Ika-Labing APAT

Ika-Labing APAT



--
Pagsusulit.

"Sa pagsusulit, may sampong Tyanikas ang magpa-paligsahan na mahanap ang limang konseho na nagsisilbing premyo o paraan upang manalo ang isang mandirigma. Ang sampong kumukuha ng pagsusulit ay pinapayagan na gumamit ng mahika, dahas, at ng kung ano pa ang kanilang kayang gawin upang makalaban. Ang bawat nagsusulit, ay pinapayagan lamang na gumamit ng Sampo na piraso ng Shodoor, at isang espada na panlaban. Sa kadahilan na ang kaisa-isang patakaran na ipinapairal sa pagsusulit na ito ay ang, 'Hindi maaaring kitilin ang buhay ng kapwa Tyanikas'. Hindi maaaring pumaslang. At doon din papasok ang pagsubok ng isa pang paraan upang manalo, kung sakali man na hindi mahanap ang isa sa konseho. Bawat manlalaro ay binigyan ng kanya kanyang bandera na kailangang itali sa kani-kanilang kaliwang braso. Hindi maaaring itago habang nagaganap ang pagsusulit. Nasa diskarte na iyon ng manlalaro kung paano, mapangangalaagaan at makakakuha ng bandera sa laro. Kung sakali man na hindi makuha ng manlalaro ang isang konseho, maaari pa rin itong manalo kung makaka-kolekta siya ng lima o higit pa na bandera. Patapangan, patalinuhan at pagalingan ng diskarte."

Dala-dala ang aking mga sandata ay naglakad na ako palayo sa pugong ginto. Hindi ko malaman kung saan ako unang maghahanap, nakita ko pa kung paanong bigla na kamang nag laho si Pula habang naglalakad. Alam ko na kailangan ko magmadali upang maunahan ang aking mga katunggali makahanap sa limang konseho ngunit.. sa hindi ko malaman na dahilan, dinala ako ng aking mga paa sa plasa murous.

Hinihingal akong naupo sa aking pwesto na madalas kong pag-upuan. Inayos ko pa ang mga kagamitan ko sa pakikipaglaban dahil natumba ito ng maupo ako. Nakalagay sa aking beywang ang maliit na telang pinaglalagyan ko ng shodoor. Sa pagsusulit na ito, pinayagan lamang kami na mag dala ng sampo na shodoor. Ang sabi pa ni Uni, sapat na daw iyon gamitin sa pakikipaglaban. Napapikit na lamang ako ng maalala na hindi ko nadala ang espada ni Ama.

Pagkakamali ko iyon. Sa kadahilanan na hindi ako masyadong nakapag isip ng mabuti. Ang buong akala ko ay wala na akong pag asa na makasali sa pag susulit. Panandalian kong nakaligtaan ang palaging paalala ni Ina. 'Habang may buhay, may pag-asa.' ang palaging pinapaalala niya sa akin, dahil paalala daw iyon ng matalik niyang kaibigan na hindi daw namin ka-uri. Isang nilalang na nabubuhay sa ibang mundo.

Halos lahat ng kasali sa pag susulit ay may kanya-kanyang espada maliban sa akin. Hindi ko man gustuhin, ngunit.. nanghihina ang loob ko, makakayanan kaya ng aking shodoor labanan ang mahahaba at malalaking espada nila?

Napailing ako. Hindi ko alam kung saan at paano ako mag uumpisa ngunit.. hindi ba at ganon naman talaga ang paglalakbay. Walang kasiguraduhan. Ngunit.. kailangan pa rin magpatuloy para may patunguhan.

Muli kong sinukbit ang kulay abo'ng tela na kinalalagyan ng aking kagamitan. Shodoor, tubig at maye. Hindi ko man alam kung paano makakatulong sa akin ang mga iyon pero dinala ko pa rin.  Akmang tatayo na ako ng may naramdaman ako bigla.

Narinig ko na tumunog ang dahon ng punong yaman. Malakas ang pagkaka-galaw nun, at sigurado ako na hindi hangin ang may gawa nun.. May ibang uri na narito bukod sa akin.. Mabilis na kumalat ang aking buhok sa aking mukha ng umihip ang malakas na hangin. Kalmado ko i

Maingat at dahan dahan ko na inilabas ang isang piraso ng shodoor at palihim itong inilapat sa aking kamay. Muli kong pinakiramdaman kung saan patungo ang hangin. Kung sa kaliwa ba o kanan. Dahil kung sa kanan ito patungo, ibig sabihin sa kaliwa ang pinagmulan ng hangin.

Ngunit... ganon mag isip ang katulad kong ordinaryo.. Pero kailangan kong isipin na hindi ordinaryo ang mga kalaban ko ngay may mga taglay silang mahika na kayang kaya dayain lahat ng bagay.

