Kabanata f(x - 1)




[Kabanata 1]

Sabi nila, kaya raw umuulan ay dahil may isang diwata noon na naghintay ng napakatagal sa muling pagbabalik ng kaniyang kasintahan ngunit nabigo siya... nabigo siya sa pag-ibig.

"Kapag Hindi ka bumalik, iiyak ako at siguradong mababasa ka ng luha ko"

"Hoy! Aleeza! daig mo pa broken hearted sa pag-emo mo diyan ah" pang-asar sa'kin ni Jen, nakasakay kami ngayon sa bus pauwi galing school. Nandito ako nakaupo sa tabi ng bintana habang pinagmamasdan ko ang tuloy-tuloy na daloy ng tubig ulan sa bintana ng bus. Malakas ang ulan ngayon at sobrang makulimlim ang langit kahit pa alas-kwatro pa lang ng hapon.

Buti na lang nakauwi kami ng maaga ni Jen kasi hindi na nakapasok yung prof namin sa last subject. Natatanaw ko ang mga tao sa kalsada na nakasilong sa mga establishments, ang iba naman ay pilit sinalubong ang ulan gamit ang payong na konti na lang ay liliparin na ng hangin, nag-aagawan naman ang iba sa iilang jeep na tumitigil upang magbaba ng pasahero. At sobrang dami ng tao ang stranded ngayon dahil sa lakas ng ulan na walang tigil na bumubuhos mula pa kahapon.

"Adik ka, pero ewan ko ba bakit parang may kakaiba akong nararamdaman sa tuwing umuulan... di ko alam kung bakit nalulungkot ako na ewan at ang sakit-sakit sa dibdib" sabi ko sabay turo sa puso ko, binigyan naman ako ni Jen ng yung-totoo-nagaadik-ka-ba-friend-look.

Natawa na lang ako at hinampas ko siya, nakakaloka talaga ang bff kong to' palagi niya ako inaasar, ineecheos at kinokontra pero kahit ganoon never kami nag-away. Siya nga pala si Jenina Rodriguez or Jen, bestfriends kami since High School at hanggang ngayon malapit na kami grumaduate sa College ay magkasama pa rin kami, kulang na lang itali kaming dalawa para hindi na magkahiwalay pa.


Ako nga pala si Aleeza Mae Agcaoili, Nineteen and an incoming 4th year nursing student. Magiging fourth year lang ako kung makakapasa ako sa final exams namin bukas. At hindi pa ako nakakapag-review sa ngayon kasi naman si Jen nagdala ng laptop kahapon tapos ayan nanood na lang kami ng nanood ng mga music video at interviews ng favorite male groups namin na Westlife, A1 and Backstreet boys haha! Oh diba lakas namin maka-90s kahit pa year 2014 na ngayon.


"And drama mo ngets! Lahat ng bagay may dahilan noh, sabi nga nila Everything Happens for a reason, ikaw lang tong madramang palaka diyan, Dinaig mo pa ang iniwan ng jowa sa pagdadrama mo diyan sa bintana, feeling nasa music video pfft" pang-echeos niya pa at ang lakas-lakas ng boses niya dahilan para mapatingin sa amin yung ibang pasahero na nakatayo sa bus. Buti na lang immune na talaga ako sa bespren kong to haays. Oo nga pala 'Ngets' ang tawagan namin sa isa't-isa short-cut sa panget haha!

"Pag ako nakuhang commercial model sa mcdo, Hu u ka talaga saken" banat ko naman at hinampas ko ulit siya, hindi ko alam nakasanayan ko na mang-hampas habang tumatawa. Bigla namang napadaan yung konduktor ng bus sa kinauupuan namin at paulit-ulit siya sa pagsasabi ng 'Oh yung wala pang bayad diyan! Oh yung wala pang bayad diyan! Oh yung wala pang bayad diyan'

"Seriously ngets, pansin ko lang din lagi kang napapatulala tuwing umuulan, feel ko nga dati may Seasonal Affective Disorder ka eh" sabi pa niya at dahil dun binigyan ko siya ng Salamat-sa-tulong-friend-ah-look. "Joke lang... feeling nga lang diba? Maka-react naman to... Guilty oh" pang-asar niya pa. Haays, kung sabagay naisip ko na rin yung dati, baka nga may Seasonal Affective Disroder is a type of depression that's related to changes in seasons. Oh diba lakas makapag-diagnose sa sarili.

