♡ CHAPTER: SIX ♡

♡ Desperate ♡

♡ AMANDA'S POINT OF VIEW ♡

Naglakad siya papalapit sa akin saka siya unti unti ring umupo sa tabi ko. "Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko. "Sinundan mo ba ako dito?" Tanong ko pa ulit.

"No. dito kasi yung tambayan ko eh." Inosenteng sabi niya.

"Ahh. ahuh! alam ko na! siguro dito ka palaging naninigarilyo, noh? para hindi ka mahuli kasi bibihira lang may tumambay rito." Sabi ko.

"Parang ganu'n na nga." Sabi niya.

"Akala ko pa naman good boy ka compare du'n sa dalawang mga gag*ng yu'n." Sabi ko.

"Pero gusto mo.. yung isa." Sabi niya at natigilan ako. oo. gusto ko nga siya kahit napaka-gag* at babaero niya. wala pa naman siyang gf kaya okay lang kahit na may mga dumikit sakaniya o dikitan niya yung mga babae. pero ang sakit lang kasi parang kakaiba ang nararamdaman niya sa bestfriend ko.

"Tutal mukhang alam mo na rin naman na may gusto ako sakaniya. Alam mo ba..? na simula bata palang gusto ko na siya." Sabi ko. "Kaya lang.. palagi naman siyang galit sa akin kasi ang tingin niya. ang tingin niya sa akin pakialamerang babae. nung grade four to grade seven kasi bago siya pumuntang Japan para duon na magaral. palagi siyang nagbubulakbol. nakikipagsuntukan, bugbugan. at palagi ring may kasamang babae kahit na mga bata pa kami nu'n. isa pa palagi rin siyang late umuwi. kaya bumaba yung grades niya at nakick out siya. kaya sa Japan na siya nagaral. palagi rin siyang nasa video game. buti na nga lang hindi siya nagbibisyo nu'n, eh. ewan ko na lang ngayon. kaya palagi ko siyang sinusumbong kina mommy ninang kaya ang tingin niya sa akin pakialamera. tapos ang tingin niya inaagaw ko sakaniya yung atensyon ng mga magulang niya na para sakaniya. kaya siya napapagalitan kasi ako yung palaging tama at mas mabuting anak para kina mommy ninang. at ngayon nung bumalik siya galing Japan. nagbago siya. nagbibisyo na nga yata siya ngayon eh. pero hindi naman talaga siya nagbago dahil tuloy pa rin siya sa pang-babae niya pero.. nakakalungkot lang na nung bumalik siya tuluyan na niya akong kinalimutan at binura sa alaala at buhay niya. pero sabagay naging parte ba ako ng buhay niya? hindi naman eh. ako lang 'tong assuming masiyado. tapos inakala ko pa na pagbalik niya mawawala na yung galit niya sa akin pero hindi pa pala. tapos nuon palang. gusto ko na siya at nuon palang sila ng dalawa ang mas close sa isa't isa at ako? palagi ako itchapwera sa buhay niya. tapos ngayong bumalik na siya, siya pa din. yung bestfriend ko pa din. yung bestfriend ko pa din yung gusto at mahal na nga yata talaga niya ehh." Sabi ko habang umiiyak na pala ako.

"Shh.. tahan na." Sabi niya saka niya ako hinila palapit sakaniya at inihilig ang ulo ko sa balikat niya.

"Sorry ha. kasi.. sinasabi ko 'to sa iyo kahit na hindi ko naman alam kung bakit ko ba sinasabi 'to sa iyo, eh? at kung gusto o ayaw mo ba na marinig ang kwento ko sa iyo. feeling ko lang kasi talaga sasabog na ako." Sabi ko pa.

"Shh.. tahan na sabi. saka okay lang. at least diba? na labas mo 'yang masakit diyan sa dibdib mo." Sabi niya.

