Sir Nathan. Ngumiti na lang din ako, ayoko ng itanong pa kung anong nangyari nung una silang magkita, masasaktan lang ako.
"I was in my second year of college that time when he's older brother David got married, ang ate ko ang wedding organizer ng kasal ng kuya ni Nate, summer naman kaya tumutulong ako kay ate sa work niya, I'm always with her kahit saan sila magpunta ng clients niya, then one day it was the day of shooting the pre-nup video, may part doon na magbibigay ng sweet and inspiring messages ang family members ng ikakasal and that was the day I first saw the brother of the groom... si Nathan" panimula ni Cassandra. Napalingon na lang ako sa kaniya, nandito na kami ngayon nakatayo malapit sa sakayan ng jeep, gusto ko na sanang pumara at sumakay ng jeep para makaalis na doon kaso parang may kung anong nag-uudyok sa akin na pakinggan ko ang kwento ni Cassandra.
"Actually, na-love at first sight talaga ako sa kaniya, he's so handsome and a gentleman, I was the one who took the video message, I think I'm gonna fall from my chair when he started to talk ang give his long message for his brother, naalala ko pa nga yung sinabi niyang 'Never let your wife cry because one of the man's failure in life is when he make his lover cry" patuloy pa ni Cassandra. Naalala ko bigla yung umiyak siya noon habang yakap-yakap si Sir Nathan sa hagdan, gusto ko tuloy sabihin na nag-fail na pala si Sir Nathan kasi pinaiyak niya si Cassandra tss...
"To make the long story short, nagkakilala kami, and pareho pala kami ng University na pinapasukan kaya mas naging madalas ang pagkikita namin until I confessed to my feelings to him" tugon pa ni Cassandra dahilan para mapalingon ako sa kaniya.
"I-ikaw ang nag-confess kay sir?" tanong ko na ikinatawa naman ni Cassandra.
"Looks absurd right, pero yes ako ang naunang nag-confess sa kaniya, it was the day of his birthday when I told him that I have a gift for him... it's my confession" kinikilig na tugon ni Cassandra, napatulala lang ako sa kaniya. Hindi ko akalaing malakas rin pala ang loob ni Cassandra nagawa niyang i-voice out ang feelings niya sa isang lalaki.
"And I ask him if he's going to accept my gift... and he said 'Yes it's a wonderful gift after all" patuloy pa ni Cassandra habang nakangiti na ng todo. After the confession naging sila na. Teka! Naalala ko na nag-sorry siya noon kay Sir Nathan... at lately lang naman siya muling sumulpot sa buhay ni Sir, ibig sabihin nag-break sila dati? Pero bakit?
Itatanong ko na sana kay Cassandra kaso biglang dumating si Mama at Alex at may dala-dala silang mga kakanin. "Andito ka lang pala Aleng, kanina ka pa namin hinahanap tara na" tawag ni mama, pinakilala ko naman sa kanila si Cassandra at maging si mama ay nabighani sa kagadahan niya. kakilala naman na ni Alex si Cassandra kasi palagi daw kasama si Cassandra sa lecture sessions nila ni Sir Nathan para sa physics contest last week.
Isinakay naman kami ni Cassandra sa kotse niya at hinatid kami sa bahay. "Salamat Hija, pagpalain ka nawa ng Diyos" paalam ni mama kay Cassandra habang nakangiti ng todo at kumakaway sa kaniya. "Walang anuman po Mrs.Agcaoili" ngiti naman ni Cassandra. Nakababa na kami ngayon sa kotse niya.
"Tita Cath na lang ang itawag mo sa akin Hija" tugon pa ni mama, nagpaalam na muli si Cassandra sa amin saka niya pinaandar ang kotse niya at tuluyan nang umalis. "Napakabait at napakagandang dalaga, gusto ko maging katulad siya anak kapag nakatapos ka na at naging maganda na buhay mo" tugon pa sa'kin ni mama.
"Oo nga pala, paano niyo pala siya nakilala ni Alex? Teacher din siya sa school niyo?" tanong ni mama, puro kasi kabataan ni mama ang dinadaldal niya kay Cassandra kanina nung nasa kotse kami. "Girlfriend siya ni Sir Nathan ma" sagot ni Alex at diretso na itong pumasok sa bahay. napatango-tango naman si mama, "Siya pala ang tinutukoy ni Ser Nathan na nag-mamayari ng puso niya, kay swerte naman niya kay Cassandra" saad pa ni mama at pumasok na rin siya sa loob ng bahay. naiwan naman akong nakatayo mag-isa doon sa labas.
