S I Y A M
S i y a m
--
Katatapos lang namin mag ensayo ni Ina, aaminin ko masakit ang aking katawan ngayon dahil sa pag eensayo, ngunit para bang sa palagay ko ay kulang pa iyong nakuha kong ensayo kasama ang aking Ina, kaya ngayon ay nagpasya akong mag tungo rito sa plasa murous upang mag ensayo pa.
Naupo muna ako sa silong ng isa sa mga punong yaman upang makahinga kahit sandali. Nilabas ko ang kahoy na baunan na dinala ko na may laman na Maye na niluto pa ni Ina. Kumuha ako ng isamg bilog doon at kinain iyon.
Ang tahimik ng plasa murous ngayon. Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit gustong gusto ko ang lugar na ito. Nakakapag isip ako rito. Ako lang mag isa, at walang Cyanis na nangungutya sa akin. Muli akong kumain ng Maye, kasabay nun ay ang pag ihip ng malakas na hangin.
Nakaramdam ako ng kaba dahil alam ko kung bakit humampas ang hangin. Nangyari na ito noon.
"Taobon." anang boses sa kung saan.
Hindi ko iyon pinansin at muling sumubo ng paborito kong Maye. Kahit pa nakakaramdam ako ng kaba na baka saktan na naman niya ako ay pinakalma ko ang sarili ko.
Alam kong si Bughaw ang nasa paligid. Isang Hyanis. Hindi ko alam ngunit, alam ko ang amoy niya. Hindi ko alam kung paano nangyari na alam ko ang amoy ng Hyanis at Tyanikas pero palagay ko ay namana ko iyon kay Ina, bilang taobon. May kakayahan kasi si Ina na maamoy ang sino man ang nasa paligid, maging ang pag lipad. Ngunit sa kasamaang palad, wala akong kakayahan lumipad.
Muli akong kumuha ng maye at isusubo sana ito ngunit nantili ang kamay ko sa malapit sa aking bibig. Hindi ko maigalaw iyon. Kagagawan niya marahil. At hindi nga ako nag kamali, ilang sandali lang ay nasa harap ko na siya, nakaupo rin, pantay ang tingin niya sa akin habang may ngisi sa labi. Sumabay sa sayaw ng hangin ang mahaba niyang buhok.
"Nagkita tayong muli, munting taobon." aniya.
Tumango ako at ginantihan siya ng ngiti. "Gadna marawa rin sa'yo, Bughaw."
Marahil ay nagtaka siya kung bakit kalmado ako ngayon. Samantalang nung una naming pagkikita ay natatantado ako. Nanliliit ang mga mata niyang sinuri ako. "Tila yata mas lumakas ang loob mo ngayon munting taobon. Hindi ka ba nakakaramdam ng takot? Maari kitang tanggalan ng buhay ngayon kung nanaisin ko."
Mas lalo akong nangisi sa sinabi niya. Akala niya yata natatakot pa ako sa kanya. Marahil ay, oo.. pero pwede rin na hindi. "Bakit puro salita? Kung nais mo akong paslangin hindi naman kita pinipigilan." diretsong sabi ko. Alam ko naman kasi na hindi niya gagawin iyon.
Ilang sandali niya akong tinitigan ng nakangisi.. at sa hitsura niyang iyon, alam kong nag iisip siya. At kung anuman ang iniisip niya ay wala naman akong pakielam doon. Hindi ko kailanman nanaisin na malaman ang iniisip ng isang Hyanis. Nanatili siyang nakangisi.. hanggang sa nawala ang ngisi niya kasabay ay nanumbalik ang kakayahan kong gumalaw.
Ginalaw ko ang kamay ko at tinitigan iyon bago muling bumaling sa kanya. "Anong nangyari? Akala ko ay papaslangin mo ako?"
Huminga siya ng malalim bago umiling. At lumipat ng upo sa tabi ko. "Huwag kang magyabang, wala lang akong ganang pumaslang."
Sinubo ko ang maye na nasa kamay ko. Pagkasubo ko non ay inilapit ko naman na kanya ang kahoy na may maye na hawak ko. "Gusto mo bang tikman?"
May panghuhusga niya akong tinignan sa mukha bago umiling at nag iwas ng tingin. "Hindi na. Baka may Asnol 'yan."
Nanliit ang mata ko. "Sa ating dalawa, ikaw lang ang makakaisip niyan." sabi ko at inilapit na ang piraso ng maye sa bibig niya. "Walang asnol ito,"
Ilang sandali niya akong tinignan bago hawakan ang kamay ko at siya na mismo ang nag lapit noon sa bibig niya.
"May buhay ka pa diba?" sabi ko sa kanya at ako naman ang kumain ng maye.
