Never Enough

'The most precious thing you can have is... Family'

Never Enough

"Bunso. Bangon na. May pasok ka pa." Paggising ko sa nakababata kong kapatid.

Kakauwi kolang galing sa trabaho bilang isang sekyu sa isang kompanya. Hindi naman ako nag-aalala dahil may nagbabantay naman sa kapatid ko tuwing gabi. At yun yung tiyuhin namen. Dito sya natutulog kapag gabi. At kakauwi nya lang ngayon.

"Bunso ano ba?" Sabi ko pa habang naghahanda ng kakainin namin.

Ilang sandali pa ay hindi parin bumabangon ang kapatid ko kaya nilapitan ko na ito. "Bunso." Sabay hawak sa noo nito. "Mainit ka ah." Sabi ko kaya naalimpungatan sya.

"Kuya..." Tanging sambit nito sabay ubo. Putlang-putla na ang itsura nito.

"Bunso. Dadalhin kita sa ospital okay? Magliligpit lang ako." Sabi ko sabay tabi ng mga inihain ko. Nang matapos na ay tsaka ko binuhat ang kapatid ko at dinala ito sa malapit na hospital.

"Dok. Dok." Bungad ko pagkapasok ko palang ng hospital.

"Ano pong nangyari sir?" Tanong ng isang nurse sa akin.

"Mataas ang lagnat nya." Sabi ko tsaka nya ako inalalayan papunta sa isang ward. Agad ko namang inihiga doon ang kapatid ko at hinawakan ang mukha nito at hinalikan sa noo.

"Ano bang nangyari? Bat di napansin ni tito na may lagnat ka?"

"Tatawagin kolang po si Dok." Sabi ng nurse tsaka umalis.

"Kuya. Wag mo na kong iiwan."

"Bunso hindi kita iiwan."

"Wag ka nalang magtrabaho kuya. Ikaw nalang ang magbantay sakin. Ayoko na kay tito."

Bigla namang nangunot ang noo ko sa narinig ko. 'Bat ayaw nya kay tito?'

Magsasalita pa sana ako ng bigla namang dumating ang doktor.

Kaagad nitong inasikaso ang kapatid ko samantalang ang nurse naman na kasama nito ay may ibinigay sa akin na form na dapat fill up-an.

Nang matapos na ito ay agad itong humarap sa akin.

"Kaylangan lang nya ng pahinga. Masyado syang napagod. And I think he need more time to rest. Ano bang ginagawa nito sa inyo? Puyat pa ang bata. Dehydrated pa." Mahabang paliwanag nito.

"Dok wala naman po syang ginagawa sa bahay. School lang po sya." Sabi ko ng may labis na pagtataka.

"Pero yun talaga ang dahilan kung bakit sya inaapoy ng lagnat ngayon. Sa ngayon. Reresetahan ko na lamang kayo ng gamot. Wag kalimutang painumin sya sa tamang oras." Sabi pa nito bago nagreseta.

Matapos ng aming usapan ay umalis narin ito. Tumingin naman ako sa aking kapatid na ngayon ay malayo ang tingin at halatang may malalim na iniisip.

"Bunso. May problema ba?" Tanong ko dito pero hindi manlang ako nito nilingon.

Kumuha ako ng isang monoblock at inilapit iyon sa kama nya at saka naupo. Hinaplos ko ang buhok nito at maingat syang tiningnan.

"Bunso. Pwede kang magsabi sakin. May nang-aaway ba sayo sa school? Hindi kaba makatulog dahil sa panonood ng tv ni tito?" Tanong ko dito pero hindi parin ito kumikibo. "Bunso. Magsalita ka naman."

"Walang may kasalanan kuya. Ikaw. Kasalanan mo lahat. Kung hindi mo lang sana ako iniiwan hindi naman ako magkakaganto eh." Umiiyak na sabi nito pero hindi parin ako nililingon.

"Bunso, ano bang pinagsasabi mo? Ginagawa ko yun para satin. Sating dalawa."

"Para satin?" Tanong nito sabay lingon sakin. "Kuya. Naiintindihan kong para satin yun. Ang hindi ko maintindihan bakit ako yung kaylangang mahirapan?"