Ang swerte nga nila sa isa't-isa... match made in heaven talaga, kaya ang mga katulad ko ay hindi na dapat sirain pa ang magandang kapalaran at pag-iibigan nilang dalawa.
Kinagabihan, habang nakahiga ako sa kama at nagrereview, biglang may nag-message sa akin sa messenger at laking gulat ko nang makita kung sino ang nanggagambala ngayon sa mapayapa kong gabi.
Gising ka pa? Online ka pa oh 😊 (15 seconds ago)
Shemay! Wala talaga sigurong balak mag-aral ang mokong na to kaya gusto niyang mangdamay pa ng ibang tao para makasama niyang bumagsak. Sineen ko na lang yung message ni Bryan.
If you're now sleeping, I'm on the way to visit you in your dream 😉 (10 seconds ago)
Ughhh! At dahil sa inis napabangon ako sa kama at madiin akong nagtype sa keyboard ng phone ko.
Ayokong mabangungot! Tigilan mo na nga ako! (sent)
But I'm the man of your dreams, right? 😉 (10 seconds ago)
Man of your dreams mo mukha mo! (sent)
Agad kong pinindot yung block button, at blinock ko na ang impaktong lalaking yun! haays. Kainis! Mukhang nawala tuloy lahat ng nireview ko dahil sa panggugulo niya ughhh!
"Since our prelim exam will be on Wednesday, I expected you all to be present... wag ng absent ng absent" paalala ni Sir Nathan sa klase sabay tingin sa'kin, ako ba pinariggan niya?
Teka nga! bakit ang sigla-sigla niya ngayon? kanina pa siya nakangiti habang nagtuturo at nakikipagbiruan pa sa ibang mga kaklase ko.
"Let's solve it!" engganyo niya pa sa mga estudyante at nagpa-activity pa siya. Nakakainis lang kasi lahat kami dapat kasali eh hindi nga ako mahilig sa mga ganitong activity. Ang game na inintroduce niya ay 'X and Y'
Bubuo kaming lahat ng malaking circle at magpapasahan ng whiteboard marker, may tatlong equations na sinulat si sir Nathan sa board kakanta kami ng 'X and Y' habang pinapasa-pasa ang marker at kung kanino tumigil ang kanta at saktong kung sino ang may hawak ng whiteboard marker siya ang magsosolve ng equation doon sa board. Kapag hindi niya na-solve sasayaw sa platform. My Gosh! sobrang nakakainis talaga!
Hindi pa naman ako dancer at para akong kawayan na gumegewang-gewang pag sumasayaw Ughh!
"Okaaay! Let's start" masiglang tugon ni Sir Nathan habang nakangiti ng todo. Isa pa to si Sir nakakainis bakit ang saya-saya niya? haays!
X and Y
X and Y
Come and solve the X and Y
Where the final answer could only be
Found from X and Y
Pagtigil ng kanta muntikan nang mapunta kay Jen yung marker buti na lang naibato niya doon sa katabi niya na nataranta kaya sinalo naman, kaya ayun siya ang magsosolve ng equation sa board. "Go Angela!" cheer pa ng lahat, 1 minute lang kasi ang binigay ni Sir na time para masolve ang equation halatang gusto niya talaga kaming pasayawin lahat sa platform Ughhh!
"Time's up! You better take the punishment Angela" tawa pa ni Sir Nathan at nag-cheer naman ang lahat na sumayaw na si Angela, malakas naman ang loob ni Angela at hindi siya mahiyain kaya ayun si ateng nag-hip-hop moves na.
Mas lalong lumakas ang hiyawan at inasar pa nila si Sir Nathan na makipag-show down ng hip-hop moves, at syempre dahil naasar ako kay Sir isa ako sa pinakamalakas na nangantyaw na sumayaw din siya! Ha! Akala niya kami lang ang mapapahiya dito ahh!
"No, No, I don't dance" pagtanggi pa ni Sir pero nag-join force na kaming lahat na tuksuhin siyang sumayaw, feel ko mag-rerebolusyon na kami ngayon at sasabaksa gera dahil sa lakas ng sigaw namin. "Get a whole pad, we're going to have a quiz" tawa ni Sir Nathan at naglakad siya papunta sa table niya at kinuha niya yung libro niya. Halaaaa!
