Kabanata f(x - 12)


[Kabanata 12]

"Maybe it's intuition
But some things you just don't question
Like in your eyes, I see my future in an instant"

-Savage Garden (I knew I loved you)



"Time's up!"


"Huwaaat? Wait lang sir di pa ko tapos!" reklamo ko pa habang nagmamadaling tinatapos ang solution ko para makuha ko ang final answer sa equation na binigay ni Sir Nathan. "Your time is over" habol pa ni Sir habang nakangiti ng nakakaloko sabay kuha sa tatlong piraso ng yellow pad kung saan ko sinosolve ang solution back to back.

"Pero matatapos ko na po... waaaait!" habol ko pa sabay agaw sa kaniya nung papel, isa ito sa mga kahinaan ko. kapag nasimulan ko ng i-solve ang isang math problem kahit anong mangyari hinding-hindi ko iyon tatantanan hangga't hindi ko nakukuha ang tamang sagot.

"It's over" sabi pa ni Sir Nathan sabay agaw ulit nung papel ko, at parang nang-aasar siya kasi hindi ko natapos yung solution. Ugh! Itinaas niya pa yung papel para hindi ko maagaw sa kaniya. Nakakainis talaga!

Napasabunot na lang ako sa sarili ko at napasandal sa upuan ko. My gosh! hindi ako mapakali! Hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko natatapos yung solution ko!

Inilapag na ni Sir Nathan yung phone niya sa mesa na naka-timer at pinag-aralan mabuti yung solution na ginawa ko. gusto kong hablutin sa kaniya yung papel at magtatatakbo papalayo na parang snatcher maitakas ko lang yung papel.

"You're almost there" sabi pa niya habang pinag-aaralan mabuti yung solution ko at may binilugan pa siyang mga numbers doon. "But you didn't find the answer" patuloy niya pa sabay turo doon sa pinakadulo ng solution ko kung saan hahanapin ko na lang ang square root ng 117 ay hindi ko pa nagawa kasi 2 minutes lang ang binigay na time ni Sir Nathan para ma-solve ko ang tatlong math problems na binigay niya.

"Akin na sir tatapusin ko" reklamo ko pa, naiirita na ko. pinaka-ayoko kasi talaga sa lahat yung nabibitin ako at hindi ko nahahanap yung final answer sa mga equations na sino-solve ko. nagulat naman ako kasi napangiti lang si Sir Nathan at tinawanan ako. Kaazar! Halos mabaliw na ko dito at nangangati na ko tapusin yung equation na yun! tapos tinatawanan lang niya ako.

"You didn't make it in two minutes" asar niya pa. Nakakaloko talaga to. napakamot na lang ako sa ulo dahil sa matinding pagka-irita. Feel ko forever ako huhuntingin ng equation na yun kasi hindi ko siya na-solve!

"Sir! Okay Okay, pero please let me solve it" pagmamakaawa ko pa sa kaniya. Hindi ako marunong magpa-cute o mag-puppy eyes kasi nagmumukha lang akong desperadang butiki at ayokong mawalan ng gana si Sir Nathan sa kinakain niya ngayong La Sagna kapag nakita niya ang pag-aanyong butiki ko.


Nandito kami ngayon sa Greenwich, at halos dalawang linggo na ang lumipas mula noong nagsimula ang pag-mementor sa akin ni Sir Nathan para sa nalalapit na competition. Araw-araw niya akong tinuturuan, every 4pm pagkatapos ng klase ko at vacant time niya, may last class pa kasi siya ng 6 pm. Masasabi kong mas naging comfortable na ako kay Sir Nathan, nauna siyang nagkwento ng mga bagay-bagay tungkol sa kaniya. Nalaman ko na mahilig pala siya sa cheese at kahit anong pagkain basta may cheese kakainin niya.

Last week habang nasa conference room kami...


"First love ko talaga ang cheese" pagmamalaki pa ni Sir Nathan at mukhang inlababo talaga sa cheese cake na kinakain niya, inalok pa nga niya ako pero isa lang ang tinidor na dala niya. Ano yun? share kami sa isang tinidor? Swerte naman niya charr haha!

"Kaya pala ang cheesy niyo eh" bulong ko pa sa sarili ko pero biglang humalakhak si Sir, yung parang tawa ni Hagrid sa Harry Potter. Na-creepyhan tuloy ako kasi tumawa siya na parang higante. "I heard that... hindi ako nagpipick-up line pero dahil hinahamon mo ako, pagbibigyan kita" tawa pa ni Sir at kitang-kita ko ngayon sa bibig niya yung piraso ng cheese cake na kakasubo lang niya.

Bigla naman akong napahawak ng mahigpit sa pencil na hawak ko dahil bigla akong nakaramdam ng kaba! My Goodness! Mag-pipick up line si Sir! , pansamantala kong nakalimutan na nag-sosolve ako ngayon ng isang equation tungkol sa Trigonometry.

"Cheese cake ka ba?" banat ni Sir habang nakangiti ng todo sa'kin ngayon. Whuut? Hanggang sa pick up line kadamay pa rin ang cheese? magsasalita pa sana ako kaso napansin kong nilunok na ni Sir yung piraso ng cheese cake na nasa bunganga niya kanina, nakita ko pang dumaloy iyon sa lalamunan niya at napadaan sa adam's apple niya. Gosh! ang Hot tingnan!


"Agcaoili? Sabihin mo... Bakit" patuloy niya pa at dahil dun natauhan ako. My Gosh! Oo nga pala mag-pipick up line si Sir, kainis! Masyado kasi akong na-distract sa adam's apple niya.


"B-bakit?"


"Kasi ikaw ang First Love ko..." banat niya pa sabay ngiti. At ako naman ay parang tinamaan ng kanyon ni Kupido na naistatwa lang sa kanauupuan ko at gulat na napatulala sa kaniya. MY GOODNESS!


"Ang corny ng pick up line ko... J-just forget it, mag-aral ka na lang diyan" sabi pa niya at parang bigla siyang na-ilang, natawa na lang ako kasi siya naman nag-volunteer mag-pickupline diyan tapos ngayon nang marealize niya na ang baduy ng sinabi niya bigla siyang mahihiya tss...