"Baka nga abnormal na ko, nangangat pa man din ako pag nawawala sa sarili Rawr!" banat ko pa sa kaniya, nawindang siya saglit pero agad niya akong tinawanan at hinampas din sa braso, mukha tuloy kaming shunga dito sa loob ng bus at naghahampasan habang ang iba ay tahimik lang. Gosh! napatingin sa amin yung matandang lalaki na nakatayo at mukhang kakainin niya kami ng buhay kaya agad kong sinagi si Jen para tumahimik. Na-gets naman niya na may threat sa buhay namin kaya tumahimik na din siya.


Ilang saglit pa binuksan nung konduktor yung TV dito sa bus at nilagay niya iyon sa balita.


Sa darating na sabado ay papasok na ang bagyong Nina sa Philippine area of responsibility, Asahan ang pagbaha sa mababang lugar at walang humpay na buhos ng malakas na ulan hanggang sa Martes. May taglay na lakas ng hangin itong umaabot sa 140 km per hour...


"Haays, mukhang may paparating na bagyo... Oh diba, sinabi ko na sayo ngets lahat ng bagay may dahilan... tingnan mo kaya umuulan ngayon ng malakas at mukhang babaha pa kasi may paparating na bagyo" sermon niya pa sa'kin. Napatango-tango na lang ako. "Opo Nay!" banat ko na lang sa kaniya at tuwang-tuwa siya kasi na-sermonan na naman niya ako.

"Mag-boypren ka na kasi para naman may dahilan kung bakit nagkakaganyan ka pag umuulan tss" pang-asar niya pa tapos ininggit niya ako sa picture nila ni Arthur na boyfie niya ngayon at kilig na kilig siya, "No way ngets... tatandang dalaga na lang ako kaysa pumatol sa mga f*ckboy na yan Urghh" reklamo ko at biglang napatingin sa'kin yung lalaking cool na cool na nakatayo rin dito sa bus katabi nung matandang lalaki na kakainin kami ng buhay. Mukhang guilty si koya oh.

"Di naman f*ckboy si Arthur ihh... maginoo naman siya pero medyo... medyo bastos kyaahh" sigaw niya pa at halos mahimatay na siya sa kilig. sabagay pogi naman ang boyfriend niyang si Arthur yun nga lang ang presko ng dating, nakilala lang naman niya yun sa Omegle tss.

"Edi wag... pero sa lagay mo ngayon ngets daig mo pa talaga ang na-broken hearted kahit hindi ka pa naman nagkaka-boyfriend tss" pang-asar niya pa, magsasalita pa sana ako kaso biglang nag-ring yung phone niya, tumatawag ngayon si Arthur at dahil dun halos mabingi na naman ako kasi kilig na kilig siya at puro 'Enebe... shenebe ko nemen seye ne leb kete eh' na sobrang nakakairita haha.

Kinuha ko na lang yung phone ko at sinalpak ko yung earphones sa magkabilang tenga ko para kahit papaano magkaroon ako ng katahimikan. Napalingon ulit ako sa bintana, tinatahak na namin ngayon ang coastal road, kitang-kita ko ang medyo malakas na pag-hampas ng karagatan ng Manila bay sa gilid ng kalsada dito sa Cavitex Express Way. Nagsimula nang tumugtog ang Canon in D by Johann Pachebel. Piano instrument lang ito at sobrang nakakagaan sa pakiramdam.


