Kabanata f(x - 10)

[Kabanata 10]

"Night after night I hear myself say
Why don't this feeling just fade away
There's no one like you,
You speak to my heart,
It's such a a shame we're worlds apart"

-Westlife (If I let you go)


"Gusto mo bang malaman kung bakit hindi nagkatuluyan si Fidel at Salome?" tugon ni Sir Nathan habang nakatingin pa rin ng diretso sa mga mata ko. kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot na hindi ko rin maipaliwanag. Kalungkutan na kaparehong nararamdaman ko sa tuwing bumubuhos ang ulan.


"Hindi ko rin alam" patuloy pa ni Sir Nathan sabay ngiti. Yung ngiting nang-aasar. What the---- Grabe! Alam niyo yung feeling na ang intense na ng pakiramdam mo kasi malalaman mo na ang sagot sa tanong na bumabagabag sayo pero yung kausap mo ang lakas ng trip dahil pinakaba ka lang. Ughh!

"Sabihin niyo na sir! Ganun din naman eh malalaman ko din naman" reklamo ko pa pero tinawanan lang ako ni Sir Nathan. Abaaa! ang saya niya ah!

"I was just kidding, Hindi ko pa nababasa to, narinig ko lang yung pag-uusap niyo ni Sir Albert sa tapat ng elevator kahapon, your reaction was so epic when Sir Albert spoiled the story" tawa pa ni Sir Nathan, So nakita niya pala yung reaksyon ko na windang na windang nang inispoil sakin ni Sir Albert yung kwento. Teka! Bakit niya kami sinundan sa labas?

Magrereact pa sana ako kaso kami na pala ang next sa counter, inilapag na ni Sir Nathan yung basket at binayaran iyon. "Oh? Agcaoili, bakit nakasimangot ka na diyan?" narinig kong bulong pa ni Sir Nathan at nandun pa rin yung ngiti niya na nakakasar. Tuwang-tuwa siya ngayon kasi mukhang naisahan niya ko. "Kasi naman sir feeling close ka" bulong ko para sa sarili ko pero hindi ko akalaing narinig niya pala, kasi mas lalong lumaki yung ngiti niya. Waaahh! Ang hina ng pagkakasabi ko nun ah!

Magsasalita na sana siya kaso biglang nagsalita yung cashier "Hi sir! I'm Julie nga pala" panimula nung cashier na wagas makangiti ngayon kay Sir Nathan at may pa-pungay-pungay pa ng mata na nalalaman, lagyan ko ng toothpick yan eh!

inilahad niya pa ang palad niya, ngumiti naman si Sir Nathan at nakipag-shake hands din doon sa malanding tahong na babaeng yun. "Nathan" tipid na sagot ni Sir at ngumiti siya yung ngiting hindi labas ang ngipin.

Samantalang ako natauod lang doon sa gilid nila sa tabi ng mga giftwrappers, mukha na tuloy akong giftwrap. "Anyway, can i get your number?" habol pa nung cashier, maganda naman si ate crabs, maputi siya at maliit lang din. in-erapan ko na lang sila at napalingon sa likod ko, nagulat ako nang makita ko yung new edition ng calligraphy pen na matagal ko ng pinapangarap bilhin para kay Alex at para sa'kin. tig-isa kami, mahilig kasi kami sa calligraphy at perfect ang pen na yun pang-regalo ko sa nalalapit na birthday ni Alex. Kahit naman palagi kami nagbabangayan mahal na mahal ko pa din ang little brother kong yun.

Nagulat ako at napalingon kay Sir Nathan kasi bigla niyang hinawakan yung wrist ko. "Actually, nagmamadali na kasi kami eh... Sige bye" paalam ni Sir Nathan sabay dampot nung paper bag na mabagal na binalot nung echeoserang cashier na yun at hinila na niya ako. Whoahhh!

Pero bago pa kami makalayo biglang nagsalita ulit yung cashier na mukhang tahong. "O-okay... Bye! Nathan.. Anyway, Ang cute niyong magkapatid" puri pa nung cashier at nakangiti din yung isa pang cashier na katabi niya at bakas sa mukha nila na na-kyukyutan sila samin Whuuuut? Anong Sabe niya?!

napalingon naman ako bigla dun sa palakang cashier na yun at mag-aala lion king sana ako at susunggaban ko siya kaso ngumiti lang si Sir Nathan at tumango. "Thanks" sagot niya, Mag-rereact pa sana ako kaso nakalabas na kami sa bookstore. What the heck! Bakit kami pinagkamalang magkapatid?! Ughh!



