LABING- I S A
LABING- I S A
--
Kalalabas ko lamang ng aming kubo para sana mag tungo na sa plasa murous. Kikitain ko muli doon si Bughaw, upang makapg ensayo. Dahil bukas na gaganapin ang pagsusulit para sa tribo ng tyanikas.
Ngunit ng makita ang iilang Pulit(mababang uri ng Tyanikas-utusan) ng konseho na nasa aming lugar ay natigil ako. Kausap nila ang isang pamilya. Na sa aking palagay ay kinakausap nila ang mga ito dahilan na nalalapit na ang araw ng pagsusulit. Lumapit ako doon, at tila ba naramdaman ako ng isang kasamahan nila at agad akong nilingon at nilapitan.
"Agamu ape," bati nito sa akin ng makalapit.
"Agamu ape," bati ko din. "Maaari ko bang malaman ang dahilan ng inyong pagbisita sa aming lugar?" tanong ko at tinanaw pa ang iilang pulit na naroon.
Tumango ito at inilabas ang isang mahabang tela. May nakita akong nakasulat doon. "Dahil sa nalalapit na pagsusulit ay kailangan namin alamin kung sino sino ang mga nais na makilahok sa darating na pagsusulit. Ikaw, nais mo bang makilahok?"
Mabilis akong tumango. "Lalahok ako."
"Mabuti." aniya at ibinigay sa akin ang tela at ang kahoy na panulat. "Maaari mo bang isulat ang iyong pagkakakilanlan," itinuro pa niya ang blankong lugar sa tela. Masaya akong tumango at kinuha ang kahoy na panulat.
Kinabahan ako dahil napasok sa isipan ko na malapit na talaga ang pagsusulit. Nakakaramdam ako ngunit natutuwa rin ako na malapit na pagsapit nun. Isa lang ang ibig sabihin nun, nalalapit na ang pagbabago sa Arcyanis. Kung mag tagumpay man ang kung sino maliban sa Hyanis ay masaya na ako.
Nasa kalagitnaan na ako ng pag sulat sa aking ngalan ng may biglang kumuha ng tela sa aking harapan.
"Pulit." mabilis akong nagtaas ng tingin sa kung sino 'yon.
Si Uni. Ang pinuno ng mga Pulit. Nakasuot din ito ng mahabang kasuotan nakulay abo, at mayroon itong banderang kulay kahel na nasa kaliwang braso, katulad ng lahat ng Tyanikas.
Masama ang mukha nito habang nakatingin sa akin. Inagaw niya ng mabilis sa akin ang panulat na kahoy.
Nalilitong tumingin sa kanya ang Pulit. "Uni, hindi pa niya tapos isulat ang kanyang pangal-"
"Tapos na ang pangangalap at pangongolekta ng mga pangalan na nais makilahok sa pagsusulit." ani Uni at malaman pa akong tinignan mulo ulo hanggang sa aking paa pabalik. At pinatungan ng magulong sulat ang aking ngalan. Kumabog ang dibdib ko.
"Ano ang ibig mong sabihin na tapos na?" nalilito rin na tanong ko.
"Tapos na." mayabang na sabi niya. "Hindi na tatanggap pa ang konseho ng ibang nais makilahok dahil sapat na ang bilang ng pangalan na aming nakolekta. At hindi ka na makakasali sa pagsusulit."
Agad na gumuho ang aking pag asa sa aking narinig. Para bang nahirapan akong tanggapin 'yon, na maging ang aking kakayahang mag salita ay nawala na rin. Tinignan ko ang kaharap kong Pulit. Maging siya ay hindi rin makapaniwala sa sinabi ng kaniyang pinuno.
"Pero Uni, wala akong natanggap na kautusan mula sa konseho na limitado na pala ang dapat namakikilahok sa pag susulit." sabi pa ng Pulit. "Kailan ba naibaba ang kautusan na nasabi mo?"
"Ngayon lamang." matigas na sabi ni Uni. "Huwag ka ng mag tanong ng kung ano pa man. Aalis na tayo. Kailangan na natin maibigay sa konseho ang listahan ng mga pangalan na makikilahok sa pagsusulit." ani nito at animo'y tatalikuran na ako ngunit mabilis ko siyang pinigilan sa braso.
"Ngunit paano ako?" nag aalalang tanong ko. "Nais ko rin makilahok sa darating na pagsusulit-"
"Hindi mo ba narinig ang aking sinabi? Hindi na maari. Tapos na ang-"
"Ngunit nais ko rin mak-"
"Hindi na maaari sinabi!" hiyaw nito sa tapat ng aking mukha. "Pulit! Magsibalik na tayo sa kubo ng konseho!" isa pang hiyaw nito bago sila sabay sabay na naglaho.