Tuloy-tuloy lang din ang daloy ng tubig ulan dito sa bintana at medyo mabagal din ang takbo ng bus dahil malakas ang hampas ng hangin at ulan.

Napatingin ako sa kalangitan, parang dahan-dahang bumabagsak ang patak ng mga ulan. At sa pagkakataong iyon may mga tanong na pilit bumabagabag sa akin mula pagkabata ko...


Bakit ba parang konektado ang puso ko sa tuwing bumubuhos ang ulan? Hindi ko maintindihan kung bakit ang bigat ng dibdib ko sa tuwing bumabagsak ang tubig ulan sa kalupaan? Wala naman akong matandaan na masamang pangyayari na mauugnay ko sa ulan... pero bakit parang pakiramdam ko ay may nangyaring hindi ko matandaan?


Tama nga si Jen... never pa ako nagka-boyfriend, pero syempre nagka-crush naman ako pero hindi naman dumating sa point na na-inlove ako, kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit parang naranasan ko na umibig at masaktan.

Baka nababaliw lang talaga ako haaays.








"Hoy! Aleeza ngets bababa na ko... bye" paalam ni Jen sabay tayo, napalingon ako sa kaniya hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa Bacoor, Cavite. Tumigil na ang bus at hirap na hirap naman ngayon yung mga bababa ng bus kabilang na si Jen kasi para na kaming sardinas dito sa loob at ang daming nakatayo sa gitna dahilan para hindi makadaan ng maayos ang mga tao.

Tinawanan ko na lang siya kasi para siyang mandirigma na sumasabak ngayon sa gera. Sa Dasmarinas, Cavite pa ako nakatira kaya nauna ng bumaba si Jen at naiwan naman akong mag-isa na tulala pa rin sa tabi ng bintana ng bus. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at nagbabakasakali na maglaho na ang weird na pakiramdam na'to.








"Nandito na ko" tugon ko pagpasok sa bahay, nahirapan pa ko isara yung payong ko kasi mukhang hindi nito kinayanan ang lakas ng hangin at ulan kaya eto basang-basa ako ngayon. Maliit lang ang bahay namin, may dalawang kwarto ito, isang maliit na salas pag-pasok sa pinto, isang kusina sa gilid at isang banyo.

Pagmamay-ari ni Tito Ace ang bahay na'to, na kasalukuyang nagtatrabaho bilang nurse sa Canada. Nasa edad 40s na si Tito Ace pero wala pa rin siyang asawa kaya madami na siyang ipon at siya rin ang nagpapaaral sa'kin at sa kapatid kong si Alexander. Nakababatang kapatid ni papa si Tito Ace at sa tuwing umuuwi siya dito sa Pilipinas palaging may grand reunion dahil tintipon niya talaga kaming lahat na magkakamag-anak.

"Oh? Aleeza may sinaing at nilaga akong niluto, nagugutom ka na ba?" tanong ni mama, na kakagaling lang sa kusina at may dala siyang mga Tupperware. Maputi at medyo may katabaan si mama, 4'10 lang ang height niya at malakas talaga ang kutob ko na sa kaniya ko namana ang height ko kasi 5' flat lang ako.

"Okay lang po ako Ma, magpapalit lang ako ng damit" tugon ko at dumiretso na ko sa kwarto namin ni Alexander ang nakababata kong kapatid. Pagbukas ko ng pinto naabutan kong nakaupo siya sa study table namin at nag-aaral mabuti. 16 years old na si Alexander pero mas mature pa siya mag-isip sa'kin, siguro dahil genius talaga siya at ilang beses na rin siya sumabak sa mga Science Quiz Bees. Samantalang ako, mas prefer ko naman ang Mathematics, first love ko talaga ang Math at may poreber kami.


