♡ JOY ANNE'S SPECIAL CHAPTER ♡
♡ Family, Friendship And Love life ♡
♡ JOY ANNE'S POINT OF VIEW ♡
Graduation na namin ngayon at katatapos lang ng graduation namin at habang nagpi-picture picture-ran kami ng pamilya ko ay biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Joanne!"
"Joy Anne!"
Hinihingal at habang tumatakbo papunta sa pwesto namin na tawag sa akin nina Milisa at Jonnathan at kasama rin nila sa likuran nila si Jl na naglalakad lang naman. kaya napalingon ako sakanila.
"Ah.. bakit?" Tanong ko. nang tumigil sila sa harapan ko at kaya napaharap ako sakanila. Medyo nailang ako sa presensya niya at ni Jl nang maalala ko na ngayon ko na lang ulit siya nakaharap at nakausap.
"Nagtext kay Jonnathan si Seb na paalis na raw papuntang america si Amanda ngayon. at kung hindi natin siya maabutan ngayon baka ito na yung last chance natin na mabuo ulit na magkakaibigan o makapagsorry man lang sakaniya dahil baka daw matagalan or worse hindi na bumalik rito si Amanda at duon na siya magaral at susunod na lang daw duon sina Tita Annika at Tito Kurth." Sabi niya. at napaisip ako dahil sa sinabi niya.
Simula nang magkawatak watak kami, simula nung pinili ni Amanda na lumayo muna at layuan muna kami. nawala at lumayo na rin si Milisa kaya naiwan akong magisa at duon ko siya nakilala. pero matapos rin naman nuon ay bumalik at binalikan rin naman ako ni Amanda pero ako naman ang nawala sa tabi niya dahil ako naman ang nangiwan sakaniya. pinagpalit ko nga siya kay Jonnathan. mas pinili ko na palaging si Jonnathan ang makasama ko kaysa sakaniya. kaya nagalit siya sa akin. hindi ko naman siya masisi duon kung magalit man siya sa akin dahil duon. kahit ako din naman ay hindi naging mabuting kaibigan sakaniya. Nuong panahon na binalikan niya ako ay hindi ko siya pinahalagahan. puro si Milisa ang inaalala ko dahil akala ko siya ang pinakawawa sa aming tatlo at dahil sa akala ko na magisa lang siya. pero ang totoo ay masaya na siya na nakakasama niya si Jl. hindi ko inisip na maari siyang masaktan dahil siya ang nasa sa tabi ko pero ano? si Milisa pa rin ang iniisip ko. at nuong kumalat iyong picture ni Milisa siya na naman ang nagmukhang masamang kaibigan sa paningin ko tapos mas pinili ko pa si Jonnathan na palagi ang kasama ko kaysa sakaniya na bestfriend ko. kaya ang sama sama ko nga talagang kaibigan.
But this time, i will regret if ever i will not say sorry to her for being not a good friend to her. Kaya naman kailangan kong makapagsorry man lang sakaniya. kung hindi man niya kami mapatawad at least 'diba? nakapagsorry kami sakaniya. at kung hindi man niya kami matanggap bilang kaibigan niya ulit. tatanggapin na lang naman namin yu'n dahil may karapatan naman siyang hindi kami tanggapin bilang mga kaibigan niya ulit dahil hindi naman kami naging mabuting kaibigan sakaniya. kaya ngayon kailangan naming makapagsorry man lang sakaniya kahit hindi niya kami tanggapin ulit bilang mga kaibigan niya.
"Pitong taon tayong naging magkakaibigan. at nasaktan ko siya dahil ako yung pinili ng taong mahal niya tapos iniwan ko pa siya. kaya hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag hindi man lang ako makapagsorry sakaniya. kahit na hindi na niya tayo tanggapin bilang kaibigan niya at kahit na hindi na niya tayo mapatawad. okay lang. at least sinubukan natin at nakapagsorry man lang tayo sakaniya." Sabi niya at parehong pareho nga kami ng iniisip. kaya tumango ako.
"Sige. tara na. kailangan na natin siyang puntahan baka hindi na natin siya maabutan." Sabi ko at tumango siya.
"Sige. tara na." Sabi niya at saka na kami tumakbo palabas ng school pero bago kami makalayo paalis ay lumingon ako kina mama at papa na nasa likuran "Mama, papa! kailangan na po naming umalis para maabutan namin si Amanda." Paalam ko. nang lumingon ako sakanila at ngumiti naman sila.
"Go anak! ipaglaban niyo ang pagkakaibigan niyo! magiingat kayo!" Cheer naman nila sa amin at tumango ako habang nakangiti saka na kami tumakbo ulit palabas ng school. partida nakatango pa ako at nakatoga. Tumakbo kami hanggang sa makalabas kami ng school at saka kami pumunta sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse ni Jonnathan saka kami sumakay duon at pumunta sa airport.
Pagdating namin duon, 'agad naming hinanap ang mga boarding papuntang america at maya maya pa ay nahagip ng mata ko sina ninang, ninong, Sam, Seb at Amanda na magkayakap pa kaya 'agad ko silang itunuro.
"Ayon sila!" Hinihingal pa na sabi ko saka kami tumakbo papunta sakanila. at pagkahinto namin sa pwesto nila at nasa likuran nila kami ay narinig pa namin ang paguusap ng dalawa habang magkayakap.
