♡ CHAPTER: THREE ♡
♡ Bestfriend ♡
♡ AMANDA'S POINT OF VIEW ♡
Kinabukasan ng umaga, si Joy Anne lang ang sumundo sa akin. alam niyo ba kung bakit ako ang madalas nilang sinusundo? malamang na hindi niyo alam. dahil ako ang pinakatamad pumasok sa amin at dahil pare-pareho kaming walang kasabay kumain. actually kami lang talaga ni Milisa ang madalas hindi nakakasabay kumain ng umagahan at umalis ang mga magulang namin ng bahay. Nasa london kasi ang parents ni Milisa. duon sila nagta-trabaho dahil nanduon ang kumpaniya nila. Ako naman ay nauunang umalis sa akin ang parents ko at si Sam. ewan ko ba pero napakawalang puso ng kapatid kong yu'n. iwanan ga daw ang maganda niyang ate sa pagpasok. buset, eh! at si Joy Anne naman ay siya ang nauunang umalis or minsan naman ay kasabay niyang umaalis sina Tita Joyce at Tito Vince. pero mas gusto niyang sa amin sumabay kumain. wala ring pusong anak yung babaeng yu'n, eh. haha! Joke lang.
Kumain lang naman kami ni Joy Anne saka na kami umalis ng bahay at nasa byahe kami ng biglang sabay na magvibrate ang phone namin na Joy Anne kaya sabay naming kinuha yung phone namin.
GM
Milisa: Guys pasundo.
Nagkatinginan kami ni Joy Anne. "Ah kuya. sa bahay po tayo nina Milisa." Sabi ni Joy Anne sa driver niya. alam naman ng mga driver namin ang bahay ng isa't isa dahil palagi kaming pumupunta sa bahay ng isa't isa.
"Sige po ma'am." Sagot ni kuya kay Joy Anne saka na ito tumango. Pagkadating at pagkahinto palang namin sa tapat ng bahay nina Milisa, naabutan namin si Milisa na nakatayo at naghihintay na sa labas ng bahay nila. kaya 'agad kaming bumaba ni Joy Anne ng kotse.
"Oh! Milisa. Bakit nakauniform ka? papasok ka ba?" Tanong ni Joy Anne.
"Oo. tara na. baka malate pa tayo." Sabi ni Milisa.
"Pero Milisa hindi ka pa magaling." Sabi ko.
"Magaling na ako. kaya ko na. kaya tara na please." Sabi niya.
"Sige na nga. mukhang hindi ka na namin mapipigilan eh." Sabi ni Joy Anne. "Tara na." Sabi niya at tumango ako saka na namin inalalayan si Milisa. papalag pa sana siya pero pinigilan na namin siya. at nang makasakay na kami sa kotse ay umalis na kami.
Pagkatapos ng first class namin, lunch break na kaya nagdiretsiyong pumunta na kami sa restaurant nina mommy ninang para duon maglunch. kumakain na kami ng biglang may lumapit sa table namin.
"Oh! look who's here?! Yah! You all! look who's here? pumasok pa talaga 'tong malanding 'to. if i know she wants to get and seduce Jl to me!" Sigaw ng isang babae na lumapit sa table namin. sobrang lakas ng boses niya kaya lahat ng nasa resto ay nakatingin at nasa direction na ng table namin nakatingin. kitang kita ko na ang pamumula ng mga pisngi niya.
"Sino ka ba, b*tch?" Mahinahon at pabulong na sabi ko. pero nagtatangis na ang mga bagang ko sa sinabi niya.
"Me? b*tch? huh? are you pathetic? or boba?! you! you and friends are b*tch!" Sigaw niya.
"Can you please shut up? wala kaming ginagawa sa iyo?!" Sigaw ni Joy Anne at napatayo na siya.
"Joy Anne." Babala ko.
"Kayo wala. pero 'yang malandi niyong kaibigan. meron! inaagaw lang naman niya sa akin si Jl!" Sigaw niya at sobrang nagtatangis na ang mga bagang niya. "Isa pa kulang pa nga 'yang ginawa ko sakaniya, eh." Sabi niya at napatingin ako kay Milisa.
