Kabanata f(x - 18)
[Kabanata 18]
"Some say love it is a hunger
An endless aching need
I say love it is a flower
And you it's only seed"
-Westlife (Rose)
"Do you know each other?" nagtatakang tanong ni Sir Nathan, napa-smirk naman si Bryan.
"Of course kuya... I will never forget her" lokong sagot pa ni Bryan at pumasok na siya sa kotse, dahilan para mapausog ako papalayo, sinara na niya yung pinto sabay tingin ulit sa'kin, hindi pa rin mawala yung ngiti niyang nakakainis. "Long time no see... Ms.Agcaoili" hirit niya pa habang nakangiti ng nakakaloko sabay kindat sa'kin dahilan para mapanganga na lang ako sa gulat at mapangiti naman si Cassandra, samantalang hindi ko naman mabasa si Sir Nathan, wala siyang reaksyon habang nakatingin sa amin.
"I never expected to see you here" ngisi pa ni Bryan at naramdaman kong umusog pa siya ng konti papalapit sa'kin dahilan para mapausog ako paatras. Teka! Shemay!
"Bryan" suway ni Sir Nathan at napansin kong medyo cold ang tono ng pananalita niya. tumawa lang si Bryan at sabay niya pang tinaas ang kamay niya, tipong parang sumusurrender. "Fine... Fine... I'm just trying to know her... better" tawa pa ni Bryan at umusog na siya papalayo sa akin. Habang ako eh nakasiksik pa din doon sa dulo ng gilid ng kotse at sobrang kinabahan ako dahil sa mga kalokohan ng bakulaw na Bryan na to.
"Teenagers nowadays" tawa naman ni Cassandra at napailing-iling pa siya habang nakatingin sa aming dalawa ni Bryan. "Hayaan mo na sila, mga kabataan talaga" patuloy pa ni Cassandra habang nakangiti, hinawakan niya pa ang balikat ni Sir Nathan na mukhang hindi natuwa sa kalokohan ni Bryan kanina.
Nagulat naman ako nang makita kong nakatingin ng seryoso sa'kin si Sir Nathan doon sa front mirror ng kotse, agad akong umiwas ng tingin at kinuha ko na lang yung phone ko at nagkunwaring busy. Pinaandar na ni Sir Nathan ang kotse at mas lalo akong kinakabahan kasi sa tuwing titingin ako doon sa front mirror ng kotse, titingin din si Sir Nathan Ugh! My Gosh! baka iniisip ni Sir na isa ako sa mga chicks ng babaerong pinsan niya!
Agad kong tinext sila Jen, Iryn at Leana pero ilang minuto na ang lumipas hindi pa rin sila nag-rereply kaya nag-kunwari na lang akong nagtetext pero naglaro na lang ako ng flappy bird. Habang ang mokong na si Bryan na nasa tabi ko naman ay kanina pa nagdadadaldal sa phone niya "Yes! Babe! I'll be there tomorrow night" narinig naming tugon ni Bryan doon sa kausap niya sa phone at ang landi-landi ng boses niya, napalingon naman si Cassandra sa kaniya at natawa na lang. samantalang si Sir Nathan naman ay mukhang hindi natutuwa sa mga pinagagagawa ni Bryan. Habang ako naman ay nagpaplano na sa isip ko kung paano ko ba matutulak palabas sa kotse to si Bryan. Gustong-gusto ko na siya sipain o kaya hablutin yung phone niya at itapon sa labas ng kotse kasi nakakairita yung pa-husky voice niya at kalandiang taglay habang kausap ang pangapat na chicks na tinawagan niya ngayon. Sa loob ng fifteen minutes na byahe natawagan na niya ang apat niyang babae.
"Bae, I'm not available tomorrow, sa Wednesday na lang tayo magkita"
"Love, I think we should move our date on Thursday"
"Sweety, are you available on Friday? I have a lot of school works and stuffs to do lately"
"Oh? May naka-schedule na ba sa weekends mo?" biro naman ni Cassandra na natatawa na lang sa pinagagagawa ni Bryan. Habang eto naman si mokong ay confident pang napasandal sa upuan na parang CEO ng kompanya habang nakangisi pa rin. "Ate Cass, you know I don't go out during weekends, it's my me day" tawa pa ni Bryan, mukhang magkakilala at magkasundo rin sila ni Cassandra. Sabagay, friendly at approachable naman talaga si Cassandra at iyon ang first impression ko sa kaniya.
"However, if Ms.Agcaoili ask me to spare some of my time for her, I'm willing to give up my weekend me day" tawa pa ni Bryan sabay lingon sa'kin at kinindatan ulit ako. hindi ko alam kung maiirita ba ko na maiilang na masusuka na mandidiri na maloloka na makakasapak ng tao dahil sa pinagsasabi ng tsonggo na to.
"How did you know each other?" sabat ni Sir Nathan dahilan para mapatingin kami sa kaniya, diretso lang ang tingin niya sa high way habang nagdidrive pero bakas sa tono ng boses niya na seryoso siya. Hala! nakakainis naman kasi to si Bryan di na siya nahiya lumandi at iparanig sa amin ang conversations nila ng mga girlfriends niya.
Pinaikot-ikot naman ni Bryan ang phone niya at cool na cool pang inextend yung kamay niya doon sa sandalan ng kotse, buti na lang medyo malaki yung kotse ni Sir Nathan at nakasiksik na ako ngayon sa pinakagilid kaya malayo ako sa Bryan na to.
"We're in the same class, sa Algebra remember kuya?" sagot naman ni Bryan, nandito na kami ngayon sa toll gate ng cavitex express way at medyo traffic kasi rush hour na rin ngayon kaya napalingon na si Sir Nathan sa kaniya. "And why aren't you attending my class?" seryosong tanong ni Sir Nathan kay Bryan. Hinawakan naman ni Cassandra ang kamay ni Sir kasi seryoso na ang itsura ni sir. Gosh! nakakatakot pala maging seryoso ang itsura ni Sir Nathan!