"Hihintayin kita. hanggang sa bumalik ka. mahal na mahal kita.. Amanda. always remember that. magiingat ka du'n, ha. wag kang magpapabaya." Rinig naming bulong na sabi ni Seb kay Amanda
"Opo na po. magiingat po ako at ikaw rin po. Seb.. hindi pa kita mahal, sa ngayon pero... promise mo sa akin na.. hihintayin mo ako. hihintayin mo ako hanggang sa pagbalik ko. hihintayin mo na bumalik ako at pangako ko rin sa iyo na pagbalik ko at buo na ulit ako. makakaya na kitang mahalin." Sabi niya.
"I'll promise to you that. ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa bumalik ka at mahalin mo rin ako kapag buo ka na ulit. kapag mahal mo na ulit ang sarili mo at kapag kaya mo na akong mahalin. maghihintay ako at magiingat din para sa iyo kasi mamahalin pa kita." Sabi ulit ni Seb. at nang hindi na sila nagsasalita pero yakap yakap pa rin nila ang isa't isa ay sabay sabay kaming nagpake ng ubo.
"Ehem ehem!" At napalingon sila sa amin. "Kami hindi mo mamimiss?" Birong sabi ko at parang gusto kong sampalin ang sarili ko sa naging tanong ko sakaniya. Tss. hindi niya nga kami mamimiss kasi galit siya sa amin.
"Hindi." Seryosong sagot niya at napayuko ako. "Char lang! hindi ko kayo mamimiss kasi... mamimiss na mamimiss ko kayo. group hug nga diyan." Nagkatinginan kami lahat sa naging reaction at sagot ni Amanda.
"Ako yata ang hindi niyo mamimiss, eh? ayaw niyo kasi ng group hug, eh." Nagtatampong sabi niya. "Sige kayo aalis na ako at hindi na babalik pa kahit kailan." Sabi niya at 'agad namang nagreact si Seb dahil sa sinabi niya.
"Huh?! Kasasabi mo lang kanina na hintayin kita. tapos ngayon hindi ka na babalik." Hindi makapaniwalang sigaw niya at nakita ko naman na sinagi siya ni Amanda. nagsalita na naman si Milisa.
"Pero.. Amanda hindi ka ba galit sa amin? i mean.. hindi ka na ba galit sa amin?" Tanong niya pero ngumiti lang si Amanda. "Maiintindihan namin kung.. galit ka pa rin sa amin at kung.. ayaw mo kaming maging kaibigan ulit." Nakayuko ng sabi niya at napayuko na rin ako.
"Pero.. gusto lang sana naming magsorry dahil sa hindi namin pagiging mabuti kaibigan sa iyo. humiling ka na.. hayaan ka na muna naming magisa dahil gusto mong mapagisa para makapagisip isip and hinayaan ka namin. pero kahit minsan hindi namin naisip na tanungin ka kung ano bang problema mo at kung bakit ka ba nagkakaganiyan? at bagus ay inuna namin ang makakapagpaligaya sa amin na nagpapasakit naman sa iyo. habang kasama ko si Jl at masaya kaming magkasama nasasaktan ka naman namin." Sabi niya.
"Tapos na ang lahat sa amin. nakakatawa noh na sinasabi ko na tapos lahat sa amin kahit na wala namang nangyari sa pagitan naming dalawa. nagmove on ako sa sakit na ako lang naman ang nasaktan dahil ako lang naman ang nagmahal sa aming dalawa. ako lang ang nagmahal sakaniya habang siya ikaw ang mahal. hindi mo naman kasalanan na ikaw yung minahal niya at mahal niya at hindi ako. hindi mo naman kasalanan na hanggang nakakabatang kapatid lang yung tingin at turing niya sa akin. hindi mo o niya kasalanan na ikaw yung pinili niya sa ating dalawa at sa akin. dahil sa simula't sapul naman ikaw na talaga yung mahal niya at hindi ako. sa simula palang naman kasi talaga ako lang naman kasi talaga 'tong nagpupumilit na sumiksik sa taong hindi naman ako ang mahal at kung hindi ikaw ang mahal niya. hindi mo kasalanan na maging masaya ka sa piling niya. at natuto na rin naman ako.. natuto na akong magpalaya kaya kahit na hindi siya naging akin. pinalaya ko na siya. at hinayaang maging masaya sa piling ng iba. sa piling mo dahil natuto na rin akong palayin ang sarili ko at ang nararamdaman ko sakaniya at natuto na rin ako na buksan ang sarili at puso ko sa iba." Sabi niya saka siya tumingin kay Seb ng nakangiti.
"How about me? did you still mad at me? dahil sa pangiiwan ko sa iyo?" Tanong ko.
"hindi. hindi na ako galit sa iyo kasi.. masaya na ako para sa iyo kasi nahanap niyo na yung magpapaligaya sa inyo. at pagbalik ko.. sana.. maging magkakaibigan pa ulit tayo. at sana.. handang handa at buong buo na ulit akong magmahal ulit ng bago at iba kong mamahalin." Sabi niya habang nakangiti pa rin kay Seb. at narinig na namin yung announcement ng airport.
"So, pa'no? alis na ako. babye." Paalam niya. "Wala bang group hug man lang diyan?" Tanong niya saka niya ini-spread ang dalawang kamay at mga braso niya na parang humihingi siya ng yakap saka naman kami isa isa lumapit sakaniya hanggang sa magyakapan na kaming lahat.
"Mamimiss ka namin, Amanda.." Sabi namin.
"Mamimiss ka namin, Anak. mamimiss ka namin ng papa, kapatid at mga kaibigan mo pati na rin ng future manliligaw, boyfriend, husband and son in law ko." Nakangiting asar ni ninang kay Amanda.
