↺𝟹𝟿↻

Song used: Because It's You by Astro

Sa totoo lang, kanina pa ako nagtataka at nababagot dito dahil ilang minuto na akong nakaupo rito at kung bakit nandoon sa malayo si Chase, sa harapan ko. Wala talaga akong alam sa nangyayari ngayon. I just find it weird.


Bigla na lang napaawang ang bibig ko dahil sumulpot na lang bigla sa tabi ni Chase itong paasa na 'to.




What the heck? Anong ginagawa niya diyan? Masisira ang plano ko rito.




Kaya nga hindi na ako inactive sa mga social medias ko ay dahil 'yon sa kanya, maliban na lang na sumilip ako sa twitter at bumungad sa 'kin 'yong post niyang 'yon. Sino na naman 'yong pinapahiwatig niya? Tss, baka si Arisha.





Hayst, bakit na naman ako nag-iisip nito... tss, basta focus muna ako sa gagawin ko sa kanya ngayon. Sana nga lang gumana 'to.



Gusto ko din makaganti sa kanya kahit isa lang, ngayong araw lang.




Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya sabay yuko para kuhanin ang phone ko sa pocket at naisipang magrant sa notes ko.



Pagkatapos n'on ay huminga ako ng malalim saka naghintay pa ng ilang oras. Ano ba kasi ang gagawin ni Chase at bakit natatagalan? Idagdag pa'ng kasabay at katabi pa silang dalawa.



Napansin ko rin na parang nag-uusap sila. Ano na naman ba 'to?




Is this some kind of a prank? Kung prank 'to, malamang kanina pa ako nagalit, nagulat o natuwa pero hindi naman.




Sa hindi malamang dahilan ay napatingin ako sa kanya at nakatingin din siya sa 'kin. He's staring at me intently.



Oh, ano na naman 'yang titig na 'yan?



Inip na inip na ako kaya napatayo ako saka akmang lalakad na ng biglang sumulpot sa harapan ko si Arisha na nakangiti.


"'Oy, Far, usap muna tayo para hindi ka mainip. Baka may ginagawa lang si Chase kaya natagalan, balik ka na sa pwesto mo," nakangiting aniya.



Napakunot na lang ako ng noo at kinibit-balikat na lang ang mga napapansin ko. Baka tinotopak lang siguro sila.




Tinaasan ko ng kilay si Arisha dahil kanina pa siya nakangiti. Hindi ba siya nangangawit kakangiti? Parang timang.





"Alam mo, Arisha, kanina ka pa nakangiti. Hindi ako samay na ganyan 'yang mukha mo. Sa pagkakaalam ko, 'yong mukha mo palagi ay parang kumakain ng ampalaya dahil din diyan sa bitter mong ugali, anong nangyari ngayon at bakit ka nagkakaganyan, ha?" Diretsahang tanong ko.




Nanatili pa rin siyang nakangiti kaya gusto ko nang mapairap at pitikin siya sa noo.




"Well, people like me change, Far. Kaya 'wag ka nang magtaka na ganito ako ngayon. Saka pala 'wag na 'wag ka talagang aalis sa bench na 'to," aniya.




"Bakit naman?" Takang tanong ko.




She winked at me and only say that, "You'll know it later, secret ko na lang 'yon muna. Sige, uuna na ako, thanks for asking me those questions, at least nakapag-usap tayo kahit maliit lang, hindi talaga ako mahilig at sanay sa mga long talk kaya pagpasensyahan mo na, alam mo naman na ganito din ako," sabi niya saka umalis na.


Napailing-iling na lang ako sa ka-weird-ohan ng babae na 'yon. Teka, hindi ko din nakita si Aster, kambal niya, e, palagi naman silang magkadikit na parang kambal-tuko pero ngayon, kapansin-pansin na wala talaga si Aster. I just shrugged at the thought, baka nandito lang din si Aster at hindi ko lang nakita.



Pero, kanina pa ako naiinip sa pagong na Chase na 'yon. Ang bagal! Kailan ba siya balak na bumalik rito para makapagsimula na kami? E, siya nga 'tong nagbigay sa 'kin ng ganitong ideya, e. Kakaiba talaga ngayong araw, o ako nga lang ba ang nakakaramdam nito? Ewan ko ba, hayst.

⊰↺⊱┈──╌✿╌──┈⊰↻⊱


Habang nakatingin sa kanya ay kumakabog ng malakas ang puso ko. Parang hindi ko kayang humarap sa kanyang muli.


Pero papanindigan ko 'to, ginusto ko 'to, e.