"Nate... please" suway ni Cassandra kay Sir Nathan pero hindi siya pinansin nito, nakatingin pa rin si Sir kay Bryan na nakangisi pa rin hanggang ngayon. ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila. naalala ko bigla noong first day of class at inarrange ni Sir ang seats namin in alphabetical order nung tinawag niya yung pangalan ni Bryan, walang imik at ang rebellious ng kilos ni Bryan nang umupo ito sa tabi ko.
Hindi mo mahahalata na magkamag-anak pala silang dalawa kasi hindi naman sila nagpansinan noong panahong iyon. At halos dalawang buwan ng hindi pumapasok si Bryan sa klase ni Sir Nathan, at kung pumasok man siya mag-aattendance lang siya tapos tatakas na sa klase.
"I just want to" diretsong sagot naman ni Bryan kay Sir Nathan pero sa pagkakataong ito hindi na siya nakangisi o nakangiti. Napatingin ako kay Sir sabay tingin kay Bryan sabay balik ulit ng tingin kay Sir.
Gosh! Bakit parang may tension sa pagitan nilang dalawa? Mukhang hindi pala sila magkasundo, pero bakit? Anong nangyari?
"Ate panget! Patayin mo na yung ilaw" narinig kong reklamo ni Alex sabay taklob ng unan sa mukha. Mag-hahatinggabi na, nakaupo pa rin ako dito sa study table namin habang abala ako sa investigation na ginagawa ko. iniistalk ko ngayon ang fb profile page ni Sir Nathan, friends na kami sa fb last month pa, inaadd ko siya. syempre naman imposibleng teacher ang mag-add mismo sa student kaya nilakasan ko na ang loob ko nung inadd ko siya noon.
Hinuhukay ko lahat ng past posts ni Sir Nathan, yung iba last two years pa. Pero puro shared link at mga philosophical quotes at wise words lang ang pinag-shashare niya. kapag may nagcomment naman sa post niya nililike niya lang yung comment at hindi nirereplayan.
Tiningnan ko rin lahat ng photos at album niya sa fb, kaunti lang ang pictures at puro groupie na pictures na tinag lang siya. sa profile pic naman niya naka-private kaya walang likes o comment, dinownload ko pa nga yung profile pic niya kasi ang pogi pogi niya doon habang nakatayo sa dulo ng Maria Kristina Water falls.
Ang adventurous din pala ni Sir. Hindi ko mapigilang mapangiti habang tinitingnan ko ang profile niya, Naimagine ko tuloy bigla na mamamasyal kaming dalawa sa mga tourist spot dito sa Pilipinas. "Ayaw talaga magpatulog eh" inis na reklamo ni Alex at padabog siyang tumayo saka pinatay na yung ilaw. Kaya ayun ang dilim-dilim na sa kwarto at nasisilaw na ako ngayon sa liwanag ng laptop screen.
"Busy kasi ako duhh" banat ko kay Alex pero binato niya lang ako ng unan. Shems! Kaya ayun binato ko rin sa kaniya ng malakas yung unan. Hindi naman na siya gumanti at natulog na lang.
Binalik ko na lang ulit yung atensyon ko doon sa mala-CSI na pag-iimbestiga ko sa buhay ni Sir Nathan. Kaso napakunot ang noo ko dahil walang nakalagay na information about sa kaniya. Hindi rin niya nilagay yung birthday niya. tanging Madrid, Spain lang ang nakalagay doon.
Iniscroll down ko pa hanggang sa makarating ako sa 'About me' section. Naglagay siya doon ng quote,
Just Enough Remembering, Just Enough Forgetting. - Paul Ricoeur.
Hindi ko alam pero napatitig lang ako ng matagal doon sa nilagay niyang quote. Parang may kakaiba na naman akong naramdaman na hindi ko maintindihan. Rinig na rinig ko pa rin ngayon ang pagbuhos ng ulan sa labas.
Ano ang bagay na kailangang alalahanin pero kailangan ding kalimutan?
"Ngets! pakopya ng assignment!" bungad sa'kin ni Jen pagdating niya dito sa classroom. Tuesday ngayon kaya research I ang first subject namin. Gulat naman akong napatingin kay Jen. "May assignment ba?" tanong ko na ikinagulat din niya.
"Ngets! Meron diba! Sinend ko sayo nung Friday!" reklamo ni Jen at pareho na kami ngayong kabado kasi wala kaming assignment! Wala pa sila Leana at Iryn, at ten minutes na lang mag-uumpisa na ang first class namin. Hala!
"I-shotgun na nga lang natin" sabi pa ni Jen sabay kuha ng yellow pad at kung ano-ano na lang ang pinagsusulat niya doon. Nanghingi na lang din ako ng yellow pad sa kaniya at hinulaan ko na lang din yung 1 to 10 na research question na diagnostic quiz sa amin.
Pagkatapos namin manghula sakto namang dumating na ang prof namin sa research. At may pina-seat work siya sa amin. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makapag-concentrate ng maaayos. Hindi naman na umuulan ngayon sa labas. medyo makulimlim nga lang ang langit pero parang hindi naman uulan.
Napatulala na lang ako doon sa seatwork namin, hindi pa rin kasi mawala sa isip ko yung nabasa kong quote ni Sir, at bukod doon naaalala ko pa din yung paghatid ni Sir Nathan kay Cassandra sa bahay nito kagabi...
"I just want to" diretsong sagot naman ni Bryan kay Sir Nathan pero sa pagkakataong ito hindi na siya nakangisi o nakangiti. Magsasalita pa sana si sir kaso siya na ang next sa toll gate kaya pinaandar na lang niya ang kotse at hindi na ulit nagsalita pa sa buong byahe.