"Mama naman eh." Maktol naman niya.
"Bakit? Nagsasabi lang ako ng totoo na mangyayari sa hinaharap." Sabi ni ninang.
"Bakit mang huhula ka ba at paano mo naman nasisiguro na itong mokong na 'to ang magiging asawa ng anak natin at mamanugangin natin?" Tanong naman ni ninong sa asawa niya.
"Oo bakit? Amanda Matthaw Guem. oh! maganda naman, ah?" Sabi ni ninang at napatingin kami kay Seb na namumula at pulang pula na ang tainga sa kakangiti.
"Hoy mokong! wag kang ngumiti ngiti diyan. ayoko nga maging kumpare yung tatay mo." Sabi naman ni ninong.
"Bakit? selos ka lang eh. nako! Seb nagseselos lang 'tong tatay ni Amanda sa tatay mo kaya wag mo ng pansinin. seloso lang talaga 'to." Sasagot pa sana si ninong kay ninang at magaaway pa sana sila ng sitahin na sila ng mga anak nila.
"Ma, dad! nakakahiya. wag po kayo dito magaway." Sita nilang magkapatid sa mga magulang nila.
"Sorry naman." Parehong sabi ni ninang at ninong. "Ito kasing tatay mo, eh." Irap ni ninang.
"Ikaw kaya. kung hindi lang kita mahal eh..." sabi ni ninong.
"Edi wag. ano? kung hindi mo lang ako mahal, eh ano naman? edi wag. wag mo na akong mahalin." Tampo ni ninang.
"Ito namang asawa ko tampo kaagad eh. siyempre mahal kita." Sabi ni ninong at napangiti ako sa kasweetan nila.
"Ma, dad. tama na nga po 'yan. masiyado na kayong nagiging sweet, eh. ako naman po, ah. kasi po paalis na po 'tong ate kong pangit at pikon. wala na po akong maasar at mamimiss ko po 'tong ate kong 'to kahit na pikon 'to at palagi ko 'tong inaasar. mahal na mahal po kita ate." Sabi ni Sam at napangiti kaming lahat sakaniya.
"Ughh! i love you too my forever friend-enemy. mamimiss din kita kahit na palagi mo akong inaasar."
"Ayokong umiyak at magdrama kaya umalis ka na. alis. layas na. nang masolo ko na sina mama at daddy." Sabi niya. at ginulo naman ni Amanda ang buhok niya. "Naman eh.." Angal pa ni Sam nang guluhin ni Amanda ang buhok niya. saka niya ulit iyon inayos.
"So, Paano? sige. alis na talaga ako. babye." Sabi ni Amanda saka na siya nagwave at nagumpisa ng maglakad ng paurong. pero bago pa siya makalayo ay may nagsalita.
"Amanda.. magiingat ka." Sabi ni Jl saka nagwave habang nakangiti at tumango si Amanda sakaniya habang nakangiti rin saka na ito unti unting naglakad patalikod pero bago pa ulit siya makaalis ay may biglang sumigaw.
"Amanda wait!!" Sigaw naman ni Seb saka tumakbo at nagulat kaming lahat ng magyakapan ulit sila. hindi na naman namin naririnig ang pinaguusapan nila pero nakita naming hinalikan niya sa ulo si Amanda saka na siya unti unting lumayo at kumawala ng yakap kay Amanda. saka na naglakad ulit si Amanda palayo.
"Bye! mamimiss ka namin! ingat!" Sabay sabay naming sigaw. at ng mawala na si Amanda at hindi na namin siya matanaw ay saka na kami isa isang tumalikod at naglakad paalis pero biglang napahinto at napalingon si Milisa at Sam.
"Kuya Seb!" Narinig naming sigaw ni Sam kaya isa isa kaming napalingon sa likuran namin kung saan nakita namin si Seb na nakatayo pa rin duon.
"Seb! iho! ano pang ginagawa mo diyan? tara na!" Sigaw ni ninang sakaniya at saka ito napalingon sa amin at ngumiti at tumango saka na naglakad papunta sa amin habang pinupunasan ang luha niya sa gilid ng mata niya. Pagkalapit naman niya sa amin ay 'agad siyang hinampas ng dalawa sa likuran niya.
"Ayon! si boy! inlababo na nga!" Sigaw ni Jonnathan habang inakbayan si Seb. natawa naman si Seb saka tinulak si Jonnathan.
"Wag ka nga. parang hindi ka eh. Joy Anne. pagsabihan mo nga 'tong boyfriend mo ulopong. nababakla na eh." Sabi naman niya.
"Hindi ako bakla. saka.. hindi pa naman kami ni Joanne kaya hindi niya pa ako boyfriend." Sabi niya. "Pero.. darating din tayo diyan, Joanne myloves." Sabi niya at napairap na lang naman ako sakaniya. nang mapansin ko na nauuna na sila at yung dalawa na magkaakbay pa.
"Pero.. para may nauna na. may isa pang mas inlababo sa ating dalawa." Nakasmirk na sabi ni Seb. nang makita namin sa unahan na nauuna yung dalawa habang magkaakbay.
Nang makaalis na kami sa airport, si Jonnathan ang naghatid sa akin pauwi at Pagdating namin sa bahay, naabutan namin ang parents ko na nagtatalo.
"Ano ba vince? malamang naman na iuuwi ng maayos ni Jonnathan yung anak mo. hindi naman niya 'yon pababayaan." Naabutan naming sabi ni mama.
