Chapter 15

"Sarap ng tulog mo ah." Nakangising sambit ni Zach.

Nandito siya kasama ang dalawang unggoy at sina King at Queen.

"5 days is enough for you to rest I guess?" Sambit ni Elle.

"Ramdam ko yung concern niyo." Sarkastikang sabi ko.

Gandang pambungad nila, prente pang nakaupo si Zach sa bed ko at kumakain ng prutas.

"Unggoy ka talaga, sana sinabi mong pagod ka." Si Dria. Ayon, wala man lang kumusta. Sermon agad matatanggap ko sakanya. Hindi siya si Dria kong sasabihin niya sa'kin na 'I'm worried Nacia.'

"Paano kung wala si Gai nong panahon na yon? Imposibleng maaabutan ka ng dalawa. Ano nang mangyayari sayo?" Hindi ako sumagot sa panenermon ni Dria.

"Sana naman... mag-ingat ka na sa susunod. Maraming tao ang nag-alala sayo, sana naman nagsabi kang unggoy ka." Nakita kong nagsisimulang magtubig ang mga mata niya.

Umiiyak ba siya? The queen of Aventurine did just cry? I want to tease her, I badly want. Hindi ko aakalain na mag-aalala ng ganito sa'kin si Dria.

Para tuloy nagmukhang ina ko si Dria, tapos mas mukha pang nanay si Elle dahil sa buhok niya. Charot.

"Kaya nga nandoon si Gai, para iligtas ako diba? Nandito na ako oh, ayos na ayos na kaya huwag ka ng umiyak jan. Ano pa at unggoy ako?" Natatawang sambit ko sakanya na siyang ikinakunot ng noo niya.

"Kailan man ay hindi ako iiyak." Weh? Hindi nga ba?

"Patingin nga ng mukha." Pang-aasar ko.

"Umiyak si queen." Pati si Zach ay nakisali sa pang-aasar.

"Aww so vulnerable, swerte naman ng mga unggoy." I smell a bit of sarcastic in her tone, just a bit.

"Baka Dria yan." Nakangising sambit ni Aaron.

"Bwisit kayo, kayo lang nagpaiyak sa'kin ng ganito." Biglang lumapit sa'ming apat si Dria at akala ko ay yayakapin niya kami pero batok ang natanggap naming apat sakanya.

Sabay kaming napaaray sa ginawa niya sa'min. That's how she show her love to us.

"Hindi lang si Dria ang pwedeng ganon sainyo, ako din." Biglang lumapit si King sa'ming apat at ganon nalang ang paglunok ng mga kasamahan ko.

"K-king hehe, gwapo mo. Ayos na yung kay Dria promise." Sambit ni Zach.

"No thanks." Agad na sabi ni Elle.

"No thanks (2)." That's Aaron.

"No thanks (3)."

Akmang babatukan na kami ni King ng biglang bumukas ang pinto ng clinic at niluwa nito ang mga Azurite na nakasama namin sa mission.

"Nagpunta kami rito, dahil nabalitaan namin galing kay Lianne gising ka na raw." Sabi ni Bleah.

"Piercey babe." Nakita ko ang paglapit ni Zach sa isa sa kasamahan ng Azurite. Hindi iyong Rico na nagtutok ng patalim sa leet ko noon. Speaking of Rico, hindi ko pa siya muling nakakausap.

"Zachy babe." Nagyakapan ang dalawa na parang bata.

Napamura pa ang isang babaeng unggoy.

"What the fvck Zach, parang hindi kayo nagkita ng dekada." Inis na sambit ni Elle.

"Selos ka lang eh, sayo lang liliko to." Nang-aasar na wika ni Zach, kaya nakatanggap na naman siya ng batok kay Dria.

"Unggoy ka, hindi ka na nahiya." Napatigil si Zach sa pang-aasar dahil sa sinabi ni Dria.

"Queen naman." He pouted, napairap lang si Dria.

