Kiss in the Night Sky
'Love will always find it's way back'
Kiss in the Night Sky
Nandito ako ngayon sa rooftop ng aming bahay at ninanamnam ang lamig ng simoy ng hangin. Dumadampi pa sa aking balat ang kakaunting init ng papalubog na araw.
Nagpupunta ako palagi dito ng ganitong oras, kasi alam ko na dito kolang ulit mararamdaman ang presensya ng taong mahal ko.
"Alam mo ang ganda ng araw. Kasing ganda mo." Napalingon ako sa aking tabi ng may marinig akong nag salita. Isang lalaki na nakayakap sa isang babae, magkahawak pa ang dalawang kamay. Pareho silang nakatingin sa papalubog ng araw.
Napangiti na lamang ako kasabay ng pagpatak ng aking luha.
"Hmm. Bolero ka talaga."
"Hala! Kaylan kita niloko. Alam mo namang di ko kayang gawin yun sayo."
"Tumigil ka nga. Kinikilig ako sayo eh."
"Ayos lang naman na kiligin ka, basta para sakin."
Nagkangitian na lamang silang dalawa sa isat-isa at para bang silang dalawa nalang ang naninirahan sa mundo.
Naalis lamang ang aking paningin sa kanilang dalawa ng may marinig akong dalawang taong umiiyak sa kabila kong gilid. Naka wheel chair ang lalaki. Habang nasa likod naman ang babae.
"Abegail. Please. Tumingin kana sakin oh."
"Ayoko Josh. Hindi ko kaya."
"Abegail last nato. Alam mo naman yun diba. Ayaw mo ba kong makita sa huling pagkakataon?"
"Gusto. Gustong-gusto. Pero hindi sa ganitong paraan. Ayokong ako ang makakakita ng pagkawala mo."
"Abegail. I'll promise you. Babalikan kita. Araw-araw kitang babalikan dito."
"You promised?"
"I'll promise."
Dahan-dahang lumapit sa harapan ng lalake ang babae at lumuhod sa harapan nito habang lumuluha ang mga mata. Hinawakan nito ang kamay ng lalake at hinalikan.
"I love you." Sabay yakap sa lalaki.
"I love you more. Goodbye my Love." Pagkatapos sabihin iyon ng lalaki ay kasabay noon ang pagbagsak ng kanyang mga kamay. At kasunod noon ang hindi na mapigil na paghagulhol ng babae.
Napaiyak narin ako sa mga nakikita ko. Kaya tumingin nalang ulit ako sa araw na ngayon ay nakalubog na. Tanging ilaw na lamang ng mga building ang makikita.
Ilang sandali pa ay may yumakap mula sa likuran ko. At isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg.
"Umiiyak kana naman?"
Tinutupad talaga nya yung mga pangako nya. Napangiti na lamang ako sa aking naisip.
"Hindi na. Nandyan kana eh." Sabi ko sabay harap sa kanya. "I love you."
"I love you more." Sabi nya tsaka tinigigan ako ng matagal. "Sorry."
"Sorry for what."
"Sorry because this will be the last time that we will see each other."
"Why?" Naluluha kong tanong.
"I want you to be free. I want you to love again."
"But..."
"Shh... No buts. If you love me. You will set me free. And you will let yourself love again. I want you to comeback to the reality and love a real man who can protect you and make you happy anytime. I'm just your imagination. I only live on your mind. I love you. But this is the best thing that we can do. I will love you forever, I promised." Then he kissed me on my lips.
And after a few seconds, he fade away.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top