"Ate, look I'm studying here" pagsusungit sa'kin ni Alexander, na-distract siguro siya sa pagbukas ko ng maingay naming cabinet. May pagka-masungit din kasi ang kapatid kong to, pa-mysterious look lang ang peg kaya naman ayan madaming girls ang nagkandarapa sa kaniya. Kung sabagay gwapo naman talaga ang kapatid kong yan, maputi rin siya at matangkad talaga, may pagkasingkit gaya ng mata ni papa. In short, mukha siyang chinito heartthrob at may bonus pa science genius pa.

"Okay... Okay..." sagot ko na lang at kinuha ko na yung color pink na pair of pajamas ko at dumiretso na sa banyo para makaligo at magpalit ng damit. Pagkatapos ng seremonya ko sa banyo nakita kong nasa salas na si Alexander at nanonood ng tv. Wow ah nag-aaral daw siya tsk tsk.

Bumalik na ko sa kwarto at isinabit ko na yung tuwalya na nakabalot sa buhok ko sa likod ng pintuan namin. Maliit lang din ang kwartong ito. May malaking bookshelves kung saan nakalagay ang mga libro namin ni Alex lalong-lalo na ang mga collection niya ng science fictions, May isang lumang aparador at double deck. Sa taas ako natutulog at sa baba naman si Alexander. Mayroon din kaming isang maliit na study table na nakapwesto sa tapat ng bintana.

Umupo na ako sa study table at kinuha ko na rin yung pag-aaralan ko para sa exams namin bukas. Pero hindi ko mapigilang mapatitig sa labas ng bintana na kung saan patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. Nakatapat ang bintana ng kwarto namin sa kalsada sa labas. at halos walang katao-tao sa labas. tahimik lang ang buong paligid habang ang lahat ay nasa kani-kaniyang bahay.

Heto na naman ako nagpapadala sa kalungkutan na hatid ng ulan na hindi ko maintindihan. Haays. At dahil kailangan kong mag-focus sa pag-aaral ibinaba ko na yung kurtina para hindi ako ma-distract sa tanawin sa labas. Binuklat ko na yung textbook ko at mga ilang minuto lang akong nakatulala roon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang may kung anong bumabagabag sa akin. Parang may mangyayari na kailangan kong iwasan.


Napatitig na lang ako sa maliit na salamin na nasa gilid ng study table namin, may pagka-narcisstic din kasi ang kapatid ko at kapag nag-mememorize siya tinititigan niya ang sarili niya sa salamin para raw madaling pumasok sa isip niya yung minememorize niya. oh diba.

Pinagmasdan ko ang sariling reflection ko sa salamin, kung tutuusin isang ordinaryong kabute lang naman ang itsura ko kumpara sa mga nagagandahan kong schoolmates sa school. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi ko kamukha si mama o si papa o kahit si Alexander. Naisip ko nga dati na baka ampon lang ako at isang anak ng mayamang matanda na malapit ng mamatay at ipapamana niya sa'kin ang kayamanan niya bwahaha!

Pero syempre pang-telenovela lang yun, hindi naman siguro yun nag-eexist sa totoong buhay. Kahit papaano naman nakuha ko ang height ni mama kaya eto small but terrible ang peg ko. Maputi rin ang balat ko pero hindi kasingputi ni Alexander at mama. May pagka-chinita rin ako na pinipilit kong namana ko kay papa oh ha!





"Pa! penge ng pera may contribution kami bukas para sa farewell party" narinig kong tugon ni Alexander mula sa salas, agad akong tumayo at lumabas ng kwarto dahil nandito na si papa. Naabutan kong pinupunasan ni mama ang ulo at mukha ni papa na ngayon ay basang-basa na rin sa ulan. Nakatayo naman si Alexander sa harap nila.

"Magkano ba? Kakahingi mo lang kahapon totoy" tugon ni papa kay Alexander, natawa na lang ako kasi totoy pa rin ang tawag ni papa kay Alexander kahit pa makisig na binatilyo na ito. Napakamot na lang sa ulo si Alexander at halatang tiniis na lang niya ang pagtawa namin kasi kailangan niya ng pera haha!

