Issue
“Shet!” nasambit ko lamang bago ko maramdaman ang hapdi sa lalamunan ko...
Sinusubukan kong lumunok, pero napaubo nalang ako ng paulit-ulit ng halos hindi ako makahinga jusme... Mas napasinghap ako ng malalim ng ma-realized ko na hindi lang basta-basta koreano itong kaharap ko...
Dahil siya sa Lee Jang Min, yung sikat na actor sa South Korea...
“Ough, ough... H-help...” mangiyak-ngiyak ko ng turan...
Pilit kong isinusuka 'yong nakain ko pero hindi ko malabas, napahawak nalang ako sa braso ni Min... Ohmy gosh, ang lambot...
Giyatay ka self, mamatay ka na...'Yan pa rin iniisip mo...
Hanggang sa maramdaman ko nalang ang mainit niyang katawan na dumampi sa aking likuran at niyakap niya ako sa aking waist... High waist low waist omji... Live selling pa rin naisip ng giyatay...
“Inhale, exhale... Inhale, exhale... hana, dol...” bilang niya't pag cheer sa akin na sinunod ko naman...
At naiduwal ko nga ang nakain ko... Jusme, nalunok ko ba yun karne? Damn it haha...
Napatingin ako sa paligid, lahat ng mata ay nakatutok sa aming dalawa... Para bang may shooting sa isang teleserye at ako 'yung bida na tanga-tanga sa kwento at muntik ng mamatay. Ewan ko ba, hindi bagay sa akin maging bida dahil clumsy at tanga ako... Normal siguro sa aming mga Capricorn, na clumsy kami...
“I'm so sorry, sorry...” ang tanging nasabi ko at napatakbo sa sobrang kahihiyan...
Halos mangamatis na ang aking mga matambok na pisngi ko, at nanlalamig ang buo kong katawan... Ramdam na ramdam ko rin ang mga tagaktak kong pawis na lumalandas sa pisngi at kilikili ko...
Dumiretso ako sa comfort room at naghilamos... May naiwan pa ngang nadurang pagkain sa damit ko...
“Argghhhhh, nakakahiya te... Where's the audacity?”
If people where ever to judge me, feel ko mas jinujudge ko sarili ko... May pagka-perfectionist ako't tinutuon or dinadaan ko ang pagiging perfectionist sa sarili ko mismo...
Hindi ko alam if matatawa ako or maiinis ako sa sarili ko dahil sa nagawa kong kagagahan...
“Are you okay Sharon?” tanong ng boses lalaki sa labas ng comfort room...
“I'm all good,” sagot ko...
But then, why Sharon tawag niya sa akin? Talagang may title na yata akong shumasharon sa handaan haha... Omji, it'll be a great... Eme.
“Are you sure?”
“Yes, I'm sorry what happened earlier... Just, I'm...”
I'm patay gutom, giatay ka talaga self...
“You're what?”
“Just... It feels like my time is short like me that's why, i'm eating fast haha,” sunod-sunod ko pang tawa pero di ko man lang siya narinig tumawa... Kahiya naman ito...
“Okay... Glad to know you're fine, i'll wait for you outside...”
“No, no need... Leave me her, i'll be fine... Please...” sambit ko, na pilit na siyang pinapalis...
“Okay...” tanging narinig kong sagot niya...
Tinawagan ko 'yung pinsan ko at agad niya namang sinagot...
“Saan ka? Ano yung pa-walk-out ate?” tatawa-tawa niyang tugon sa akin...
“Muntik na akong mamatay, di ka ba maawa sa akin... Tapos nakakahiya, sorry jusme... I almost ruined your wedding...”
“Don't worry tayo-tayo lang naman invited, and walang paparazzi... Ipinadelete na rin namin mga videos...”
“You sure? Kasi baka magkaroon ng issue...”
“Why? Tinulungan ka nga, mamaya mainlove pa fans ni Min... Dahil night in shining armor siya ng isang pinay na katulad mo haha...”
“Gaga ka be, Korean actors sila world wide magiging opinion... Also may upcoming project kami together right? Ako magiging script writer sa Korean-filipino teleserye... Mamaya ma-issue kami...”
“Ay oo nga pala, don't worry icocover ko lahat...” sagot naman niya dahilan para makahinga ako ng maluwag...”
“Sorry talaga b,” paghingi ko ng paumanhin sa pinsan ko...
“It's okay...”
“Oh nga pala, yung ichacharon ko... Pahatid sa labas please, uwi na ako...”
“After all charon pa rin haha,” sagot niya na tawang-tawa...
Goods ng marinig tawa niya para malaman na okay ang lahat...
“Sigi, sigi... Pahatid ko sa labas, ingat ka couz...”
“Sige mamats, sa next charon ulit...” sagot ko at napahagikgik pa...
Nang pag-bukas ko ng pinto'y tumambad sa harapan ko si Min... Na nakangiti ng napakalawak...
“So you're the script writer of my upcoming series called You?” tanong niya sa akin...
Ngunit halos mapaluwa ang mata ko ng ma-realized na shet, talaga bes...
Secret pa yun at hindi pa pwedeng sabihin kahit kay Min...
Omji, anong isasagot ko? Idedeny ko ba or ano... Lagot ako sa director, hindi pa kasi nafafinalized lahat also wala pang schedule... And siguro naririnig niya rumors somewhere, but kasi chismosa mga tao sa amin... Omji, lagowt ako kay boss...
“Ah, eh...”
Surprised sana na siya kukuning bida since dream na dream daw niya na umarte sa role na flight attendant since childhood dream niya 'yon...
“What?”
“A,e,I, o,u hehe...”
“So i'm actually the Male Lead?” tanong niya habang kumikinang ang mga mga niya...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top