Sinusubukan namang mag-open ni Cassandra ng interesting na topic kaso mukhang wala ng gana magsalita pa si Sir at Bryan. Samantalang ako eh nagbusybusyhan sa paglalaro ng flappy bird pero ang buong atensyon ko at ang tenga ko ay nakatutok sa kanila.
Si Bryan naman ay nanahimik din at nagsalpak na lang ng earphones sa tenga. Pero ilang saglit pa hindi pa rin sumuko si Cassandra na pagaanin ang tensyon sa loob ng kotse. Lumingon siya kay Bryan at ngumiti dito "Bry, where's your car nga pala? And what are you doing sa MOA?" nakangiting tanong ni Cassandra, tinanggal naman ni Bryan yung isang earphones niya sabay tingin kay Cassandra.
"I was with my girlfriend, we watched a movie then we decided to go home but my car isn't working, iniwan ko na lang muna sa parking lot at tinawagan ko na rin si Mr. Cruz to get my car and fixed it" sagot ni Bryan, napatango naman si Cassandra habang nakangiti pa rin para mabawasan ang bad vibes aura ni Bryan.
"Buti na lang pala on the way kami" saad pa ni Cassandra, binalik naman na ni Bryan ang earphones niya sa tenga niya at nakinig na lang ng music. Sa byahe, si Cassandra lang ang nagsasalita sa amin, marami siyang kinukwento at nakakatulong talaga yun para mawala ang awkwardness dahil sa seryosong sagutan ni Sir Nathan at Bryan kanina.
"Dito na lang ako" sabi ni Bryan nang mapadaan kami sa SM Bacoor, ihahatid muna kasi ni Sir Nathan si Cassandra at liliko sa kanan papunta sa Mabolo, "Ihahatid ko na kayo" sabi ni Sir Nathan pero nagpumilit pa rin si Bryan na bumaba. Kaya wala ng nagawa si Sir kundi itigil yung kotse sa tapat ng SM Bacoor, umaambon na lang naman na ngayon kaya wala ng problema.
"Thanks for the ride" cold na tugon ni Bryan sabay bukas ng pinto, nagpaalam na siya kay Cassandra at tumango pa sa akin. Teka! Kung ihahatid muna ni Sir Nathan si Cassandra tapos ako naman ang ihahatid niya sa Dasma mamaya, ibig sabihin magkakaroon kami ng alone time ni Sir na kaming dalawa lang!
At dahil sa panic bago pa paandarin ulit ni Sir yung kotse nagsalita na ako "Sir dito na lang din po ako bababa" tugon ko, sana hindi nila mapansin ang kaba sa boses ko.
"Ihahatid na rin kita" sabi pa ni sir, pero napailing na lang ako. "D-dito na lang po ako sir, may bibilhin din ako sa sm eh" palusot ko pa, nakatingin na rin sa akin ngayon si Cassandra. Obvious na ba ako?
"Bukas ka na lang dumaan sa sm gabi na" sabi pa ni sir pero di siya nakalingon sa'kin, at sa front mirror niya lang ako kinakausap.
"Eh... importante po kasi tsaka ang layo pa ng Dasma" sagot ko naman. Tiningnan naman ako ni sir ng seryoso dahilan para mas lalo akong kabahan. Shems! Baka atakihin ako sa puso at hindi makahinga kapag kaming dalawa na lang ni sir mamaya dito sa loob ng kotse! Mas gugustuhin kong tumalon na lang sa bintana!
Pero biglang ngumiti naman si Cassandra "It's okay Aleeza, let Nate drive home mas mabuti ng safe kang makauwi sa inyo" sabi pa ni Cassandra habang nakangiti sa akin. "And malapit lang naman ang Dasma from here diba Nate, nung hinatid mo ko last Sunday sabi mo aattend ka sa birthday ng isang student mo" ngiti pa ni Cassandra.
Ahh so kaya pala dumaan na rin siya sa bahay namin kasi saktong ihahatid din pala niya si Cassandra. akala ko pa naman kusa talaga siyang buumyahe mula Quezon City hanggang Dasmarinas Cavite para makapunta sa amin nung birthday ni Alex nung sunday.
paandarin na sana ulit ni Sir Nathan yung kotse kaso pinigilan ko siya. "Ayy nagtext din po pala si mama nandito daw siya sa sm, hinihintay niya ko... sigepobye" palusot ko pa at hindi ko na hinintay pa na magsalita si Sir Nathan kasi binuksan ko na yung pinto ng kotse at dali-daling lumabas doon. "T-thank you po" paalam ko pa sa kanila at sinarado ko na yung pinto ng kotse. Agad naman akong sumilong sa main entrance ng sm kasi umaambon pa ngayon.
Napalingon ako sa kotse ni sir at mukhang wala pa siyang balak paandarin yun. Shemay! Gusto niya sigurong makita na pumasok ako doon sa loob ng mall haays. At dahil kailangan kong panindigan ang kasinunggalingan ko naglakad na ako papasok sa mall at hindi ko na sila nilingon pa.
Tama lang ang ginawa mo Aleeza, Hindi ka na dapat pang umepal sa love story nila.
Pagpasok ko sa loob ng mall, natanaw ko si Bryan na may kausap sa phone at dire-diretsong naglalakad papunta sa kabilang exit, doon din ako papunta kaya binagalan ko ang lakad ko kasi baka makita niya ako. paglabas niya sa exit, agad siyang nagpara ng taxi at sumakay doon.
Taga-saan ba ang mokong na yun?
Naghintay na lang ako ng jeep at buti naman may nasakyan ako agad.
"Ngets! wala ka bang balak ipasa yang seatwork?" narinig kong tanong ni Jen dahilan para matauhan ako kaya kinuha na rin niya yung yellow pad ko at pinasa iyon. Ano bang nagyayari sa akin?