"Mahalaga lang naman kasi talaga siya sa akin, eh. kaya ko siya pinipigilan noon sa mga bagay na ginagawa niya at dahil hindi ko siya mapigilan sinasabi ko na lang kina mommy ninang. para sakaniya naman yung ginagawa ko, eh. kaya ko siya sinusumbong kina mommy ninang. kasi para sa ika-bubuti niya yu'n. para hindi siya mapahamak dahil mahalaga siya sa akin at dahil mahal ko lang naman siya... noon pa.." Sabi ko. "Siya nga lang 'tong bulag at hindi niya ako makita. hindi niya makita yung nararamdaman ko para sakaniya. hindi niya makita yung nilalaman ng puso ko para sakaniya. at hindi niya makita na matagal ko na siyang minamahal." Sabi ko pa.

"Hayaan mo na lang siya..." Sabi niya at saka umiwas ng tingin at tumingin sa ibang direction saka may binulong kaya hindi ko na narinig ang sinabi niya pa.

"Huh? may sinasabi ka pa ba?" Sabi ko saka umalis sa pagkakahilig sa balikat niya at pinunasan na ang luha ko.

"Ahm nothing. are you okay now?" Tanong niya.

"Hmhm." Sagot ko saka tumango.

"Ang totoo.. alam ko kung ano ang nararamdaman mo." Sabi niya saka ngumiti pero halata mo namang pilit. "kasi katulad mo din i love someone too.. but i know that she not loves me too." Sabi niya pa saka siya tumititig sa mata ko kaya bigla naman akong naconscious at napaiwas ako ng tingin sakaniya saka ako tumayo.

"Ah sige ha. una na ako." Sabi ko saka na naglakad paalis. nagdiretsiyo na lang ako sa next class ko.

"Beh! Are you alright? where did you go? What happened to you? bakit bigla ka na lang nagwalk out kanina?" Tanong ni Joy Anne pagkadating ko sa classroom namin at tumango lang ako.

"Ahm wala. Diyan lang. nagpalipas oras. at saka. oo naman. i'm okay now." Sabi ko saka ngumiti ng kaunti. medyo guminhawa na naman yung pakiramdam ko pero maya maya naalala ko na naman yung nangyari.

"Can you be my girlfriend.."

"Can you be my girlfriend.."

"Can you be my girlfriend.."

Tinapik ko na lang naman ang magkabila kong pisngi para mawala na sa isip ko ang bangungot na yu'n. okay sana diba? kung ako yung tinatanong niya nu'n diba? pero ang masakit lang ay... sila na. hay.. mukha wala na talaga akong pagasa pa sakaniya.

Ang late late ko kasi eh.. 'yan tuloy nagtapat na siya sakaniya. hay bwisit! Hanggang maguwian na tulala pa rin ang bata niyo!

"Hoy! Amanda ayos ka lang ba talaga?!" Sigaw sa akin ni Joy Anne habang naglalakad na kami palabas ng gate. Tumango na lang naman ako kahit na hindi ko naman talaga alam kung ayos pa nga ba talaga ako?

"Ma-masama lang siguro yung pakiramdam ko. kaya kailangan ko ng umuwi." Dahilan ko. sana naman lumusot pa diba?

"Hay nako! magsabi ka nga ng totoo sa akin." Sabi niya.

"Anong totoo ang pinasasabi--" Naputol ang sasabihin ko ng papalabas na sana kami ng gate na makita ko sila na magkasama sumakay ng kotse niya.

"Boom! machi bboom bboom! give it to me nananana!" Kanta niya pa with matching dancing pa.

"A-anong boom?" Nauutal na sabi ko saka bigla napaiwas ng tingin ng mawala na ang sasakyan niya.

"Yung kanta ng momoland. bboom bboom ang title. anyway. confirmed. oha! ang bata niyo ay naiinlove na. inlove ka noh. inlove ka.. sa taong.. hindi ka mahal." Parang na naman akong sinaksak sa puso dahil sa sinabi niya.

"Hi-hindi noh. hindi pa ako inlove." Sabi ko.

"Talaga? hindi ka inlove sakaniya?" Tanong pa niya.

