Chapter 10: At Long Last! Meet the Club!
JAMIE
THE DAY finally came. Loki's back to school! Hindi ko na ma-contain ang excitement ko noong sabihan ako ni Rosie na naka-set na ang time ng meeting namin sa QED Club. Kahit may group meeting kami para sa Personality Development subject namin, mas pinili ko 'to kaysa ro'n. Sure naman akong maiintindihan ako ng groupmates. Isang "sorry" at pa-cute ko lang sa kanila, mawawala na ang atraso ko. Gano'n ako kalakas.
Before going to the QED clubroom, dumaan muna ako sa girl's comfort room sa third floor. This would be our first official introduction kaya kailangang humataw ako sa first impression. No one would get a second chance at it. Inayos ko ang pagkaka-braid ng buhok ko, sinigurong walang loose strand. Sa talas ba naman ng mga mata ni Loki, baka ma-turn off siya kapag nakita niyang may isa o dalawang hibla na out of place. Nag-apply rin ako nang kaunting make-up para mas ma-accentuate ang facial features ko.
I was bringing my A-game today. This wasn't my hundred percent—siguro nasa eighty-five—pero enough na 'to para magmukhang presentable at charming. Nang ready na ako, lumabas na ako ng comfort room at hinarap si Rosie na sana'y hindi ko masyadong pinaghintay nang matagal. Halos ten minutes yata ako sa loob.
"How do I look?" tanong ko habang pinu-purse ang lips ko. Napahaplos din ang kamay ko sa naka-braid kong buhok. I looked perfect in front of the mirror. Pero minsan kasi, may slight difference sa nakikita ng mga tao sa personal.
Rosie looked at me from head to heels. Lumawak ang ngiti niya at marahang tumango. Mukhang approved sa kanya. "You look gorgeous as always, Jamie! Alam kong seryoso sa buhay at wala masyadong pakialam sa paligid niya si Loki. Pero baka kapag nakita ka niya, matulala siya sa ganda mo."
I tucked some strands of my hair behind my left ear. Ramdam kong nagba-blush ang mukha ko. "Hindi naman siguro! Ang goal ko ay makilala siya, hindi matulala sa 'kin."
"Pwede namang both, 'di ba?" sabi ni Rosie, lalo pang lumawak ang ngiti niya. "O tara na! Malamang naghihintay na sila sa atin."
Hindi gano'n kalayo ang Room 315 mula sa girl's comfort room kaya sandali lang ang nilakad namin. Pagkatigil namin sa tapat ng pinto, sinenyasan ako ni Rosie na lumayo nang kaunti at huwag munang papahagip kapag binuksan na niya. Tumango ako sa kanya.
I could have introduced myself to the club without her help, pero naisipan kong magdala ng wingman—or in this case, wingwoman—para hindi magmukhang super eager kong makilala si Loki.
This is it!
Tatlong beses na kumatok si Rosie bago niya bahagyang binuksan ang pinto. May mahihinang boses akong narinig galing sa loob. Sumilip muna siya sa gap sabay tanong at kaway. "Hi! Nakaiistorbo ba ako sa inyo?"
"We're in the middle of an important—" Whoa! Was that Loki's voice? First time ko pa lang marinig 'yon sa personal!
"Rosie! Tuloy kayo! Wala naman kaming importanteng pinag-uusapan." And that must be Lorelei. She sounded . . . average. Nothing special. Hindi rin pang-singer ang boses niya. "Kasama mo ba ang na-mention mo noong isang araw na potential client namin?"
"Yup!" sagot ni Rosie bago humarap sa akin. Lumapit ako sa kanya nang sumenyas siya sa 'kin. Tuluyan na niyang binuksan ang pinto at sabay na kaming pumasok sa loob.
Inhale. Exhale. I put on the brightest and widest smile that I could. Heto lang ang chance ko na gumawa ng magandang first impression! And I couldn't and shouldn't mess this up!
"Are you planning to apply again in our club?" tanong ni Loki nang magawi ang tingin niya kay Rosie.
I'd seen the Loki Mendez in pictures, lalo na ro'n sa sh-in-are ni Rosie sa Clark High Confessions habang nagso-solve siya ng murder case. Parehong-pareho na magulo ang buhok, parang walang pakialam sa mundo ang facial expression at malamlam ang mga gray na mata. But he looked more handsome in person. Mas may appeal siya.
Look at me! Look at me!
Sunod siyang tumingin sa direksyon ko. "And you've brought someone who—"
Hindi ko inasahang magkakatotoo ang biro ni Rosie kanina. Nang magtagpo ang tingin namin, natulala si Loki sa 'kin, namulagat ang mga mata at napabuka ang bibig. Namutla rin ang mukha niya na parang nakakita siya ng multo. This was the first time that we laid our eyes on each other. Hindi ko inasahan na ganito niya ako igi-greet. I was, uhm, flattered or something?
