W A L O
W a l o
-
"Lila, ano itong nakarating sa akin na ininsulto ko raw ang aking anak na si Pula, sa harap ng maraming Cyanis."
Nanatili akong nakatitig kay Ankol pono ng sabihin niya ang mga iyon. Lihim akong natawa. Ang bilis makapag sumbong kanyang anak, ngunit kulang naman ang sumbong. Kanina, pagkarating na pagkarating ko sa aming tribo ay agad akong ainalubong ng mga utusan ng konseho at pinapapunta nga ako dito sa kanilang kubo.
Nilingon ko ang ibang kasapi ng konseho na pinapanood kung paano ako pag sabihan ni Ankol pono. Ang apat na konseho ay tahimik lang. Lima ang konseho ng Tyanikas, at si Ankol pono ang namumuno nito.
Si Konseho Lio, Konseho Ilak, konseho Asi, Konseho Ades at ang pinaka mataas na konseho, si Konseho Ankol pono.
"Dahil siya po ang naunang nang insulto sa akin." pagtatanggol ko sa sarili ko.
Nanatili lang siyang nakaupo sa kaniyang trono. At ang magkabilang kamay ay nakapatong sa magkabilang patungan habang mayabang akong tinitigan. Para bang kahit ano pa ang sabihin ko sa kanyang harapan ay mali na ininsulto ko ang kanyang bunsong anak.
"Hindi ba at totoo lamang ang sinabi ng aking anak?"
Matapang akong nakipagtitigan sa aming pinuno. "Kailanman, hindi magiging tama ang pagsasabi sa iyong kapwa na ang pangarap niya ay hindi matutupad kailanman." wika ko. Narinig ko pa ang iba pang kasapi ng konseho na napasinghap dahil sa aking sinabi. "Nalaman ni Pula na nais kong makilahok sa darating na papaka at dahil doon ay nagalit siya sa akin at pinagsabihan ako ng masasakit na salita. At dahil doon, hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na pag salitaa din aiya ng masasakit na salita."
"May plano ka na makilahok sa papaka?" tanong ng isa sa mga konseho. Nilingon ko iyon sa aking kaliwa.
Tumango ako bago sumagot. "Opo. Gusto kong subukan na maibalik ang kalayaan ng Arcyanis."
"Ngunit isa ka lamang ordinaryo, Lila. Wala kang mahika upang makipag sabayan sa mga mandirigma ng iba't-iba hukbo." mariin at nagungutya pang salita ni Ankol pono.
"Alam ko iyon, Ankol Pono. Isa lamang akong ordinaryo at walang mahika, ngunit.. hindi ba at nasabi niyo noong minsan ay nagpulong ang lahat ng Tyanikas na, lahat ay malaya na makilahok upang maging parte ng limang mandirigma na ipapadala sa papaka. Nagbago na ho ba ang iyong batas, tungkol doon?"
"Ngunit wala kang mahika, baka mapaslang ka lang doon at maging pabigat!"
"Kung mapaslang man ako habang lumalaban para sa Arcyanis, ay maituturing ko iyon na isang karangalan Ankol pono." Matigas na sabi at hindi bumitaw sa kanyang tingin.
"Mawalang galang na sa ating Ankol pono," sabat ng isa sa mga konseho. "Ngunit, kung nais ni Lila na makilahok sa papaka ay hayaan na natin siya. Isa pa.." huminto ito at tinignan ako na para bang kinukutya. "..nasisiguro ko na hindi basta basta ang magiging pagsusulit at pagpili natin sa ating magiging limang itinakda."
Gumanti ako ng ngiti kay Konseho Ades, na agad naman naglaho ang ngiti sa labi. "Maraming salamat po sa inyong mungkahi, Konseho Ades." binalingan ko naman ang aking kapitdugo na si Ankol pono. "Lalahok po ako sa darating na pagsusulit. Napag usapan na po namin ito ni Ina, at kung anuman ang kalalabasan ng pangarap ko, ay tatanggapin namin ito ni Ina ng bukal sa aking puso."
"Maaari ka ng umalis, Lila." ani Konseho Lio.
"Agamu ape, Mahal na konseho." Tinignan ko ang bawat konseho ng puno ng respeto at ang pinaka huli ay si Ankol pono.