Napalingon naman ako sa mga glass window ng mga store habang hawak-hawak pa din ni Sir Nathan ang wrist ko, nakita ko ang reflection naming dalawa sa salamin. Oh My Goodness! Mukha akong kabute!

Dahil sa pagiging praning ko kanina hindi na ko nakapag-ayos pa. At eto ang gulo-gulo ng buhok ko na brinaid ni Jen. At hindi rin maayos ang uniform ko. Mukha akong dugyot na elementary na nagpapabili ng cotton candy sa parents pagkatapos ng klase.

Habang si Sir Nathan naman ay fresh na fresh all the way, at ngayong magkatabi kami mukha akong spoiled na kinder na dinala ng kuya niya sa mall! Waaahh!

Napatigil naman sa paglalakad si Sir Nathan at naramdaman kong binitawan na niya ang wrist ko. "Magkamukha pala tayo" natatawa niyang tugon. Tss, for sure ang saya saya niya kasi ako ang mukhang muchacha at dehado pag pinagtabi kaming dalawa. Ugh.

Sabi nga nila, para lumabas ang iyong kagandahan at kagwapuhan tumabi ka sa panget para mag-shine ka. at eto mukhang effective pala, di naman ako aware na ako yung magiging dehado saming dalawa.

"Let's eat, nagugutom na ko" sabi pa niya, Whaaat? Wala akong dalang extrang pera! Mag-rereact na sana ako kaso natangay na niya ako. My gosh! ang taksil din ng mga paa ko, bakit sumunod agad dito kay Sir Nathan.







"Don't worry, may natira pa sa allowance na binigay ni Dean, pang-kain na lang natin yun" sabi pa niya habang nakatayo kami dito sa counter para pumili ng oorderin. Nasa isang café kami, dalawang cappuccino ang inorder ni Sir Nathan at tig-isa din kami ng slice ng blueberry cake.

Nakaupo na kami ngayon sa isang table na may 2 seats lang. nasa tabi din kami ng bintana kung saan kitang-kita ang view sa baba, nasa second floor kami ngayon. Papalubog na ang araw at nagsisimula nang dumilim ang kalangitan.

"Akala ko ba sir nagugutom ka, eh bakit dito tayo kumain" reklamo ko, ang liit lang kasi nung slice ng cake, hanggang lalamunan ko lang ata aabot yun. at isa pa tong kape, baka hindi na naman ako makatulog mamayang gabi.

Habang tumatagal din hindi ko alam kung bakit nagiging komportable na ko kay Sir Nathan, magaan kasi siya kasama, yun nga lang may times talaga na nagloloko ang puso ko kapag ngumingiti siya. isa pa tong puso ko taksil din. Wala na ba akong kakampi sa mga organs ko?

Ngumiti lang si Sir sabay inom sa cappuccino niya. My Goodness! ganito yung mga nakikita ko sa mga movies, may maiiwang mark ng cappuccino sa nguso ng bida tapos pupunasan iyon ng ka-date niya o kaya hahalikan.

Anong gagawin ko? pupunasan ko ba yung nguso ni Sir? O hahalikan?

Saan ko ba napanood yung---

Nagulat ako kasi pinunasan naman agad ni Sir yung naiwang cappuccino sa nguso niya bago siya nagsalita. Whew! Buti na lang hindi siguro nanonood ng mga cheesy movies to si Sir kaya hindi siya napapraning tulad ko. "If I told you, baka isipin mong feeling close na naman ako" tawa pa niya. Haays, narinig nga pala niya yung bulong ko sa sarili ko kanina. Bakit ba kasi kinakausap ko sarili ko ayan napahamak tuloy ako.

Ininom ko na lang yung cappuccino ko at agad kong pinunasan yung nguso ko kasi baka halikan niya ko charr!

"When I think of it, you're right... kaya siguro medyo naiilang ka pa sa'kin, hindi naman tayo magkakilala and lately niyo lang ako naging professor" patuloy niya pa at chill na chill siyang nakaupo sa upuan niya, samantalang ako eh mukhang tokneneng na hindi gumagalaw sa upuan.

"Let me share some details of myself----"

"I know you sir, 27 years old ka na, may lahi kang Spanish, kaka-aapply mo lang bilang prof sa school, and you're single and ready to mingle"

Bigla akong napatakip sa bibig ko dahil sa huling sinabi ko.... Omg! Aleeza saan mo napulot ang 'Mingle-Mingle' na yan!

Gosh! lumalabag ako ngayon sa mga guidelines na ginawa ko...

