Chapter 38

Kina-umagahan ay bumalik si mama at kina-usap ako. I already knew about myself five hundred years ago. Bumalik na ang lahat ng ala-ala ko noong nakaraang pagkatao ko bilang phoenix.

We are living in the same world but not the first world.

"You are the guardian of this World, you are the phoenix Nacia. Defeat big fish, don't worry we're here to help you. Pero ikaw lang ang makakatapos kay big fish. Both of you came from the same timeline." Kinabahan ako sa sinaad ni mama.

Mania World will be in chaos again, the war will continue that happened five hundred years ago. Kasabay ng pagkabuhay ko, ang siyang pagkabuhay naman nila. Mawawala lang sila, kung matatapos ko siya. Big fish. His member was a puppet of him, balian man ng katawan ang kahoy, tutubo pa rin. If the root was still there, they won't die and Mania World will never be in peace.

Napangisi ako ng may naalala ako sa nakaraan ko bilang isang phoenix.

I wasn't able to defeat him five hundred years ago, then I'll defeat him in this timeline.

***

Pagkatapos naming mag-usap ni mama noong. Ramdam kong buo na ako, nasagot na ang mga katanungan ko.

"Ang saya natin ah." Sambit ni Reese. I smiled at her.

"Well."

Lumabas kami ni Reese sa kwarto na tinutuluyan ko at pumunta sa hapag kainan. Maraming tao ang nasa dining area lalo't nandito ang Great Nine, nandito rin ang unggoys at si Dria. Nakayuko nga lang ang dalawa naming kasamahang unggoy, akala ko pa nga magbabangayan sila.

"Nacia, sit." Sabi ni grandma. I bowed at her.

Tumabi ako kay Yuriel at katapat ko naman si Aaron habang si mama ang nasa kanan ko. Napatingin ako kay Aaron na katapat ko, he was also looking on me. It's feel like, he was studying my face. Yung totoo? Kinuha ni grandma ang atensyon namin sa pamamagitan ng kutsara at baso.

"Lets eat." Grandma uttered.

Nagsimula na kaming kumain, minsan naiilang akong sumubo dahil nararamdaman kong may nakatitig sa'kin. Wala namang ibang gagawa non, maliban sa lalaking kaharap ko.

"Hindi mo ba nagustuhan ang mga pagkain iha?" Napatingin ako kay grandma na ngayon ay nakatingin na pala sa'kin at sa pinggan ko.

"No, the food taste good though." I answered. Tumango nalang si grandma sa'kin.

"Get your eyes on her." Enough for Aaron to heard Yuriel voice.

"Naiilang siya." Dagdag ng kapatid kong mas malamig pa sa yelo. Sinabi pa talaga eh, pwede namang manahimik nalang siya.

Bigla namang nasamid si Zach sa sinabi ni Yuriel kaya napalo siya ni Elle. Mukhang nagsisimula na.

"Dahan-dahan kasi, napagkakamalan kang patay gutom." Bulong ni Elle.

"Wow, coming from you na malakas kumain, pero hindi naman tumataba." Zach counterattacked.

"Tsaka, nasamid ako dahil mukhang walang pag-asa si Aar---" Aaron glared on Zach.

"Shut up." Sambit ng lalaking katapat ko, na nasa pagkain parin ang mga mata. Pero halatang si Zach ang sinasabihan.

"Eat, Nacia." Sambit nito sa'kin na hindi ako tinitignan. Kusa akong napasubo dahil sa sinabi niya.

"I'm eating." I answered him.

"Really? Your plates are still full, yet your tummy isn't." Wow, sa lahat talaga pinggan ko pa ang pinansin niya. Hindi ako-- ay gago.

"I'll eat, so quit starring." I said. Nakita ko ang pag-angat ng sulok ng labi niya. Is he smirking? For what reason?

"Naks," komento ni Sir Kemuel at natatawa pa. Kaya napatingin ako sakanya. He was smiling, a sweet smile.

"Lexis yung anak mo binata na." It was Sir Enoch who said it. Napataas naman ang kilay ni ma'am Lexis kaya parang nangangatog ang tuhod ko. Wth I felt this tension?

"Oh, tapos?" Tanong niya kay Sir Kemuel. Ako ang nahihiya eh, kahit hindi naman ako kasali.

"Sarap mong kausap. Magkaibigan talaga kayo ni Freah." Puna ni Sir Kemuel.

"Ba't nandadamay ka? Nanahimik ako rito." Ma'am Freah says. Hindi maipagkakailang close sila sa isa't-isa. Nagbabarahan lang eh.

"Nacia, is Aaron courting you?" Napaubo ako at muntikan kong mailuwa ang kinakain ko dahil sa tinanong ni Sir Asher. Parang bomba ang tanong ni Sir Asher. Saan naman niya nakuha ang tanong na 'yan?

Sabay na nag-abot nang tubig ang kapatid ko at si Aaron. Hindi ko alam kung kaninong baso ang kukunin ko. They stared at each other, I can feel the tension. Instead of getting their glass. I get mom's glass with water and drink it immediately. Nong maayos na ako ay napatingin ako kay Sir Asher, na ngayon ay nakatingin lang sa'kin na parang wala lang sakanya ang tintanong niya.

