L I M A
Lima
Nahahapo ako nang nakabalik sa aming tahanan. Wala man akong natamong galos, ngunit tadtad ng pagod ang bawat parte ng aking katawan. At tanging pahinga lamang ang gusto kong gawin sa ngayon para akong pagod na pagod. Kanina habang paalis ng plasa murous, ay naisip kong pinagpala pa rin ako dahil humihinga pa ako, iniwan niya akong huminga, kahit pa na alam kong kayang-kaya ni Tala na ako'y tanggalan ng hininga. Pinagpala pa rin ako na nakayanan kong umuwi sa aming tahanan na tanging pagod at sakit katawan lamang ang nararamdaman.
Umupo ako sa aking kahoy na tulugan, ngunit sa bigat ng aking katawan ay ako'y napahilata na lamang.
Sa pagkakaalam ko, ilang minuto lamang akong hindi nakagalaw, ngunit pakiramdam ko ngayon ay parang inipit lahat ng parte ng katawan ko. Nilamog at binugbog ang pakiramdam ko.
"Lila, anak.."
Naalarma ako ng marinig ko ang malamyos na tinig ni Ina. Hindi niya ako pwedeng makita na nasa ganitong sitwasyon. Kaya kahit mahirap ay pinilit kong ibinangon ang aking likod, at nagpanggap na maayos sa harap niya.
"Ina.." bati ko sa kanya at nag bigay pa ng ngiti.
Nakangiti siyang dumungaw sa akin, ngunit nag laho agad ang ngiti niya at mariin akong ineksamin. Sa hitsurang iyon ni Ina, ay alam kong alam na niyang may mali sa akin. Bakit ko pa kasi naisipang mag panggap na maayos sa harap ng nilalang na nagluwal sa akin.
"Ano ang nangyari?" agad na tanong niya ilang sandali. Lumapit ito at umupo sa tabi ko.
Ang kanina pang pilit na pagpapanggap ay naglaho. Agad akong napadaing ng hawakan niya ang aking braso.
"Lila, ano ang nangyari sa'yo?" ulit na tanong niya tunog nag aalala.
Huminga ako ng malalim. Ayaw ko man sabihin sa kanya ang nangyari dahil alam kong magtutunog akong nag sususmbong, ay alam kong dapat ko pa rin 'tong sabihin sa kanya.
"May nakasagupa akong isang Hyanis kanina sa plasa murous Ina, Malakas siya at may kakaibang kapangyarihan." umpisa ko. "Sa palagay ko ay isa siya sa mga lalahok sa papaka."
"Hyanis?" tanong ni Ina. "Anong ginawa niya sa'yo? Bakit ka niya sinaktan?"
"Sa palagay ko po ay nainsulto ko siya sa aking pananalita," sagot ko. Totoo 'yon..palagay ko, nainsulto siya dahil naghahangad akong makaalis dito sa Arcyanis.
"Maliit na bagay lamang 'yon, para saktan ka ng ganiyan," aniya. "Anong ginawa mo?"
Bumagsak ang balikat ko. Dismayado sa sarili. "Wala po akong nagawa, Ina." sagot ko. "Malakas si Bughaw, kahit gustuhin ko man siyang labanan ng lakas sa lakas, hindi nangyari dahil gumamit na siya ng mahika. At..wala po akong panlaban sa mahika.."
"Lila," si Ina na hinawakan pa ang aking pisngi at hinarap sa kanya. "Ang mahika ay pandaraya lamang ng ating utak, nasa isip lamang iyon. Imahinasyon."
Nalukot ang aking mukha sa sinabi ni Ina. Pero patuloy siya na nag salita.
"Mahika ay resulta lamang ng pagkatakot mo. Dahil palagi mong iniisip na mahina ka, kaya ka humihina. Utak ang magiging sandata mo, Lila. Kailangan mong patatagin ang iyong pag iisip upang matalo ang mahika. Hindi dahil sa mahina at wala kang mahika ay pagagapi ka na, buksan ang iyong sarili sa posibilidad na maaring mangyari ulit 'yon sayo. At dapat sa susunod, makayanan mo ng matalo ang mahika sa 'yong isip."
"Ngunit..paano?"
Nang ngumiti si Ina ay halos nag iba ang pagtingin ko sa kanya. Kung dati ay malambot at malambing siya, mainit at malamyos ang mukha, ngayon nag iba ang nakikita ko. Nasa harap ko ngayon ay ang isang matapang at walang kinatatakutan na Ina. Isang sundalo ng kapayapaan.