Bumuga ako ng marahas saka pumikit sandali.



This is it, gagawin ko na ang dapat kong  gawin.



Binalingan ko ng tingin si Chase na nakatingin din sa 'kin. 'Yong mukha niya parang pinapasabi sa 'kin na para akong natatae. Loko talaga 'tong mokong na 'to.



Lumapit din siya sa 'kin pagkaraan ng ilang segundo.




"Magsisimula na tayo, bro. Naiinip na kasi kakahintay si Far sa 'tin, baka umalis 'yon," aniya.



Humarap ako ng tuluyan sa kanya saka pinakatitigan siya ng seryoso.



Inilahad ko ang isang kamay ko sa kanya, gano'n din siya sa 'kin.



"May the best man wins, bro," seryoso kong sabi.




Tumango lang siya saka pumorma na.




Bumuntong-hinings muna ako saka tumingin sa direksyon ni Far. Sa hindi malamang dahilan, nagtama ang mga paningin naming dalawa. Bigla na lang rin parang nag-slow motion ang paligid.





Pero iniwas kaagad niya ang tingin sa 'kin kaya nawala na rin 'yong parang nag-slow motion ang nasa paligid ko, maski si Chase kanina biglang bumagal.



Bigla na lang nagsalita si Chase na magsisimula na talaga kaya hinanda ko ang sarili ko.



Sana ako ang makauna. I need to confess everything to her.




Pagkasabi ng go signal ni Chase ay nagsimula kaming tumakbo papalapit kay Far.




Tinignan kong muli si Chase at tumatakbo din siya pero hindi gano'n kabilis kaya nagtaka ako pero ipinagsawalang bahala ko na lang 'yon at itinuon na ang atensyon sa harapan kong kailangan kong makamit at makuha.




Pumikit ako at mas minabuti ang pagtakbo para mas mabilis ang pagtakbo ko.




Tagaktak na rin ang pawis mula sa noo ko dahil sa kabang nararamdaman.




My heartbeat is starting to pound faster than before.


⊰↺⊱┈──╌✿╌──┈⊰↻⊱



Naramdaman kong may tumabi sa 'kin kaya bumaling ang tingin ko sa kung sino ang tumabi sa 'kin. Baka isa 'tong hindi kaari-ari na nilalang ang tumabi sa 'kin! Char.


Pagkabaling ko naman ng tingin ay gusto ko na lang umalis kaagad at hindi na lang ako bumaling ng tingin sa taong 'yon.



Tumabi 'yong paasang mahangin sa 'kin!



Ano'ng gagawin ko?



Ah, 'yon pala 'yong plano ko. Pero paano ko sisimulanin? Patay na.



Akmang iiwasan ko siya ng tingin pero hinawakan niya ang baba ko at pinaharap ako. 'Yong ekspresyon ko, 'yon 'yong nakakatawa. Parang tarsier kapag gabi. Pfft.



Pero bumalik din naman sa dati 'yong ekspresyon ko, naging malamig ulit.



Ang sabi ko, maggaganti ako sa kanya ngayon pero ito ako, sinusubukan na hindi na siya haharapin. Putek naman, o! Bakit natitigilan ako kapag nasa harapan ko na siya?



"Far..." mahinahon niyang tawag sa pangalan ko.




"Far, I need to say this to you, sana pakinggan mo na muna ang sasabihin ko sa 'yo, matagal ko na 'tong kinikimkim at hindi ko maamin-amin 'yon sa 'yo kasi natatakot ako na baka layuan mo 'ko pagkatapos niyon." Nagpakawala pa siya ng buntong-hininga tapos tiningnan niya ang mga mata ko.




Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. May kutob ako pero hindi ako p'wedeng mag-assume dahil alam ko na ang pakiramdam na masaktan dahil lang sa pagbabaka sakali ko.


Pero nakinig pa rin ako sa kan'ya. Ewan ko ba...



Binitawan niya ang baba ko saka pumikit ng ilang sandali saka dahan-dahan lang na nagsalita.



And I froze on the spot when he said those words to me that I didn't even expect.



"I... I love you, Far."



'Yon 'yong sinabi niya—more like inamin niya kaya naging dahilan 'yon para uminit ang pisngi ko at parang may paruparo sa tiyan ko. Pesteng mga paruparo at pisngi 'to oh, hindi mapakalma.



I'm speechless...


⊰↺⊱┈──╌✿╌──┈⊰↻⊱


A/N: Yieee, sa wakas at napaamin na rin ang paasang mahangin—este si Zev.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top