Nalaman ko din na sa isang condo sa Quezon City siya nakatira na kasalukuyan niyang hinuhulog-hulugan ngayon. nagtuturo din sa ibang University si Sir Nathan pero sa school namin siya nag-fufull time. Kaya ko nalaman iyon kasi binanggit niya iyon sa akin kahapon.



"Saturday bukas, hindi tayo pwede sa conference room" tugon ni Sir, habang chinecheck ang 1 - 20 na math problems na pina-assignment niya sa'kin noong isang araw. Nasa classroom kami ngayon at nagpapa-seat work si Sir Nathan, lumapit naman ako sa table niya at pinasa ko yung assignment ko para ma-check na niya ng maaga.

Medyo maingay ang klase kasi group seatwork ang pinagawa niya. ka-grupo ko naman si Jen at may nahikayat pa siyang isang barangay para mabahaginan ng sagot ko. Hindi na naman pumasok si Bryan, kaya wala akong katabi. Kaya etong si Jen ay feel na feel tumabi sa akin at para siyang nangangampanya ngayon sa ingay niya.

"Sa condo ko na lang" sabi ni Sir at ibinalik na niya sa akin yung assignment ko. Nanlaki naman yung mga mata ko dahil sa gulat. Huwaaaat? Ano daw? Sa condo pala nakatira si Sir!


Magsasalita pa sana ako kaso nagdagsaan na yung mga kaklase ko na nakinabang sa sagot ko, sunod-sunod silang tumayo at ipinasa kay Sir Nathan yung mga papel nila. parang kakatapos lang ng eleksyon at ipapasa na nila yung balota nila. Habang ito naman si Jen ay nakangisi na parang kandidato sa eleksyon na nanuhol.

Ilang saglit pa dinimiss na ni Sir ang klase, agad namang naglabasan ang mga kaklase ko at nag-CR muna si Jen. Naiwan ulit kami ni Sir Nathan sa classroom, nililigpit na niya ang mga gamit niya samantalang parang tuod pa din akong tulala na nakatayo doon sa tapat ng desk niya.

"Oo nga pala, we can't meet later may seminar akong pupuntahan... See you tomorrow, I'll email you my address" diretsong tugon ni Sir at lumabas na siya ng classroom. Bigla naman akong napabagsak sa upuan ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala na... MAKAKAPUNTA AKO SA CONDO NIYA BUKAS!


Itanong ko ba sa kaniya kung magdadala ako ng foods? chos!



Alam ko na din ang phone number ni Sir Nathan dahil may nagtext sa akin kagabi na unknown number...


11 pm na at hindi pa din ako makatulog nakahiga lang ako sa kama habang tulala sa kisame at pinagammasdan ang mga glow in the darks na moon at stars na dinikit ko doon, ang daming gumugulo ngayon sa isipan ko hindi ko kasi alam kung anong mangyayari bukas? Pinunit ko na din yung guidelines na ginawa ko kasi todo todo ako makalabag sa mga sinulat ko doon.

Kanina pa pagkatapos ng hapunan inaantay kong dumating yung email ni Sir pero... wala. Paasa talaga eh. Kaya humiga na ako sa kama.

Ilang sandali pa biglang nag-vibrate ang phone ko na nasa ilalim ng unan ko, kinuha ko iyon at may nakita akong isang text message:


Agcaoili, sa Greenwich na lang ang session natin tomorrow, 4pm


Waaaaahhh!


At dahil sa gulat nabitawan ko yung phone ko at diretso itong bumagsak sa mukha ko. Ouch!

Napahawak na lang ako sa ilong ko dahil sapul na sapul ng phone ko ang ilong ko. agad akong nagpaikot-ikot sa kama dahil sa sakit. Grabe! Ang shunga! Shunga! Ko talaga!

Nagulat at napatigil naman ako nang biglang sinipa-sipa ni Alex yung higaan ko. nasa taas kasi ako ng double deck namin at nasa ibaba naman siya. "Panget! Magpatulog ka naman oh!" reklamo niya pa, at dahil sa inis ko kinuha ko yung unan ko at binato ko yun sa mukha niya sa ibaba. Sapul!

"Anak ng---Bwiset!" reklamo niya pa sabay yakap doon sa unan ko dahil mukhang hindi na niya iyon ibabalik sa akin. Bababa sana ako para kunin yun sa kaniya kaso natakot ako kasi baka ma-ambush niya ko. humiga na lang ulit ako sa kama dahil sa inis, wala na tuloy akong unan. Kaazar talaga!

Nag-vibrate ulit yung phone ko at sa pagkakataong ito, napatagilid ako ng higa para hindi tumama sa mukha ko yung phone ko kung sakaling mabitawan ko iyon.


Anyway, it's Sir Nathan I got your number from Sir Albert


Sabi ko na nga ba!

Oo nga pala, alam ni Sir Albert yung number ko kasi siya yung tumulong sa akin noon na magpasa ng mga requirements nung nagka-tigdas ako.

Napatulala na lang ulit ako sa mga glow in the darks stars and moon ko na nakadikit sa kisame. Haays sayang akala ko pa naman makakapunta na ko sa bahay ni Sir Nathan.




"Okay... Okay... you may solve it" sabi pa ni Sir Nathan at ibinalik na niya sa'kin yung papel ko. napansin niya sigurong nasa peligro ang buhay niya kapag hindi niya sa'kin binalik yung papel ko. napangiti na lang ako at agad kong hinablot sa kaniya yung papel para ituloy yung solutions ko.

Oh yes! Madadaan naman pala sa pamatay ng tingin to si Sir eh. Haha!

Natapos na rin ni Sir kainin yung La Sagna niya samantalang hindi ko pa rin nagagalaw yung pagkain ko. medyo matao ngayon dito sa Greenwich kaya hindi ko ma-gets kung bakit dito pa kami mag-tututorial session. Ahh! Siguro kasi nag-cacrave siya ngayon sa cheese kaya gusto niya ng La Sagna.

"Yes! Tapos na!" excited kong sabi sabay abot sa kaniya nung papel ko na may final answer na. The Square root of 117 is 10.8166538

Kinuha naman iyon ni Sir at napatango-tango siya. bigla tuloy akong nahiya naalala ko kasi na nabeast mode ako kanina, hindi ko kasi mapigilang hindi mairita lalo na kapag hindi ko nahahanap yung sagot sa sinosolve ko.