"Joke lang sir! Tara na laro na lang tayo! Di ka na namin papasayawin" tawa pa ni Jen at agad namang sumang-ayon ang lahat sa kaniya, ngiting tagumpay naman ngayon si Sir Nathan kasi mukhang nanalo pa rin siya. Kainis! Bakit panakot lagi ng teacher ang quiz, sabagay nakakatakot naman talaga.
Kaya ayun balik na naman sa laro,
X and Y
X and Y
Come and solve the X and Y
Where the final answer could only
Found from X and Y
"Waaaaait!" sigaw ko sabay hagis sa katabi ko nung marker pero di niya sinalo. Halaaaa! "Aleeza! Aleeza! Aleeza!" sigaw nilang lahat, kainis! Kainis! Kainis!
"Solve it Agcaoili" narinig kong tawa pa ni Sir sabay turo sa board, ang hihirap talaga ng equations ni sinulat doon ni Sir sa board, ang daya talaga!
"GO NGETS! MAG-READY KA NA SA DANCE PEFROMANCE MO!" pang-asar pa ni Jen habang tumatalon-talong pa sa tuwa. Napatingin naman ako sa mga kaklase ko na mukhang enjoy na enjoy ang mga pangyayari, lahat sila umaasang hindi ko masagutan yung equation para makita nila ang kawayan dance moves ko. Ughh!
"Time starts now!" saad ni Sir.
"Hala! Wait" sigaw ko pa sabay dampot nung marker sa sahig at dali-dali akong tumakbo papapunta sa board at sinolve iyon.
"50 seconds" asar pa ni Sir Nathan, shemay!
Paano ba to? wait di ako makapag-concentrate!
"Sisiw lang yan sa math wizard champion natin whooo!" asar pa nung loko-lokong kaklase ko, na ikinahiyaw din naman din ng iba.
"40 seconds" narinig kong tugon pa ni Sir at naglakad pa siya paakyat sa platform para tingnan ang pagsosolve ko. Kainis! Bakit kailangan niya pang lumapit?!
Di ko na alam ang gagawin ko, wala pa ako sa kalahati sa solutions na ginagawa ko, isabay mo ba ang hiyawan ng mga kaklase ko, at ang nakakabang mangyayari sa'kin pag di ko natapos ang pag-solve nito, idagdag pa ang nakakainis na presensiya ni Sir Nathan na nasa tabi ko na at tinitingnan niyang mabuti ang siosolve ko Waaaahh!
"30 seconds"
Shems! Mas lalo akong napreressure kapag nag-cocountdown haays!
"20 seconds"
Waaahh! Nakuha ko na ang product value ng x, The product of 116 reciprocally and be simplified together with its denominator to get the final answer...
"10 seconds"
116 is divisible by 4 along with its numerator 72
"5...
4...
3...
2...
so the final answer is 29/18.
"Time's up!"
Agad kong binilugan yung final answer ko. whew! Grabe!
"Ang galing natapos mo ngets!" sigaw pa ni Jen.
"But we're not yet sure if her answer is correct" tugon naman ni Sir Nathan at humakbang pa siya papalapit doon sa board kaya bumaba na ako sa platform. Sandali niyang pinag-aralan iyon at tiningnan mabuti.
"Where did you get the x value?" tanong ni Sir sabay lingon sa'kin at binilugan niya pa ng red mark yung solutions ko. Shemay! Mali ba?
Agad naman akong umakyat ulit doon sa platform at tinuro ko sa kaniya yung solution ko, napatango naman si Sir Nathan. Pero may binilugan na naman siya sa kabilang solutions ko "How about the y value?" tanong niya pa, sabay turo doon sa y.
Napakunot naman yung noo ko "Sir ang sabi po sa question is find the x value only, wala namang sinabi na hanapin din yung y value" sagot ko, sabay turo doon sa question.
"How could you find x if you didn't find y did it come up with that answer?" tugon pa ni Sir habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. napaiwas naman ako ng tingin at tiningnan ko na lang yung solutions ko.
"I just use the canceling and simplifying method sir" sagot ko, napatango-tango naman si Sir "So you use the shortcut method?" tanong niya pa. tumango naman ako bilang sagot sa tanong niya.