"Po?" I asked him.

"Is Lexis son, courting you?" Ulit niya. Inulit pa talaga eh, rinig na rinig ko naman ang tinanong niya kanina. Sadyang nakakagulat lang yung tanong niya.

"Hindi Sir." And besides why would he court me? For what reason?

"For what reason? He li--" hindi natapos ang sasabihin ni Sir Asher ng sitahin siya ni mama Neah.

"Stop it Carter, hayaan mo na siya ang magsabi kay Nacia." Pinaningkitan siya ng tingin ni mama.

"Chill babes, tinutulungan ko lang ang son in-law ko." Natatawang wika nito.

"Supportive daddy." Pilyong ngiti ni Sir Enoch.

"Pag talaga kalokohan, nagkakasundo kayo noh." Mama Neah rolled her eyes to the two headmasters in different Academies.

"Enough of jokes, I have something to tell." Sambit ni grandma na nagpatahimik sa lahat.

"Later there will be a celebration, as welcoming the Faceless Queen of Ordus and for the both heir's of Ordus and Harvena." Dagdag ni lola.

"Also, makakasama niyo ang estudyante na galing sa iba't-ibang Academy. Nauna lang kayo Aventurine." Sambit ni grandma. Kaya pala nandito ang mga 'to. Napaka aga naman nila maki party. Pinagpatuloy ko ang pagkain tsaka ako umalis doon.

Mabilis lumipas ang oras at malapit ng mag gabi. Hudyat na malapit ng magsimula ang party. Inaayusan ako ng mga tao dito, na hindi ko naman kilala. Pero pinadala daw sila ni mama, even Reese. Inaayusan din siya ngayon, I want to see how pretty she is. Maganda na si Reese but I want to see how more beautiful she is.

Hindi nagtagal ay natapos nila akong ayusan. I'm wearing a red dress, with a slit in right side. Medyo nakikita ang maputi kong paa. Napatingin ako sa salamin, pagkatapos nila akong ayusan. Halos hindi ko makilala ang sarili ko sa salamin. They curled my hair and they put a hair clip at the right side of my hair. Nakalungay lang ang buhok ko.

Hinintay ko si Reese at ng matapos siya ay hindi ko mapigilang mamangha. She's indeed a beautiful mortal inside and out. She's stunning in her dress and sa buhok niyang nakaayos. She's wearing a plum dress. Bagay na bagay sa kan'ya.

"Do I look good?" She asked. I smiled on my mortal friend.

"Of course you do." I say.

"Tara na." Sabay kaming lumabas.

When the door opened, I almost got an heart attacked when I saw who's the boy standing near on the door. It was Aaron wearing his maroon tuxedo. Ang ayos ng tindig niya, he was more handsome than before. I really envy his beauty, mas maganda pa siya sa'kin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.

"Fetching you." Agad na sagot niya.

I look at Reese, she just smiled on me. Like saying that she was okay.

"Bu--"

"Pinapasundo ka sa'kin ng papa mo." Pagpuputol niya sa sasabihin ko. Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Papa?" I asked him.

"Sir Asher." Agad na sagot niya. Muli kong tinignan ang kasama kong si Reese.

"Sige na Nacia, mauna ka na. May susundo din sa'kin eh." Sabi niya, napatango nalang ako at binalik ang tingin kay Aaron na ngayon ay nakalahad na ang kamay sa'kin. When I look st his teal eyes, it's feel like my hand has it own life, kusa itong humawak kay Aaron.

Nagsimula na kaming maglakad na dalawa. Tahimik lang kaming naglalakad.

"That dressed of yours, suits you." Sambit niya.

"I know, maganda din kasi yung nagsuot." Sambit ko.

"Of course you are." Halos magtalo lahat laman ng loob ko dahil sa sinabi niya.

Nakarating kami sa loob kung saan gaganapin ang party. People were looking at me, para akong natuop sa kinakatayuan ko dahil sa mga titig nila. I heard some whispers from the people that are here in the party.

"Shet, pre ang ganda..."

"Saang Academy kaya to nag-aaral?"

"Huwag na tayong umasa pre, may kasamang lalaki. Jowa yata niya."

"Indeed a gorgeous."

Pumunta kami sa gawi ng Aventurine, nakita ko ang mga kasamahan namin don. Rohan and Ronn was there too. Their eyes lock on me, kays tinaasan ko sila ng kilay.

"Gandabels mo." Sambit ni Rohan habang nakatingin parin sa'kin.

"Red na red ah, yung buhok at yung dress, sandal lang yung hindi. Siguro pati pant--" I change my eyes, naging hudyat ng pagtahimik ni Ronn.

Binatukan siya ni Rohan dahil sa sinabi nito.

"May sayad ka talaga Ronn."

"Sorry," agad na paghingi niya ng tawad.

"Next time, think before you speak." Sambit ng lalaking kasama ko bago umupo.

Uupo na rin sana ako, kaso may lalaking lumapit sa gawi ko. Kaya tinignan ko ito. Who's this guy?