"At least you find the answer" nakangiting tugon ni Sir Nathan. Kinuha ko naman na yung spaghetti at one piece chicken na inorder ko at nagsimula na akong kumain. "Ewan ko po ba Sir, nawawala po ako sa sarili kapag hindi ko nahahanap yung final answer sa lahat ng math problem na sinosolve ko" paliwanag ko sa kaniya. Napasandal naman si Sir sa upuan niya at napatingin siya sa akin. At dahil dun hindi ko tuloy magawang lunukin yung mahabang hibla ng spaghetti na nasa bunganga ko na.

"Normal lang naman sa tao na madismaya kapag hindi niya nahanap ang kasagutan sa mga katanungan niya sa buhay" tugon ni Sir Nathan at dahil dun napatingin ako sa kaniya. Whoah? Tama ba narinig ko? nag-straight tagalog si Sir!

Bigla namang nagtaka yung itsura ni Sir at naweweirduhan siyang napatingin sa akin. "What's with that look?"

Agad ko namang nilunok yung spaghetti, hindi ko na nga nanguya ng mabuti at parang hinigop ko lang kasi kinakausap niya ako.

"Kasi sir ngayon lang kita narinig na nag-tagalog ng diretso at infairness medyo malalim pa ah... nakaka-amaze, nakakadagdag pogi points yan" pang-asar ko pa dahilan para matawa lang si Sir at napailing-iling siya.

"I think I should speak in tagalog more often" sabi pa niya at parang na-flatter siya. Aba! Di ko akaling na-faflatter din pala to si sir. Napangiti na lang ako, nakakadagdag pogi points naman talaga kapag malalim magtaglog ang isang lalaki. Kyaahh!






"How about the Sin, Cos, Tan of Trigonometry?" tanong ni Sir Nathan, nandito naman kami ngayon sa bakanteng classroom. Ginagamit kasi ngayon yung conference room dahil nagpa-meeting si Dean.


"To better understand when to use the forms Sin-Cos-Tan you can use SOH CAH TOA:

SOH:Sin is used when given the opposite and the hypotenuse

CAH:Cos is used when given the adjacent and the hypotenuse

TOA:Tan is used when given the opposite and adjacent" sagot ko, napatango-tango naman si Sir. Mukhang kumbinsido na siya. Samantalang mukha naman akong echeoserang palaka na tuwang-tuwa kasi palaging tama ang sagot ko sa mga tanong ni Sir.


"Did you know that... Math is a SIN that can COS a TAN of problem" banat pa ni Sir at siya mismo ang natawa sa sarili niyang joke. Teka! Wait! Nag-jojoke na naman siya oh. At humuhugot pa. sa fb lang din naman niya kinuha joke na yan eh.


Napa-taas naman yung kilay ko, First love ko ang math at mukhang ineecheos niya ito. "I disagree sir, Math is not a SIN but... yeah it can COS a TAN of problems" sagot ko at dahil dun tumawa si Sir, nakita ko na naman yung tawa niya na labas ang ngipin. Kyaaahh!


"Physics is more complicated" habol ko pa, si Sir Nathan naman ngayon yung biglang na-challenge. Nalaman ko kasi na Physics pala ang totoong major niya, at minor lang niya ang Mathematics.


"Really? How about the Law of Attraction in Physics?" hamon pa sa'kin ni Sir Nathan. Napaisip naman ako, favorite law yun ni Alex bukod sa law of gravity at motion.


"According to Albert Einstein, everything is energy and that's all there is to it. Match the frequency of the reality you want and cannot help but get that reality. It can be no other way. This is not philosophy, this is physics" sagot ko, napatango-tango naman si Sir Nathan habang naglalakad-lakad sa platform. Kinuha niya yung whiteboard marker niya at nagsulat siya sa board.


"Quantum physics shows us that the world is not the hard and unchangeable thing it may appear to be. Instead, it is a very fluid place continuously built up using our individual and collective thoughts" paliwanag ni Sir at nag-drawing siya ng malaking bilog sa board.


"Everything you see in our physical world started as an idea, an idea that grew as it was shared and expressed, until it grew enough into a physical object through a number of steps" patuloy niya pa at nilagyan niya ng maliliit nabilog yung loob nung malaking bilog na drinawing niya hanggang sa mapuno iyon.


"You literally become what you think about most... Your life becomes what you have imagined and believed in most" dagdag pa ni Sir Nathan habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.


Tapos may sinulat ulit siya sa board... at sa pagkakataong iyon parang may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko habang isa-isa kong binasa yung sinulat niya.


Karma

The Law of Attraction

Quantum Physics

The Golden Rule

Prayer

Are All part of the same concept:

We Create Our Reality!


And what is that reality Sir?





Nandito kami ngayon sa conference room, two weeks na lang bago sumapit ang Academic Pasiklaban. Sa totoo lang, naeexcite ako na ewan, kinakabahan din ako kasi masyadong mataas ang expectation ng math department at natatakot ako na baka mabigo ko sila.

Paano kung matalo ako? anong mukhang ihaharap ko sa math department? Sa mga kaklase ko? sa pamilya ko? kay Sir Nathan---

"Agcaoili" natauhan lang ako nang marinig kong magsalita si Sir Nathan, Grabe! Nakalimutan kong nasa tapat ko lang pala siya ngayon at may tinuturo siya sa'king short cut sa pagkuha ng solutions. Masyado kasi na-occupy ng stress ang brain ko.


"A-ano po yun sir?"


"I said, Using the given point, what is the equation of this straight line in Point-Slope Form?" tanong ni Sir sabay turo sa'kin nung graph na hawak niya.


"Okay Sir hehe"


"Is there something bothering you?" tanong niya pa na ikina-gitla ko. Gosh!


"P-po? W-wala naman sir" tanggi ko pa at ibinalik ko na yung tingin ko doon sa notebook ko. napatingkayad naman si Sir at sinilip ang mukha ko dahilan para mapaatras ako at mapasandal sa upuan ko. napalunok na lang ako dahil sa kaba. Gosh! parang napanood ko na'to. pasimpleng lalapit yung guy para tingnan mabuti yung reaksyon ng mukha ng girl tapos mapapatras yung girl hanggang sa ma-corner siya sa dulo ng dingding, ipapatong nung guy yung kamay niya doon sa pader para makulong sa bisig niya yung girl.


