P I T O
Pito.
-
Panibagong araw na naman ang lumipas at tulad ng mga nakaraan, maaga pa lang ay kailangan ko ng maghanap ng pagkain na pang imbak namin ni Ina.
Nandito ako ngayon kasama ang iba ko pang ka tribo at naghuhukay sa malawak na lupain ng Pugong ginto, naghahanap ng ginto upang may maipambili ng pagkain at inumim.
Dahil hindi na tulad ng dati na maraming pagkain ang Arcyanis at ipinamamahagi na lang ito, dahil ngayon, kailangan mong pagpaguran ang lahat.
Sa totoo lang wala namang problema iyon sa akin, ang tanging iniisip ko lang ay kung bakit kailangan pa namin magbayad ng ginto para sa mga bagay at pagkain na libre namang ibinibigay ng Arcyanis sa mga mamamayan nito. Libre ang lahat, magmula sa mga yaman na namumunga ng prutas at gulay. Ngunit dahil sa Kyanian ang namumuno sa amin ilang taon na ay ilang taon na rin nila itong pinapatungan ng buwis kahit pa hindi naman dapat patungan ng buwis iyon. Hinaharang nila ang lahat.
Para naman sa mamamayan ng Arcyanis ang mga pagkain at inumin na iyon ngunit ipinagbibili pa nila ang mga ito.
"Nakapag impok ka na ba ng ginto, Lila?"
Napalingon ako kay Han ng mag salita ito. Ito ang isa sa mga kababata ko habang lumalaki at masasabi kong isa sa matalik kong kaibigan. Nginitian ko muna siya bago ako umiling.
Sinulyapan ko ang maliit na tela na nakasabit sa aking beywang, lagayan ko iyon ng aking salapi. Ngunit walang laman na ginto iyon, puro diamante lamang. Dito kasi sa Arcyanis ay mas malaki ang halaga ng ginto dahil kahit saan ka naman mag tungo dito sa Arcyanis ay may makikita kang diamante. Ngunit kung papalarin ay hinihiling ko na makakuha man lang kahit isang itim na diamante.
Ang itim na diamante ay ang pinaka mailap na uri ng bato na mayroon ang Arcyanis. Tanging mga maharlika lamang ang nagma-may-ari at nakakahawak.
"Purong puti na diamante lamang ito, Han. Ikaw ba?"
Nagkibit balikat ito at malungkot na ngumiti. "Tulad mo ay wala rin. Dalawang pirasong diamante lamang ito, kulang pa para sa tatlong pirasong mansanas." aniya. Tatlo kasi dahil tatlo sila ng mga kapatid niya. Wala na kasi itong mga magulang. Kasama ito ni ama na namatay dahil sa pakikipaglaban para sa pagbabago.
Dalawang diamante kapalit isang mansanas.
Hindi na ako nag isip pa, ibinigay ko sa kanya ang apat na diamante. Mayroon kasi akong anim na nakita.
"Hindi ko matatanggap iyan, Lila.." aniya ng iabot ko sa kanya ang mga diamante.
Binigyan ko siya ng magaan na ngiti. "Tanggapin mo na, palitan mo na lang kapag mayroon ka na."
Mabilis itong lumaput at yumakap sa akin. "Maraming salamat, Lila. Pangako, babawi ako sayo.."
Nginitian ko ito bago tumayo. "Huwag mo na ngang isipin 'yon, Han. Magtutungo na ako sa pamilihan, ikaw ba?"
"Didiretso na ako sa aming tahanan. Panigurado ay nakauwi na rin ang mga kapatid ko," ani nito at tulad ko ay tumayo din.
Tumango ako. "Sige. Mauuna na ako,"
Sa bukana kami ng pugong ginto nag hiwalay ng daan ni Berde. May sasadyain kasi ako sa Ibong pilak, kung saan naroon lahat ang mangangalakal at iba't-ibang uri ng mga kagamitan at pagkain.
