Pag-amin
'Everything has an End, don't Waste Time. Use it Wisely.'
PAG-AMIN
Sumasakit ang dibdib ko, at halos hindi na ako makahinga. Halos bilang na lamang ang aking mga hakbang. Ganyan, ganyan ang kalagayan ko nang malaman ko na yung crush ko ay may minamahal nang iba.
Paanong hindi ako iiyak nang ganito, kung sa bawat araw na kasama ko sya noon ay pinaparamdam nya sa akin na, importante ako, mahalaga ako, at higit sa lahat, wala syang ibang gustong umagaw nang atensyon nya kundi ako.
Isang hakbang pa ang nagawa ko at nanginig na ang tuhod ko pati mga kalamnan ko. Habang pinipilit na lumakad ay itinaas ko ang aking mukha upang pigilan ang aking luha na kanina pa nagbabadyang bumaha.
Alam ko naman noon pa na may something na sa kanila nung babaeng minahal nya, kahit na hindi sila nag-uusap. Pero sa paraan nang pagtititigan nilang dalawa, ay alam kong may iba na.
"Ashley!" Isang salita, pero libo-libong emosyon ang bumubuhos sa aking buong sistema kasabay nang ilang patak nang luha. Ganyan, ganyan ang epekto nya sa akin. Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Pinunasan ang mata at ngumiti nang pilit para hindi sya mag-alala.
"Ashley, may problema ba?"
Ano pang saysay nang pagsabi ko nang hindi kung di rin naman sya maniniwala. Kaya sinagot ko sya nang, "Meron." Then I stop. Para pigilan ang aking luha. "Crush kita eh." Pag-amin ko.
Halatang nagulat sya, pero maya-maya lang ay may ngiting kumurba sa kanyang labi. "Talaga?" Di makapaniwalang tanong nya. At dahil sa reaksyon nyang iyon ay may tumulong luha sa aking kanang mata.
Ngunit hindi ko na lamang ito pinansin at ngumiti sa kanya at tinitigan sya sa kanyang mga mata. "Oo. Crush kita. Pero ngayon... Sorry, hindi na." I lied. Biglang bagsak nang kanyang mga balikat at ang paglungkot nang kanyang mukha.
May sasabihin pa sana sya, pero hindi ko na ito tinangka pang pakinggan at umalis na sa kanyang harapan.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top