Chapter 3

"Gising na Nacia." Pagyugyog sa'kin ng kung sino. Napamulat ako at bumungad sa'kin si Lianne.

"May pasok pa tayo maligo ka na hihintayin ka namin ni Alli sa labas." Sabi niya tumango lang ako.

I do my routine in the morning isang oras ang lumipas bago ako natapos. Lumabas ako at nakita ko si Alli na nagbabasa na naman ng libro. Napaka studious siguro ng babaeng to.

"Let's go." Ani ni Lianne.

Sabay kaming lumabas na tatlo sa dorm. Habang naglalakad kami ay may tinanong si Lianne.

"So saan niyo balak na league sumali?" Tanong niya.

"Ako kasi sa Azurite,sana palarin." Gustong gusto niya talaga sa Azurite huh?

"Serpentine." Sagot ni Alli. Gusto rin niya sa Serpentine? Well we have the same taste in picking league.

"Serpentine too." I answered. Umawang ang bibig ng kasama namin sa aming sinabi.

"Yung totoo, gusto niyong maagang mawala? Jusko naman kung sa Serpentine kayo, matatanggap agad kayo pero manganganib kayo doon. Serpentine is deadly." She said.

"I will never die." I replied.

"Nacia hindi ako nagbibiro." Seryosong sabi ni Lianne.

"So am I." I said.

"Serpentine is just my second choice. I prefer Ametrine which is full of mysteries. Pero kung hindi ako papalarin sa serpentine ako." Si Alli. Iyon na yata ang pinaka mahabang sinabi ni Alli.

"Nacia baka second choice mo rin ang serpentine?" Tanong nito.

"No," Diretsong sagot ko. Napaawang muli ito sa sinabi ko.

"Nothing's wrong choosing Serpentine I guess." I continue.

"Good luck nalang sainyo." Sabi nito.

Nagpatuloy kami sa paglalakad, maraming nakatingin sa'min halos sa mga ito ay seniors. Sa'kin pala to be exact ako lang naman ang tinatapunan nila ng tingin.

Hindi ba sila maka move on doon sa nangyari kahapon? Hindi ko gusto ang Azurite, anong magagawa nila niyan? Desisyon ako, pake nila.

Nakarating kami sa classroom, mga rookies lang ang kasama namin rito. Walang iba, their eyes locked on me. I really hate attention. I am not an attention seeker, do'n nalang sana nila ibigay yon sa mga gusto ng atensyon. Naghanap nalang ako ng upuan, katabi ko si Lianne sa kaliwa ko habang bakante naman ang nasa kanan ko.

Naghintay kami na dumating ang professor namin. May pumasok na lalaki isa siya sa kasama noong babae kahapon. Siya iyong lslaking may magandang mga mata. So he's a rookie huh? Siya iyong hindi nagsasalita kahapon. Tumabi ito sa'kin.

"Rookie huh. The girl who disregard Azurite favor." Sabi nito.

"So? I have a freedom to choose where league I want." Sabi ko.

"Nasasayangan ako para sayo." Sabi nito

"Your loss, not mine." I said. Halos hindi siya makapaniwala sa sinagot ko. I'm just stating the fact. Azurite isn't my loss maybe I am there loss?

"Kakaiba ka talaga, I wonder why Bleah want you to be one of Azurite." Hindi na muling nagsalita ang katabi ko ng dumating ang professor namin.

"Good morning student's, I'm Ms. Jahel Celysthia Enriquez, your history teacher." Ani nito. I don't fully know the history of Mania World but I know some.

Nagsimula ng magturo ang guro namin nakikinig lang ako kahit nababagot ako. Pero nakuha nito ang pansin ko ng banggitin niya ang isang salita.

"Gift."

"You know what gift is?" Tanong niya sa'min. Gift iyon ang katulad ng kay Bleah. Noong pinakita niya sa'kin ang isang white tiger na akala ko lalapain ako ng buhay.

"Gift is your half. It's the one who help you in need. Just say there name they will appear," Iyon ang ginawa ni Bleah kahapon. What did she call that tiger? Oh yeah, Blaze.

"Only pure blooded have their gift. So we are expecting that all of you have a gift you need to know what's your gift is."

"Noong wala pang kapayapaan ang Mania World ay hindi na muling nagpakita ang mga gift. But after the last war happened nagpakita silang muli. Kaya isa ito sa rason kung bakit naisip ng council na gumawa ng Academy sa bawat kingdom."

"As the Guardian arise, gift will comeback." Miss Jahel uttered.

"As a rookie try to summoned your gift. Let's go to the field lets try to summoned your gift." Sabi ni Miss Jahel.

Naglabasan ang mga kasama naming rookie sa classroom. Kaya lumabas narin kaming tatlo sumunod kami sa kanila hanggang makarating kami sa field.

"Lalabas ang gift mo kung nasa kapahamakan ka. So why don't you try to have battle with your co-rookies?" Miss Jahel said.

"You can used your power, choose your partner." She said tsaka ito pumunta sa gilid.

"May isang section pala kayong kasama." Tsaka nagsidatingan ang ibang mga rookies. Siguro galing sila sa kabilang section.

Hindi ko nalang sila pinansin at hinanap na si Lianne. Kakausapin ko sana siya kaso naunahan ako ni Alli. Silang dalawa ang magkalaban. Ok fine. Hahanap nalang ako ng ibang rookies.

"Why not us?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang boses niya.

Siya na naman? But this time kasama niya si Mr. Indian mango hair. 

"Oh the rookie who disregard Azurite favor. I'm Zachariah, Zach nalang." Sabi nito at ngumiti ng malapad sa'kin.

I'm not interested. I can see in his uniform that he's also a rookie. Mga rookie ba ang kasama ni Bleah kahapon?