Kagabi kasi ay naalala ko, nangako ako kay ina na dadalhan ko siya ng Tela para makagawa siya ng panigabong kasuotan. Mahilig kasi si Ina doon, gustong gusto niya ang lumikha ng kung ano- ano lalo na ng kasuotan.
Ilang tela lang naman ang kailangan ko at uuwi na rin ako sa aming tahanan. Isa pa, nakakaramdam na rin naman ako ng gutom, at panigurado ay hinihintay na ako ni Ina.
"Lila!"
Habang namimili ng tela ay narinig kong may tumawag sa aking pangalan.
"Lila!"
Lumingon ako sa may bandang kanan ng maliit na eskinita at nakita ko doon si Pula.
Ang aking kapitdugo.
[Kapitdugo: Pinsan o malapit na kamag- anak.]
Naroon ito nakatayo sa mga nagtitinda ng mga gulay at may suot na kakaibang ngiti. Hindi ako umalis sa aking pwesto, kaya siya na mismo ang lumapit sa akin.
"Kumusta aking kapitdugo?" aniya habang nginitian ako. Hindi ko gusto ang ngiti niya.
"Ayos naman ako, ikaw ba?" sagot ko. Nakita ko kung paano niya hinawi ang kanyang buhok ng biglang humampas ang hangin.
"Maayos ako. Ngunit ikaw.." aniya at pakutya akong nginitian. "Nasa tama ka pa bang pag iisip?"
Kumunot ang noo ko sa kanyang itinuran. "Ano ang ibig mong sabihin?"
"Ikaw, sigurado ka na ba sa iyong pasya? Nabanggit sa akin ni Ama na nag boluntaryo ka raw upang mapabilang sa mga mandirigmang ipapadala sa papaka. Nahihibang ka na ba?"
Agad kong binigay ang iaang diamante bayad sa telang nabili ko.
"Wala ka naman magagawa sa pakikipaglaban sa ibang tribo dahil wala kang mahika." ani pa nito.
Tulad simula pa ng mga munti kami ay palaging ganoon ang sinasabi jiya kapag sinusubukan kong sumali sa kahit anong paligsahan. Bakit tila yata walang pagababago sa kanyang tirada sa akin? Nabubulok na iyong ganyang panlalait sa akin. Hindi na kasi umuubra sa akin.
Wala na akong nararamdaman.
Humarap ako sa kanya at tinitigan siya ng mariin. "Kaya kong lumaban kahit walang mahika."
"Ha! At paano mo naman iyon gagawin?" aniya. "Mahina ka, Lila alam natin iyon pareho, mapapahamak ka lang kung magpupumilit kang sumali sa papaka-"
"Bakit? Tulad nga ng sinabi mo. Mahina ako. At nasa sa akin na yun kung gusto ko man masawi sa papaka o hindi. Ayaw mo ba akong sumali sa papaka?" putol ko sa sasabihin niya.
Matalim na ang mata nitong nkatingin sa akin. "Dahil masasayang lang ang isang pwesto kung mapapasayo iyon, kailangan ng Tiyanikas ng magaling na mandirigma at hindi isang mahina na kagaya mo!"
Pinilit kong panatilihin ang aking sarili. "Hindi ikaw ang magdi-disisyon niyan, Pula." ani umiwas na sa kanya. "Gagalingan ko sa darating na araw ng pagpili na ipapadala nila sa papaka. Hiling ko ay sana ay ikaw din galingan mo-" tumigil ako at ngumiti sa kanya. "-hindi mo na nga pala kailangan iyon dahil kahit wala kang gawin ay paniguradong mapapasama ka sa limang mandirigma,"
Umiling ako. "Mga bagay na nagagawa ng may Cyanis na may katungkulan sa konseho." sabi ko at tumalikod na sa kanya. Nakita kong bahagya siyang nagulat dahil sa aking sinabi pero hindi ko na iyon problema dahil nag sasabi lamang ako ng totoo.
At habang papalayo ay hindi pa rin siya tumigil sa pagsasalita.
"Isa ka lamang pabigat sa ating mahal na Arcyanis! Bumalik ka na lamang sa mundo mo, walang kwentang taobon!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top