Pinilit ni Milisa na makatayo kaya napatayo na rin ako. "Kulang pa 'to? wala naman akong ginagawa sa iyo, ah. nanahimik ako rito. kasalanan ko ba na malandi 'yang boyfriend mo, like you? ni-hindi ko alam na may girlfriend na pala siya, eh tapos.. siya 'tong todo pilit sa akin na bigyan ako ng bulaklak. isa pa, sa iyong sa iyo na 'yang malandi mong boyfriend. hindi ko siya inaagaw sa iyo at kasalanan ko ba na.. sadiyang hindi ka lang niya mahal? at na sa akin at ako ang nagustuhan niya at hindi ang katulad mong b*tch?!" Sigaw ni Milisa at 'agad siyang nakatikim ng malakas na sampal at sabunot galing sa babae na 'to.
"Malandi ka! malandi kang babae ka! akin lang siya! naiintindihan mo?! akin lang si Jl!" Sigaw ng babae.
"Edi sa iyong sa iyo na siya! wala akong paki! bitawan mo nga ako!" Sigaw ni Milisa habang sinasabunutan din niya yung babae at pilit naman namin silang inaawat ni Joy Anne. habang yung mga tao naman ay todo lang sa pagvi-video sa nangyayari hanggang sa dumating silang tatlo.
"Tash! ano ba?! tama na!" Sigaw ni Jl na halos mapuputol na yung litid niya sa galit. habang nasa pagitan siya ng dalawa na sina Milisa at yung tinawag niya Tash. at nakaharap siya du'n sa Tash.
"Jl 'diba sabi mo, 'diba sabi mo mahal mo 'ko. pero bakit ngayon, bakit ngayon hindi na?" Nagiiyak iyakan at drama dramahang drama ng babae.
"Tash. i just playing with you!" Sigaw niya sa mukha ng babae.
"No. i'm not believe you. 'diba you're just kidding? you said to me that you'll love me." Paawa pa ng babae.
"Pwede ba kung magdadrama kayo? wag niyo na akong isali pa sa drama niyo dahil hindi ako magaling om-acting, eh. isa pa, sabi na, eh. manloloko at player ka lang din katulad ng mga kaibigan mo!" Sigaw ni Milisa at kahit pipilay pilay siya dahil masakit pa ang binti at paa niya ay naglakad pa rin siya paalis kaya sinundan na lang namin siya.
"Sa'n na naman kaya nagpunta ang babaeng yu'n? Ang hilig hilig niyang palaging magwalk out." Reklamo naman ni Joy Anne habang naglalakad kami para hanapin si Milisa.
"Mabuti pa tawag na lang natin siya." Sabi ko saka ko siya tinawagan pero walang sumasagot. "Walang sumasagot, eh." Sabi ko ulit.
"Tara hanapin na lang natin siya." Sabi ko pa at tumango na lang naman siya saka na kami nagpatuloy sa paglalakad para hanapin na namin si Milisa.
Kinahapunan, labas at uwian na namin. "Guys pwede ba tayong magsleep over sa inyo, Amanda?" Aya ni Milisa.
"Sure." Pagsang-ayon ko.
"Okay. uwi lang muna ako para makapagpaalam ako kina mama at papa. saka para na rin makapagpalit muna ako." Sabi ni Joy Anne.
"Me too. sige guys see you later na lang. bye. una na ako." Nakangiting paalam niya saka na siya naglakad papunta sa car nila. at nakatinginan na lang naman kami ni Joy Anne.
"Amanda... alam mo naki-creepy-han na ako kay Milisa ngayon, ha. yiee. nakakalibot siya. yung ngiti niya. kakaiba, eh. parang bang.. parang bang may kung anong sumanib sakaniya. usually kasi 'diba pagbadtrip siya? matamlay siya. nakakapagtaka lang ngayon na ngumiti siya after ng nangyari sakaniya sa restaurant kanina nina Tita Laira. hmm.. something is wrong." Sabi niya.