Kumunot naman ang noo ko sa huli nitong sinabe.

"San ka naghihirap Aldrin?"

"Wala." Deretsong sagot nito sabay iwas ng tingin sakin.

"Bunso! Ano ba talagang problema. Hindi ako manghuhula dito para malaman kung ano yang laman ng utak mo. Kaya pwede ba. Sabihin mona. Kasi nakakabaliw yang pinagsasabi mo."

Muli itong lumingon sa akin. "Malalaman mo namang lahat eh. Kung nandyan kalang. Kung hindi mo ako iniiwan."

"Ano bang klaseng pagpapaintindi ang kaylangan kong gawin sayo para maintindihan mo na kaylangan kong magtrabaho at umalis ng bahay para sayo. Para makapag-aral ka. Para may makain ka. Hindi pa ba sapat yun? Kulang paba?"

"Oo kuya. Kulang na kulang. Kasi kung sapat. Bat ako nandito? Bat nakahiga ako dito?" Sabi nya pa na tinuturo ang kinahihigaan. "Hindi yung perang kinikita mo ang kaylangan ko. Kundi ikaw. Ikaw mismo. Kase ikaw nalang yung meron ako kuya. At gusto kong ikaw mismo yung nagbabantay sakin para ligtas ako. Para maging masaya ako." Lumuluhang saad nito.

"Bunso." Tanging naiusal ko nalang sabay yakap sa kanya habang patuloy narin sa pagtulo ang aking luha. Yumakap din ito sa akin.

"Bunso. Sabihin mo. Anong nangyayari?"

Sunod-sunod naman ang naging pag-iling nito. Kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagyakap sa kanya.

"Si tito. Si tito kuya..."

"Ano? Anong ginagawa nya sayo?"

"Tinutusok nya yung t*t* nya sa pwet ko."

Pagkasabing-pagkasabi nya nun ay agad na kumuyom ang kamao ko. Niyakap ko na lamang ng mahigpit ang kapatid ko. Dahil ayokong iwan sya mag-isa dito sa hospital. At ipinangako ko narin sa kanya na hindi ko na sya iiwan.

Matapos ang buong araw namin sa hospital ay pinalabas narin kami dahil medyo umigi narin kase ang pakiramdam ng kapatid ko. Halos maubos yung natitirang pera na natira sa sinahod ko nung huling buwan.

Bago kami umuwe sa inuupahan naming bahay ay dumeretso na muna kami sa pulis at inireport ang kahayupang ginawa ng tito ko sa kapatid ko. Kaya habang papauwe ay kasama na namin ang mga pulis para arestuhin ang tito ko.

Naabutan namin ito sa tapat ng kanilang bahay na kainuman ang mga kumpare nya. Agad na napalingon ang mga ito sa pagdating namin. At nagulat pa si tito ng makitang kami ang bumaba doon.

Buhat-buhat ko ang kapatid ko papalapit sa kanya. Nagtatanong ang itsura nito. Dahan-dahan kong ibinaba ang kapatid ko.

"Kian Montiagodo. Inaaresto ka nami  sa kasong panggagahasa sa iyong pamangkin na si Aldrin Solis."

"Hayop ka." Sabi ko sabay sugod sa kanya at binigyan sya ng isang malakas na suntok.

Agad naman akong inawat ng mga pulis kaya hindi ko na ito nalapitan pa.

"Pinagkatiwalaan kita. Yun pala demonyo kang manyakis ka."

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo Andrei. Nakakahiya."

"Dapat lang na mahiya ka. Dahil hayop ka. Ang isang maton na kagaya mo. Bading pala."

Matapos ng sagutan namin ay tuluyan na nilang nadala si tito sa presinto at wala naring nagawa ang asawa nito. Kundi sundan ito doon.

Matapos ang lahat ng nangyari ay hindi na ako bumalik pa sa trabaho ko. Kundi nag-apply nalang ako bilang isang school guard sa school na pinapasukan ng kapatid ko.

Maliit man ang sweldo pero. Mas ayos narin to. Nababantayan ko ang kapatid ko. At nasisigurong malayo sya sa kapahamakan. At mapagsamantalang tao.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top