#1. Kailangan may bounderies, dapat teacher-student lang ang set-up namin ni Sir Nathan hindi dapat lalagpas doon. Mas makakabuti kung hindi namin pag-uusapan ang personal na buhay ng isa't-isa.

#2. Sa school lang dapat ang session namin, at hangga't maaari dapat sa mataong lugar.

My goodness! Aleeza pinapahamak mo na ang sarili mo! hindi ka marunong sumunod sa sariling guidelines na ginawa mo!

"How did you know that?" natatawang tanong ni Sir at bakas sa mukha niya na amaze na amaze siya. Omg! Isa pa tong dila ko napakataksil! Putulin ko na kaya to!

Napaiwas naman ako ng tingin kay Sir Nathan, hindi ko naman masabi sa kaniya na ginawan na siya ni Iryn at Leana ng facebook page, at nilagay pa nila akong isa sa mga admin doon. Nasa 200 likes na yung page na kakagawa pa lang nila Iryn at Leana noong isang araw.

"Uh---sir wala lang po, narinig ko lang sa mga classmates ko na deads na deads sa inyo" tama yan! wag kang magpahalata Aleeza na malapit ka na din ma-deads sa kaniya.

Natawa naman si Sir at napailing-iling. Mukhang sanay na sanay na siya na maraming nagkaka-crush at nag-fafan girl sa kaniya. Artistahin kasi talaga ang peg niya. "You're right, I'm 27, my mother is pure-blooded Spanish and my father is a Filipino, I have an elder brother and a younger sister, my uncle recommended me na magturo sa school niyo... and also, yes I'm single but I'm not ready to mingle" halakhak niya pa lalo na yung huling sinabi niya na... 'I'm single but I'm not ready to mingle'

Napatango-tango na lang ako at pinilit kong makitawa kahit nagmukha akong natatae na ewan sa pagtawa. Nakakahiya bakit pati status niya sinabi ko pa!







Kinabukasan, magsisimula na ang first real tutorial session namin ni Sir Nathan mamayang 4 pm sa conference room sa office nila. at syempre dahil OA sa pagka-excite ang lola niyo nag-aadvance study na ako ng bonggang-bongga, 6 am pa lang ng umaga nandito na ko sa school para basahin yung math textbooks na binili namin ni Sir kahapon. Mamayang 8 am pa ang class ko at ganito ako ka-advance sa oras haha!

Mag-isa pa lang ako sa classroom at research I ang first subject namin dahil Thursday ngayon. busy ako ngayon sa pag-sosolve ng Rational Expressions in Algebra nang makaramdam ako ng uhaw. Hindi na ako nakadala pa ng bottled water kaninang umaga kasi nagmamadali ako makapasok ng maaga ngayon.

Isinara ko na muna yung mga libro at lumabas ng classroom. Tahimik ang buong hallway, wala pang mga maiingay na estudyante. Nasa third floor ako ngayon at nasa lobby pa nakapwesto yung vendo machine.

Naghagdan na lang ako pababa kasi ayokong mag-isa sa elevator baka ma-stock pa ko dun at lumabas si Shomba. At dahil nerbyosa at praning ako napatakbo din ako pababa ng hagdan. Medyo madilim pa kasi ngayon dahil hindi pa sumisikat ng bongga ang araw.

Pagdating ko sa lobby natanaw ko si Manong guard na nasa labas ng main door, nakatalikod siya at may sinusulat sa log book. Kaming dalawa pa lang ang tao dito, Whew! Buti na lang kahit papaano may tao na rin dito.

Naglakad na ako papunta sa Vendo machine na nasa gilid ng pabilog na bench dito sa lobby. Kaso napatigil ako kasi bigla kong naalala na hindi ko pala nadala yung coin purse ko! My Gosh! ang shunga ko talaga!

Bad trip! Babalik na naman ako paakyat sa third floor at kakabahan na naman ng bongga kasi ang dilim-dilim pa doon. Eh kung mangutang kaya muna ako ng sampung piso kay manong guard? Paglingon ko kay Manong guard wala na siya doon. Anu ba yan!

"Heyy, ikaw na naman ang una kong nakita, lagi na lang tayo pinagtatagpo ng tadhana... I think we're meant to be" narinig kong may nagsalita mula sa gilid ko at napanganga na lang ako sa gulat kasi nasa tabi ko na pala ang mayabang at pa-cool na si... Bryan Armando!

