Chapter 37

"Hate me baby, hate me... cursed me. Loath me, still I'm sorry." Saad niya, nasa kwarto niya kami ngayon.

Sari-sari ang nararamdaman kong emosyon. I can't point it out. The pain in her eyes, makes me want to cry more.

"Sorry for keeping it to you... Sorry I killed your parent's. It was my fault, hinayaan ko ang sarili kong patayin sila." Saad ko.

"Alam ko..." Sambit ko habang nakayuko.

"Alam kong ikaw ang pumatay sakanila." Dagdag ko.

Hindi ko alam kung magagalit ba ako sakanya. Sa totoo lang, hindi ko kaya. Pero tuwing nakikita ko si mama, ang tinuring kong ina. Naalala ko kung paano namatay ang mga magulang ko.

"Pero ma... no, should I called you tita? Since you're not my mom. Paano ako nabuhay? Paano ako nabuhay gayong namatay naman sila." Saad ko.

She smiled on me, yet theirs a pain in her eyes.

"I let you see the past, kahit masakit para sa'kin na balikan ang nakaraan. Ipapakita ko para sa'yo." She uttered. I was just staring at her and I feel hypnotized. Hanggang sa unti-unting lumabo ang paningin ko and darkness eaten me.

Nakatayo ako kasama si mama.

"Where are we?" I asked.

"Land of memories." She answered. It rings a bell in my head. Saan ko ba narinig yon?

Yeah, it was the time that one of the snakes talk to me. Nagmakaawa akong gusto kong makita ang nakaraan, at sabi niya Land of memories daw.

Bigla kaming napunta ni mama sa digmaan. Nakita ko kung paano saluhin ni Sir Asher ang espadang dapat ay kay mama. At kung paano saksakin ni mama ang lalaki na medyo hawig din sakanya. It feels like mama Neah is a mixture of this boy and Harvena's queen.

He even called mom, anak. He must be my grand father. She killed her father, siguro ang sakit nito para kay mama. Yung tipong sasaksakin mo ang sarili mong ama. Hindi ko yata kaya 'yon. Dumating ang reyna ng Harvena, they all filled with sorrow and pain.

Hindi ko alam na ganito pala ang pinagdaanan ni mama. Both her father and sister died in her own hand. Alam kong hindi gusto ni mama na mangyari 'yon. Mas lalo siyang nagluksa dahil pati si Sir Asher ay nawala. So it was not just a rumor that the last member of Great Nine and Sir Asher loved each other. Because the past is the proof how they loved each other.

They kissed under the full moon.  Ramdam ko ang sakit sa kabila ng kanilang mga halik. Nakikisama ang ulan sa pighating kanilang nararamdaman.

"I... love..you babes..." It was the last word that Sir Asher uttered before he died.

Patuloy ang pag-ulan at naghihinagpis parin si mama Neah. Ngunit biglang nanumbalik ang ngiti sa labi niya.

"Only I, can kill myself." she uttered. "By it, all of their sacrifices will not be put in vain." Nag-usap sila ng mama niya. Maraming sinabi si mama Neah, pati ang tungkol sa paglitas sa'min. Tumulo ang huling luha niya bago niya itinarak sa puso niya ang dala niyang espada.

She was coughing blood. Hindi ko maatim na pinatay pala ni mama Neah ang sarili niya. Hanggang sa nabitawan niya ang espada at unti-unti siyang naglaho. And she wake up in mortal world. Ngunit agad naman kaming nabalik sa Mania World. Nakita ko ang babaeng kamukhang-kamuha ni mama Neah. Lalo na't wala nang ahas sa mukha niya.

They're really an identical twins.

Malaki na ang tiyan ng kakambal ni mama Neah dito. She's Naiah, nabuhay pala si mama. Pero bakit wala siya? Bakit si mama Neah ang nag-alaga sa'kin?

"Ang laki na ah." Lumapit ang isang lalaki sakanya.

This boy is really look like Yuriel.

"Oo naman, this month na kaya siya lalabas." Masayang ani ni mama Naiah habang nakahawak sa tiyan niya.

Hinagkan naman ito ni papa. He's probably my father.

"Yiannah magpakabait ka paglaki mo ah. 'Wag gayahin ang mama mo." Natatawang ani ni papa.

Kusang kumawala ang luha sa mga mata ko. Sana buhay pa sila hanggang ngayon. S-sana nandito pa sila. Sana nandito pa ang mga magulang ko.

"Nahiya naman ako sayo ah." Mom rolled her eyes.

Mukhang alam ko na kung saan ko namana ang ganitong atittude ko. Namana ko lang naman kay mama. Pati mukha nga, sakanya din. Na dati akala ko kay mama Neah ko namana. Masayang naglalambingan ang dalawa at hindi ko mapigilang mapangiti. I can see through their eyes that they really love each other.

"Bakit kaya ang laki ng tiyan mo sweetheart? What if they're twins?" Papa says. Napatingin naman si mama sakanya.

"Kung kambal man ang magiging anak natin. Then I'll be the happiest mother, may kalaro ang Yiannah natin. Since, hindi ko iyon naranasan." Mapait na napangiti si mama. Niyakap siya ni papa ng mahigpit. Ramdam ko kung gaano nila kamahal ang isat-isa.

"I once cursed, still thank you for accepting me for who I am Lance."

"I love you, because you are you Naiah." She kissed mom's forehead.

Sana makahanap din ako ng lalaki na katulad ni papa, na kayang-kayang mahalin si mama. Tinanggap niya si mama, sa kabila ng lahat. Biglang nag-iba ang lugar at nandito kami sa kwarto ngayon. Manganganak na si mama, I can see how she struggling giving birth to me.