"I think you already know me." I said.

"Nacia right?" Tanong nito, I nod.

"Kilala mo na siguro tong kasama ko hindi ba?" Tanong niya. This man, I still don't know him.

"No," napaawang ang bibig ni indian mango sa sinabi ko.

"Si Aaro--"

"Aaron." May tumawag rito kaya napalingon kaming tatlo. She's one of the girls yesterday. A rookie like us also. A girl with a silver hair.

Sumama ang timpla ng mukha nito ng makita ako. Masama ako nitong tinignan at inirapan. Problema nito? She even called me coward, I think it's the time for me to let her see. If I really am a coward.

"Oh the rookie who disregard Azurite favor. How dare you." She glared at me. Her eyes turned to red at naglabas siya ng itim na usok papunta sa gawi ko.

I suddenly felt my eyes change, I saw most of them shock. "Wolf." I summoned a wolf pero nagulat silang lahat sa lobo na nasa harapan nila. Kakaiba na lobo ito, because this wolf is a white wolf.

Ang alulong ng lobo ko ang nakapagpatigil sa usok na dapat ay tatama sa'kin.

"That must be your gift." Sabi ni Zach.

"A white wolf huh." Sabi ng isang lalaki. Aaron is his name if I'm not mistaken.

"Good job Miss Vasquez you summoned your gift already name it." Sabi ni Miss Jahel noong makalapit ito sa'min.

I think this isn't my gift. I just summoned this white wolf. Because afterall this is my power, summoning animals. Pero paano kung gift ko nga ito?

"Nacia ang galing mo!" Hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Lianne at Alli sakin.

"Great." Si Alli.

"What the hell, she already summoned her gift?" Hindi makapaniwalang sabi ng babaeng may silver na buhok.

"Who's coward, again?" Sumilay ang ngisi sa labi ko.

Pinanlakihan niya ako ng mata.

"Bitch." She muttered, nakasarado ang mga kamao niya. Habang masamang nakatingin sa'kin.

Natapakan ko ba ang ego niya? Sorry not sorry.

"Woah galing, tayo nga hindi pa hahaha. Na e excite tuloy ako," Zach said.

"Celestina tara na, summoned na natin gift natin." Hila niya sa babae ngunit nasa akin parin ang tingin niya.

"Aaron is my partner, not you." Sabi nito ng mahimasmasan na ito sa pagkagulat.

"May partner na yan." Tsaka niya ito hinila, nawala na sila sa paningin namin. Naiwan kaming dalawa ni Aaron. Nakaalis na rin kasi sina Miss Jahel at ang dalawa kong roommates.

"Abe." He said. I furrowed my eyebrows on what he muttered.

Then a cerberus appeared a three headed enormous dog with a serpent tail. Parang nanliit ako dahil sa gift niya. His gift is strong one compared to mine. Mas lalong umalulong ang white wolf ko pagkita niya sa gift ni Aaron. Ang ganda ng gift niya at the same time dangerous.

"Congratulations Mr. Medina in summoning your gift you can name it." Nakangiting ani ni Miss Jahel.

Namangha ang mga ka klase naming rookie ng muling umalulong ang lobo ko.

"Run Wolf." I muttered. Tumakbo ang lobo ko papasok sa may parteng gubat ng academy. Sumunod ang cerberus ni Aaron rito.

"Huwag kang mag-alala maglalaro lang ang mga yon." Sabi nito.

"What's your power?" I asked him out of nowhere. Alam kong kakaiba ang kapangyarihan niya nararamdaman ko ito.

"Die first." He answered before walking.

Dahil sa sinabi niya ay mas lalo akong naguluhan kung ano ang kapangyarihan niya. The way he said that, I know his power isn't ordinary on what I am expecting.

Natapos ang oras namin sa klase ni Miss Jahel,  marami ang mga naka summoned ng gift nila. The other students who doesn't have summoned their gift will still have five days to summoned. At kaming naka summoned ng gift ay pwede ng pumasok sa mga league.

Hindi pa naka summoned ang mga roommates ko kaya hinihintay ko sila. Sabay kaming pupunta at papasok sa mga league dito.

Nagdaan ang mga araw at hindi parin nakaka summoned ang dalawa kong roommates. This is the last day, I don't have a choice but to help them.

"Lianne." Tawag ko rito.

I run to her and suddenly give her a punch. Ngunit napigilan niya ang kamay ko. At hiniwaan ito dahilan para dumugo. I just smirk, galos lang yan.

Lianne eyes turned red at may iba't-ibang swords sa mga mata niya tsaka ito nagsilitawan sa harapan niya at inatake ako. Nagawa ko mang ilagan ang iba pero may hindi ako natakasan.

"Wolf." I summoned it at nagpakita ang isang babae. Wolf are also human's. Nakita kong nagulat si Lianne sa ginawa ko.

"Tiger." Sunod na lumabas ang isang tigre sa harapan namin. Nakita ko ang paglabas ng mga pangil nito.

"Go." I muttered.

Napaawang ang bibig ni Lianne at tila na estatwa ito sa kinakatayuan niya. Sabay na sumugod ang babaeng lobo at ang tigre kay Lianne.

Natakpan ni Lianne ang mukha niya, gamit ang mga kamay niya. Before they could touch her a gumiho appeared. A nine-tailed fox. Natigil ng tigre at ang wolf na human form na pinalabas ko.

"Congrats Ms. Simarca you already have your gift." Sabi ni Ma'am.

Nawala na ang dalawang mababangis na hayop na sinummoned ko. Malawak na ngiti ng binigay ko sa roommate ko.

This time I will awaken Alli's gift.

Ordus: Fuego
By DeeYanny
Plagiarism is a crime

Votes and comments are highly appreciated. Enjoy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top