Nakangisi siya sa'kin ngayon at ginagamitan niya ko ng bulok niyang pick up lines. Tiningnan ko naman siya mula ulo hanggang paa, mala-Enrique Gil naman ngayon ang porma niya. messy style din ang brown hair niya habang nakasabit sa isang balikat niya yung bag pack niya.

"Tsk tsk... Malala ka na talaga" banat ko sabay crossed arms at napailing-iling pa. akala ko sa movies lanng nag-eexist ang mga mahahanging lalaking ganito. "Malalang magmahal" patuloy niya sabay smirk. Nag-insert na siya ng coin doon sa vendo at kinuha na niya yung soda niya.

"At sa sobrang malala magmahal nagagawang pagsabay-sabayin ang mga kawawang babae" buwelta ka pa, pero tinawanan niya lang ako. Aba! Enjoy na enjoy ah.

"Pag ikaw na-inlove sa'kin hu u ka" banat niya pa sabay tawa. Ang yabang talaga!

Binuksan na niya yung soda in can at nagawa pang inumin iyon sa harapan ko. Mukha tuloy akong nanonood ng commercial ngayon na kung saan feel na feel niya yung pag-tungga doon sa soda drink.

Okay siya na model, samantalang ako naman yung nanonood sa TV na walang pambili ng soda na iniinom niya.

Naubos niya yung soda sa isang laklakan lang, niyupi niya iyon gamit ang isang kamay niya at shinoot sa basurahan na nasa tabi ng vendo machine. "Three points!" sabi pa niya at proud na proud siya. siguro frustrated basketball player ang lalaking to kaya hanggang basurahan na lang ang basketball ring niya.

Ngumisi pa siya sa'kin at akmang aalis na pero napatigil siya at napalingon ulit sa'kin. "Oh? Don't be shy, bumili ka na, aalis na ako para hindi ka na kabahan dahil sa presence ko" sabi niya sabay smirk. Ang K-A-P-A-L talaga!

In-erapan ko na lang siya at tinalikuran ko na siya para magtungo na lang ulit paakyat sa hagdan kaso napatigil ako kasi bigla siyang nagsalita "Hey wait! Ms.Agcaoili" tawag niya pa. umalingangaw sa buong lobby yung boses niya dahil kaming dalawa pa lang ang tao dito.

Nilingon ko na lang siya with matching taas kilay. Nako! Babanat na naman siguro siya ng pickup lines. Ngumisi lang siya sa'kin at nagulat ako kasi bigla siyang may hinagis na barya at ang shunga ko naman kasi awtomatikong sinalo ko iyon.

"I know you're in trouble before you say so" hirit niya pa habang nakangiti ng todo sabay kindat ulit sa'kin, tumalikod na siya at naglakad na papalayo. Naiwan naman akong tulala doon habang nakanganga with matching tulo laway dahil sa pagkabigla sa mga pangyayari. Omg! So nahalata niya pala na nangangailangan ako ng pera kanina.

Napatingin naman ako doon sa inihagis niyang barya sa'kin, 10 peso coin.

Ewan ko pero parang biglang pumintig saglit ang puso ko. Gosh! mukhang magkakautang na loob ako nito sa yabang na yun!







"Iryn ngets... okay lang yan, wag mo na lang intindihin si Bryan" narinig kong tugon ni Jen, hinihimas-himas niya ngayon ang likod ni Iryn. Habang si Leana naman ay niyayakap siya. kakarating ko lang ngayon sa canteen kung nasaan sila, tumambay kasi muna ako sa library kanina para mag-review para sa quiz namin mamaya.

Inilapag ko na yung gamit ko sa bakanteng upuan sa tapat nila "Anong nangyari?" napatingin naman silang lahat sa'kin. gusto kong yumakap din kay Iryn ngayon kasi namamaga na ang mga mata niya kakaiyak.

"Sinubukan niya kasing batiin si Bryan kanina nung nakasalubong namin siya sa hallway pero dineadma lang siya" sumbong ni Leana at dahil dun parang umakyat lahat ng dugo ko sa utak ko. WHAT THE----

"ANO? ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA NG MAYABANG NA LALAKING YUN! ANG SARAP GILITAN NG LEEG NIYA" nagulat naman ako kasi bigla akong hinila ni Jen paupo, napanganga na lang ako kasi hindi ko namalayan na nadala pala ako sa emosyon ko kaya hindi ko namalayan na napalakas pala yung boses ko dahilan para mapalingon sa'kin yung iba pang mga estudyante dito sa canteen.