"Inlove sakaniya? inlove kanino?" Maang maangan ko.

"Sakaniya.. kay.. JL." Bulong niya at natulala ulit ako.

"Si-sila na noh. ni Milisa. kaya bakit pa ako maiinlove sakaniya eh boyfriend na siya ng bestfriend natin?" Sabi ko.

"Ang puso pag nagmahal walang kasiguraduhan. hindi mo pwedeng piliin ang mamahalin mo. dahil kapag 'yan tumibok sigurado lagot ka na. minsan o madalas pa nga yata eh. eh sa maling tao tumitibok. duon pa sa taong hindi natin pwedeng mahalin dahil may nagmamay-ari na." Sabi niya. "Amanda naiintindihan mo ba ako?" Tanong pa niya.

Sandali akong natigilan sa tanong niya. oo. naiintindihan ko siya. ang gusto niyang iparating at ang gusto niyang sabihin sa sinabi niya at tama siya. hindi ko pwedeng sabihin sa puso ko na wag na lang kasi siya dahil taken na siya. eh anong magagawa ko eh sakaniya tumibok ang puso ko? letche naman kasi 'tong si kupido! sa maling tao pa ako pinana. bwisit!


Pero hindi na dapat. hindi ko na dapat pang hayaan ang puso at ang nararamdaman ko. dahil may nagmamay-ari na ng puso niya.

"Hay. Joy Anne. tara na nga lang. umuwi na lang tayo." Walang gana kong sabi saka na ulit kami nagpatuloy na maglakad papunta sa mga kotse namin saka na kami naghiwalay at sumakay roon.

Paguwi ko, nagpalit lang ako saka ko na tinulungan si Ate Emerald maghanda ng pagkain at pagkatapos naming maghanda sakto namang dumating na si mama.

"Ma! sakto po. kakain na po." Sabi ko.

"Sige. kumain na kayo. hindi pa ako gutom." Malungkot na sabi ni mama. "Sige akyat lang muna ako anak ha. magpapahinga lang muna ako sandali." Matamlay niya sabi at nagkatinginan kami ni Ate Emerald.

"O-okay po. sige ma. pahinga ka na po." Sabi ko at tumango si mama.

"Sige anak ha. akyat na muna ako." Malungkot pa ring sabi ni mama at tinawag ko na naman si Sam para kumain na. at buti naman at hindi na siya nagpasaway pa.

♡ KINABUKASAN ♡

Pagbaba ko ng salas, nakita ko na si Joy Anne sa kusina at hinihintay na ako sa mesa pero nagtaka ako ng makita ko rin si daddy na nakapang bahay pa at hindi pa siya nakasuot ng uniporme niya at habang nagsasandok ng pagkain.

"Dad? what are you doing here? diba po, may pasok ka pa sa work mo?" Tanong ko.

"Oo pero nasabi ko na naman sa lolo mo at sa sekretarya ko na hindi na muna ako makakapasok ngayong araw. dahil may sakit ang mama mo." Sabi ni Dad.

"Po?! May sakit po si mama?" Gulat na tanong ko.

"Oo eh. Kaya kailangan ko muna siyang alagaan. nga pala. kumain na muna kayo ni Joy Anne bago kayo umalis." Sabi pa niya at tumango ako saka ako kumuha ng kakainin namin ni Joy Anne.

"Ah dad. si Ate Emerald po?" Tanong ko.

"Pinag-day off ko muna. tutal naman nandito naman kami ng mama mo sa bahay kaya may magbabantay at tatao naman dito. saka para na rin mapuntahan muna niya sina lola at lolo Joel mo sa coffee shop." Sagot pa ni daddy at tumango na lang ulit ako.

"Sige. akyat na muna ako anak. para mapakain ko na ang mama mo." Sabi pa ulit niya.

"Okay po." Sagot ko saka tumango.

Pagdating namin sa school, napansin ko kaagad ang pagbubulungan na naman ng mga estudiyante habang may tinitingnan sila sa mga phone nila at kinikilig pa sila habang nagtingin duon.

