↺𝟸𝟺↻
Song used: Paasa T.A.N.G.A by Yeng Constantino
"Twy, hindi ko naman alam na may crush pala 'yong crush ko at hindi ako. Ang sakit n'on, shuta. Parang ayoko na magka-crush ulit, nakakasakit kasi," sabi ko at unti-unting napatawa pero maya't-maya ay umiiyak na.
Hindi ko naman alam na masakit pala 'yong hindi ako cri-nushback ni crush.
Putangina mo, Zevi!!!
Pinaasa mo akong puta ka!
"Far, baka namisunderstood mo lang 'yong pinagsasabi ni Zev sa twitte—" pinutol ko ang sinasabi ni Twy dahil ayaw ko nang marinig 'yon ulit.
Kung bakit naman kasi, ang assuming ko putcha!
Akala ko kapag nagpaparinig ako sa kanya n'ong una, mga efforts ko para sa kanya para mapansin niya 'ko, akala ko masusuklian na ang feelings ko dahil akala ko may nararamdaman na rin siya para sa 'kin. Oo hindi ako manhid, halata naman kasi pero gumuho lang ang natitira kong pag-asa sa kanya ng malaman ko kanina na may crush pala siya. At nanghihingi pa siya ng pabor sa 'kin kung paano niya gustong umamin do'n sa letseng crush niya.
Nakalimutan ba niya na crush ko rin siya? Inamin ko na 'di ba? Tapos, wala pala siyang pakialam sa kung ano ang mararamdaman ko, kasi nga may crush siyang iba.
Puta talaga. Nakakaputangina.
"Far naman, makinig ka nga muna sa 'kin. Akala ko ba crush mo lang siya? Pwede mo pa naman siyang mapalitan 'di ba? Kasi crush mo nga lang naman siya? Pero sa nakikita ko ngayon, parang hindi e, hindi na 'to normal kung sasabihin ko pa sa 'yo na crush pa rin ang nararamdaman mo para kay Zev. Hindi na din ito ordinaryo, hindi mo siya crush, hindi mo siya gusto... I think... you love him, Far," aniya pero tanging iling lang ang sinagot ko.
"Oo na, oo na. Hindi na 'to ordinaryo, maski nga hindi ko na siya crush at mas lalong hindi ko siya gusto. I love him, yes, I love him. Pero dahil sa letseng pagmamahal na 'yan, tignan mo 'ko, nakakaputangina ang magmahal ng isang taong hindi din naman masusuklian ang nararamdaman mo para sa kanya. Kaya kung ikaw naman ang ma-inlove, Twy, 'wag mo nang subukan pa kasi masasaktan ka lang. Tignan mo ako," pag-amin ko.
Bumuntong-hininga na lang siya at tinapik-tapik ako sa balikat saka nagsalita.
"I understand you, Far. Pero sana naman, maligo ka nga muna kasi ang lagkit mo, humawak pa 'ko sayong gaga ka," pagpapagaan niya ng loob sa 'kin.
Ibang klase naman 'tong kaibigan ko. Alam na alam talaga niya kung paano papagaanin ang loob ko.
Pero hindi pa rin nawawala ang sakit na nararamdaman ko. Letse ka kasi, Zevi!
Mahal na kita pero may gusto kang iba, tangina.
"Buang ka talaga kahit kailan. Umuwi ka na nga lang sa inyo, maliligo na ako, sabi mo nga 'di ba? Tsupe na," sabi ko at itinataboy siya.
"Grabe ka naman kaibigan, tsk. Sige na, sige na, hindi naman makahintay 'to," aniya at siya na ang nagsira ng pinto ng kwarto ko pagkalabas niya.
Bumuntong-hininga ako kasi makikita ko si Zevi sa school ngayon, na naman.
Baka mangungulit pa 'yon sa 'kin e kaya mas mabuti na umiwas na lang sa kanya.
⊰↺⊱┈──╌✿╌──┈⊰↻⊱
Lunch time came and me together with the twins and Twy went to the cafeteria.
"Kayo na mag-order," sabi ko kaya tumango sila saka umuna ang kambal, nagtanong pa sa 'kin si Twy kung ano ang gusto kong kainin, pagkatapos ay sumunod siya sa kambal.
When I thought that me and Zevi wouldn't encounter here, I didn't know that I was wrong. Nagtagpo kami.
Kailangan kong umiwas sa kanya, pero paano?
Ang ginawa ko na lang ay umupo na lang ng maayos at kapag uupo sila dito, magpepretend ako na walang pakialam. Kahit sa kanya.