Nag-peace sign na lang kami at nag-kumpulan na ulit. "Over naman ang reaction mo Aleeza, may pinanghuhugutan ka ba?" reklamo sa'kin ni Leana. Napahinga na lang ako ng malalim, hindi ko pa pala nakwekwento sa kanila ang kayabangan ni Bryan.

"Mga Ngets listen to me... Alam niyo bang----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang sumulpot yung kaklase naming si Angela.

"Aleeza! Andito ka lang pala, pinapatawag ka ni Sir Albert sa library" tugon niya at hinihingal siya. mukhang nagtatakbo siya at kanina pa ko hinahanap.

"Bakit daw?"

"Ewan ko basta pumunta ka na raw doon" sabi ni Angela sabay talikod na, nako! Yan ang mahirap kapag kilala ka ng prof mo eh, mauutusan ka.

Nagpaalaam naman na muna ako kina Jen, Iryn at Leana at iniwan ko na rin muna ang mga gamit ko sa kanila at tumungo na sa library.





Pagdating ko doon, natanaw ko na agad si Sir Albert na abalang-abala sa pagbabasa ng libro sa pinakadulong table, ang dami ring mga libro na magkakapatong sa mesa niya. "Hi! Tatang" panimula ko, napangiti at natawa naman si Sir Albert. Minsan ko lang kasi siya tawaging tatang lalo na kapag masaya ako.

"Oh anak, maupo ka" sabi niya, excited naman akong umupo sa katapat na upuan niya. tinatawag niya rin akong anak lalo na kapag nag-fefeeling daddy siya.

"Bakit niyo po pala ako pinatawag----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang inilapag ni Sir Albert yung librong binabasa niya sa tapat ko.

Omg! Isa yung aklat tungkol sa Baybayin!

"Binabasa mo yung nobelang Our Asymtotically Love Story hindi ba? Si Salome ay marunong mag-Baybayin" panimula ni Sir Albert, napatango-tango naman ako at napangiti ng todo. Grabe! Sobrang na-amaze talaga ako sa Baybayin. Napaka-detailed at ang ganda ng contruction ng mga letra ng Baybayin.

"Wow! Sir kwentuhan niyo naman po ako tungkol sa History ng Baybayin" pakiusap ko, napangiti naman si Sir Albert dahil alam kong gusto rin naman niya ang mabahagi ang mga nalalaman niya.

isang paraan ng pagsulat na ginagamit bago pa dumating ang mga Kastila. Ang salitang baybayin ay nangangahulugang "to spell" o pagbaybay. Ang iba pa nga ay nagkakamali sa pagtawag nito at sinasabing ito ay "Alibata" pero mali iyon dahil "Baybayin" ang tawag talaga dito.

Ang baybayin ay isang mabisang paraan ng mga ninuno ng pagsusulat 'di lamang upang makipagusap sa isa't isa kundi makita rin nila ang kanilang mga paniniwala sa pamamagitan ng pagbaybay sa mga salita. Ang Baybayin ay may labing-pitong simbolo.

Gumamit ng iba't-ibang sulatan ang ating mga ninuno noong unang panahon, kabilang na dito ay ang dahon ng saging, balat ng puno at iba pa. Ang mga panulat naman nila ay ang mga matutulis na mga bato at pinatulis na kawayan.

Ayon kay Miguel Lopez de Legazpi, ang mga Bisaya ay nagsusulat ng katulad sa ating ninunong Malay kung saan nila ito unang natutunan. Pinalitan ng mga Kastila ang baybayin ng dumating sila at ipinakilala ang alpabeto.

Ngunit unti-unting nawala ang paggamit ng baybayin noong 16th century kahit tinangka ito ng iilang paring Kastila na gamitin sa panrelihiyong panunulat. Ang mga Pilipino noong 17th century at 18th century ay pumipirma pa rin gamit ang Baybayin kahit na karamihan na sa mga dokumento ay nakasulat sa paraang gusto ng mga Kastila. Pinapaniwalaang kaya nawala ang paggamit ng Baybayin ay dahil na rin sa kumplikadong paraan ng pagsulat nito. Sinasabing mas madali ang paraan ng pagsulat na ipinakilala ng mga Kastila sapagkat mas naayon ito sa pagbabago ng panahon at may mga iba na ring mga salitang hindi na kayang ibaybay pa ng Baybayin dahil na rin sa kulang ang pantig nito.

