Panimula
Panimula
"It's fifteen minutes before time, Rhian. Nakailang palit ka na. Hindi mo pa ibinabalik ng maayos ang mga damit sa closet mo," suway sa akin ni Jaylee, ang kuya ko.
Napabuntong hininga ako. Bakit ba kasi walang proper uniform ang university na pinapasukan namin? Ayan tuloy, nahihirapan akong mamili ng isusuot.
"Come on. Ayos na 'yan. Let's go."
Umirap ako at nauna na papuntang kotse niya.
Mag iisang buwan na akong college dito sa prestihiyosong university na 'to. Zamora University. Sikat dito si Jaylee kaya naman kahit ako ay tinitira ng mga fangirls niya pag nakikita kaming magkasama. Ayaw nilang maniwala na kapatid niya ako. 'Gwapo' daw kasi si Jaylee samantalang ako, 'Di kagandahan'.
Kaya nga tinigilan ko na ang pagtatawag ng 'Kuya' sa kanya. Ayokong malaman ng lahat na kapatid niya ako kasi nasa akin din ang mata ng mga tao sa oras na malaman nila.
"Bilisan mong maglakad. You're already late."
Tumango ako at bumaba na ng kotse niya.
Hindi magkalapit ang building namin dahil ahead siya sa akin ng two years. Naiirita ako habang naglalakad. Nitong nakaraan kasi ay marami nang nakaalam na kapatid ko si Jaylee. This is what I'm talking about. Nag aabang na naman sila ng mali ko.
Sa 'di kalayuan, nakita ko si Marcus. Ang ultimate crush ko mula no'ng grade 7 ako . Ang gwapo niya talaga... Sumasama sa hangin ang hanggang balikat niyang buhok. Ang bait bait pa niya. Ang mga mata niya ay kumikislap lalo na kung ngumingiti siya. And everytime he smiles... ang gwapo tala- AY!!
"Rhiannon!"
Shet naman? Bakit kailangan ko pang masubsob kung kelang nakakalapit na ako sa crush ko?
"Oh my God, sis! Masakit bah?" mabilis akong nilapitan ni Ashley at tinulungang tumayo.
Nakita kong napalingon sa gawi namin si Marcus. Naramdaman ko ang pag init ng mukha ko sa kahihiyan. Iginala ko ang mata ko sa paligid. Ang dami pang nakakita ng legendary diving skills ko kaya maraming napapadaanan ang mata ko na nagpipigil ng tawa.
At alam ko na agad kung sino ang salarin.
"WALANG HIYA KA!" sinugod ko ang kurimaw na nakasandal sa railings habang nakangising nakatingin sa akin.
Lumipad sa ere ang kamay niya. Nakakainis dahil natatawa pa siya!
"What?" nakangising tanong niya.
"Sinadya mo 'yon 'no? Pinatid mo ako!" sigaw ko sa kanya.
Pinagtawanan niya ako lalo. Kinagat niya ang labi niya para magpigil ng ngisi habang nakatingin parin sa akin.
Nainis ako ng sobra kaya mas lalo akong lumapit sa kanya. Ang kapal talaga ng kurimaw na 'to! I hate him! Palagi na lang niya akong binubully at pinapahiya!
"Sis!" hinawakan ako ni Ashley sa braso. "tara na! 'Yaan mo na siya! Late na tayo..."
"Pasalamat ka late na kami! Kung hindi lagot ka talaga sa akin!" nanggigigil na sigaw ko sa kanya.
Kinaladkad na ako ni Ashley patungo sa room namin. Narinig ko pa ang sigaw ng kurimaw na 'yon na nagpataas ng sobra sa blood pressure ko.
"Salamat!" aniya at humalakhak.
Ang aga aga, nahahighblood ako! Bakit may mga taong ganon? May mga taong hindi nakukontento sa pananahimik! Bakit kailangan pang mambully? Sa pagkakatanda ko, wala naman akong atraso sa taong iyon. I really hate him!