"Ewan ko sa iyo. dami mong dada. hay ewan ko. mabuti pa. tara na lang umuwi. sige na bye. mauna na ako sa iyo." Sabi ko saka ko siya iniwan duon at naglakad na ako papunta sa kotse namin saka na ako sumakay at umalis na kami.
♡ KINAGABIHAN ♡
"Ba't ka nga pala biglang nagayang magsleep over dito sa amin?" Tanong ko habang kumakain kami ng chips sa kama ko habang nakadapa. nandito kami ngayon sa kwarto ko.
"May kwento kasi ako sa inyo. Yung babae kanina na nasa restaurant kanina. siya ang may kagagawan ng nangyari sa akin at kung bakit ako may mga pasa at galos sa katawan ngayon. pagaling na naman yung mga sugat ko pero yung mga pasa ko maiitim at masasakit pa rin kaya hirap pa rin akong makalakad. tapos alam niyo ba? na itinapon niya yung phone ko mula sa rooftop nung tumawag kayo. kaya hindi niyo na ako maco-contac. pinagbibintangan niya kasi ako na inagaw ko raw sakaniya yung bwisit na Jl na yu'n. hay nako." Sabi niya. "Kung alam niya lang. kung alam niya lang kung gaano ko kinasusuklaman ngayon 'yang bwisit na lalaking 'yon. hudas siya. pagbabayaran niya ang ginawa niya sa akin. ng dahil sakaniya nakapasa at galos tuloy ako." Reklamo niya pa.
"Hindi na tuloy ako magugustuhan ng hero ko." habol niya pa.
"Hero?" Sabay na takang tanong namin sakaniya ni Joy Anne. "Who's hero?" Tanong ko.
"Si hero. actually, hindi talaga hero ang pangalan niya. ano ba kayo? tawag ko lang sakaniya yung hero dahil wala pa akong lakas ng loob na lapitan siya para tanungin kung anong pangalan niya. pero.. siya yung.. siya yung lalaking nagligtas sa akin mula sa b*tch na babaeng yu'n sa rooftop." Sabi ko at naalala ko yung lalaking nagdala sa amin sakaniya sa clinic.
"Siya.." Tulalang bulong ko sa sarili ko.
"Oo. siya nga." Sabi niya at napatingin ako sakaniya.
"Ah okay. sige tulog na tayo." sabi ko at saka nahiga na.
"Sige ako na lang muna magdadala na nitong mangkok sa baba." Paalam ni Joy Anne.
♡♡♡
Matapos lang ang isang linggo balik na kaagad si Milisa sa dati. Magaling na siyang ng tuluyan. wala na siyang mga pasa at galos.
Lunes na naman ngayon at hindi na naman ako nagtataka at magtataka pa kung nandito na naman sila sa bahay namin at kung kasabay ko na naman silang kumain at kumakain ngayon dahil palagi naman silang nandito at palagi ko naman silang nakakasabay na kumain. Pati hindi na rin ako nagtataka at magtataka pa kung mahinhin na kumakain ngayon si Milisa dahil sanay at palagi na naman siyang mahinhin kumain. Kaya lang ang nakakapagtaka at ang pinagtataka ko lang ngayon ay ang hitsura ni Milisa ngayon.
Ni-pati nga si Joy Anne hindi maalis ang tingin sakaniya. at napapatulala na lang kami sakaniya. ang ganda kasi niya ngayon, eh. naglipstick at nakalipstick kasi siya ngayon, eh. hindi naman kasi kami naglilipstick dahil ayaw namin ng may kulurete sa mukha namin dahil nangangati kami. kaya nakakapanibago lang dahil naglipstick siya at nakalipstick siya ngayon.
"Ba't ganiyan kayo makatingin sa akin? May ginawa ba ako? may nagawa ba akong mali or masama? galit ba kayo sa akin?"
"No. Milisa, ahm ano. hind yu'n. yung mukha mo kasi.. ahm, ano eh."