"Hi miss, beautiful." Bati niya sa'kin.

"I'm Saint, from Harvena Academy. May I know your name beautiful lady?" Nakangiting wika nito habang nagpakilala sa'kin. Inilahad niya ang kamay sa harapan ko. Hindi ko alam kung kukunin ko ba ito.

He's indeed a handsome man, he can beat Aaron when it comes to beautiful faces. Pero para sa'kin, mas lamang parin si Aaron. Parang biglang bumigat ang aura ng paligid. Kaya napalingon ako sa lalaking katabi ko, na ngayon ay nagkasalubong na ang mga kilay at nakakunot ang noo.

"I'm Zach, man." Tsaka kinuha ni Zach ang kamay nang lalaki na nakalahad  sa harapan ko.

"I don't asked for your name. I'm asking about the name of the girl in front of me." Parang nahiya siya sa ginawa ni Zach. Yet, she's still pursuing to know my name. Parang si Zach pa yung pinahiya niya.

"You don't need to know her now," Sambit ng kapatid ko na kanina pa nanahimik.

"You better wait."  Dagdag niya.

"Still protective, eh?" Sambit ni Saint habang nakangisi na nakatingin sa kapatid ko.

"You better back off, baka makita mo nalang ang katawan mong gutay-gutay mamaya." Sambit ni Aaron na nasa tabi ko. Mukhang seryoso siya sa sinasabi niya.

Nakita ko ang pagseryoso ng mukha ng lalaking nasa harapan ko. Oh shit, this is bad. Narinig ko rin ang mga estudyante na mula sa iba't-ibang Academy na nagsinghapan.

"Si Saint yun 'di ba? Anong ginagawa niya diyan?"

"Si fafa Saint omg, may linapitan na girrll."

"Hindi rin naman malabo na lapitan siya, eh sa gandang yan. Sinalo na niya ata lahat teh."

"True eh."

"Should I take that as a warning?" Nakangising sambit ni Saint.

"Not a warning but a note in yourself, not to step in her which is already belong to someone else." Mas lalong ngumisi si Saint dahil sa sinabi ni Aaron.

"Then, I'll take note on that. Though, you can't stop me from knowing her. Ayusin mo yung pagbakod mo, baka makatakas." Sagot naman niya kay Aaron. Tsaka naglakad paalis na nakahalukipkip. Parang nabunutan ako ng tinik sa katawan ko nang umalis ang lalaki.

Baka kasi totoong maging gutay-gutay ito mamaya. Though he doesn't look week, something is screaming in him. An aura of being a strong man, a leader and a master.

He is not just an ordinary student in Harvena Academy. There's something more on it.

"Nacia, ang haba naman kasi ng buhok mo. Magpaputol kana, pati ibang Academy nagugustuhan ka na." Hindi naman mahaba ang buhok ko. Hindi naman siguro literal ang ibig niyang sabihin noh?

"Aaron, bakuran mo ng maigi si Nacia, baka mabingwit." Natatawang wika ni Zach.

Umupo nalang ako, dahil nangangalay na ako kakatayo. Biglang tumahimik ng hall at napatingin kaming lahat sa may pintuan. Naglalakad doon si lola Angela, kasama si grandma. Nakasunod nito si Mama. Tsaka dalawang babae at lalaki na nakasuot ng dark green na gown. Ngunit may nakasunod pa rin na iba, nakasuot sila ng gold na gown at tuxedo.

The queens' and kings' from different kingdoms. We bowed our heads as respect to them.

Mama was wearing an apple red gown, while lola and grandma are both wearing a turquoise gown.

"Good evening ladies and gentlemen. Welcome to the Kingdom of Harvena. Enjoy the night." Nakangiting saad ni grandma.

"Today, is the celebration because we already met the faceless queen of Ordus. My daughter, Hanneah Sapphira Wesley - Carter." Mama is a Carter, is that mean she's Mr. Carters' wife? Asawa siya ni Sor Asher?

"And I want you to meet the queen together with the heirs of Ordus, Yiannah Gelancia and the heirs of Harvena, Yuriel Gideon." As grandma called our name I stare on my brother. He stood up, so I did.

Sabay kaming naglakad na dalawa, papunta sa harapan. Nahagip ng mata ko ang lalaking taga Harvena. Nakita ko ang pag-awang ng labi niya as he saw me walking, together with my brother.

"Yung admirer mong taga dito. Ayun gulat." Natatawang sambit ng kapatid ko.

"Shut up, masyado kang bully." Wika ko.

"Hindi parin talaga nagbabago ang Santo na yon." Bulong niya. Anong pinagsasabi ng lalaking to? Bakit kasi kailangang hinaan niya ang boses niya.

Nakarating kami sa harapan at nginitian kami ni grandma.

"The twins will be the next ruler of the two kingdoms."

We stood up high and saw the people of the four kingdoms and the students from four academies. They stare on us, slowly and slowly they bowed at us. So we are, we also bowed. Sign that we submit to protect the people we will ruled, someday.

Ordus: Fuego
By DeeYanny
Plagiarism is a crime

Votes and comments are highly appreciated. Enjoy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top