Chapter 20

"Masyado ka atang napuruhan ah." Sambit ni Alli. Nandito silang dalawa ni Lianne sa loob ng kwarto ko.

"Si headmistress ba naman ang magiging kalaban mo." Saad ni Lianne, kakagising ko palang at silang dalawa ang bumungad sa'kin.

"Ayos ka na ba talaga?" Tanong ni Lianne. I just nod on her.

"Ayos na ako, tsaka mag da dalawang linggo na akong walang ginagawa at nakahiga lang sa kama. Paano ako magiging hindi okay? Huwag niyo na akong alalahanin." Sambit ko. Ngitian ko ang dalawa, lumabas na ang mga ito.

Naisipan kong mag-ayos at lumabas. Bukas na ako mag tre training. Nagtungo ako papunta sa league namin. Pagdating ko doon ay sumalubong sa'kin si Ronn. Ngumiti ito sa'kin, so I smiled back.

"Ngayon ka lang ata ulit dumalaw dito ah." Sabi ni Ronn.

"Sina king?" I asked.

"Mission." Maikling sagot niya.

"Kasama si Dria?" Tanong ko. Hindi ko rin kasi siya nakikita rito eh.

"Oo, halos mag-iisang buwan na rin silang wala. Hindi ko alam kung ano ang mission nila."

"Bakit ngayon ka lang pala, hindi mo tuloy naabutan ang tatlong rookies na kasamahan mo. Pumunta sila dito kaninang umaga." Sambit niya. Kung ganoon, kakagaling palang din nila dito.

Himala ata nagsama ang tatlo ah.

"Saan sila pupunta? May nabanggit ba?"

"Sa training room ata." I furrowed my eyebrows, training room? Kung ganoon, maaring pumayag na silang tatlo na sumama sa mission? Well I hope so.

"Uy, napahinto ka jan." Siniko niya ang braso ko.

"Wala, alis na ko." Paalam ko kay Ronn at mabilis na naglakad paalis sa league.

Tumakbo ako papuntang training room. Agad akong pumunta sa training room kung saan doon kami naglaban ni headmistress. Sumilip ako sa siwang ng pinto at doon ko nakita sina Zach at Elle na katabi si Mrs. Larden. Habang si Aaron ay prenteng nakikipaglaban sa nanay niya.

Si ma'am Lexis ang palaging nauunang gumawa ng move. Habang ai Aaron ay pinipigilan lang ang mga atake ni ma'am Lexis.

"Come in Nacia." Sambit ni ma'am Lexis. Kaya sabay silang lahat na napatingin sa pinto.

Dahan-dahan kong pinihit ang pinto at pumasok sa loob ng training room. Dahil ang atensyon nilang lahat ay nasa akin, doon gumawa ng atake si ma'am Lexis. A white fire aiming at  Aaron.

White fire, it's my first time to saw a fire like that. Nanlaki ang mga mata kong tumingin kay Aaron. Pero mukhang hindi niya na gets ang sinabi ko, kaya huli na ng ma realized niya ito. Hindi man lang niya iyon naramdaman?

"Naiah." Bago tuluyang tumama sa sahig si Aaron ay sinalo ito ng gift ko.

"Magigising din mamaya iyang kasamahan niyo, huwag kayong mag-alala." Kalmadong wika ni ma'am Lexis.

Dumating ang isang fire phoenix at sinakay nito si Aaron. Kinuha niya ito mula sa gift ko.

"I'm glad that you're already awake." Nakangiting sambit ni ma'am Lexis.

"Para ka talagang si Neah pag napuruhan, napakatagal magising." She grinned.

Lumabas na ang fire phoenix at ganon din ang ginawa ng gift ko.

"Sasama silang tatlo sa mission, in short kayong apat ang maghahanap sa phoenix." Dagdag ni ma'am.

"Paano kung wala kaming mahanap?" Hindi parin talaga sila tuluyang kumbisido.

"I know you can find a phoenix Elle. I trusted the four of you." Sabi ni Ma'am.

"Bumalik kayong apat dito bukas, titignan natin kung anong makakaya niyo bago ko kayo ibigay kay Chance." Iyon ang huli niyang sinabi bago umalis.

"Yow Nacia." Bati ni Zach.

"Hi,"

"Bakit ba kasi pumayag ka? Nadamay pa kami." Reklamo ni Elle.

"Hindi ka madadamay, kung hindi ka rin pumayag." Pabalang na sagot ko sakanya. Sorry pero mas mataray ako sayo Elle.

"Chill girls, wala pa tayo sa mission. Let's just stick to the mission, basta makakabalik tayong apat na ligtas. Kahit wala ang phoenix, iyon ang mahalaga." Seryosong sambit ni Zach. He's right, it will be better if the four of us came back safe and sound.

"Celestina bumalik ka muna dito, hindi pa ako tapos na gamutin ka." Pagsingit ni mrs. Larden. I almost forgot that she's here.

"It's Elle ma'am." Sabi ni Elle.

Naglakad na ako palabas ng training room, naramdaman kong nakasunod si Zach sa'kin.

"Uy, anong nangyayari sa buhok mo?" Tanong niya sa'kin.

I shot him with a curious look, what did he mean?

Tinuro niya ang buhok ko, tinignan ko ito. Wala akong natandaan na kinulayan ko ang buhok ko. My hair is pure black, pero sa pagkakataon na ito ang kalahati ng mga buhok ko ay pula. The lower part of my hair are red.

"Pinakulayan mo? O kasama sa kapangyarihan mo?" Tanong ni Zach.

"Hindi ko alam, ngayon palang din naging ganyan iyan." Sambit ko.

