Chapter 21

Nandito ako sa loob ng training room, tinitignan ko si Zach habang nilalabanan si Aaron. Wala pa si headmistress, kaya ang dalawa muna ang nag-e ensayo. Ngunit hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa isip ko ang mukha ng faceless queen.

Ang tindig niya na nakakatakot, she may look harmless but she's deadly inside. That's how I can describe the queen of Ordus.

"Nacia!"

"Ay faceless queen." Sambit ko.

"What?" Nakakunot na noong tanong ni Elle sa'kin.

"Wala." Ani ko.

"Position." Nandito na pala si headmistress, kanina ay si Aaron at Zach palang ang nakita kong naglalaban. Agad akong umalis bench at nagtungo kong saan ang mga kasamahan ko. Kasama niya si Mrs. Larden.

Nandoon kaming dalawa ni Elle sa likuran. Ang boys ang main defense namin. I and Elle will do the rest if something might happened to the two.

"Let's test your teamwork." She said.

Biglang naging matulis na blades na nag-aapoy ang mga kamay ni headmistress. Itinutok niya ito sa'min. Natanggal ito sa kamay ni headmistress at nagtungo sa gawi namin. Agad na nagkaroon ng malakas na kidlat sa harapan namin. Tsaka nabali ang mga nag-aapoy na blades. Sabay na sumugod ang dalawang lalaki kay headmistress.

Habang kaming dalawa ni Elle ay walang ginagawa. Nakita ko ang pagngisi ni headmistress. Pero bago pa sila maka diretso kay headmistress ay umapoy ang sahig na inaapakan namin. Tsaka ito dahan-dahang lumaki. Hindi naituloy ng dalawang lalaki ang kanilang paglapit.

Mukhang nainis si Aaron sa ginawa ng mama niya kaya hinawakan niya ang sahig. Biglang yumanig ang paligid at ang dahilan ng pagkahulog ng mga semento na nasa ceiling ng training room. Is he thinking of destroying the training room? Gusto niya bang mamatay kaming lahat dito sa loob.

Nagpatuloy parin si Aaron sa ginagawa niya, habang si Zach naman ay tinitira ng lightning spears si headmistress. Tumalon-talon, ikot-ikot lang ang ginawa ni ma'am para ilagan ang mga ito.

"I'll end this." Sambit ng babaeng kasama ko. Mabilis itong naglakad papunta sa tabi ni Zach.

Naglabas ng usok si Elle, hindi ito basta-bastang usok. A poisonous smoke, nilaban lang ito ng maliit na fire ball ni headmistress. Humalo ang usok sa fire ball, at ng pumutok ito. Pumalibot sa loob ng training room ang usok. Damay kaming lahat.

Ngunit iyon ang malaking pagkakamali namin, dahil akala namin ay pati si headmistress ay mauusukan. Ngunit tumagos lang ito sakanya, she had a shield. She can protect herself from the smoke.

Lahat kami ay nagsisimulang sumuka ng dugo, ito ang effect pagkatapos matamaan ng usok na ginawa ni Elle. Nagsisimula akong mahirapang huminga, parang dinudurog ang kalamnan ko. Hindi pa ako nakakagawa ng atake. I regenerate my body, hindi pa kami talo. I summoned my gift.

My gift will never die as long as I am still breathing.

Sumakay ako sa likuran ni Naiah, mabilis itong tumakbo ngunit agad itong tumigil ng makita ang usok.

"I can't go, I might die." She said.

Ha? The gift will never die as long as their master is still breathing.

"In my case, I'll die if we continue. If you still treasure me as your gift, let's go back." Sinunod ko ang gusto ni Naiah. Hindi kami dumiretso kay ma'am Lexis. Nahaharangan siya ng usok.

I can't afford to loose my gift, just because of this training.

"B-ba...kit...ka buma...lik." nahihirapang wika ni Elle. She's still coughing blood. She's so pale now.

Naawa ako sa mga kasamahan ko, tinignan ko sila isa-isa. Ako ang tatapos, bumaling ako kay headmistress. Lumipad ako at sinalubong ang usok. Mamaya ko na aalalahanin ang susunod na mangayayari.