Isa sa mga ikinatuwa ko no'ng grumaduate na ako sa high school ay dahil sa kurimaw na iyon. Dahil akala ko ay hindi na kami magkikita pa! Akala ko, sa wakas ay magkakaroon na ng kapayapaan ang buhay kolehiyo ko dahil wala na siya! IYON PALA MALI AKO!
Sa una palang ayoko na sa kanya. Masyado siyang hambog at mayabang. Masyadong conceited, akala naman kay gwapo gwapo. Naiinis ako sa mala San Goku niyang buhok na tayo tayo. Naiinis ako sa ngisi niya. Kinaiinisan ko 'yong tawa niya. Naiinis ako sa mukha niyang hinahabol ng mga babae dito sa school lalong lalo na itong mga kabatch namin!
"Siya ba 'yong kapatid ni Jaylee? Hindi naman maganda..."
"Baka adopted child?"
Sa araw araw na ipinasok ko sa university'ng ito, hindi talaga ako nilulubayan ng mga ito. Parang mas mabuti pa ng highschool kami. At least, si Ace lang ang nambubully sakin. Eh ngayon parang buong campus na yata, nag aabang ng mga fail moves ko.
"Hoy anong adopted child? Baka gusto niyong ihampas ko sa pagmumukha niyo 'yong birth certificate ng best friend ko!"
Sinugod ni Ashley 'yong classmates naming nagbubulungan tungkol sa akin. Agad ko siyang inawat kahit gusto kong masupalpal sila ngayon. Ayoko namang mapasama ang best friend ko.
"Ash... tama na..."
"Hindi eh! Simula pasukan nagtitimpi na ako sa mga 'yan!" bumaling siya sa dalawang classmates naming babae na natakot na yata. "HOY! Isa pang marinig ko kayong pinag uusapan ang best friend ko, malilintikan na kayo sa akin!"
Nag iwas sila ng tingin. Dumating ang teacher namin. Binaha ng tilian ang buong room nang makita nila ang mga estudyanteng nakabuntot kay Sir Melchor.
Bumungad sa harap ang pinakakinaiinisan kong tao sa balat ng lupa kasama ang mga barkada niya. SHET. Bakit nandito 'yan?!
"Class, good news! Inilipat sila ng admin sa block ninyo kaya from now on, they will be your classmates!" maligayang sinabi ni Sir na nagpaguho sa mundo ko.
"OMG good news talaga!"
"Ang saya naman! Nagkakalapit na ang landas namin ng crush ko!"
"Gaganahan na akong pumasok araw araw niyan. Hihi."
Good news... good news para sa inyo lang! Mga ingrata! Ang saya saya ninyo huh? Paano naman ako?! It's a very bad news for me. Nakakapanlumo. Parang gusto ko nang magdrop out dahil dito! OH GOOD LORD, PLEASE GUIDE ME!
Matapos magpakilala ang pitong itlog sa buong klase, pumalakpak na si Sir.
"Now, everybody move. Kailangan nating ayusin ang seating arrangement ninyo alphabetically!" maligayang saad niya.
Kung kanina, gumuho na ang mundo ko... ngayon, pakiramdam ko nadurog pa ito ng husto! Paano na ang pag aaral ko? Paano na ang kinabukasan ko? Wala na! Gumuho na. Gumuho na dahil sa damuhong ito.
"Okay... next na. Ortiz, Ortega, Pineda."
Nanlulumo akong umupo sa assigned seat ko.
"Hello, seatmate!"
Gusto kong magwala!
Pader ang katabi ko sa kaliwa samantalang sa kanan ko naman ay itong nakakainis na nilalang sa buong mundo! Ang malas ko, huh? Titignan ko nga mamaya sa body mirror namin kung may balat ba ako sa pwet. Pakiramdam ko kasi tinubuan ako no'n dahil sa kamalasang dinadanas ko ngayon.
"Uuuy. Ang snob naman," humalakhak siya.
Pumikit ako ng mariin. Stay your eyes on that board, Rhian. Focus. Mas magandang tignan ang board kesa ang mukha ng bakulaw na katabi mo.