"Kahit na. kung may tiwala ka sa lalaking yu'n? pwest ako wala. ayokong lumalapit pa si Joy Anne sa pamilyang yu'n." Sabi ni papa.
"Bakit? inaalala mo pa rin ba ang nakaraan sa pagitan niyong tatlo? bakit? mahal mo pa ba siya? kaya ayaw mong makita silang dalawa na magkasama na." Tanong ni mama. first time ko lang ma-encounter ang parents ko na nagaaway ng ganito. at malamang ay na ang past sa pagitan nila papa at ng parents ni Jonnathan ang pinaguusapan nila.
"Joyce? 'yan ba ang tingin mo sa akin?" Tanong ni papa na parang nasaktan siya.
"Minahal mo ba ako? mahal mo ba ako? o baka naman. o baka naman nagsisi ka na nagkaro'n ka ng anak sa akin at hindi sakaniya. na ako yung pinakasalan mo at hindi siya. napilitan ka lang ba? napilitan ka lang ba na pakasalan ako at mahalin ako dahil kasal na tayo at may anak na pero ang totoo. siya pa rin ang mahal mo at ang gusto mong pakasalan." Sabi ni mama. at hinila siya ni papa palapit sakaniya at niyakap.
"Kahit kailan hindi ako nagsisi. wala at hindi ako nagsisi na kayo ang pamilya ko. na ikaw ang asawa ko ngayon at ang pinakasalan ko. Joyce ngayon lang tayo nagaway ng ganito. kahit na nagseselos ka o tayong dalawa sa isa't isa. kahit na may mga pinagseselosan tayong dalawa sa isa't isa. hindi mo tinanong sa akin 'yan. kahit na kailan hindi mo pinagdudahan ang pagmamahal ko sa iyo. hindi mo ako pinagdudahan na may mahal akong iba at na hindi kita mahal. at kung dahil lang dito kaya mo naitanong sa akin ang bagay na 'yan at kaya tayo nagtatalo ng ganito. i'm sorry. wala akong inisip kung hindi ang mapabuti kayo ng anak mo. nagiisa lang nating anak si Joy Anne at bukod pa duon ay unika-iha natin siya. at bilang ako lang ang lalaki sa pamilyang 'to kaya hindi ko hahayaan na malagay kayo sa alanganing sitwasiyon. nagaalala lang ako para sa anak natin. ayoko muna siyang magasawa ng maaga." Sabi ni papa.
"Sira. fifteen year's old lang yung anak natin. nagaaral pa siya at isa pa hindi pa siya graduate. bata pa sila kaya hindi ko rin hahayaan na maagang bibitin ni Jonnathan yung anak natin. pero vince kasi. umiibig na yung anak natin kaya tama lang na hanggang ligaw ligaw lang muna at least masaya yung anak natin." napangiti ako sa sinabi ni mama.
"Ah pero basta! hindi at ayoko pa rin siya para sa anak natin. hindi dahil sa anak siya nilang dalawa kung hindi dahil bata pa sila at ayoko munang magboyfriend at makaasawa ng maaga ang anak natin." Sabi ni papa na nagpawala ng ngiti ko at nagkatinginan na lang kami ni Jonnathan. mukhang hindi pa rin talaga gusto ni papa si Jonnathan.
"Bakit ba kasi ayaw mo sakaniya? dahil ba 'to sakaniya? sakanila?" Tanong pa ni mama.
"Hindi sa ganu'n. pero nagiingat lang kasi ako. ayoko na masaktan lang ang anak natin. ayoko muna siyang umibig. dahil baka masaktan lang siya. katulad ko. marami pang panahon para makahanap siya ng iba at kung siya talaga ang gusto ng anak natin at kung handa siya maghintay at makakapaghintay siya. kahit na anong pigil ko sakanila magiging sila at sila pa rin sa huli. pero sa ngayon ayoko muna siya para sa anak natin dahil baka saktan niya lang ang anak natin." Sabi ni papa.
"Ikaw naman. kung hindi nga talaga natin mapipigilan ang pagmamahalan nila para sa isa't isa. bakit hindi na lang natin sila hayaan? hindi naman natin mapipigilan ang nararamdaman nila para sa isa't isa pero.. crush crush at nagkakagustuhan at ligawan palang naman silang dalawa. kaya wala pa tayong dapat na ika-bahala du'n dahil normal lang naman yu'n sa mga kabataan na nagkakaibig-an." Sabi ulit ni mama.
"Basta ayoko pa rin sakaniya para sa anak natin." Sabi ni papa at natahimik na sila.
"Ahhm.. Jo-Jonnathan. i think you need to go na." Alanganing sabi ko.
"Sa tingin ko nga din. habang hindi pa ako nakikita ng papa mo at habang hindi pa nila tayo napapansin." Mahinang sabi niya at tumango ako at tumango rin siya saka na siya tumalikod. "Bye." Paalam niya saka na naglakad paalis at palabas ng bahay. at 'agad ko na namang sinarado ang pintuan para hindi na nila makita pa si Jonnathan na sumakay na ng kotse at dahilan din para mapatingin na sila sa akin.
"Oh?! anak? kanina ka pa ba diyan? gutom ka na ba? halika. at ipaghahayin na kita." Tawag sa akin ni mama at napatingin ako kay papa na nakatingin sa bintana. tumango na lang naman ako kay mama saka na kami nagpunta sa kusina para kumain. Tahimik lang kaming kumakain ng magsalita si papa.