At sa kasamaang palad, sa paglaho nila ay kasama rin na naglaho ang pag asa ko. Pag asa ko na makasali sa gaganaping pagsusulit. Ang pag asa na makasama sa papaka at makapunta sa ginintuang landas ay para lumaban ay naglaho din.
Sa nanlalabong mga mata ay nilingon ko ang aming kubo. Kubo kung nasaan ang aking Ina na umaasa rin na makakasali ako sa pagsusulit. Ang aking Ina na nais din ng pagbabago. Ngunit wala pa man din sa amin ang pagbabago ay inilayo na agad ito. Ang aking Ina, na nais ko rin makaranas ng kaginhawan at kalayaan sa mundong ito.. ang aking mahal na Ina na nais lang makabalik sa kanyang mundo bago man lang siya mawalan ng hininga.
"Lila.." napalingon ako sa katabing kubo namin. Si Noe ang tumawag sa pangalan ko. Ang tyanikas na kasabay kong lumaki. Mabilis kong tinuyo ang aking pisngi.
"Narinig ko ang naging usapan ninyo ni Uni." aniya at sandali pang inayos ang kanyang kasuotan na kulay abo rin. At may bandera din siyang nakatali sa kanyang braso. "Ayos ka lamang ba?"
Huminga ako ng napakalalim bago pinilit na ngumiti. "Magiging maayos din." sabi ko dahil totoo iyon. Magiging maayos din ako. Hindi ako papayag na hanggang dito na lang ako.
Muli kong nilingon ang aming kubo. Hindi ko bibiguin ang aking Ina. Hindi ko sasayangin lahat ng pagsasakripisyo niya at pagtuturo sa akin.
"Kailangan ko ng umalis, Noe." ani ko sa aking ka-tribo bago nagsa-himpapawid. Magtutungo ako sa plasa murous. At doon mag iisip ng mga kailangan at pwede kong gawin. Saglit kong nilingon si Noe, at kahit nasa mataas na akong bahagi, ay alam kong naktunghay pa rin siya sa akin at alam ko, kita ko rin sa kanyang mukha na para bang hindi siya makapaniwala na kaya ko ng lumipad.
Bukod sa akin at sa aking Ina ay wala namang nakakaalam na kaya ko ng lumipad. Ngayon pa lamang, maliban kay Noe na pinapanood ako ngayon.
Nang makarating ako sa plasa murous ay tulad ng dati ay may nag eensayo doon na iba't-ibang tribo, kaya mas minabuti ko munang mag tago sa malayo sa kanilang paningin. Umupo ako sa madalas na pahingahan ko, sa ilalim ng punong yaman.
Hindi ko mapigilan ang hindi mapatulala sa aking nalaman ngayon. Alam kong maaari ngang mangyari na hindi ako makalahok sa pagsusulit bukas, ngunit... hindi mawala sa isip ko.. paano ako? Kung hindi ako makakalahok sa pagsusulit ngayon, kailan pa? Matagal pa ulit kung hihintayin ko ang sunod na pag hati ng buwan. Ayoko na ulit magtiis ng matagal at panoorin lang ang Hyanis na mag hari sa Arcyanis. Hindi na ako makakapayag pa. Nais kong maging malaya ang Arcyanis mula sa pamamahala ng abusadong si Laroon, ngunit higit pa doon, nais ko rin matupad ang nag-iisang kahilingan ng aking Ina na makabalik siya ng Amstereece. Ang totoong mundo kung saan siya nabibilang.
"Tila yata malalim ang iniisip mo, Taobon." ani ng boses kung saan at kasabay nun ang pag sampal ng hangin sa paligid. Napapikit ako at hindi gumalaw. Sanay na ako. Paniguradong si Bughaw iyon.
Nang mawala na ang hangin ay tsaka ko lang idinilat ang aking mga mata. Si Bughaw, nakaupo sa aking harapan at matiim akong tinitignan. Umiling ako sa aking kaharap at pagod na sinandal ang aking ulo sa punong yaman.
"Tumayo ka na diyan, at umpisahan na natin ang pag eensayo." aniya at tumayo na. Walang ka-alam alam na wala na rin namang hakaga kung ipagpapatukoy pa namin ang pag eensayo namin ngayon. Nakita ko pang naghahanda na siya para sa aming pag eensayo. Nilabas na niya ang kanyang mahabang sandata.
Ang espada na tanging magigiting na mandirigma at maharlika lamang ang nagma-may-ari. Matulis iyon at kulay pilak. Parehas ng sandata ni Pula, noong minsan na nag eensayo sila ng lunong konseho ay nakita kong gamit gamit niya 'yon.
Pangarap ko din makahawak ng ganon kalaking sandata.