Pumikit ako at pinilit kong pakalmahin ang aking sarili upang mapagtuunan ng pansin ang hangin at paligid. Mahigpit kong hinawakan ang shodoor at handa ng gamitin ito kung kailan kakailanganin, at nang umihip ang kahina-hinala'ng hangin..

Sa kanan nagmula.

May natapakan siyang dahon..

Malapit na siya...


Nasa likod ko na-

Agad kong naramdaman ang paggalaw sa lugar kung nasaan ang aking bandera, kaya mabilis kong itinaas ang aking kaliwang kamay patungo sa gawing kanan, at binaligtad ang aking hawak na shodoor upang mauna ang talim, at sakto lamang ng lumitaw na ang kalaban ko na hindi ko nakikita sa mata,

Si Kio!

Nakataas pa ang kanyang kamay sa ere na animo'y susuntukin ako ngunit natigil. Marahil ay dahil iyon sa shodoor na naitutok ko sa kanyang leeg ngayon.

Mabilis akong kumilos ng makitang tinapunan niya ng tingin ang aking bandera na nasa aking braso, nakatali.

"Kio!" hiyaw ko pagkalayo ko.

"Ibigay mo sa akin ang iyong Bandera, Lila.. maayos mong ibigay upang hindi ka na masaktan." anya habang pinupunasan ang dugo sa kanyang leeg na dulot ng aking shodoor. Ang matikas at malapad nitong katawan ay mabilis ang paghinga.


Umiling ako. "Hindi ako natatakot masaktan."

Ang mga mata niyang matalim ang tingin sa akin ay mas lalo pang tumalim ng sabihin ko 'yon. At hindi ako natatakot sa mga matang iyon. Palagay ko ay, may nakaharap na akong mas nakakatakot kaysa sa mga titig ni Kio.

Agad akong umiwas ng ibato niya sa direksyon ko ang shodoor. Dalawang sunod sunod bago niya ako inatake ng suntok at sipa na nilabanan ko naman ng suntok sa kanyang mukha.

Ngunit... hindi. Hangin lang ang nasapo ko. Mali! Agad kong hinawakan ang aking bandera na nasa braso ngunit kasabay nun ay ang pagtarak rin sa aking kamay ng isang matalim na bagay.

Tinusok niya ang aking kamay ng shoodor. Masakit iyon sobra, halos nasa gitna na ang nararamdaman kong talim na nakabaon sa aking kamay ngunit tiniis ko. Buong lakas ko siyang sinipa sa kanyang dibdib at ginamit ko rin iyon upang maka-bwelo  para umikot sa ere at habang umiikot ako ay isang suntok pa ang pinakawalan ko sa kanyang dibdib.


Madali kong hinanap at inabot  ang kanyang braso at gamit ang inipong lakas ay ibinalibag ko siya sa lupa. Ginamit ko na pagkakataon iyon upang makalayo sa kanya.

Nakangiti siyang bumangon galing sa aking pag atake. Hambog at nagmamalaki pa niyang ipinagpag ang kanyang katawan na nalagyan ng iilang buhangin na animo'y litiko kung titignan.

"Binalaan na kita.. Hindi ka masasaktan kung ibibigay mo lang ng kusa ang iyong bandera, ngunit hambog ka at akala'y kaya mo akong talunin?" aniya at humalakhak pa na parang nasisiraan na ng bait. "Hindi ang isang tulad mo ang magpapa bagsak sa akin." aniya at parang hindi man lang naapektuhan sa ginawa kong pag atake.

"Masakit ba, Lila?" aniya habang humahalakhak pa rin ng walang patid.

Inangat ko ang aking kamay. Nakabaon pa rin doon ang kanyang shodoor. Pikit mata kong tinanggal ang pagkakabaon ng talim sa aking kamay. At nang matanggal ko iyon ay tinapon ko iyon sa kanyang direksyon na umabot hanggang sa kanyang talampakan.


Umiling siya dahil sa ginawa ko. At nakita ko kung paano mas lumakas ang kanyang halakhak dahil sa ginawa ko. Ngunit ng ibinuka ko ang aking palad at ipinakita sa kanya ang laman, ay halos mawalan ng kulay ang kanyang mukha.

Mabilis niyang tinignan ang kanyang kaliwang braso. "Ang aking bandera?!" hiyaw niya sa natatarantang boses. "Paanong?!"


Sa pagkakataon ito, kahit masakit ang kamay ko, at naalibadbaran sa kanyang mukha ay binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

"Masakit ba, Kio?" nakangiting sabi ko bago lumipad sa ere.

Hindi ko na siya kailangan pag kalabanin. Wala na siyang bandera at hindi rin naman siya ang konseho. Hindi ko kailangan, aksayahin ang aking lakas sa tulad niya.

Nang tignan ko siya sa baba ay nag-ngangalit na ang kanyang mukha. May sinasabi ngunit hindi ko marinig. Masyado na siyang mababa upang pakinggan ko pa.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top