D A L A W A

"Hindi naman lingid sa inyong kaalaman na ngayong taon magaganap ang 'Papaka'. Matagal na natin itong hinintay at ngayon na nalalapit na ito, kailangan natin iting paghandaan upang makawala na sa malupit na kamay ni Laroon,"

Pahayag ni Ankol Pono habang nakatayo sa mataas na kahoy na napapaligiran namin na kanyang taga- pakinig. Sa mataas na kahoy na ito madalas tumatayo at nag sasalita ang mga nasa tungkulan tuwing may kailangan gawin ang aming pangkat.

Nakasuot siya ng kulay abo na mahabang damit na hanggang talapakan, may mga bilog at maliit na bakal sa magkabilang balikat at may maliit na bakal sa palapulsuhan. Karamihan sa mga lalaki na ka tribo namin ay ganon ang pananamit. Habang sa mga babae na cyanis naman ay telang kulay abo rin ngunit may kupas na kahel na nakapaligid sa bawat dulo nito. At ito ay umaabot lang sa tuhod at may manipis na bakal sa palapulsuhan na tanda ng pagiging Tyanikas.

Si Ankol Pono ay kapatid ng aking Ama. Siya ang isa sa mga namumuno sa amin simula ng mawala si Ama. Simula pa naman noong una ay pamilya na ni Ama ang namumuna sa mga Tyanikas.

Kaya ngayon ay nagtipon tipon ang lahat ng Tyanikas upang pag usapan kung paano kami makakalaban sa darating na Papaka. (Palarong Pang Kapayapaan)

Lahat ng malalakas sa aming tribo ay siyang ipapadala sa Pook Laroon o Ginintuang landas kung tawagin ng nakakarami. Ang lugar na pinagawa ni Laroon ilang cetennial na ang nakalipas. Doon niya pinaglalaban ang mga tribo/hukbo na nais umagaw sa kanyang pwesto. Pook nila, hindi na nga rin nakakapag taka kaya nga siguro sila ang nag wagi sa nakalipas na palaro. Taksil talaga.


"Lahat ng gustong gustong sumubok na mapasali sa Papaka ay magtungo lamang sa akin, at ako at ang aking mga kasamahan sa konseho ang mamimili ng mga ipapadala. Alam ko naman na napakarami sa inyo ang nagsasanay para sa Papaka, ngunit sisiguraduhin nang konseho na tanging karapat dapat-" wika niya at sinulyapan niya ang dalagang nasa kanyang tabi. Si Pula, ang bunso sa tatlo niyang anak. Ang panganay ay si Ulay, lalaki na nauna ng sumubok sa papaka ngunit nabigo. Ang pangalawa ay si Arlo, pangalawang lalaki, na nabigo rin, at muntik pang mawalan ng buhay. At ang bunso na si Pula, kaisa-isang babae.

"..lamang ang mapipili." anito at nginitian pa ang dalagang anak bago muling tumingin sa amin na pinamumunuan niya. "Pinapaalala ko lang, hindi ito sapilitan, una pa rin na dapat isipin ay ang kaligtasan ng bawat Tyanikas. Walang dapat masaktan ng hindi niya pinapahintulutan. Sa lahat ng gustong sumubok, magtungo lamang sa aking kubo. Salamat sa lahat, Mabuhay ang Tyanikas!"

"Tyanikas!" hiyaw ng karamihan,

Ngunit ang isinigaw ko ay iba, "Arcyanis!"

Napalingon sa akin ang aking ina. Nginitian ko siya. Hindi niya ako pinagsabihan o ano. Dahil alam niyang tama ang isinigaw ko.

Dati rati ay ang isinisigaw ay ang "Mabuhay Arcyanis!" ang palaging sagot ay 'Arcyanis.' Ngunit ngayon ay nag iba na. Hindi man pinapakita ng salita at kilos, lumalabas naman sa mga mata ng nandirito ang paghahangad sa kapangyarihan katulad ni Laroon. Nabago na rin ng panahon ang mga paniniwala ng aming tribo.

Kailan pa naging Tyanikas ang ngalan ng aming mundo?

"Nagugutom ka na ba anak?" tanong ni Ina, habang pauwi kami sa aming kubo.

"Hindi pa naman po, ngunit gusto ng aking dila ang Maye," ngiti ko sa kanya. Ito ay ang isang matamis na pagkain sa amin na madalas kong pinapalaman sa brea. May pagka kayumanggi ang kulay nito at maliit na bilog naman ang hugis.

"Inaasahan ko naman na sasabihin mo 'yan, kaya kanina habang tulog ka ay gumawa na ako." aniya. Mas lalo akong napangiti.

"Napakagaling mo talaga, Ina!" hindi mapigilang hiyaw ko.

Nang makarating kami sa aming kubo ay mabilis akong hinandaan ni Ina ng maye. Nakalagay iyon sa parihabang kahoy, hindi na aiya ganon kainit, ngunut hindi naman ito kabawasan sa lasa nito. Sinunod niyang inihanda ang tinapay na tatsulok.

Mabilis kong nilantakan 'yon, at napapikit pa nga ng malasahan ang sarap.

"Hindi na ba magbabago ang desisyon mo?" biglang wika ni Ina. Napatigil ako sa pagkain.

Huminga muna ako ng malalim bago siya sinagot.
"Ina, buo na po ang desisyon ko."

"Pero anak, naiiba ka. Walang kang kapangyarihan upang makalaban tulad ng iba. Mahina ang katawan mo," nag aalala niyang paalala.

"Ina-"

"Kung sana lang ay naging Arcyanis din ako, Sana ngayon anak ay may lakas at kapangyarihan ka rin tulad nila!" naninibughong wika ng aking ina.