Tapos sasabihin nung guy na 'Tingnan mo ko ng diretso sa mata' syempre mabibigla yung girl at magpapabebe, mapapaiwas ng tingin yung girl pero biglang hahawakan nung guy yung chin nito at pilit na papatinginin ng diretso sa mata niya.


'Ang iyong mga mata ay kasingganda ng bituin sa langit' sasabihin nung guy, at mapapatulala sila sa isa't-isa hanggang sa maglapit ang kanilang mga labi----


"What are you doing?... Agcaoili"


"Ang mga titig mo naman ay tulad ng sikat ng araw na nakakasilaw"


"What...do...you... m-mean?" narinig kong tugon pa ni Sir at bigla akong napabagsak sa kinauupuan ko dahil narealize ko na... NAKANGUSO PALA AKO SA TAPAT NI SIR! KYAAAAH!


"AY PUSANG PALAKA!"


"Are you alright?" tanong niya pa at napatayo siya para tulungan akong tumayo. Agad naman akong tumayo at naupo ulit sa upuan ko, inayos ko rin ang sarili ko at hindi na ako ngayon makatingin ng diretso sa mga mata niya. Halaaa! Nakakainis! Nawala na naman ako sa sarili ko! My Gosh! baka kung anong isipin ni Sir!


Baka isipin niya na hahalikan ko siya!


"Anyway, bakit ka nakapikit at nakanguso kanina?" nagtatakang tanong ni Sir at medyo natatawa siya. AYAN NA! ALEEZA TAKBO NA!


"Hala! Mali yung formula ko! wait lang sir... kukunin ko lang yung lists ng formula na----"


"The point slope form of a linear equation is written as (y-y1)=m(x-x1)" sagot ni Sir. Omg!


"Bumalik ka na ulit sa upuan mo... and please answer my question" sambit pa ni Sir habang iniikot-ikot niya yung ballpen sa kamay niya. para siyang prosecutor ngayon at pilit na pinapaamin ako sa pagkakasala ko.


"Ayy! Mapurol na yung lapis ko, wait lang sir kukunin ko lang yung sharpener----"


"Here" sabi ni Sir sabay abot sa'kin nung sharpener na nakalagay sa pencil holder na dala niya. "Maupo ka na and---"


"Hala! mali pala yung notebook na nadala ko, naiwan ko sa locker yung math notebook ko, wait lang sir kukunin----"


"It's okay, pwede mo namang kopyahin yung formula pagdating mo sa bahay" sabi pa ni Sir habang nakatingin pa din ng diretso sa'kin at mas lalo akong naiirita sa ginagawa niyang pagpapaikot nung ballpen niya sa kamay niya.


"Uhmm... na-CCR na ko sir, wait lang talaga!" palusot ko pa at dali-dali na akong tumakbo papalabas ng conference room. Narinig ko pang tinawag ni Sir ang pangalan ko pero hindi ko na iyon pinansin at nagtatakbo ako papalabas sa teacher's office. My Gosh!



Kumaripas pa ko ng takbo papunta sa CR at nagkulong sa pinakadulong cubicle. Napasandal na lang ako sa pinto at napahawak sa puso ko. Gosh! nakakahiya talaga! nahuli ako ni sir!


Anong sasabihin ko? nababaliw na ko!


Kinuha ko na yung phone ko sa bulsa, buti na lang palaging nasa bulsa ko yung phone ko. agad kong tinext sila Alex na sabay kaming umuwi kahit pa mamayang 6 pm pa ang uwi niya. hindi ko kasi kayang harapin ngayon si Sir Nathan. Buti na lang nilagay ko sa locker ko yung bag ko kaya yung notebook at math textbooks lang yung dala ko kanina sa conference room.

Ten minutes na lang naman bago mag 5 pm, matatapos na din ang session namin ni Sir Nathan. Napahinga na lang ako ng malalim at nilakasan ko ang loob ko at tinext siya.


Sir I need to go home, hinihintay na po ako ng kapatid ko, sige po bye.


Napapadyak ako sa kaba nang pinindot ko na yung send button. Napaupo na lang ako sa cubicle at napapanic doon. Ilang saglit pa biglang nag-vibrate na yung phone ko. Gosh! NAG-REPLY NA SI SIR NATHAN!


Okay, ingat sa pag-uwi :)


Napatulala lang ako ng mga 10 seconds doon sa message ni sir. Baka ako lang tong napapraning? Hindi naman siguro naisip ni Sir na ikikiss ko siya kanina?

Whew! Grabe! Syempre naman Aleeza pollution free ang utak ni Sir Nathan noh, di tulad mo na polluted na.

Ibinulsa ko na yung phone ko at lumabas na sa cubicle, nagtungo ako sa tapat ng salamin at naghilamos ng muhka para pakalmahin ko ang sarili ko. sabi nga nila kapag kinakabahan ka nakakatulong yung paghilamos sa mukha para mabawasan ang kaba mo.

Ilang saglit pa biglang dumating yung grupo nila Stacy Miranda, at mukhang sasakupin na naman nila yung CR. Tinaasan ako ng kilay ni Stacy kasi hindi pa din ako umaalis doon sa tapat ng salamin. Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya at lumabas na doon sa CR. Ugh! Dukutin ko eyeballs niya diyan eh.



Dumiretso na ako sa locker at kinuha ko na yung bag ko, para akong kriminal na napapraning kasi baka bigang sumulpot si Sir Nathan at makasalubong ko siya. buti na lang nasa first floor ang locker ko kaya madali akong makakalabas sa building namin.

Pagkalabas ko doon, dire-diretso akong naglakad sa labas, buti na lang hindi umuulan ngayon kaya mas madali akong nakarating sa gate 3. Habang naglalakad ako nag-vibrate ulit ang phone ko, nagtext si Alex.


6 pm pa ang uwian ko, wala ka ng pamasahe noh? Tsk tsk.


Narating ko na yung waiting shed at naupo na ako doon. Nakakainis hanggang sa text talaga tinatarayan ako nito.


Oo wala na kong pamasahe kaya hihintayin kita dito sa waiting shed sa labas ng gate 3


Okay na yun, bukod sa nakatakas na ako kay Sir Nathan mukhang makakalibre pa akong ng pamasahe ngayon haha!