"Gutom lang yan ngets, tara kain tayo" sabi niya sabay hila sa'akin kanina pa pala pwedeng lumabas pag natapos na ang seatwork. Nagpaalam na kami sa prof namin at dumiretso na sa canteen. Nagtext din sila Iryn at Leana na hindi sila papasok kasi bumaha raw sa kanila kagabi, sabagay ang lakas talaga ng ulan kagabi. buti na lang hindi bahain sa lugar namin.
Kumain na kami ni Jen sa canteen nasa pinakadulong table kami, tahimik lang ako at ganoon din siya dahilan para magtaka ako kasi bakit ang tahimik ngayon ni Jen na pinaglihi rin sa enervon. "Ngets? May problema ka ba?" tanong ko sa kaniya, napahinga naman siya ng malalim habang nakatitig lang sa pagkain niya.
"Wala na talaga kami ni Arthur, nakahanap na siya ng iba" sagot ni Jen, hindi ko naman alam kung sesermonan ko ba siya o papagalitan pero naisip ko wag na lang, malungkot siya ngayon at hindi tama na mas isisi ko pa sa kaniya yung problema niya. sumandal na lang ako sa balikat niya at niyakap siya. "Mag-bespren nga talaga tayo... parehong sawi" biro ko pa, napangiti naman si Jen. "Kanino ka naman sawi?" taka niya dahilan para mapaupo na ako ng diretso. Gosh! hindi pa pala niya alam na may something ano akong nararamdaman kay Sir Nathan.
"Huh? ang ibig kong sabihin ay zero love life din ako ngayon" sabi ko na lang at sinubukan kong tumawa. Napatango na lang si Jen mukhang wala siya sa mood echeosin ako ngayon. pinagpatuloy na namin ang pagkain namin nang bigla kaming mapatingin sa entrance door ng canteen dahil may grupo ng kalalakihan na naka-jersey at ang ingat-ingay. Yung tipong nakakairita kasi halatang nagpapapansin lang.
"Pag nakikita ko sila naaalala ko si Arthur" naiinis na tugon ni Jen sabay tusok ng matalim niyang hawak na tinidor doon sa fried chicken. "Tama ka! mga mayayabang na feeling pogi at walang ginawa kundi mangolekta ng babae" pag-sangayon ko naman at sinaksak ko rin ng tinidor yung fried chicken na kinakain ko. mas lalo akong nainis nang makita ko doon si Bryan na nakikipag-high five pa sa mga kasamhan niyang manggogoyo. Habang ang mga girls naman ay hindi na magkamayaw sa kilig habang tinitingnan sila.
Ang ingay nila sa canteen, parang sila ang hari at batas dito. Nagpapasahan pa ng bola si Bryan at yung isa tatlo pang f*ckboy. Sana masapol sa mukha ang mga mokong na to ng bola.
Binilisan na lang namin ni Jen kumain at lumabas na sa maingay na canteen dahil pagdating nila. napayuko na lang ako nang mapadaan kami sa table nila kasi malapit lang sila sa entrance door ng canteen, "Babe!" narinig kong tawag ni Bryan dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at mapalunok sa kaba.
Napatigil din si Jen at napalingon sa akin. "I miss you" habol pa ni Bryan, dahan-dahan akong napalingon sa kaniya sa likod at laking gulat ko kasi naglalakad na siya ngayon papalapit sa akin. "T-teka----" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi nilagpasan ako ni Bryan at dire-diretsong humalik sa pisngi ni Stacy Miranda na nakatayo sa entrance door ng canteen.
Whew!
Nakahinga na ako ng maluwag nang marealize ko na hindi naman pala ako yung tinawag ni Bryan na Babe. Grabe! Muntik na ako doon ah. "Ngets? bakit ka tumigil sa paglalakad? may bibilhin ka pa ba dito?" nagtatakang tanong ni Jen. Ahh kaya pala tumigil din siya sa paglalakad at napalingon sa akin kasi akala niya may bibilhin pa ako dito sa canteen.
"Tara na nga" sabi ko na lang at hinila ko na siya papalabas sa canteen, hindi naman kami napansin ni Bryan kasi busy siya makipaglandian kay Stacy doon sa pintuan. Mahuli sana kayo ng prof at masuspend dahil ang PDA niyo ha ha!
Kinagabihan, pagkatapos ko maghugas ng pinggan tumabi muna ako kay mama at papa na nanonood ngayon ng teleserye sa salas, habang si Alex naman ay busy sa pag-aaral dahil bukas na ang contest nila para sa Physics category Kinuha ko na lang yung phone ko at naupo na parang reyna doon sa sofa. Nag-online na ako sa fb at laking gulat ko nang makita ang isang friend request galing kay... Bryan.
Aba! Aba! Aba!
Mukhang hindi titigil ang mokong na to hangga't hindi nauubos ang lahat ng babae sa buong mundo ah. at dahil sa inis dinecline ko yung friend request niya. mas lalo pang nakakainis yung profile pic niya, naka-topless siya habang enjoy na enjoy ang sunset sa Boracay.
Nag-messenger na lang ako at muntikan ko pang mabitawan yung phone ko nang makita ang isang 1 message request doon. Galing na naman kay Bryan.
Hindi ko inaccept ang friend request niya at naka-private ako kaya nasa message request ang chat niya. binuksan ko na iyon...
Hi Aleeza 😊 (2 minutes ago)
In-allow ko yung pm niya pero sineen ko lang siya. wala sigurong magawa ang bakulaw na to kaya ako ang balak niyang pagtripan ngayon.
Seen? 😊 (15 seconds ago)
Shems! 'Active Now' pala siya ngayon! sineen ko na lang ulit yung pm niya at nag-offline na. Whew! Gabing-gabi na nanggugulo pa siya ng may buhay ng may buhay. Ugh!