"Shortcuts aren't applicable in every equation, there are times that you will be misdirected and get the wrong answers" wika pa ni sir, napalingon naman ako sa mga kaklase ko na napatahimik na rin.
"Eh sir pareho lang naman ng kakalabasang sagot yun eh" banat ko naman, napailing-iling naman si Sir, naalala ko bigla na ganito kami magtalo every tutorial session namin bago ang contest.
"Yes, you will still get the final answer but not the whole and exact solution why you end up with that answer, kasi pinili mo ang shortcut hindi mo nalaman ang buong dahilan kung bakit naging ganoon ang sagot mo" patuloy pa ni sir sabay turo sa solution ko na maikli lang.
"You must face the long journey of writing down the solutions and formulas to find the final answer rather than simplify it or use the shortcut method" patuloy pa ni Sir habang binibulugan yung bawat numbers sa maikling solution ko. "When you take the shortcut, you may still find x but you will never get the answer of y" dagdag pa ni Sir Nathan habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. hindi ko rin maintindihan kung ano bang gusto niyang ipaunawa sa akin, para kasing may mas malalim pang dahilan.
"Whoo! Sasayaw si Aleeza!" kantayaw pa nung loko-loko naming classmate at nagsimula na naman silang maghiyawan. At dahil dun napangiti na si Sir Nathan at nilagyan niya ng check mark ang solution ko.
"It's almost correct, you get the right answer but the solution you use is incomplete... so you dance" nakangiting tugon ni Sir Nathan at bumaba na siya doon sa platform. WHAAAAAT? SHEMAAAAY NAMAN OH!
"Sasayaw na yan! Sasayaw na yan! Sasayaw na yan!" pang-asar pa sa'kin ng mga kaklase ko at nagunguna pa si Jen. Ughh! At dahil wala na akong takas, sumayaw na ako, nag-robot robot dance na lang ako at wala na akong pake kung mapangitan sila sa performance ko, eh pinilit nila akong sumayaw eh magtiis sila diyan.
"Ngets! chill lang!" awat sa'kin nila Jen, Iryn at Leana nandito kami ngayon sa canteen at nilalaklak ko ang yakult. Naka-apat na yakult na ako. "Magtatae ka niyan sige ka!" banta pa ni Iryn pero lumalklak din naman siya ng yakult at mas madami na nga siyang nainom sa'kin.
"Nakakainis kasi si Sir, ughh! Hindi talaga ako sumasayaw eh" reklamo ko pa, kanina pa ko naiinis kasi sa buong buhay ko first time kong sumayaw ng ganon sa harap ng madaming tao haays. At mas nakakahiya pa kasi nakita rin ni Sir kung paano ako sumayaw huhu.
"Okay lang yan ngets! makakalimutan din nila yan" saad naman ni Leana, sabay kampay ng yakult na hawak niya at nag-cheers kaming apat. "Anyway, may fresh and juicy update ako sa inyo" patuloy pa niya at dahil dun nagkumpulan na kami.
"Remember Cassandra? Yung magandang girlfriend ni Sir Nathan" panimula niya, napatigil naman ako, bakit tungkol na naman kay Sir Nathan haays. Di pa ako lulubayan ng mga balita tungkol sa kaniya? Paano na ako makakapag-move on neto!
"Nag-break pala sila noon after graduation nila sa college, then lately lang sila nagkabalikan ulit, I think last last week lang" patuloy pa ni Leana, interesadong-interesado naman sa tsismis yung mukha ni Jen at Iryn.
"Bakit naman sila nag-break?" tanong ni Jen, napaisip naman ako. Oo nga! nag-sorry noon si Cassandra kay Sir Nathan at aksidente kong narinig yun!
"I don't know, yun din ang gusto kong malaman" sagot naman ni Leana. At napailing-iling siya sabay laklak ng yakult. "Saan mo naman nalaman ang chika na yan?" tanong ni Iryn.
"Bestfriends ang ate ko at si Cassandra, kagabi ko nga lang nalaman eh" sabi pa ni Leana. Whoah! So kaibigin ng ate ni Leana si Cassandra! Grabe! Ang It's really a small world talaga.
"Pero bakit kaya nag-break noon si Cassandra at Sir Nathan? Tanong po sa ate mo Leana" pilit pa ni Jen at Iryn. Napasandal naman ako sa upuan ko.
Bakit nga ba nag-break si Cassandra at Sir Nathan noon? Ano ang dahilan?
