♡ CHAPTER: EIGHT ♡
♡ Bad Plan ♡
♡ AMANDA'S POINT OF VIEW ♡
Ang sunod na palaro ay basketball at mga estudiyanteng lalaki naman ang naglalaro ngayon. habang nakaupo naman kaming mga girls sa mga bleachers at pinapanuod lang sila. Tig-sasampu lang ang myembro ng parehong groupo. At si Jl ang leader ng blue team or group A. habang hindi ko naman kilala ang nasa kabila. at kabilang at kagroupo rin ni Jl sina Jonnathan at Seb. at nanalo naman sila.
Sumunod namang laro ay soccer at this time ay boys at girls na ang maglalaro. sa kasamaang palad ay kateam ko na naman siya at silang dalawa.
"Amanda, right? magkakateam ulit tayo. tayo na lang tatlo nina Rea ang magkakampi ngayon. kahit na magkakateam tayo nina Jl at ng malanding babae na 'yon. sa groupong 'to, kalaban pa rin natin sila. sila ang magkakampi sa larong 'to at ang goal natin ay taluhin ang isa sakanila. which is.. yung malanding babaeng 'yon. siya ang tunay na kalaban natin sa larong 'to. siya ang magiging dahilan ng pagkatalo natin. like she said nung first game. hindi siya marunong ng sports. hindi siya magaling rito. eh may katulong siya ngayon." Bulong ni Tashia na kateam din namin sa game na 'to.
"What do you mean?" Tanong ko.
"What i mean is.. do again what you do ealier." Sabi niya habang nakangiti. "Ano? game?" Tanong niya.
"Game." Sabi ko at nagsmirk. Nagsimula na ang laro. Sinipa ni Tashia papunta sa akin ang bola ng soccer ng puminto na yung coach. at sinipa ko naman iyon papunta kay Milisa.
"Milisa dito!" Sigaw niya pero bago pa niya iyon masipa papunta kay Jl ay tinabig na siya ni Rea at saka sinipa yung soccor ball papunta kay Jl. sinipa naman iyon ni Jl papunta kay Tashia bago niya pinuntahan si Milisa. nagiwas na lang naman ako ng tingin sakanila.
"Are you okay?" Rinig kong tanong niya kay Milisa habang nakatalikod ako.
"Sorry. hindi ko sinasadiya." Hinging tawad naman ni Rea. "Ayos lang ba siya? ayos ka lang ba?" Tanong pa ni Rea at tinawag ko na naman siya.
"Rea!" Sigaw ko saka ko sinipa papunta sakaniya yung bola ng soccer at naigoal naman niya iyon.
"Sabi ko sa iyo, eh. hindi ko kaya. hindi ako magaling sa sports. matatalo lang tayo." Rinig kong sabi niya.
"Okay lang. kaya mo pa ba? kung hindi na. gusto mo? magpapatime out ako para ilabas ka muna nila sa game para makapagpahinga ka." Sabi niya.
"Hindi na. kaya ko naman, eh. susubukan ko na lang." Sabi niya.
"Maglalandian na lang ba kayo diyan, o hahayaan niyo na matalo tayo? kasi kami? ayaw naming matalo, 'diba girls?" Mataray kong sita sakanila.
"Sorry." Hinging tawad niya.
"Round One palang ng game talo na tayo. pa'no na 'yan? Sila nakaka-three points na ang kabila. samantalang tayo, one point palang. ano ba 'yan?" Sabi ni Tashia.
"Nagsorry na nga, diba? ituloy na lang natin." May inis na sabi niya.
"Wag kang mainis, hindi kami may kasalanan dito." Inis na ring sabi ko.
"Bakit sinabi ko bang kayo? Tara na Milisa." Inis na sabi niya.
"Tss." Nasabi ko na lang sa sarili ko saka umihip sa hangin. i'm getting to be piss. For this game, we're lose.
"Kasalanan niya lahat ng 'to, eh. kung hindi dahil sa ka-bobahan mo. hindi tayo matatalo!" Sigaw ko.
"Wag mong isisi lahat sakaniya. hindi lang siya ang naglalaro." Sabi niya.
"Bakit? sino bang hindi marunong maglaro dito, ha?" Sabi ko. "'Diba siya?" Sabi ko pa.