"Amanda look at this, oh." Bulong sa akin ni Joy Anne. at pinakita niya sa akin ang Offcial facebook account ng school. "Kalat na sa lahat ng sosial media accounts and sites ang picture na 'to." Sabi niya at ang nasa picture ay picture ni Jl na nakaluhod at ang sumunod namang picture ay magkayakap sila.

"O.M.G!! i ship this love team. we have a campus love team, lovers and couple. #TheTeenStarCoupleOfTheYear

Goes to.. #JLisa

Milisa Farrah John Leo "JL" Tulentino

Basa ko sa caption na nakatag at mention pa ang mga pangalan nila sa facebook account nila. Kaya bigla na naman ako napatulala at kasabay naman nuon ay ang biglang pagtilian ng mga estudiyante kaya napalingon kami ni Joy Anne sa likuran namin. kung saan nakita ko siyang nakaakbay sakaniya at sabay at magkasama silang naglalakad papasok ng school. habang may mga kumpol ng estudiyante sa harap at likuran nila at tumitili. 'Agad naman lumapit sakanila yung isa at nagala-reporter dahil nagtanong ito sakanila.

"Jl! can you kiss Milisa for us. because we shipping the both of you, eh to each other to be a couple."

"Ahm. you ask Milisa if it's okay to her? and i kiss her but sa chick lang huh. hindi pa kasi kami pwedeng maglips to lips." Malokong sagot niya sa nagtanong.

"Okay. but hm ate Milisa can Jl kiss you. kahit sa chick lang?" Tanong pa ni Ateng haliparot at tumalikod na lang naman ako para hindi ko na makita ang mga susunod pang nakakairitang eksena.

"J-Joy Anne can we go now? naiinitan na kasi ako saka baka mahuli pa tayo sa klase." Sabi ko na lang.

"Talaga ga ba? Pero eh siya sige. tara na at may point ka naman sa isa mo pang palusot. if i know. if i know that you are just je--" Pinutol ko na ang sasabihin niya ng takpan ko na ang bibig niya at hilahin siya paalis sa lugar ng mga kire na yu'n.

Pagpunta at pagpasok palang namin sa classroom, wala pang mga tao kaya umupo na lang naman kami ni Joy Anne. at maya maya naman ay may narinig na naman kaming mga tilian at nakita namin ni Joy Anne sila sa labas kasunod ang milyong milyong mga estudiyante.

"Pa'no? ahhm. see you later sa lunch. hintayin mo na lang ako dito ha. susunduin kita mamaya." Nahihiyang paalam niya at napaiwas ako ng tingin ng magbeso sila sa isa't isa. "Bye." Paalam niya.

"k. bye. see you later." Nakayuko sabi niya at nakayuko lang din siyang pumasok sa loob ng classroom. Natapos ang buong klase na hindi ako makahinga. ang hirap kasi parang ang akward nung feeling mo na nasa tabi mo yung bestfriend mo pero 'di kayo nagpapansinan.

At lalo pa akong hindi makahinga at nakahinga ng maluwag ng sunduin na siya ni Jl at sabay silang umalis ng classroom. hindi naman namin kaklase si Jl, ah pero bakit feeling ko sobrang close na nga talaga nila sa isa't isa. sila na ba talaga?

"Joy Anne tara na." Matamlay na sabi ko at tumango lang naman siya saka na kami lumabas.

"Hoy! Amanda Matthew! Ano na naman bang nangyayari sa iyo? masama na naman din ba 'yang pakiramdam mo o ng puso mo at natutulala ka na naman diyan?"

"Wala. wala lang 'to. wag mo na akong pansinin pero.. may tanong ako. may tanong ako sa iyo. tuluyan na ba talaga tayong kinalimutan ni Milisa?" Tanong ko at saglit siyang natulala at natigilan.

"Hindi ko din alam. mukha masaya na naman siya eh. hayaan na natin." Sagot niya na may malungkot ng mukha. "Ba't mo naman natanong?" Ako naman ngayon ang natigilan.