Was he stunned by my beauty or charm? Kung oo, hindi na ako masyadong magtataka. That happened sometimes to other boys whenever they saw me and I said hello to them. Pero hindi ko in-expect na gano'n din ang reaksyon ni Loki.
"Okay ka lang ba?" Napansin din ni Rosetta ang pagkatulala ni Loki. "Baka hindi pa siya totally okay kaya parang nag-lag siya?"
Oh, yeah! He got poisoned a few days ago. Baka may dinaramdam pa siya kaya gano'n ang itsura niya? Anyway, I hoped na he was pleased to see me.
The stunned look on Loki's face took a full minute. "P-Please take your seat." Napamuestra siya sa bakanteng upuan sa tabi ng babaeng kasama niya.
Oh, that must be the Lorelei that Rosie was talking about. Mukhang wala namang special sa kanya. May bangs siya. Lagpas balikat ang haba ng buhok. At parang matamlay ang mukha—walang color at wala rin masyadong emosyon. She looked so . . . normal. Nothing remarkable.
Nginitian ko siya bago ako umupo sa tabi niya. Si Rosie naman, nanatiling nakatayo sa likuran ko. Iginala ko muna ang aking mga mata sa clubroom. Ibang-iba 'to sa na-imagine ko. Akala ko, malaki. Masyado pa lang maliit, parang lima hanggang anim na katao lang ang kasya rito. May mahabang mesa, may anim na upuan—'yong isa ay swivel—may bookshelf sa sulok at may whiteboard sa gilid.
"Pasensya na, hindi ako magtatagal dito," sabi ni Rosie sabay turo sa akin. "Hinatid ko lang talaga itong friend ko sa clubroom n'yo."
"Hi! My name's Jamie Santiago," I introduced myself, still with my warm smile. Marami na akong na-meet na iba't ibang klase ng tao tuwing may stage play kami—mula sa school officials hanggang sa VIPs—kaya sanay na ako sa ganitong introductions. Hindi basta-basta mangangawit ang mga muscle ko sa bibig. "Pleased to make your acquaintance!"
"Baka hindi mo pa siya kilala dahil transferee ka, Lori, pero si Jamie ay isa sa mga talented theater actress ng Repertory Club!" Marahang tinapik ni Rosie ang balikat ko. "Laging sa kanya napupunta ang lead roles at popular siya sa buong campus!"
Mas interested akong malaman kung alam ni Loki 'yon o kung kilala niya ba ako. Baka kasi ito ang first time na narinig niya ang pangalan ko o nalaman niya na nag-e-exist pala ang gaya ko.
"O siya! Iiwan ko na kayo. Sana'y matulungan n'yo ang friend ko." Kumaway muna si Rosie bago lumabas ng clubroom. Kumaway ako pabalik sa kanya at pinasalamatan siya sa tulog niya. "Please take care of her!"
Tapos na ang scene niya kaya ako na ang bahala sa susunod. I had waited for this moment kaya sisiguruhin kong hindi ako mapahihiya, lalo na sa harap ni Loki. Teka, wala na siyang kibo matapos niya akong paupuin. Parang natulala na naman siya. May dumi ba sa mukha ko o may nakikita siya sa tabi ko na hindi ko nakikita?
"I'm Lorelei Rios, the chronicler of our cases, and this is Loki Mendez, the club president," sabi ng kasama niya. Hindi na niya kinailangang magpakilala dahil aware na ako sa kanila. But fine! I'd pretend that this was my first time hearing about them. "Please feel free to tell us what your problem is. We're here to listen."
Sinimulan kong laruin ang naka-braid kong buhok, kunwari'y nahihiya pa. "Gaya ng sinabi ni Rosie, isa akong theater actress. Sanay na akong makakilala ng fans sa bawat production na pinagbibidahan ko. Hindi naman sila isyu sa 'kin. Ang mas kinatatakutan ko ay 'yong mga nagtatago sa dilim at hindi nagpapakilala."
Kuhang-kuha ko ang atensyon ni Lorelei, pero 'di ko masabi kung nakikinig ba si Loki sa 'kin. Wala man siyang kahit anong reaksyon. Ganito ba talaga siya kapag may client?
"One time, may naka-chat ako sa Facebook," nagpatuloy ako sa pagkukuwento. "Hindi familiar ang pangalan at mukhang fake account ang gamit niya. Noong una, nakikipag-friend siya sa 'kin. Tapos sa mga sumunod na araw, bigla siyang nag-send ng mga picture ko habang nasa stage."