"150 php lang naman pa" maamong tugon ng kapatid ko kay papa at mukha siyang tuta na nag-aabang ng pera sa amo. "Oh eto na, basta pagbutihin mo lagi ang pag-aaral mo ah, wala munang ligaw-ligaw, gayahin mo ang ate mo, hindi nagpapaligaw yan" bilin ni papa kay Alexander, napa-crossed arms naman ako at proud akong tumingin sa kaniya kasi pinuri ako ni papa haha!

In-erapan naman ako ni Alexander "Wala naman talagang manliligaw kay ate kasi ang panget-panget naman niya" banat pa ni Alexander dahilan para lakihan ko siya ng mata, kukurutin ko sana siya at wrewrestlingin kaso agad siyang kumaripas ng takbo papasok sa kwarto namin at ni-lock niya iyon! Aba! Talagaaa!


Napatingin naman ako kay mama at papa na ngayon ay nakatingin sa amin at pinagtatawanan kami. "Oh, Aleng kumain ka na" narinig kong sabi ni papa at sinimangutan ko naman siya. Whuut? Mukhang hanggang ngayon hindi pa rin ako lulubayan ng nickname na yan ah. 'Aleng' short for Aleeza, pero para sa'kin parang Ale ang dating.

"May dala akong pasalubong sayo Aleng anak" patuloy pa ni papa at nilabas niya yung isang plastic na ang laman ay isang malaking pinya. Whoah. Agad akong napalapit kay papa at kinuha ko yung dala niyang pinya. Gosh! favorite ko to!

"Thank you papa" tugon ko sa kaniya at akmang yayakapin ko siya pero sumenyas siya na wag na dahil basang-basa pa rin siya sa ulan. Nasa hapag-kainan na kami ngayon, may maliit na pa-round table lang kami dito sa gilid ng salas. Tinawag na rin ni mama si Alexander at sabay-sabay na kaming kumain.


Inilapag na ni mama ang mainit na nilagang baka na niluto niya para mapawi ang lamig na nararamdaman namin dahil maulan ngayon. Nakatingin lang kami kay papa habang nagkwekwento siya nang buong araw niya sa pagpapasada ng jeep. 10 years na nagpapasada jeepney si papa at marami na rin siyang naging karanasan at napagdaanan sa pagbyahe ng pampasaherong jeep na ang ruta ay pa-baclaran-zapote-alabang.

Si tito Ace ang bumili ng jeep na iyon para maging pangunahing hanapbuhay ni papa. Samantala ang perang naipon naman ni papa sa pagpapasada ay pinuhunan nila ni mama na makakuha ng pwesto sa palengke dito sa Zapote Kabila, nagtitinda ng isda sa palengke si mama at kapag walang pasok tumutulong kami ni Alexander sa kaniya.

Napunta ang usapan sa mataas na presyo ng isda ngayon kaya medyo madalang ang benta ng isda sa palengke dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan nitong mga huling araw kaya pinagbawalan mangisda ngayon sa karagatan.

Hindi ko naman mapigilang kiligin sa tuwing nagtatawagan ng Mahal si mama at papa, para kasi silang bagets at sobrang sweet sa isa't-isa. Matangkad si papa at makisig din ang kaniyang pangangatawan bagay na namana ni Alexander sa kaniya. Kayumanggi ang kaniyang balat at medyo singkit ang kaniyang mga mata.





Pagkatapos namin kumain, nag-jack en poy pa kami ni Alexander kung sino ang maghuhugas ng plato, at dahil mas expert siya sa'kin lalo na sa mga law of balance chu chu natalo tuloy ako. at ang ending ako ang naghugas ng sandamak-mak na hugasin.