"Wala. siguro nga talaga masaya na siya. masaya na siya sa piling niya. masaya na sila." Sabi ko na may kirot sa puso ko at natulala na naman ako.

"Tara na nga lang. gutom na ako." Sabi ko na lang saka na kami nagpatuloy sa paglalakad papuntang restaurant nina mommy ninang.

Pagdating palang namin mga tawanan, tilian at kilig na kilig habang kinukuhanan ng mga estudiyanteng nasa restaurant sina Milisa at Jl na.. na nagsusubuan ng pagkain sa isa't isa.

"Ehh ayoko niyan." Parang batang naglalambing sa mga magulang niyang sabi. Patabog ko na lang naman na binuksan yung entrance door ng resto saka na ako patabog ding pumasok sa loob. sinadiya ko talagang sa gitna ng mga hali-parot duon dumaan para epic failed yung kuha ng picture nila sakanilang dalawa. bwisit! natigilan naman sila ng pumasok at nagdiretsiyo lang ako sa counter para umorder.

"Beh. anong klaseng eksena yu'n?" Takang tanong naman ni Joy Anne.

"Wala. wag mo na lang muna akong pansinin." Sabi ko saka inupakan yung chicken na inorder ko pero marinig ko palang ang tawa nila. nagaapoy at nagiinit na ako.

"Haha! Okay lang. at least walang titingin sa iyong iba. ako lang." Rinig ko sabi niya.

"Tse! kumain ka na nga lang diyan. puro ka kalukohan, eh." Sabi naman niya.

"Oo. lukong luko na nga ako. lukong luko na nga ako sa kagandahan mo." Sabi niya pa. at pasimple akong napalingon sakanila sa likod pero bigla akong nasamid ng makita kong sobrang lapit ng mga mukha nila sa isa't isa. kaya napaiwas ako ng tingin.

"Oh? Amanda ayos ka lang?" Nagaalang tanong ni Joy Anne at tumango na lang ako saka ko na inayos ang pagkain ko.

Pagkatapos naming kumain ni Joy Anne, nagdiretsiyo lang kami sa second class namin at buong klase tulala lang ako hanggang sa maguwian na. Pagkauwi ko palang sa bahay, nagdiretsiyo lang ako sa kwarto ko sa taas. at saka ako nagdive sa kama ko at umiyak duon.

Ang sakit. ang sakit sakit na. hindi ko na kaya. hindi pa naman talaga ako sigurado kung sila na pero bakit ang sakit sakit na. hindi ko pa naman talaga alam kung wala na ba talaga akong pagasa sakaniya pero parang wala na nga talaga. mahal na mahal ko siya noon pa. pero ang sakit sakit lang kasi hindi ako yung mahal niya. hindi ako yung kasama niya sa araw araw. hindi ako yung nagpapatawa sakaniya. hindi ako yung nagpapasaya sakaniya. iba ang gumagawa ng lahat ng 'yan sakaniya at hindi ako.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa makatulog na ako.

♡ KINABUKASAN ♡

"Amandaaa!! Amanda Matthew!! Wake up!!" Sigaw na naman niya sa tainga ko.

"Ano ba?! ang ingay ingay mo, eh. kitang natutulog pa yung tao, eh. saka ayoko pang bumangon, noh." Angal ko habang nakataklob ng kumot.

"Yah! Amanda! Bumangot ka na nga diyan. gumising ka na sabi eh! may pasok pa kaya tayo." Sabi niya pa.

"Eh sa ayoko nga, eh! Anong magagawa mo? saka ayoko ring pumasok" Sabi ko.

"Ano bang problema mo?! hoy! bumango ka na nga sabi eh. naman eh." Sigaw pa ulit niya.

"Wala!" sigaw ko ulit.

"Isa! kapag hindi ka pa bumangon diyan. sige ka tatawagin ko sina ninang at ninong. nandiya-diyaan pa sila sa baba." Panakot niya at saka ko na tinangal ang kumot ko na nakataklob sa akin. at nakita ko siyang nakapameywang sa harapan ng kama.