Tumambay na muna ako sa football field kinahapunan, hinihintay ko pa si Alex sabay kami uuwi ngayon, tinext ko siya kanina. Walang naglalaro ngayon sa football field kasi mukhang may klase lahat, at yung iba ay nagsiuwian na.
"Looks like someone wants to see me" narinig kong tugon ni Bryan sabay na nakatayo sa likuran ko, naka-black leather jacket siya ngayon at nag-fefeeling action star eh mukha naman siyang holdaper sa kanto. "Napapadalas ka dito ah, from now on it would be our meeting place" ngisi niya pa sabay turo ng football field.
Shemay! Teritoryo at lungga niya pala to, hindi na dapat ako tumatambay dito. Sinamaan ko na lang siya ng tingin at akmang aalis na pero bigla na naman niyang hinarangan ang daadaanan ko, bagay siguro siya mag-traffic aid kasi napapahinto niya yung mga dadaan.
"You know what, I'm am very curious last night, all of a sudden I can no longer message you" ngisi niya pa sabay pakita sa'kin nung chatbox namin na hindi na niya ko pwedeng ma-message kasi blinock ko na siya.
"Alam mo naman pala ang sagot bakit tinatanong mo pa?" reklamo ko, wala ako sa mood ngayon, isa pang nakakainis na nilalang yung pinsan niya kanina na pinasayaw ako sa klase at kung ano-anong pinagsasabi ughh! Magkadugo nga talaga sila!
"Right, alam mo naman din ang sagot why I'm into you... bakit tinatanong mo pa?" ngisi niya pa sabay kindat at may papungay-pungay pa ng mata, tusukin ko yang mata niya eh. Napaatras naman ako kasi naamoy ko na ang kalandian niya.
"Bakit ang landi mo?" reklamo ko ulit, nakakainis na kasi ang isang salagubang na to!
"Bakit ang pakipot mo?" banat naman niya at ginaya niya rin ang pag-crossed arms ko. Aba!
"Hindi ako pakipot!" -ako
"Hindi ako malandi!" -siya
"Malandi ka kaya! Tingnan mo nilalandi mo ako!" buwelta ko pa sabay duro-duro sa kaniya, nakadiri talaga ang f*ckboy na to!
"Ikaw naman pakipot! Tingnan mo nagpapakipot ka pa rin sa'kin!" ngisi niya pa. napapikit na lang ako sa inis. Ugh! Walang patutunguhan ang usapan naming to. in-erapan ko na lang siya at bumaba na lang ako sa football field at doon na lang ako dadaan kaso napatigil ako nang magsalita siya.
"Kung malandi talaga ako... dapat pinatulan ko din ang bestfriend ko, right?" tugon niya dahilan para mapalingon ako sa kaniya, bestfriend niya? si Iryn ba ang tinutukoy niya?
"Looks like you're interested on what I'm going to say huh" pang-asar niya pa at bumaba na rin siya sa football field at naglakad papalapit sa'kin. "Kilala ko kayong mga girls, kapag nagkwento ang kaibigan niyo papaniwalaan niyo agad kahit pa hindi niyo naman naririnig ang side nung guy" nakangising tugon pa ni Bryan, napakunot naman ang noo ko. so, social norms and behavior expert na siya ngayon?
"And I assume na lahat ng kinuwento sayo ni Iryn are bias" sabi pa niya at nagsimula siyang maglakad doon sa football field. Hindi naman ako umalis sa kinatatayuan ko at balak kong tumakbo na lang papalayo sa kaniya kaso nacucurious ako sa ikwekwento niya.
"She's your friend, right? And I'm also her friend... her bestfriend... before" panimula niya pa habang naglalakad-lakad paikot-ikot doon sa football field. Ayaw niya siguro masayang ang oras niya kaya nag-paparactice na rin siya ngayon.
"We become friends since elementary until last year... but everything change when she confessed her feelings to me" tugon niya, napataas naman yung kilay ko kasi hindi na siya nakangisi ngayon.
"Diba dapat nga matuwa ka kasi may nabihag ka na namang girl" pang-asar ko pa sa kaniya dahilan para ngumisi na naman siya. "Ganyan talaga ang tingin mo sa'kin ah?" tawa niya pa at nagsimula na siyang mag-practice ng mga footworks niya dito sa football field.