"Good news Nacia, makakalabas ka na ngayon!" Masayang sabi ni Lianne. Napangiti naman ako sa sinabi niya, agad akong tumayo para lumabas pero may kamay na pumigil sa'kin.

"Where are you going?" He asked.

"Lalabas?" Patanong na sagot ko sakanya.

"Pwede ng lumabas yan, mukha namang hindi na yan nababagay dito. Hindi naman mukhang pasyente yan." Natatawang ani ni Zach. Indian mango talaga.

Hindi ko nalang siya pinansin at kinuha ko na ang kamay ko mula kay Aaron. Lumabas na ako at iniwan sila sa loob. What's the point of staying in that room, if I'm allowed to go.

"Hintayin mo kami Nacia." May sumigaw sa likuran ko. Tinignan ko ito, silang siyam lang pala naglalakad papunta sa'kin.

"Since gising ka na, pwede na tayong kausapin nina headmistress." Wika ni King at naunang naglakad. Nakapamulsang naglalakad si Aaron, at sumunod kay King. Sumunod nalang rin ako sakanila.

Pareho lang naman ang mga pupuntahan namin. Sa opisina ni headmistress.

"Uy yung Azurite at Aventurine magkasama!"

"Omgg, ngayon lang ulit nagsama ang dalawang yan."

"Grabe, ang lalakas talaga nila noh. Kahit mga tindig palang."

Here we go again, some gossips I heard from gossipers in this academy.

Nakita kong hinawi ni Zach ang buhok niya at tumingin sa mga babae, tsaka ito kumaway sakanila. Hindi ko mapigilang mapailing ganon din si Dria at Elle. Hindi rin nagpahuli si Pierce, ang kaugali ni Zach sa Azurite. Nag flying kiss pa ito.

"Kumaway yung gwapong rookie sa'tin!"

"Ayaw ko na si Pierce nag flying kiss sa'kin."

"Si fafa Pierce, pa mine."

"Zach grab!"

"Steal, both."

Ano to, online business? Wala tayo sa mortal world mga ineng. Nakatanggap pareho ng batok ang dalawa galing kay Dria.

"Nahahawaan mo ng kaunggoyan mo ang lalaking to." Pakigisa pa please.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa opisina ni headmistress. Pagpasok namin ay si Ma'am Lexis ang bumungad sa'min.

"Masaya kaming makita na okay ka na Nacia." Nakangiting wika ni ma'am Lexis.

"I just want to congratulate the ten if you for the mission accomplished. Thank you so much, I didn't expect that you'll able to kill big fish general. I'm just asking you to bring him to us. Kami na sana ang bahala sakanya," Sabi niya at napako ang tingin sa'kin.

"She just raised a strong kid. You're really like your mother." Nakangiting wika niya habang nakatitig sa'kin.

"Again, maraming salamat. Mukhang nakaabot na kay big fish ang tungkol sa pagkamatay ng isa niyang general. That's a letter for him, na nagkakamali siya ng binangga." Seryosong wika ni headmistress.

"Pero sana sa susunod, huwag kayong gumawa ng hindi ko o namin inuutos. Pag sinabing dakpin, dakpin niyo lang. Huwag niyong kitilan ng buhay." Hindi kami nakasagot sa sinabi ni ma'am Lexis. Lahat kami ay nakayuko, walang matapang na magsalita. 

"Sorry for that Ma'am." Paghingi ng tawad ni Yuriel.

"That's no one fault, don't be sorry Yuriel. Anyway pwede na kayong lumabas. Thank you for the time." Nag-unahang lumabas ang mga kasama namin. Sumunod ako sakanila, noong makalabas kami ay tsaka ko narinig ang mga reklamo nila.

"Nakakatakot pag ganon si headmistress." May pahawak-hawak pa sa puso niya si Zach.

"Ang taray talaga ni Ma'am." Sabi ni Lianne, napatingin ako kay Aaron. Mukhang wala lang naman sakanya ito, medyo nakahinga ako ng maluwag doon.