"May copy ka ba ng pictures na s-in-end niya sa 'yo?" tanong ni Lorelei.
Inilabas ko ang aking phone at in-open ang isang message thread. Ipinakita ko sa kanya ang photos na s-in-end doon. "Last week siyang nagsimulang mag-send sa akin niyan. 'Yong pinakauna ay noong Tuesday, 7:56 ng gabi. Sunod sa Wednesday, 8:34 ng gabi. 'Yong pinakahuling s-in-end niya ay kagabi, 9:45."
"Saan nakuhanan ang mga 'to?" sunod na tanong niya. Hindi ba niya bibigyan ng chance ang kasama niya na magtanong sa 'kin? Hindi naman siya ang ipinunta ko rito.
"Sa auditorium," sagot ko. "Nagsimula na kasi last week ang rehearsal para sa susunod na production. Bilang member ng Repertory Club, automatic na kaming kasama sa play."
"Gusto mong ipa-identify sa amin kung sino ang kumukuha ng pictures na 'to at ang nanggugulo sa 'yo?"
Tumango ako. Ano pa ba ang dapat nilang gawin? "Maliban kasi sa nagiging creepy na ang ginagawa niya, natatakot akong baka may iba pa siyang gawin sa 'kin kapag hinayaan ko lang. Nagse-send pa siya ng nakakikilabot na message sa chat. Ano sa tingin n'yo?"
"Kung hindi pa gano'n ka-obvious sa 'yo, malamang isa sa mga ka-member mo ang nasa likod nito." Ibinalik na niya sa 'kin ang phone. Thank you for stating the obvious, Lorelei. "Malapitan ang karamihan sa mga shot niya. That means he's in the same room as you. Sino pa ba ang kasama mo sa auditorium kundi ang mga taga-Repertory Club?"
"Ta-Talaga?" Napanganga ako, kunwari'y gulat na gulat. Wala talaga akong interes sa opinyon niya. Mas gusto kong marinig ang opinyon ni Loki. Pero wala akong choice. Kailangan kong makisakay sa kanya. "Pero bakit niya gagawin 'to?"
Nagkrus ang mga braso niya at nagawi sa ibang direksyon ang tingin. "Baka nahihiya siya sa 'yo kaya hanggang sa chat message ka lang niya kinakausap. Medyo nakababahala ang ganitong behavior sa isang fan. You should be extra careful especially when you're alone."
"Anyway, we'll need your chat records with the mysterious guy." Sa wakas, nagsalita na si Loki! Akala ko kung napaano na siya! "We need to understand the culprit first before we can gather our suspects. Also, if you don't mind, can you give us a list of all members in your production? We'll try to narrow down the possible number of suspects."
"Wala pa kaming official at final list talaga, but I remember the names of everyone who's been accepted in the production so far," sagot ko. Heto na ang chance kong magpa-impress sa kanya. "We're forty-two all in all. I can write them down for you."
"Memorized mo ang pangalan ng mga kasama mo?" kunot-noong tanong ni Lorelei.
"Ang mga buong pangalan nila, oo," puno ng confidence ang sagot ko. Hindi sa nagyayabang ako, pero may maipagmamayabang talaga ako. "I have an eidetic memory kaya hindi ako nahihirapan sa pagme-memorize ng lines ko sa play. Kaya kong tandaan ang isang bagay sa isang tingin."
Binigyan ako ni Lorelei ng kapirasong papel at inabutan ng pen. Sunod-sunod ang pagsusulat ko ng mga pangalan dahil tandang-tanda ko ang mga nakasulat sa isang attendance sheet namin kung saan kumpleto kami. Nang matapos na ako sa pagsusulat, sunod ko namang i-s-in-end ang screenshots ng conversation namin ni Mister Y.
"Thank you for this list," sagot ni Loki nang iniabot ko sa kanya ang listahan kaysa kay Lorelei. Sinasadya niya yatang iwasan ang tingin ko. "We'll start our investigation right away. We'll let you know once we've made a breakthrough. Lorelei here will contact you. Kindly give her your number."
"I should be the one thanking you," I told him with a smile. "I feel better now that you're on the case."
Ibinigay ko muna kay Lorelei ang contact number ko bago ako nagpaalam at lumabas ng clubroom. My lips couldn't help but twist into a wide smile. Sa wakas, nag-meet na kami ni Loki! Gusto kong magtitili at magtatalon kaso baka may makakita sa akin at isiping napaka-weird. I chose to just scream and rejoice internally.
—to be continued—
If you've enjoyed this update and you have some thoughts to share, let me know by posting or tweeting with the hashtag #QEDOrigins!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top