"Ano? babangon ka o hindi? babangon ka ng may pasa o ng kusa? babangon ka o babangon ka?" Sermon niya pa at saka ako bumangon.

"Babangon na nga diba?" Walang ganang sabi ko.

"Babangon ka din naman pala, eh. kailangan ko pa talagang tawagin sina ninang at ninong para lang mapabangon kita." Sabi niya.

Pagbaba namin, naabutan pa namin sina mama at daddy pero paalis na rin sila at nagpaalam lang sila saka na sila umalis ng bahay. bigla tuloy akong nalungkot lalo kasi hindi ko na nakakasabay kumain ang parents ko simula ng magpasukan.

"Beh! ayos ka lang ka lang ba? kanina ka pang nakatulala diyan. hindi mo na nga ginagalaw 'yang pagkain mo, eh. saka.. teka. teka umiyak ka ba kagabi? mugtong mugto 'yang mga mata mo, oh." Sabi ni Joy Anne.

"W-wala 'to. ku-kumain na lang tayo. kumain ka na lang diyan." Malungkot na sabi ko saka sumubo ng pagkain na kinakain ko habang nakatulala.

♡♡♡

Hanggang sa makadating kami sa school at magsimula ang klase, lutang at tulala lang ako. hanggang sa matapos ang klase at kumakain na kami ngayon ni Joy Anne dito sa restaurant nina mommy ninang ng masalita si Joy Anne.

"Hoy. Amanda are you okay? kanina ka pang tulala diyaan, eh." Sabi niya. "Do you have a problem? or something bothering you?" Tanong pa niya.

"Ahm. nothing. i'm sorry." Sabi ko at kakain na lang sana ulit ako ng marinig ko ang tawanan nilang dalawa.

"Haha! Jl! Stop!" Natatawang sigaw niya kaya pasimple akong napalingon at napaharap sakanila bago ako patabog na tumayo.

"Kung hindi kayo kakain?! pwede ba?! wag kayo ditong maglandian! nakakadiri kayo, eh. saka.. nakakawala kayo ng ganang kumain!" Protesta ko at napaupo naman sila ng maayos ng mapansin kong nasa akin na ang lahat ng atensiyon nila at sinisimula na rin nila akong pagbulungan.

"What is her problem? do she have a problem with them?" Rinig ko tanong ng isa sakanila sa kung sino mang kausap at katabi nila.

"I don't know. maybe she's a crazy. or maybe she's a big crazy inlove with Jl. and she's really obsess of him." Sabi naman ng isa.

"And then she's jealous of Milisa. but.. wait. 'Diba, siya yung kaibigan nung Milisa at palaging silang magkasama?" Sabi naman ng isa at gulat siyang napatakip ng bibig.

"Oh! Maybe this a friends love triangle serye. kalove triangle niya yung bestfriend niya." Sabi pa ng isa.

"Can you please shut up!" Sigaw ko at hindi na ako nakapagpigil sa emotion ko kaya nagwalk out na lang ako paalis sa lugar na yu'n saka nagtungo sa rooftop.

Umiyak lang ako ng umiyak duon, ng maya maya ay may marinig akong yabag ng mga paa paakyat ng rooftop. kaya 'agad akong nagtago sa isa sa likod ng mga paso sa garden ng rooftop na malapit. nakita ko si Jl at Milisa na umakyat ng hagdan habang nakapiring si Milisa at inaalalayan siya ni Jl.

"Okay. nandito na tayo." Sabi ni Jl at tinagtag na niya yung piring ni Milisa sa mata.

"Ba-bakit tayo nandito? anong ginagawa natin dito sa rooftop?" Takang tanong niya. tss. maang maangan effect ka pa girl. if i know. gusto niya at malamang na kinikilig kilig na siya sa kaloob looban niya palang.

"Ahhm. may ibibigay kasi ako sa iyo." Kinakabahang tanong niya.