"Marunong ka man o hindi. matatalo't matatalo ka pa rin kung wala sa iyo ang swerte at tiyamba. tiyamba niyo lang naman yung kanina. tiyamba niyo lang yung panalo niyo kanina sa volleyball." Sabi niya.
"Ba't mo ba siyang pinagtatanggol, ha?" Deretsiyang tanong ko sakaniya.
"Dahil mahal ko siya. ano masaya ka na? Nalaman mo na at sinagot ko na ang tanong mo kaya pwede ba? tigilan mo na siya." He said. at natigilan ako sa sinabi niya. "Milisa let's go. lumayo na tayo sakanila." Sabi niya pa saka na niya hinila si Milisa.
"Jl! Jl!" I shout.
♡♡♡
Monday, na ngayon. at tapos na ang first class namin ni Joy Anne at palabas na sana ako ng classroom ng pigilan niya ako.
"Wag mo nga akong hawakan?!" Malakas na sigaw ko sakaniya.
"I'm sorry." Sabi niya habang nakayuko pa. at kung ano namang iki-nalakas ng boses ko ay siya namang iki-nahina ng boses niya. tss. pabebe ang putcha.
"Ano? magsasalita ka ba o hindi? you wasting my precious time." Maarteng sabi ko dahil ayaw niya pa rin na magsalita.
"Yung nangyari nung linggo. i'm sorry. i'm sorry about that." Sabi niya at tumingin na siya sa mata ko.
"Pake ko? i don't care." Sabi ko saka umirap at umalis na naman kami ni Joy Anne. Habang kumakain kami, napansin kong parang malungkot si Joy Anne at hindi niya ginagalaw ang sandae na siyang inorder niya lang.
"Hey! walang kang ganang kumain. parang malungkot ka. may problema ba?" Tanong ko.
"Nothing. wala lang talaga akong gana ngayon. tapos ka na ba kumain? kung tapos ka na, pwede bang tara na lang sa next class natin? gusto ko na kasing umuwi, eh." Matamlay na sabi niya.
"Okay.. sige. are you sure? you're okay? you're not hungry or something?" Nagaalalang tanong ko pa.
"Oo naman. okay ako, noh. tara na lang sa next class natin." Yaya niya at tumango lang ako saka na kami pumunta sa next class namin. natapos lang ang buong maghapon saka na kami naguwian.
♡ KINABUKASAN ♡
Napahinto ako sa pagbaba ng hagdan ng makita ko si Joy Anne kasama si.. Jonnathan? anong ginagawa ng lalaking 'to dito sa pamamahay ko?
"Oh? Joy Anne sino naman itong gwapong binatang ito na kasama mo? ikaw, ha. hindi mo sinasabi kay ninang na may nobyo ka na pala." Sabi ni mama.
"Hindi ko po siya nobyo, ninang." nahihiyang sabi ni Joy Anne at umakbay naman sakaniya si Jonnathan.
"Magiging nobyo palang po, someday." Sabi naman ni Jonnathan. at siniko naman siya ni Joy Anne.
"Magtigil ka nga nakakahiya kina ninang, eh. anyway, ninang, ninong. siya po si Jonnathan. Jonnathan Chen." Pakilala naman ni Joy Anne sakaniya.
"Hi po! ninang, ninong. pabless po." Sabi niya saka nagmano.
"Chen? teka.. anak ka ba ni... ang nanay mo ba ay si... B-beth. Bethanney? Bethanney Song Chen? at ang tatay mo ba ay si.. Icell Chen?" Tanong ni mama na gulat na gulat.
"O-opo. pa'no niyo po.. nalaman? bakit niyo po alam?" Tanong niya at tuluyan na akong bumaba.
"Yung mama mo kasi at papa nitong si Joy Anne may past. magkakakilala na kami noon pa." Sabi ni mama.
"What?" Gulat na tanong ko.
"Po?" Sabay naman nilang sabi.
"Kaya naman pala. kaya naman pala ayaw na ayaw ng papa mo sa akin." Sabi niya.
"May.. past po sila?" 'Di naman makapaniwalang sabi ni Joy Anne.
"Baka naman kaya ayaw ng papa ni Joy Anne sa iyo dahil naalala niya yung ginawa ng mama mo sakaniya dati. o 'di kaya naman. baka ayaw lang ng papa mo, Joy Anne na magselos ulit yung mama mo kay Beth." Sabi ni mama.