"Bakit? pangit ba yung lipstick ko? hindi ba bagay sa akin? hindi ba maganda?"
"Ah no. hindi naman. bagay naman sa iyo. ang ganda mo nga, eh. anyway let's go na." Nakangiting aya ko sakanila.
"Ah thank you. sige. tara na." Mahinhing sabi ni Milisa. nagpaalam lang naman ako kay Ate Emerald bago na kami lumabas at umalis.
Pagdating at pagkababa palang namin ng kotse nina Milisa. Bumungad na kaagad sa amin ang mukha ni Jl na naghihintay habang nakasandal sa labas ng kotse niya. saka siya naglakad papalapit sa amin. Napatingin ako sa mukha ni Milisa. at ang kaninang excited at Joyfull niyang mukha ay napalitan na ngayon ng poker face.
"What do you want?" Walang ganang tanong sakaniya ni Milisa na ikinangisi naman niya.
"You know naman diba? kung anong gusto ko at yu'n lang ay ikaw. ikaw lang naman ang gusto ko diba?" Sabi niya. "At saka ang ganda mo. Nga pala teddy bear for you. sana magustuhan mo." Sabi niya ulit saka inabot kay Milisa ang isang light blue teddy bear.
"I don't like. and just please, lubayan mo na nga ako dahil baka mamaya mapahamak at maiscandalo na naman ako ng dahil sa iyo. isa pa, masiyadong maganda ang araw ko ngayon para guluhin mo." Inis na sabi niya saka nilagpasan si Jl at nauna ng pumasok ng school. She's lying. she wants teddy bears. her room is full of teddy bears and stuff toys. mas gusto niya ang teddy bears kaysa sa flowers. mas nagagamit daw kasi ang teddy bears kasi pwede mo daw yakapin ang teddy bears sa gabi kaysa sa flowers na minsan kapag hindi mo nabigyan ng pansin, nalanlanta. parang pagibig lang. hugot diba?!
Saka.. May allergi kasi siya sa mga flowers. kasi pagnakakamoy siya ng amoy ng flowers kahit na mabango pa iyon ay nababahing siya. kaya ayaw niya sa mga bulaklak.
"You? You want teddy bear? if you want? sa iyo na lang na 'to. masasayang lang din kasi 'yan like my feelings for her." Malungkot na sabi niya saka niya inaro sa aming dalawa ni Joy Anne yung teddy bear na light blue color. at aabutin ko na sana iyon ng kunin na iyon ni Joy Anne.
"Thank you dito. sige una na kami sa iyo. pakatatag ka brad." Sabi ni Joy Anne saka niya tinapik sa balikat si Jl na malungkot ang mukha at nakayuko. at tumango na lang naman siya sa amin. at saka na kami naglakad ni Joy Anne papasok ng school.
Pagpasok palang namin ng room nakita na namin kaagad si Milisa na busangot na busangot ang mukha.
"Hey girl! chill up. sige ka papangit ka. sayang lipstick natin today. Parang pagibig lang ni Jl sa iyo." Mahinang bulong na sabi na lang ni Joy Anne yung huli.
"Shut up. narinig kita at baka rin may makarinig sa iyo at pagisipan na naman nila ako ng masama. anyway, alam mo? you're right. Kasi hindi dapat ako nagpapaapekto at hindi ko dapat sinisira ang araw ko ng dahil lang sa lalaking yu'n. masiyado akong masaya ngayon para mabadtrip." Nakangiti ng sabi niya. "Isa pa nagpaganda ako hindi para sakaniya." Sabi niya.
"Uy. inlove siya." Tukso ni Joy Anne.
"Ano ba Joy Anne? Tumahimik ka nga. baka mamaya may makarinig pa sa iyo, eh. pagchismisan na naman nila ako." Sabi naman sakaniya ni Milisa.
"Opo na nga po. quiet na nga po ako." Sabi naman ni Joy Anne saka tumahimik na.