"Tutulungan kitang matalo ang mahika, kahit walang gamit na mahika." sabi niya. "Tutulungan kita sa laban mo, Lila."
At katulad nang ipinangako ni Ina, ay nandirito kami ngayon sa labas ng aming tahanan. Sa munting hardin ni ina. Nakatayo si Ina sa aking harapan, habang ako ay walang ka-ide-ideya kung ano ang mangyayari at kung ano ang balak niyang gawin. Wala akong alam, pagkatapos kasi ng pag uusap namin ay agad niya akong pinapunta rito. Ako naman ay sumunod lamang kahit walang alam. At simula pa kanina ay nakatitig lamang si Ina sa akin.
"Ina.." tawag ko na sa kanya dahil sumasakit pa rin ang aking katawan galing sa nangyari kanina.
Ngunit kanina pa ay hindi siya gumagalaw nakatingin lang ito sa akin. Pakiramdam ko tuloy... hindi siya si ina.
"Lila,"
Agad akong napalingon sa aking gilid at halos mapatalon ng makita doon ang aking ina na tahimik at nakangiting nakatitig lamang sa akin.
"Ina.. pa...anong?"
"Kanina pa kita tinititigan lila.." aniya. "Kung nagkataon na ibang nilalang ako ay kanina pa kita napaslang ng hindi mo man lang ako nasisilayan. Walang kahirap- hirap lila."
"Ngunit.. sabay tayong lumabas ng tahanan-"
"Masyado mong binibigay ang iyong tiwala, Lila." aniya at nag lakad pa ng mas malapit sa akin.
"Naalala mo pa ba ang sinabi ko sayo tungkol sa mahika?"
Naguguluhan pa rin akong tumango. "Opo.." sagot ko. "Ang mahika ay pandaraya lamang ng ating utak, nasa isip lamang iyon. Imahinasyon."
"Ang mahika ay bunga lamang ng imahinasyon." aniya at walang sabi sabing inatake ako ng kanyang shodor kaya't hindi ako nakailag at nadaplisan sa aking braso.
Hindi makapaniwalang napaatras ako ng hakbang mula sa aking ina.
"Nagpapatalo sa iyong imahinasyon Lila, masyado mong pinaniniwalaan ang mahika na hindi mo naman nkikita. Ang shodor, nakikita mo ngunit hindi ka man lang natakot?" aniya at muli akong inatake ng kanyang shodor ngunit sa pagkakataon n ito ay naiwasan ko na ito.
"Mas kaya kang paslangin ng shodor kaysa sa kinakatakutan mong mahika."
"Ina.." sambit ko habang pilit na tinatapalan ang sugat sa aking braso gamit ang aking kamay.
"Mas matakot ka sa talim ng munting shodor,"
"Ina!" muling hiyaw ko ng muli niya akong atakihin ngunit ngayon ay sunod sunod na ng kanyang pag atake. Hindi tulad kanina na paisa isa lamang.
"Labanan mo ako at isipin na ako ang hyanis na sumalakay sa iyo kanina." aniya. "Subukan mong kunin ang aking bandera, Lila. At kapag ito'y nakuha mo, panalo ka ngayong una nating paghaharap."
(Bandera- ang kapirasong tela na nakatali sa bawat miyembro ng tatlong tribo. Isa pang pagkakakilanlan bukod sa wangis.)
"Ngunit ina, maaaring masaktan ka!"
"Huwag mong isipin ang iba sa gitna ng digmaan, Lila. Kailangan mo munang Iligtas ang iyong sarili bago mo mailigtas ang iba." mariing sabi niya at walang ano- ano ay nagpasa- himpapawid siya at doon ako maa inatake ng husto.
Sa sobrang pagka bigla ay hindi agad ako nakagalaw ng makita ko iyon...
Ito pa lang ang pangalawang beses na nakita kong lumipad si ina. Nung unang beses ay noong tumakas kami nang salakayin ng buong Hyanis ang Arcyanis at sinubukang buwagin ang bawat tribo ngunit hindi naman sila nag tagumpay ng mag tulong ang tatlong pangkat upang iligtas ang bawat tribo. Wala na noon si ama kaya si ina ang tumayong tagapag ligtas namin, kaming dalawa ni pula ang bitbit ni ina ng mag tago kami sa himpapawid dahil wala namang Cyanis ang may kakayahang lumipad katulad ng paglipad ni ina.
Maaaring nakakalipad sila ngunit hindi ganoon nagtatagal at kataas.
"Ina.."
"Labanan mo ako Lila!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top