Itinabi ko na ang maye ng makaramdam ako na puno na ang aking tiyan. Muling umihip ang hangin. Tinanaw ko ang kabuuan ng plasa murous. Napakalawak talaga ng lugar na ito at nakakalma. Punong puno ng punong yaman dito. Ang sarap langhapin ng hangin. Para bang perpekto ang mundo kung nasaan ito. Para bang walang gulo at agawan ng kapangyarihan na nagaganap.
"Nalalapit na ang pagsusulit sa hukbo ng Tyanikas, ano ang balak mo?" tanong niya na ikinagulat ko.
Gulay ko siyang nilingon. Nakatanaw pa rin siya sa malawak na lupain ng plasa murous. Nakakapagtaka naman kung paano niya nalaman iyon samantalang magkaiba kami ng hukbo.
"Paano mo nalaman 'yon? Espiya ka?"
Mariin niya akong binalingan tsaka umiling. Para bang sinasabi ng mukha niya na bakit ko iyon tinanong samantalang alam ko na ang sagot. "Tinatanong mo talaga 'yan?" aniya. "Isa akong Hyanis Alam ng hukbo namin ang nangyayari sa kabuuan ng Arcyanis. Miski maliliit niyong galaw, ay alam ng aming hukbo."
"Mga mandaraya at masasama talaga kayo!" napopoot kong hiyaw sa kanya. "Uhaw na uhaw talaga sa kapangyarihan ang hukbo ninyo ano? Hindi pa ba sapat ang mahabang panahon na pananakop ninyo sa Arcyanis?"
Tamad siyang ngumiti sa akin. "Napag alaman ko, mas pinahirap ang pag susulit ngayon ng bawat hukbo. Mas tumindi ang hangarin ng bawat hukbo na maagaw ang kapangyarihan mula kay Laroon."
"Kahit sinong cyanis ay nanaisin na makawala mula sa pagsakop ng masamang pinuno."
"Ano ang plano mo? Mahina ka at wala kang mahika, paano ka nakaksiguro na mapapasama ka sa limang ipapadala para sa papaka?"
"Nage-ensayo ako ng maigi." simpleng sagot ko at tumayo na. Muli kong tinignan ang malawak na plasa murous. Uumpisahan ko na muling mag ensayo. Hindi dapat ako nag aaksaya ng oras. Nilingon ko ang kasama kong hyanis ng narinig ko itong ngumiti. Nainsulto ako, para bang pinagtatawanan niya ang sinabi kong nag eensayo ako.
"Ano ang kakatwa sa sinabi ko?"
Tiningala niya ako pagtapos ngumiti ay tumayo rin siya. Ako naman ngayon ang tumingala sa kanya.
"Hindi sapat ang pagnanais para makamit ang isang bagay." malaman na sabi niya. Hindi ko iyon naintindihan kaya nalukot ang mukha ko.
"Ano ang ibig mong sabihin?"
Hinarap niya ako at ibinaba ang mukha malapit sa akin. "Iwaglit mo muna sa iyong isipan ang papaka, ilagay mo ang iyong buong atensyon sa darating ninyong pagsusulit. At kapag nakapasa ka at napabilang sa limang mandirigma, pwede mo ng paghandaan ang papaka. Hindi mo magagawa ang dalawang bagay ng sabay, gamit ang iyong dalawang kamay."
"At bakit ako makikinig sa isang.. Hyanis?"
"Dahil ang hyanis na ito.." aniya at itinuro ang sarili. "Ang makakaharap mo sa papaka kung sakaling makapasa ka sa gagawing pagsusulit ng inyong hukbo."
Namilog ang mga mata ko. Isa siya sa limang mandirigma na ipapadala ng hyanis? Alam kong magaling siyang mandirigma. Halos lahat ng mandirigma ng hyanis ay magaling, ngunit.. ganon kabilis pumili ng mandirigma ang hukbo nila? Hindi ba siya nagdaan sa pagsusulit? O mayroon kayang pagsusulit na naganap? Ganon ba siya kagaling upang mapabilang sa lima?
"Kabilang ka sa lima na ipapadala? Kumpleto na agad ang inyong hukbo?" hindi ko man gusto na ipakita sa kanyang nagulat ako sa sinabi niya, ngunit.. alam ko na nakita niya ang gulat sa mukha ko.
Umayos siya ng tayo at marahan na umiling. "Hindi pa. Ako pa lamang ang sinabihan ng aming punong konseho."
"Ganoon ba sila naniniwala sa kakayahan mo at..
agad ka nilang..pinili?"