"Agamu ape, Ankol pono." pag galang ko sa aming pinuno ngunit wala itong balik sa akin kundi ang ismid at ang kakatwang tingin na wari'y isa akong litiko.
Umalis ako sa kubo ng mga konseho ng may karagdagamg apoy sa aking puso upang mas lalong magtagumpay. Magtagumpay upang mapasama sa mapipiling itatakda na lalaban sa darating na papaka. Kung sa tingin ng iba ay hindi ko kayang gawin, mas lalo akong ginaganahan na gawin ang bagay na 'yon.
Pagkakatiwalaan ko si Ina at ako na magagawa ko iyon. Mukhang malabo iyon sa ngayon dahil tulad ng nasabi nila, isa lang akong ordinaryo. Ngunit sisiguraduhin ko na, ang ordinaryong tulad ko, ay isa sa mga makakatulong upang maibalik ang kapayapaan sa Arcyanis.
"Ayos ka lamang ba, Lila?" agad na tanong ni Ina ng salubungin niya ako sa aming bakuran. Inalalayan pa niya ako hanggang sa makapasok ako sa aming munting kubo.
Maging sa pag upo sa aming munting kainan ay inalalayan niya ako. Pinaupo ko siya at hinarap. Hinaplos ko amg kaniyang pisngi. "Ina, maayos po ako." paninigurado ko upang hindi na siya mag alala pa.
"Huwag kang mag sinungaling Lila. " aniya at umiling pa. "Ano ang ginawa sa iyo ng konseho?"
"Ina, wala po. Kinausap lamang ako."
"Kinausap?" ulit niya na parang hindi iyon totoo. "Ano ang sinabi kung ganon?"
Nagbaba ako ng tingin, pero inutusan ako ni Ina na mag angat ng tingin sa kanya. Hindi ko alam, wala lang naman ang mga sinabi sa akin ng konseho kanina, alam ko naman na pinapahina lang nila ang loob ko, at nag tagumpay naman ako doon, na ipakita na malakas ako.
Ngunit ngayon.. habang kaharap si Ina, alam ko na pwede ko ng hubaran ang maskara ng pagiging malakas. Dahil napagtanto ko na hindi pala ako ganon kalakas..ang mga salita ni Ankol pono at ng mga konseho ay nakakaapekto pa rin sa akin.
"Ano ang sinabi sa'yo ng konseho?"
"Tulad pa rin ng madalas nilang binabanggit. Na isa lang akong ordinaryo at walang kakayahan makipagsabayan sa mga cyanis na may taglay na mahika." pagsusumbong ko.
Umiling si Ina. "Alam mo naman na hindi totoo ang mga iyon, hindi ba?"
Tumango ako sa akin Ina. "Alam ko po. Ngunit, nasasaktan pa rin ang puso ko kapag naririnig 'yon."
"Natural lang na masaktan ka, Lila. Totoo 'yong sinabi ng konseho sa'yo. Na isa ka lang ordinaryo at walang kakayahan makipagsabayan sa mga cyanis na may taglay na mahika." tumigil si Ina at ngumiti sa akin. Kinilabitan ako sa paraan ng ngiti ni Ina, para bang may pinaplano siyan. "Ngunit sino ba ang nag sabi sa na makikipag sabayan ka sa kanila? May sarili kang paraan, Lila. Paraan na ikaw lamang ang may kakayahan na gumawa."
"Ngayon Ina, mas kailangan mag ensayo, ilang araw na lang at sasapit na ang pagsusulit." sabi ko. "Nasabi sa akin sa konseho na ang magigimg pagsusulit daw ang hindi madali. Palagay ko ay pahihirapan nila ito lalo kumpara saga magdaang pagsusulit."
"Kahit na ano pa man ang pagsusulit, paglalaanan natin ng panahon 'yan upang ikaw ay mahasa sa pakikipag laban. Mas palalakasin natin ang iyong pangangatawan at pag iisip."
"Sisiguraduhin natin na magkakaroon ng magandamg laban sa darating na pag susulit." mahiwagang sabi ni Ina, tumayo at pumunta sa kanyang silid. Naiwan ako doon sa aming kainan na tulala.
[Agamu ape = Maraming salamat
Litiko = Basura.]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top