Hindi nakikilala ang kaibahan ng e at i, o at u, maging ng d at r; at higit sa lahat walang paraan upang matanggal ang mga patinig sa bawat letra sapagkat ang Baybayin ay nasa anyo ng papantig kaya ang mga katinig ay hindi pwedeng ipagsama at ang mga huling papantig ng mga katinig ay hindi maaaring isulat. Kung wala ang mga katitikan na ito, ang salitang Espanyol ay magkakaroon ng ibang kahulugan at maaari ring mawala. Para na rin sa sariling kapakanan ng mga Pilipino kung kaya't pinili nilang itigil na ang pagsulat gamit ang Baybayin. Mas pinili nila ang alpabeto sapagkat mas madali ito aralin at matutunan at nagiging paraan din ito upang makasabay sila sa pag-unlad ng mga mamamayang Kastila na sumakop sa bansa.

"Pero ayaw po turuan ng mga Kastila noon ang mga Pilipino na matuto ng wika nila?" nagtataka kong tanong, naalala ko bigla si Fidel, isa siyang mabait na kastila kasi gusto niyang turuan ang mga Pilipino.

Ayaw turuan ng mga Kastila sa Pilipinas ang mga indio dahil alam nilang matatalino ang mga ito at kapag tinuruan ng wikang Espanyol ay maiintindihan ang ginagawang panloloko sa kanila. Pilipinas lang ang dating kolonya ng Espanya na di natutong magsalita ng Espanyol maliban sa mga intelektwal na nasa alta sociedad at gitnang uri/middle class.







Napatulala lang ako habang naglalakad pabalik sa canteen, Grabe! Hindi ko maintindihan kung bakit apektadong-apketado ako sa panahon ng mga Kastila. Siguro ganito talaga ang lakas ng impact sa'kin ng History.

"Oh? Baka mahulog ka" nagitla ako nang biglang narinig ko ang pamilyar na boses sa likuran ko. paglingon ko nanlaki ang mga mata ko nang tumambad sa harapan ko si... Sir Nathan. Ngumiti siya sa'kin at pababa na din siya ng hagdan, may mga hawak siyang libro. "See you later" dagdag pa niya at nauna na siyang bumaba sa hagdan.

Samantalang, naistatwa naman ako sa kinatatayuan ko at amoy na amoy ko pa rin yung pabango ni Sir Nathan kahit lumagpas na siya sa'kin. My goodness!







"I believe in you, memorize mo naman na lahat ng mathematical formula, right?" tugon ni Sir Nathan, nandito kami ngayon sa conference room. Buong akala ko ay hindi ako pagtataksilan ng puso ko at magiging kalmado lang ito ngayon pero nagkamali ako kasi sobrang lakas na ng kabog nito. Gosh! dukutin ko na rin kaya itong puso ko at itapon sa bintana sa labas Ugh!

Napailing naman ako "H-hindi po lahat sir" magkatabi kami ngayon at ang dami ring mga math textbooks na dinala si Sir at nakakalat ang mga iyon sa mahabang mesa ng conference room. Ang liwanag dito sa loob ng conference room at sorbrang nakaka-stress kasi puting-puti ang pintura ng bawat sulok ng dingding. May malaking projector screen din sa harapan. at nasa kaliwa namin ang malalaking bintana na gawa sa makapal na glass at wala itong kurtina.

Napasandal naman si Sir sa upuan niya at may kinuha siyang isang makapal na textbook. "How about the three rules of horizontal asymptote?"

Napangiti naman ako "The three rules that horizontal asymptotes follow is based on the degree of the numerator, n, and the degree of the denominator, m. If n < m, the horizontal asymptote is y = 0. If n = m, the horizontal asymptote is y = a/b. If n > m, there is no horizontal asymptote" sagot ko, napangiti naman si Sir at napatango-tango siya habang pinapa-ikot-ikot niya sa daliri niya yung ballpen na hawak niya.

"Very good... Hmm... Another question, how to find a horizontal asymptote?" tanong pa ni sir at parang sinusubukan niya ko. at dahil nag-advance study ng bongga ang lola niyo kanina game na game ako haha!

Kinuha ko naman yung notebook ko at gumawa ako ng illustration ng sasabihin ko "To find horizontal asymptotes: First, if the degree of the denominator is bigger than the degree of the numerator, the horizontal asymptote is the x-axis (y = 0). Second, if the degree of the numerator is bigger than the denominator, there is no horizontal asymptote. And Third, If the degrees of the numerator and denominator are the same, the horizontal asymptote equals the leading coefficient of the numerator divided by the leading coefficient of the denominator" sagot ko, mas lalo namang napalaki yung ngiti ni Sir.