Nandito kaming dalawa sa loob ng apoy. I can't risk my animals here. They might die because of the smoke, kailangan kong gumamit ng pisikal na lakas. Walang laban ang mga hayop ko rito. I still have 1 minutes or 30 seconds bago umepekto ang usok.

Alam kong imposibleng matalo ko si ma'am. But let's just hope for the best. Pinalilibutan ako ng apoy ni ma'am.

"Nilalapit mo lang ang sarili mo sa isang lobong gutom." Nakangising wika ni ma'am.

Linapitan ko siya para sapakin pero bago pa tumama ang kamao ko sakanya ay agad akong natumba. Shit, napakadali naman atang umepekto ng usok na iyon. Naging seryoso si ma'am Lexis at pinagmasdan kaming apat. Umiling-iling pa siya habang nakatingin sa'min.

"You don't have a team work, next time think before you act. Strengthen your teamwork." She said, before leaving us in the training room.

Bumalik sa ayos ang training room at isa isa kaming ginamot ni Mrs. Larden.

****

Panibagong araw, panibagong training.

This time, si Mrs. Larden ang kalaban namin. I don't know what's Mrs. Larden capable of. Hindi ko pa siya nakikitang nakipaglaban.

"I hope this time, you'll have your teamwork. Nakakapagod kayong gamutin." Saad niya.

"Zach and I will be the main defense, you Elle make a bow and arrow using your power. While you Nacia, summoned your animals in front of Mrs. Larden. Make sure she won't notice it. And we will do the rest." Aaron spoke.

Parang siya ang tumatayong leader sa'min. Well he's a leader type after all.

Sinunod namin ang sinabi niya. "Abe." His gift appeared.

Sumakay siya rito at mabilis na pumunta sa gawi ni Miss.

"Yumi." An manticore appreared.

Sumakay si miss dito. Agad kong nilabas ang chimera, doon ko sa likod ni ma'am pinalabas. Tsaka ito nagbuga ng apoy. Natamaan ang manticore ni Ma'am. Masama ako nitong tinignan, her eyes suddenly change and the next thing I knew I'm screaming in so much pain. Sobrang sakit ng katawan ko, para akong nilalapnos ng apoy. Kahit wala namang nangyayari sa'kin.

May tumamang palaso sa paa ng manticore ni ma'am at sunod na tumama sa balikat niya. Zach made an lightning spears, sunod na pinakawalan papunta sa gawi ni ma'am. Ngunit sabay-sabay silang natumba pati ang cerberus ni Aaron at namimilit sa sakit.

"I can cure you, but I can give the pain back as long as I wanted it. I am not just a healer for nothing." She spoke.

Parang hindi man lang natamaan ng palaso si Ma'am. Prente itong nakatayo, habang kaming lahat ay namimilit sa sakit.

"But I admired your teamwork today. Natamaan niyo ako." Nakangiting wika ni ma'am. Dahan-dahang nawala ang sakit na nararamdaman ng buong katawan ko.

Wala kaming nakuhang mga sugat sa training na'to, pero kaya kaming saktan ni ma'am Larden kung gustuhin niya. We heard someone clap from afar. It was Sir Chance.

"Good job, bukas ako naman." Sambit niya.

"Magpahinga muna kayo." Dagdag niya.

Lumabas kaming apat doon, at paglabas namin saktong dumaan si Rico. One of Azurite member's. Hindi niya kami pinansin but knowing Zach tinawag niya ito.

"Pareng Rico!" Sigaw niya, napalingon si Rico dahil sa lakas ng sigaw ng kasama namin.

"Kayo pala." Sambit niya. Tinignan niya kaming apat at ako ang huli niyang tinignan. Tsaka niya binalik ang tingin kay Zach.

"Nag tre training kayo?" Tanong niya sa'min.

We nod.

"Yeah, for our upcoming mission." Aaron answered.

"Goodluck," he spoke.

"Anyway I'll go first, may inutos pa sa'kin si Pierce." Sabi niya.

"Paki kumusta ako kay Piercey babe." Parang kinikilig na wika ni Zach.

Bakla ba siya?

"Sure." Sagot niya, she glance at me for the last time before he walked away.

Dumiretso ako sa cafeteria para kumain, ganon din ang iba kong kasama. Biglang humawi ang mga tao sa pagdaan namin. What's the matter? Hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso ss counter para umorder.