Nandito ako ngayon mag-isa sa kusina, nasa kwarto na si Alexander at nasa salas naman si mama at papa at nanonood sila ng mga teleserye. Maliit lang din ang kusina namin, mga limang hakbang lang malilibot mo na ang buong kusina. Nakapwesto sa gilid ng pintuan ang ref namin na kasing edad ko lang, sabi kasi noon ni papa na hangga't maaayos pa ang isang bagay magagamit pa ito.

Medyo sira-sira na rin ang mga muebles sa clutter namin, at dahan-dahan lang ang pagbuhos ng tubig sa lababo namin dahil madali itong magbara. Habang naghuhugas ako ng plato, hindi ko mapigilan mapatingin sa bintana na gawa sa jalousie na nasa tapat ko. nakikita ko naman ang view ng likod ng bahay namin na kung saan may maliit lang na-space sa labas para sa laundry at pagsampay.

Muli ay napatingin ulit ako sa hindi maawat na pagbuhos ng ulan.


Bakit hanggang dito ayaw akong lubayan ng kakaibang pakiramdam na ito?








Kinabukasan, hindi ko namalayan na kanina pa pala tumutunog ang alarm ko. Nagulat na lang ako kasi biglang kiniliti ni Alexander ang talampakan ko dahilan para mapabangon ako bigla at mauntog sa kisame, naglaglagan tuloy yung mga glow in the darks na stars and moon na kinabit ko sa kisame. "Aray! Bakit ka ba nangingiliti diyan?!" reklamo ko kay Alexander at binato ko sa kaniya yung unan na hawak ko pero nakailag siya. Bad trip!

"Late ka na kaya ate!" banat niya pa at natatawa siya kasi naging miserable agad yung gising ko dahil sa ginawa niyang pangingiliti sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize kong naka-porma na siya pang-alis, ahh! Oo nga pala farewell party nila ngayon.


Teka! Ibig sabihin tanghali na!


Agad akong napatingin sa wall clock namin sa itaas ng bintana at napanganga na lang ako dahil 40 mins na lang mag-aalas-otso na!


May exam ako ng 8 am!


"Oh! Pasalamat ka saken" narinig kong pang-asar pa ni Alexander pero agad kong tinapon sa mukha niya yung kumot at hindi siya nakailag. Nakakainis, bakit ngayon niya lang ako ginising! Ughh

Agad akong lumandag sa double deck at dire-diretsong nagtungo sa banyo, mga 3 minutes lang ako naligo at wala na akong pakialam kasi malamig naman ang panahon ngayon. dali-dali kong sinuot yung uniform namin na white blouse at white pencil cut na palda. Kinuha ko na rin yung bag ko at nag-mano kay mama na naghuhugas ng plato. "Hindi ka ba kakain anak?" tanong niya pero umiling na lang ako at nagpaalam na saka kumaripas ng takbo papalabas ng bahay.

Buti na lang malapit lang ang bahay namin sa labasan kaya hindi ko na kailangan pang mag-tricycle. Medyo umaabon na lang ngayon pero makulimlim pa rin ang langit. Pagdating sa main highway, saktong may paparating na jeep na pa-baclaran kaya naisip ko na baba na lang ako sa baclaran at sasakay na lang ulit ng jeep pa-Manila.

Sa isang kilalang University dito sa Manila ako nag-aaral at sobrang kinakabahan na ako ngayon kasi rush hour na. hindi na ako mapakali kakalingon sa bintana ng jeep kahit pa may trapal na nakaharang dito kasi medyo umaabon pa.


20 minutes na lang bago mag-start ang first class namin biglang nagtext si Jen.


Hoy Ngets! May balak ka ba pumasok? May exam tayo ngayon duhh - Jen


Nakakainis wala pa man din akong load ngayon, wala na rin akong reward points at may utang pa ko sa globe kaya hindi ako makautang ulit haays.

Ilang saglit pa buti na lang dire-diretso na ang byahe dito sa baclaran, agad akong pumara at bumaba saka kumaripas ng takbo pasakay ulit sa jeep na byahe pa-Manila. Buti na lang papaalis na ang jeep at nag-iisang pasahero na nag-iisa sa buhay na lang ang hinihintay Whew.