Kinabukasan, wala kaming Algebra class kasi nasa theater hall si Sir Nathan dahil siya ang mentor ni Alex sa Academic Pasiklaban in Physics Category. Nanonood naman kami ni Jen ng contest ni Alex at natatawa pa ako kasi natuod lang kanina si Alex nang i-goodluck siya ni Jen bago magsimula ang contest. Nandito na rin sila Iryn at Leana, hindi sila pumasok sa klase nila para makinood lang din.
Nagsisimula na ang contest, nasa easy level pa lang. seryosong-seryoso naman si Alex habang nag-sosolve doon ng mga physics equation. "Ang Chinito pala talaga ng kapatid mo Aly, ang gwapo niya sa malayuan" tawa pa ni Iryn nandito kasi kami ngayon nakaupo sa pang-upper box na pwesto ng seats. "Pag malapitan na panget na yang kapatid ko" tawa ko naman habang iniinom ko ang zesto apple juice na dinala nila Iryn at Leana kanina.
"Gwapo talaga yan si Alex kaya nga nabighani ang kapatid ko diyan eh" sabat naman ni Jen, mukhang hindi pa pala niya nasesense na may crush ang kapatid ko sa kaniya. "Magkamukha nga kayo Aly eh, parang si Alex ang lalaking version mo" tawa naman ni Leana. Tiningnan ko naman siya ng masama, "So pag malayuan lang ako maganda? Pag malapitan na panget na?" reklamo ko pero tinawanan lang nila ako at hinampas pa sa braso. "Ikaw nagsabi niyan ehhh"
Kinurot ko naman si Leana pero nakaiwas siya at nasagi si Iryn kaya gumanti ito at nakiganti na rin si Leana, sumabay pa si Jen at mukha na kaming ngayong apat na nagrurumbolan dito sa audience seats ng theater hall habang nagtatawanan. Ilang saglit pa sinuway kami nung isang babaeng mentor teacher na nasa likod at nagulat ako nang makitang napalingon din sa amin si Sir Nathan na naroon din. Shems!
Napaayos na lang kami ng upo pero pinipigilan pa din ni Jen, Iryn at Leana ang tawa nila. samantalang ako eh napatitig na lang kay Alex kasi nakikita ko sa peripheral view ko na nakatingin pa rin sa amin si Sir Nathan. My Gosh!
Nagpa-busy na lang ako kunware na iniintindi ang bawat questions sa contest nila Alex habang ubos iniinom ko yung juice. Natetense pa rin ako kasi naaaninag ko pa ring nakatingin si Sir Nathan sa amin.
Whew Aleeza! Baka naingayan lang si Sir Nathan sa inyo kanina kaya ayan tinitingnan kayo para tumahimik kayo. Agree? Agree!
Ilang saglit pa nagulat ako nang biglang magsalita si Leana "Ohmyy! Yung katabing girl ni Sir Nathan nakita kong kasama rin niya iyon kahapon dito sa school" turo pa ni Leana doon sa napakagandang babaeng naka-yello dress na nakatayo sa kanan ni Sir Nathan... si Cassandra.
Anong ginagawa niya dito?
"Balita ko college sweethearts daw si Sir at ang babaeng yan... ano nga ulit pangalan niya? Cassey? Cassie?" tugon pa ni Iryn habang nag-iisip mabuti. "Cassandra kasi" pag-correct naman ni Leana.
"Oo yun nga Cassandra Rivera, college sweethearts sila noon ni sir at hanggang ngayon sila pa rin ata" patuloy pa ni Leana at mukhang kinikilig sila. Bigla kong naalala noon na sinabi ni Sir Nathan na single siya, nagsinunggaling lang pala siya. sabagay, baka gusto lang noon ni Sir maging pribado ang buhay niya... lalo na ang buhay pag-ibig niya.
"Tingnan mo ang ganda ng ngiti ni Cassandra, at mukhang may sparks sila ni Sir Nathan" usisa pa ni Iryn at kinuha niya pa yung phone niya para picturan sila. "Huy! Wag mong ipopost yan baka masuspend ka" suway ni Jen kay Iryn pero ngumisi-ngisi lang ito. "Syempre hindi ko ito ipopost, gusto ko lang ng remembrance at proof na may prinsesa na si prince Nathan" tawa pa ni Iryn. Mukha namang masaya silang tatlo na may love life na si Sir kahit pa crush na crush nila si Sir. Eh bakit ako... hindi masaya? Nakakainis naman!
Kinagabihan, bumili ng cake at lechon manok si papa dahil icecelebrate naming apat ang pagkapanalo ni Alex sa contest. Nakuha niya ang first place at hindi ko na naabutan yung awarding kasi umalis na ako dahil sa inis ko kay Sir Nathan. Sana sinabi na lang niya noon na hindi siya single... bakit kailangan niya pang magsinunggaling?
Teka nga! bakit ba ang demanding ko? wala naman akong koneksyon sa kaniya. Ugh! Naloloka na ko!
Pagkatapos namin kumain, ako na ang nag-volunteer maghugas ng plato, nag-map pa ako ng sahig, naglinis ng salas, nagwalis, nagpunas ng clutter, nagkuskos ng mga kaldero at kawali, naglinis ng ref, naglinis ng kubeta. "Oh? Aleng bakit ba ngayon ka naglilinis ng bahay? mag-hahating gabi na" puna sa'kin ni mama, kakatapos lang nila manood ni papa ng teleserye at ngayon ay matutulog na sila. Kasalukuyan naman akong nagkuskos ng inidoro.
"Wala lang ma, trip ko lang maglinis ngayon" sabi ko na lang habang kinukuskos yung inidoro. Sabi nga nila, maglinis ka daw ng bahay lalo na kapag naiinis ka para doon mo maibuhos lahat ng inis mo. "Matulog ka na, may pasok ba bukas" sabi pa ni mama at umalis na siya. napatitig na lang ako doon sa inidoro namin na puting-puti na ngayon at kumikintab dahil sa sobrang linis.
Sawi man ako sa pag-ibig at least kayang-kaya ko magpakintab ng inidoro.
