Run- EXO's Luhan
Run (One-Shot)
"Run With ME?"
----------------------------
"Hyung hindi ba sabi mo titigilan mo na? Ano naman to?" naalimpungatan ako marinig ko ang galit na galit na tanong sa akin ni Suho. Nahuli na naman nya ako nagpapakalasing.
"Hyung naman eh! Ako papagalitan ni Manager hyung kapag nakita kang ganyan na naman!" dagdag nya padabog na ibinaba yung mga papel na hawak nya tsaka pinulot yung mga lata ng alak na ininom ko.
Pupungas-pungas akong bumangon at doon ko naramdaman ang sakit ng ulo ko at pagkahilo.
"Wag kang mag *hik* alala Suho lash na talaga to" hirit ko pero inirapan nya lang ako. Bading ba si Shuho at nag-iirap sya?
"Noong isang araw at noong isang araw mo pa sinasabi yan pero hindi mo naman ginagawa eh! Ni hindi ka na naman nagpractice! Hyung naman, malapit na yung Comeback natin, kelan ka ba aayos?" kung kanina ang taas-taas ng boses nya malumanay na ngayon.
Itinaas ko ang kanang kamay ko na parang nanunumpa.
"Lash na talaga to *hik* magpapractish na rin ako bukash. Sige Shuho pahinga na ako" paalam ko sa kanya saka tumayo at lumabas ng practice room.
Habang hinihintay kong bumukas yung elevator ay ramdam na ramdam ko ang antok kaya muntik na akong matumba. Buti na lang at may umalalay sa akin para hindi ako tuluyang bumagsak.
Pag-angat ko ng tingin ko ay sya na naman kaya inalis ko ang pagkakahawak nya sa akin.
"Ikaw na naman? Shasaeng ka talaga eh no?" tanong ko sa kanya habang pilit na tumatayo ng tuwid.
"What! Sa ganda kong to Sasaeng ang tingin mo sa akin? Wow Lu han ayusin mo ang paggamit ng mga salitang gagamitin mo" mataray na sagot nya sa akin. Muntik uli akong matumba kaya inalalayan na naman nya ako.
"Bitawan mo nga ako, kaya ko!" sabi ko sa kanya kaya binitawan nya ako na naging dahilan ng pagkabagsak ko.
"Yeah right, kaya mo nga!" sarkastikong sabi nya sa akin at muli akong inalalayang tumayo. Narinig ko ang pagbukas ng Elevator tapos nun wala na.
Yna's POV
"Wag ka ngang malikot! Sandali hindi ko makuha yung susi!" reklamo ko dito sa Usang inuwi ko sa bahay ko.. Oyyy bawal Green Minded ha. Kawang-gawa ang tawag dito.
Lasing na lasing ang lalaking ito at hindi ko alam kung saan yung dorm nila dahil hindi naman ako Sasaeng eh.. Slight lang XD.
Oo lagi akong nasa Concert at fansigning event nila pero hanggang dun lang ako no! I still know my Limitations and I know the word PRIVACY.
Ihiniga ko sya sa kama ko at tinanggal yung sapatos nya. Lasing na naman. Panigurado dahil na naman to dun sa Girlfriend nya si Sae Hun.
Nako wag talaga papakita sa akin ng personal yung babaeng yun dahil maghahalo talaga ang Balat sa Tinalupan! Taga nyo yan sa ABS ni D.O!!
A/n: Lol ABS-ent lang ang meron si Dyo!
Ay wala bang Abs si Dyo? Kala ko meron?
A/n: Oo sa panaginip ng author meron XD!
Kumukulo ang dugo ko kapag nakikita ko ang pagmumukha ng babaeng mukhang Transgender na yon!
Pano kakabreak lang nila ni Luhan. Ginamit lang sya ni Sae Hun para mas sumikat yung grupo nila. Eto pa, dahil hindi ako Sasaeng.. Slight lang eh sila daw talaga nung taga kabilang Entertainment. Aba two-timer ang bakla!
Sabi ko nga gusto lang pala nyang sumikat edi sana Tumalon na lang sya ng building, doon sa maraming tao ha! Para instant sikat sya. Hindi yung mananakit pa sya ng ibang tao. Hay Sakit mo Sa bangs Sae Hun!!.
Pumunta ako sa kusina at kumuha ng tubig sa palanggana saka ko inakyat sa kwarto ko.
Inilapag ko muna iyon sa lamesa sa may gilid ng kama tsaka ako kumuha ng bimpo.
Tulog na tulog pa rin si Luhan. Sinimulan ko syang alisan ng damit para mapunasan at mahimasmasan sya.
"Sae Hun, bakit?" nagsasalita sya habang tulog at tinatawag nya si Sae Hun.
Masakit para sa akin yun kasi Fan ako. Hindi ko nga matanggap na sila na pero pinilit ko, tapos ngayong tanggap ko na tsaka nya sasaktan si Luhan! Ano sya chicks?
"Bakit?" paulit-ulit sya sa pagbigkas ng mga salitang yan. Marahil hanggang ngayon ay hindi nya alam ang dahilan ni Sae Hun kung bakit ito nakipaghiwalay.
"Sae Hun, saranghae" bulong nya kasabay nun ang pagtulo ng luha nya. Napatigil ako sa ginagawa ko at pinagmasdan sya.
Bakit kaya sinayang nya ang lalaking pinapangarap ko?
Bakit nya hinayaang umiyak ang isang lalaking walang ibang ginawa kundi ang mahalin sya?
Bakit sya pa at hindi ako?
Nakita kong iminulat nya ang mga mata nya at ngumiti sya.
Yung mga ngiti na naging dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya.
"Sae Hun" tinawag nya ako gamit ang pangalan ng babaeng Mahal nya pero sinaktan sya.
Umupo sya mula sa pagkakahiga at tinignan ako, samantalang hindi ako makagalaw kaya tinignan ko na lang ang bawat galaw nya.
Itinaas nya ang kamay nya at hinawakan ang pisngi ko at hinaplos iyon.
"Bogoshipo, Sae Hun" sabi nya hawak nakahawak pa rin sa pisngi ko. Napangiti ako ng mapait.
Lol. Mukha ba akong bakla para tawagin nya ako sa pangalan yon?
Sasapakin ko sana sya para sa pagtawag nya sa akin ng isinumpa kong pangalan na iyon pero inilapit nya yung mukha nya sa akin at hinalikan ako.
Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya pero napapikit rin ako. Masarap pala sa pakiramdam na halikan ng taong gusto mo.
Inilayo nya ng konti yung mukha sa mukha ko at muling ngumiti.
"Yna, can you RUN with me?" tanong nya. Ikinagulat ko na alam nya ang pangalan ko.
Matagal ako bago nakasagot. Hindi ko alam kung tama yung gagawin ko pero ..
"Of course Luhan any where, I'll RUN with you" sagot ko.
---------------------
Haha ang pangit!
May kasunod po ito!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top