And true to my words, umupo nga sila.
"Hello, Far," bati ni Chase kaya binati ko rin siya pabalik.
Kumunot ang noo ko ng makitang hindi lang silang dalawa ang nandirito, pati pala ang kambal kong pinsan, narito!
"'Oy, insan, bakit hindi ka pa umoorder?" Tanong ni Keegago.
"Nandoon na sa counter sila Twy at kambal kaya malamang ay hahatiran nila ako ng pagkain. Common sense naman, Keegago," sabi ko kaya napatawa si Reegan saka si Chase.
"Nagtatanong lang insan e, namimilosopo pa," aniya at kunwaring nanlumo pero inirapan ko lang siya.
Nararamdaman kong nakatitig sa 'kin si Zevi kaya tinignan ko siya, with a cold expression plastered on my face.
Hindi ko na lang siya pinansin ulit dahil nag-ingay si Keegago. Gago nga talaga 'tong pinsan ko.
Pero mas gago si Zevi.
Ugh! Bakit ko pa ba siya iniisip? Peste!
Mabuti na lang at bumalik na sila Twy at ang kambal, dala dala na ang pagkain.
"Kayong mga boys, do'n kayo sa ibang upuan kasi sa girls rito," pagtataboy ni Arisha sa kanila, isa sa kambal.
"Wow, teka nga, ikaw ba ang nagmamay-ari rito sa school na 'to? May batas ba na babae rito at lalaki roon? 'Di ba wala, kaya pwede kaming umupo rito paminsan minsan." Keegago talaga! Hindi marunong makiramdam, putcha.
"Sumunod ka na lang kasi Keegago," sabat ko na para tapos na ang usapan.
Ayaw ko siyang katabi at patingin-tingin sa 'kin. Nakakailang!
Bumusangot naman si Keegan kaya napairap ako. Kahit kailangan talaga, tsk, tsk, tsk.
Mabuti naman at sumunod silang apat sa sinabi ni Arisha pero hindi pa rin n'on nawawala ang pagtingin sa 'kin ni Zevi. Ewan ko ba do'n, tsk. Parang tanga, punyeta.
"Hoy, Far, napansin ko kasi na hindi kayo in good terms ni Zevi, LQ yarn? Char, pero bakit gano'n na ang pakikitungo mo sa kanya? Bakit hindi ka na lumalandi sa kanya?" I rolled my eyes after that and decided to kept quiet. Bahala nang tanong na tanong pa rin itong kuliterang Aster na 'to.
"'Wag niyo na munang gambalain si Far ngayon. Not in good terms sila ngayon ni Zevi, obvious naman," ani Twy sa kanya kaya napatango-tango na lang si Aster saka nagsimula ng kumain.
⊰↺⊱┈──╌✿╌──┈⊰↻⊱
Naisipan kong pumunta sa isang store para bumili ng ice cream. Gusto ko sanang samahan ako ni Twy pero tumanggi siya at hindi niya daw gusto 'yong ice cream. May tao ba'ng hindi gusto 'yong ice cream? Parang wala naman yata. Hayst, si Twy talaga.
Pero pagkatapak ko palang papasok sa store ay gusto ko nang um-exit kasi nando'n pala si Zevi. Wrong timing talaga 'tong si tadhana kahit kailan.
Pero nagpatuloy na lang ako at hindi na lang siya pinansin, pero nang akmang lalampasan ko siya ay bigla na lang niya akong hinigit dahilan para mapabalik ako sa puwesto ko kanina.
I coldly glanced at him and decided to not spat him. Gusto kong ilabas lahat ng sama ng loob ko sa kanya pero nakakahiya rito kaya 'wag na lang, marami pa naman ang mga tao rito.
"May... may problema ba tayo, Far?" Mahinahon niyang sambit saka bumuntong-hininga.
I just keep on staring at him but with no more affection, just a cold expression.
"Far naman, ano ba ang nagawa ko sa 'yo at kung bakit gan'yan na lamang ang pakikitungo mo sa 'kin? Wala naman tayong problema 'di ba?" Tanong niya. Walang problema, mukha mo. Tangina ka talaga.
"As far as I know, yes, we have a problem. Just step aside, I want to buy something in here, I don't need your nonsense talk," seryoso kong sabi saka linampasan na siya.
Punyeta, kailangan ko nang makalabas rito para hindi ko na siya makausap pang muli.
⊰↺⊱┈──╌✿╌──┈⊰↻⊱
A/N: Sorry for the curses you have read, kailangan kasi may kasamang mura kasi ganyan ang attitude ni Farhel. 😁✌
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top