Kinabukasan, maaga ako pumasok pero hindi ako pumasok sa Algebra class, hindi ko alam kung bakit dinala na lang ako ng paa ko papunta dito sa football field. Halos isang oras pa ako tumambay doon habang tinatanaw sa malayo ang varsity ng football ng school namin.
Maaliwalas ang kalangitan habang masiglang naglalaro ang team, nakaupo ako ngayon sa pahagdan na upuan ng audience sa palibot ng football field. Pero nagulat ako nang biglang may malaking bag ang bumagsak sa tabi ko. paglingon ko sa gilid tumambad sa harapan ko si Bryan.
"Sineen mo ako tapos ngayon nandito ka para hanapin ako" nakangising tugon ni Bryan at umupo siya sa tabi ko. agad naman akong napausog papalayo sa kaniya. Naka-foorball uniform din siya katulad nung mga naglalaro na team doon sa football field. Mukhang bagong ligo lang siya kasi basang-basa pa ang buhok niya. Shocks! Oo nga pala! Sineen ko lang siya noong isang gabi nung chinat niya ko!
"Bry!" tawag sa kaniya nung isa niyang ka-team pero kumaway lang siya at sumenyas na sandali lang. magsasalita pa sana siya kaso biglang may dalawang magandang chicks na ka-schoolmate namin ang napadaan sa harap namin, "Hi Bry!" bati nila sabay flip ng hair, napangiti naman si Bryan sa kanila, yung ngiting flirt "Hi girls! See you tonight"
"Are you going ba sa party ni Jake?" kikay na tanong nung isang matangkad na girl.
"Of course, I'll be there" ngisi pa ni Bryan. Kinilig naman yung dalawang babae at nagpaalam na.
"What?" natatawa niyang tanong sa'kin kasi binigyan ko siya ng ang-hangin-hangin-mo-talaga-look. "Wala... I just can't believe na may mga katulad mong nag-eexist sa mundo" banat ko pa at akmang aalis na lang pero nagulat ako kasi hinawakan niya yung bag ko para pigilan ako.
Hinila ko naman yung bag ko pero ayaw niya bitawan at tinatawanan pa rin niya ako. Ano bang problema ng mokong na to?
"I can't also believe na may nag-eexist na conservative na tulad mo" banat naman niya, nakakainis talaga! "Hindi ako ganun ka-conservative... hindi lang ako tulad mo na manggogoyo"
"Whoa. What's mang-goyo-goyo?" tawa niya pa, sinubukan ko pang hilahin yung bag ko pero ayaw niya pa rin bitawan. "Manggogoyo kase!"
"And what's the meaning of that?" ngisi niya pa at mukhang nag-eenjoy siya ngayon makipag-agawan sa akin ng bag ko. Ughhh!
"Basta! Akin na nga!" inis kong tugon at hinila ko ng mas malakas yung bag ko dahilan para mabitawan na niya, hindi pa rin siya maawat sa pagtawa. Bwiset talaga!
napatingin naman na siya sa oras at mas lalo pang ngumiti ng nakakaloko "Algebra class natin ngayon ah, what are you doing here?" tanong pa ni Bryan habang nakangisi pa rin sa akin. Napakunot na lang ang noo ko sa kaniya. Habang pinapagpagan ko ang bag ko.
"Eh bakit ikaw may pa-football football ka pang nalalaman" banat ko naman sa kaniya. Halos tatlong beses nga lang siya pumasok noon sa klase ni Sir Nathan eh. Mas lalo namang napakunot yung kilay ko kasi tinawanan lang ako ng mokong na to.
"I've already drop that stupid subject" sagot ni Bryan habang nakangisi pa rin, para namang nagpintig ang tenga ko dahil sa sinabi niya.
Tinawag niyang stupid ang Algebra!
Gera na to!
"Ikaw talagaa---"
"Hey! Hey! Chill... I'm just kidding" tawa pa ni Bryan at napahalakhak pa siya sabay kinuha niya ang bag niya at dali-daling tumakbo papunta sa football field at tinatakasan ako. kanina pa ko nanggigil na sabunutan siya! Ughh!
"See you around My Lady!" pang-asar pa niya habang tumatakbo papalayo sa akin ng nakangisi pa rin at kumakaway pa. nakakainis talaga silang mag-pinsan!
Lunch time na, pinuntahan ko si Alex sa building nila para ihatid ang perang baon niya kasi sa akin binigay iyon ni papa kaninang umaga bago siya magsimulang magpasada. Nakalimutan ko namang iabot iyon kay Alex kasi maaga akong umalis ng bahay kanina.
Napasilip naman ako sa pa-rectangle na salamin sa pintuan ng classroom nila. wala ng estudyante doon, aalis na lang sana ako kaso nagulat ako nang bigla kong makita si Sir Nathan na nakaupo doon sa desk sa gitna. Huli na para makapagtago ako kasi nakita na niya ako, tatakbo na lang sana ako papalayo kaso bigla siyang tumayo at dumungaw doon sa pinto.
"Agcaoili" tawag niya dahilan para mapatigil ako sa pagtakas. Napalunok na lang din ako sa kabab ago ako lumingon sa kaniya kasi sobrang lakas na ngayon ng kabog ng dibdib ko.
"Y-yes sir?" sinubukan kong ngumiti para hindi niya mahalata na balak ko sana siyang takbuhan kanina.
"Follow me" tipid na sagot ni Sir Nathan at binuksan niya ng malaki yung pinto, napahinga na lang ako ng malalim saka naglakad papasok sa classroom na iyon. Shemay! Bakit naman kung kelan iniiwisan mo ang isang tao matatrap at matatrap ka pa rin kahit anong mangyari haays.
Sinara na ni Sir Nathan yung pinto at hinarap ako. nakatayo lang kami doon sa likod ng pinto ng classroom. Ginala ko na lang yung mata ko sa paligid, ang awkward talaga!