After class, nagpaalam kaagad si Milisa sa amin na mauuna na siya. first time niya na hindi sumama para sumabay sa amin maglunch. at isa pa first time niya rin yu'n na umalis at magpaalam sa amin na aalis siya at hindi sasabay maglunch sa amin.
"Ahm, ah guys. i'm sorry pero.. mauna na ako. may pupuntahan kasi ako saka hindi muna ako makakasabay sa inyong maglunch ngayon. pasensiya na." Paalam niya.
"Huh? Pero Milisa--" Naputol ang sasabihin ni Joy Anne ng magsalita ulit si Milisa.
"I'm really sorry, guys. But hindi talaga ako makakasabay sa inyo ngayon, eh and.. ahm. i need to go. may pupuntahan ako, eh." Sabi niya at magsasalita pa sana si Joy Anne ng pigilan ko na siya at nagsalita ako.
"Okay, fine. we understand. kung may pupuntahan ka talaga? edi puntahan mo na." Sabi ko at tumango siya.
"I'm sorry talaga, guys." Sabi niya saka niya kami hinug. At saka na siya umalis.
"Bakit parang nasasad ako na umalis siya at hindi siya sasabay sa ating maglunch ngayon?" Nakasimangot at malungkot na sabi ni Joy Anne.
"Hayaan na lang natin siya. baka sadiya lang talaga siyang may pupuntahang iba at importante. kaya hindi talaga siya makakasabay sa ating kumain ngayon." Sabi ko at tumango siya. "Tara na lang. kumain na lang tayo sa restaurant nina mommy ninang." Sabi ko saka na kami naglakad paalis.
♡♡♡
Lumipas pa ang mga araw at palagi ng hindi nakakasabay sa aming maglunch at nauuna ng umalis si Milisa.
"Pa'no, guys? sige na, ha. mauna na ako." Sabi niya at bago pa siya makaalis ay pinigilan ko na siya.
"Milisa? may problema ba? galit ka ba sa amin? kaya ba ayaw mo na kaming makasabay maglunch at palagi ka na lang nauunang umalis after ng first class natin ay dahil galit ka sa amin? may nagawa ba kaming masama sa iyo?" Inis na sabi ko. "Kung may nagawa kami sa iyo, sabihin mo. hindi itong ganito na basta basta ka na lang umaalis." Sabi ko pa.
"I'm sorry. i'm not mad at you, guys. ahhm. ang totoo kasi.. is.. palagi ko kasing.. niyaya si.. si.. si Seb na maglunch. kami ang parati magkasabay kumain. kasi.. may gusto ko sakaniya. gusto ko siya. crush ko siya.. kaya i'm so sorry kung hindi ko na kayo napagtutuunan ng pansin at palagi na akong hindi nakakasabay sa inyong maglunch. i am so sorry, guys. sana hindi kayo galit." Nagkatinginan kami ni Joy Anne dahil sa sinabi ni Milisa.
"Who's Seb?" Kunot noong tanong ko.
"Si Seb, si hero. kaibigan siya nung pesteng Jl na 'yon na palaging nang gugulo ng araw at buhay ko at.. yung.. yung lalaking nagligtas sa akin sa rooftop du'n sa babaeng palaging nang gugulo sa atin sa resto nina Tita Laira at yung may kagagawan at dahilan ng nangyari sa akin na kinukwento ko sa inyo." Sabi niya.
"Oh. okay. and we're not mad at you, Milisa. we're just tampo, you know that? of course dapat alam mo yu'n but since sinabi mo na rin sa amin. may konting lang na tampo pa rin kami sa iyo but.. we're supporting you sa kung anong magpapaligaya at nagpapaligaya sa iyo ngayon dahil bestfriend ka namin." Sabi ni Joy Anne.
"Me too. Kahit medyo nainis pa rin ako sa naging dahilan at paliwanag mo at dahil parang kinalimutan mo na kaming mga kaibigan mo at pinagpalit mo na kami sa Seb na 'yan. pero.. katulad nga ng sabi ni Joy Anne at katulad nga ni Joy Anne. sinusupportahan din kita sa kung ano ang magpapaligaya at nagpapaligaya sa iyo ngayon dahil nga bestfriend ka namin." Sabi ko.