Marahil napansin niyang hindi ako sumunod sa inutos niya ay muli siyang umupo sa aking harapan na lukot ang mukha. "Taobon," tawag niya.
Umiling ako at nagbaba ng tingin.
"Ayaw mo na bang mag ensayo? Palagay mo ba ay mgaling ka na dahil lang sa nadaplisan mo ako ng isang beses?"
Muli akong nag angat ng tingin sa kanya. "Hindi ganon, Bughaw."
"Kung ganon, bakit ayaw mo pang tumayo diyan at ng maumpisahan na natin ang pag eensayo?" aniya at muling itinago ang kanyang espada. "Magsabi ka lamang taobon kung ayaw mo ng mag ensayo, dahil hindi ko gustong sayangin ang sandaling ito sayo."
Mabigat ang loob ko siyang tinignan at dahol doon ay nakita kong muling nalukot ang mukha niya. "Hindi na ako makakalahok sa pagsusulit ng aming tribo."
"Paanong hindi ka makakalahok? Hindi ko maintindihan, ayaw mo na?" sunod sunod na tanong niya.
Mabilis akong umiling. "Hindi. Kanina lamang, nag tungo sa aming lugar ang naatasan na mangolekta ng panggalan na nais makilahok sa pagsusulit na gaganapin bukas, ngunit ng nilalagay ko na ang aking ngalan sa talaan ay bigla na lang sinabi ng Punong pulit na si Uni na, hindi na daw ako maaaring makilahok, dahil sakto na daw ang bilang ng mga magsusulit."
"Sakto ang bilang? Maaari ba 'yon?" aniya at bahagyang inayos ang kanyang mahabang buhok na tumabing sa kanyang bibig dahil sa hangin. "Lahat ng nagnanais na makalaban sa papaka ay pinapayagan kumuha ng pagsusulit. Kahit gaano pa karami ang nagnanais sa isang tribo ay maaari, basta lamang, susundin ang bilang ng mandirigma sa ipapadala sa papaka."
"Ganoon din ang pagkakaalam ko, ngunit ang sabi ni Uni ay bagong batas daw iyon ng aming konseho-" Napatingil ako sa aing sasabihin ng makita ang hitsura ni Bughaw. Nakatingin siya sa akin ngunit, alam kong wala sa akin ang atensyon niya.
Malakas kong pinagdikit ang aking dalawang palad malapit sa kanyang mukha. "Bughaw, ayos ka lamang ba?"
"Maayos lang ako." sagot niya ng maging maayos siya. "Kung ganon ano ang plano mo ngayon?"
Tinanaw ko ang malawak na lupain ng plasa murous. "Hindi pa ako nakakapag isip ng plano, ngunit hindi ako makakapayag na hindi ako makakasali sa pagsusulit bukas."
Agad akong napatingin sa kanya ng bigla siyang tumayo. "Kung ganon naman pala, ano ang iminumukmok mo? Bakit hindi ka tumayo at umpisahan na natin ang pag eensayo." aniya at walang sabi sabi na pinatamaan ako ng suntok sa aking balikat. Mabuti na lamang at nakatayo ako agad.
Itinapon ko muna ang lahat ng bagay na gumugulo sa aking isipan at ibinuhos ang buong atensyon sa pag atake ni Bughaw. Isang shodor ang mabilis kong pinawalan papunta sa kanya, ngunit agad niyang nasalag iyon gamit ang kanyang mahabang sandata.
Tumalon ako paatras sa kanya at gamit ang buong lakas ay inatake siya ng suntok, at nang umilag nga siya ay kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang lumipad sa himpapawid at atakihin siya mula sa likod, isang beses ko pa siyang sinipa at tuluyan na siyang bumagsak sa lupa. Tinanggal ko ang bandera sa aking braso at agad ko siyang pinatungan habang itinali ko ang kanyang dalawang kamay gamit ang aking bandera. Nang matapos kong gawin iyon ay tinutukan ko ng shodor ang kanyang leeg.
Hinihingal at gulat siyang napatingin sa akin. Nginisihan ko siya ng makita ang reaksyon na iyon. "Napatumba kita, Bughaw." ngisi ko. "Pangalawang beses na ito na nadikitan ka ng aking shodoor, magiting na mandirigma ng Hyanis."
"Nakakalipad ka na?" gulat pa rin niyang tanong.
"Nakita mo hindi ba? Hindi na ako ganon kahina, Bughaw. Wala man akong mahika ngu-"
"Pakawalan mo si Bughaw." Ani ng boses sa aking likod, kasabay nun ay ang malamig na bagay na tumutok sa aking leeg. Bigla akong natigilan dahil doon. Agad nanlamig ang aking pakiramdam dahil sa kaba.