"Ako lang ba, o naninibago ako sa kilos nila?" Sambit ni Zach.

"Pabayaan mo sila." Sabi ni Elle.

Pagdating ng order ko ay naghanap ako ng mauupuan. Noong makahanap ako ng bakante ay umupo ako roon at nagsimulang kumain. May umupo sa tapat ko. It's Aaron.

"Paupo." Sabi niya. I just nod.

Nagpatuloy ako sa pagkain. Ganon din ang ginawa ni Aaron. Habang kumakain kami, hindi ko mapigilang tignan si Aaron. Maayos siyang kumakain, may mga beses na nililigtas niya ako. Bigla kong naalala ang sinabi niya na itinuring niyang halimaw ang sarili niya.

He's not a monster, siguro dahil sa kapangyarihan niya. Biglang tumingin si Aaron sa'kin, kasabay ng pagtigin niya ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko. What the hell? Nakakagulat naman kasi siya.

"Ayos ka lang?" Tanong niya.

"Yeah." I answered him. Agad kong tinapos ang kinakain ko, tsaka ako umalis doon.

Dinala ako ng mga paa ko, sa lugar kung saan makikita ang palasyo. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Naalala ko na naman ang mukha ng reyna at ang mga binulong niya sa tenga ko. Her cold voice, is still echoing at my ears. Umupo ako sa benches na inupuan ko kahapon.

Makikita ko kaya ulit siya? Will she let me see her face again? Or she will end my life here? Bakit ba ako bumalik sa lugar na to? I should assure my safety first.

"Watching the kingdom from afar huh." Nagulat ako dahil may kasama pala ako dito. Akala ko ako lang ang nandito. Wala kasing masyadong estudyante ang tumatambay dito.

"Why are you staring at the kingdom? The kingdom won't melt anyway." He spoke and sat beside me.

Tinignan ko si Aaron, nakatingin rin siya sa kaharian. Full of Ordus soldier's. Siguro kung malaman nilang nakita ko ang reyna nila, babalatan nila ako ng buhay. Pero hindi naman siguro ganon ka brutal ang Ordus sa mamamayan nila.

"Hey Aaron," pagtawag ko ng pansin sakanya.

"Ano?" Tanong niya.

"Nakapasok ka na ba sa kaharian na yan?" Tanong ko sakanya.

"Only my mom." He answered.

"Maniniwala ka ba, kung sasabihin kong nakita ko ang Reyna?" I said. I know it's quite impossible na maniwala siya. Nagbabakasakali lang naman ako.

Wala rin naman siguro siyang balak na ilaglag ako. Tanong lang din naman yun, there's no assurance in it.

"Of course you saw her, because in the first place she was you." He spoke, naniniwala parin siya na ako ang reyna?

I want to laugh on what he muttered. Hindi ko aakalain na paninindigan niya ang paniniwala niya na ako ang reyna nila.

"I'm just asking you if you'll believe me that I saw the queen. But I didn't think that until now you still thought I am the queen." I said.

"My proof are enough, ngunit hindi kita pipilitin na sabihin sa'kin ang totoo." Sambit niya.

Natawa ako ng bahagya, if I just can let him see the past. Ginawa ko na sana.

"Dahil lang ginamot ko ang sarili ko? Hindi ba sumagi sa isip mo na baka kasama lang iyon sa kapangyarihan ko?" Tanong ko sakanya.

I didn't heard any response.

Biglang lumakas ang hangin sa paligid namin na siyang ipinagtaka ko. Para akong niyayakap nito, a warm hug to be exact. Napadako ang tingin ko sa palasyo. Napahawak ako sa lalaking kasama ko.

"A-aaron," I stuttered.

"P-palasyo." Kinakabahang ani ko, liningon ko siya. Paglingon ko sakanya ay nakatingin na siya sa palasyo.

"What's with the palace?" He asked curiously. I furrowed my eyebrows.

Binalik ko ang tingin ko sa palasyo, ngunit sa pagkakataong ito. Wala na siya, the heck! Bakit ang bilis niyang nawala? Nandiyan pa naman siya kanina. Imposibleng namamalik mata lang ako.

For the second time, I saw the queen.

Ordus: Fuego
By DeeYanny
Plagiarism is a crime

Votes and comments are highly appreciated. Enjoy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top