"I won't blame you, hindi ko nga rin maintindihan kung bakit habulin ako ng mga girls, I'm so tired of resisting kaya pinagbibigyan ko na lang sila" sagot niya pa at ang swabe-swabe pa ng dating. Ang kapal talaga!
Hindi ko alam kung maiinis o matatawa na lang ba ako sa kayabangan at kahibangang taglay ng mokong na to eh "See? Hindi ka na rin maka-resist sa charms ko, you're already laughing" pang-asar niya pa sa'kin sabay turo, bigla naman akong natauhan kasi hindi ko namalayan na natawa pala ako sa pinagsasabi niya.
"Hindi ah" sagot ko na lang at balik neutral mode ako. napailing-iling naman siya habang nagtatakbo pa din doon sa football field. "Pakipot ka talaga" banat niya pa, Ughh!
"Anyway, I prove to you na I don't take all girls for granted, especially my bestfriend Iryn, since high school I'm aware that she has feelings for me but I choose not to ask her kasi ayokong masira ang friendship namin, everytime na magkasama kami hinihiling ko na hindi siya magtapat sa'kin dahil hindi ko alam ang isasagot ko, I do love her but as a sister a baby sister... kaya maling ma-fall siya sa'kin kasi kaibigan at kapatid lang talaga ang tingin ko sa kaniya... it's not true na kaya hindi ko na siya pinansin kasi mataba siya or what, kung sa physical appearance lang ako titingin bakit naging magkaibigan pa kami since elementary hanggang college diba? bakit tumagal ng ganoon ang friendship namin kung panlabas na anyo lang tinitingnan ko" paliwanag niya pa. napatahimik naman ako at napaisip ng mabuti, sabagay may point din naman siya, mataba na si Iryn since elementary pero kinaibigan pa din siya ni Bryan.
"Eh bakit kasi hindi mo ipaliwanag sa kaniya para maayos na ang friendship niyo?" tanong ko pa, napailing-iling naman siya. "It wouldn't work that way, I think mas mabuti ng ganito, kung mababalik man ang friendship namin alam kong patuloy lang siyang aasa sa'kin at ayokong paasahin siya habambuhay, mas okay na hindi na lang kami magpansinan para maka-move on na siya sa feelings niya sa'kin at makahanap ng iba na mas nararapat sa kaniya, after all, papasalamatan din niya ako in the end, I know na hindi ang tulad ko ang nararapat sa mabait kong bestfriend na yun" sagot niya, napatango-tango naman ako, may tinatago din pa lang butil ng knowledge ang mokong na to.
"Now you know? Bilib ka na sa'kin noh?" pang-asar niya pa. napa-whatever look naman ako. "Di ko lang ine-expect na may laman din pala yang utak mo kahit papaano, akala ko puro kalandian at kayabangan lang laman niyan eh" banat ko pa, pero sa pagkakataong iyon natawa na lang din ako.
"Sabi nga nila, don't judge the cover... of the page... of the book... Ano nga ulit yun?" tanong niya pa at napatigil siya habang iniisip yung quote na yun. hindi ko alam pero natawa na lang ako, mukha kasi siyang shunga.
"Don't judge the book by its cover kase" tugon ko at napa-suntok naman siya sa hangin "Yes! Yun nga! inunahan mo lang ako, naisip ko na yun eh" tawa niya pa at nagsimula na naman siyang magtatakbo doon sa football field.
Medyo madilim nan ang nagpaalam ako kay Bryan na uuwi na ako, "Hey! hahatid na kita" ngiti niya pa, teka! Mukhang bumalik na naman yung nakakalokong ngiti niya.
"Don't worry, hindi kita lalandiin... sa ngayon" tawa niya pa na ikinataas ng kilay ko, "Wag na lang, kaya ko namang umuwi mag-isa" sabi ko na lang at akmang naglakad na papalayo pero humabol pa din siya. napadaan na kami sa parking lot malapit sa gate 3.
"Bakit kayong mga girls palagi niyong sinasabi na kaya niyong mag-isa kahit hindi naman talaga" pang-asar niya pa, at napatigil ako sa paglalakad sabay lingon sa kaniya. Sinusubok niya ata ang mga kakayahan ng mga kababaihan ah!
"Kapag sinabi naming kaya namin, kayang-kaya talaga namin! Patunay na ang mga working moms, single moms, career woman at mga babaeng nakakayang bumangon sa kabila ng mabigat na problemang kinaharap nila" paliwanag ko sabay pamewang pa pero tinawanan lang ako ni loko.