"Joy Anne? tell me. hinatid ka na naman ba niya kanina?" Seryosong tanong ni papa. kaya napatingin ako sakaniya. hindi ko talaga maintindihan kung bakit ba galit na galit siya at ayaw niya kay Jonnathan. 'di naman niya kasalanan kung yung ex ni papa yung naging magulang at nanay niya. pero ang mas lalong hindi ko maintindihan kung parang apektadong apektado si papa ng malaman niya na 'chen' ang apilyido ni Jonnathan. sana nga lang hindi ko na nalaman na may past sila ng nanay ni Jonnathan para hindi rin ako natutuliro ng ganito.
"Joy anne?" Nabalik ako sa kasalukuyan at nawala sa pagiisip ng malalim ng buong buo ang tinig na tawagin ni papa ang pangalan ko.
"P-po? ahm..." Sabi ko at magsasalita na sana ulit ako ng putulin na niya ang sasabihin ko.
"I'm asking you. i'm your father so you should answer me direcly and direc to my eyes. you should answer me right away. so now? tell me. hinatid ka na naman ba niya kanina?" Galit ng sabi niya.
"Vince? Calm down. you scared you daughter." Madiing bulong at sabi ni mama at napayuko na lang ako. ngayon ko lang nakita na nagalit sa akin si papa ng ganito. sobrang bago ng mga nangyayari para sa akin. una hindi ko malaman kung bakit siya nagkakaganito at kung bakit siya galit na galit sa amin, sa akin at kay Jonnathan? kung bakit at anong dahilan niya para ayawan niya ng ganito si Jonnathan? wala naman kaming ginagawang masama, eh. tapos pangalawa, ngayon ko lang siya nakitang ganito. ngayon ko lang siya nakita galit sa akin at ngayon ko lang din naencounter yung nangyari pagaaway nila ni mama ng dahil sa amin, nang dahil ayaw niya sa amin.
"So-sorry po pa.. and ahm." Sabi ko saka napalunok. "O-opo. hi-hinatid niya lang naman po ako." Sagot ko.
"Sa susunod. ayoko ng makikita pa ang pagmumukha ng lalaking yu'n at pumupunta punta pa siya rito sa pamamahay ko. at simula rin ngayon, ayoko ng nakikita pa kayo at makikita ko pa na magkasama kayo o magkausap." Sabi niya at tumango na lang ako. parang gusto ko na lang maiyak. nawalan na rin ako ng gana at parang hindi ko na malasahan pa ang kinakain namin ngayon. at tanging pagiyak lang ang gusto kong gawin sa ngayon.
Bakit ba parang feeling ko napakaunfair ng tadhana sa amin? kami yung nagkakagustuhan pero parang feeling ko ayaw ng tadhana na maging kami at hindi sang-ayon ang tadhana sa amin. tapos sila at yung mga ibang tao na pilit na pinagsasama at pinagtatagpo pero hindi naman sila sang-ayon sa kagustuhan ng tadhana para sakanila. i just didn't get it. why the destiny is so unfair to us? why my father don't want us for each other?
Matapos at nang mauna na si papa'ng umalis sa harapan ng hapag-kainan, nagpaalam na rin ako kay mama na aakyat na at mauuna na ring umakyat. kahit na parang hindi ko naman talaga nagalaw ang kinakain ko kanina dahil hindi ko iyon malasahan kaya hindi ko din naubos. Pagakyat ko at pagkapasok ko sa kwarto ko, sinarado ko lang ang pintuan ng kwarto ko saka na ako naglakad tungo sa higaan ko at saka nahiga roon at bumaluktot saka nagumpisang umiyak.
Bakit? Simula nung magkakilala kami ngayon ko lang narealize ang isang bagay na napakaimportante. simula nung magkakilala kami parang wala lang siya sa akin hanggang sa maiwan akong magisa ng magdisisyon ang mga kaibigan ko na lumayo at layuan ako pero hindi naman nila iyon intensyon na lumayo at layuan ako at iwan akong magisa at kung hindi dahil lang sa gusto lang nilang makapagisa at para makapagisip isip na din. kaya nung maging magisa ako at akala ko forever na akong magiging magisa at malungkot hanggang sa dumating siya at sinamahan niya ako nung mga panahon na magisa ako at malungkot ako. at habang magkasama kami at habang tumatagal na nakakasama ko siya mas nakikilala ko siya at for all this time. pinapasaya niya lang ako sa tuwing magkasama kaming dalawa. siya ang nagpapasaya sa akin at ang dahilan kung bakit ako masaya pero bakit? bakit? Bakit ngayon inalalayo siya sa akin ng tadhana?
Bakit kung kailan mahal ko na siya saka naman kami pilit na pinaglalayo ng tadhana? bakit kung kailan saka ko nalaman ang totoo kong nararadaman para sakaniya saka naman kami pinaglalayo at pinaghihiwalay ng magulang ko? ni papa? bakit? Bakit kung kailan ayos na kami ng mga kaibigan ko, kung kailan wala na akong dinadalang problema at mabigat sa mga kaibigan ko? saka naman ako nasasaktan ng ganito at nagkakaproblema sa pamilya ko laban sakaniya. sa pagmamahal ko sakaniya at sa pamilya ko.