10 minutes bago mag-start ang klase, sunod-sunod na text na ang pinadala sa'kin ni Jen mas lalo tuloy akong natataranta. Hindi naman daw siya makatawag kasi wala siyang pang-call. Haays. Buti na lang dire-diretso at walang traffic ngayon, narinig ko rin sa pag-uusap nung driver at ng pasaherong katabi niya na na-suspend na daw ang klase sa elementary at high school sa buong Metro Manila. Nilapit ko ang tenga ko sa kanila at umaasa akong maririnig ko ang magic word na 'Pati College susupended na rin'


Pero wala.


Waterproof talaga siguro ang mga college haays.


Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa phone ko na 8:03 am na Gosh! napasilip ulit ako sa bintana, medyo malapit na kami sa school ko. kaso naabutan kami ng stop light. Kainis!

Pumara na ako sa jeep at dali-daling bumaba, hindi ko na rin nagawang buksan pa ang payong ko dahil sa pagmamadali. Umaambon na lang naman hindi naman ako mamamatay kapag naambunan ako. Nagpaliko-liko naman ako dahil sa mga taong nakakasalubong ko na tumatawid na rin ngayon sa kalsada, halos lahat ay papasalubong sa akin, idagdag mo pa ang maingay na pagdaan ng LRT sa itaas.

Pagdating ko sa main gate ng school agad kong tinap ang id ko, at dali-daling kumaripas ng takbo papasok. Wala na akong pakialam kahit tingnan ako ng ibang mga estudyante ang importante ay makaabot ako sa first class ko, hindi raw kasi ang prof namin ang magpoproctor o magbabantay ngayon sa amin habang nag-eexam kami kasi nasa out of town siya, kaya ibang prof ang papalit muna sa kaniya. Gosh! baka pagalitan ako ng proctor namin!

Nasa 5th floor pa ang classroom ko at ang dami ngayong nakatambay sa tapat ng elevator. Haays kaazar! Wala na kong choice! Tinahak ko na ang hagdan paakyat sa 5th floor. Medyo napatigil ako saglit nang marating ko na ang 3rd floor pero sabi nga nila go lang ng go kaya hindi pa rin ako sumuko kahit hingal na hingal na ako sa pagtakbo mula pa kanina.

Pagdating sa 5th floor nasa kabilang dulo pa yung classroom namin kaya kumaripas ako ng takbo sa hallway, buti na lang wala ng tao sa hallway dahil lahat ng estudyante ay nasa kani-kaniya ng classroom dahil kanina pa nagsimula ang klase.


8:15 am


Napasilip muna ako sa pa-rectangle na butas sa pintuan ng classroom namin at nakita kong kakaupo pa lang ng ibang estudyante at inaayos pa nila ang mga bag nila. natanaw ko si Jen na kumukuha pa lang ng ballpen at test permit sa bag niya. Sa pinakalikod kami nakaupo ni Jen sa dulo ng classroom sa tabi ng bintana, parang nabunutan ako ng tinik kasi mukhang hindi pa naman sila nagsisimulang mag-exam. Binuksan ko na yung pinto at dire-diretsong nagtungo sa upuan ko sa likod, nakayuko lang ako at hindi ko malaman ngayon kung sino yung proctor namin kasi wala namang ibang kulay na damit dito. Halos nakaputi kasi kaming lahat na nursing students, at ang mga lalaki naman ay puting polo shirt at black pants ang uniform nila.

Nakita na ko ni Jen at napangiti siya dahil mukhang malapit na ako sa finish line ng marathon na'to. pero bago pa man ako makaupo sa kinauupuan ko bigla kong narinig na may nagsalita mula sa harapan.