"Nice, strawberry head." Nakangising sambit niya bago ako iniwan at naunang maglakad.

"Nahiya ako Mr. Indian Mango." Mapanga-asar na sabi ko.

Tumigil si Zach at masama akong tinignan. Ngumisi lang ako sakanya, pasensya na siya may nickname din ako para sakanya.

Sabay kaming nagtungo papunta sa league namin. Gaya ng naabutan ko kanina, si Ronn lang ang nandoon. Pero jan ako nagkakamali, dahil may babae sa sulok na umiinom ng alak. No other than Reina.

"Tapos na ang training niyo?" Tanong ni Ronn.

"Kakatapos lang." Sagot ni Zach. Napatingin sa'kin si Ronn.

"Nice hair, hindi ko napansin iyan kanina ah." Nakangising sambit ni Ronn.

"Bigla nalang naging ganyan yan." Sabi ko. Nagtataka akong tinignan ni Ronn, he stare at me and to my hair. Pabalik-balik niya iyong ginawa hanggang sa mapagod siya at tumigil.

Biglang tumayo si Reina at seryosong nakatingin sa'kin. Ilang sandali at bigla itong ngumisi at lumapit sa'kin. Tsaka ito bumulong, na estatwa ako dahil sa binulong niya.

Imposible... Paano niya nalaman?

"Mauna na ako." Paalam niya, nakangisi parin siya hanggang sa makalabas ito.

Sinundan ko ng tingin so Reina hanggang sa makalabas ito ng tuluyan. Anong kapangyarihan niya? Paano niya nalaman ang tungkol doon? Who's that girl, ano pa ang ibang nalalaman niya?

"Uy strawberry head ayos ka lang?" Dahil sa pagsiko sa'kin ni Zach ay tsaka palang ako nabalik sa reyalidad.

"O-oo naman, indian mango." Nginitian ko siya.

Nagpaalam na ako sakanila at lumabas sa league house. Pumunta ako sa kanlurang bahagi ng paaralan kung saan makikita ang sunset. At doon tanaw na tanaw ko rin ang palasyo ng Ordus. Nandiyan kaya ang faceless queen? Pumunpunta rin kaya sa jan? Dinadalaw din kaya niya ang palasyo niya?

Umupo ako sa isang benches na nandito, wala akong napapansin na mga estudyante na narito. Maybe this is not their favorite spot to drop with.

Habang nakatingin ako sa sunset ay nakikita ko rin ang palasyo. Pinalilibutan ito ng sandamakmak na kawal. The palace is so secured. No one is allowed to enter on that palace I guess? Or maybe the great nine and the queen itself only. Maganda ang palasyo ng Ordus, kung dati ang pagkaka describe nito ni mama ay parang haunted palace. Ngayon ay ibang-iba naman.

Mapapansin mo ang kapayapaan sa palasyo. The atmosphere in the palace feels like a home. While I'm appreciating the beauty of the palace, someone caught my attention. It was a girl, may takip ang bibig at ilong nito. She's wearing a combat shoes, black leggings, black long sleeves shirt. With a sword in her both hands, she looks like an assasin.

Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari, hindi ko inaasahan na makikita ito ng dalawang mga mata ko. Lahat ay nagsiyukuan ng dumaan ang babae. All of them respected the girl who's in black suit. Malayo man ako sa palasyo pero hindi malabo ang mga mata ko.

Is she the faceless queen? If she is, then I just saw the faceless queen. Kahit nasa malayo ako, ramdam ko ang authoridad ng bawat hakbang niya papasok. She must be really the queen of Ordus.

Ngunit bago ito tuluyang makapasok ay huminto siya sa may pintuan at binigay ang dalawang sandata niya sa isang kawal. Napatayo ako sa kinauupuan ko ng makita ko kung saan ito nakatingin.

The girl just look directly at me...

Her eyes was familiar to me.

The queen just look at me, nakita niya ako. I can feel my knees trembled. My lips quivers. Nanginginig ako ngayon, shit anong mangyayari sa'kin? Papatayin ba niya ako, dahil nakita ko ang mukha niya?

Halos kilabutan ako sa katagang binitawan niya. Kahit malayo siya ay rinig na rinig ko ang mga ito.

"Te echo de menos." Ang malamig niyang boses na parang bumulong sa tenga ko ang nagbibigay kilabot sa'kin.

"Tarde o temprano me mostraré. Quiero que estés preparado, porque en ese tiempo sabrás la verdad sobre ti mismo. La verdad que te he estado ocultando durante mucho tiempo." Napahawak ako sa laylayan ng damit ko dahil sa sinabi niya. Tsaka ito nagpatuloy sa pagpasok, hindi parin tumitigil ang bilis ng pagtibok ng puso ko.

Wala akong naintindihan sa mga tinuran niya. Pero hindi ko maiaalis sa aking isip na maaaring pinagbabantaan niya ako. Mukhang pinaaalalahanan niya ako, na kailangan kong mag-ingat sa mga galaw ko. I don't know what she can do, but I only knew one thing. The queen is scary as hell.

Hanggang ngayon ay nagpaulit-ulit parin sa tenga ko ang mga katagang binitawan niya. Ang boses niya na mas malamig pa sa yelo. Kahit wala akong naintindihan sa mga ito, pero may nais parin siyang iparating sa'kin.

And thats what I need to find out.

Seeing the real face of the faceless queen. I'm fighting my life through escaping death.

Ito yata ang pangyayayaring hindi ko makakalimutan sa araw na ito.

Seeing the face of the faceless queen.

Ordus: Fuego
By DeeYanny
Plagiarism is a crime

Votes and comments are highly appreciated. Enjoy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top