Trails (EXO's Xiumin)
Trails (One Shot)
"Let me TAKE you to my HEART."
-----------------------------
Dear Sabrina,
Sab! Belated Happy Birthday! Alam ko galit ka sa akin kasi hindi ako nakarating sa party mo at hindi ko pa rin naibibigay yung regalo ko sayo. Hindi ko kasi alam kung magugustuhan mo yung ireregalo ko. Nahihiya akong ibigay sayo kasi alam kong mas magaganda at mas mamahalin yung mga ireregalo sayo ng ibang kaibigan mo.
Sorry kung hindi ako nakapunta. May kailangan kasi akong puntahan sa araw na yun. Kung alam mo lang kung gano ko kagusto na pumunta pero mas mahalaga kasi yung bagay na yon eh.
Masaya ba yung party mo? For sure si Tita ang nag-ayos nun eh.Marami bang pagkain? Sayang dapat kasi pumunta ako eh. Alam mo naman ako mukhang pagkain Hahaha.
Sab salamat kasi tinuring mo akong kaibigan kahit na magkaiba tayo ng katayuan sa buhay. Mayaman ka, mahirap lang ako pero lagi kang nandyan para sa akin samantalang ako parang kabute, lulubog-lilitaw. Alam kong marami akong pagkukulang sayo bilang kaibigan kaya Sorry talaga Sabrina.
Siguro ngayong binabasa mo to wala na ako. May isa pa akong Malaking kasalanan sayo. Hindi ko sinabi na may sakit ako. Ayoko kasing kaawaan mo ako. Ayokong maging pabigat sayo. Ikaw pa naman kapag kaya mong tumulong,tutulong at tutulong ka kahit kapalit non ay buhay mo pa. Ayokong mawala ka Sab. Masyado kang mahalaga para sa akin kaya sinarili ko na lang tong sakit ko. Oh bawal umiyak, lalo kang papangit magiging kamukha mo ba si Annabelle sige ka sama mo pa si Maria Leonora Theresa.
Siguro galit na galit ka na sa akin ngayon no? kasi hindi ako sumunod sa pangako natin dati. Ang dami kong sikreto na tinatago sayo Sab, hindi ko kasi talaga kayang sabihin sayo lahat kasi alam ko naraming magbabago kapag nalaman mo.
Ang sama ko no? ang sama sama kong kaibigan. Pero nagpapasalamat pa rin akong binabasa mo to. Kung binasa mo nga XD.
Kapag dumaan yung crush mo wag kang maghahampas ng bigla bigla sa katabi mo. Siguraduhin mo munang kakilala mo yung hahampasin mo. Kapag may assignment ka sa Math paturo ka na lang kay Clark ha. Pagtyagaan mo ng magpaturo sa kanya kahit lagi kang inaasar nun. Maaga ka lagi gumising para di ka na malate at mapagalitan ng teacher mo.
Alagaan mo ang sarili mo. Wag kang kumain ng kumain ng Tattoos ha. Baka kapag nakita kita sa susunod kulay dilaw ka na. Kumain ka ng gulay, kaya ang payat payat mo eh.
Bago matapos tong nobela ko para sayo gusto kong sabihin na napaswerte ko kasi nagkaroon ako ng kaibigan na katulad mo. Yung tinanggap ako bilang ako walang halong pandidiri. Salamat.
Kahit nahihiya ako, gusto kong ibigay sayo yung regalo ko. Alam kong matagal ng tapos ang Birthday mo habang binabasa mo to pero gusto kong malaman mo pa ang isang sikreto ko.
Pumunta ka sa tambayan natin at kunin mo yung flashlight na nakatago sa kahon ko pati yung sulat don. Doon mo malalaman kung anong regalo ko sayo.
Mula sa BestFriend mong gwapo,
Xian Kim XD
Patuloy ang pag-agos ng luha ko hanggang sa matapos kong basahin ang sulat ni Xian para sa akin. Halos hindi na mabasa yung iba sa sobrang dami ng patak ng luha ko. Gusto kong magalit sa kanya pero hindi ko kaya. Alam kong may dahilan ang lahat kaya nya ginawa sa akin ang mga yon. Inaamin ko nagalit ako sa kanya dahil sa hindi nya pagpunta sa birthday ko. Mali ok lang na hindi sya pumunta pero sana binati nya ako, sya lang naman ang gusto kong unang bumati sa akin pero hindi ko sya nakita buong maghapon noong Birthday ko.