"Nose bleed... bilib na rin ako sa inyong mga girls, ang lalim niyo pa magtagalog" tawa niya pa, napa-flipped hair naman ako. mukhang naitaas ko ang bandera ng mga kababaihan Yes!
"I'll drive you home diba sa Cavite ka rin nakatira" patuloy niya pa habang naglalakad kami sa parking lot. Napataas naman yung kilay ko sa kaniya, Paano niya nalaman---Ah! Oo nga pala kasabay namin siya noon nila Sir Nathan at Cassandra pa-Cavite.
"I live in Makati but my lola is in Cavite" sabi pa niya, hindi ko naman tinatanong kung saan siya nakatira diyan. Tumango na lang ako. "So, ano? Tara na?" aya pa ni Bryan habang nakangisi ng todo, sa totoo lang medyo nacecreepyhan ako sa kaniya, agad kong kinuha yung phone ko at tinext si Jen.
6:30 pm August 05, 2014 sa parking lot ng school natin. Kasama ko si Bryan Armando ngayon second year IT student na nakatira sa Makati City, he's wearing black leather jacket at black pants. Pag di pa ako nag-reply within 2 hours tumawag ka na ng pulis.
Nagulat naman ako nang biglang magsalita at tumawa si Bryan. Ayy shems! Hindi ko namalayan na sumilip pala siya ngayon sa tinatype kong text waaahh!
"You really think na may gagawin akong masama sayo ah" tawa niya pa, at bigla siyang tumigil doon sa red sports car niya. hindi naman ako makatingin ng diretso sa kaniya kasi nahihiya ako na nabasa niya pala yung text ko kay Jen, ganito kasi kami kapag sasakay ng taxi o sa stanger palagi naming tinetext sa isa't-isa ang info at pagkakakilanlan ng taxi driver o nung stranger. "Look, may CCTV oh" tawa pa ni Bryan sabay turo doon sa CCTV camera na nasa taas ng parking lot, "I'll be in forever in jail if something bad happened to you, nakita na tayo ng CCTV" tugon niya pa habang tumatawa pa din. Napahinga na lang ako ng malalim. Shemay ang lakas talaga mang-asar ng isang to.
Binuksan na niya yung pinto ng kotse niya "Come on" aya niya pa, tatanggi na lang sana ulit ako kaso biglang pumatak ang ulan, umaambon na ngayon.
"Tayo na!" tawa pa ni Bryan at akmang hihilahin ako papasok sa kotse niya pero napatigil kami nang biglang may bumusina mula sa likuran...
Si Sir Nathan!
Waaahh!
"Aleeza sumabay ka na sa amin" tawag niya, Shocks! Tinawag na naman niya ako sa first name ko! biglang bumaba si Sir Nathan at may dala na siyang payong at naglakad papalapit sa'min ni Bryan. "Tayo na" tugon pa ni Sir sabay hawak sa wrist ko, pero napatigil ako nang makitang dumungaw sa passenger seat ng kotse ni Sir Nathan si Cassandra "Come on Aleeza, sabay ka na sa amin" tawag pa ni Cassandra habang nakangiti.
Napalingon naman ako kay Bryan, nakangisi pa rin siya sabay bukas ulit ng pintuan ng kotse niya sa passenger seat. Napatingin naman ako kay Sir Nathan na seryosong nakatingin sa'kin habang hawak pa rin ang wrist ko at pinapayungan ako ngayon. sa huling pagkakataon ay napatingin ako sa direksyon ni Cassandra at sa kotse ni Sir Nathan.
Kung sasama ako kay Sir Nathan magiging third wheel na naman ako sa kanila ni Cassandra at siguradong sa back seat ako uupo. Pero kung sasama ako kay Bryan magiging panatag ang byahe ko habang nakaupo sa passenger seat ng kotse niya at walang kwentong pag-iibigan na masisira dahil sa'kin.
Anong pipiliin ko?
Ang back seat na second priority? o ang passenger seat na first priority?
**********************
A/N: yung 'X and Y' song imbento ko lang yun haha. Wala kasi akong maisip na math jingle. By the way sana nasiyahan kayo sa chapter na to... vote at comment naman diyan oh hihi! 😊 Thank youuu <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top