"Whoa. Sir ang sipag niyo naman" sabi ko na lang at naglakad ako papunta doon sa desk niya kung saan nag-cocompute siya ng grades. Naramdaman kong naglakad siya papalapit sa'kin kaya umikot ako sa kabilang side nung desk at nagkunwaring tumingin-tingin ng mga libro doon. "Buti pa kayo sir may time magbasa-basa, ang galing niyo talaga mag-manage ng time" patuloy ko pa, ramdam ko na ngayon ang butil ng pawis na tutulo na sa noo ko dahil sa kaba. Whew!
Naglakad si sir paikot doon sa mesa kaya umikot din ako "Ayy Sir kailangan ko na pala umalis, mayklasepako" mabilis kong tugon at akmang aalis na pero nagulat ako kasi biglang humarang si Sir Nathan sa dadaanan ko. Gosh!
Nakatingin na siya ngayon ng seryoso sa'kin "Nandito ka lang pala, bakit hindi ka pumasok sa klase ko kaninang umaga?" seryosong tanong ni Sir dahilan para mapalunok na lang ako at umurong yung patulong pawis sa noo ko dahil sa sobrang kaba.
"Ahh---kakapasok ko lang sir, na-late kasi ako ng g-gising hehe" sinubukan ko pang tumawa-tawa kahit medyo awkward na talaga, mas lalo namang naging awkward kasi hindi naman tumawa si Sir, seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin.
"Bakit ka na-late ng gising?" tanong niya pa. Shems! Bakit ang dami niyang tanong? Hindi ko naman pwedeng sabihin na maaga naman akong pumasok kanina kaso ayoko lang siyang makita kaya hindi ako pumasok sa klase niya. Haays.
"Uhh--- masama lang po pakiramdam ko" tama! Sakit-sakitan ang effective na palusot dito. "Sige po sir aalis na ko" habol ko pa pero humarang pa rin siya sa dadaanan ko. Shemaay! Ano baaa!
"Sir may klase pa-----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi nagulat ako sa ginawa niya.
Bigla niyang hinipo ang noo ko. "Alagaan mo ang sarili mo... nag-aalala ako sayo Aleng" diretso niyang tugon habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. sandali namang tumigil ang pagikot ng mundo ko habang gulat na nakatingin sa kaniya. Dugdugdugdug.
Nang matauhan ako ay bigla akong napahakbang paatras dahilan para matauhan din si Sir at ibinaba na niya ang kamay niyang nakahawak sa noo ko kanina. "Uh---sige po" paalam ko na lang ulit at dali-dali na akong lumabas doon sa classroom. Tumakbo pa ako pababa sa hagdan at nang makalayo na ako napasandal ako sa pader at napahawak sa tapat ng puso ko.
Kung nag-aalala ka sa'kin Sir... wag mo na sana pang guluhin ang puso't isipan ko.
Kinahapunan, bumaba ako sa canteen para bumili ng miryenda, tinatamad kasing bumaba sila Jen dahil nanonood sila ngayon ng movie sa laptop na dala ni Iryn. Kaya ako na lang ang bumili ng snacks namin habang nag-momovie marathon, wala kasi kaming prof ngayon sa last subject at tinatamad pa kami umuwi.
Habang namimili ako ng chichirya nagulat ako nang biglang may magsalita sa gilid ko "Junk foods aren't good to your health" tugon ni Sir Nathan habang nakasuksok yung kamay niya sa bulsa niya at nakatitig doon sa mga chichirya. Sheeems!
"Oo nga noh" sabi ko na lang sabay ngiti ng pilit at akmang aalis na pero nagsalita ulit si Sir "Hinahanap ka ni Alex kahapon sa awarding" habol pa niya, napalingon naman ako sa kaniya at nakita kong nakatingin na siya ng diretso sa akin. Itatanong pa siguro niya sa'kin to kanina nang ma-corner niya ko sa classroom pero buti na lang nakatakas na ako.
"Ahh--- k-kasi----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang dumating si Cassandra at may dala-dala siyang dalawang starbucks coffee. "Babe..." ngiti niya kay Sir Nathan sabay abot nung isang coffee, napatingin na rin sa akin si Cassandra at ngumiti rin siya sa'kin "Hi! Aleeza... you look wonderful today" magiliw niyang bati, napatingin naman ako sa glass window ng canteen. Anong wonderful sa'kin? mukha nga akong palaboy ngayon eh.
"By the way, kumain ka na ba? Come on join us" patuloy pa ni Cassandra at humawak na siya sa braso ko para hilahin ako sa table nila ni Sir na nasa dulo. Shems No!
Buti na lang saktong papasok si Sir Albert sa canteen kaya agad ko siyang tinawag bago pa ako mahila ni Cassandra. "Sir Albert! Kanina ko pa kayo hinahanap!" tawag ko kay Sir Albert na napatingin sa amin. May hawak siyang tungkod bilang suporta sa paglalakad.
"Uhm... sige po mauna na ko, next time na lang" diretso kong sabi sabay bitaw sa pagkakahawak ni Cassandra at tumakbo ako papunta kay Sir Albert. "Okay... see you around Aleeza" ngiti pa ni Cassandra at naupo na sila ni Sir Nathan doon sa pinakadulong table.
Nagtataka namang nakatingin sa akin si Sir Albert nang makalapit ako sa kaniya, nakatayo siya ngayon sa counter ng canteen at bumibili ng banana que. "Bakit hija?"
"Ahh—wala lang sir, hi!" sagot ko na lang, magpapaalam na rin sana ako kay Sir Albert para makaalis sa lugar na iyon kaso nakita kong nakatingin sa akin si Sir Nathan, gosh! sinabi ko nga pala sa kanila ni Cassandra na kanina ko pa hinahanap si Sir Albert tapos ang weird kapag umalis ako agad. Ugh! Kailangan ko na naman panindigan ang kasinunggalingang ito.