"Very Good... Okay so now find the horizontal asymptote of the following" sabi niya sabay sulat ng dalawang equation doon sa notebook ko.


tumango naman ako at nagsimulang mag-solve. Suot ko din ngayon yung black nerdy eye glasses ko na lucky charm ko kapag nag-sosolve ng math problems. Hindi naman ako makapag-concentrate kasi nakatingin din si Sir sa sinusulatan kong notebook. Gosh!

mas lalo pa kong napapraning kasi tic tok lang ng wall clock dito sa conference room ang umaalingawngaw sa buong kwarto. Naaninag kong napangiti si Sir at napasandal, nahalata niya sigurong nanginginig yung kamay ko kasi nakakailang talaga kapag may nagmamatyag sa ginagawa mo lalo na kapag nag-sosolve ka.

kinuha ni sir yung phone niya at nagpaka-busy na lang siya sa pagkalikot doon. Napahinga naman ako ng malalim. Whew! Buti naman na-gets niya na hindi ako makapag-focus dahil sa ginagawa niyang pagtitig diyan.

Pero bigla akong napatigil sa pagsosolve at napatingin sa kaniya kasi nag-play siya ng music sa phone niya. "It will help you to think properly and relax" sabi niya habang nakangiti, inilapag na niya yung phone niya sa table. Napatingin naman ako sa phone niya sabay tingin ulit sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na favorite niya rin pala ang Canon in D by Johann Pachelbel.

Hindi ko namalayan na napatitig na pala ako sa kaniya habang nagpa-play sa paligid ang nakaka-relax na instrumental music na Canon in D. Matagal ko ng gustong-gusto ang music na iyon, mula nang marinig ko siya na tinugtog sa piano ng isang lalaki noon sa isang mall sa Alabang na kung saan may piano sa gitna at pwedeng tumugtog kahit sino, 8 years old pa lang ako noon pero sobrang tumatak ang pangyayaring iyon sa buhay ko.

At mula nang araw na iyon sa tuwing nalulungkot ako nang walang dahilan lalo na kapag umuulan palagi kong pinapakinggan ang Canon in D, dahil sa tuwing naririnig ko ang musikang iyon parang napapawi ang kalungkutan ko na hindi ko mapaliwanag.

Napalingon ako sa kaliwa kung nasaan ang bintana, makulimlim ang kalangitan at biglang pumatak ang ulan hanggang sa tuluyan na itong bumuhos ng dahan-dahan.

"Is there a problem?" narinig kong tanong ni Sir Nathan at dahil dun bigla akong natauhan at napatingin ulit sa kaniya. "W-wala po sir" sabi ko na lang at ibinalik ko na ulit ang atensyon ko sa pagsosolve nung math problem.

Ilang saglit pa, natapos ko na isolve yung binigay niyang equation, inabot ko na yung notebook ko sa kaniya at tiningnan niya iyon ng mabuti. Napatango-tango naman siya habang chine-chek iyon. "You're really good. I think we should move on to the next level, which is the difficult stage" sabi pa ni sir, para naman akong ewan na napaisip pa ng three seconds dahil doon sa sinabi niyang 'We should move on to the next level' My Goodness! Kung ano-ano na namang kabaliwan ang pumapasok sa utak ko!

Magsasalita pa sana si Sir Nathan kaso biglang nag-ring yung phone niya, nanlaki naman yung mga mata ko kasi kakaibang number yung naka-register na number doon sa phone niya. as in pang-ibang bansa na number.

"Just a moment" sabi niya sa'kin at tumayo siya sabay answer nung call.

"Oh? ¿Sí, Honey?" (Oh? Yes honey?)

Whaaat? Anong sabi niya? Honey daw?

"Estás bien? De todos modos, te llamaré más tarde cuando llegue a casa" (Are you alright? Anyway, I'll call you later when I get home)

Ano daw? Honey lang yung naintindihan ko sa pinagsasabi niya. Gosh! hindi ko alam kung maamaze ba ko kay Sir Nathan kasi ang galing niyang mag-Spanish o maloloka ako kasi binaggit siyang Honey!

Ibinulsa naman na ni Sir yung phone niya at bumalik na ulit siya sa upuan niya, sa tabi ko. "Okay... saan na nga pala tayo?" patuloy pa ni Sir Nathan, hindi ko naman namalayan na dismayadong nakatingin na pala ako sa kaniya ngayon. ito kasi ang kahinaan ko, hindi ko kayang itago ang expression ng mukha ko lalo na kapag disappointed ako at pag nalulungkot.