Naupo na ako sa mahabang diretsong bakal na upuan sa waiting shed, may iilang mga estudyante na naghihintay ng masasakyan. Napatakip na lang ako sa ilong ko kasi ang usok ng paligid dahil sa mga usok ng sasakyan na dumadaan.

Medyo naiinip na din ako kasi wala akong kausap, kanina pa umuwi sila Iryn at Leana dahil inaatupag nila ngayon yung facebook fanpage na ginawa nila para kay Sir Nathan at ako ang main source nila kasi palagi ko nakakasama si Sir. Samantalang, sinundo naman ni Arthur si Jen kanina dahil mukhang nag-LQ na naman sila.

Pinagmamasdan ko lang ang mga taong dumaraan sa tapat ko, maging ang mga nakatambay at nagtatawanan ay pinagmamasdan ko rin. Ang mga sasakyang dumaraan, ang mga nagtitinda ng fishball, kwek-kwek, banana que at marami pang iba, ang dumadagungdong na pagdaan ng LRT sa itaas ay hindi rin nakaligtas sa paningin ko.

Naaalala ko bigla yung introduction line noon ni John Lloyd Cruz sa My Amnesia Girl na movie nila ni Toni Gonzaga, "Sabi sa census, mahigit 11 milyon na tao sa Metro Manila. Sa dami ng tao na 'yun, paano mo kaya malalaman kung sino sa kanila ang para sa'yo? Paano kung nakasalubong mo na siya, kaya lang hindi mo pinansin. Dumaan na pala sa harap mo, nang yumuko ka para magsintas ng sapatos mo. Nakatabi mo na pala, kaya lang lumingon ka para tingnan ang traffic light. Baka andoon na siya, humarang lang 'yung pedicab. Sa dinami-dami ng tao, may masusuwerte na nakahanap na, may mga naghahanap pa, may iba sumuko na. Pero ang pinakamasaklap sa lahat, 'yung nasa iyo na, pinakawalan mo pa. Pero paano nga kaya kung isang beses lang dumadating ang para sa'yo? Palalampasin mo pa? Kahit nasa harap mo na?"


Sa dinami-dami ng tao sa mundo, hindi mo aakalain na isang araw ay makakadaupang palad mo ang taong nakatadhana pala para sayo, parang isang line sa graph na pagtatagpuin kayo sa di niyo inaasahang pagkakataon---


"AYY ANAK NG TOKNENENG!" napasigaw ako sa gulat kasi biglang may bumisina ng malakas sa tapat ko. nanlaki ang mga mata ko nang makita si...



Bryan Armando!


Ang gunggong na bisugo na pinaglihi sa kayabangan!



"Wanna ride?" sabi niya, habang nakasuot ng mamahaling sunglass, napalingon naman ako sa kaliwa't kanan ko baka hindi naman ako yung kinakausap niya. pero lahat ng estudyante ngayon na nakatayo sa gilid ng waiting shed ay nakatingin sa akin. Halaaa!

"I'm talking to you! Bottled water girl" sabi niya sabay tanggal nung shades niya at kumindat pa sa'kin. Eww!

Nakasakay siya sa isang mamahaling red sports car na natatanggal yung bubong, hindi ko matandaan kung anong brand ng kotse yun. "Come on!" sabi pa niya sabay tapik doon sa passenger seat na nasa tabi niya.

Napatayo na lang ako at naglakad papalayo, nagpanggap na lang ako na hindi ko siya kilala at kunwaring may katext. "After all I've done for you... this is what I've got?" reklamo niya pa, yung tipong ang hangin hangin lang.

Napapatingin sa akin ngayon yung mga ka-schoolmates ko, hindi pa rin kasi maawat si Bryan sa pagdadakdak "Hey! how about my ten peso coin?" narinig kong reklamo niya pa. at dahil dun nagpantig tuloy yung tenga ko. Whuuut?


ANO?


DINADAMDAM NIYA YUNG SAMPUNG PISO NIYA? ABA NAMAN!


Naramdaman kong parang umakyat yung dugo ko sa ulo ko at dahil sa inis nilingon ko na siya with matching napa-pamewang pa "Hoy! Kung ang hinihimutok ng bunbunan mo ay ang sampung piso mo... Heto na! lunukin mo yan nang bumara sa apdo mo na nuknukan ng itim!" sigaw ko pa sa kaniya sabay kuha ng ten peso coin sa purse ko at inihagis ko sa kaniya.


Nasalo naman niya iyon "W-what do you mean by... hinihimutok ng bunbunan at apdo na nuknukan?" nagtataka niyang tanong per may halong pagkabilib at tawa. Nakita ko namang natawa din yung mga taong nakarinig ng sinabi ko.


"Ewan ko sayo" banat ko pa kay Bryan at dali-dali na akong umalis doon. Nakakainis, mukhang pag-uusapan ako nito sa school dahil sa pinagagawa ng yabang na yun. ang sarap hugutin ng buhok niya na parang mais at ilublob siya sa kumukulong tubig! Ughh!





Kinagabihan, nagreklamo si Alex kay mama kasi naubos yung pera niya kasi siya ang nagbayad ng pamasahe namin kanina pag-uwi at nagpabili pa ko sa kaniya ng miryenda na mais pagbaba namin sa bus kanina. Kaya ngayon sinisingil na ko ni Alex pero di ko siya babayaran bwaahahha!

"Totoy hayaan mo na, minsan mo lang naman ilibre ang ate mo" sermon ni mama at binelatan ko naman siya. nasa hapag kami ngayon at kaming tatlo lang ang naghahapunan kasi wala pa si papa nagpapasada pa siya.

"Wala na kasi siyang pang-date kay Lily eh" pang-asar ko pa, sinamaan naman ako ng tingin ni Alex. Pero tinawanan ko lang siya. "May bibilhin akong importante" depensa pa ni Alex pero natawa lang din si mama. Iwas kasi sa babae to si Alex minsan nga naiisip namin na baka pusong babae din siya eh.

"Rosas at tsokolate para kay Lily" banat ko pa, babatuhin sana ako ni Alex ng kutsara pero nasumbong ko na agad siya kay mama kaya ayun siya ang napukpok ng kutsara na hawak ni mama Hahaha!