Umire siya, ngunit sumingkit ang mga mata ko nang lalaki ang unang lumabas.

"It's a healthy baby boy." Sabi ng babae na nagpaanak kay mama.

Nagulat naman si mama na lalaki ang anak nila, eh babae ang pinlano nilang ipangalan. Bigla namang napapikit si mama.

"Manganganak pa ata ako." Sambit ni mama. She pushed many times hanggang sa lumabas ang isang batang babae. That must be me.

"They are twins." Sambit ng babae.

She smiled, napatingin siya kay papa na ngayon ay nasa tabi na niya. Pareho silang masaya based sa mukha nila. Ngunit parang nawawalan ng kulay ang katawan ni mama. She look so pale.

"Yuriel Gideon Vasquez and Yiannah Gelancia Vasquez." She spoke, before she lost her consciousness.

Halos hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko. I heard it right? Yuriel Gideon! Is they mean the Aventurine's king? Kapatid ko ang lalaking 'yon? Kaya pala may kakaiba talaga akong nararamdaman sakanya noong una ko palang siyang nakita.

I'm too dumb not to noticed on his actions. After mom lost her consciousness, gano'n din ang nangyari kay papa. Teka, anong nangyayari? Bakit gano'n? Kakapanganak palang niya sa'min. Hinawakan ng isang healer sina mama at papa, umiling ang babae at tumingin sa reyna.

"W-wala na sila," Gano'n lang yon? Paano? Bakit?

I can see sadness in her eyes, nawalan siya ng anak. Kaya alam kong sobrang sakit nito para sakanya. The room was filled with agony and heartbreaks, she lost her daughter and son-in-law. I lost my parent's.

"After your mother give birth to the you and Yuriel. She died, because of the continuation of imprecated prophecy. But the death of your father was still mystery how it happened."

"One of you live in mortal world, while the one remain here." Sambit ni grandma. The Harvena's queen.

Nagbago ang lugar at nasa Mortal world kami, sa bahay namin dati. Hawak-hawak ako ni lola Angela. Nagulat si mama Neah ng makita niya ako.

"Who's this child lola?" Tanong niya kay lola Angela.

"Your sisters daughter." Kumunot naman ang noo ni mama Neah.

"Wala naman akong kapatid." Sambit niya.

"Meron, Neah. Take care of the child, because your sister can't." Mapait na napangiti si lola.

"From now own, treat her as your daughter." Mama Neah just nod. Even though, curiosity was written all over her face.

I remember, wala nga pala siyang naalala ng mga panahon na to.

"I sacrifice and killed myself in Mania World. It means that I sacrifice my immortality to saved the people there." Paliwanag niya.

Bigla nalang akong nagising at nabalik sa kwarto ni mama, nakatingin parin ako sa mga mata niya.

"My sister was cursed, your mom to be exact. Because of the forbidden love of my mom and dad. Katulad mo Nacia, sa mortal World din ako lumaki. Wala akong alam sa mundo dito, wala rin akong alam na ako pala ang may pinakamalakas na kapangyarihan. The prophecy was cursed because of their forbidden love. One shall be with darkness and one shall be with light. It was your mom who was with darkness. Naging sunod-sunuran siya ni papa, na sobrang sama dati." Paliwanag ni mama habang nakatingin parin sa'kin. May kakaiba sa mga mata niya ngayon. Alam kong ayaw niyang balikan ang nakaraan, dahil nagdadala lang ito ng sakit sakanya.

"Ngunit nagbago ang mama mo, no'ng nakilala niya ang papa mo. Sinisi pa nga ng mama mo ang sarili niya kung bakit naging masama ako. I killed your parents, though I also bring back their life. Still, fate was tricky after giving birth to you and Yuriel they died. Sorry Nacia, wala akong nagawa no'ng panahon na 'yon." She wipe her tears.

"Magalit ka sa'kin, may karapatan ka anak. I kept it to you for a long time." Sabi niya.

I smiled on her. How can I hate her? If she's the one who raised me? She taught me to be me. Hindi ako magiging ganito kung hindi dahil sakanya.

"Tell me, how. Tell me how can I hate the woman who just raised me?" I asked her.

"I can't hate you mama... you may be not my biological mother. Still, you're my mom." I say and hugged her.

Naramdaman ko ang pagyakap ni mama Neah pagbalik sa'kin.

"I love you baby..." She whispered.

"I love you too mama..." I say.

"Ma," I called her.

"Bakit pala hindi ka pwedeng magkaanak?" Tanong ko sakanya. Malungkot na ngumiti si mama sa'kin.

"It was the continuation of the imprecated prophecy. Only one of us can bear a child and the one who'll bear a child, death was the perpendicular of her life. Gustuhin ko mang magkaroon ng anak, kaso wala eh. Hindi ako biniyayaan." Natawa siya ng mahina. Pero ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binibitawan niya.

"Kaya pagkatapos kayong ipanganak ng mama niyo. Nawala siya sa mundong ito, ngunit hindi namin akalain na pati ang papa mo." Dagdag niya.

"Pero kahit wala akong anak, na galing talaga sa sinapupunan ko. Masaya naman ako Nacia, dahil nandiyan ka. Simula nong dumating ka sa buhay ko, sa buhay ko noon na parating may kulang. Ikaw ang bumuo sa'kin, isa kang biyaya na natanggap ko. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, at kailan man ay hindi ko inisip na hindi kita tunay na anak. You and Yuriel are the most beautiful gems I want to treasured for the rest of my life." Parang may humaplos sa puso ko ng sabihin niya iyon.

She may not be my biological mother, still I love her, the way how she loved me.

Ordus: Fuego
By DeeYanny
Plagiarism is a crime

Votes and comments are highly appreciated. Enjoy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top