"Why? Bakit ganiyang itsura mo?" nagtatakang tanong ni Sir pero may halong tawa sa labi niya. at dahil dun napaiwas ako ng tingin sa kaniya at napatingin na lang ulit sa notebook ko. "W-wala po sir"

Napasandal naman si sir sa upuan niya at napa-crossed arms habang nakangiting inoobserbahan ako. "Really? Parang may gusto kang itanong sa'kin" pang-asar niya pa dahilan para mapatingin ako sa kaniya. May pagka-maloko rin pala to si Sir.

Kinuha ko na lang ulit yung notebook ko at nagkunwaring nagsusulat doon "Uh-S-sino po si Honey?" kinakabahan kong tanong, hindi kasi ako mapapanatag hangga't hindi ko nalalaman kung sino ba yung Honey na yun, o kaya baka naman mali lang ang pagkarinig ko.

Tumawa naman si Sir saglit at kinuha niya ulit yung phone niya "She's my sister" narinig kong sabi niya sabay pakita sa'kin nung picture ng isang gorgeous na girl na sa tingin ko ay seventeen years old na. nanlaki yung mga mata ko ang ganda ng kapatid niya, hawig ni Marian Rivera na pinabatang version.

"Her name is Honey, like a honey bee" patuloy niya ni Sir habang nakangiti pa rin. Pinatugtog na niya ulit yung Canon in D. napatango-tango naman ako dahil sa sobrang mangha. Wow! ang ganda pala talaga ng lahi nila.

"Edi Sir nasa Spain siya?"

Tumango naman si Sir bilang sagot sa tanong ko, at sa pagkakataong iyon napansin ko na biglang nawala yung ngiti sa labi niya at nagbuklat na lang ulit siya ng isang libro. Bakit biglang nagbago yung expression ng mukha niya nung nabanggit ko yung Spain?

At dahil makulit na echeoserang chismosa ang lola niyo hindi ko mapigilang magtanong pa ulit kay Sir Nathan. Pero syempre gusto kong hind imaging awkward ang pagtatanong ko at ang pagsagot niya "Uhm... Sir, ibig sabihin nakarating na kayo sa Spain? Wow, pangarap ko rin makapunta doon, balak ko po kasi pagka-graduate ko mag-totour ako around the world" sabi ko pa sabay tinaas ko pa ang dalawang kamay ko para i-emphasize ang 'Around the world'

Napangiti naman si Sir at tumango pero bigla siyang napalingon sa bintana na nasa tabi namin. Dumadaloy na ngayon ang tubig ulan sa glass window ng conference room. Sobrang lakas buhos ng ulan parang nakikisabay ito sa biglaang paghari ng kalungkutan sa paligid namin.

"I was born there, doon na rin ako lumaki, but when my parents separated sumunod ako kay dad pabalik dito sa Manila, I was thirteen that time and up until now hindi na ako bumalik doon" sagot niya habang pinagmamasdan ang bintana na patuloy na dinadaluyan ng malamig na ulan.

"B-bakit hindi na po kayo bumalik sa Spain?" tanong ko, hindi ko alam pero sa pagkakataong iyon nagsimulang bumigat na naman ang dibdib ko.

Napatingin naman si Sir Nathan ng diretso sa mga mata ko "Because of a promise"

~Minsan 'di ko maiwasang isipin ka
Lalo na sa t'wing nag-iisa
Ano na kayang balita sayo
Naiisip mo rin kaya ako~

~At hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo~



Parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo, habang nakatingin ako ng diretso sa mga mata niya at ganoon rin siya sa'kin... kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan, ng pagihip ng malakas na hangin sa labas, ng malamig na temperatura dito sa loob ng conference room, at ng tuloy-tuloy na pagalingawngaw ng musikang Canon in D sa paligid. Hindi ko alam pero biglang nagdulot ng kirot sa puso ko ang sagot ni Sir Nathan sa katanungan ko...

Because of a Promise



********************

Featured Song:

'Hiling' by Silent Sanctuary

Source of baybayin: https://nasyonalistikpinoy.wordpress.com/2013/01/22/pagaaral-ng-baybayin

https://teksbok.blogspot.com/2013/01/kasaysayan-ng-alpabeto.html

The evolution of Philippine Alpabhet by Elyka Marisse Agan, Project Development Analyst

https://www.slideshare.net/lykamarizzobeldeayala/term-14486274

Source of Asymptote: http://study.com/academy/lesson/horizontal-asymptotes-definition-rules-quiz.html


https://youtu.be/d6yF6sxzs5M

"Hiling" by Silent Sanctuary

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top