Kinabukasan, nakaharap ako ngayon sa salamin dito sa banyo namin habang kinakausap ko ang sarili ko.

Kaya mo yan Aleeza! Siguradong nakalimutan naman na ni Sir Nathan yung nangyari kahapon.

Tama! Isang edukado at maginoo si Sir Nathan, wala siyang panahon para magpaka-cheesy at galawang breezy na usong-uso na ngayon sa mga kalalakihang millenials. Kahit nga pick-up-line eh sablay na sablay si Sir Nathan... pero aaminin kong kinilig pa din ako sa pick-up-line niya noong isang araw.

Kaya Aleeza harapin mo siya ng buong tapat at dapat normal lang ang kilos mo, neutral lang kumbaga na parang walang nangyari. Agree? Agree!



Pagdating sa school, namataan ko agad sila Iryn, Leana at Jen na nakatambay sa pabilog na bench sa lobby. Nagtatawanan sila at may pinapanood sila sa phone ni Jen. "Hey wassup mga ngets" bati ko, agad naman nila akong hinila at muntikan pa kong masubsob sa phone na hawak ni Jen.

"Ngets tingnan mo to! naging confession page na yung facebook page na ginawa namin! Ang dami pa lang inlababo kay Sir Nathan!" kinikilig na tugon ni Leana sabay hampas pa sa amin.

Iniscroll ni Jen pababa yung mga posts doon sa facebook page, Grabe! Nag-uumapaw sa puso ang nakikita kong mga posts. Ang sakit sa mata!

"Gumawa na kaya tayo ng mga notebook, mugs, ballpen at unan na may mukha ni Sir Nathan noh? Siguradong mabenta yun!" sabi pa ni Jen, binatukan naman namin siya, mukha talagang pera to si Jen.

"Magandang idea yan!" pag-sangayon ni Iryn at Leana dahilan para gulat akong mapatingin sa kanila. Whuuuut?

"Seryoso ba kayo? Siguradong magagalit si Sir Nathan" reklamo ko pa pero nagkatinginan silang tatlo at binigyan ako ng ngiting nakaka-echeos.

"Hindi naman siya magagalit kasi ipapaalam mo naman sa kaniya" sagot ni Iryn at mukha na silang minions ngayon na todo makangiti. Anooo?

"Ayoko! Hindi pwede! Hindi yun papayag!" saad ko sabay crossed arms with matching iling-iling pa pero nagulat kami kasi biglang may nagsalita sa likod namin.


"Sinong di papapayag?" tanong ni Sir Nathan na nakatayo na pala sa likod namin. Omg! Mukhang kakadating lang niya at nakatayo siya ngayon sa tapat ng vendo machine.


At dahil sa gulat sabay-sabay kaming napatayong apat at bumati sa kaniya "G-goodmorning sir" bati namin, tumango naman si Sir at kinuha na niya yung coffee in can sa ilalim ng vendo habang ang isang kamay niya ay nakasuksok sa bulsa niya at nakasabit naman yung laptop bag niya sa kanang balikat niya.


"Wow! sir ang aga aga ang blooming niyo na" pambobla pa ni Leana at dahil dun natawa na lang si Sir. Tuwang-tuwa naman si Iryn at Jen at kung ano-ano ding mga compliments ang pinagsasabi nila kay Sir Nathan.


"Ang ganda ng porma niyo sir ah!"


"Ang bango niyo sir amoy downy"


"Ang shiney ng shoes niyo sir wow!"


Napatingin tuloy kami sa sapatos ni Sir, at mukhang natameme si Jen kasi naka-rubber shoes naman si Sir. "Asan yung shine sa rubber shoes Jen?" bulong ni Leana kay Jen, mukha kasi silang shunga na todo maka-bola kay Sir Nathan pero biglang naging fail dahil sa sinabi ni Jen.


"Kayo talaga... mag-aral na lang kayo ng mabuti at huwag niyo muna atupagin ang mga manliligaw niyo na nais masungkit ang inyong mga puso" sabi ni Sir Nathan at dahil dun gulat akong napatingin sa kaniya. Omaygash! Nagtagalog ulit siya ng dire-diretso!


Maging sila Jen, Iryn at Leana ay nagulat din dahil sa pagpapaka-balagtas ni Sir Nathan, "Wow Sir ang astig niyo pala magtagalog" sabay-sabay na tugon ni Jen, Iryn at Leana at bakas na bakas sa mukha nila na amaze na amaze sila.


Nagulat naman ako kasi biglang napangiti si Sir at tumingin siya sa'kin "Someone told me na nakakadagdag pogi points daw ang magsalita ng purong tagalog" natatawang tugon ni Sir Nathan. Parang mga tuta naman na sabay-sabay napatango sila Jen, Iryn at Leana may after shocks pa rin sila.


"Anyway, I need to go, mag-aral kayong mabuti" bilin pa ni Sir, napatango pa siya sa'kin bago tuluyang umalis. My Goodness! Yung puso ko abnormal na naman.





"Ngets! pano tong assignment? Pa-help naman kami" pangungulit sa'kin ni Jen, Iryn at Leana. Nandito kami ngayon sa canteen. Tulala lang ako sa labas ng bintana kasi nagsisimula na namang pumatak ang ulan. Habang itong tatlong sisiw na kasama ko eh kanina pa reklamo ng reklamo sa pina-assignment sa amin ni Sir Nathan.

"Nasa locker yung assignment ko, kopyahin niyo na lang" sabi ko sabay abot sa kanila nung susi. Para naman silang nanalo sa lotto at nag-agawan pa sa pagkuha nung susi at nag-unahan pa papalabas sa canteen para kunin yung assignment ko sa locker.

Naiwan naman ako doon habang nakatitig pa din sa labas ng bintana, bakit kaya umuulan na naman ngayon? hindi ko na naman mapigilang malungkot nang walang dahilan.

"Siya ba?" narinig kong may kumpulan ng mga palaka na nagchichismisan sa katabing table namin. Napalingon ako at nagulat ako nang makita na ang grupo pa nila Stacy Miranda ang nandoon at nakatingin silang lahat ng masama ngayon sa akin.

