Kabanata 3
Kabanata 3
Bias
Ara's POV
Nanginginig ang kamay ko habang dinadampihan ng bulak na may gamot ang mga sugat ni Lance. Ang nakakatawang parte ng nangyari kanina ay wala manlang kaming galos nila Van, tanging ang mga lalaki lang ang meron.
Bakit? Ang sagot ni Lance ay dahil pinrotektahan nila kami. Sus, ang sabihin lang niya ay hindi talaga sila magaling umiwas sa bala ng baril.
"Ow, may daplis ka pala," pinasadahan ko ng aking daliri ang mahabang daplis sa kanyang braso.
Ngumiwi siya. Namuo ang pawis sa kanyang noo hanggang sa leeg. Namumula ang tainga niya at sumandal na lamang siya sa couch habang nakatingala at nakapikit ng mariin. Kitang kita ko kung paano magtaas-baba ang adams apple niya dahil sa sunod sunod na pag lunok.
Napangisi ako habang pinagmamasdan siya. Hindi siya sanay sa sakit ng bala. Hindi siya sanay sa ganito.
"Bakit ka ba kasi naglalakad sa railings?" Nakakunot noo niyang tanong.
Bakit nga ba? Dahil mas kumportable akong lakaran ang mga iyon kaysa sa lapag?
Hindi ko rin alam kung kailan at paano ako nahilig maglakad sa railings. Nagulat nalang sina Sab na kumportable akong nakakapaglakad doon, hanggang sa nakasanayan ko na.
Humalakhak ako. "Bakit ba kasi kayo nakisali?"
Akala ba nila ay mahina kaming babae na hindi kayang labanan ang mga iyon? For all he know, matagal na naming ginagawa ang trabahong ito at hindi na bago sa amin ang masaktan. Sa totoo lang ay may hiwa ng kutsilyo ang tagiliran ko ngayon, pero dahil mukhang mas mamamatay yata itong kasama ko ay mas mabuti nalang na siya ang gamutin ko.
"Can't you just say "Thank you, Lance"?" Irita niyang sabi.
"I did! Nagthank you na kami kanina, remember?" Suot ko pa rin ang ngisi sa labi ko.
Ang isa sa meyembro ng paborito kong banda ay nasa harapan ko ngayon. Hindi ko lubos maisip na nahahawakan ko pa ang mukha niya at ginagamot ang mga sugat niya.
Ang loob loob ko ay nagwawala na, pero kayang kaya kong magmukhang walang pakielam sa presensya niya. Magmukhang wala akong interes sa kanya pero sa totoo lang ay kaunti nalang, magwawala na ako ngayon sa harapan niya.
Ngumisi siya. "Say it again,"
"Say what?" Nagmaang-maangan ako.
Bumangon siya mula sa pagkakasandal sa back rest ng couch at nilapit ang mukha sa akin. Napaawang ang labi ko habang pinagmamasdan siya. Kumurap-kurap ako at pakiramdam ko ay matutuyuan na ang lalamunan ko.
Ang gwapo niya sa malipatan! Kitang kita ko kung gaano kakinis ang balat niya. Kung gaano kapula at mamasa masa ang labi niya at kung gaano kaganda ang pagkakadepina ng panga niya.
"Lance..." I whispered sa dami ng emosyong nararamdaman ko.
"You're beautiful..." bulong niya na akala mo ay ngayon lang niya nadeskubre na maganda nga ako.
Hinawi niya ang buhok kong hanggang balikat lang at akmang ilalapit na ang mukha niya sa akin nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.
Umalingawngaw ang matinis na boses ni Harris na may band aid sa kanang pisngi. Kasama niya si Janesse na ngumunguya ng bubble gum. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at hinawakan ang tagiliran ko.
Masakit siya, pero kayang kaya kong tiisin iyon. Hindi kagaya ng mga ito na mukhang ikakamatay yata nila ang maliit na sugat na natamo.