"Salamat guys."
"At dapat ang magbe-bestfriend?!" Sigaw ni Joy Anne saka tumayo.
"Wala at hindi dapat nagiiwanan." Sabi ko.
"And..?" Tanong pa niya.
"And.. dapat laging nagdadamayan!" Sigaw naming tatlo.
"Group hug!" Sigaw ko naman saka kami nag group hug.
"So, ano ngayon? Aalis ka na naman ba?" Malungkot na sabi ni Joy Anne.
"Hmm.. hindi. kasi for sure naman na nasa restaurant siya." Sabi niya.
"Huh? du'n kayo kumakain? eh bakit hindi namin kayo nakikita. nagtaka nga kami kasi pareho kayo nawawala. yung dalawa lang kasi yung kumakain sa restaurant ni Tita Laira. tapos yu'n pala kayo na pala ang magkasamang kumakain." Sabi ni Joy Anne.
"Sa Canteen na kasi ako dito sa school umoorder. Tapos pagkatapos kong umorder sa canteen ng pagkain at kakainin namin saka ko siya sinusundo at inaabangan sa classroom niya at aayain at saka ko siya dinadala sa rooftop at du'n ko siya pinapakain. du'n kami kumakain para wala na ring makakita sa amin at sa ganu'n hindi na rin ako maissue. hindi at ayoko naman kasi itigil 'to dahil gusto ko palagi ko siyang kasama at kasabay kumain." Sabi ni Milisa.
"So parang ikaw pa ngayon ang nang liligaw?" Hindi makapaniwalang sabi ko at tumango siya.
"Oo. parang ganu'n na nga ay hindi. mali. sadiya ganu'n nga talaga. ako yung nanliligaw. gusto ko, eh. gusto ko yung ginagawa ko at isa pa, gusto ko siya." Sabi niya. wow! i can't believe na ganito kavocal si Milisa sa sarili niya at sa amin ng feelings niya para sa isang lalaki.
"Tara na. libre ko kayo. para naman makabawi ako sa inyo, noh." Sabi ni Milisa.
"Aba ay dapat laang. tara na nga." Sabi naman ni Joy Anne saka kami nagtawanan at umalis na ng classroom.
Pagkadating namin sa restaurant nina mommy ninang, omorder lang kami at papunta na sana ako sa nakita kong bakanteng table. nang tawagan ako ni Milisa.
"Amanda! Joy Anne. Where did you going there? dito tayo, hoy!" Tawag niya ng mapalingon ako sakaniya. Nakaupo na siya sa tabi nung Seb yata na yu'n sa table nila. at habang nakatayo lang naman si Joy Anne sa gilid ng counter na tila nalilito kung saang direction ba siya pupunta at sasama.
Napatingin ako sa table na nasa harapan ko na kanina ay bakante pa. at na ngayon na ay may mga nakaupo na at hindi na bakante. at sa iba pang upuan pero wala na ring bakante at punuan na rin halos lahat ng table. at nabalik ang tingin ko kay Milisa na nakaupo na sa table nila at kay Joy Anne na halatang naiinip at naguguluhan na kung saan ba siya pupunta at uupo para makakain na siya.
Tumango na lang naman ako kay Joy Anne at ganu'n na lang din naman ang ginawa niya saka na kami sabay na nagtungo sa direction ng table nila. Kami ni Joy Anne ang magkatabi habang si Jl at yung isa naman ang magkatabi. at kaharap nila sina Seb at Milisa na silang makatabi. at nilalagyan ni Milisa ang plato ni Seb ng ulam at habang nakatingin lang naman si Jl sakanila.
Shet! i can't eat. i don't know why but i can't see him like this. i know that the feeling and it's hurt. Yung alam mong nagseselos ka pero alam mo ring wala kang magagawa dahil ayaw niya sa iyo.
"Ano ba Milisa? enough." Seryoso at mahinanong bulong na sita ni Seb na narinig naman namin.