"Goodmorning class... I am Professor Nathan Abrantes and I will be your proctor for today" panimula ng isang lalaking nakatayo ngayon sa platform sa gitna. Napatulala na lang ako sa kaniya, hindi ko maitatanggi na ang ganda ng tindig niya, Maganda ang kaniyang mga mata at lumiliit ito kapag nagsasalita siya, kulay brown din ang kaniyang mga mata, matangos ang kaniyang ilong, manipis ang kaniyang labi, maputi ang kaniyang balat, at makisig ang kaniyang pangangatawan.

Para siyang may lahing Latin-American. Naka-white polo shirt din siya at black pants kaya pala hindi ko napansin na proctor siya kasi nakaputi rin siya. Napansin ko namang napatulala lang din lahat ng babaeng kaklase ko sa kaniya habang nakatayo siya sa gitna, nakasuksok ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang bulsa at pinapaliwanag niya ang instructions niya sa exam namin.


Nanlaki ang mga mata ko nang biglang magtama ang mga mata namin, napatigil din siya sa pagsasalita at napatitig sa akin. Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang nagtitigan kami ng mga limang segundo. Sa pagkakataong iyon, parang may kung ano akong naramdaman, kumikirot ang puso ko bagay na nararamdaman ko kapag umuulan. Halos walang kurap pa rin akong nakatingin ng diretso sa mga mata niya, napahawak na lang ako sa puso ko dahil sa pamilyar na pakiramdam na hindi ko sigurado kung saan at kailan ko naramdaman.


"Do you have a question Miss?" nagulat ako nang bigla siyang magsalita dahilan para matauhan ako. Nakalingon na sa akin ngayon ang buong klase dahilan para mas lalo akong kabahan. Nagulat ako nang biglang hawakan ni Jen ang kamay ko at pasimple siyang bumulong sa'kin. "Ngets! Bakit ba nakatayo ka pa dyan?" tugon niya at dahil dun narealize ko na kaya pala ako tiningnan at tinanong ng gwapong proctor namin ngayon ay dahil hindi pa rin ako umuupo sa upuan ko.


"Ah---W-wala po... s-sorry po sir" sambit ko na lang at dali-dali akong umupo sa upuan ko, nasagi ko pa yung mga notebook ni Jen sa gilid dahilan para mahulog ito at lumikha na naman ng panibagong ingay sa lob ng classroom. Shocks! Nakakahiya.


"Are you alright?" tanong pa ulit sa'kin nung proctor namin at napatango na lang ako sa kaniya, agad ko namang iniwas ang tingin ko at dinampot ko na yung mga notebook na nahulog sa sahig. Halos matunaw naman ako sa mga nang-eecheos na tingin ng mga blockmates ko, ang iba ay natatawa dahil sa ka-eng-engan ko at ang iba naman ay napa-tsk tsk na lang, iniisip siguro nila na nagpapansin ako sa gwapong proctor namin haays.


"Okay... let's now proceed"





Muli ay napasulyap ako sa proctor namin na ngayon ay abala sa pag-distribute ng mga test papers. Napalingon naman ako sa bintana ng classroom na nasa tabi ko lang, umuulan na ngayon ng malakas at sobrang kulimlim na ng kalangitan. Parang nakikiayon ang magulong panahon ngayon sa magulong nararamdaman ng puso ko.


Napahawak naman ako sa puso ko, Ano tong nararamdaman ko? Na-love at first sight ba ko? Pero bakit parang... parang ang bigat sa pakiramdam? Makirot ba sa puso kapag na-love at first sight ang isang tao?



Napapikit na lang ako habang paulit-ulit na sumagi sa isipan ko ang pangalang....


Nathan Abrantes...


Bakit ganito ang nararamdaman ko?

********************
Pakinggan niyo ang Original Soundtrack na ito na handog nina Elli at Stephanie.

[Dapat mayroong isang GIF o video dito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]

Source of Alamat ng Ulan: http://azirsimrot.blogspot.com/2014/11/alamat-ng-ulan.html?spref=bl

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top