"May nais ka na namang malaman anak?" nakangiting tanong ni Sir Albert, napatango na lang ako. okay so mukhang ma-tatrap muna ako dito sa canteen saglit. Gusto ko na makaalis dito. Napatingin naman ako kay Sir Albert na mukhang naghihintay ng sagot ko, haays "Opo tatang" sagot ko na lang, "Tara dito kwekwentuhan kita" ngiti pa ni Sir Albert at naglakad siya papunta sa isang table at naupo doon. Umupo naman na ako sa tapat niya at ang malas lang kasi natatanaw ko ngayon sila Sir Nathan at Cassandra na nag-uusap. Tumatawa pa si Cassandra at hinahampas ang braso ni sir.
"Ano bang gusto mo malaman hija?" tanong ni Sir Albert sabay kagat doon sa banana que, binilhan niya rin ako ng isang banana que, tinanggihan ko naman iyon kaso mas nakakahiya kapag tinanggihan ang grasya.
Hindi ko maiwasang mapatingin kay Sir Nathan at Cassandra na nasa pinakadulong table. At nasa likod nila ang malaking bintana. Napansin kong nagsimula ng pumatak ang ulan ngayon, mukhang uulan na naman kailangan kong makauwi ng maaga mamaya baka mastranded ulit ako sa ulan.
"Aleeza?" tanong pa ulit ni Sir Albert dahilan para matauhan ako. Oo nga pala tinatanong niya ako kung anong gusto kong malaman... Ah!
"Sir totoo po ba ang mga alamat?" tanong ko sa kaniya, napangiti naman si Sir sa tanong ko. "Hindi pa ba napapaliwanag iyan sa inyo noong elementary?" taking tanong ni Sir. Napailing naman ako, hindi ko lang siguro matandaan kasi baka hindi ako nakikinig noon sa teacher.
"Osige makinig kang mabuti..." panimula ni Sir Albert at nagsimula na siyang magkwento...
Ang alamat (legend /folklore) sa wikang Ingles ay isang kwentong maaaring kathang-isip lamang o may bahid ng katutohanang tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay, lugar, pangyayari o katawagan. Karaniwan nang nakapaloob sa isang alamat ang kagitingan o kabayanihan ng ating mga ninuno.
Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwento ng mga mahiwagang pangyayari na nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan kaya't walang nagmamay-ari o masasabing may akda ito. Ang alamat ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan ng kababalaghan o 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon.
"Posible po kayang totoo ang alamat?" tanong ko pa kay Sir, napangiti at napailing naman si Sir Albert.
"Gaya nga ng sabi ko hija, ito'y kathang isip lamang... ngunit kahit ganoon hindi ko masasabi walang katotohanan ang ilan sa mga ito" paliwanag pa ni Sir Albert, napaisip pa tuloy ako ng mabuti.
"Karamihan sa alamat ay hindi alam kung sino ang may akda nito, pero alam naman nating lahat ng kwento ay may kaakibat na katotohanang bahagi ng buhay ng isang may akda, paano ka makakagawa ng kwento kung wala kang karanasan mismo dito?" patuloy pa ni Sir na mas lalong gumulo sa isip ko.
"Eh bakit nakakasulat ng mga kwentong patayan at digmaan ang mga kilalang manunulat kung wala naman po silang karanasang pumatay o makidigma" pilosopo kong tanong dahilan para matawa na lang si Sir Albert.
"Hija, sa panahon ngayon marami ng mga istorya at palabas na may patayan at digmaan, hindi ba naaapektuhan ka sa mga eksenang ganoon? Kung kaya't lahat tayo ay may kakayahang magsulat ng mga ganoong bagay kahit pa hindi natin naranasan ang mamatayan o sumoong sa gyera" paliwanag pa ni Sir. Napatango-tango na lang ako, sabagay may point naman talaga si sir.
"Pero may iisang bagay na mahihirapan kang isulat kung hindi mo pa ito nararanasan..." patuloy pa ni Sir at napatingin ako sa kaniya sabay kagat sa banana que. "Anow pow yown swer?" natawa na lang ako kasi napalaki yung subo ko doon sa banana que.
Natawa rin si Sir Albert kasi mukhang mabubulunan na ako pero nakaya ko pa naman, ilang saglit pa nalunok ko na ulit yung pagkain "Sorry sir, nagutom lang"
Napailing-iling naman si Sir Albert habang natatawa pa rin at tumayo na siya "Wait Sir, di niyo pa po nasasabi kung ano yung isang bagay na tinutukoy niyo na hindi maisusulat ng isang tao kapag hindi niya pa ito nararanasan" habol ko pa, napalingon naman sa'akin si Sir Albert.
"Pag-ibig hija... hindi makagagawa ang sinuman noon ng alamat na patungkol sa pag-ibig kung hindi naranasan ng taong iyon ang umibig" paliwanag ni Sir Albert at tuluyan na siyang umalis.
Naiwan naman akong nakatayo doon sa daanan ng canteen at sa huling pagkakataon ay napalingon ako kay Sir Nathan na nakatingin sa mga mata ni Cassandra ngayon habang nagtatawanan at nagngingitian silang dalawa.
Nagwakas man sa kalungkutan ang Alamat ng Ulan... ngunit kahit papaano nabuo ang alamat na iyon dahil sa pag-ibig.
Hindi man nagkatuluyan ang diwata at ang binatang iyon. Sa huli, ang pag-ibig pa rin ng diwata para sa binata ang nanaig nang magpaubaya ito at hinayaan ang mahal niya na maging masaya na sa piling ng iba.
Sa piling mismo ng babaeng mas nararapat sa kaniya.
****************
Featured Song:
'Alangan' by Zsaris
Source of Alamat History: https://www.scribd.com/doc/231557907/Ano-Ang-Alamat
https://youtu.be/OaucBmy6OoQ
"Alangan" by Zsaris
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top