Laking tuwa ko nang magdiscuss na si Sir. Busy ako sa pagtetake down notes nang biglang may humablot sa ballpen ko. Syempre, tumingin ako sa kanan ko. Imposible naman kasing 'yong pader ang hahablot ng ballpen ko 'di ba?
"Akin na 'yan." gusto kong mangagat ng kurimaw.
Ngumisi siya at pinaikot pa sa kamay niya ang Gtech ko. Shet naman oh. Pag nabagsak 'yan, baka mawalan na ng tinta!
"Sulat mo ako..." inginuso niya ang board.
Nalaglag ang panga ko. Uminit ang mukha ko dahil sa inis.
"Ang kapal naman ng mukha mo. Pare pareha lang tayo'ng estudyante dito kaya matuto kang magsulat para sa sarili mo."
"Ang sungit mo. Nagpapasulat lang naman eh..."
Lumapad lalo ang ngisi niya. Bakit ba ngisi siya ng ngisi? Nakakainis tuloy! Para bang sumpa sa akin na ipanganak siya. Parang sumulpot siya sa mundo at ang main role niya ay ang inisin ako!
"Gusto mong ako na lang ang magsulat para sayo?" sabi sa kanya ni Irish, 'yong katabi niya.
"Talaga? Isusulat mo 'ko?" tanong niya pero sa akin siya nakatingin.
Kumunot ang noo ko.
"Oo naman... ikaw pa ba? Malakas ka sakin eh."
Humagikgik pa ang ingrata. Asuuus! Nagpapauto ka dyan. Inuuto ka lang niyan para gawin ka niyang alila niya. Inirapan ko siya.
Bahala na nga siya. Sa kanya na 'yong Gtech ko kasi nakakahiya naman sa kanya, baka wala siyang mapambili kaya nangunguha na lang bigla. Kumuha na lang ako ng ballpen sa bag ko at iyon ang ginamit. Mabuti naman at natahimik na siya.
Or so I thought.
Marahas ko siyang nilingon nang muli niyang hinablot ang ballpen ko. Ano ba talagang gusto niya? Away o war?
"ANO BA! AKIN NA NGA YAN!"
Mabilis kong hinablot ang ballpen ko mula sa kamay niya. Mabuti nga hindi na niya iniwas eh. Ngumuso lang siya at nagpigil ng ngisi. Nakakainis! Gusto ko siyang sabunutan! NAmimintig ang kalamnan ko dahil sa sobrang panggigigil.
"MISS ORTIZ!"
Napatayo ako sa gulat.
Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita na halos lahat ng atensyon nila ay nasa akin na. SHET! Bakit ako pa ang napasama?
"Bakit ka kumukuha ng bagay na hindi sayo?" galit na tanong ni Sir.
"S-sir... s-sa akin po ito-"
"And you're lying! Kanina ka pa nag iingay. Pinalagpas ko iyon. Then now, you're bullying your new classmate! I will not tolerate this kind of act." taas kilay na sabi ni Sir Melchor.
Ako pa talaga ag nambubully huh? Bakit hindi niyo tanungin itong katabi kong kurimaw?!
Napatingin ako kay Ashley. Malungkot siyang ngumuso sa akin. Para bang sa nguso na iyon, kalahati do'n ay nagsosorry siya dahil hindi niya ako matutulungan at kalahati namang paninisi dahil hindi ako nagtimpi ng konti pa. OMG! Naiiyak ako sa inis!
May isinulat si Sir sa isang papel tsaka pinunit iyon. Inilapag niya 'yon sa mesa at tumingin sa akin.
"Here. Dalhin mo 'to sa admin kasama ang sarili mo. Kailangan mong magtanda."
Nanlulumong tumayo ako at kinuha iyon. Laglag ang panga ko nang nakita ang nandon.
'Bullying. Stealing someone's property. Lying.'
Sa ibaba ng papel ay mayroong pirma doon si Sir. Napabuga ako ng hininga.
SHET NA YAN! Patay ako kay Jaylee!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top