Bigla namang tumayo si Stacy at sumunod sa kaniya yung dalawa niyang alapures habang naiwan naman yung iba doon sa table nila. "I see... itsura pa lang may pagkamalandi na ang babaeng to" mataray na tugon ni Stacy habang naka-crossed arms pa. napatulala naman ako sa kanila lalo na kay Stacy grabe! Parang living goddess talaga siya.

Nagulat naman ako dahil sa sinabi niya. Sinong malandi? Ako?

Magrereact na sana ako kaso nagulat ako kasi pinalibutan nila akong tatlo habang naka-crossed arms pa sila with matching taas kilay sa akin. "Leave... My... Boyfriend... Alone..." tugon ni Stacy at natameme lang ako dahil sa sinabi niya. Whuut? Sino bang latest boyfriend ni Stacy ngayon? nangongolekta din kasi ng lalaki ang isang to eh.

"S-sinong boyfriend?"

"What the? Seriously? Huli ka ba sa balita or talagang Eng Eng ka lang?" buwelta pa sa'kin ni Stacy. At napatango-tango naman yung dalawang ipis na kasama niya. tapakan ko sila diyan eh.

Napakunot na lang yung noo ko, wala naman kasi kaming pakialam sa buhay ng mga ipis na'to kaya hindi sila nassasali sa chikahan ng tropa namin. "Duhh si Bryan Armando... Btich" habol pa ni Stacy dahilan para muntikan ng lumuwa yung mga mata ko dahil sa gulat.

"Stay away from him... or else..." banta niya pa sa'kin sabay senyas na gigilitan yung leeg ko. hindi ko alam pero bigla na lang akong natawa dahil sa pinagsasabi nila, mukhang threaten na threaten sila diyan.

"Seryoso? Pinatulan mo si Bryan? I mean... Stacy bakit ka nagpaloko sa bakulaw na yun?" natatawa kong tugon. hindi ko naman mapigilan ang tawa ko. like Omg!

"Tama nga sila, may pagka-weirdo at baliw ka" kutya pa ni Stacy sa'kin, magrereact pa sana ako kaso tinalikuran na niya ako with matching flipped hair pa, tumama pa yung buhok niya sa mukha ko. Ouch!

"Come on girls! There's no need to worry, she's just a rug compare to us" banat pa ni Stacy habang nakatingin sa'kin at nagtawanan sila ng tropa niyang mga mukhang ipis din. Ano daw? Mukha akong basahan?! Ilampaso ko sila diyan eh!





"Okay class dismissed" announce nung prof namin sa last subject. dali-dali namang nagpaalam si Iryn, Leana at Jen dahil may kani-kaniya silang lakad. Samantalang ako ay didiretso naman sa conference room dahil oras na ng tutorial session namin ni Sir Nathan. My Gosh! kinakabahan ako.

Paano kung naaalala pa din niya yung kahihiyang nangyari kahapon? Paano kung bigla niyang tanungin ulit sa'kin kung bakit unconsciously akong nakapikit at nakanguso sa kaniya kahapon? Ugh! Haaays wala na! wala na akong dignidad!

Naglalakad na ako papunta sa professor's office nang biglang mag-vibrate yung phone ko. muntikan ko pang mabitawan yung mga librong hawak ko kasi si Sir Nathan yung nag-text. Omg!


I'm here in the library - Sir Nathan


And so?...

Ano naman? Anong paki ko kung nasa library siya? Omg! Diba ganito yung mga ginagawa ng mga mag-jowa, palagi iniinform ang isa't-isa kung nasaang sulok na sila ng Pilipinas.

Napangiti naman ako, itetext ko sana kay Sir Nathan na 'I'm here naman sa conference room, waiting for you hihi' kaso nagkamali ako ng pindot at hindi ko nabura yung nauna kong tinype na 'And So?'


Waaahh! Napasigaw ako sa panic kasi 'And So?' yung nasend ko kay Sir Nathan HALAAAAAA!


Hindi ko naman na maka-cancel kasi nagsend na agad. Nooo!


Agad akong kumaripas ng takbo papunta sa library, kailangang makapunta ako doon bago mabasa ni Sir Nathan yung message ko. My Gosh!

Tinahak ko kaagad pababa ng hagdan at wala na akong pakialam kahit nagmukha na akong shunga kakatakbo, pagdating ko sa library, napatigil pa ako sa pintuan kasi ang daming tao doon, naalala kong mahilig si Sir Nathan maupo sa pinakadulo sa tabi ng bintana. Napansin ko kasi na sa tuwing tutorial session namin kahit saang lugar palaging sa dulo nauupo si Sir Nathan.

Napatingin naman ako sa dulo at hindi nga ako nagkakamali kasi nakita ko siya doon. May binabasa siyang libro habang ang phone niya ay nasa mesa niya. Gosh! nabasa na kaya niya?

Dali-dali akong pumunta sa kinaroroonan ni Sir at hindi ko pa sinasadyang mabagsak ng medyo malakas yung mga librong dala ko sa mesa niya. gulat naman siyang napatingin sa akin. "Ang bilis mo naman" nakangiti niyang tugon. napatingin naman ako sa phone niya at nagulat ako kasi kakapasok pa lang ng text ko, whew! Mukhang natraffic yung message ko ah.

Napatingin si Sir Nathan sa phone niya na tumunog, "Nauna ka pa sa reply mo" natatawa niyang tugon at akmang bubuksan na niya yung message pero agad ko siyang pinigilan at kinuha ko yung phone niya. binura ko agad yung message na 'And So?' at binalik iyon sa kaniya. Whew! Grabe!


"B-bakit mo---"


"Wala yun sir, tara aral na tayo" sabi ko sabay upo doon sa katapat na upuan. Tiningnan naman ni Sir yung phone niya "Binura mo yung text mo?" nagtataka niyang tanong. Gosh! nakita nga pala niya na may nareceive siyang message sa akin.


"Ahh... k-kasi nawrong send po ako sir, nasend ko sa inyo yung chismisan namin nila Jen" palusot ko na lang. medyo nagtaka naman si Sir pero tumango na lang siya. whew!

Napangiti lang si Sir at sinimulan na niya akong turuan ulit. Mas naintindihan ko naman ngayon yung tinuturo niya kasi madaming tao sa paligid, at hindi na ako masyadong naiilang sa kaniya.