"Excuse me guys." Biglang singhal naman ni Jl saka na umalis.
"Sundan ko lang." Paalam naman ng isa na hindi ko alam ang pangalan saka na siya umalis para sundan si Jl.
"Kumain na lang tayo." Sabi naman ni Joy Anne.
"Nawalan na ako ng gana. kayo na lang. excuse me." Sabi ko saka na umalis.
"Amanda! wait! Amanda! Hoy! Bumalik ka dito! Tss. anyare ba sa mga people?" Rinig ko pang tawag ni Joy Anne sa akin.
"Hayaan na lang muna natin sila." Rinig ko sagot naman ni Milisa.
Dumiretsiyo na lang ako sa next class ko at habang papunta ako sa classroom ko ay napapatulala ako. iniisip ko na sana ako na lang ang mahal niya at ang nagustuhan niya. para the feelings is mutual. mahal ko siya, mahal niya ako. edi sana masaya na kami ngayon at baka nga sinagot ko na siya at kami na. hindi na sana siya nasasaktan at ganu'n din ako.
Pero hindi eh. hindi mutual ang feelings namin para sa isa't isa. i love him but he hates me. i love him but he not loves me. i love him but he loves someone else. and the truth hurts is.. he loves my bestfriend.. and not me.
Siguro dapat ngayon mas lalo ko na dapat itago ang nararamdaman ko para sakaniya. hindi lang dahil ayaw niya sa akin dahil galit siya sa akin. kung hindi dahil ayaw niya sa akin at hindi ako ang mahal niya dahil ang mas mahal na niya ngayon ay ang bestfriend ko. Para na rin hindi na ako masaktan at nasasaktan ng ganito. dapat ko na nga sigurong kalimutan at itago na lang ang nararadaman ko. at the same time, mas makakabuti kung tatanggapin ko na lang hindi siya magiging akin.
Imbis na magtuloy ako sa second class ko, ay nagpunta na lang ako sa labas ng school at naghintay sa parking lot ng taxi para makapunta ng park at saka duon ko ibinuhos ng ibinuhos ang lahat ng nararamdaman ko. Sakto na makulimlim na ang kalangitan pagpunta ko roon at maya maya pa ay sinabayan na rin ako ng malakas na pagbuhos ng ulan.
Maya maya pa ng maramdaman kong mahapdi na ang mata ko sa kakaiyak at nanghihina na rin ako ay saka na ako nagpasiyang umuwi na. Nanghihina akong umuwi sa amin at pagkababa ko ng taxi na sinakyan ko pauwi at papasok na sana ako ng gate ng makakita ako ng wild flower sa tapat ng gate namin. kinuha ko iyon saka ko na binuksan yung gate at saka ako tuluyan ng pumasok sa loob.
"Anak!" Nagaalalang bungad sa akin ni mama. "Saan ka ba nang galing? alalang alala ako sa iyo. Basang basa ka pa. mabuti pa maligo ka na at magbihis. at baka magkasakit ka pa sige na." Utos niya.
"Okay po. sige po, mama. Akyat na po 'ko ma. para na rin po makaligo na ko at makapagpalit na." Sabi ko at tumango lang si mama.
Pagtapos kong maligo, napatingin ako sa bulaklak na nakapatong sa sidetable sa nasa tabi ng kama ko. kinuha ko iyon saka ko binuklat at binasa ang nakasulat sa card na nakadikit duon.
"I'm not good in message letter but i just want to say that.. don't cry. don't cry anymore. i don't like to see you crying.. i don't know why are you crying but it's hurts to me to see you crying. you are so beautiful to cry. i just here for you.. be strong.."
Basa ko at tinginan ko pa ang likod at harap ng card pero walang nakasulat kung kino galing.
kanino naman kaya galing 'to?
♡♡♡
♡ TO BE CONTINUED.. ♡
A/N: Kanino kaya galing yung card letter? hmm.. may hula ba kayo?
Anyway, LEAVE COMMENTS AND VOTES GUYS. LOVE YAH AND I THANK YOU!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top