Pinagmasdan ko siya habang tumatangis. Nakakadurog ng puso na makita ang pag iyak ng aking Ina, ang pagsisi sa kanyang sarili at ang panghihinayang sa mukha niya ay nakikita ko.

Si Ina, ay hindi isang Arcyanis. Hindi siya kabilang dito sa mundong tinitirhan niya, dahil isa siyang Taobon.

Batay sa kwento ni Ama nung nabubuhay pa ito ay nag kakilala sila ni Ina sa labas ng Arcyanis, habang naatasan siya ni El puwer na magtungo sa Amstereece upang maibigay ang mga regalo bilang tanda ng pagkakaibigan ng dalawang mundo.

Ang Amstereece ang lugar ng mga taobon, mga mandirigma, magigiting na Regiouse at Geniuose At si Ina, ay kabilang doon, isa siyang Regiouse.

Ang dalawa ay naging mag kaibigan at napalapit sa isat-isa. Hanggang sa hindi nila napigilan ang kanilang sarili at nagmahalan. pagkalipas lamang ng ilang araw ay nabuo ako kaya nag pasiya silang dito na lamang manirahan sa Arcyanis, dahil magulo daw sa amstereece nung mga panahon na iyon.

Pero hindi nila inaasahan na pagkalipas lang ng ilang pagbilog ng buwan, ay mangyayari rin sa Arcyanis ang iniwasan nila Amstereece.

Ang agawan ng kapangyarihan.

Kaya ngayon, iba ako sa mga  ka tribo ko, bukod sa aking wangis ay ako lang ang bukod tangi sa tribo na walang kapangyarihan. Malakas ako ngunit hindi kasing lakas nila. Dahilan din kung bakit mababa ang tingin sa amin ni Ina. Tingin pa lang nila ay nag sususmigaw na ang diskriminasyon.

Dati espesyal ang tingin nila sa amin nung namumuno pa si Ama, ngunit ng mawala si Ama, kasabay nun ang pagkawala ng respeto nila.

"Ina," hinawakan ko siya sa kamay. "Naalala mo, ang palaging sinasabi ni Ama? Hindi sapat ang kapangyarihan sa labanan."

Palaging sinasabi sa akin ni Ama iyon, tuwing naiinggit ako sa mga kauri ko ng taon na kayang patumbahin ang punong yaman at pagalawin ang mga bagay. Nung bata ako ay hindi ko maintindihan ang sinasabi niyang iyon, dahil kapangyarihan naman talaga ang mahalaga sa lahat. At iyon ang pinaka hahangad ko. Pero ngayon na namulat ako sa totoong mundo, ay tsaka ko lamang naintindihan ang lahat ng sinabi niya.

Hindi dahil sa may  kapangyarihan ka ay tiyak na ang pagkapanalo mo, dahil lahat ng Arcyanis ay may kapangyarihan, pare pareho sila at walang pinagkaiba. Pangit man pakinggan na ako lang ang mahina, Pero iniisip ko na lang na ako ang naiiba sa lahat. Parehas lang silang lahat na may kapangyarihan,  parehas sila ng kakayahan, paano sila mananalo sa isa't-isa?

Ako lang. Tanging ako lang ang naiiba.

HABANG nakatakip ang aking mga mata ay masigasig kong itinira ang aking Shoodor sa manipis na punong yaman at pagkuwan ay umikot ako sa ere ng isang beses ay tumira ulit ng isang shoodor.

Hinihingal akong bumagsak sa lupa paupo. Pag kwan ay tumayo ako at tinanggal ang pulang tela sa aking mata.

Napangiti ako ng makita kong nawasak ang unang shoodor na aking unang binato sa puno. Winasak ito ng pangalawang shoodor.

Ito na ang pang isang daan at anim na pu't limang beses kong matagumpay na nagawa ito. Masaya ako sa resulta ng aking pag hihirap. Ngunit alam ko na kailangan ko pang dagdagan ang pag eensayo, dahil malapit na ang araw na pinaka hihintay ko. 

Ang araw ng pag pili.

Sa estado ko ngayon, alam kong mahihirapan ako. Hindi ako katulad ng mga lahi ko na may mga kapangyarihan at kakaibang lakas. Isang simpleng Tyanikas lamang ako at wala akong kakayahan tulad ng sa kanila. Ngunit naroon na tayo, wala akong kapangyarihan hindi ako malakas tulad nila, pero dapat ba akong huminto dahil doon? Hindi maaari. Mabibigo ko ang aking ama kung gagawin ko 'yon. Ni miski pumasok sa aking isipin ay hindi maari.

Sa darating na Papaka, alam kong nag hahanda ng mabuti ang mga Hyanis. Sa kagamitan at lakas na tinataglay nila mula noong unang panahon ay masasabi kong, isa sila sa dapat kong pag handaan.

Matagal na ang panahon, marami nang sumubok sa talunin sila sa Papaka, ngunit kahit isa ay wala namang nag tagumpay. Lahat ng pag eensayo ng bawat hukbo ay napupunta lamang sa wala. Agad at walang kahirap-hirap na nag wawagi ang mga Hyanis.

"Lila," napalingon ako sa tumawag sa aking panggalan.

Ang aking ina, na nasa may hamba ng aming pintuan, may mainit na ngiti sa mga labi habang tinatanaw ako.

"Huwag mong abusuhin ang iyong katawan, kailangan mo ng lakas para sa araw ng Papaka." aniya na nagbigay ng init sa aking pakiramdam. Ang marinig ang pag suporta mula sa aking ina ay napakalaking regalo na para sa akin.

Tumayo ako ng nakangiti. "Salamat ina, papasok na ako riyan."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top