"Ano yu'n?" Tanong niya. tss. if i know. alam naman talaga niya na may suprise sakaniya si Jl. nagmamaang maangan lang siya para hindi mahalata ni Jl na kinikilig na siya. if i know, na kire at hitar din talaga 'tong babaeng 'to. eh parang nuong una nga lang, eh si Seb ang gusto niya tapos ngayon nagpapaligaw na siya kay Jl.

"I know. I know naman na hindi mo ako gusto. pero kahit ganu'n umaasa at aasa pa rin ako na makakayanan mo din akong mahalin pabalik katulad ng pagmamahal ko sa iyo. kaya.. maghihintay ako. hanggang sa sabihin mo sa akin na mahal mo rin ako. Milisa.. i just want to say that.. i'm not give up on you and to my feelings for you. because you are the one at ikaw at ikaw lang ang mahal at mamahalin ko ng ganito sa buong buhay ko." Sabi niya saka may kinuha sa bulsa niya.

"Jl.. Jl hindi ko maipapangako sa iyo, na makakayanan din kitang mahalin." Sabi niya.

"Okay lang naman eh kahit wag kag mangako basta hayaan mo lang ako. hayaan mo ako sa gusto ko. sa gusto kong mahalin ka lang kahit na wala akong kasiguraduhan kung masusuklian mo nga ang bagay na 'to. pero hayaan mo lang ako. hayaan mo lang akong mahalin ka at umasang mamahalin mo din ako." Sabi niya saka na siya pumunta sa likod ni Milisa at saka isinuot sa leeg ni Milisa yung kwintas saka nito niyakap si Milisa sa mula likod.

"I love you Milisa." Rinig kong sabi niya sa tainga ni Milisa. napaupo na lang naman ako sa sahig habang nakatago sa likod ng paso.

Ang sakit. ang sakit sakit. bakit ba kasi siya pa? bakit ba kasi sa dinami-rami ng lalaking pwede kong gustuhin at mahalin sa maling tao pa? sa maling lalaki pa. bakit ba kasi sakaniya pa? Pero.. bakit kasi hindi na lang din ako? bakit hindi na lang kasi ako yung mahalin niya? bakit siya pa? bakit yung bestfriend ko pa? bakit yung taong hindi ka pa mahal yung minahal mo? Sana ako na lang. sana ako na lang ang minahal mo. Kaya.. simula sa araw na 'to. hindi ko na siya kaibigan. kundi kaagaw at kaaway. aagawin ko siya sa iyo. aagawin ko ang dapat na sa akin. aagawin ko sa iyo si Jl.. Milisa. hindi na kita kaibigan simula ngayon. para sa akin hindi na kita kinikilalang kaibigan ngayon dahil kaagaw na kita. para sa akin kaagaw at kaaway na kita! kaagaw kita sa lalaking mahal ko kaya kukunin ko siya sa iyo dahil ako dapat ang mahalin niya at ang mahal niya!!

Wala na ang dating ang ako. wala na si Amanda Matthew na kaibigan mo.. Milisa Farrah. dahil simula ngayon. hindi na kita kilala. hindi na kita kaibigan dahil kaaway at kaagaw na kita. at simula sa araw na 'to. hindi ako magpaparaya. dahil kukunin ko na siya. kukunin ko na sa iyo ang dapat na sa akin. kukunin ko siya sa iyo. kukunin at aagawin ko siya sa ayon.

Akin si JL. akin lang siya!

♡♡♡

♡ TO BE CONTINUED... ♡

A/N: Maybe the epilogue is really nearing. at mabilis lang pong matatapos ang storying ito. mga ilang chapter na lang po. basta ayon. and nalaman niyo na kung bakit galit si Jl kay Amanda but anyway. friendships over na nga ba talaga? let's find out sa nalalapit na pagtatapos ng 'One Sided love story'

LEAVE COMMENTS AND VOTES. THANK YOU AND GODBLESS YOU ALL XOXO

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top