"Hindi nila ako pinili basta basta lamang. Nilaan ko ang lahat ng makakaya ko para lang piliin nila ako." ani pa niya. "Hindi ito basta laro lamang, taobon. Laro ito ng kinabukasan ng bawat cyanis. Kung hindi mo ito paglalaanan ng lahat sa'yo, at kung hindi mo rin lamang ito siniseryoso, mabuti pa na magkulong ka na lang sa iyong kubo."
"Gusto kong palayain ang Arcyanis mula sa inyong hukbo!" galit na hiyaw ko. "Hindi mo ako kilala ng lubusan para husgahan!"
Nakadagdag ng galit ko ang pagtango niya lang na para bang hindi niya hinusgahan ang pagmamahal ko sa Arcyanis. Anong tingin niya sa ginagawa ko? Isang laro?
"Kung ganon, siguraduhin mo muna na makakapasa ka sa gaganapin na pagsusulit ng inyong hukbo. Hindi naman magandang pakinggan na papaka agad ang iyong hangad tapos mamamalayan na lang natin, sa pagsusulit pa lang ng tyanikas ay bagsak ka na." aniya. "Palagay ko nga, isang mangangalakal lamang ang makalaban mo, wala ka na agad sa paligsahan."
Naplunok ako. Itinuturing na pinaka mahinang cyanis ang mangangalakal dahil hindi naman ito nage-ensayo. At kung sa tingin niya ay isang mangangalakal lang ay matatalo na ako, sobra sobra naman niya akong minamaliit!
Hindi na ako nag isip at pinauna na ang galit. Agad akong humugot ng shodor sa akin tagiliran at agad na itinarak iyon sa kanya, ngunit parang hangin ay mabilis siyang naglaho. At nabigla na lamang ako ay hawak niya ako sa magkabilang braso at isinandal sa punong yaman na malapit. Gusto ko siyang gamitan ng aking mga paa ngunit hindi ko ito maigalaw!
"Bitawan mo ako, duwag!" hiyaw ko sa nakakasuklam na hyanis.
Ngumisi siya kahit pa nakikita ang poot ko para sa kanya. Nilapit pa niya ang mukha niya sa akin. "Masyadong mainitin ang ulo mo, taobon." aniya. "Gusto kitang makaharap at makalaban sa darating na papaka-"
"Bakit hindi mo pa ako paslangin ngayon?!"
"Sa papaka kita gustong paslangin, taobon." iling niya. "Kaya naman, mangako ka sa akin na makikita kita sa araw ng papaka."
Napalunok ako. Ngayon pumasok sa akin lahat ang mga sinabi niya. Siya pa lang ang nakaharap ko ngunit hirap na hirap na ako, paano pa kapag nakaharap ko na ang Syanilay? Hyanis? At ang mga maharlikang Kyanian? Baka unang pagbilog pa lang ng buwan ay wala na akong buhay. Inaamin ko na kulang pa ang kakayahan ko, wala na nga akong taglay na mahika, at mahina pa ako sa pakikipaglaban.
Napalunok ako habang tinititigan ang hyanis na ito. Alam kong imposible ang iniisip ko ngayon.. ngunit.. kailangan kong subukan.
"Alam kong mahina ka at walang mahika, Taobon. Ngunit alam ko rin na matigas ang iyong ulo at-"
"Tulungan mo ako."
"..at...ano?" aniya na napatigil sa pagsasalita. "Ano ang sinabi mo?"
"Akala ko mga taksil lang ang mga hyanis, mahihina rin pala ang inyong pandinig."
"Huwag mong ibahin ang pinag uusapan, taobon." Aniya na parang wala lang sa kanya na sinabihan ko ng taksil ang hukbo nila.
"Tulungan mo ako." ulit ko sa unang sinabi.
"Tulungan? gusto mong tulungan ko ang aking.."
"Alam kong kalaban mo ako. Ngunit, tutulungan mo lamang ako hanggang sa makapasa ako sa darating naming pagsusulit." paliwanag ko. "At kapag nakapasa na ako at napabilang sa limang lalaban sa papaka ay ayos na, kasali na ako sa papaka."
Nakita ko kung paano siya natigilan at napaahon din siya dahil sa sinabi ko. At marahil dahil sa pag iisip niya ay nawala ang konsentrasyon niya kaya nawala ang mahika niya sa akin at muli akong nakagalaw.
"Tulungan mo akong makapasa sa pagsusulit ng aming hukbo,"
"At bakit ko naman gagawin 'yon?"
"Dahil kapag isa ako sa napili na lumaban para sa papaka ay maaari mo ng gawin ang gusto mo."
"At ano naman 'yon?"
"Maaari mo na akong paslangin...sa araw ng papaka."
[Gadna marawa= Magandang araw
Maye= matamis na pagkain
Asnol = Lason ]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top