To Fall, To Love, To Hurt

I was so close with my brother very much. He gives me everything that I want even though he want it too.

Hindi rin sya mahigpit sa'kin, katunayan ay sya pa nga ang nag-uudyok sa akin na mag-boyfriend na. So in the end, we're both in a relationship. Ang kaibahan lang naming dalawa ay sya kilala kung sino ang boyfriend ko, ako ay hindi kilala ang girlfriend nya.

Hindi naman na big deal sa akin yun dahil hindi naman pwede na alam ko ang lahat tungkol sa kanya.

Until one day, there's a new guy who transferred in our school.  He's a senior, ka-batch ng kuya ko. Pero hindi naging hadlang yun para sundan at kahumalingan ko ang tulad nya.

Tahimik sya at medyo suplado. Pero hindi mo naman masasabi na masama ang ugali. Sa katunayan ay kapag may nag-aaproach sa kanya ay palagi syang nakangiti.

Kaya naman ng magkaroon ng pagkakataon na makalapit at makausap sya ay sinunggaban ko na. Sa labas iyon ng school at malakas ang ulan kung saan nag-aantay sya ng masasakyan.

"Hi." Pa-cute kong bati.

Tumingin ito sa akin at tipid na ngumiti. Ang pogi. Doon ko nalaman na Theo pala ang pangalan nya. Mabait sya at masarap kausap.

Matapos ang maulan na hapon na iyon ay halos araw-araw na kaming nagkakausap sa loob, o labas man ng paaralan.

Hindi ko napansin nung mga panahon na iyon na nakakalimutan ko na pala ang boyfriend ko. Nakakatawa kasi nung nagkakomprontahan na kaming dalawa ay tinanong ako nito kung may gusto ba daw ako kay Theo.

Nung mga time na yun, ramdam ko na na wala na akong nararamdaman para sa kasintahan. Kasi si Theo, sya na ang mahal ko.

Nagtapos ang relasyon namin at si kuya ang naging sandalan ko. Ayokong sabihin kay Theo kung anong nangyari dahil baka malaman nya na may gusto ako sa kanya. Ayoko din namang sabihin kay kuya na si Theo ang nagugustuhan ko dahil magka-batch lang sila. Ayaw pa naman ni kuya nun.

Isang beses na inaya ako ni Theo na manood ng sine, kilig na kilig ako. Talaga nga namang hindi ako nakatulog ng gabi ding iyon.

Katulad ng inaasahan, masaya ang naging buong araw ko. Hinatid ako nito sa amin. Kinuha ko ang tyempo na yun para malaman ang katotohanan. Ang tunay nyang nararamdaman.

"Theo." Maingat kong pagtawag sa kanya. Nasa loob pa ako ng kotse habang sya ay naghihintay sa akin sa labas na bumaba ako habang hawak pa ang pintuan ng kanyang sasakyan.

Tumaas ang kilay nito at hinintay ang susunod ko pang sasabihin.

Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. Humugot ng malalim na hininga bago nagkalakas ng loob na tanungin sya.

"Anong nararamdaman mo para sa akin?" Halos maputol ang hininga ko ng matanong iyon.

Nang walang makuhang sagot ay tiningnan ko na sya. Blangko ang ekspresyon nito kaya kinabahan ako. Magsasalita na sana ako ng mauna ito sa akin.

"Gusto kita." Mahina nitong sinabi.

Mabilis na tumibok ang puso ko dahil sa kanyang sinabi. Pinagmasdan ko ang gwapo nyang mukha. Halos maiyak pa ako sa sobrang saya. Napatakip ako sa aking bibig dahil hindi ako makapaniwala na gusto nya ako.

"T-talaga?". Utal kong tanong.

Ngumiti ito sa akin. "Gusto kita... bilang kaibigan ko. Kapatid." Maingat nitong sinabi.

Halos matigil ang mundo ko dahil sa sinabi nya. Tumulo ang luha ko at napailing-iling. Anong?

"Jasmine?" Pagtawag ni kuya mula sa loob ng aming bakuran.

Hindi lumingon doon si Theo. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at inayos ang sarile sa takot na baka makita ako ni kuya na umiiyak. Pinanood ako ni Theo.

Bumaba ako ng sasakyan. Hinarap si kuya na ngayon ay binubuksan na ang gate ng aming bahay.

"Ginabi ka na?" Tanong nito sa akin.

Lumapit ako kaagad at hinalikan sya sa pisngi. Hinarap ko si Theo na ngayon ay nakatalikod pa rin sa amin.

"Sinong kasama mo?" Natigil ang sasabihin nito ng tumingin din kung sino ang tinitingnan ko.

"Theo."

"Babe."

Sabay naming sinabi ni kuya. Gulat, at nanlalaki ang mga matang binaling ko ang paningin kay kuya.

"B-babe?" Mahina kong tanong.

Ngumiti ito sa akin at tumango.

"Oo Jasmine. Bakit nga pala kayo magkasama?" Nagtataka nitong tanong sa akin.

Lumapit ito kay Theo kaya silang dalawa narin ang nakaharap sa akin ngayon.

"H-hinatid nya ako kasi biglang nagka-emergency yung ka date ko. N-naawa sa akin." Tumawa pa ako para itago ang sakit na nararamdaman.

"Una na ako sa loob kuya?" Hindi ko na hinintay pa ang pagsang-ayon nya dahil mabilis na akong pumasok sa loob ng bahay. Umiiyak.

Maybe this is the perfect time to give him what's he really want. Hindi yung sya nalang palagi ang nagbibigay ng mga bagay na gusto ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top