Tinaas ko ang damit ko para makita kung gaano kalaki ang daplis ko. Walang tigil sa pagtulo ang dugo mula roon kaya napangiwi ako. Gagamutin ko nalang mag-isa ang sarili ko mamaya. Ibababa ko na sana ang damit ko nang biglang hawakan ni Jan ang kamay ko.
"May daplis ka, Ara!" Deklara niya.
Kita ko kung paano tumigil sa pagkikwentuhan at pagtatawanan si Lance at Harris. Napatingin sila sa akin at sa kamay kong punong puno ng dugo. Tumayo muli si Harris mula sa pagkakaupo.
"Patingin!" Parang batang sabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin at napawi ang malaking ngisi niya. Tinignan ko si Lance at nakita kong seryosong seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin na akala mo ay ang laki laki ng kasalanan ko.
"Malayo sa bituka," nakangising sabi ko at dinampot ang isang sigarilyo sa lamesa.
Sinindihan ko iyon at mabilis na hinithit. Bumuga ako ng usok mula sa bibig ko na parang walang nangyari, kahit na hindi pa rin naaalis sa akin ang tingin ng tatlo.
"What?" Tumatawang sambit ko, "Don't mind me! Hindi na bago sa atin ito, Jan,"
"Bakit, ano bang trabaho niyo?" Seryosong tanong ni Lance.
Hindi nila pwedeng malaman kaya hindi ako nagsalita. Tinuloy tuloy ko ang paghithit at buga ng usok sa bibig ko. Biglang tumayo mula sa pagkakaupo si Lance at lumapit sa akin.
Bigla niyang hinablot ang sigarilyo at dinikdik iyon sa ashtray. Seryoso ang mukha niya na anumang oras ay makakasapak siya. Hinila niya ang pulsuhan ko at pinaupo sa couch.
"Itaas mo iyang damit mo," utos niya sa akin.
Kunot noo ako habang pinapanuod ang galaw niya. Hindi ko siya maintinidihan kaya hindi ako gumalaw. Tinignan ko si Jan at Harris na pinapanuod din kami at nang mainis si Jan ay agad niyang hinila si Harris palabas ng kwarto.
"What are you doing?" Kunot noong tanong ko.
Tiningala niya ako habang naka-squat siya sa harapan ko. Seryosong seryoso pa rin ang mukha niya at hindi ko na muling nakita ang mapanloko niyang mga ngisi kanina.
"Paano ko gagamutin ang sugat mo kung ayaw mong itaas?" Inis na tanong niya.
Nang hindi pa rin ako gumalaw ay siya na mismo ang nagtaas ng damit ko. Sa gulat ko ay nahawakan ko ang kamay niya bilang protesta ngunit huli na, naitaas na niya ang damit ko at seryosong tinignan ang sugat ko.
Halos magwala ako nang pasadahan niya ng daliri ang sugat ko roon. Kumuha siya ng bulak at nilagyan ng gamot tsaka dahan dahang pinapahid doon. Napangiwi ako sa lamig ng kamay niya. Hinihipan niya iyon pagkatapos pahiran.
Hindi niya alam na sa haplos niya ako napapangiwi. Sa haplos niya ako nagiging apetaktado. Hindi dahil sa sugat ko.
"Malalim ang natamo mong sugat pero parang hindi ka manlang nasasaktan?" Ang boses niya ay puno ng pagkamangha.
"I'm used to it. Sanay na akong masaktan," sabi ko habang pinapanuod ang paggamot niya sa akin.
Tiningala niya akong muli at sumilay ang ngising nawala kanina. Pantay pantay ang maputi ang mga ngipin niya. Para akong hinihikayat na ngumiti rin kaya wala sa sarili akong ngumiti pabalik sa kanya.
Pwede pa lang makasama mo ang bias mo sa mga ganitong pangyayari.
_______
Uy hala. Wala akong update rito and all but nakareach na siya ng 800 reads haha. Thank you, thank you! ♡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top