♡ KINABUKASAN ♡
Panay ang tawag ni Jonnathan sa akin umagang umaga palang. hindi ko naman sinasagot ang mga iyon at hindi rin ako natulog at nakatulog kahit na inaantok na ako dahil sa pagiyak ko kagabi pa. parang sa oras na ipikit ko ang mata ko para matulog kasabay ng pagdilim ng paningin ko ay pagkawala niya rin sa akin. parang pakiramdam ko kahit na anong oras ay ilalayo at ilalayo siya sa akin ng tadhana at ng mga magulang ko at ni papa. at hindi ko na pa muli siya makikita. at nagkulong lang ako sa kwarto ko. nang may naririnig ako nagdo-doorbell at kumakalampag sa gate sa baba. kaya kahit ayoko, inayos ko ang sarili at mukha ko saka bumaba at lumabas ng bahay para pagbuksan ang nagdo-doorbell at kumakalampag duon.
Pagbukas ko palang ng gate, 'agad na bumungad ang mukha niya sa akin na seryosong nakatingin sa mga mata ko. sasaraduhan ko na lang sana ulit yung gate ng pigilan at iharang niya kamay niya roon.
"Hindi mo na nga sinasagot yung text at tawag ko tapos pagsasarduhan mo pa ako." Seryosong sabi niya. tinginan at tinitigan ko lang siya sa mga mata niya ng diretsiyo at ganu'n lang din naman ang ginawa niya habang nakaharang pa rin ang mga kamay niya sa gate at hawak ko pa rin ang gate na handa ng isara iyon sa oras na bitawan na niya iyon. hanggang sa ako na ang unang sumuko.
"Umalis ka na. makakaalis ka na. wala na tayong dapat pang pagusapan." Iwas ang tingin at seryoso pero nanginginig na sabi ko.
"Bakit? ayaw mo na ba akong makita? natapos lang yung pasukan tapos wala na? gan'on? Joy Anne totoong mahal kita at kung kaya ka nagkakaganiyan dahil sa papa mo. handa ako. handa akong harapin siya at ipaglaban ka. alam ko na mga bata pa tayo pero. pero.. mahal kita. handa akong harapin ang mga magulang mo at ipaglaban ka sakanila. handa akong maghintay. hindi naman kita minamadali eh.. Joy Anne. Joy Anne makinig ka sa akin. noong hindi pa tayo magkakilala, hindi ako ganito. hindi ako yung taong nakikita mo na ako kapag kaharap mo noon. kapag kasama kita. kapag ikaw yung kasama ko, kontento na ako basta kasama kita. kaya kahit ngayon lang na isang segundo lang na wala at hindi kita nakakausap nababaliw na ako. dati.. mapaglaro ako sa babae dahil ang tingin ko sa mga babae mahihina at mababaw pero ikaw.. iba ka sakanila. hindi ka basta basta babae lang.. na madaling makuha. dapat kang paghirapan makuha lang." Sabi niya kaya napalingon ako sakaniya at kasabay ng paglingon ko sakaniya ay nagulat ako ng bigla siya humakbang palapit sa akin saka niya ako niyakap.
"Mahal na mahal kita.." Bulong niya pero tinulak ko na siya at nakita ko na umiiyak na siya.
"Umalis ka na. walang namamagitan sa atin kaya walang dapat tapusin dahil wala naman tayong nasimula. kaya layuan mo na ako. makakaalis ka na." Madiing pagtataboy ko sakaniya.
"Ganiyan na lang ba? ganiyan mo na lang ba ako itaboy? ganiyan mo na lang tapusin lahat? pero sige. okay fine. wala naman ngang namamagitan sa atin kaya... madali lang para sa iyo na tapusin na ang lahat. dahil hindi mo naman ako minahal 'diba? pero Joy Anne i'm asking you. i'm asking you for the first time this question? minahal mo ba ako? mahal mo ba ako?" Tanong niya at nakatingin lang siya sa mga mata ko.
Kung alam mo lang... kung alam mo lang.. mahal kita! mahal na kita. mahal kita...
"I'm sorry but no. hindi kita minahal. hindi kita minahal kahit na kailan. kung marunong kang maglaro ng babae i'm sorry but i can do it too. pinaglaruan lang din kita para ipamukha sa iyo mung ga'no kasakit na paglaruan. 'diba masakit? kaya hindi kita mahal." Madiing sabi ko.
"Okay fine. yu'n lang naman yung hinihingi ko, eh. kasi kung mahal mo ako, ipaglalaban kita pero kung hindi mo ako mahal.. pa'no kita ipaglalaban kung ikaw mismo. hindi mo ako mahal. kaya paalam na.. siguro nga karma ko 'to." Sabi niya saka na tumalikod habang umiiyak. nakangiti man siya habang sinasabi niya ang mga salitang yu'n alam ko na sinasaksak naman siya ng mga yu'n dahil alam ko na nasasaktan din siya kagaya ko.
Hindi ko kayang suwayin ang mga magulang ko kaya kahit na masakit. ito ang tama.
♡♡♡
Isang linggo na ang nakakalipas magmula ng itaboy at palayuin ko siya at isang linggo na rin akong umiiyak. iyak lang ako iyak sa loob ng isang linggo na yu'n at panay pa rin ang tawag niya pero matapos din ang isang linggo, hindi na siya tumatawag pa.
hanggang sa...