"Ano pong kasalanang ginawa ni mama sa papa ni Joy Anne?" Alinlanganing tanong naman niya.
"Crush ni Joyce dati pa si Vince. kaya lang si Vince at Beth pa nu'n. sa pagkakaalam ko, eh naghiwalay at nagbreak si Vince at Beth dahil pinagpalit ni beth si Vince kay Icell nuon. nung nagbreak si Beth at Vince. umalis si Vince tapos hiniwalayan naman ni icell si Beth at niligawan si Joyce. pero nagkagusto at may gusto na pala nuon nung umalis si Vince kay Joyce at yu'n na. naging sila. naging ang mama at papa na ni Joy Anne." Kwento pa ni mama.
"Pero, ha. wag niyong sasabihin sa mga magulang niyo na kinuwento ko sa inyo yung past nila. dahil nako. lagot ako. ayaw na ayaw na nilang balikan yung dati. past na nga daw kasi. past is a past." Sabi naman ni mama.
"Teka ma.. kung.. si.. Milisa ay.. anak ng ex gf ni daddy at may gusto nuon yung mama ni mariecar na si... Tita Isabella sa papa ni Jl, kay daddy ninong at kung.. ex gf naman ng papa ni Joy Anne na si Tito Vince yung mama ni Jonnathan na si Miss Bethanney at kaibigan niyo since high school yung mama ni Seb at anak naman ng kaibigan ni Lola bianca ang daddy niya? ibig sabihin. magkakakilala na kayo noon pa?" Gulat na tanong ko at tumango naman si mama.
"Woah~ what a coincidence?" Bilib namang sabi ni Jonnathan. "Teka po. kilala niyo po yung.. mama at papa ni.. Seb? ibig sabihin po ba.. kilala niyo na po si Seb?" Tanong niya pa.
"Yep. kasyosyo ko kasi at ng tita ko yung kumare ng tita ko na ina ng papa ni Seb tapos kaibigan ko naman yung mama at papa niya at kaklase ko rin nung third year high school kami nung mama niya. kaya palagi siyang pumupunta at dumi-diretsiyo sa coffee shop namin sa calamba paghapon. para puntahan yung mga magulang niya kapag uwian na niya galing school. at dahil alam ko na naiisa pala ng pinapasukan eskwelahan itong si Amanda at Seb. alam ko na kung anong oras na nakauwi ang anak ko." Sabi naman ni mama.
"Oh, eh siya. pumasok na kayo sa school niyo at baka malate pa kayo." Sabi ulit niya.
Gusto ko sanang tanungin si Joy Anne habang bumabyahe kami. kaya lang paano ko ga naman siya matatanong? eh katabi niya sa unahan si Jonnathan. sa passenger seat kasi siya nakaupo, eh habang ako naman ay nasa backseat nakaupo. at si Jonnathan naman ang nagda-drive at kausap niya pa si Jonnthan. hay..
Pagkadating at pagkaparada palang ng kotse sa parking lot ay 'agad ko ng binuksan ang pintuan ng kotse sa backseat at bumaba. habang pinanuod ko naman na bumaba rin si Jonnathan at saka siya umikot para pagbuksan si Joy Anne ng pintuan ng kotse sa passenger seat.
"Thank you." Sabi ni Joy Anne.
"Welcome. let's go?" Tanong niya kay Joy Anne at tumango lang naman si Joy Anne sakaniya saka na sila naunang maglakad. letche parang hindi man lang nila ako napapansin. parang hindi man lang nila napapansin at alam na may kasama pa sila. parang silang may sariling mundo. hmm. i smell something... sweet? yuck! eww. nakakairitang pakinggan ang salitang yu'n. Argh! Bwisit!
After ng first class, sinundo ni Jonnathan si Joy Anne. at habang siya naman ay sinundo niya. ano ba 'yan? parang sa aming tatlo ako na lang ang wala partner. hay bwisit! Kasama naming kumakain si Jonnathan at habang kumakain kami. nagpapasubo pa siya kay Joy Anne na parang bata at na parang walang ibang tao ang nasa paligid nila kung hindi silang dalawa lang at na parang wala ako dito sa harapan nila.
"Kung hindi kayo kakain at kung maglalandian lang kayo sa harapan ko. pwede ba? lumipat na lang kayo ng ibang upuan at table na kayo lang?" Inis na sabi ko.