"Sir what is your favorite law in physics?" tanong ko sa kaniya, inabot kami ng 7 pm ngayon, isang linggo na lang kasi bago ang competition kaya dapat mas mag-aral pa ako ng mabuti. naglalakad na kami ngayon sa hallway papalabas sa gate 3.

Napatingin naman sa akin si Sir at napangiti, kaming dalawa lang ngayon ang naglalakad sa mahabang hallway, bukas naman ang ilaw sa buong helera ng hallway kaya maliwanag ang paligid kahit gabi na. tanging ang ingay lang din ng patak ng ulan ang umaalingangaw sa paligid. Open area ang hallway na dinadaanan namin kaya ramdam na ramdam namin ang lamig ng ihip ng hangin na dulot ng ulan sa labas.


"Law of Motion" sagot ni Sir Nathan habang dahan-dahan kaming naglalakad. Hindi ko rin alam kung bakit ang bagal namin maglakad ngayon.


"Alin po doon sa tatlo ang favorite law niyo?" sagot ko, naalala ko bigla si Isaac Newton.


"All of them" sagot ni Sir sabay ngiti dahilan para mapangiti din ako.


"The first law of motion, An object at rest will remain at rest unless acted on by an unbalanced force" saad ko, napangiti naman si Sir.


"Parang buhay lang din yan, tahimik ang mundo mo, payapa ang isipan mo, walang gumugulo sa iyo pero sa di inaasahang pagkakataon ay biglang ay darating sa buhay mo... darating ang pag-ibig na gugulo sa payapa mong mundo" tugon ni Sir, natawa naman ako, ang astig talaga nito ni Sir Haha!


"Bakit anong nakakatawa?" nagtataka niyang tanong pero kahit siya mismo ay natatawa din.


"Ang lakas niyo humugot sir eh, at wagas pa kayo makatagalog, dinamay mo pa yung nananahimik na first law of motion" banat ko pa, tumawa lang si Sir, hindi ko naman mapigilan ang ngiti sa labi ko dahil nakita ko na naman yung ngiti niyang labas ngipin.


"The second law of motion, states that acceleration is produced when a force acts on a mass. The greater the mass of the object being accelerated the greater the amount of force needed to accelerate the object" tugon ko pa. napatango naman si Sir Nathan at napangiti ulit ng todo, oh! Mukhang huhugot na naman siya oh!


"Kapag ang isang tao ay mas matimbang para sayo... pahahalagahan mo siya ng sobra" sabi pa ni Sir, at natawa na naman ako.


"Tsk, pang-martyr lang ang line na yan eh..." reklamo ko pa, ngumiti lang naman si Sir Nathan at napayuko. Bakit parang may pinagdadaanan siya? martyr din ba to si Sir?


At dahil medyo naging awkward ang paligid, nagsalita ulit ako "And Lastly, The third law of motion states that, For every action there is an equal and opposite reaction" tugon ko sabay ngiti sa kaniya pero nagulat ako kasi bigla siyang napatigil sa paglalakad at napatingin sa ulan na bumubuhos na ngayon ng malakas sa gilid namin.


"May mga bagay sa mundo na kahit anong gawin mo, kahit anong pilit mo... lalayo at lalayo pa rin siya sayo" tugon ni Sir Nathan at bigla siyang tumingin ng diretso sa mga mata ko. hindi ko naman nagawa pang tumawa, hindi ko alam kung tama bang tumawa ako kung ang kausap ko ngayon ay may bahid ng kalungkutan sa kaniyang mga mata. "Naiintindihan mo ba Aleeza?" tanong niya pa, dahilan para matigilan ako. First time niyang tawagin ako sa pangalan ko mismo.


"P-po? Ang alin po dun sir?"


"Lahat"


"H-hindi ko po kayo maintindihan" tugon ko at sa pagkakataong iyon hindi ko alam kung bakit bigla na namang tumibok ng mabilis ang puso ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. napatigil na kami sa paglalakad at nakatayo kami ngayon sa gitna ng hallway na kung saan kaming dalawa lang ang tao rito habang ang ulan ay patuloy na bumubuhos sa gilid namin.


~Nadarama ko pa
Ang iyong mga halik na hindi ko mabura
Sa isip at diwa
Tila naririto ka pa~


~Naririnig mo ba
Mga patak ng aking luha
Mananatili nang sugatan
Ang damdamin sinta~


~Sa bawat araw
Bawat tibok ng puso
Ikaw ang nasa isip ko~


~Ala-ala mo sa akin ay gumugulo
Bakit 'di na lang bawiin
Ang hapdi sa aking puso
Pipilitin ko limutin ang pag-ibig mo
Kung panaginip lang ito sana'y
Gisingin ang aking puso~


"May isang bagay ka pang hindi maiintindihan..." sabi pa niya at humarap siya sa akin habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko.


"Oro para que nos encontremos en una situación diferente, Donde no hay nadie que pueda detenernos...De enamorarse" tugon ni Sir Nathan at sa pagkakataong iyon, hindi ko alam kung bakit parang pamilyar sa akin ang mga katagang iyon, ang mga salitang binitiwan niya sa wikang Espanyol ay parang nagdudulot ng matinding kalungkutan sa akin.


Sadyang may mga bagay talaga sa mundo na hindi natin maintindihan... tulad na lamang ng sinabi ni Sir Nathan sa wikang Espanyol.


At hindi ko rin maintindihan ang sarili ko ngayon, hindi man maintindihan ng utak ko ang sinabi niya ngunit bakit parang ang puso ko ay nagawang maintindihan ang bawat salitang binitiwan niya.



**************

Featured Song:

'Gisingin ang puso' by Liezel Garcia

Don't forget to vote and comment hihi :) Thank you so much! <3


Source of math hugot SIN-COS-TAN: https://web.facebook.com/HUGOTinhinyero/posts/1355484887824377?_rdc=1&_rdr

Source of SOH-CAH-TOA: https://www.khanacademy.org/questions/when-i-should-use-cos/kafb_4807470

Source of Law of attraction and Quantum physics: http://johnassaraf.com/law-of-attraction/why-you-should-be-aware-of-quantum-physics-2

Source of law of motion hugot: http://captainwhogoat.tumblr.com/post/105835951730/newtons-law-of-motion


https://youtu.be/G_A5_3IVZGM

"Gisingin ang Puso" by Liezel Garcia

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top