Gabi na at pauwi na ako galing sa pamamasyal. nagpaalam naman ako kina mama na mamasya muna ako ng aksident ko siyang makita na may kasamang ibang at dalawang babaeng kaakbay palabas ng isang bar. at habang nakatingin ako sakanila, nakita niya rin ako kaya napatigil siya sa paglalakad at kaya napatigil din yung dalawang babaeng kaakbay niya na tumatawa habang nakatingin sakaniya at natigilan sila ng makita ako at mapatingin sila sa akin sa pagtawa nila. pero lumagpas na lang naman ako dahil feeling ko maiiyak na naman ako. bakit kasi nakita ko na naman siya? matapos ang isang linggo magmula ng palayuin ko siya at mangyari yu'n, ngayon ko na lang ulit siya nakita. sumakay na lang naman ako ng taxi para hindi na niya ako makita pa. hanggang sa makauwi ako at pagkauwi ko ay nagakyat na lang naman ako saka na ako natulog.
"Joy Anne.. Joy Anne! lumabas ka diyan! kausapin mo 'ko please!"
Gabi na at alas diyes na ng gabi ng magising ako dahil sa isang sigaw kaya napabangon ako sa kama ko saka bumaba at saka para dumungaw ako sa bintana.
"Joy Anne! please! nagmamakaawa ako sa iyo! lumabas ka diyan! harapin mo ako!" Sigaw niya at napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko ng marinig ko ang pagtunog ng lock nuon at nakita ko na similip duon si mama.
"Can we come in?" Tanong niya at tumango ako at pumasok naman sila. tuloy pa rin siya sa pagsigaw sa labas ng bahay.
"Do you really want to talk to him?" Seryosong tanong ni papa.
"Anak.. hindi mo ba siya gustong makausap?" Tanong ni mama at napatulala ako saka ako naglakad palapit sa kama ko at umupo roon. saka ako umiling.
"I really don't know." Sabi ko saka yumuko at napakagat sa labi ko saka tumingala para mapigilan ang luha ko.
"I know you really want to talk to him. alam mo namang ayoko lang na nakikita kang nasasaktan kaya natakot lang ako na baka saktan ka niya pero.. kung gusto mo talaga siyang makausap. bumaba ka na at kausapin siya." Sabi ni papa kaya napatingin ako sakaniya. lumapit naman siya sa akin saka ako niyakap. "Go na. bumaba ka na at para kausapin siya." Sabi ulit niya habang yakap ako at tumango ako saka pinunasan ang mga luha ko. lumayo na naman si papa saka na ako tumayo at tumakbo na pababa at lumabas ng bahay para pagbuksan siya ng gate. at pagbukas ko palang ng pinto 'agad akong tumakbo sakaniya saka ko siya sinalubong ng yakap at humagulgol na kami.
"I really miss you.." Humahagulgol na sabi niya.
"I really miss you too so much. i'm really sorry." humahagulgol ding sabi ko.
"It's okay. i'm sorry too. and i love you." Sabi niya.
"You don't need to say sorry. and i love you too. i'm sorry because i told that i don't love you but i lied to you. i really love you so much." Sagot ko. "But.. are you still willing to wait me?" Tanong ko saka lumayo sakaniya sa pagkakayakap ko.
"Even i'm drunk right now, my answer is right and i know what i'm saying. and my answer is, yes. i'm still willing to wait you." Nakangiting sabi niya. hinawakan ko ang mukha niya habang siya naman ay nakahawak sa bewang ko at nakangiti kaming pareho sa isa't isa. ang mga ngiti at mata naming nagniningning ay patunay at nagsasabing mahal namin ang isa't isa at masaya kami sa isa't isa.
"I love you." nakangiting sabi niya.
"I love you too." Nakangiting sagot ko naman.
♡ TWO YEAR'S LATER ♡
Graduation na ulit namin at sa wakas! tapos na rin kami ng high school at college na kami sa susunod na pasukan. another dagdag responsibilities na naman 'to sa susunod na pasukan. but.. it's just okay. we can do it! at gabi na ngayon at nasa party kami ngayon dito sa buhay nila dahil ipapakilala na daw niya ako today sa family and friends ng family niya. so ito ako. kinakabahan. at nagsasalita siya sa mic.
"Today. i just want to say thank you to the all of you that came here to night. and to all of you that going to here. i just want to tell all of you and specially to my parents to meet my future.. girlfriend." Sabi niya saka siya naglakad papunta sa table namin at inilahad niya ang kamay niya sa akin at sa harapan ko saka ko naman iyon nakangiting tinanggap at tumayo. dinala niya ako papunta sa stage.
"Mom, Dad. i want to all of you to meet Joy Anne. my future and soon to be as now my girlfriend." He said at napangiti ako sakaniya pero nagulat ako ng lumuhod siya. "Unang una sa lahat. you don't need to worry, Joanne my loves. alam nila 'to. alam na ng mga magulang mo na... that i will ask you to be my... girlfriend? so? sagot mo na lang iniitay ko." Nakangiting sabi niya.
"Joy Anne Kang Lake, will you be my girlfriend?"
Tanong niya. "What if...? hindi ang sagot ko sa iyo. mapapahiya ka lang kaya bakit mo pa 'to ginawa? nakakahiya." nakangiwing bulong ko at nakita ko ang lungkot sa mata niya.
"So your answer is a no? okay fine. at least nasabi, naipakita at alam nila kung gaano kita kamahal para lang ipagsigawan ko yu'n." Malungkot at parang maiiyak na sabi niya saka tumayo at nagpunas ng luha na nangingilid na. napangiti ako dahil ramdam na ramdam ko kung gaano niya ako kamahal para lang umiyak siya ng ganito sa harapan ng maraming tao sa gabing 'to ngayon. "Joy Anne.. masakit man. pero.. ikaw ang nagpabago sa dating ako kung alam mo lang kung ano ako dati. kung sino ako dati. kung gaano ako tarantado at kawalanghiyang anak." Natatawa pero naiiyak na sabi niya. baliw.