"Grabe ka beh sa akin, ha. landian talaga? 'di ako nakikipaglandian, noh. 'eto kasi, eh. parang bata. nagpapasubo pa." Sabi ni Joy Anne.
"Bakit tawag mo sakaniya, Beh? bakit sa akin hindi beh ang tawag mo? dapat beh, bebeh, darling, mahal, babe, baby, honey or sweetie? saka.. Amanda, ang sabihin mo lang, bitter ka lang." Punong puno ang bibig na sabi ni Jonnathan.
"Pwede kung magsasalita ka? ubusin mo muna 'yang laman ng bibig mo. ng hindi tumatalsik sa akin 'yang kanin sa bibig mo. yuck eww kadiri ka. hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo ng tamang table manners? yaman yaman mo. walang alam. Isa pa! hindi ako bitter! better lang. Mas better pa nga ako sakaniya, eh." Mahinang sabi ko na lang yung huli pero narinig pa rin niya. Ano ba yung tainga niya? malaki?
"Better sakaniya? kanino naman?" Tanong niya.
"Wala ka na d'on." Mataray na sabi ko. at napatingin siya kay Joy Anne na parang nagtatanong yung mukha niya pero nagkibit lang naman siya ng balikat niya saka kumain na lang ulit.
Matapos naming kumain, dumiretsiyo lang kami sa second class at hinatid na naman siya ni Jonnathan. nakakairita na, ha. bakit ba kasi kasama pa namin 'tong bwisit na 'to? Buong klase, nakinig lang kami ni Joy Anne sa lecture ng teacher namin sa Science. at parang good mood siya today kasi nakangiti pa siya habang nakikinig sa teacher namin.
"Class Dismiss." Maya maya pa, dismissal na at habang nagliligpit kami ng mga gamit namin biglang nagtilian ang mga babae sa labas.
"Joy Anne Lake! hinihanap ka ni Jonnathan!" Sigaw ng isang kaklase ko kay Joy Anne. at tingnan ko naman ang luka at ngiting ngiti ang bruha na aabot na sa mars.
"Sige! paki sabi, wait lang kamo. nagaayos pa ng gamit. hintayin na lang niya ako sa labas ng room. beh! mauna na ako sa iyo, ha!" Masayang sigaw niya saka na tumakbo palabas ng classroom. bwisit! iwanan ba ga daw ako? hmm! sarap murahin nito bwisit na lalaking yuon, eh.
Palabas na sana ako ng gate ng makita ko silang magkayakap sa parking lot. Sandali akong natulala at hindi ko namalayan na may luha na palang pumatak sa pisngi ko. pero maya maya ay natauhan ako at saka ko kinuha ang phone ko sa bag ko saka ko sila kinuhanan ng litrato habang magkayakap silang dalawa.
Matapos ko silang kuhanan ng litrato ay pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at narinig ko na may tumawag sa pangalan ko kaya kaagad kong tinago ang phone ko sa bulsa ko.
"Wait!" Sigaw niya saka siya tumakbo papunta sa akin. "Gusto mo hatid na kita?" Nakangiting Tanong niya pero maya maya ay napansin niya na parang umiyak ako. "Bakit namumula 'yang mga mata mo? umiyak ka ba?" Tanong pa niya.
"Hindi. pabayaan mo na lang ako." Sabi ko saka tumalikod na at nagsimula ng maglakad palayo sakaniya. ng habulin at pigilan niya ako.
"Wait. are you sure? You don't want me to take you home and.. are you sure you are okay? but i think you are not. i'll take you home." Sabi niya at hinila niya ako pero tinabig ko ang kamay niya.
"Ano bang pake mo? ano bang pakialam mo kung umiyak ako? Ano bang pakialam mo kung hindi ako okay?!" Natigilan siya sa sinabi ko. "Bahala ka na nga sa buhay mo." Inis na sabi ko saka lumakad na palabas ng school.
♡ KINABUKASAN ♡
Sinundo lang ako ni Joy Anne sa bahay at kasama na naman niya si Jonnathan na pumunta sa bahay para sunduin ako. at hinatid ulit siya ni Jonnathan sa classroom namin at nang magring na ang bell at lunch break na ay nagpaalam siya kaagad sa akin na mauuna na daw siyang umalis kasama na naman yung bwisit na lalaking yu'n.