Agad akong lumabas ng bahay nila matapos kong mabasa yung sulat nya. Kahit na nanlalabo ang mga paningin ko dahil sa mga luha ko ay ok lang basta malaman ko kung anong regalo nya sa akin. Pakiramdam ko napakahalaga ng regalo nyang yon.
Pagdating ko sa tambayan namin ay pinuntahan ko agad yung kahon nya at kinuha yung flashlight at sulat na sinasabi nya doon.
Hilahin mo yung tali sa puno ng mangga.
Agad akong lumabas ng tambayan matapos kong mabasa ang nakasulat sa papel at pinuntahan yung punong manggang sinasabi nya.
Dahil madilim ay ginamit ko yung flashlight nya. Pagdating ko sa puno ng mangga ay hinanap ko yung tali at hinila iyon.
Biglang nagliwanag ang buong paligid kasabay nun ang pag-ilaw ng mga parisukat na bagay sa lupa. Lumapit ako doon at may nabasa ako.
Follow the Trails.
Inapakan ko yung unang Square at may lumabas na sulat sa kasunod ng square nito na mas nagpa-iyak sa akin.
July 24, 2013
The day when I first met Her.
Yan yung araw na aksidenteng nahampas ko sya sa braso dahil dumaan yung Crush ko. Nagalit sya nun pero tinawanan ko lang sya.
Inapakan ko yung sunod ng square at may lumabas ulit na date sa kabilang square.
Aug. 15, 2013
The day I knew her name.
Yung araw na may meeting ang mga President ng bawat course para sa upcoming events. Kailangan mong i-introduce yung sarili mo.
Inapakan ko yung sumunod.
Sept. 25, 2013
Our first Conversation starts.
Parehas kaming naiiwan sa SC office at wala kaming magawa kaya kung ano-anong pinag-usapan namin.
Patuloy lang ako sa pag-apak sa mga Squares.
Oct. 26, 2013
The day she declared me as her BestFriend.
Kahit na saglit pa lang kaming nagkakilala ay magaaan na yung loob ko sa kanya kaya sinabi kong Bestfriend ko na sya.
Jan. 12, 2014
The first time we fought and the first time I saw her Cry.
May hindi kami pinagkasunduaan bagay kaya nagalit sya sa akin at nataasan nya ako ng boses kaya napaiyak ako.
Feb. 14, 2014
Our first Friendly Date.
Wala kaming magawa noong Valentines kaya kaming dalawa na lang ang nagdate.
May natitira na lang na isang square kaya dahan dahan kong inapakan yun.
Feb. 24, 2014
The day I realized I Love her.
Nagulat ako sa nabasa ko. Hindi ko alam na may gusto sya sa akin.
Sa unahan nung square ay may nakasulat na
Say my name then your name.
"Xi-xian and Sab-brina" nauutal kong sabi kasunod nun ang pagilaw ng isang hugis puso na nakaukit sa puno.
Xian
and
Sabrina
Nakaukit ang mga pangalan namin sa gitna ng puso. Napaupo ako sa kinatatayuan ko.
Hindi ko alam na gagawin nya yung mga sinasabi ko sa kanyang gusto kong maranasan kapag nagkaboyfriend na ako.
Yung kabisado lahat ng importanteng Date sa buhay namin.
at yung iukit ang mga pangalan namin sa isang puno.
Tumayo ako at lumapit sa punong iyon.
"Xi-ian" tawag ko sa pangalan nya.
Patuloy ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko alam. Wala akong alam.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin? nakakainis ka naman eh" sisi ko sa kanya. Hindi ko alam na ganto pala yung nararamdaman nya sa akin. Kung alam ko lang edi sana....
Mas lalo akong napaiyak ng biglang tumugtog yung Paborito naming kanta.
Count on Me by Bruno Mars
If you ever find yourself stuck in the middle of the sea
I'll sail the world to find you
If you ever find yourself lost in the dark and you can't see
I'll be the light to guide you.