"Tumigil ka na nga. may sinabi na bang akong hindi at oo? hindi at wala pa naman akong sinasabing oo o hindi yung sagot ko, noh." Inis na sabi ko at na nagbago kaagad ang ekspresyon ng mukha niya. nagulat siya sa sinabi ko. "Of course yes! my answer is a yes! i love you Jonnathan! i'm your girlfriend now!" Halos mabingin na yata sila sa sigaw ko dahil hanggang sa ngayon at matapos at tapos na akong magsalita ay tahimik pa rin silang lahat pero maya maya din naman ay nagulat at nabingin rin ako sa sigaw nila at ng nagsigaw na rin naman sila at 'agad niya akong niyakap.
"Kiss! kiss!" Hindi ko alam pero parang nahiya ako ng marinig na sumisigaw si mama, ninang at Tita Beth at ganu'n din ang mga kaibigan namin. napatingin naman ako kay papa na seryoso lang na nakatingin sa akin at napatingin din ako kay Tito Icell na nakangiti naman na nakatingin sa direction namin sa stage bago ako napatingin sakaniya.
"Pa'no ba 'yan? parang pabor yata sa akin yung hinihiling ng mga magulang natin at ng mga kaibigan natin." nakapout na sabi niya. ngumuso naman ako para ituro ang direction ni papa pero laking gulat ko ng hawakan niya ang likod ko at hilahin ako palapit sakaniya. todo irit naman sila habang si Tito icell at papa ay ganu'n pa rin ang reaction. lalo na si papa na seryoso pa rin ang mukha at si Tito icell na nakangiti pa rin.
"A-ahh Jo-Jonnathan. si papa.." Kinakabahang sabi ko at napatingin siya kay papa kaya binitawan niya ako at napayuko siya ng kaunti. pero nagulat ako ng hilahin niya ako pababa ng stage. "Jo-Jonnathan wait." Sabi ko at lumapit kami kay papa.
"Ahhm. Tito? gu-gusto lang po sana naming magpaalam. gu-gusto ko lang po sanang ipagpaalam sa inyo si Joy Anne. may pupuntahan lang po kami." Nahihiyang paalam. at nagulat ako sa naging tanong niya pero mas lalo akong nagulat sa naging sagot ni papa sakaniya.
"Sige. since kayo na rin naman ng anak ko at.. ahm. sinagot ka na niya at kayo na. magboyfriend, girlfriend na kayo. boyfriend ka na ng anak ko. girlfriend mo na anak ko. ipinagkakatiwala ko siya sa iyo. ipakakatiwala ko siya sa iyo bilang boyfriend niya at girlfriend mo na siya. ingat mo ang anak ko. iuwi mo ng maaga 'yan sa bahay. sa bahay. namin." Seryoso at buong buo ang tinig na sabi ni papa at tumango lang siya at nagpasalamat kay papa saka niya ako hinila palabas ng bahay nila.
"Jo-Jonnathan sa-saan tayo pupunta?" Nauutal na sabi ko dahil hinihingal na kami dahil sa pagkatakbo palabas ng bahay, mansion nila.
"Basta." Sabi na lang niya at sumakay na lang naman kami ng kotse niya saka na kami pumunta at nakarating sa school. hinila niya lang naman ako sa kung saan habang ako naman ay panay pa rin ang tanong sakaniya kung saan ba talaga kami pupunta?. madilim na at tanging buwan na lang ang nagbibigay liwanag dahil wala na ring mga ilaw ang bukas. Pagakyat namin duon sa rooftop, sumalubong sa akin ang isang napakalamig na simoy ng hangin at kasabay niyon ay ang pagsalubong din sa akin ng mga nagagandahang makukulay na ilaw na nagmumula sa kalangitan. napangiti ako.
"Ang ganda.." Mahinang bulong ko.
"Nagustuhan mo?" Bulong niya at humarap ako sakaniya saka tumango na lang ako. hinawakan niya naman ang mga kamay ko.
"Joy Anne.. i.. really.. really.. love. you. Joy Anne i love you." Mahinang sabi niya.
"I.. love. you. too. i love you." Mahinang sagot at sabi ko rin at nang mapansin ko unti unti siya humahakbang papalapit pa sa akin at inilalapit niya ang mukha niya sa akin at sa mukha ko ay kusa na lang akong napapikit at hinintay ang pagdampi ng labi niya sa labi ko at saka dinama ang bawat paghalik at pagdampi ng labi niya sa labi ko. at paghalik namin sa isa't isa.
Pero maya maya ay nahinto kami sa paghahalikan namin ng huminto siya at kumuha ng hangin.
"I love you.. Joy Anne."
"I love you too.. Jonnathan." Sabi ko habang hawak ko ang mukha niya at hawak naman niya ang kamay ko na nakahawak sa pisngi at mukha niya. Saka niya ulit ako hinalikan at saka ulit kami naghalikan.
Sa buhay mo, sa life nating lahat ng tao sa mundo. hindi ka mabubuhay ng ikaw lang. importante ang pamilya, kaibigan at special someone na nandiyan para sa iyo, para handang tumulong para sa iyo, para gabayan, samahan ka sa mga problema mo. kaya huwag mo silang hayaang mawala sa iyo at habang nandiyan pa sila sa tabi mo pahalagahan at mahalin mo sila.
♡♡♡
"TO BE CONTINUED.. NEXT IS.. SPECIAL CHAPTER: PART TWO"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top