"Uy Aaron, mataray daw mama mo oh, sumbong mo nga." Pang-aasar ni Zach. Minsan talaga sarap busalan ng bibig ng lalaking to eh.

"Shut up moron." Malamig na wika ni Aaron.

Nakita ko ang pamumutla ni Lianne. Buang talaga tong si Zach, nakuha pang takutin ang roommate ko.

"Unggoy ka talaga, mag-isip ka nga minsan kung wala ka bang nasasaktan." Nakatanggap na naman siya ng batok mula kay Dria.

"Lianne, don't mind him. Hindi pa nababakunahan yan." Tsaka niya siniko si Zach.

"Lianne, biro lang yun. Mabait yang si pareng Aaron, pero totoo talaga na ina niya si headmistress." Napipilitang ngumiti si Zach habang nakatingin sa roommate ko.

"A-aaron s-sorry." Nakayukong sabi ni Lianne.

"Bakit ka nagso sorry? Si Zach ang dapat na humingi ng tawad hindi ikaw." Sabi ng lalaking nasa tabi ko na.

"Don't be sorry, wala ka namang ginawang kasal-anan." Sabi ko kay Lianne, tsaka ito hinila.

Nagpaalam na ako sakanila, dumiretso kami sa dorm na dalawa. Pagpasok namin ay bumungad sa'min si Alli na nagbabasa ng libro. Wala talagang bago sa babaeng to.

"Gising ka na pala." Sabi niya. Hindi pa ako nakapagpa salamat sakanya. Silang dalawa ni Lianne ang nagbabantay sa'kin

"You're welcome." Dagdag niya. Okay, siya na advance.

"Nacia, anak ba talaga iyong si Aaron ni headmistress?" Tanong ni Lianne sa'kin. Okay, siya na hindi maka move on.

"Yes." Dahil sa sagot ko ay naibaba ni Alli ang binabasa niyang libro.

"Who's Aaron?" Tanong niya sa'kin.

"Iyong rookie na lalaki na isang Aventurine." Sagot ni Lianne sakanya.

"Pakisabi naman ulit na sorry."

"Ano ka ba, bakit ka nagso sorry. Diba siya na mismo ang nagsabi na hindi mo kailangang mag sorry." Wika ko.

Minsan talaga, may mga taong hindi agad nakakaintindi. Naiinis ako minsan sa mga taong ganyan. Minsan lang din naman.

"Baka kasi bukas, makikita niyo nalang ako na palutang-lutang na ang kalahati kong katawan sa ilog." May halong pagbibiro niyang sabi.

"Gaga ka, hindi gagawin ni Aaron yon." Sambit ko. Aaron isn't that kind of person, I know him.

"Nagmura ka?" Hindi makapaniwalang sambit ni Lianne.

Sa isip palagi naman.

"Iyon ba iyong lalaking may berde na buhok?" Tanong ni Alli. Sabay kaming umiling ni Lianne.

"Iyong isa." Sabay naming wika ni Lianne. Alli just nod at us.

"Akala ko iyong malandi." Sabi niya, is he referring to Zach? Pinopormahan din ba si Alli ng lalaking yun?

Hindi rin naman nakakapagtaka, talagang mahangin at matinik sa babae talaga si Zach. Oo gwapo nga, mahangin naman. Pero laging barado kay Elle.

Enough of chikas, gusto ko ng magpahinga.

"I'll go first." Paalam ko sa dalawa. Sabay lang silang tumango.

Pumasok na ako sa kwarto ko at humiga. Napatitig ako sa kisame ng kwarto ko. Parang kailan lang nong nandito ako, ngayon ang dami ng nangyari. Marami akong mga taong nakakasalamuha at nakilala. Mga taong may iba't-ibang ugali.

Mga taong mahirap kalimutan.

Ordus: Fuego
By DeeYanny
Plagiarism is a crime

Votes and comments are highly appreciated. Enjoy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top