"Abbe, alisin mo ang iyong sandata sa kanyang leeg." ani Bughaw sa uri ng nasa likod ko. Kilala niya? Ibig sabihin isang Hyanis?!
"Sa uri ng kanyang kasuotan ay natitiyak kong isa siyang Tyanikas. Hindi natin ka-tribo, kung kaya't isa siyang kalaban, Bughaw!" hiyaw pa nito. "Itatarak niya sa iyong leeg ang shodoor,"
At kahit nakahilata na si Bighaw ay umiling pa rin ito. Naramdaman ko na lang ang kamay niyang inalalayan ang aking kamay na may shodor na nakatutuk sa kanyang leeg at ibinaba ito. "Mali ka ng iyong iniisip. Ibaba mo muna ang iyong sandata, Abbe. Magtiwala ka sa akin, hindi ko hahayaan na masaktan niya ako."
Muli akong napalunok. Kinakabahan. Ngunit kung iaasa ko lamang ang buhay ko kay Bughaw ay walang mangyayari, paano kung itarak pa rin niya ang kanyang sandata sa leeg ko kahit pa nakiusap na si Bughaw? mapapaslang ako dito ng hindi man lang lumalaban. At ng ilang sandali nga ay hindi pa rin nawawala sa leeg ko ang kanyang sandata ay nag isip na ako ng paraan.
Tulad ng sabi ni Ina, ang takot ay nasa isip lang. Mariin akong pumikit bago mabilis na iniwas ang aking ulo sa direksyon ng sandata at idiniin ang aking kamay sa dibdib ni Bughaw at ng makakuha ng tiyempo ay tumalon ng mataas upang makalayo.
"Taobon!" hiyaw ni Bughaw ngunit huli na, nakawala na ako sa sandati ng ka-uri niya.
At agad kong inihanda ang aking sarili ng makita na pasugod na ang isa pang lalaki na may mahabang buhok at dilaw na mga mata na papunta sa akin. Humawak ako ng shodoor sa magkabilang kamay ko.
"Abbe!" hiyaw ni Bughaw na agad na nagpa hinto doon sa lalaki. Ako man ay napahinto rin sa sigaw na iyon ngunit hindi ko ibinaba ang aking shodoor sa mag kabilang kamay.
"Tumigil ka, Abbe. Ako ang unang sumugod sa kanya." ani Bughaw at pumagitna na sa amin ng bagong dating nakauri niya. "Hindi mo kailangan gawin 'yan. Hindi pa nag uumpisa ang papaka, kaya wala pa tayong karapatan upang kumitil ng buhay." ani Bughaw at ako naman ang binalingan. Nakita ko pa kung paanong hindi gumalaw ang bagong dating. At nasisiguro ko na ginamitan niya iyon ng mahika!
"Tapos na ang pag uusap natin, Taobon. Maaari ka ng umalis." wika niya. "At ihanda mo ang iyong sarili, dahil sa kpag sumapit ang pagkahati nng buwan, ay papaslangin agad kita."
Matapang kong sinalubong ang dilaw niyang mga mata. "Hindi ka nakikinig , Hyanis! Hindi na ako pinayagan na makilahok sa pagsusulit! Bakit hindi mo pa ako paslangin ngayon?!"
Umiling ito sa akin. Na para bang hindi niya narinig ang sinabi ko.
"Ngunit hindi ka naki-"
"Napakinggan ko, taobon. Narinig ko." makahulugan na sabi niya. "Pagsapit ng bukas, mag punta ka sa pugong ginto, kung saan gaganapin ang inyong pagsusulit."
"Ngunit bakit?" gulong gulo na tanong ko.
"Gusto kong sa papaka ka paslangin. Kaya magtiwala ka sa aking sinabi. Pagsapit ng bukas, magtungo ka sa pugong ginto." aniya at kasabay nun ay ang malakas ulit na pag ihip ng hangin. At tulad ng madalas na nangyayari, ay mabilis silang nawala sa paningin ko.
"Gusto ko na sa papaka ka paslangin. Kaya magtiwala ka sa aking sinabi. Pagsapit ng bukas, magtungo ka sa pugong ginto."
Ano ang ibig sabihin ni Bughaw? Hindi ko maintindihan ngunit may pakiramdam ako na mayroong magaganap hindi dapat. Agad na kumabog ang aking dibdib para sa aming mahal na Arcyanis. Tiningala ko ang malawak na himpapawid ng nito.
Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang kalmadong paligid. "Mahal na El puwer..Ama.." bulong ko sa aking hininga.. mariin at taos puso kong dinama ang aking sarili at emosyon. "..kung nasaan man kayo.. buong puso akong nagsusumamo sa lahat ng Panginoon ng Celestial.. na sana ay gabayan ninyo ang mahal Arcyanis sa mga masasamang uri na nagbabadyang maganap.."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top