"Beh! mauna na ako. mauna na kami sa iyo, ha. may pupuntahan pa kasi kami. bye!" Sigaw niya saka na tumakbo ulit palabas ng classroom.
"Teka Joy Anne! Sa'n kayo--" hahabulin ko pa sana siya pero hinila na niya paalis si Jonnathan at nakaalis na sila. habang naglalakad naman ako sa hallway ng school ay nakasalubong ko sina Tashia, Cecillia, Rea at hindi ko kilala yung isa.
"Hi! Amanda. you want to come with us? you seems like to be alone." Sabi niya.
"Ahhm. Yeah. i'm alone, now and.. can i?" I ask.
"Of course. why not? let's go." Sabi niya at sumunod ako sakanila. sumakay kami ng kotse na parang pagmamay-ari ni Tashia. first time ko magditch.
"Amanda, Are you drinking? " Tanong niya at tumango ako.
"Not really. but.. i tried once already." I answer.
"Oh! How old are you?" Tanong ulit niya.
"14." I answer again.
"Oh! okay! I see. Ahm my handsome driver. can you take us to our family bar." She said to her driver.
"Yes ma princess." Sagot naman ni Kuya saka siya kinindatan ni kuya.
"Why we are here?" Takang tanong ko. pagkadating namin sa family resto bar nila.
"Your age is not qualified to the normally bar. and because my family is the owner of this resto bar. then you can be here." Tumango na lang ako sakaniya saka ako sumunod sakanila ng maglakad na sila papunta sa counter.
"What do you want to drink?" Tanong niya pa ulit.
"Just a glass of blue lemondae juice." Sabi ko habang nakangiti.
"Blue lemondae juice? you don't want to drink a glass of wine, beer or some alcohol?" Tanong niya.
Umiling ako. "Hindi na. baka magalit sa akin sina mama at daddy pagumuwi akong amoy alak o 'di kaya ay lasing." Sabi ko.
"Oh come on. your parents is not here. my family name and our business is so popular but... they can't come here because they haven't an invitation from our family. mga kasyosyo lang ng family namin at ng parents ko ang pwedeng pumunta at magparty dito. at dahil kasama kitang nagpunta dito kaya pinapasok ka at nakapunta ka dito. itong resto bar namin at lahat ng family business namin at ang family namin ay kilala sa buong asia. at ang makakapunta o ang pwede lang pumunta dito ay.. yung mga may invitation galing sa family orders namin." Paliwanag niya.
"Just except to our family business partners. kahit wala ng invitation and it's a little bit of a sip of beer. so.. you can order what you want? go ahead. just order what you want and my treat, my dear darling." Sabi niya pa.
"Ahm.. sige. siguro subukan kong omorder ng isang basong beer at blue lemondae juice." Sabi ko.
"Okay. my favorite handsome bartender! can you give us a shot of glass of a beer and.. give her a glass of blue lemondae juice." Maarteng sabi niya sa bartender nila dito at tinuro ako.
"At your service ma princess." Sagot naman ni kuya saka niya inaro ang kamay niya kay kuya at hinalikan naman iyon ni kuyang bartender saka siya kumindat at umalis na.
"So.. can we start now? i just want to ask. i just want to asking you if do you have a plan already? and what do you think your planing to do now to her?" Tanong niya habang iniikot ikot ang shot glass niya ng maibigay na sa amin nung bartender nila yung order namin.
"Sa tingin ko meron na akong naiisip na plano na gagawin sakaniya. pero.. the problem is... my evidence that i have for now is kulang, hindi kumpleto, hindi sapat at.. may nawawala. and i need to find that first. but i didn't know how and where i should i have to start to find that another evidence that i need to complete my plan." Sagot ko. "But for now. Just let me handle this and find the another evidence that going to complete my plan by my own. and just wait and see i'm going to fell down her." Sabi ko pa saka humikop sa straw ng blue lemondae juice na iniinom ko.
♡♡♡
♡ TO BE CONTINUED..♡
A/N: Sensya na sa mga wrong grammar. alam ko. alam ko na maraming wrong grammar diyan. sensya na sa pagiging masiyado akong trying hard magenglish. anyway, sensya na rin na sa mga typos kung meron man.
Please LEAVE COMMENTS AND VOTES. THANK YOU TO ALL OF YOU FOR THE SOPPORT MY STORY. Last two chapter. *wave* bye!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top