Find out what we're made of
When we are called to help our friends in need
You can count on me like one, two, three, I'll be there
And I know when I need it
I can count on you like four, three, two, you'll be there
'Cause that's what friends are supposed to do,
oh yeah , oooooh oooooh , yeah yeah
If you're tossin' and you're turnin' and you just can't fall asleep
I'll sing a song beside you
And if you ever forget how much you really mean to me
Everyday I will remind you
oh oh oh
Find out what we're made of
When we are called to help our friends in need.
Nagulat ako ng tumigil yung kanta at boses nya ang pumalit.
You can count on me like one, two, three, I'll be there
And I know when I need it
Hinanap ko kung saan nanggagaling yung boses nya at nakita ko syang nakaupo sa itaas ng puno.
And I know when I need it
I can count on you like four, three, two, you'll be there
Mas lalo akong napaiyak ng makita ko sya. Akala ko wala na sya pero nandito pa at nakanta sa harapan ko.
'Cause that's what friends are supposed to do,
oh yeah , oooooh oooooh , yeah yeah
Bumaba sya mula sa puno at humarap sa akin. Hinawakan nya yung kamay ko.
You'll always have my shoulder when you cry
I'll never let you go,
Never say goodbye
Hinawakan nya ang pisngi ko at pinunasan yung mga luha ko.
"Bakit ka naiyak?" tanong nya sa akin kaya pinalo ko naman sya.
"Ang dami mo kayang kasalanan sa akin buwisit ka!! Nasan na yung regalo ko?" sabi ko sa kanya habang pinapalo sya pero yinakap nya ako.
"Hindi mo pa nakikita? yung PUSO ko, yun ang regalo ko sayo" bulong nya sa akin kaya napatigil ako sa pagpalo sa kanya at napaiyak ulit.
"Ang pangit no? babawi na lang ako sa susunod" dagdag nya.
"Pano mo nasabing pangit? ikaw ba may birthday ha?" galit na tanong ko sa kanya tsaka humiwalay ng yakap. Pinangungunahan pa ako, eh ako yung may birthday.
"Syempre walang-wala yun sa mga regalo ng mga kai----" masyadong maingay ang bestfriend ko kaya pinatigil ko sya gamit ang labi ko.
"Ang ingay-ingay mo talaga. Tsaka yun ang pinakamaganda sa lahat ng regalong natanggap ko sa buong buhay ko" sabi ko sa kanya pero nakatulala lang sya sa akin.
"Ano tulala ka na lang dyan?" inis na taanong ko sa kanya. Matapos nya akong paiyakin matutulala lang sya sa akin. Nasan ang hustisya pre??
"Hinalikan mo ba talaga ako?" tanong nya kaya umiling ako.
"Hindi anino ko yung humalik sayo tsaka bakit kita hahalikan ha? Boyfriend NA ba kita?" tanong ko sa kanya. Nakita kong lumaki ang mga singkit nyang mata.
"Na?" takang tanong nya.
"Oo, di ba regalo mo sa akin yung puso mo, kaya ibibigay ko na lang din sayo ang puso ko para patas tayo." sagot ko sa kanya kaya napangiti sya.
"Ibig bang sabihin tayo na?" masayang tanong nya. Kumunot naman ang noo ko.
"Matapos mo akong paiyakin kasi akala ko wala ka tapos ngayon tayo na agad? Ano ka chicks? Manligaw ka muna" sagot ko sa kanya tapos niyakap nya ulit ako.
"Sus yun lang pala eh kayang-kayang" sabi nya sa akin. Yabang talaga netong lalaking to.
"Yabang basangin ko nguso mo eh" sagot ko sa kanya.
"Oo ba basta gamit nguso mo eh" sagot naman nya kaya pinalo ko sya.
"Manyak ka! Manyak!" sabi ko sa kanya habang pinapalo sya. Napahiwalay sya ng yakap.
"Bakit ikaw nagumpisa ha" asar na tanong nya sa akin.
"I FOUND his HEART by just Following the TRAILS of it"
-----------------------------
Salamat sa cover Bhe ^_^
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top